LARAWAN 15

Filipino Sex Stories
18 minutes
"Ano yan?!" seryosong tanong ni Marco sa nagulat na dilag.

Parang bata itong nagtago nang kung anong bagay sa magulang upang huwag mapagalitan. Pilit ikinubli ang hawak nito sa kinuyom na palad at mabilis na nagpahid ng kanyang mga luha.

"Wa... wala."

Sising-sisi si Trisha sa pagmamadali kanina. Nailock nya nga ang main door ng opisina ngunit nalimutan naman niyang ilock ang pintuan ng banyo.

Tumayo siya at nag-aapurang lumabas nang nakayuko. Pilit isiningit ang sarili sa maliit na puwang sa pinto kahit nakaharang ang katawan ng alkalde sa kanyang daraanan.

Akala ng dilag matapos siyang makaraan ay nakaiwas na siya sa mga mapang-usig na mata ng alkalde. Nagulat na lang siya nang hablutin ni Marco ang kamay niyang may itinatago.

"Sandali Trisha..." awat ni Marco. Hawak ng isang kamay nito ang pulsuhan ng dilag at ang isa naman ay marahang ibinukas ang kamay na nakatikom.

Nang makuha sa kamay ang pakay ay nanatiling hawak lang ni Marco ang kamay ng nobya. Wala siyang masambit na kahit anong salita sa kaharap habang tangan ang test strip. Nakamasid lang ito sa nakatungong dilag na tila naghihintay ng paliwanag mula dito.

"Di pa ko dinaratnan... kaya ako nag test." halos pabulong nitong wika.

"And? Two lines... so positive, right?" paninigurong tanong ni Marco.

Bahagya lamang tumango ang dilag at nanatiling nakayuko. Pilit ikinukubli sa buhok ang malaking pangamba sa kanyang mukha sa mga susunod na maaaring itanong sa kanya ng alkalde.

"You mean... buntis ka?" tila di makapaniwalang tanong muli ni Marco. Malumanay ngunit bakas ang pangamba sa tinig nito.

Imbis na sumagot ay parang nanghihina ang dalaga na napaupo sa katabing silya. Di niya malaman kung sasagutin pa ba ang mga tanong ng lalaking kanyang nakatakdang pakasalan.

Bumuntong-hininga si Marco. Nag-iipon ng lakas ng loob upang itanong ang bagay na sadyang bumabagabag ngayon sa kanyang isip.At nadinig na nga ni trisha ang tanong na pinangangambahan niyang madinig mula kay Marco.

"Is it mine?" usisa ng alkalde sa malalim nitong tinig.

Sunod-sunod na pag-iling lamang ang naitugon ni Trisha habang nakayuko at napasapo ang dalawang kamay nito sa kanyang mukha. Hindi makatingin kay Marco sa sobrang hiya at pangamba sa magiging reaksyon nito sa nalaman.

Sa nadinig ay naputol ng lalaki gamit ang dalawang kamay ang hawak na pregnancy test. Bagama't may hinala na siya sa isasagot ng nobya base sa mga ipinapakita at kinikilos nito sa nagdaang mga araw ay di niya kinayang makontrol ang bugso ng kanyang damdamin sa natuklasan.

Napaigtad ang katawan ng dilag sa tunog ng pwersahang naputol na bagay na pumukaw sa katahimikan ng opisina. Sinilip niya sa pagitan ng mga daliring nakatakip sa kanyang mukha ang bagay na hawak ni Marco na matapos nitong putulin ay saka initsa sa kanyang paanan.

Nanlulumong napahilig si Marco sa kalapit na lamesa. Titig na titig sa dalagang nakatakip pa din ng mga kamay ang mukha sa pagtatago ng mga luhang dumadaloy sa pisngi nito.

Parang sasabog ang kanyang dibdib. Hindi niya malaman kung anong emosyon ang gustong sumambulat mula sa kanyang kalooban. Nagngangalit ang mga kamay na nakakapit sa gilid ng lamesa na parang babaon ang mga kuko.

Gusto niyang hiyawan ang dilag. Gusto niyang ipamukha na sino ba ito para ganoon na lang pasakitin ang kanyang damdamin.

Tinanggap na niya na hindi siya ang nakauna dito nang walang anumang panunumbat ngunit bakit ngayon ay heto naman ang kanyang malalaman. Na nabuntis pa ito ng iba.

