1. Home
  2. Stories
  3. LARAWAN 21
Filipino Sex Stories

LARAWAN 21

By paradoxxxx ·
Nagpaikot-ikot ang matanda sa katawan ng dalawang nakasibilyang pulis na nakahandusay sa labas ng bodega. Sinusuri kung mayroon siyang makukuha na mapapakinabangan mula sa mga ito.

Tila ba sanay na sanay na ang matanda na makakita ng mga labi ng tao sa paraan nito ng pagkapkap sa mga bangkay na walang bakas ng pag-aalinlangan. Dinukot nito ang mga bulsa at pinagkukuha ang lamang pera ng mga pitaka nito. Ni hindi man lang nagitla nang makita ang mga tsapa na naroroon.

Nakatalungko ito ng upo habang nangangapkap sa mga bangkay nang may madinig na kaluskos ang matanda at mapalingon sa direksiyong pinagtataguan ni Daniel. Napamulagat ang mga mata nito sa kanyang nasipat.

Kabadong nakakubli si Daniel sa likod ng mga drum sa tabi ng dalawang nakahigang katawan ng mga kasapi ng grupo. Batid niyang kapag nakita siya ng matanda ay madali nitong matitimbrehan ang mga kasama nito na nasa loob.

Lalo pang kinabahan ang binata nang makita niyang hinugot ng matanda ang itak na nakasuksok sa baywang nito at dahan-dahan itong lumapit sa kanyang pinagtataguan.

Inihanda na ni Daniel ang kalibre .45 na nakuha niya sa ikalawang lalaki. Maingat niya iyong ikinasa upang huwag lumagitik at iniumang sa papalapit na matanda. Napalingon din siya sa nakahandusay na lalaki sa kanyang tabi na kumikislot at tila unti-unti nang nagkakamalay.

Hindi malaman ni Daniel ang gagawin. Hindi maaaring magkaroon ng kumosyon sa labas na magiging sanhi upang maalarma ang mga kalaban sa itaas. Maaari nilang gamitin ang mga bihag upang mapalabas siya at tuluyan nang mawawalan ng pagkakataong maisalba niya ang mga mahal sa buhay.

Alam niyang wala siyang laban sa mga taong dumukot sa kanyang ama at kay Trisha. Ngunit wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang sumugal. Kailangan niyang lumaban.

Marahang humakbang ang matanda patungo sa pinagtataguan ni Daniel habang mahigpit na nakakapit sa itak nito. Habang papalapit ito ng papalapit ay matamang nakamasid sa kanya ang binata ngunit muli siyang napalingon sa lalaki sa kanyang tabi. Gumagalaw na ang mga daliri sa kamay nito at napapakunot ang noo senyales na binabalikan na ito ng ulirat.

Pigil-hininga si Daniel na nakahanda na ang daliring unti-unting dumidiin sa gatilyo ng nakaumang na baril. Nang biglang iniangat ng matanda ang matalas nitong itak sa ere.

Patuloy na tumataas ang paggapang ng kamay ni John kasabay ng lalong paglilis ng laylayan ng damit pangkasal. Panay naman ang kislot ng babaeng nakahiga sa ibabaw ng papag sa gawing kanan ng silid. Nakalantad na ang kabuuan ng mga hita nito at umabot na ang paghimas ng kamay sa singit ng dalaga.

Pilit na inipit ni Trisha ang kanyang mga hita. Diring-diri ito sa mga kamay na hayok na humahagod sa kanyang balat na ang daliri ngayo'y sumisiksik na sa kanyang panty. Isama pa dito ang mga nanlilisik na mata ng mga lalaking tila mga gutom na leon na handa nang sumagpang sa kanilang biktima.

Nagkakandahaba ang leeg ng mga tauhan sa pagmamasid sa umiinit na palabas. Bahagya pang napalapit ang dalawang nakapwesto sa may pinto na nakatanaw mula sa gilid ng higaan. Nais masipat ang kinakapa ng kanilang amo sa pagitan ng mga hita ng dilag.

Ang isa namang nakatutok ang baril sa alkalde ay napapadukwang palihis sa nakatalikod niyang amo. Nasa kaliwang sulok sa gawing paanan ng papag ang kanilang kinaroroonan ni Marco. Pilit nitong sinisilip ang babaeng ginagapang ni John lalo na ang hiyas nitong natatakpan ng kapirasong telang kulay puti.

Sa kanyang pagkakalugmok sa sahig ay hindi tanaw ni Marco ang nagaganap sa ibabaw ng papag. Tanging naririnig niya lamang ay ang paghikbi ng kaawa-awang kasintahan.

Halos mamilipit pa rin ito sa malalakas na tadyak sa katawan na kanyang tinamo. Maging siya ay pinanghihinaan na ng loob at nawawalan na din ng pag-asa kung paano sila makakaligtas sa kuko ng mga halimaw na iyon.

Damang-dama ni John ang init ng singaw ng pagkababae ni Trisha sa kanyang kanang kamay na nakaipit sa malambot na mga hita nito. Sarap na sarap siyang pagmasdang nakahain sa kanyang harapan ang alindog ng babaeng pakakasalan ng alkaldeng may atraso sa kanya. Maging ang panginginig ng dibdib at katawan ng dilag suot ang puti nitong trahe.

Wala nang sinayang na sandali ang hayok na lalaki. Yumukod ito at tinangkang sunggaban ang mga labi ng umiiyak na babae. Mabilis namang iniwas ng dalaga ang kanyang mukha sa halik na iyon kaya't ang kanyang leeg naman ang pinuntirya nito.

Hindi malaman ni Trisha kung ano ang pipigilin. Ang malikot na kamay na ngayon ay marahas na humihimas sa ibabaw ng kanyang katambukan, o ang dila nito na kasalukuyang humihimod sa kanyang leeg.

