LARAWAN 12

Filipino Sex Stories
41 minutes
"ALBERTOOO!... ISHIEEE!!..."

Kasabay ng pagtawag ng ale sa mga kasamang nasa loob ng bahay ay ang pagguhit ng matatalas na kidlat sa kalangitan. Agad iyong sinundan ng dagundong ng nakabibinging kulog na gumulantang sa paligid at tumabon sa boses ng humihiyaw na babae.

Napayuko ang binata at nag-apurang lumakad palayo sa bahay ng dilag pabalik sa kanyang sasakyan. Pagkasakay doon ay minsan pa niyang tinapunan ng tingin ang nakaawang na bintana upang muling matanaw ang nakasilip na dalaga doon, saka ito tuluyang umalis.

************************

Kaninang umaga habang ginaganap ang misa ay hindi mapakali ang mata ni Trisha. Umaasa na makita si Daniel sa kumpol ng mga taong nagsisimba.

Nabanggit niya kasi sa binata ang lingguhang pagpunta sa malaking simbahan sa may bayan nila.Bagama't alam ni Daniel na maaring kasama ni Trisha ang kasintahan nito sa pagsimba ay nagpahayag pa rin ito na dadalo sa misa para masilayan lamang siya.

Ngunit hanggang sa maglabasan na ang mga tao sa pagtatapos ng banal na pagtitipon ay hindi natanaw ng dalaga kahit anino nito. Alam niyang maling hanapin ang binata samantalang kasama niya ang kanyang kasintahan, ngunit sadyang umasa siya sa sinabi ni Daniel.

Abot din ang silip niya sa kanyang cellphone upang alamin kung nagpadala ba ito ng mensahe. Nangako din kasi ito na magmemessage pagkakuha pa lang ng kanyang numero.

'Bakit naman kasi hindi ko siya pinag-missed call para alam ko na din ang number niya!' inis na turan nito sa sarili sa kanyang isip.

Kagabi pa siya nag-aalala nang magkaharap ang binata at ang kanyang ama. Bagama't di niya naririnig ang pag-uusap ng mga ito ay parang nahulaan na niya kung ano ang sinabi ng kanyang tatay kay Daniel. Kitang-kita niya ang lungkot at pagkadismaya nito sa narinig habang nasa gitna ng malakas na ulan.

"Trisha... Trisha nadinig mo ba ko?"

Natauhan ang dilag sa pagtapik ni Marco sa kanyang braso. Kanina pa pala siya tinatanong nito tungkol sa food tasting na kanilang pinuntahan pagkatapos magsimba.

Wala siya halos matandaan sa mga pinag-usapan nila kanina ng caterers at ng kanilang wedding coordinator. Para siyang robot na tango lang ng tango kung ano man ang mapagkasunduan. Ni hindi nga niya halos nalasahan ang mga pagkaing inihain sa kanila dahil ang isip niya ay kanina pa nakay Daniel.

"Bahala ka na Mey... Marco." wala pa din sa sariling sagot nito sa nobyo.

Napakunot na lang ang noo ng alkalde. Kanina pa niya napapansin na di mapakali ang nobya mula pa sa simbahan. Kahit magkasama sila ay parang hindi man lang niya maramdaman ang presensiya nito.

Nagtataka si Marco sa ikinikilos ng nobya. Sa mga nagdaang araw ay unti-unti na kasi niya itong nakikitaan ng pagkagiliw sa kanya matapos ang namagitan sa kanila nung Lunes. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin ang biglang panlalamig na naman nito.

Tanghali na nang makaalis ang magkasintahan sa opisina ng catering services na nakuha para mag-asikaso sa reception ng kanilang engrandeng kasal. Ngunit mula umaga ay nanatili pa ding balisa ang dalaga na parang wala sa kanyang sarili.

"Dun na tayo sa resthouse didiretso ha... nang makapagrelax ka naman." wika ni Marco nang pagbuksan nito ng pinto ng sasakyan si Trisha.

"Ha?--" Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit naisara na ni Marco ang pinto.

May resthouse ang alkalde sa isang liblib na ibayo malayo sa bayan. Doon ito kadalasang naglalagi tuwing araw ng Linggo upang makapagpahinga. Makailang beses na ding nakabisita doon ang pamilya ni Bert ngunit ngayon lamang maisasama ni Mayor ang kasintahan ng mag-isa lang ito.

Pagkasakay ni Marco ay agad na silang umusad sa daan. Kasunod ng sinasakyang SUV ng magnobyo ang MPV lulan ang dalawang personal bodyguard ni Marco at ang dalawang pulis escort na nakatalaga dito. Magkabuntot nilang tinatahak ang daan patungo sa resthouse ng mayor.

"Pwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay? Masama kasi pakiramdam ko eh." mabilis na pagdadahilan ng dalaga kanina pagka-upo pa lang ng alkalde sa driver's seat.

"Huh?"

Sinalat ni Marco ang kanyang leeg at noo at pinakiramdaman kung mayroon siyang lagnat. Bahagya siyang napaatras sa pagkailang sa hipo ng alkalde dahil baka makahalata ito na nagdadahilan lamang siya at gusto lang niya talagang umuwi nang oras na iyon.

"Hmm... Mukhang normal naman temperature mo ah. Kailangan mo lang marelax... Patawag ko therapist ko para mamasahe ka mamaya." mungkahi nito sa nobya.

Di makapag-isip ang dilag ng maaari pang idahilan sa alkalde. Lalo siyang di mapalagay habang pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan. Habang umuusad sila palayo ay mas lalong lumalabo ang tyansang magkita sila ulit ni Daniel kung di siya makakauwi sa kanila.

Pero paano nga ba sila magkikita gayong di man lang ito nagpaparamdam sa kanya. Kung bakit nga ba kasi di niya nakuha ang numero nito, at muli na naman siyang nakaramdam ng pagkainis sa kanyang sarili.

"Saka namimiss na kita baby ko..." basag ni Marco sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

Kasabay nito ang paghawi sa laylayan ng palda at paghimas sa maputing hita ng dilag. Nagulat si Trisha at napahawak sa kamay na kasalukuyang humihipo sa kanya. Diniinan ang pagkakakapit doon upang sawayin ngunit sadyang ayaw papigil ng sabik na kasintahan.

Kaya naman pala tumanggi ito sa dalawang pulis na ipagmaneho sila at pinalipat ang mga ito sa kabilang sasakyan. Gusto pala ng alkalde na mapagsolo silang dalawa ng nobya habang bumabyahe.

Marahan na lamang ang pagpapatakbo ni Marco dahil nagsanga na ang kalsada at hindi pa sementado and daang kanila nang tinatahak. Madalang pa kasi ang mga residente sa liblib na bahaging iyon. May mga usapin din sa lupang daraanan ng pinaplanong sementadong kalsada na naghihintay pa ng desisyon ng korte.

"Di na nasundan yung nakaraan Trisha... Di mo ba namimiss?"

Halos tuluyan nang mahawi pataas ang kanyang palda dahil sa mapangahas na kamay ni Marco na ngayon ay humihimas na sa kanyang maputing singit. Pilit niyang iniipit ang kanyang mga hita at nakikipaghaltakan sa kamay sa matandang nobyo.

Nagsisimula nang tigasan si Marco madama pa lang ang makinis at malambot na hita ni Trisha na sa tingin niya'y nagpapakipot pa sa oras na iyon. Halos isang linggo na din mula nang makaniig niya ang dilag ngunit di pa rin mawala sa kanyang isip ang sarap ng pakikipagtalik sa kanyang batang nobya.

"Arrrghh... Tama na please!" Nakaramdam na talaga ng tunay na pagkainis ang dalaga nang dakmain ng alkalde ang ibabaw ng kanyang puke.

Samantala sa kasunod na sasakyan lulan ang apat na bantay ng alkalde, nakikiramdam lamang ang dalawang pulis na nakaupo sa likod habang abalang nakikipagpalitan ng mensahe sa kanilang mga kausap sa telepono. Inihahanda ang mga sarili na isakatuparan ang binusising plano.

