Larawan 5

Filipino Sex Stories
28 minutes
"Ahh, Mrs. Diane Aguinaldo?... Ms. Diane... Ma'am pasok na daw po kayo sabi ni Doc."

Marahang tumayo ang babae patungo sa pinto ng cubicle ng dermatologist. Di binibitiwan ng titig ni Daniel ang kagandahang daraan sa harap niya nang sandaling iyon.

Minememorya ang hubog ng katawan sa pagkakalapat ng suot nito na sumasabay sa indayog ng balakang ang malambot na tela. Parang bumagal ang oras nang mga sandaling iyon sa binata dahil sa namalas na kagandahang papalapit sa kinaroroonan niya.

Hanggang sa napansin niyang nahulog ang panyo nitong tangan. Agad syang napabalikwas at sabay pa silang yumuko upang damputin iyon na halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Parang eksena sa isang TV commercial na magkahawak sa iisang bagay at sabay na mabagal na tumayo na hindi bumibitiw ng titig sa isa't isa.

"Miss Diane..." tanging nasambit ng binata sa kaharap na babae habang inaabot ang panyo nito.

"Eheem! Excuse me?... Magkakilala pala kayo?" tanong ng doktora na kalalabas lamang ng pinto at nasaktuhan ang tagpong nakahawak sa magkabilang sulok ng panyo ang dalawa.

"Ah no Doc Kath... ah eh..." di malaman ng pasyente ang isasagot sa doktora.

"Tinulungan ko lang Doc." singit naman ni Daniel.

"Sa panyo? Hahaha... Anyway... Ah Grace, paki-assist mo na si Mrs. Aguinaldo sa loob." utos nito sa isang staff sabay tapik sa braso ni Daniel at yaya dito na humakbang palayo kay Diane.

Ngunit bago pumasok ang babae sa loob ng cubicle ay muli itong napalingon sa binata na nanatiling nakapako din ang tingin sa kanya kahit kausap na nito ang doktora. At sa huling sandali ay muling nagtama ang kanilang mga mata.

"Mata mo Mr. Ramirez!" sita ni Doc Kath sa binata nang nakataas ang isang kilay.

"Oh? Ano? Hahaha... Masyado ka naman haha"

"Iba ka din noh? Hmmp... Oh eto..." sabay kuha nito sa kamay ng lalaki at may inabot dito na nakatuping sobre.

"Wait ano to?" nagtatakang tanong ni Daniel sa doktora.

"Basta sayo yan... you need that." mahinang tugon nito sa binata.

"Tawagan na lang kita ulit pag free ako ha." sabay talikod na nito sa kausap na parang walang anumang namamagitan sa kanila ng lalake.

Di na tiningnan ni Daniel ang laman ng sobre ngunit nakasisiguro siyang pera ang laman nun. Nahihiya man siya at gusto sana iyong ihabol upang isoli, mas nakakahiya namang makipagpilitan pa sya sa doktora lalo't parang nakatingin na sa kanya ang naiwang staff sa reception.

Tumalikod na lang siya at tuluyan nang lumabas ng clinic.

-------------------------

Rosario Batangas Municipal Hall

Umaga ng Lunes ding iyon, habang ginaganap ang flag ceremony ay nakahanay sa harapan ng munisipyo ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng kanilang butihing mayor. Kasunod naman ang hanay ng mga kapulisan at ibang mga kawani ng munisipyo.

Matapos kantahin ang pambansang awit ay nalumpati ang kanilang punongbayan ukol sa mga nais niyang bigyang prayoridad na mga gawain sa buong linggo na darating. Lahat ay alertong nakatingin at nakikinig sa kanilang alkalde nang may paghanga at respeto.

Habang nananalumpati si Marco sa harap ng mga tao ay nahagip na sa wakas ng kanyang paningin ang kanina pa hinahanap ng kanyang mga mata nang magsimula ang pambansang awit. Nakatayo na ito sa bandang gitna kasama ang iba pang mga kawani ng kanilang munisipyo.