"Tangina... Uubusin ko bango ng babae mo Vargaaas!... Uhmm..." hayok na pagdila nito sa malasutlang leeg at ngayon ay bumaba na ang mga labi sa punong suso ng dilag.

Pigil-pigil naman ng dalaga ang mga balikat ni John at pilit itong itinutulak palayo subalit sadyang napakalakas nito. Hangga't pumapalag siya ay tila lalo pang dumidiin ang mga halik nito na may kasamang kagat ng mga labi sa kanyang balat.

Puwersahang hinaltak ni John pababa ang bahagi ng traheng tumatabon sa may dibdib na ikinatastas ng isang manggas sa may balikat ng dalaga na nakakabit doon. Dinig ang pagkapunit ng pinong tela at nagtalsikan ang mga puting sequins at beads ng trahe dahil sa pagkakahiklat.

Lalo namang naulol ang tatlong tauhan sa masarap na palabas na kanilang namamalas. Nakaluwa na ang mga suso ng babae at halos sumungaw na ang mga utong nito. Tanaw din nila ang matambok na kipay ng namamaluktot na dalaga. Kahit natatakpan pa ng manipis na tela ay maaaninag ang hiwa nito.

Isang malakas na taga lamang ang ginawa ng matanda at agad niyang napuruhan ang namataang kalaban. Napangisi ito nang matagpas ang ulo ng kanyang pakay. Ilang-araw na rin niya iyong hinahanap dahil ito ang umuubos sa mga sisiw ng kanyang mga pinagagalang manok.

Nang mapatay ang ahas ay binitbit iyon ng matanda pabalik sa gate na kanyang binabantayan. Balak ibida kapag naparaan ang kanyang kumpare dahil mayroon na silang ipamumulutan.

Pansamantalang nakahinga ng maluwag si Daniel. Akala niya ay siya ang pakay na tagain ng matanda kaya't montikan na nga rin niya itong mabaril. Nang makalayo ito ay agad niyang binalingan ang lalaki sa kanyang gilid na tila nagkakamalay na.

Taranta ang binata kung ano ang gagawin nang bahagya na itong mapadilat. Iniiwasan niyang gamitan ito ng armas dahil tiyak na maaalarma na ang mga kalaban sa loob.

Napamulagat ang lalaki nang magtama ang kanilang mga mata. Agad itong sinampahan ni Daniel at tinakpan ng mga kamay ang bibig nito upang hindi makalikha ng ingay.

Sa kanyang pagkakakubabaw dito ay nagkakawag ang mga paa't kamay ng lalaki sa kagustuhan nitong bumangon. Habang nakatuon siya sa bibig nito ay inaabot naman ng lalaking nakahiga ang kanyang mukha at pilit iyong sinusubukang lamukusin at itulak palayo.

Nawalan na ng pagpipilian ang binata. Ang mga kamay na nakatakip lamang sa bibig ay mariing nakakapit na ngayon sa leeg ng lalaki. Todo pwersa ang ginawang pagsakal sa nagwawalang lalaking nagpipilit humiyaw ngunit hindi magawa pagkat kinakapos na ng hininga.

"Arrkk! Ahhkkk!!"

Titig na titig si Daniel sa mga mata ng lalaking kanyang sinasakal. Kita nya ang pamumula ng ugat sa mga mata nitong waring naipunan ng dugo habang tuloy ito sa pagkakawag. Hanggang sa ang mga kamay na pilit tumutulak at humahampas sa kanya ay bigla na lang bumagsak.

Hingal na hingal si Daniel na agad napagilid matapos niyang makitang mamatay nang harapan ang lalaking iyon. Kitang-kita niya sa mga mata nito nang panawan ito ng buhay.

Nakaluhod ang binata habang minamasdan ang nanginginig niyang mga kamay. Sa ilang saglit lang ay dalawang buhay na ang kinitil ng mga iyon. Mga buhay ng dalawang taong hindi niya kilala at hindi alam kung may mga pamilyang naghihintay sa pag-uwi ng mga ito.

Para siyang masusuka nang muling tapunan ng tingin ang dalawang bangkay sa kanyang tabi. Napalamukos sa kanyang mukha si Daniel. Batid na hindi makakatulong sa sitwasyon kung iisipin pa niya iyon. Ang mahalaga ay mailigtas niya ang kanyang ama lalo na ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Kahit hinang-hina ay pinilit niyang makatayo. Dinampot ang maigsing armas at muling iginala ang mga mata sa paligid kung mayroon pa bang ibang kalaban na naroroon.

Halos di kumukurap ang mga nasa silid at nanlalaki pa ang mga mata habang nakamasid sa ginagawa ni John sa magandang babae. Maliban kay Marco na walang kalaban-labang nakahandusay sa lapag.

Pilit niyang kinakalagan ang pagkakagapos ng mga kamay na kanyang nahihigaan ngunit sadyang hindi niya magawang kalagan ang mga iyon. Nawawalan na ng pag-asang maililigtas pa si Trisha mula sa mga demonyo.

Di na nakatiis sa pagkatakam ang buhong amo nang bigla nitong haltakin pababa ang itaas ng trahe kasabay ang strapless bra ng dalaga. Pilit pang tinakpan ni Trisha ng mga braso ang kanyang dibdib ngunit hinawi lamang ni John ang mga iyon.

Nakapaling sa kabilang gilid ng higaan ang mukha ni Trisha na patuloy sa paghagulgol. Lihim na nananalangin na sana ay makaligtas pa sila ni Marco sa kamay ng mga walang kaluluwang iyon.

Parang asong ulol na nakakita ng lalapain ang hayok na anak ng kongresista. Muli niyang nasilayan ng buo ang mapuputing susong may maliliit na utong na kulay mapusyaw na rosas.