'Ok sir copy. Malapit na kami sa location.' mensahe nito sa kausap.

"Pasalat lang baby..." Pilit na isinisingit nito ang hinliliit sa ilalim ng manipis na telang tumatabing sa matambok ng pisngi ng hiyas ng dilag.

"AARGHH! I SAID STOP!!"

Napahiyaw na ang dilag sa alkaldeng ayaw papigil sa kalikutan ang kamay. Nagulat si Marco dahil ngayon lang niya narinig na tumaas ang boses ng dalaga. Dama ng alkalde na hindi lang basta nagpapakipot si Trisha sa pagtanggi nito sa gusto niya.

"Seriously?!"

Hindi maitatangi ang pagkainis sa mukha ni Marco nang bawiin nito ang kanang kamay at ibalik iyon sa manibela sabay tapak sa preno. Gulat sa tahasang pagtanggi ng dilag sa kabila ng mga namagitan sa kanila noong nakaraang Lunes. Parang biglang nag-iba ito ng pakikitungo mula pa kaninang umaga nang sunduin niya ito sa kanilang bahay upang magsimba.

Nagtaka ang dalawang pulis sa biglang paghinto ng oto na kanilang sinusundan. Malayo-layo pa ang lokasyon kung saan nakaabang ang mga sasakyan ng mga kasamahan upang isagawa ang planong pag-ipit sa sinasakyan ng alkalde.

"Oh bakit kaya huminto si Mayor?" tanong ng isang bodyguard na siyang nagmamaneho.

"Ewan ko buddy... Baka naglalabing-labing muna hehehe" sagot naman ng isa.

Alerto ang dalawang pulis na nakasakay sa likod. Nakahanda ang mga side arms na nakatutok sa likod ng upuan ng dalawang civilian bodyguards na nakapwesto sa harap.

"Nakikiusap ako Marco! Gusto ko nang umuwi!" pagmamaktol ng dilag sa dismayadong alkalde.

Kanina pa siya naiinis, hindi dahil sa kapangahasan ng kasintahan, kundi dahil sa pag-iisip sa lalaking nakasama niya kahapon. Lumipas ang magdamag hanggang umaga na hindi man lang ito nagpaparamdam. Para bang matapos ang lahat ng inamin at ipinaramdam nito sa kanya ay bigla na naman itong nawala.

Hindi na kumibo si Marco. Kunot-noong kumambiyo at mabilis na ipinihit ang manibela pabalik na tila walang pakialam sa mga lubak sa bilis ng maniobra nito. Kumukutkot sa lupa ang mga gulong ng sasakyan sa bilis ng arangkanda na tila makikipagkarera.

Nagkatinginan na lang ang dalawang pulis nang mabilis na nilagpasan sila ng pabalik na sasakyan ng alkalde. Tinangka pa itong habulin ng nagmamanehong bodyguard ngunit nakalayo na ito agad bago pa man sila makapagmaniobra. Tanging puting alikabok na lamang ang kanilang nakita sa dinaanan ng alkalde.

Nakatanggap agad ng mensahe ang isa sa mga pulis mula sa kausap na kanina pa nag-aabang sa kanila. Tinatanong nito kung bakit natatagalan ang kanilang pagdating at agad na iniulat ng pulis na bumalik ang sasakyan ng alkalde. Ngunit sila man ay walang alam kung bakit biglang pagbago ang ruta nito. Sinubukan pa nilang tawagan ang alkalde ngunit di naman nito sinagot ang kanilang mga tawag.

"Putangina may sa palos yata tong si Vargas, Dad! Ang dulas!!"

Di lingid sa mag-ama na ano mang araw ngayon ay malapit na silang damputin ng mga kinauukulan. Kaya bago pa makapagbigay ng official statement at makapagpresinta ng matibay na ebidensiya ang kaanak na nang-hudas sa kanila ay kailangang makuha na nila ito. At tanging si Mayor Vargas lang ang susi kung saan nila ito makikita.

"Nauubusan na ko ng pasensiya sayo John! Alam mong hindi ako pwedeng magtago at para ko na ding idiniin ang sarili ko!" sagot ng kongresista sa anak sa kabilang linya.

"Dukutin niyo kung sino man ang malapit sa kanya! Para may pamalit-ulo tayo!" hiyaw nito, galit na galit sa palpak na plano ng kanyang anak.

"Nag-iisa sa buhay si Vargas Dad... Yung girlfriend niya lang ang pwede kong magamit."

"OH PUWES YUN ANG GAWIN MO!!" bulyaw nito sabay baba ng telepono.

Tiim-bagang ang anak sa natanggap na singhal mula sa galit na ama. Sa lakas ng hiyaw ay dinig na ng mga kasamang tauhan ni John ang boses nito.

"Boss... Mukhang galit na galit si Cong ah?" nakangising puna ng isa sa mga tauhang nakadinig sa kanilang pag-uusap.

Tinitigan ito ni John, gamit ang hintuturo ay tinawag ang nagsalitang tauhan. Nang makalapit ito sa anak ng kongresista ay isang malakas na sampal ang inabot nito sa bwisit na amo.

"AYUSIN NYO TRABAHO NYO! MGA GAGO!!!"

Parang asong bahag ang buntot na napatahimik na lang ang lalaking tumalsik ang subong bubble gum sa lakas ng pagkakasampal sa kanya.

************************

"Ay nako naman... Yun gang may asawa eh nadadale pa... yan pa kayang ikakasal pa la-ang?" palatak ng kanyang tiyuhin.

Ganon na lang ang tuwa ng mga kaanak sa pagbabalik ni Daniel kagabi sa kanilang tahanan. Ikinuwento na ng binata sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit napapayag siyang magtagal pa sa Batangas. Dahil hinahanap niya ang babaeng nakita noong Lunes at sa wakas ay natagpuan na niya ito.

Tuwang-tuwa ang kanyang Momi Lucy sa kanyang nalaman. Sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam niya ay siya ang tunay na ina ng binata nang magtapat ito ng damdamin sa dalagang natagpuan. Ngunit nabahiran din ito ng lungkot nang malaman ang sitwasyon ng babaeng iniibig ng pamangkin.

"Anak... Kung mahal mo talaga at alam mong mahal ka din niya... ipaglaban mo." payo ni Lucy.

"True love comes once in a lifetime... kaya wag mo nang palampasin. Wag kang pumares sa akin." dagdag pa nito.

"Oo kita mo't tumandang dalaga na tuloy yang kapatid ko. Oh ano pa ga ang tinutunganga mo di-yan utoy? Larga na at nang maigayak na aring dalawang baka di-ne!" buyo naman ng kanyang tiyuhin.

Lihim na natutuwa ang binata sa suporta at payo ng mga ito. Sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lang siya muli nagbukas ng kanyang damdamin sa mga taong malapit sa kanya buhat ng mawala ang kanyang ina.

Muling nabahiran ng lungkot ang kanyang mukha nang maalala ito. Ang ina na laging nakasuporta sa lahat ng kanyang gagawin. Lagi nga siyang natutukso nuon ng mga kaibigan na mama's boy. Kahit kasi teenager na siya ay wala siyang alam sambitin kundi 'Mama' dahil sadyang malapit siya dito.

"Ay siya! Ako'y magkakatay na ng manok. Imbitahin mo mamaya na di-ne maghapunan ha nang makilatis na!" basag ng kanyang tiyuhin sa kanyang pagmumuni.

Tuwang-tuwa ang magkapatid habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng pamangkin upang katagpuin muli ang dalaga.

"Sana nga siya na talaga ang para kay Daniel, 'no kuya?" anas ni Lucy.

"Ala'y oo nga eh... para naman matuwa na ang kaniyang Mama."

************************

Pagtapat ng sasakyan ni Marco sa bahay ng dalaga ay walang paalam na bumaba na ito. Nanatili lamang ang alkalde sa loob ng sasakyan at idinukdok ang ulo sa kanyang manibela. Dismayado na sa kabila ng nangyari na sa kanila ay parang wala pa din siyang puwang sa puso ng iniibig.