Di maiwasang kumunot ang kanyang nuo sa kanyang napansing biglang pagbabago ng kanyang sekretarya na dalawang buwan mula ngayon ay magiging 'mayora' na ng kanilang bayan.

Ang dating simple at konserbatibong manamit na si Trisha na karaniwan ay slacks at blazer ang sinusuot sa pagpasok sa opisina mula nang magtrabaho ito sa kanya, ngayon ay tila naging mas daring ang imahe nito.

Naka pencil cut skirt na bagama't pantay-tuhod ay hakab na hakab naman ito sa hita at balakang ng dalaga. Tinernuhan nito ng kulay itim na V-neck blouse na nagpalutang lalo sa kaputian nito. Katulad ng kanyang pambaba ay hapit din sa kanyang katawan ngunit di man lang nito pinatungan ng blazer o cardigan na dati naman nitong ginagawa.

Lalong kumunot ang noo ni Marco nang mapansin ang dalawang lalaking nagbubulungan habang siya'y nagtatalumpati. Bukod kasi sa hindi nakikinig ang dalawa ay alam niyang si Trisha ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakapwesto sila sa likod ng dalaga at humahagod ang mga tingin nito sa likuran ng dilag. Mga matang nagnanasa sa magandang tanawing kanilang nakikita.

Natapos ang kanyang pagbibigay ng mensahe nang umagang iyon nang di na nya napapansin, lito at di sigurado kung tama nga ba ang kanyang mga nasabi. Inagaw ang kanyang isipan ng nakitang pagbabago sa babaeng matagal nyang inalagaan at kanyang minamahal.

Kanya-kanya nang nagkalasan ang lahat ng umattend ng umagang iyon, nagpuntahan na sa kani-kanilang opisina ang bawat isa para sa pagsisimula ng araw. Nauna nang tumungo si Marco sa kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng gusali.

Moderno ang pakaka-disenyo ng opisina nito mula sa light gray walls na kinumbinahan ng puti kaya't maaliwalas ang paligid nito. Lalakeng-lalake ang dating ng mga itim na furniture na lalong bumagay sa personalidad ng kanilang mayor.

May dalawang lamesa ang nasa loob ng malawak na silid. Nasa gitna ang L-shape na malaking mahogany desk ng mayor at sa kanang bahagi ng silid naman ang mesa ni Trisha. Meron din itong modernong sala set sa gawing kaliwa na may sliding door palabas ng malaking balkonahe.

Pagpasok ni Trisha sa opisina ni Marco ay nagulat siya na nasa loob na ang kanilang alkalde. Nakatayo ito pasandal sa kanyang lamesa nang nakapamulsa ang mga kamay at waring inaabangan ang kanyang pagdating nang mga sandaling iyon.

Napabuntong-hininga si Trisha. Inakala nya kasing may karugtong pa ang mahabang paliwanagan nila at diskusyon kahapon sa telepono tungkol sa biglaang overnight nyang lakad nung Sabado nang hindi man lang nagsabi.

"Good morning Trisha." bati nito habang pinagmamasadan ang bagong anyo ng dalaga.

"Good morning din Si-- ahh Marco."

Sumalubong sa kanya ang lamig na nanggagaling sa aircon at ang di maaninag na ekspresyon ng mukha ng alkalde dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa likod nito buhat sa floor to ceiling glass wall ng opisina.

Ibinaba lamang ng dalaga sa kanyang lamesa ang bitbit na bag at iba pang gamit upang tunguin sana ang roller blinds nang malimitahan ang sinag ng araw na pumapasok sa silid. Ngunit laking gulat ng dilag nang biglang humarang si Marco sa kanyang daraanan.

Kinabig sya nito sa baywang at akmang hahalikan sana ang kanyang labi, ngunit naging maagap ang dalaga sa pag-ilag kaya't sa kaliwang pisngi lamang niya dumapo ang halik na igagawad ni Marco.