Kung dati ay nabosohan lamang niya ang dilag kasama ang alkalde sa kadiliman ng gabi, ngayon ay sa liwanag niya namamasdan ang mga susong iyon at sa mas malapitan.

Walang pag-aatubili nitong agad na isinubo ang isang utong at sinuso ng husto na akala mo batang uhaw na uhaw sa gatas ng ina. Matunog ang pagsupsop nito at nilalaro-laro pa ng dila ang mumunting utong. Dito na nagpapalag ang dilag. Pilit kumakawala sa mga kamay na mariing nakakapit sa magkabila niyang braso.

"WOOOO!!!"

Sabay-sabay naghiyawan ang mga tauhan na parang mga lobong nagsialulong. Napapangiwi naman ang labi ng babae sa kirot ng marahas na pagsupsop ng amo ng mga ito sa magkabila niyang utong.

"TAMAAA NA POOO!!! HUHUHU!!" hinagpis at pagmamakaawa ni Trisha sa hayok na lalaki.

Parang sinisilaban sa galit si Marco sa nangyayari at sa naririnig na panaghoy ng kasintahan. Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakahandusay at parang toro nitong sinuro ang nakabantay sa kanya na abala na sa panonood sa nagaganap sa papag.

"TANG INA MO JOOOHHNNNNN!!!"

Nang mapasalampak ang sinuwag na bantay ay akmang sunod na susugurin na sana ni Marco si John ngunit isang malakas na palo ng baril sa kanyang batok ang tinamo nito mula sa isa pang tauhan. Una mukhang bumagsak ito sa maalikabok na sahig at tuluyang nawalan ng malay.

Napalingon si John sa kumosyon. Kitang-kita din ni Trisha ang sinapit ni Marco. Dahil sa nangyari ay pilit nitong pinwersa ang kanyang mga kamay na makalaya sa pagkakagapos ni John at bigla nitong pinagsasampal ang lalaki.

"MGA HAYUP KAYO!!! ANG SASAMA NIYO!!!" hagulgol ni Trisha habang patuloy na pinaghahampas sa mukha ang lalaking nakakubabaw sa kanya.

"AHH PUTAAA!!!" at isang malakas na sampal din ang iginanti nito sa kanya na ikinayanig ng dalaga.

Pabalik na si Daniel sa loob ng bodega nang makarinig siya ng mga kalabog mula sa likod ng puting kotse. Payukong pinuntahan ng binata ang sasakyan at paupong sumandal roon. Narinig niyang parang may taong nasa loob ng trunk at humihingi ng tulong.

Sinipat ni Daniel ang manibela mula sa bintana ng passenger door sa harap. Maingat niyang binuksan ang pinto at agad na kinuha ang susi sa manibela. Gamit ang kaliwang kamay ay binuksan niya ang trunk sabay tutok ng baril sa lalaking nasa loob nito.

"Boss... Boss... wag po!" takot na pakiusap ng lalaki nang makita ang tangan niyang baril na nakatutok dito.

Sinenyasan ito ni Daniel na huwag maingay at hinayaan itong makababa.

"Nasaan ga ako? Sino ka? Nasaan yung ihahatid kong ikakasal?!" sunod-sunod na pabulong na tanong ng lalaki habang kapwa sila nagtatago sa likod ng sasakyan.

Napagtanto ni Daniel base sa suot nitong uniporme na ito ang driver ng vintage bridal car na iyon. Nanlilimahid ang suot nitong puting coat dahil sa maalikabok na trunk at may bahid pa ng natuyong dugo mula sa sugat nito sa mukha.

"Kailangan mong makalabas dito at makahingi ng tulong... Nanganganib sila Mayor!"

Itinuro ni Daniel sa lalaki ang gate palabas ng malaking bakuran at ibinigay ang susi ng kanyang motor. Binalaan din niya ito na mag-ingat sa matandang nagbabantay sa labas ng gate. Tumango-tango lamang ang lalaki sa kanyang mga habilin dito.

Bago umalis ang driver ay may kinuha itong tubo sa loob ng sasakyan. Mabuti nang may dala siyang magagamit na panlaban sa sinabi ng lalaki na bantay ng gate sa labas. Laking pasalamat pa nito sa binata bago ito tuluyang umalis.

Lalong napahagulgol si Trisha sa malakas na sampal na tinamo. Tila wala naman siyang magagawa na upang pigilan ang lalaki sa balak nito sa kanila ni Marco dahil lalo lamang siyang nasasaktan.

Muli nang binalikan ni John ang suso ng babae at halinhinan iyong sinupsop. Napapanganga ang mga alagad at napapadila sa labi habang minamasdan kung paano paliguan ng laway ng kanilang amo ang masarap na katawan ng dilag.

"Hoy!" batok ng kanang kamay ni John sa isa nitong kasama.

"Kumuha ka nga ng beer sa baba... para mas masarap manood."

"Tsk! Wag na tayo uminom!" reklamo nito dahil ayaw maantala ang panonood sa magandang palabas.

Tinignan lamang siya ng masama ng nag-utos. Hindi na nito kinailangang magdalawang-salita at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Isinandal niya ang mahabang baril sa isang sulok at patakbo itong bumaba ng hagdan upang kumuha ng maiinom.

Sa pagmamadali ay natabig pa nito ang bugkos ng mga pantulos na kawayan na kanya namang nasapo at muling itinayo at isinandal sa patong-patong na mga crate. At taranta nitong tinungo na ang lumang kinakalawang na ref na nakapwesto sa ilalim ng silong ng silid.

Pabalik na sana siya sa itaas nang mapansin nitong tahimik na tahimik sa may pinto ng kamalig at tila wala ang dalawang kasamang ipinaiwan upang magbantay doon.

"Bogart?... Kadyo?" tawag nito sa mga kasama.