Nang matanaw ang paghinto ng sasakyan ng kanyang amo at magiging manugang ay napatayo si Mang Bert sa hapag at agad na lumabas. Lalapitan niya sana ito upang imbitahin na pumasok muna ngunit agad na din itong umalis.

Parang nahuhulaan na ng matanda na mayroong tampuhan ang kanyang anak at si Marco. Para kasing walang nakita ang alkalde nang siya ay papalapit at agad itong nagpaharurot ng sasakyan. Sa hinuha niya ay malamang na ang bruskong lalaking nakita niyang kasama ng anak kagabi ang dahilan.

Di rin lingid sa ama ang tunay na damdamin ng anak sa pagpayag nitong magpakasal sa alkalde. Alam niyang napilitan lang ito alang-alang sa lahat ng nagawa ni Marco para sa kanilang pamilya. Ngunit bilang isang ama ay alam din niya kung saan mapapabuti ang anak.

Pagpasok ng kanyang silid ay agad naglock ng pinto ang dalaga. Nilagpasan lang niya ang ama at di na rin nagawang batiin ang dalawang nakababatang kapatid na lalake at kanyang ina na kasalukuyang nanananghalian sa hapag-kainan. Pagkahubad ng sapatos ay agad sumampa sa kanyang higaan at dumapa.

Kinuha ni Trisha ang kanyang cellphone upang tignan kung wala pa din ibang numero na rumerehistro sa kanya. Lalong nalungkot at napabuntong-hininga na lang ang dalaga nang mapagtantong wala pa ring paramdam si Daniel. Nangingilid ang luha niyang initsa sa unan ang telepono nang bigla iyong tumunog.

Nagkumahog ang dilag upang muling damputin ang telepono. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang makita ang friend request na nag-pop sa kanyang screen. Nang pindutin ang app ay halos maglulundag ito sa tuwa nang makita ang buong pangalan ng nag-add sa kanya.

Daniel Ramirez

Agad nyang pinindot ang 'Confirm' at lalo nang nagkakawag ang mga binti ng dilag nang makita nito ang ginamit na profile picture ng binata sa kanyang social media.

Kuha nila iyong dalawa na magkayakap sa tabi ng malaking puno sa burol. Tanging kalahati ng kanyang mukha ang nakikita na bahagyang natatabunan pa ng nililipad niyang buhok. Sa napiling litrato ni Daniel ay ramdam niyang nais din nitong protektahan ang kanyang pagkakakilanlan.

Ngunit ganon pa man ay labis-labis ang tuwa niya at bahagya pang napapatili at parang batang nagpagulong-gulong sa kanyang higaan. Nariyang susubsob pa ito sa unan saka itotodo ang kanyang tili dahil sa sobrang tuwa at kilig.

Lalo pa nang mabasa niya ang mga kumento ng mga nasa friends list ni Daniel na pawang nagulat lahat dahil ngayon lang pala ito nagpost ng larawan bukod sa kanyang mga paintings. Ngunit isa sa mga komento ang muling nagpatili sa dalaga nang mabasa ito.

Jorge D

Pre siya na ba yung girl? Kaya naman pala ilang linggo kang tulala eh!

Nagkakatinginan na lang ang mag-iinang magkakaharap sa hapag sa naririnig nila mula sa loob ng silid ni Trisha. Kanina lang nang dumaan ito'y parang walang nakita at narinig nang yayain nilang dumulog sa hapag. Nakabusangot ito at padabog pang isinara ang pintuan ng kanyang silid. Ngayon naman ay nagtititili ito at panay ang hagikgik na waring kiliting-kiliti.

Nagusot na ang kobre-kamang kanyang ginugulungan. Gayon na lang ang sayang nadarama ng dalaga. Kung kanina ay abot-abot ang inis at sama ng loob niya sa binata dahil sa di nito pagpaparamdam, heto at siya namang kabaligtaran ngayon.

************************

"Ma... tignan mo oh... siya yung girl na hinahanap ko. Nakita ko na siya."

Pinapakita pa ni Daniel sa harap ng lapida ng kanyang ina ang larawan ni Trisha sa kanyang telepono. Nakaupo siya pasalampak at nakasandal sa marmol na nitso.

"Ganda noh Ma?... Bet mo po? Haha" Kitang-kita ang ningning sa mga mata nito habang kinakausap ang namayapang ina.

"Kaya lang bakit ganun... Nakita ko nga sya kaso ikakasal na daw eh... Mukhang late na ko..." malungkot na wika nito.

"Ano yun Ma?" At inilapit pa nito ang kanyang tenga sa nitso na waring may ibinubulong sa kanya ang ina.

"Oo naman ilalaban ko yun! Basta di na ko papayag this time Ma na mawala pa ang mahal ko."

Kahit kumplikado ang sitwasyon nila ni Trisha ay nakakahanap ng lakas ng loob at kapanatagan si Daniel sa pagkausap sa kanyang mama. Kagaya nung una syang umiibig nung binatilyo pa lamang.

"Ano ulit Ma? Apo? Hahaha"

Masayang-masaya ang binata habang naglalakad palabas ng campo santo at kausap ang dalaga sa kanyang telepono. Habang nagkukwento sa kanyang ina ay nagpadala na siya ng friend request dito na agad namang inaccept ni Trisha.

Habang magkausap sila ay nakatuwaan ni Daniel na habulin ang isang makulay na ibon na palipad-lipad sa kanyang daraanan. Isang ibong parang ngayon lang siya nakakita.

Libang na libang ang kanyang mata sa pagsunod sa ibong habang nilalapitan niya ay siya naman ang paglipad palayo. Parang bata itong nagnanais na mahawakan ang kakaibang ibon na ngayon lang niya nasilayan.

Saka lang natauhan ang binata mula sa pagkalibang sa ibong sinusundan nang madinig ang tunog ng marahang busina. May sasakyan kasing tumutumbok sa kanya sa may paradahan sa labas ng sementeryo.

Sumenyas na lamang siya upang humingi ng dispensa saka dumeretso na sa kanyang kotse. Ngunit bago pa makasakay ang binata ay isang pamilyar na boses ang narinig niyang tumawag sa pangalan niya.

"Daniel..."

Napalingon siya sa lalaking pababa ng sasakyang bumusina sa kanya. Di na niya nakuha pang magpaalam kay Trisha at agad nang pinindot ang buton sa telepono upang tapusin ang tawag dito.

"Mayor."

Napangiti lang ng mapakla ang kabababang lalaki na may dalang pumpon ng sariwang bulaklak. Napailing nang marinig kung paano siya tawagin ng nag-iisang anak.

Parang may nagdaang anghel sa pagitan ng mag-ama. Nakakabinging katahimikan. Nagpapakiramdaman. Walang ibig manguna sa nais sabihin o sadyang wala na talagang dapat pang pag-usapan.

"Akala ko nakabalik ka na ng Manila." matabang na wika ng alkalde.

"Hmm... May inasikaso lang kaya medyo nagtagal dito."

Ramdam na ramdam ang tensyong namamagitan sa dalawa. Parang ginto ang bawat salitang ilalabas ng kanilang mga bibig.

"Ah ganun ba?... Ok, see you around." matipid na wika ni Marco.

Bahagya lamang tumango ang binata sa huling sinabi ng papatalikod na ama. Akma na niyang bubuksan ang pinto ng kanyang sasakyan nang muling magsalita ang alkalde.

"Ahh siya nga pala... I'm getting married." Muli nitong binalingan ang anak na bahagyang napangiti sa narinig na balita.

"Yeah I heard. Congrats!"

Biglang nakita ni Daniel na nagliwanag ang mukha ng kanyang ama.Lihim siyang natuwa sa muling pagniningning ng mga mata nito. Sigurado siyang maligaya ito sa bagong pag-ibig na natagpuan sa babaeng kanyang pakakasalan. Parang muli niyang nasilayan ang saya sa mukha nito na huli niyang nakita nuong nabubuhay pa ang kanyang ina.

"Kung free ka... kung ok lang sayo... I want you to come."