"Nung tinanggap mo ang alok ko Trisha... hindi kita pinilit di ba?" pagpapaalala ni Marco nang nangiginig ang boses.

"Pero kahit hindi mo sabihin... alam kong napilitan ka lang... Alam kong dahil lang yon sa mga naitulong ko sa pamilya niyo." dagdag pa nito.

Pigil na pigil ang nagbabadyang luha sa mata ni Marco at parang may bara ang lalamunan nito habang nagsasalita. Kahit nagpupuyos ang damdamin ay mas pinili niyang maging mahinahon sa harap ng kanyang minamahal.

"Trisha... gusto kong malaman mo na lahat ng tulong na ginawa ko... ginawa ko yun ng buong puso kahit walang kapalit." patuloy nito na garalgal pa din ang tinig.

"Siguro nga nagkataon lang Trisha... Di kita masisisi na mag-isip na... na nanamantala ako sa sitwasyon... Pero ano'ng magagawa ko? Noon pa minahal na kita."

Humagulgol ang dalaga nang marinig ang mga sinabi ni Marco sa kanya. Parang sinusundot ng kunsensiya ang kanyang kalooban sa mga nagawa. Pero ano'ng magagawa niya gayong hindi niya madiktahan ang puso na mahalin ang lalaking ito na nasa kanyang harapan.

Kung natuturuan lang ang puso, sana ay di na siya nasasaktan ngayon. Sana ay walang Daniel na dumaan sa kanyang buhay. Lalaking dumaan lang ngunit nag-iwan ng malaking sugat sa kanyang puso.

"Trisha..."

Napatingin ang dalaga kay Marco na pinangingiliran ng luha ang mga mata. Hindi man lang kababakasan ng panghuhusga ang mga titig nito.

"Mahirap ba akong mahalin?"

Napayuko at umiling ang dalaga sa hiya sa lalaking nagtatanong. Tila hindi na nararapat sa isang tulad niya ang alayan pa ng ganitong klaseng pagmamahal. Para siyang nanliliit sa lalaking di niyang matutunang suklian ang pagtatangi.

"Ako ang hindi nararapat sa pagmamahal mo Marco... lalo na ngayon..."

Gustong yakapin ng lalaki ang babaeng umiiyak sa kanyang harapan ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Lalo siyang manliliit kung gagawin pa niya iyon. Dahil pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ngunit alam din niyang naging totoo lang ang dalaga at nagpatangay sa nararamdaman nito.

"Ma... mahal mo ba siya?" Hirap na hirap si Marco na bigkasin ang tanong na nahihinuha na din niya ang sagot.

Marahang tango lamang ang tanging naisagot ni Trisha. Na sinundan din ng mga iling na ikinakunot ng noo ni Marco.

"Wala na siya... umalis na siya... iniwan na niya ko! Huhuhu..."

Dito na hindi nakatiis si Marco at kinabig ang ulo ng humahagulgol na dalaga. Napayakap naman ito sa kanyang baywang tanda ng pasasalamat nito sa pang-unawa sa kabila ng kamaliang kanyang nagawa.

"Kung... kung pwede nga lang... na ikaw ang mina--" wika ng dalaga sa pagitan ng mga hikbi.

"Shhhh..." mabilis na saway ng lalaki sa babaeng minamahal.

"Tandaan mo... Ang nagmamahal... hindi naghihintay ng kapalit..."

Lalong humigpit ang yakap ni Marco sa dilag na sinuklian nito ng mahigpit na kapit sa kanyang baywang. Umaasa siyang balang araw ay matikman din niya ang totoong yakap ng babaeng minamahal. Alam niyang darating din ang araw na iyon. Kailangan lang niyang maghintay.

Nang mahimasmasan si Trisha ay nagkuwento ito ng lahat ng nangyari sa kanya. Hinayaan lang ni Marco na mailabas nito ang lahat ng sakit na idinulot ng lalaking nang-iwan dito matapos ang lahat.

Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari sa pagitan ng lalaki at ng babaeng minamahal. Tila kwentong mababasa lamang sa pocketbook o mapapanood sa pelikula ngunit heto at totoong nangyari.

Di na rin niya pinilit pa ang dalagang sabihin kung sino ang lalaking iyon. Parang hindi na rin naman mahalaga matapos niyang makita at marinig ang pagkamuhi ng dilag dito.