Ibinaba na muna nito ang malamig na mga bote ng serbesa upang hanapin ang kanyang mga kasamahan. Kampante lang itong naglakad papunta sa pinto at ni walang kaide-ideya na napasok na sila at naitumba na ang kanyang mga kasama.

Ngunit hindi pa siya nakalalabas ng pinto ng bodega ay natanaw na niyang nakabukas ang trunk ng puting kotse. Nagduda na siya na baka nagising at nakawala ang driver na binambo niya ng baril kanina.

Nakita niyang parang may taong nakaupo sa likod niyon at nagkukubli. Napangisi pa ito na parang pusang aatake sa nagtatagong bubwit habang dahan-dahan niya itong nilalapitan.

Nasilip niya ang isang pares ng paa na tila nakaupo sa likod ng sasakyan. Naiwan niya sa itaas ang kanyang armas at tanging balisong lamang ang hinugot nito mula sa kanyang bulsa at iniumang habang siya ay papalapit.

Sa takot na makaistorbo sa kanilang amo ay hindi na ito nag-aksaya pang timbrehan ang mga nasa itaas o hanapin ang mga kasamang dapat ay nagbabantay doon. Alam niyang kayang-kaya naman niyang mag-isa ang driver na iyon.

Walang kamalay-malay si Daniel sa kalabang papalapit. Nagulat na lamang siya nang sa kanyang pagtayo ay bumulaga ang isang lalaking may hawak na patalim at itinarak iyon sa kanyang tagiliran.

Mabuti na lamang at bahagya siyang nakaiwas ngunit bumaon pa din ang bahagi ng blade niyon. Napahiga si Daniel na sinamantala naman ng tauhan ni John. Niluhuran pa nito ang kanyang sugat nang sampahan siya ng lalaki at akmang uundayan siya ng saksak sa dibdib.

Ganoon na lang ang pagtataka ng lalaki dahil alam niyang hindi iyon ang driver na isinilid nila sa trunk kanina. Gayon pa man ay nanginginig ang kanyang laman sa pagkahayok na mapatay ang lalaking iyon na alam niyang may masamang pakay sa kanilang grupo.

Maagap na nasapo ni Daniel ang pulsuhan ng lalaking may hawak na balisong na nasa kanyang ibabaw. Para itong demonyong nakangisi pa nang makitang napapangiwi sa sakit ang lalaking kanyang papatayin habang dinidiinan niya ang pagkakaluhod sa sugat sa tagiliran nito.

Dalawang kamay pa nitong pilit idinidiin ang hawak na balisong sa dibdib ng nanlalabang lalaki. Ibinuhos naman ng binata ang kanyang buong lakas upang pigilan ang braso nito.

Ngunit nanginginig na ang kanyang mga brasong nakatukod dito. At dala ng panghihina ay unti-unti nang bumibigay ang kanyang pagsagka at pababa ng pababa ang blade ng balisong na tangan nito habang sila'y nagpapambuno.

Parang wala na siyang lakas na kayang ibigay upang pigilan pa ito. At unti-unting naramdaman ng binata ang sakit ng pagtukod ng dulo ng talim ng balisong na dahan-dahang tumatarak sa kanyang dibdib.

"Putangina mo... Papatayin kita!" wika nito habang nakatitig sa mga mata ng binatang unti-unti nang nanghihina sa sakit na nararamdaman.

"AHHHH!!!..." huling daing ni Daniel.

Patuloy ang pagpapasasa ni John sa katawan ni Trisha. Halos magmarka ang mga gigil na sipsip nito sa maputing balat ng dalaga.

Walang tigil ang pagbukal ng luha sa mga mata ng dilag. Hindi matanggap ng kanyang puso't isip kung bakit niya kailangang sapitin ang bagay na iyon.

"Sluuurrp... ang sarap mo... Aariin na kita hangga't hindi kami nagsasawa sayo!" wika ng hayok na lalaki sa pagitan ng mga pagsupsop sa kanyang namumula nang mga utong.

Napaigtad si Trisha nang muling balikan ng kamay nito ang kanyang pagkababae. Hindi na niya napigil nang ipasok ng hayok na lalaki ang mapangahas nitong kamay sa loob ng kanyang panty.

"Huhuhuhu... Tama na pooo!" muling pakiusap niya.

Tila naman musika sa tainga ng grupo ang naririnig na palahaw at pagsusumamo ng kaawa-awang dilag. Mas lalo pang nasabik ang dalawang tauhan sa susunod na gagawin ng kanilang amo sa nakatraheng babae.

Unti-unti nang napapapikit si Daniel kasabay ng panghihina ng kanyang mga kamay upang pigilan ang lalaking na itarak nang tuluyan ang hawak na balisong sa gitna ng kanyang dibdib.

"Tumingin ka sa mata ko!... Ako na ang huli mong-- ARRGHH!"

Hindi na naituloy ng lalaking nasa ibabaw ni Daniel ang sasabihin nito at isang malakas na palo sa ulo mula sa matigas na bagay ang nagpabulagta dito. Makailang-ulit pa itong hinataw ng driver sa mukha gamit ang bitbit na bakal na tubo at duguan na nang kanyang lubayan.

"PUTANG INA MO!!!" humihingal at galit na galit na wika nito sa lalaking siyang bumayo ng baril kanina sa kanya nang harangin sila ng mga ito.

Mabuti na lamang at muling lumingon ang driver na pinatakas ni Daniel. Nakita niya ang ginawang pagsaksak ng lalaki sa taong tumulong sa kanyang makatakas kaya'y hindi ito nag-atubiling balikan ang binata upang tulungan din ito.

"Pare may tama ka... Halika sumama ka na sakin!" mungkahi nito sa sugatang lalaki habang inaalalayan ito na makbangon.

"No! Hindi ko sila pwedeng iwan... Humingi ka na ng tulong... bilisan mo!"