"Miss you babe..." wika nito nang hindi umaalis sa daraanan ni Trisha.

"Excuse me sandali nakakasilaw yung liwanag." tugon ng umiwas na dilag at nagtungo na ito upang isara ang blinds.

Nangingiti naman si Marco sa tila pag-iwas ng dalaga sa kanya, alam naman niya na hindi ito easy-to-get. Lalo pa siyang humanga sa angking kapinuhan nito. Kung ikukumpara kasi ito sa iba niyang nakarelasyon, lahat ay parang napakadali nyang nakuha na siya niyang kinadidismaya.

"Hmmm... mukhang may iba sayo ngayon Trisha ah." ani nito habang pinagmasmasdan ang dalagang abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit at pagse-set-up ng laptop.

"Ha? Ano kakaiba?" balik tanong nito sa kausap.

"Ahhh never mind... nanibago lang yata ako sa looks mo ngayon."

Di na pinansin pa ng dalaga ang komento ni Marco at ipinagpatuloy na lamang ang pagprepara sa kanyang mga gawain. Ngunit sa sulok ng kanyang mata ay kita niya na pinagmamasdan pa rin siya ni Mayor. Alam niyang kitang-kita nito ang hubog ng kanyang katawan dahil sa napiling isuot nang araw na iyon, maging ang puno ng kanyang mga suso na bahagyang sumisilip sa kanyang neckline.

Maging siya ay parang di mawari sa kanyang sarili ang biglaang pagbabago sa kanyang pagkababae. Dating walang kamuwang-muwang, inosente, ngayon ay parang may kiliting dulot ang bawat pagtitig ng mga kalalakihang nakakasalamuha nya.

Kagagawan ba ito ng estrangherong lalaking nakaniig niya? Na kahit sa pagtulog nang nagdaang gabi ay parang nananariwa pa din sa kanyang alaala ang mga pinagsaluhan nila. Tagpong kahit sa panaginip ay dala-dala ng dalaga.

Naputol ang pag-iisip nya nang maramdaman ang dampi ng palad sa kanyang kanang kamay na nakahawak sa mouse.

"Ayyy!... Nakakagulat ka naman!" wika ni Trisha kay Marco na nakadukwang at tila may hahanaping files sa kanya.

"Mukhang absent-minded ka ngayon ah?" tanong nito at ipinagpatuloy lang ang pag-browse sa kanyang laptop.

Dama ni Trisha ang init ng katawan ni Marco habang nakatayo ito sa likuran ng nakaupong dalaga. Bahagya itong nakayukod at nakahawak ang kabilang kamay sa kaliwang braso ng dilag. Ramdam ng dalaga ang mabango at mainit na hininga ni Mayor sa gilid ng kanyang leeg at kanang pisngi, napakalapit kaya't hindi siya halos makakilos nang mga sandaling iyon.

Bukod sa paghahanap ng files sa computer ng dalaga ay abala din ang mga mata ni Marco na sumisipat sa harapan ng suot na fitted blouse ng dilag. Kita niya ang puno ng mapuputing suso hanggang sa sugpungan ng itim na bra nito sa loob.

Amoy na amoy ni Marco ang halimuyak ni Trisha dahil sa lapit niya sa dalaga. Dama niya sa kaliwang kamay ang kakinisan at lambot ng kutis nito. May kakaibang init na mabilis namumuo sa kanyang katawan. Init na kay tagal niyang tiniis at pilit na ibinaling sa iba.

Di lingid kay Trisha kung saan nakatitig ang lalaking halos nakayakap na sa kanyang katawan. Kita niya iyon sa repleksyon ng tinted na bintana sa kabilang bahagi ng silid. Alam niyang sa kanyang dibdib ito nakasilip at hindi sa screen sa kanyang harapan.

May kung anong kaba ang lumukob sa kanya ng mga sandaling yon. Naghihintay ng anumang susunod na gagawin ng lalaking nakatayo sa kanyang likod.