At hindi rin niya masisi ang dalaga dahil kahit mismong siya ay nagmahal. At sa isang taong nagmamahal, walang rason na kailangan at walang paliwanag na sasapat.

Alam niyang kahit anong estado ng buhay, kapag tinamaan ka ng pagmamahal ay gagawin mo ang lahat para sa iyong iniibig. Maaring ito ay makabuti, ngunit pwede ding makasama.

Tulad ng nangyari sa kanya. Nagawa niyang talikuran at itakwil ang nag-iisang anak nang dahil sa sakit na dulot ng pagmamahal. Ang anak niyang minsan ding nasira ang buhay nang dahil din sa pag-ibig.

Sa kabila ng lahat ng naipinagtapat sa kanya ay handa pa rin si Marco na ituloy ang kasal dahil alam niyang mas kailangan siya ni Trisha ngayon. Kailangang maisalba ang kahihiyan di lamang ng dalaga, kundi maging ang sa kanya din.

Bukod pa sa wala namang nabago sa pagmamahal niya para dito sa kabila ng sakit na dulot ng mga naging pangyayari. Kaya naman bukas siya na tanggapin ang magiging anak ng katipan bilang kanya rin.

"Ayaw ko Marco... Ayokong abusuhin ang kabutihan mo sa amin... Kalabisan na ang ipakargo ko sayo ang batang hindi mo naman anak..." tanggi ng dalaga sa alok ng alkalde na panagutan ang kanyang dinadala.

"Kailangan Trisha... Isipin mo din ang kalagayan mo. Gawin natin sana ito para sa ikabubuti nating dalawa... Basta hihintayin ko na lang ang araw na sana... sana... matutunan mo din akong mahalin."

Napayakap muli si Trisha kay Marco. Yakap ng pasasalamat sa lahat ng pang-unawa nito. Batid niyang napakalaking eskandalo kung hindi matutuloy ang kasal at lalo na kung malalaman ng lahat na siya ay nagdadalang-tao pa sa ibang lalaki.

Alam niyang mali ang ipagpatuloy pa ang kasal ngunit para sa ikabubuti ng bawat isa ay kailangan na niya iyong tanggapin. Kailangan niyang ibaling sa lalaking ito ang kanyang pagmamahal. Sana nga ay ganoon lamang iyon kadali. Sana nga.

************************

Normal na lumipas ang linggong iyon sa pagitan ng magnobyo. Kapwa naging abala ang dalawa sa kani-kanilang trabaho sa munisipyo.

Naisingit na din ni Trisha ang pagpapacheck-up sa kaibigang OB-GYN ni Marco upang masigurong ligtas at maayos ang kanyang pagbubuntis. Binigyan pa ito ng special appointment sa klinika nito upang matiyak na walang ibang makakaalam sa kanyang maselang kundisyon.

Kay bilis ng mga araw. Tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang nakatakdang kasal.

Araw ng Linggo. May salo-salo sa mansyon ni Marco kasama ang pamilya ni Trisha at ilang piling kaibigan ng alkalde. Kasama din sa pagtitipon si Janet na siyang tatayong maid of honor.

Bagaman pinili nla ni Marco na ilihim muna sa kanyang pamilya, naipagtapat na ni Trisha sa matalik na kaibigan ang tungkol sa kanyang maselang kalagayan at kung sino ang ama ng dinadala. Nasabi din nito na alam na ni Marco ang lahat ngunit sa kabila noo'y iginiit nitong mas lalo nilang kailangan na ituloy ang kasal.

Lalong humanga ang kaibigan sa prinsipyo ng alkalde dahil nagawa nitong magsakripisyo at sagipin ang kaibigan sa kahihiyan. Nagkamali pala siya sa unang inisip na tanging virginity lamang ng kanyang bestfriend ang habol nito.

"Ah Mayor Marco?" wika ni Janet.

"Yes Janet, ano yon?"

"Tanong ko lang sana... May magiging bestman ka na daw? Sino siya? Pogi ba? Hihi" may kapilyahan nitong tanong na nagpatawa sa lahat ng nakaupo sa mahabang dining table.

Noong una kasi ay walang Best Man sa wedding entourage ng dalawa maging sa mga inimprentang mga imbitasyon sa kasal. Ngunit nabanggit ni Trisha kay Janet ang nasabi ni Marco na mayroon nang gaganap sa nasabing tungkulin.