Nagulat ang binata sa paanyaya ng kanyang ama. Pigil na pigil ang kanyang kagalakan nang imbitahan siya nito sa nalalapit nitong kasal. Sa kabila ng mapait na nakaraan at mahigit isang dekada nilang pagkakalayong mag-ama ay gusto nitong maging saksi siya sa pinakamahalagang araw na yon. At malaking bagay iyon para kay Daniel.

"Su... Sure! Sige I'll be there." tugon niya na sinundan ng sunod-sunod na tango, hindi pa rin makapaniwala sa paanyaya.

"And visit me sometime... nang makilala mo naman siya."

"Yeah... Yeah... Excited to meet her." nakangiting turan ng binata.

"Oh sige Dandan... hmmm... ingat na lang sila sayo haha" biro pa ng alkalde bago tumalikod.

Napangisi din ang binata sa biro ng ama. Punong-puno ng init ang kanyang dibdib. Kabaligtaran sa kanilang pagtatagpo nuong Lunes sa prisinto kung saan muli niya itong nakitaan ng pagkadismaya, ngayon ay parang nakita niya ulit ang kanyang papa nuong panahong nabubuhay pa ang kanyang mama at masaya silang tatlo.

Parang ang bilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Parang sa isang iglap ay gumaan ang lahat ng bigat na kanyang nararamdaman na kay tagal na panahon niyang pinasan. Masayang-masaya ang mukha nito habang tinatanaw ang amang naglalakad papalayo.

Parang may tinik na nabunot sa dibdib ni Marco nang muli niyang lingunin ang kanyang nag-iisang anak na nanatili pa ring nakatingin sa kanya. Bahagya pa niya itong kinawayan bago tuluyang umalis ang sasakyan ng kanyang unico hijo.

Panahon na sigurong kalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Lalo na ngayong magsisimula na siya ng panibagong buhay kasama ang kanyang bagong pag-ibig. Mahirap mang limutin ang nakaraan ay kailangan nang harapin ang pagsisimula muli ng panibagong buhay.

************************

Nagmadaling magbihis ang dilag, nagyaya kasi ang binatang mamasyal nang tumawag ito. Tutol man siya sa paglilibot dahil baka may makakilala sa kanya, pinaunlakan na din ni Trisha ang lalaking kagabi pa niya hinihintay na magparamdam.

Nang maputol ang tawag nito ay nagsend na lang siya ng message at nag-apura nang gumayak. Nagsuot lamang siya ng maong shorts, off-shoulder blouse, sneakers at baseball cap. Binitbit din nya ang hooded jacket na pinahiram ng binata nang nagdaang gabi.

"Oh kararating mo lang ineng... saan ga ang punta?" dudang tanong ni Mang Bert sa panganay na kasalukuyang nagpapaalam sa kanyang ina.

"Uhm... May lakad kami ni Janet tay, niyaya akong maglibot." pagdadahilan ng dilag na di makatingin sa ama.

"Ay sige ihahatid ko na la-ang kayo. Nandi-yan naman ang isang sasakyan ni mayor." mungkahi nito.

"Hindi na ho tay, maaabala pa kayo linggong-linggo. Magpahinga na lang ho kayo. Sige po alis na ko at naghihintay na si Janet."

Naiiling si Mang Bert sa nakikitang pagsisinungaling ng anak. Ramdam niyang hindi ang kaibigang si Janet ang kakatagpuin nito. Dati naman kasi ay gustong-gusto nitong nagpapahatid kung saan man ito pupunta kasama ang kaibigan.

Nang tuluyang makalabas ng bahay ay hinabol pa ito ng kanyang amang nag-aalala.

"Anak..." napahinto ang dilag at may pag-aatubiling bumaling sa kanyang ama.

"Malaki ka na ha?... Alam mo na ang tama at mali." maigsing paalala nito sa anak.

Bahagya lang tumango ang dalaga at patuloy nang lumabas ng kanilang bakuran. Naglakad lamang ito nang malayo-layo mula sa kanilang bahay at sumakay sa naghihintay na kotse ng binata.

Nanlumo si Mang Bert dahil abot-tanaw niya ang dalagang anak na sumama ulit sa lalaking kanyang sinita kagabi. Ngunit wala siyang magawa upang pigilan ang anak sa mga kagustuhan nito. Bilang magulang ay di niya mapigilang mangamba na baka masaktan lamang ito sa huli.

"Oh wow pare!" pang-aasar agad na bati ni Daniel nang makita ang ayos ni Trisha.

Sa unang dalawang pagkakataon kasi na nakita niya ito ay lagi itong nakabestida. Ngayon ay nakababa pa ang cap nito na halos takpan na ang kanyang buong mukha.

Ngunit sa halip na sagutin ang binata ay buong sabik siyang hinalikan ng dilag sa kanyang pisngi. Kasunod nito ang isang pinong kurot sa kanyang tagiliran.

"Araaay!... Baket!"

"Hmp! Bakit kanina ka lang nagmessage?!" maktol ng dalaga sabay irap nito.

"Haha missed me?" sagot ni Daniel nang may matamis na ngiti.

"NO?! Duh!" muling irap ni Trisha habang nangingisi.

"Ay ano nga pala sinabi sayo ng tatay kagabi?!" Bigla siyang nag-alala nang maalala ang paghaharap ng binata at ng kanyang ama kagabi.

Nagkibit lamang ng balikat si Daniel at pinatakbo na ang kanyang sasakyan. Ayaw na muna niyang pag-usapan ang sinabi ng tatay ni Trisha. Gusto lang muna niyang i-enjoy at magpakasaya sa araw na iyon lalo na't sa wakas ay tila nawala na kanina ang pader sa pagitan nilang mag-ama.

Sa halip na kumain sila sa isang restaurant sa paanyaya ni Daniel ay nakiusap si Trisha na mag-drive thru na lamang sila. Nang makarating sila sa bayan ay halos lumubog ang dalaga sa kanyang kinauupuan. Instict nito na magkubli kahit pa tinted naman ang sasakyan ni Daniel.

"Grabe naman, kakain lang tayo. Sikat ba si 'ano'?" pagtutukoy ni Daniel sa nobyo ni Trisha. "Marami siguro siyang kakilala dito noh kaya takot kang makita na kasama mo ko?"

"Ha? Hinde. Busog pa kasi ko kaya di din kita masasabayan kumain."

Minabuti na lamang ni Trisha na magdahilan. Parang hindi pa niya kayang aminin kay Daniel na ang kanyang mapapangasawa ay ang pinakamaimpluwensiyang tao doon sa kanilang bayan. Nangangamba siya na baka kapag nalaman ito ni Daniel ay tuluyan na siyang layuan ng binata.

Alam ng dilag na napakahirap nang umatras sa kasunduang kanyang tinanguan. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa kahit pa sabihing ang binatang ito sa kanyang tabi ngayon ang lalaking matagal na niyang pinangarap.

Batid niyang walang sino man ang makakaunawa nito ngunit sa mga huling sandali ng kanyang pagiging malaya ay nais niyang maranasan ang katuparan ng kanyang pangarap. Kahit patago lamang at kahit alam niyang mayroon iyong hangganan ay pipilitin niyang tanggapin.

Masaya ang pagpapatuloy ng kwentuhan ng dalawa mula sa di inaasahang pagtatagpo nila kahapon sa may burol. Magkahawak pa ang mga kamay habang marahan silang umaandar at minamalas ang magagandang tanawing kanilang nadaraanan.

"Weh... Hindi nga? Isang linggo mo kong inabangan sa crossing? Binobola mo na lang ako eh!" gulat na sagot ng dilag sa ikinuwento ni Daniel ngunit di rin maitago ang kilig.

"Haha eh ano nga! Nawalan na nga ako ng pag-asa... Pabalik na ko ng Manila kahapon eh. Pero buti na lang... nakita na kita." Inangat nito ang kamay ni Trisha at hinalikan iyon.

Gayon na lang ang tuwa ng dalaga sa mga inilahad ni Daniel. Parang isang panaginip. Sino nga ba ang mag-aakala na muli pang magkukrus ang landas nila ng estrangherong pinag-alayan niya ng kanyang sarili noong gabing iyon. Na madudugtungan pa ang saglit na katuparan ng kanyang pangarap.