"Lalo kang gumaganda Trisha." bulong ng alkalde sa dalaga.

"Ha?" dahan-dahang napalingon ang dalaga sa kanyang kanan na sinamantala naman ni Marco.

Agad na ginawaran ng halik ng nakayukong alkalde ang kanyang sekretarya, ang babaeng aalayan nya ng kanyang apelyido. Sa unang pagkakataon ay nangahas syang tikman ang mga labi nito.

Di na nakaiwas pa ang dalaga ngunit di siya tumugon sa mainit na halik ni Marco at nanatili lamang na nakatikom ang kanyang mga labi.

Dahan-dahang ipinihit ni Marco ang office chair na kinauupuan ng dalaga paharap sa kanya ng di inaalis ang pagkakahinang ng kanyang mga labi dito. Ninanamnam ang lambot niyon na kay tagal din niyang inasam na mahalikan.

"Uhhhmmn... ang lambot ng labi mo Trisha." sambit nito sa pagitan ng mga padampi-damping halik na parang inaaya ang dalaga na tumugon din sa kanya.

Unti-unting nakaramdam ng init ang dilag, init mula sa mapangahas na labi ng alkalde na tumutuksong makipaglaro sa kanyang mga labi. At di na napigilan ni Trisha ang bahagyang gumanti sa masuyong halik ni Marco sa kanya.

Kung kailan naman naramdaman ni Marco ang sukling ginagawad na sa kanya ng dalaga ay saka ito huminto at kumalas. Tinitigan nya ang magandang dilag na nanatiling nakapikit at bahagyang nakabuka ang mga labi.

"Salamat Trisha." wika nito na ikinagulat ng dalaga na agad ipinihit ang kanyang upuan pabalik sa harap ng kanyang lamesa.

Nakaramdam ng kaunting pagkapahiya si Trisha sa kanyang sarili. Di niya malaman kung bakit ang dali siyang ipinagkanulo ng kanyang katawan. Kaninang hinahalikan siya ni Marco, parang nanumbalik ang alaala ng lalaking iyon. Ang lalaking nakauna sa kanya. Ang lalaking laman ng kanyang panaginip nang nagdaang gabi.

Kahit anong pilit niyang ibasura mula sa kanyang isip ang imahe ng lalaki ay hindi nya iyon magawa. Alam naman niyang malabo nang makita pa niya itong muli. Alam niyang ang nangyari sa kanilang dalawa ay balewala lamang sa ganoong klase ng lalake. Gayon pa man ay pilit pa rin itong sumisiksik sa kanyang isip.

"Hmm... Before I forget... I was invited by Congressman Umali to his birthday and I want you to come with me." basag ni Marco sa pananahimik ni Trisha.

"Kailan yun? And where?" matipid na sagot ng dilag.

"Mamayang gabi... Resort sa katabing bayan lang pero medyo malayo din byahihin."

"Ha?! Mamayang gabi na?!" gulat na tanong ng dalaga sa alkalde.

"Yup! Exclusive. Mga matataas na kapartido lang ang invited. Pag-uusapan din dun ang plans about the next elections."

"Eh bakit sasama pa ko? Pulitika pala pag-uusapan niyo?"

"Hmm... Gusto ko ding makilala nila ang magiging mayora ng bayan na to." sagot nito habang nakatitig sa litong mukha ng dalaga.

Nanatiling tahimik si Trisha sa mga sinasabi ni Marco. Parang lalo siyang naawa sa sarili. Hanggang ngayon kasi, kahit tungkol sa simpleng pag-attend sa functions ni Marco ay di siya pwedeng magdesisyon kung ano ang gusto niya. Parang may malaking tanikalang nakatali sa kanyang leeg.

"Magpapaalam muna ko kay tatay, baka di siya pwede, masama kasi pakiramdam niya kanina." pag-a-alibi nito kay Marco.

"Ahh... Nasabihan ko na nga pala si Bert about that. He doesn't need to come with us. Yung isang bodyguard ko ang magdadrive."