Saka lang naalala ng alkalde ang anak na dadalaw daw dapat sa kanya ayon sa tiyahin nito. Dahil sa pagiging abala sa munisipyo ay nawala na iyon sa kanyang isip at hindi na din maalala kung kailan ba sila nagkita sa labas ng sementeryo.

"Ah yeah! Meron na... Kaso nalimutan ko siyang pasabihan para nakadalo sana ngayon... Wait, excuse me may tatawagan lang ako." paalam nito sa mga nasa hapag.

"Ahhh... Kilala ba namin siya Mayor?" pahabol na tanong ni Janet sa alkaldeng tumayo.

"Makikila niyo na siya... Anak ko." nakangiting baling nito sa magkaibigan saka ipinagpatuloy ang paglalakad palayo habang hinahanap sa telepono ang tatawagan.

Hindi lihim sa pamilya ni Trisha na may anak si Marco bagaman hindi hindi ito nakagawiang magkwento tungkol sa kanyang unang pamilya. Ito nga ata ang unang pagkakataon na naringgan nila ulit itong bigkasin ang salitang 'anak'.

Walang makikitang kahit anong litrato nito sa buong kabahayan. Tanging mga larawan lamang ng namayapang asawa ang makikitang naka-display sa mansyon nito.

Bago pa ito nag-alok ng kasal kay Trisha ay minsan nang nabanggit ni Marco na mayroon itong anak na lalaki na nasa Amerika. Ngunit bukod doon ay wala nang ibang naikwento ang alkalde tungkol dito.

Naputol ang pag-iisip ni Trisha sa isang notification sa kanyang social media account.

"Uy ano to!" sita niya kay Janet na nagkukutingting ng smartphone nito.

"Eh throwback challenge daw e, kaya ayan... tag na lang kita sa mga pictures natin noon."

Ang tinutukoy nito ay ang mga highschool pictures nila na kinuhanan ni Janet ng mga larawan noong umattend sila ng binyagan. Kabilang na sa mga inupload na litrato ang mga kuha ng kaklaseng babae na nakaupo sa duyang pinalamutian ng bulaklak. Kasama na dito ang larawan ni Trisha kasama si Billy.

"Eh kasi naman... bakit ito pa!" reklamo ng dalaga sa kaibigan.

"Hayaan mo na yan! Yan na yata pinaka-cute mong pictures nun... hahaha!" pang-aasar pa ni Janet. "Saka malay mo di ba baka kumalat... baka makita ni Billy... hihihi"

"Sira ka talaga!" natatawang sagot ni Trisha.

Bakit nga kaya ganon. Pakiramdam ng dilag ay wala na ang kabog sa kanyang dibdib sa tuwing may makakasambit sa pangalan ni Billy. Di gaya nang dati na namumula pa siya sa tuwing maaalala ang isang bahagi na iyon ng kanyang kabataan.

Di yata't naglaho na din ang pagtatangi niya sa lalaking iyon. O mas nangingibabaw na ang sakit ng pangalawa niyang pag-ibig kaya't natabunan na nito ang mga alaala ni Billy.

Mas naiisip pa niya ngayon ang nawawalang bracelet na kay tagal niyang iningatan. Halos isang linggo na niyang iniisip kung saan iyon napunta. Hinanap na niya iyon sa lahat ng pwedeng paglagyan sa opisina at sa bahay ngunit talagang hindi na niya iyon nakita.

Iyon pa naman ang nagpapaalala na minsan sa kanyang buhay ay may taong nagpahalaga at nagpasaya sa kanya ng lubos sa kabila ng kanyang mga insecurities. Saya hindi dahil sa lalaking nagbigay noon, kundi ang pakiramdam na ginawa ang pulseras na iyon nang may kalakip na pagmamahal.

Nakatitig lang si Daniel habang nag-riring ang kanyang cellphone na naka-mount sa dashboard ng kanyang sasakyan. Nasa parking area siya ng isang kilalang mall sa Maynila at hinihintay ang kakatagpuing kausap.

Nagdadalawang-isip ito kung sasagutin ang tawag mula sa di kilalang numero na rumehistro sa kanyan screen. Naka-ilang missed calls na ito nang magpasya ang binatang damputin ang telepono.