Tumango ang driver at sumunod na lang sa hiling ni Daniel. Patakbo na nitong tinungo ang yerong gate na bahagyang nakaawang. Nang makalabas ay nagkatinginan pa sila ng matandang nakaupo sa ilalim ng puno na tila nagbabantay.

Akma pa nitong bubunutin ang itak na nakasukbit sa baywang ngunit inunahan na siya agad ng driver. Pero sa halip na hampasin ng tubo ay isang malakas na suntok lang ang kanyang pinawalan sa panga ng nakaupong bantay. Hindi na niya inulit pa ang suntok na iyon dahil pabulagta na agad itong bumagsak sa lupa.

Pinilit ni Daniel na makatayo. Sapo-sapo ng isang kamay ang kaliwang tagiliran na tinatagasan ng dugo habang hawak naman ng kanan ang kalibre kwarenta y singko. Patagilid itong naglakad pabalik sa loob ng bodega habang nakikiramdam sa paligid.

Naghubad na ng suot na t-shirt si John at nagkalas na din ng kanyang sinturon. Agad itong pumuwesto sa mga hita ni Trisha na pinipilit naman nitong ipitin. Habang pinupwersa niya ng mga kamay na ibuka ang mga hita ng dilag ay binalingan nito ang alkadeng nakalugmok sa lapag.

"Gisingin nyo yan! Gusto kong makita niya kung paano ko iyutin 'tong pakakasalan niya hahaha!"

Agad namang hinila ng bantay ang alklde mula sa paanan ng papag papunta sa gilid at inupo itong pasalampak nang nakasandal sa dingding. Sinampal-sampal pa niya ito sa mukha upang magising ngunit nanatili pa rin itong walang malay.

"Buhusan nyo ng tubig!" utos ni John habang tuloy ang pakikipagpambuno sa dalaga upang maibuka ang mga hita nito.

Noon lang naalala ng kanang kamay ng pinuno ang kasamahang inutusan nito na kumuha ng beer sa ibaba. Nagtataka itong lumabas ng silid at dumungaw mula sa balkonaheng karugtong ng hawakan ng hagdanan. Tinatanaw din sa may pinto ang dalawang ipinaiwan kanina upang magbantay roon.

"Puta asan na ba yung beer! Bakit ang tagal?!" hiyaw nito sa kasama.

Ngunit walang sumagot. Napakunot ang noo nitong tinungo ang hagdan upang alamin kung nasaan na ang kanyang mga kasama. Wala tuloy siyang mautusan upang kumuha ng tubig na ipanggigising sa kanilang bihag.

Hindi na makapag-antay si John na magising si Marco. Di na makatiis at takam na takam nang malasap ang nakikitang alindog ng babae kaya't pilit na nitong ibinubuka ang mga hita ni Trisha na patuloy namang nanlalaban.

"TANGINAAA!!! IBUKA MOOO!!!" utos nitong nanlilisik ang mga mata sa libog.

Nang hindi sumunod ay tig-isang suntok ang tumama sa magkabilang hita nito. Namilipit sa sakit ang dilag sa tinamong suntok kaya't wala na siyang nagawa at malaya nang nakapwesto ang hayok na lalaki sa pagitan ng kanyang mga hita.

Agad nitong hinawi ang kapirasong telang tumatakip sa kanyang pagkababae. Wala nang lakas ang dalaga upang labanan ang lalaking malademonyo ang ngiti sa kanya habang inilalabas ang nagngangalit nitong burat.

"Putang ina... Ngayon pa lang ako makakakantot ng nakapangkasal ah!... Hehehe" sambit pa nito.

Agad na itinutok ni John ang ulo ng kanyang tarugo sa hiwa ng dalaga. Kandahaba ang leeg ng tauhang nagbabantay sa alkalde at di malaman kung saan hahanap ng puwesto upang masilip ng mabuti kung paano bibiyakin ng amo ang magandang babae.

Dahan-dahang bumaba ng hagdan ang matabang lalaki nang hindi inaalis ang paningin sa bawat baitang ng may kalumaang hagdan. Lumalangitngit kasi iyon sa bawat hakbang dahil sa kanyang kabigatan.

Bwisit na bwisit ang lalaki sa mga kasamahang di niya malaman kung saan nagsisuot. Naisip nitong malamang ay nagkayayaan na naman ang tatlo na magtong-its sa may lilim ng puno sa gilid ng bakuran.

Nang makarating sa pinakaibaba at pumihit papunta sa silong ay napatulala ito at natigilan sa kanyang nasumpungan. Sa pag-angat ng kanyang ulo ay napanganga na lang ito sa nakaumang na baril at agad napataas ang dalawa niyang kamay.

"Brad... tauhan lang ako... Maawa ka may pamilya ako... maliliit pa anak ko." pakiusap nito kay Daniel.

Kita niya ang panginginig ng dulo ng baril na nakatutok sa kanyang mukha. Natanaw din ng matabang lalaki ang kaliwang kamay ng binatang may hawak ng baril na nakatukop sa tagiliran nitong tigmak sa sariling dugo.

Malikot ang galaw ng mga mata ng lalaki na patuloy hinahanap ang tatlo nitong kasamahan. Sa tuwing ibabalik niya ang tingin sa kaharap ay napapakunot ang noo nito dahil tila nakita na niya ang binata ngunit hindi niya maalala kung saan.

Gamit ang dulo ng baril ay sinenyasan siya ni Daniel na lumayo mula sa hagdan at lumakad papunta sa silong sa ilalim ng silid. Patagilid itong naglakad nang di inaalis ang pagkakaharap sa nakatutok na baril at nanatiling nakataas ang mga kamay. Titinga-tingala ito sa itaas na parang nag-iisip kung paano niya mabibigyan ng babala ang kanyang amo.