Lalong nainis ang dalaga na mas nauna pa ang kanyang ama na makaalam ng tungkol sa lakad na iyon. Tingin niya sa kanyang sarili ay parang tau-tauhan na lang na walang karapatan at kalayaan na makapagpasya.

"Pwede bang mag-skip na lang muna ko? Wala naman kasi akong na-prepare na isusuot." katwiran nya habang pilit kinakalma ang kanyang pagsasalita kahit nagpupuyos ang dibdib.

"Ah no problem. Tawagan ko si Helga at nang masamahan ka niya mamili ng isusuot mamaya. Maghalf day ka na lang ha."

Si Helga ang beking events coordinator sa munisipyo na yun. Ito ang nag-o-organisa at namamahala sa mga palatuntunan at iba pang activities na ginaganap sa kanilang bayan.

Buhat sa pagkakaupo sa kanyang mesa ay tumayo si Mayor at lumapit ulit sa nakatulalang dalaga.

"I want you to look gorgeous tonight baby... Gusto ko kainggitan nila ko." bulong nito sabay dampi ng halik sa kaliwang pisngi ng dilag.

"I have to go... bisitahin ko lang mga projects, okay sweetheart?" kindat pa ni Marco sa dalaga habang papalabas ng opisina.

"Oh and bring some extra clothes, stay na tayo dun overnight. See you later."

Naiwang tulala ang dalaga at tuluyan nang sumara ang pinto ng silid sa paglabas ni Marco. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata sa bilis ng mga pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay. Mga kaganapang di niya hawak at tila wala siyang kontrol.

Ganito ba talaga ang magiging papel niya, sunud-sunuran kay Marco sa lahat? Bakit tila yata hindi siya makaramdam ng anumang pagmamahal mula dito, na para lamang siyang gamit na ipinagmamalaki. Isang pag-aaring ipinang-iinggit.

Unti-unting dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata. Nagmadali niyang binuksan ang kanyang bag para kumuha sana ng tissue ngunit bumungad sa kanya ang bead bracelet na kay tagal na nyang iniingatan. Kinuha nya iyon at nilaro ng mga daliri mga beads nito kung saan naka-ukit ang mga letrang ILY ISHIE.

Sa tuwing makikita ng dalaga ang pulseras na iyon ay di niya mapigilang mapangiti. Dahil sa kabila ng mga nangyayari sa kanya ngayon, alam nyang kahit minsan ay may isang taong minahal siya ng totoo sa kabila ng kanilang kamusmusan. Naramdaman niyang naging espesyal siya sa taong nagkaloob nito.

Ngunit sa kabila ng lahat ng masasayang alaalang kalakip ng bagay na iyon, alam din nyang huli na ang lahat ngayong malapit na siyang ikasal. Lalo lamang siyang malulungkot kung patuloy pa din nyang ikakadena ang isip sa nakaraan.

Gusto na niyang tanggapin ang lahat ng pagbabago sa kanyang buhay at harapin ang realidad. Realidad na hindi na siya ang dating Ishie na umaasang balang araw ay matutupad ang kanyang simpleng pangarap. Pangarap na tila sandaling natupad nang gabing nakipagniig siya sa lalaking iyon. Lalaking alam nyang imposibleng makita pa nyang muli.

Kinapa ng paa ni Trisha ang basurahan na nasa ilalim ng kanyang mesa at tinapakan ang pindutan niyon upang bumukas. Hawak nya ang pulseras na lagi niyang dala kahit saan man siya magpunta, tumutulo ang luha habang tinititigan iyon. Sa halos labindalawang taon na nya iyong iniingatan, siguro ay oras na upang pakawalan nya ito.

"Paalam na... hindi na yata kita mahihintay pa." may mapait na ngiting gumuhit sa kanyang labi habang namamaybay ang luha sa kanyang pisngi.

"Ako na lang ata ang umaasa na makikita ka pa... na magpaparamdam ka ulit..."