Hindi muna ito nagsalita nang pindutin ang accept button. Tila binobosesan pa ng tulalang binata ang taong nagsalita sa kabilang linya.

"Ikaw pala Mayor." sa wakas ay sagot nito.

Napakunot ang noo ni Marco nang marinig ang tinig ng kanyang anak. Hindi lang sa kung paano siya tawagin nito kundi pakiramdam niya ay kumakausap siya ng lasing. Napailing na lang ang alkalde ngunit pinilit pa ding maging masaya para sa kausap.

"Bakit sabi ni Lucy dadalawin mo daw ako?... Bakit di ka na tumuloy?... May ipapakilala sana ako sayo eh..."

Napailing din si Daniel sa sinabi ng ama. Paano nga ba niya sasabihin ang totoong dahilan ng hindi niya pagdalaw dito.

'PAANO KO TUTULOY HA?! EH PUTANGINA YUNG MAHAL KO ANG PAKAKASALAN MO!' Yan ang mga katagang gustong bitawan sana ni Daniel sa kanyang ama.

"Sorry may biglaang lakad kaya hindi na ko nakarating." Pigil na pigil ang kanyang emosyon habang sinasambit ito.

"Ah ganun ba? Pero alam mo na siguro kung kailan ang kasal ko?" tanong muli ni Marco.

'PUTA KAILANGAN PA BANG ULIT-ULITIN HA?! SAYO NAAA! IYO NAAA!!' hiyaw ulit ng kanyang isip.

Napadukdok na lang ang binata sa manibela sa pagpipigil nito ng kanyang damdamin. Tila umaalingawngaw ang tunog ng kampana kasabay ang pagsabog ng kanyang puso sa lakas ng kabog nito sa mga sinasabi ng ama.

"Kung ok lang sana sayo Dandan... ikaw sana ang maging best man ko..." sinserong paanyaya ng ama sa kanyang anak.

Dagdag pa nitong sinabi sa kausap. Wala siyang kamalay-malay na parang bulkan na sasabog ang damdamin ng nasa kabilang linya. Kung gaano siya kasaya habang kausap ito ay kabaligtaran namang sakit na naidudulot nito sa kanyang anak.

"ARRGGH! ANO BANG PAKE KO SA KASAL MO?! DI BA MATAGAL NA TAYONG NAGKANYA-KANYA?! DI BA?!!"

Di na naitago ng binata ang damdaming pilit na ikinukubli sa ama. Sakit na kailangan niyang ilabas upang tantanan na siya sa patuloy na pagpapaalala nito sa kasal nila ng babaeng kanya ring minamahal.

Nailayo ni Marco ang telepono sa kanyang tainga sa lakas ng bulyaw ng kanyang anak.

"Tama nga ang hinala ko Daniel... Di ka na talaga magbabago... At parang nagmamalaki ka pa ngayon?! IKAW NA SUMIRA SA PAMILYA NATIN! IKAW NA PUMATAY SA PINAKAMAMAHAL KO!!"

Waring muling tumulo ang dugo sa sugat na kay tagal pinaghilom ng panahon. Sugat na inakalang isang pilat na lamang. Bagama't naroon pa rin ang marka ay di na muling sasakit. Ngunit ang pilat pala kapag muling nasugatan ay nagiging mas madugo. Mas mahapdi.

"Mali talagang kinalimutan ko lahat Daniel... Mas mabuti pang di ka na nagpakita ulit!... MAS MABUTI PANG IKAW NA LANG ANG NAMA--"

Di na naituloy pa ni Marco ang sabihin nang marinig ang tunog na naputol na ang linya nang babaan siya ng telepono ng anak. Nanginginig ito at at titig na titig sa screen ng kanyang cellphone. Pigil ang luha sa alaalang biglang nanumbalik.

Nanlulumo itong bumalik sa salo-salo. Di maitago sa itsura nito ang sama ng loob sa nakausap.

"Nakausap nyo si Dandan?!" sabik na tanong ni Manang Sabel na kinalakhang yaya ng binata.

"Hindi siya makakarating sa kasal." matipid nitong sagot.

Natahimik ang lahat sa narinig. Wala nang nangahas na mag-usisa pa kung bakit. Bagamat di narinig ni Trisha ay mahihinuhang hindi naging maganda ang pag-uusap ng kanyang mapapangasawa at ng anak nito.