Di maisentro ng anak ng kongresista ang dulo ng kanyang nagwawalang burat sa bukana ng pagkababae ng dalaga. Sa tuwing nararamdaman kasi nito ang pagdiin ng matigas na laman sa kanyang butas ay ipinipihit nito ang kanyang balakang upang huwag mapasok ng hayok na lalaki ang kanyang kweba.

"Ahhh FUCKK! Ummmphh!!" humihingal sa libog na daing ni John sa tuwing dadaplis ang burat niya sa bungad ng makipot na lagusan ng dilag.

"Ano boss... tulungan na kita?" suhestiyon ng isang alagad na nabibitin din sa nangyayari.

Di na nito hinintay na sumagot ang amo at siya na mismo ang humawak at dumiin sa isang hita ng dilag upang hindi na ito makagalaw. Kahit anong kislot ni Trisha ay hindi na nito maiiwas ang kanyang pagkababae sa titing kumakaskas doon.

Habang nakahawi sa pundya ng panty ay muling itinutok naman ni John ang burat sa bungad ng lagusan na nagpanganga sa biyak ng dilag. Bahagyang idiniin ang balakang nang maisentro ang ulong nakasawsaw na sa masarap at masikip na puke ng dalaga.

Ramdam ni Trisha ang dulo ng mainit at napakatigas na lamang iyon na nagpabuka sa mga labi ng kanyang hiyas. Sa madiing pagkakadagan ng tauhan sa isa niyang hita ay tila wala na siyang magawa upang mapigilan ang paglusong ng burat ng amo na nakasawsaw na sa bungad ng kanyang puke.

"MGA HAYUUUP KAYOOO!!! BITAWAAAAN NIYO KOOO!!!" palahaw na sigaw ni Trisha sa dalawang halimaw na pumipigil sa kanya.

Napatingala si Daniel nang marinig ang tili ni Trisha. Dito nakakuha ng pagkakataon ang matabang lalaki na tabigin ang kamay niyang may tangan ng baril. Sa pagkakasalya ay nakalabit iyon ng binata at biglang pumutok.

Gulat na gulat ang dalawang may hawak sa dilag. Biglang napaahon si John mula sa pagitan ng mga hita ng dalaga kahit halos pumasok na ang kabuuan ng ulo ng kanyang nagngangalit na tarugo sa pwerta ng bihag.

"BOOOSSSS!!! PINASOK TAYOOOO!!!" hiyaw ng lalaki habang nakikipag-agawan sa baril na hawak ng nanloob.

Tuloy ang pagpapambuno ng dalawa sa paglalayon ng matabang lalaki na ma-dis-armahan si Daniel. Sa kanilang pag-aagawan ay muling pumutok ang baril na nakatutok sa itaas ng kisame.

Nataranta naman ang dalawang nasa itaas sa mga narinig na putok na ang isa'y tumagos pa sa kahoy na sahig. Nagsipagpulasan ang mga ito mula sa papag at nagmamadaling hinawakan ang kanya-kanyang armas.

Dinampot ng tauhan ang mahaba nitong baril at itinutok iyon sa sahig na tabla habang papalabas ng silid at tila pinakikiramdaman kung saang bahagi galing ang putukang nagaganap sa ibaba. Ang amo naman ay agad na dinampot ang baril nito na nakapatong sa lamesita sa sulok ng silid.

Nang makawala si Trisha sa pagkakahawak ng dalawa ay agad itong bumangon upang saklolohan si Marco. Laglag at gulo-gulo na ang magandang pagkaka-ayos kanina ng buhok nito at basa ng luha ang mukha dahil sa pagtangis.

Nagmamadali nitong tinungo ang kinalalagyan ni Marco na nakasalampak sa tapat ng gilid ng papag. Unti-unti na rin itong nagkakamalay nang madinig ang dalawang magkasunod na putok mula sa ibaba. Ngunit parang wala pa ito sa wisyo at hilo pa rin dahil sa pagkakapukpok kanina ng baril sa kanyang ulo.

Nanginginig na napayakap na lang si Trisha kay Marco dahil sa takot sa mga nadinig na putok. Nakahinga kahit papaano na hindi natuloy ang balak sa kanya ni John dahil sa tila pagdating ng saklolong sasagip sa kanila ng alkalde. Gayon pa ma'y batid niyang hindi pa sila lubusang nakakaligtas sa panganib.

Tuloy ang pagpapambuno ng dalawang nasa ibaba. Walang nais pasupil kaya't kapwa ibinubuhos ang lakas hanggang sa matumba na ang mga ito sa pag-aagawan sa baril na hawak ni Daniel. Dahil sa kanyang bigat at sa tama ng katunggali sa tagiliran nito ay nagawa ng matabang lalaki na mapailalim sa kanya ang nanghimasok na estranghero.

Waring bagito naman ang isang tauhan ni John na nanginginig ang tuhod at hindi makababa ng hagdan. Pirmis nakatutok ang mahabang armas nito sa sahig ng pasilyo kung saan may tumagos na balang galing sa ibaba.

Pilit na ibinabaling ng matabang lalaki ang dulo ng baril na nakatutok sa kanyang gawi. Tig-dalawang kamay silang nag-aagawan sa armas nang muli iyong pumutok at tumama sa itaas.

Sa takot ng kasama sa muling pagtagos ng bala sa ikalawang palapag ay pinaulanan nito ng putok ang sahig. Inubos nito ang laman ng assault rifle na kanyang hawak. Napapapikit ito sa nerbiyos habang nakadiin ang daliri sa gatilyo ng armas at tumigil lamang nang naubusan na ng bala.

Dahil sa pag-ulan ng bala ay natigil na ang pagpapambuno ng dalawa sa ibaba. Kapwa hindi na gumagalaw ang dalawa at pahandusay na bumagsak ang duguang katawan ng lalaking nasa ibabaw ni Daniel.

"Tanga! Babain mo!" bulyaw ni John sa tauhan mula sa loob ng silid.