Akmang bibitawan na niya ang bracelet nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Nagulantang ang dalaga sa malakas na tunog niyon at agad nyang sinagot ang tawag.

"Hello Helga... Ah oo nga eh, nagkausap na pala kayo... Sige teh daanan mo na lang ako dito mamayang 12..."

-------------------------

I'm going under and this time I fear there's no one to save me...

This all or nothing really got a way of driving me crazy...

Pumapailanlang sa buong unit ang emosyonal na tugtuging ito habang marahang humahagod ang hawak na pinsel ng binata. Matamang nakatitig sa canvas sa kanyang harapan at tila hinahalungkat sa kanyang memorya ang kagandahan ng mukha na kanyang ipinipinta.

I need somebody to heal... somebody to know...

Somebody to have... somebody to hold...

It's easy to say... but it's never the same...

I guess I kinda liked the way you numbed all the pain...

Pilit nyang isinisiksik sa kanyang isip ang magandang babaeng nakita nya kanina lang sa clinic. Isang perfect subject upang ipinta. Ngunit kahit sinisikap nyang alalahanin ang features nito, sadyang tila iba ang gustong iguhit ng kanyang puso.

Now the day bleeds... into nightfall...

And you're not here... to get me through it all...

I let my guard down... and then you pulled the rug...

I was getting kinda used to being someone you loved

"Damn! Who are you?!... Bakit di ka mawala sa isip ko?" tanong ng kanyang magulong isipan na simula nang umuwi siya pagkatapos ng gabing nakasiping ang babaeng iyon ay di na sya pinatahimik. Di malimot ang imahe nito na laging sumasagi sa kanyang kamalayan maging hanggang sa pagtulog.

Akala niya'y matatabunan ng isa pang pagtugon sa tawag ng laman sa pamamagitan ni Dra. Sanchez ang mithiing masilayan muli ang estrangherang iyon. Ngunit hindi, at lalo lamang bumabalik ang alaala ng dalaga.

Muling nanariwa sa kanya ang tanging hiling nito kapalit ng kanyang pag-aalay ng buong pagkatao nang gabing yon. Na kahit kunwari lang, kahit peke, ang marinig nito mula sa kanya ang katagang "MAHAL KITA."

Napilitan nga ba siya nang sambitin niya iyon? Bakit sa tuwing hinahalikan nya ito ay parang di lamang labi niya ang nakakaramdam? Tila bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing hahagkan niya noon ang mga labi ng dalaga. Na nang bigkasin niya ang mga katagang iyon na ipinakiusap nitong kanyang sambitin, bakit parang puso niya ang nagwika nito?

"Makita pa kaya kita? Marami akong gustong itanong at malaman sayo..." bulong nito habang titig na titig sa larawang kanyang iginuguhit, kinakausap iyon na tila may buhay.

-------------------------

Di makapaniwala si Trisha sa nakikitang repleksyon sa salamin. Ang laki ng kanyang pinagbago sa loob lamang ng ilang araw. Ang dating konserbatibong aura ngayon ay napalitan na ng pagka-daring dahil sa kanyang suot.

Mula sa dating simpleng pananamit, eto sya ngayon at halos lumuwa ang kanyang dibdib sa suot na pink floral spaghetti strap pleated dress. Bagama't mahaba at abot sa paa ang laylayan nito, mayroon naman itong mahabang slit sa kaliwang hita na halos umabot na sa kanyang singit.

"AYYYY SYET!... Ang bongga mo talaga teeeh! Buti yan nga ang kinuha natin. Sabi ko na nga ba at bagay talaga sayo yan eh!" tili ni Helga na nasa kanyang likuran at sinisipat ang damit na napili niya para sa bagong kasintahan ng kanilang alkalde.

"Ugghhh... Tsk... Di ba malaswa? Para na kong nakahubad dito eh" pagmamaktol ng dilag sa kasama habang pumipihit-pihit sa harapan ng salamin.