Masayang naghaharutan sa dalampasigan ang dalawa. Doon sa isang hindi pa developed na tabing-dagat sa labas ng bayan sila dinala ng kanilang paglalakbay. Layo-layo ang mangilan-ngilang kubong nakatirik sa may pampang. Sa liblib na ibayong iyon ay tiyak na walang makakakilala sa dilag.

Parang mga batang nakikipaghabulan ang mga ito sa pagsadsad ng mga alon upang wag mabasa ang kanilang mga paa. Tila sila nasa ibang mundo na walang pakialam sa hinaharap basta masaya na sila kung ano man ang mayroon sila sa ngayon.

Kapwa nila ninanamnam ang ilang sandali ng pagiging malaya na parang mga ibong nakawala sa kanilang mga hawla.

"Hmm... Kung magpapatayo tayo ng bahay, saan mo gusto?" tanong ni Daniel na nakasalampak sa buhangin at nakahilig ang ulo sa balikat ng dalaga habang nagpapahinga sila sa lilim ng puno.

"HA?!" gulat at natatawang wika ni Trisha.

"Gusto mo ba sa ganito... malapit sa dagat? Or sa gitna ng kakahuyan? Like sa Baguio?"

Naiiling na lang si Trisha sa mga tanong ni Daniel ngunit kilig na kilig sa mga pinagsasasabi nito.

"Bahala na, kahit saan siguro basta kasama kita... Ikaw, saan mo ba gusto?" balik-tanong naman ng dilag.

Imbis na sumagot ay nahiga si Daniel at umunan sa kandungan ng dalagang nakaunat ang mga binti. Nakatingala ito at minamasdan ang kagandahang kanyang nasisilayan.

Niyuko siya ni Trisha at masuyong hinaplos ng malambot nitong kamay ang kanyang pisngi. Buong tamis na nakangiti ang binata dito at waring kinakabisado ang mukha ng dilag na nagpapatibok ngayon sa kanyang puso.

"Oh ano... saan nga?" muling tanong ni Trisha.

"Pwede bang... dito na lang?" sabay turo sa dibdib ng dalaga. "Dito na lang ako titira... sa puso mo?"

Nangungusap ang mga mata ni Daniel habang nakatingala sa kanya. Mga simpleng kataga ang binitawan ngunit damang-dama ni Trisha ang sinseridad nito.

Di mawari ng dalaga ang emosyong kanyang naramdaman nang oras na yon, kung lungkot ba iyon o saya. At kusang gumuhit ang luha mula sa kanyang mga mata.

Yumukod ito at ginawarang ng maalab na halik ang binatang nasa kanyang kandungan. Buong pagsuyong ipinaramdam sa pamamagitan ng matamis na halik na iyon ang kanyang nararamdaman para dito.

"Hmp... alat!" biro ng binata nang malasahan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

"Ah ganon!"Kung saan-saan dumapo ang kurot ni Trisha sa katawan ni Daniel na nauwi na naman sa habulan ng dalawa sa may pampang.

Kulang na kulang ang kalahating araw na sila ay magkasama. Parang hinipan lang ang mga oras na lumipas. Inabot na sila doon ng halos paglubog ng araw bago nagpasyang umuwi.

Halos isang oras din ang binyahe nila kanina papunta doon galing sa bayan. Pinili nilang doon tumungo sa hiling ng dalaga na malayo sa kanilang lugar. Sinikap nilang sulitin ang bawat patak ng segundo nang hapong iyon ngunit heto at kailangan na naman nilang umuwi at bumalik sa reyalidad.

Nakahilig ang ulo ni Trisha sa balikat ni Daniel habang nagmamaneho ito. Parang sinusulit ang bawat sandaling nalalabi bago sila muling magkahiwalay.

Kasalukuyan silang paahon at tinatahak ang matarik na daan na kanilang binaybay kanina papunta sa dagat. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim habang patuloy na lumulubog ang araw. Kay gandang pagmasdan ng nagkakahel na kalangitan na unti-unting nilalamon ng kadiliman ng gabi.

Maya't maya ang paghalik ni Trisha sa pisngi ni Daniel. Tila ipinararamdam na hindi pa man sila naghihiwalay ay namimiss na niya ito. Ngunit ang paglalambing ay unti-unting napapalitan ng kapilyahan. Ang kaninang inosenteng mga tuka ng halik ay sinasamahan na ng mumunting kagat sa punong tenga at leeg ng binata.

Kumilos din ang kanang kamay ng dilag at pumailalim sa damit ni Daniel. Masuyong humaplos sa tiyan pataas sa matigas na dibdib ng binata. Kinapa nito ang kanyang utong at marahang nilapirot ng maninipis na daliri ng dilag.

"Ahhh... wait..."

Napilitang itabi ni Daniel ang sasakyan nang maramdaman niyang di lang paglalambing ang hanap ng dalaga.

Gumilid siya sa isang mapunong lugar bago kumonekta ang daan sa main road. Sa mataas na pwestong iyon ay tanaw ang baybay-dagat na kanilang pinanggalingan kanina. Nang mai-park ang sasakyan ay mabilis niyang hinila ang handbrake niyon at hinayaan lang na umaandar ang makina.

"Gusto mo ha..." ngisi nito.

Binalingan niya ang dalagang patuloy na humahalik sa kanyang leeg at agad nagsugpong ang mga labing tila uhaw na uhaw.

Si Trisha na mismo ang kumuha ng kaliwang kamay ng binata at ipinatong iyon sa kanyang makinis na hita. Agad naman iyong humimas at pumailalim sa maigsing short hanggang sa singit ng dilag. Napaangat ang balakang nito nang maramdaman ang daliring sumisingit sa ilalim ng pundiya ng kanyang panty.

Halos magkagatan na ng labi ang dalawa sa lalim ng kanilang halikan. Kapwa habol ang hininga sa paghihinang ng kanilang mga bibig, palitan ng laway at lingkisan ng malilikot na dila.

Habang tuloy ang laplapan ay kusang humimas pababa ang kamay ni Trisha at dinama ang kargada ng binatang nagsisimula nang manigas. Patuloy naman ang paglilikot ng kamay ni Daniel na nakasuksok sa pagitan ng mapuputing hita ng dalaga.

"Ughh... ahhh..."

Napaigik ang dilag nang maramdaman ang daliring humahagod na sa nangangatas niyang hiwa. Pilit na sumisiksik sa makipot na butas ang mahabang hintuturo na halos mangalahati na ang nailulubog sa kanyang lagusan.

Gamit ang kanang kamay ay mabilis na nagkalas si Daniel ng butones at zipper ng kanyang shorts upang pawalan ang burat na ngayon ay naiipit na sa loob ng kanyang salawal. Isinunod niyang maghubad ng kanyang pang-itaas na sinabayan naman ni Trisha na hubarin ang suot nitong shorts kaya't naiwan lamang ay ang mamasa-masang panty.

Saka napadaklot ang kanang kamay nito sa nakatirik na kahabaan ng binata. Marahan niyang sinalsal iyon at mula sa labi ay nagsimulang gumapang ang halik ni Trisha pababa sa leeg ni Daniel. Patuloy pa din ang pagjakol nito na halos tumama ang likod ng kanyang kanang kamay sa manibela.

Bumaybay ang mga halik ng dilag pababa sa matipunong dibdib at sinusupsop ang isang utong. Napapatingala si Daniel sa mumunting kagat na ginagawa ni Trisha habang pabilis ng pabilis ang pagsalsal nito sa kanyang ari.

Inadjust niya ang sandalan ng upuan upang mas bigyan ng espasyo ang dalaga na ngayon ay halos nakadukdok na sa kanyang alaga. Lumingon pa ito sa kanya at ngumiti saka hinalikan ang namumulang ulo niyon at sinimulang dila-dilaan.

"Ahhh... shit!" daing ni Daniel na titig na titig sa ginagawa ng dilag.