************************

"WHAAAT?!!!"

Napabulyaw ang binata sa paglingon sa kumatok sa may bintana. Dumating na pala ang kausap niyang kapalitan ng kanyang sasakyan.

Bumaba si Daniel at nakipag-usap sa lalaking dumating. Nakipagsara sa kasunduan nila hinggil sa magiging palitan. Ang modelo niyang sedan kapalit ang isang lumang sports bike at magbibigay na lamang ang may-ari ng motorsiklo ng karagdagang halaga.

Habang binubusisi ng kapalitan at ng kasama nito ang pag-inspeksiyon sa sasakyan ni Daniel ay parang wala naman itong interes na nakatitig lang sa motor na ipapalit sa kanyang sasakyan. Maayos pa naman ito at mukhang alaga naman ng may-ari ngunit wala sa motorsiklo ang isip ng binata.

Umeeko pa kasi sa kanyang tainga ang mga sinabi ng ama. Para siyang babagsak sa panghihina nang ipaalala nito ang malaking kamaliang kanyang nagawa.

Kung noon ay nagawa niyang sirain ang buhay niya dahil doon dahil sa labis-labis na pagsisisi, ngayon pakiramdam niya ay kulang pa iyon.Kulang pang kabayaran ang walang kwenta niyang buhay sa laki ng kasalanang nagawa. Kahit idagdag pa rito ang pagpapaubaya niya sa babaeng minamahal.

'AHHH... AYAW KO NA!!' hiyaw ng kanyang puso at isip.

"Boss... hindi mo man lang pina-carwash oto mo." pintas ng lalaki habang iniisa-isang tanggalin ang mga kalat na naiwan pa sa loob ng sasakyan.

"Ayaw mo na?!" angil naman ni Daniel sa kapalitan.

"Ahh sige ako na lang." bwelta naman nito sa kanya.

Nakahanda na ang kasunduan at lahat ng mga kailangang papeles at ID ng dalawa. Nagpirmahan na ang mga ito upang maging legal ang kanilang palitan at saka na lang ipapanotaryo ang mga dokumento.

Isinama na din ng may-ari ng motorsiklo ang kanyang helmet. Tatanggihan sana iyon ni Daniel ngunit baka mahuli pa siya sa pag byahe sa labas kung walang suot nito.

Matapos maibigay ang karagdagan halaga ay akmang maghihiwalay na ang nagpalitan ng sasakyan. Ngunit bago makaalis ang kotse ay sumungaw pa sa bintana ang kasama nitong lalaki na nakaupo sa unahan.

"Ohhh... sayo yata yan brad." sabay hagis ng isang bagay sa binatang nakasakay na din sa motorsiklo.

Nasalo naman iyon ni Daniel. Nakaalis na ang dalawang sakay ng kanyang oto ngunit nananatili pa rin ang binatang nakatitig at parang tulala sa bagay na inihagis sa kanya. Nanginginig ang kamay nitong itinikom ang palad hawak ang bagay na iyon.

************************

Mabilis na lumipas ang mga araw at dalawang linggo na lamang mula sa nakatakdang araw ng kasal nila Mayor Marco at Trisha.

Habang papalabas ng simbahan mula sa katatapos na misa ay magiliw ang bawat taong sumasalubong at bumabati sa magnobyo. Nabanggit kasi ng pari bago matapos ang misa ang tungkol sa magaganap na kasalan sa susunod na dalawang linggo.

Kakikitaan ang dalawa ng saya at pagkasabik sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Ang mga bulong ni Marco na nagpapangiti sa magandang mukha ni Trisha, tila larawan ng dalawang taong perpektong pinagtagpo ng tadhana.

Sa bawat ngiti naman ng dilag ay parang dinudurog ang puso ng isang taong kanina pa nakamasid. Tila nagsisisi at puno ng panghihinayang ang mga matang pinangingiliran ng luha.

Naghuhumiyaw ang puso kung bakit ganoon na lang siya kung biruin ng tadhana. Bakit tila para siyang pinaglalaruan.

Bakit siya pa. Na sa kabila ng nakikita sa panlabas na anyo na animo siya'y ubod ng tatag... siya ay marupok, mahina at madaling mawasak.