Kahit kabado ang tauhang nagpaputok ay agad naman itong tumalima sa kanyang amo at dahan-dahan itong bumaba ng hagdan. Nanginginig itong nagpalit ng magazine ng kanyang armas habang pumapanaog.

Hindi halos maaninag ng lalaki ang ibaba ng bodegang namumuti sa alikabok ang paligid gawa ng kanyang pagpapaputok kanina. Sa bahagyang paghupa ng alikabok ay nanlaki ang kanyang mata nang maaninag ang duguang katawan ng kanyang kasama na padapang nakahandusay.

Agad niyang iginala ang paningin sa paligid upang hanapin ang nakapasok sa kanilang lungga. Takot na takot itong bara-barang nagpaputok kung saan-saan habang papalapit sa kasamang nakadapa.

Kabang-kaba si John na nagkubli sa likod ng nakabukas na pintuan dahil sa nadidinig na putukan sa ibaba. Para itong asong nabahag ang buntot na nagtago sa isang sulok.

Nagsisisi ito kung bakit hindi niya agad nagawang hablutin ang babae kanina upang i-hostage at gawing pananggalang sa kaaway. Wala siyang kaalam-alam na tinutulungan na pala ni Trisha ang alkalde na makalag ang pagkakagapos ng mga kamay nito.

Tuloy ang walang habas na pagpapaputok ng lalaki sa paligid. Nang bigla na lang itong mapaigtad dahil sa dalawang ganting putok na tumama sa kanyang dibdib mula sa lalaking nasa ilalim pala ng katawan ng kasamahan.Walang buhay itong bumagsak habang pilit itinutulak ni Daniel ang mabigat na bangkay na nakadagan sa kanya.

Bagama't sa lalaki tumama ang mga balang nagmula sa itaas kanina ay may isang nakalusot sa katawan nito na siya namang bumaon sa kaliwang balikat ni Daniel. Halos maligo sa dugo ang binata nang makaahon ito sa pagkakadagan ng lalaki.

Pilit itinayo ni Daniel ang sarili sa kabila ng mga sugat sa kanyang katawan. Hingal na hingal itong nangabay patungo sa puno ng hagdan. Tinitiis ang nararamdamang sakit mula sa mga natamong tama mailigtas lang ang kanyang mga mahal sa buhay.

Napapadaing si Daniel sa sakit habang paisa-isang humahakbang paakyat sa hagdan. Halos baldado ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan dahil sa mga tinamong tama sa tagiliran at balikat. Tanging kanang braso nito ang nakasuporta sa pangangabay niya sa hawakan ng hagdan habang tangan ang baril.

"Ahhh!..." daing nito nang marating ang pinakatuktok ng hagdan.

Napako ang tingin niya sa nakabukas na pinto ng nag-iisang silid sa ikalawang palapag. Dahan-dahan niya iyong tinungo nang nakaumang ang kanang brasong may hawak na baril.

Sa likod ng pinto ay tahimik na nag-abang ang anak ng kongresista habang mahigpit na nakakapit sa baril nito. Kabado dahil wala itong ideya kung sino o ilan ang taong nakapasok sa kanilang hideout, dagdagan pa na ni hindi na niya maramdaman ang presensiya ng kanyang mga tauhan.

Batid ni Marco na nasa likod lamang ng pinto si John at nag-aabang sa kung sino man ang nangahas na pasukin ang kuta nito upang iligtas sila ni Trisha. Nang makalagan ang tali sa kanyang kamay ay nagbilin ito sa dilag.

"Wag kang aalis dyan... yumuko ka lang..." bulong ni Marco na sinunod naman ng dalaga at nanatiling nakapangko sa sulok at nakatabon ang mga kamay sa ulo habang nakayuko.

Dahan-dahang tumayo ang alkalde at naglakas ng loob na lapitan si John sa pinagtataguan nito. Maingat ang kanyang mga hakbang upang hindi makatunog ang pakay sa kanyang paglapit. Nang sa kanyang pagtawid sa tapat ng nakabukas na pinto ay may tumawag sa kanya.

"Papa..."

Napalingon si Marco sa pagtawag ng lalaki na nasa labas ng silid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mukha ng taong tumawag sa kanya.

"Anak!" bulalas nito.

Maging si Trisha ay nagulat at napaangat ang ulo nang marinig ang tinig na iyon na tila pamilyar sa kanya. Napatingala ito sa nakatayong alkalde na napako ang mga mata sa lalaking nasa labas ng silid na tumawag sa kanya bilang papa nito.

Agad naalarma si John nang maramdaman sa boses ni Marco na naroon lang ito sa kabila ng kanyang pinagtataguan. Di ito nagdalawang isip na magpaputok nang ilang ulit mula sa likod ng kahoy na pinto.

Sa halip na matakot sa mga naglusutang bala sa pinto ay agad iyong itinulak ng alkalde upang dikdikin si John at ipitin ito sa kanyang pinagtataguan. Nagtulakan ang dalawa sa pintong iyon ngunit mas nakabuwelo si Marco kaya't napanatili niyang nakaipit sa likod ang kalaban.

Sa pagkakaipit ay hindi tuloy magawa ni John na itutok ng diretso ang baril sa alkaldeng tumutulak sa kabila ng pinto. Kaya't inilabas niya mula sa likod ng pinto ang kanyang kamay at pinaputakan muli si Marco na sa pagkakataong iyon ay minalas nang tamaan sa kanang hita nito.

Isang kalabit pa sa gatilyo ngunit hindi na pumutok ang kanyang hawak na baril. Napamura ito at inihagis ang wala nang silbing armas na naubusan na pala ng bala.

Napaatras at tuluyang napaluhod ang alkalde sa balang bumaon sa kanyang hita. Kitang-kita ni Daniel ang pagbagsak ng kanyang ama. Sa galit ay agad siyang sumugod sa loob nang nakaamba ang tutok ng baril sa gawi ng taong nagpapaputok na nagkukubli sa likod ng pinto.