Hinawi pa nito ang buhok na bahagyang tumatabon sa inosenteng mukha ni Trisha at matama itong pinanood habang dumidila na sa dulo ng kayang burat. Pinaglalaruan ng pinatulis na dila ang butas na nilalabasan na ng paunang laway saka marahang isusubo sa malambot na mga labi ang ulong iyon.

Napapahabol ang balakang ni Daniel sa pagkasabik sa tuwing papaloob sa makipot at mainit na bibig ng dilag ang kabuuan ng kanyang ulo.Napaangat ang pwet nito nang tangkain ni Trisha na ipasok sa bibig ang kalahati ng kanyang kahabaan.

"Ohhh... ang sarap Triiish!"

Lalong ginanahan ang dalaga nang makita ang reaksyon ni Daniel. Tuwing may sasakyang mapaparaan at masisinagan ng ilaw ang mukha nito ay naaaninagan niya itong napapangiwi sa sarap na dulot ng kanyang mainit na bibig.

Bagama't iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may titing nakapasok sa kanyang bibig ay buong giliw niya iyong ginawa para sa lalaking minamahal.

Ang kaninang marahang pagtaas-baba ng ulo ay mas bumilis nang maramdaman ng dilag ang kamay na humihimas sa kanyang matambok na pekpek at pumaloob sa kanyang panty.

Ang mapupulang labi na humahagod sa katawan ng sandata ay napapanganga sa tuwing dudutdutin ng daliri ang basang hiwa lalo't kapag kinakanti ang kanyang tinggil.

"Ahhh... makiliti Daaan!"

Saglit na iuungol ang sarap tapos ay muling ipagpapatuloy ang pagsubo sa mahabang batutang nakatindig sa kanyang harapan. Habang tuloy si Daniel sa pagdaliri sa naglalawa nang lagusan ay lalo naman iyong nagpapaigting sa gigil ng dalaga sa burat na subo-subo nito.

"Arrghh! Ahhh..." pigil ni Daniel sa ulo ng dilag nang maramdaman ang ngipin nito na sumasadsad sa kanyang balat.

"Masakit! Ughh... wag ngipin." Mababakas ang pinaghalong kirot at ngisi sa mukha ng dumadaing na binata.

"Ohh! Nako sorry!"

Sa halip na isubo pang muli ay dinilaan na lang ni Trisha ang kahabaan ng binata hanggang sa bayag nito kasabay ng mabilis na bayo ng kanyang kamay sa nagwawalang kargada ni Daniel.

Ang kaninang isang daliri na naglalabas-masok sa kipay ng dilag ay dinalawa na kaya't napapaigik ang nakatuwad na dalaga sa tuwing maisasagad iyon sa kanyang lagusan. Tuloy naman ito sa paghalik at pagdila sa burat ni Daniel.

"Subo mooo!" daing ng binata na agad namang sinunod ng dilag.

Ngunit kapapasok pa lamang ng ulo sa bibig ni Trisha ay sumakyod agad pataas si Daniel at idinukdok ang ulo ng dalaga kaya't napasagad ang kanyang burat sa kaloob-looban ng bibig nito.

"Ughh!... Uulllkk..."

Di mapigil ng dalaga na mapaluha sa pagkakasagad ng ari sa kanyang lalamunan sabay ng pagsagad ng dalawang daliri ni Daniel sa kanyang puwerta. Dama ng binata ang pagkibot ng lalamunan ni Trisha sa dulo ng kanyang burat. Binitawan lamang niya ang ulo ng dalaga nang magtatapik na ito sa kanyang hita na para bang nakikiusap.

"Ugglkk... ughh gagi ka!" Kandaduwal ito sa paghahabol ng hininga nang mailuwa ang titi ni Daniel.

"Hahaha... nakakagigil ka eh!" biro naman nito.

Nang makabawi sa paghinga ang dilag ay muli siyang hinalikan ng lalaki sa labi habang lamas-lamas nito ang magkabila niyang suso.

Kusa nang naghubad si Trisha ng saplot na sinabayan naman ni Daniel ng paghuhubad ng kanyang pang-ibaba. Wala nang pakialam ang dalawa sa mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan at bahagyang nakakailaw sa kanilang sasakyan. Kapwa sila sabik na makapagniig bago muling magkahiwalay.

Muling nagsugpong ang kanilang mga labi at isinandal ni Daniel si Trisha sa upuan nito at dahan-dahang inihiga ang sandalan niyon. Binuksan pa ng binata ang pintuan na nasa gilid ng dilag upang mas malaya niyang maipuwesto ang katawan sa pagitan ng mga hita ng dilag.

Minasdan muna ni Daniel ang hubad na katawan ni Trisha. Ang maalindog na katawan at ang kaputian ng kutis nito na lumulutang sa madilim na paligid.

Sumagi sa kanyang isip ang unang beses na nakasama niya noon ang dalaga sa taxi. Sa kanyang gigil at pagkasabik ay parang gusto na niya itong kantutin noon sa kotse habang nasa byahe pa lang sila papunta sa motel.

Kinabig ng dalaga ang batok ng kapareha at sumunggab ulit sa labi ng lalaking pinagmamasdan ang kanyang kahubdan. Sabik na nag-aabang na muling angkinin ng lalaking kanyang iniibig.

Muling hinagod ni Daniel ng daliri ang hiwang basang-basa na sa pagkasabik. Kumalas ito sa mga labi ng dalaga at saka isinubo at dinilaan ang daliring balot ng madulas na likido mula sa kanyang puwerta.

"Mmm... Sarap ng katas mo..."

Saka hinawakan ni Daniel ang kanyang burat at iginiya sa sentro ng biyak ng dilag. Inihahagod ang ulo nitong pinadadaplis-daplis sa naghihintay na puki. Napapasunod naman ang balakang ni Trisha sa bawat bigong paglusong niyon sa kanyang lagusan.

"Please Danieeell... Pasok mo naaa!" reklamo nito sa pambibitin ng binata.

Unti-unti ang ginawang pagbaon ni Daniel at mabilis ding hinuhugot palabas. Nakatitig ito sa dalaga at tila kinakabisado ang magandang mukha nito na napapangiwi sa tuwing itatarak niya ang kanyang matigas na burat.

"Ahhhhh... uhmmp..."

Panay ang halinghing ng dalaga sa bawat paglusong ng mahabang aring pumupuno sa kanyang kweba. Napakapit sa batok ng binata at hinila ito palapit upang muling gawaran ng maalab na halik. Kasabay noon ang pag-angat ng balakang pasalubong upang maisagad sa kanya ang mahabang burat ni Daniel.

Lapat na lapat ang pagkakasugpong ng kanilang mga ari. Tarak na tarak ang matigas na kargada ng binata sa matambok na hiyas ni Trisha.

Nang magsimulang bumomba ang balakang ni Daniel sa pagitan ng mga hita ng dilag ay lalo nang nanggigil ang dalawa sa laplapan ng kanilang mga labi. Nag-eskrimahan at supsupan ng mga dila na akala mo uhaw na uhaw.

"Ang sarap mong iyutin Trish... Sakal na sakal burat ko ughh!"

Dikdik na dikdik ang dalaga sa lakas ng pagkadyot ni Daniel na napapanganga sa tuwing tatama ang dulo ng kanya burat sa matres ng napapangiwing dilag.

Lumalangitngit ang leather seat cover sa bawat bayo ng binata kay Trisha at umuuga ang sasakayan dahil sa madidiing kadyot nito. Wala na ding pakiaalam ang dilag kahit nakalawit na ang kanang paa niya sa nakabukas na pinto ng sasakyan.

"Daaaan... ohhhh... ang laki mooo... sigee paa..." at giniya pa ni Trisha ang ulo ng binata sa kanyang mga suso.

Kasabay ng bawat bayo ay ang halinhinang pagsupsop ni Daniel sa mumunting korona ng mga suso ni Trisha. Panay naman ang liyad nito sa tuwing hihigupin ng binata at ngangatngatin ang kanyang mga utong.

"Trisha! Ahhh... Sa akin ka na lang!... Uhmm..."

"Oo! Sayo lang ako... Shit Daniieeel... ang sarap-sarap naaa... Ahhh..."