Kabaligtaran sa ipinapakita sa karamihan na ningning ng kanyang mga mata ay ang lungkot na ikinukubli ng dalaga sa kanyang puso. Malikot ang mga mata nito na parang may nais pa ring matanaw sa kumpol ng mga tao. Araw-araw na umaasa na magkikita silang muli ng binata kahit sa kahuli-hulihang sandali.

Napukaw ang pag-iisip ni Trisha nang kalabitin siya ng batang babae na nagtitinda ng sampaguita.

"Ate... ate... Kayo po ba si Ishie?" tanong nito.

"Ha? Bakit mo naitanong 'ne?" pagtataka ng dilag dahil akala niya'y aalukin lamang siya ng bata ng paninda nito.

"May nagpapabigay po kasi nito sa inyo..." sabay abot nito ng bead bracelet na matagal na niyang hinahanap.

Di napigil ng dalaga ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata sa saya at pagkabigla.

"Teka, sino ang nagpabigay nito ne?!"

Itinuro nito ang malaking puno sa di kalayuan na agad namang tinungo ng dilag kasama ang bata. Halos patakbo si Trisha nang puntahan ang taong nagpaabot ng kanyang bracelet. Di naman napansin ni Marco ang pag-alis ng nobya sa pagiging abala nito sa mga kakilalang kumausap sa labas ng simbahan.

"Nasaan siya?! Sino?" tarantang tanong niya sa bata na nagpapalinga-linga din kakahanap sa lalaking nagpabigay.

"Nako ate wala na yata eh."

"Nasaan ka na?" sambit ni Trisha sa labis na pagtataka at panghihinayang.

Muling narinig ni Daniel ang malamyos na tinig ng babaeng kanyang minamahal. Ang babaeng noon pa pala nakatatak sa kanyang puso.

Gustong-gusto man niya itong yakapin, pilit niyang inawat ang sarili na muling magpakita dito habang nakakubli siya sa likod ng malaking puno.

'Kaya naman pala... Ikaw pala yan... Ishie...'

About paradoxxxx

u/paradoxxxx
paradoxxxx has nothing to say.

More from paradoxxxx

  • LARAWAN 9

    Filipino Sex Stories
    Lumapit pa ng bahagya si Marco sa selda at matamang tinitigan ang anak na halos labindalawang taong niyang hindi nakita...
    15 minutes
  • LARAWAN 15

    Filipino Sex Stories
    "Ano yan?!" s eryosong tanong ni Marco sa nagulat na dilag. Parang bata itong nagtago nang kung anong bagay sa...
    18 minutes
  • Larawan 3

    Filipino Sex Stories
    Nag-aapurang tinungo ng dalaga ang pintuan habang hinihila ang hapit na palda pababa. Taranta nyang pinihit ang seradura para mabuksan...
    16 minutes
  • LARAWAN 13

    Filipino Sex Stories
    (Paki click na lang po "FOLLOW" sa profile ko then refresh the page para mabasa yung story. Salamat po.) ******************** Napahangos...
    19 minutes
  • LARAWAN 10

    Filipino Sex Stories
    Pilit nagpumiglas si Trisha sa kamay ni Marco na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Dama ng dilag ang pagbaon...
    30 minutes
  • LARAWAN 11

    Filipino Sex Stories
    "IKAW?" Kasunod ng sabay na pagbigkas ay muling katahimikan. Kapwa sila halos di makapaniwala kung totoo nga ba ang kanilang...
    26 minutes
  • LARAWAN 7

    Filipino Sex Stories
    Dama ni Trisha ang napipintong pagpasok ng matabang burat ng alkalde sa kanyang hiyas. Pinaghalong pagkasabik at kaba ang kanyang...
    24 minutes
  • Larawan

    Filipino Sex Stories
    "Ohhhh... Ohhhh... ang saaraaap.... Ahhhh sige paaa!" halinghing ng babae habang titig na titig sa mukha ng estrangherong hayok na...
    10 minutes
  • LARAWAN 6

    Filipino Sex Stories
    "PUTANGINA!!!... TIRAHIN NYO NAAAA!" galit na galit na bulyaw ng anak ng kongresista na di pa rin nakakabangon buhat sa...
    23 minutes
  • LARAWAN 14

    Filipino Sex Stories
    Isang huling sulyap sa babaeng sinadyang saktan upang mas madali sa kanya ang lumisan. Ngunit sa kanyang pagtalikod, pakiramdam ni...
    26 minutes

    Related Stories