Ngunit kamay pa lamang ni Daniel na may hawak na baril ang nakakapasok sa loob ng silid ay biglang humampas ang pintuan na iyon pasara. Sa pagtama ng pinto sa kanyang kamay ay nabitawan niya ang hawak na baril at tumilapon iyon sa sahig ng balkonahe sa kanyang likod.

Napaatras si Daniel dahil sa paghampas ng pinto sa kanyang kanang kamay. Agad siyang dumukwang upang damputin ang sandata nang isang malakas na sipa ang dumapo sa kanyang likuran. Sa lakas ng sipa na iyon ay tumalsik ang binata at napakapit sa kahoy na barandilyang nasa labas ng silid.

Palingon pa lamang siya sa taong tumadyak sa kanya ay isang suntok naman ang dumapo sa gilid ng kanyang mukha. Napasandal si Daniel sa inaanay na mga balustre ng balkonahe at tanging mga salag na lang ang kaya niyang gawin laban sa mga suntok na pinakakawalan ng lalaki.

Pinilit ni Daniel na lumaban. Sinikap niyang makabangon at kahit kanang kamay na lang ang kaya niyang gamitin upang gumanti sa kalaban ay ibinuhos pa rin niya ang lakas upang makabawi dito.

Hanggang sa magkapalit sila ng pwesto at ang lalaki naman ang mapasadal sa kahoy na railing na nabubulok na sa kalumaan. Sa patuloy na pagsasagupa ng dalawa ay tila manaka-naka na iyong bumigay dahil sa pwersa ng mga katawang bumabangga doon.

Agad namang nilapitan ni Trisha si Marco at sinapo ng balikat ang braso nito upang alalayan itong makatayo. Sinubukan pa nitong lumakad upang tulungan ang tinawag nitong anak na nakikipagpalitan ngayon ng suntok kay John sa labas ng silid.

Ngunit halos mataob sila pareho ni Trisha sa pagbigay ng kanyang binti sa pagtatangka ni Marco na lumakad. Sadyang masama din ang tama nito sa hita kaya't inalalayan na lang ito ng dalaga paupo sa papag.

Kapwa sila alalang-alala ng alkalde sa patuloy na pagsasagupa ng dalawa. Hindi makita ni Trisha ang wangis ng anak ni Marco habang nakatalikod ito at tuloy ang pakikipagpalitan ng suntok. Gayon pa ma'y labis-labis ang kanyang pangamba para dito at paghanga sa ginawa nitong paglusob sa kuta ng halimaw na nagpadukot sa kanila ng ama nito.

Halos bumagsak na si Daniel sa panghihina sa mga tama sa katawan at mukha na kanyang tinatanggap. Puros salag na lang kasi ang kaya niyang gawin laban sa mga atake ng lalaking kaharap.

Ngunit hindi siya maaaring sumuko. Wala nang dumarating na kasamahan ang lalaki kaya't batid niyang iyon na marahil ang pinuno at ang siyang huli niyang makakasagupa. Kailangan niyang ibigay ang kahuli-hulihang lakas upang mapagtagumpayan niya ang pagliligtas sa kanyang mga mahal sa buhay.

Muli niyang itinikom ang kanyang kanang kamao at ibinigay doon ang lahat ng natitira niyang lakas. Tiim-bagang nitong binigyan ng isang pulidong pataas na suntok ang kalaban na tumama sa ilalim ng baba at halos magpaangat sa katawan nito.

Hilong-hilo itong paatras na gumewang ng lakad at napasandal sa hanggang bewang na barandilya ng balkonahe. Napaliyad ang katawan nito sa ibabaw ng railing, nawalan ng balanse at tuloy-tuloy na nahulog sa ibaba ng bodega.

Hingal na hingal na lumapit si Daniel upang sumilip sa ibaba at kumapit sa balkonahe upang mapanatiling nakatayo ang nanghihinang katawan.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kalaban na nakatuhog ang katawan sa matatalas na kawayan. Bumubulwak ang dugong lumalabas sa bibig nito habang nag-aagaw buhay.

Halos mapaluhod si Daniel sa panghihina. Sa wakas ay nagawa niyang iligtas ang dalawang taong pinakamalapit sa kanyang puso.

"Dandan... Anak ko!" maluha-luhang sambit ni Marco.

Kabang-kaba si Trisha habang nakamasid sa nakatalikod na lalaking pinipilit na makatayo. Ang lalaking isinagot ng Diyos sa kanyang panalangin na sana'y may dumating upang iligtas sila ni Marco sa kapahamakan.

Ang nag-iisang anak ng lalaking kanyang pakakasalan. Ang siya ring minsan'y nagparamdam ng pagmamahal sa kanya noong kanilang kabataan ngunit hindi niya man lang nagawang suklian.

Nanginginig ang tuhod nitong iniangat ang sarili upang harapin ang mga taong dahilan kung bakit siya naroon. Kung bakit niya kinayang harapin ang lahat ng demonyong humarang sa kanya. Na halos ibuwis na niya ang kanyang buhay para lang sila mailigtas.

Nakakapit ang kamay nito sa balikat na may tama. Tila tumigil ang oras sa pagpihit ng binata at unti-unting nasilayan ni Trisha ang wangis nito.

Kahit hingal na hingal at halos mawalan na ng malay sa labis na panghihina ay nakuha pa rin nitong ngumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis nang magtama ang kanilang mga mata.

Ngiting nagpakabog sa kanyang puso. Ang ngiting kahit lumipas ang matagal na panahon ay parang kay hirap malimot. Ang ngiting iyon ng lalaking tunay na nagmamay-ari ng kanyang puso.

"D-Daniel?!... DANIEELL!!!"