Bigay-todo na ang balakang ng binata sa paghindot kay Trisha, kumakayog at idinidiin ng husto ang paggiling. Libog na libog ito habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng dilag. Namumungay ang mga mata at waring idinuduyan sa sarap ng bawat malalim na pagtarak ng kanyang mahaba at matabang burat.

Maya-maya'y napayapos ito ng madiin sa balikat ng binata, nanginginig ang mga binti at panay ang kintod ng balakang pasalubong sa bawat tinatanggap na ulos.

"Eto naaa... lalabasan na ko Daaan!"

"Arrgh! Sabay tayo... AKO BUBUNTIS SAYO TRISH!"

Muling sinunggaban ni Daniel ang mga labi ng dilag habang sumisirit ang tamod ng binata sa kaibuturan nito. Kasabay niyon ang pagbulwak ng mainit na katas ng dilag na bumalot sa kanyag pumipintig na burat.

"Unnghh... grabeee ang damiii..."

Ramdam ng dilag ang pagtulo ng pinaghalong likido na gumuhit sa butas ng kanyang pwet sa dami ng kanilang inilabas.

"Junior ko yan... hehehe" biro ni Daniel sa dalaga at pabiro siyang binatukan nito.

Masuyong hinaplos ni Daniel ang mukha ng sinisinta habang parehas pa din silang hinihingal. Tinitigan niya ang magagandang mata nito saka nagwika.

"I love you Trisha..."

Niyakap niya ang dalaga ng mahigpit na tila ayaw na itong pakawalan pa sa kanyang mga bisig. Kung maaari nga lamang na huwag na niya itong bitiwan pa.

"I love you too... Daniel..." mahinang sambit ng dilag habang sinusuklay ng daliri ang buhok ng binatang nakasubsob sa kanyang leeg. At muli ay gumuhit ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Nang makabalik sa driver's seat ang binata ay kapwa pa din tulala ang dalawa at humihingal sa kantutang kanilang ginawa. Natatawa ang mga ito habang inaapuhap sa dilim ang kanilang mga damit na hinubad.

"Ay hala yung bag ko oh..." bulalas ni Trisha habang sinisilip sa kanyang paanan ang shoulder bag na nagkalat na ang mga laman sa ilalim ng kanyang upuan.

"Likot mo kasi eh... hahaha!"

Kung saan siya sinundo ni Daniel kanina ay doon din nagpababa ang dilag. Dahil gabi na ay hindi na niya napaunlakan ang paanyaya ni Daniel na maghapunan sa bahay ng tiyahin nito na nasa kabilang bayan pa.

Hindi na nagpahatid si Trisha sa mismong bahay nila upang maiwasang maulit ang naganap nang nakaraang gabi. Di agad umalis si Daniel na inihatid na lamang ng tanaw ang dalaga hanggang sa makapasok ito sa gate ng kanilang bakuran.

************************

Dampi ng sinag ng araw sa kanyang mukha at preskong hangin ang gumising kay Daniel sa pagbukas ng kanyang Momi Lucy ng kurtina at bintana ng guest room sa bahay nito.

Pupungas-pungas niyang tinignan ang kanyang telepono. Mag-aalas siete pa lamang ngunit mataas na ang araw. Inilapag nito ang telepono sa kama, dumapa at nagtabon ng unan sa ulo.

"Uy Dandan... bangon na 'nak. Di ba balak mong dalawin ang papa mo sa munisipyo?" wika ni Lucy sabay tapik sa pwet ng pamangkin.

Tuwang-tuwa ito sa magandang ibinalita ng pamangkin na nakaharap nito muli si Marco. Maayos daw ang naging pakikitungo nila sa isa't-isa at inimbitahan pa siya ng kanyang papa sa nalalapit na kasal nito. Kay tagal ding ipinalangin ni Lucy sa Maykapal na sana ay muling magkasundo ang mag-ama.

"Maaga pa Mi... mamaya na yun. Sarap pa matulog eh..."

Kinuha nito ang unang nakatabon sa kanyang ulo, dinantayan ng braso at niyapos habang nakangiting inaalala ang mga sandaling magkasama sila ni Trisha nang nagdaang araw.

"Lunes ngayon... busy na yon tiyak mamaya. Ayaw mo kamo siyang maistorbo sa mga meeting niya di ba?"

Napabalikwas ng bangon sa higaan ang nag-iinin na binata. Naalala niyang Lunes nga pala at gusto niyang abutan ang kanyang ama sa flag ceremony na nagsasalita sa harap ng mga taong pinaglilingkuran nito.

Dali-dali itong naligo at di na nakuha pang mag-almusal. May kalayuan din kasi ang munispyo sa kabilang bayan kaya't nag-apura na siyang gumayak.

Katatapos lamang kantahin ang pambansang awit nang magtungo ang alkalde sa poduim sa mababang entablado sa harapan ng munisipyo.

Gaya ng nakagawian ay nagbigay ito ng maigsing talumpati para sa mga kawani ng pamahalaan na kanyang pinamumunuan. Isa-isa niyang binanggit ang mga nakalatag na plano at mga proyektong kailangang matapos bago magwakas ang taon.

Lahat ay matamang nakikinig at humahanga sa kasipagang ipinapakita ng alkalde. Lalo na ang nag-iisa nitong anak na nakatanaw mula sa di kalayuan. Nakahiwalay ito sa mga kawaning nagtitipon at bahagyang nakakubli sa isang malapad na poste.

"Maraming salamat sa inyong lahat sa masigasig ninyong pagtupad sa mga tungkuling nakaatang sa inyo. Sana ay patuloy ninyong gampanan ang inyong mga gawain ng buong puso at walang pag-aalinlangan para sa ating bayan. Maraming salamat po ulit." pagtatapos nito sa kanyang talumpati.

Akma na sanang magsisibalik sa kani-kaniyang departamento ang mga kawani nang muling magsalita si Mayor sa mikropono.

"Ahh... Sandali lang mga kasama... May pahabol lang sana akong mensahe para sa lahat."

Ang lahat ay nagsibalik sa tapat ng entablado at nag-abang sa karagdagang sasabihin ng kanilang alkalde.

"Nadidinig na ninyo siguro at hindi na din lingid sa inyo ang espesyal na araw na magaganap sa akin... sa amin... sa susunod na buwan hindi po ba?"

Halata ang kilig sa mga kababaihang empleyado at sabay-sabay na nagtanguan ang lahat ng mga nakikinig. Parang nahuhulaan na ng lahat ang tinutumbok ianunsiyo ng kanilang mahal na alkalde.

Maliban kay Daniel na ngayon lang nakapakinig sa kanyang ama, ngunit dama niya ang kasiglahan sa mukha at boses nito hinggil sa ano mang ibabalita nito.

"Congrats Mayor!... Best Man ako ha!" biro ng isang matandang kawani sa alkalde.

Lalong nagliwanag ang mukha ni Marco sa birong yun. Alam niyang di na lingid sa kaalaman ng mga nagtatrabaho sa munisipyo ang nalalapit niyang kasal at nakikita niya sa mukha ng mga ito ang kasabikan din nila sa araw na iyon.

"Hahaha... loko ka talaga... Sorry meron na akong best man... Ipakikila ko siya sa inyo sa mga susunod na araw. Kapag napapayag ko haha"

Sa sandaling dalawin siya ng kanyang anak at muli niya itong makausap ay pinaplano ni Marco na pakiusapan itong tanggapin ang mahalagang papel na iyon sa araw ng kanyang kasal.

Sa orihinal na plano ay napagpasyahan niyang walang italaga para sa titulong iyon. Ngunit sa pagbabalik ng kanyang nag-iisang anak ay wala nang mas aangkop pa dito na tumayo bilang best man niya.

Parang nahuhulaan na ni Daniel ang tinutukoy ng kanyang ama. Ngunit kahit alam naman na niya ang tungkol sa pagpapakasal nitong muli ay di nya maipaliwanag ang kabang nadarama sa mga sandaling iyon.

"At para naman sa aking mapapangasawa..."

Inilahad ni Marco ang kanyang kamay sa kumpol ng mga taong nasa kanyang harapan na tila may tinatawag ito na pumanhik ng entablado upang samahan siya.

Lahat ng taong naroon ay sa iisang direksyon tumingin kaya't nasisiguro ni Daniel na iyon ang babaeng pakakasalan ng kanyang ama.

Kumakabog ang dibdib ni Daniel. Napasentro ang atensyon niya sa nakatalikod na babae sa may bandang harapan na nililingon ng lahat.

Pigil ang kanyang paghinga habang nakatanaw sa babaeng lumakad habang humahawi ang mga tao sa paligid upang paraanin ito patungo sa kanyang ama. Walang kakurap-kurap ang binata habang nakamasid sa marahan at may pag-aatubiling lakad nito kasabay ang galaw ng malambot nitong buhok.

Lahat ay nakalingon sa babae at ang lahat ng nadaraanan nito sa paglakad ay masayang bumabati dito. Nagniningning naman ang mga mata ng kanyang ama habang hinihintay ang pagpanik sa entablado ng babaeng kanyang pakakasalan.

Parang bibigay ang mga tuhod ng binata sa nasasaksihan. Saglit na pumikit at nag-iling ng ulo, pilit dinadaya ang sarili na sana ay mali ang kanyang nakikita. Na isa lamang iyong panaginip at kailangan lamang niyang gumising.

Nang humakbang na ang babae paakyat sa gilid ng entablado ay parang pinagsukluban ng langit ang binata. Tila pinipiga ang puso ni Daniel sa bawat hakbang ng babaeng papalapit sa kanyang ama.

Halos kaladkarin naman ng dalaga ang kanyang mga paa. Di niya halos maihakbang ang mga iyon palapit sa naghihintay na alkalde. Kung bibigyan siya ng kapangyarihan nang oras na yon ay pipiliin nya sigurong maglaho na lang na parang bula.

Nang mag-abot ang kamay ng dilag at ng kasintahan ay pahilang pinisil ni Trisha ang kamay ni Marco na parang may sasabihin kaya't inilapit ng alkalde ang kanyang tainga sa dalaga.

"Please Marco... kailangan nating mag-usap." bulong ng dilag.

Sa halip na sumagot sa nobya ay ginawaran ito ni Marco ng halik sa pisgi malapit sa sulok ng labi nito. Isang masigabong palakpakan ang sumunod nang masaksihan ng mga naroon ang ginawang paghalik ng kanilang mayor sa babaeng pakakasalan.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAAAL!!" hiyaw muli ng kawaning nagbiro kanina.

Nanlumo si Daniel nang tuluyang humarap sa mga tao ang babaeng hinalikan ng kanyang ama. Kahit napipigurahan na niya ito ay pilit pa rin iyong itinatanggi ng kanyang isip. Hanggang sa huling sandali nga'y umasa siyang kahawig lamang ito ng babaeng kanyang sinisinta.

Parang nilalamukos ang kanyang puso sa matinding sakit na nararamdaman nang makumpirmang iisang babae lang pala ang kanilang iniibig ng kanyang ama.

Napayuko si Daniel at napapikit sa pagtatangkang pigilin ang mga luhang papatak sa kanyang mga mata. Ngunit huli na, tuluyan nang umagos ang sama ng loob na pilit kinikimkim sa kanyang dibdib.

Bahagyang nanlalabo ang paningin ni Trisha sa pagpipigil sa mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Pilit itinatago ng kanyang buhok ang lungkot sa kanyang mukha.

Nakakabingi ang palakpakan at hiyawan ng mga naroroon na masayang bumabati sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ni Marco, samantalang heto siya at parang humihiyaw ngunit walang nakakarinig.

"Bakit ikaw pa!" mahinang usal ng binata habang nakayuko at nagpapahid ng kanyang mga luha.

"Trisha... please say thanks to them." hiling ng alkalde sa dilag.

Bahagya lamang umiling ang dalaga kay Marco na parang humihingi ng tawad dito. Napakunot ang noo ng alkalde nang makita ang luhang biglang dumaloy sa mata ng dilag. Nagtangka siyang pahirin iyon ngunit mabilis na nakaiwas si Trisha. Pinahid niya ang kanyang luha saka humarap sa mga tao nang may mapaklang ngiti sa labi.

Napamaang ang dilag nang mapako ang tingin niya sa lalaking nakayuko sa may likuran at dahan-dahang iniangat ang kanyang mukha. Parang kinukurot ang kanyang puso nang magtagpo ang tingin nila ng lalaking iyon. Nakapako sa kanya ang umuusig na tingin nito na parang tumutusok sa kanyang dibdib.

Kitang-kita ni Trisha ang pagkadismaya sa mga mata ni Daniel. Nangyari na ang kanyang pinangangambahan. Nalaman na nitong ang kanyang pakakasalan ay walang iba kundi ang punong-bayan ng lugar na iyon.

Ang matamis na ngiti nito na kanyang kinahuhumalingan ay napalitan ng ngiting ubod ng pait. At biglang nanlamig ang buong katawan ng dalaga sa ekspresyon ng mukha nito. Lalo na nang tumalikod ito at lumakad na palayo.

Biglang nagdilim ang buong paligid ni Trisha at hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari. Agad na nagkaroon ng kumosyon ang mga tao upang saklolohan ang hinimatay na dalagang sapo-sapo ng alkalde.

Kung lumingon lamang muli si Daniel ay nakita niya sana ang nangyari sa babaeng kanyang minamahal. Kung nagkagayon, makukuha pa kaya niya itong talikuran? Mananatili ba siya o tuluyan nang magpapakalayo...

About paradoxxxx

u/paradoxxxx
paradoxxxx has nothing to say.

More from paradoxxxx

  • LARAWAN 14

    Filipino Sex Stories
    Isang huling sulyap sa babaeng sinadyang saktan upang mas madali sa kanya ang lumisan. Ngunit sa kanyang pagtalikod, pakiramdam ni...
    26 minutes
  • LARAWAN 8

    Filipino Sex Stories
    "ISHIIIEEEE!!" " Uy... Uy... Pre gising! Kanina ka pa umuungol! Binabangungot ka yata!" tapik ni Jorge kay Daniel na natutulog sa...
    21 minutes
  • LARAWAN 11

    Filipino Sex Stories
    "IKAW?" Kasunod ng sabay na pagbigkas ay muling katahimikan. Kapwa sila halos di makapaniwala kung totoo nga ba ang kanilang...
    26 minutes
  • Larawan 5

    Filipino Sex Stories
    "Ahh, Mrs. Diane Aguinaldo?... Ms. Diane... Ma'am pasok na daw po kayo sabi ni Doc." Marahang tumayo ang babae patungo...
    28 minutes
  • LARAWAN 15

    Filipino Sex Stories
    "Ano yan?!" s eryosong tanong ni Marco sa nagulat na dilag. Parang bata itong nagtago nang kung anong bagay sa...
    18 minutes
  • Larawan

    Filipino Sex Stories
    "Ohhhh... Ohhhh... ang saaraaap.... Ahhhh sige paaa!" halinghing ng babae habang titig na titig sa mukha ng estrangherong hayok na...
    10 minutes
  • LARAWAN 6

    Filipino Sex Stories
    "PUTANGINA!!!... TIRAHIN NYO NAAAA!" galit na galit na bulyaw ng anak ng kongresista na di pa rin nakakabangon buhat sa...
    23 minutes
  • LARAWAN 10

    Filipino Sex Stories
    Pilit nagpumiglas si Trisha sa kamay ni Marco na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Dama ng dilag ang pagbaon...
    30 minutes
  • LARAWAN 7

    Filipino Sex Stories
    Dama ni Trisha ang napipintong pagpasok ng matabang burat ng alkalde sa kanyang hiyas. Pinaghalong pagkasabik at kaba ang kanyang...
    24 minutes
  • Larawan 2

    Filipino Sex Stories
    " Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin, bakit ako nagkakaganito?" pabulong nyang wika habang papasok sa tinutuluyang condo unit. Agad siyang...
    19 minutes

    Related Stories