"Ano ba? Eh Hawaiian nga daw ang theme ng party ni Cong. Umali eh. Gusto mo teh mag-grass skirt ka!" sambit nito habang pinapaikot pa ang dalaga sa harap niya na pabirong umirap lang sa kanyang sinabi.

"Syet natotomboy ako sayo teh... Ughhh!" kagat-labi pa nitong sambit.

"Buti na lang dito na tayo dumiretso kasi baka di ka paalisin ni Mang Bert pag nakita kang ganyan ka-dariiiing!"

Sa resort na sila dumeretsong nagpahatid sa kanilang service pagkatapos nilang mamili at magpasalon. Bago sila mag-mall ni Helga ay dumaan si Trisha sa kanilang bahay upang kumuha ng iba pang personal na gamit at magpaalam sa kanyang nanay.

Gabi na ngunit hindi pa nila kasama sa resort si Mayor nang mga sandaling iyon dahil may mga importante pa itong nilakad at susunod na lamang daw. Doon na sila nagpalipas at naghintay sa accommodation na kinuha ni Marco.

Napaka-elegante ng beach casita na iyon. Nang dumating sila kaninang hapon ay tanaw na tanaw mula sa king size bed ang full view ng karagatan dahil sa glass walls nito na okupado ang dalawa sa apat na dingding ng malawak na silid. Mayroon pa itong sariling jacuzzi paglabas mo ng sliding glass door mula sa bedroom.

"Uy girl... matanong nga kita" basag nito sa pananahimik ng dalaga.

"Mmm... Ano?"

"Hmmm... May nangyari na ba sa inyo ni Mayor? Hihihi" malandi nitong tanong.

"Kasi parang biglaan yang kasal niyo noh... nakaka-intriga kase haha."

Irap lamang ang itinugon ni Trisha at pinili na lamang nitong manahimik. Bagama't magkakilala sila nito dahil parehas silang kawani ng munisipyo ay di naman niya maipagkakatiwala ang ganoong mga bagay sa kanyang kasama.

"Swerte niya sayo ha... NBSB... whew!" patuloy nito.

"Pero hindi ka na din lugi kay Mayor teh... Mabait na, matalino, mayaman, and most of all... papable na papable pa din!... Ang yummy!"

Masuwerte si Mayor sa kanya? Paano kaya kung malaman ng alkalde na may nakauna na sa inalagaan at pinahinog niya ng maraming taon. Paano niya kaya matatanggap ito? Yun nga lang ba talaga ang habol ni Marco sa dalaga o may mas higit pa sa bagay na iyon?

"Oh siya, babush na Trisha at uuwi na ako di naman ako invited diyan. Saka di ako nakapag-prepare ng outfit ko." pamamaalam ni Helga.

"Samahan mo na ko... Oh kaya dito ka na lang mag-stay baka maaga naman matapos yun." suhestyon ng dilag.

"Ay teh naman! Ano role ko? Spotter? Hahaha... Eh overnight kayo dito ni Mayor alangan naman na gumitna ako sa inyo dabaaah? Or pwede ding threesome hihi" patawang hirit nito habang nag-aayos ng gamit sa kanyang bag.

At tuluyan nang nakaalis ang kasama ni Trisha na nagpahatid na sa itinalaga sa kanilang driver ng alkalde. Naiwang mag-isa ang dilag na naghihintay ng tawag ni Marco kung nakarating na ba ito sa resort.

Hindi nya maiwasang mapaisip. Ito ba ay isa pang pagbabago sa kanya? Ano kaya ang pwede mangyari kung mapagsosolo sila ni Marco mamaya sa silid na ito? Ganon na lang ang kabog ng kanyang dibdib sa maaring maganap sa kanila ng alkalde.

Napansin niya ang bote ng mamahaling brandy na nasa bedside table na isa sa mga habilin ni Marco kay Helga na bilhin. Walang pag-aatubili niya iyong binuksan at di na nag-abala pang kumuha ng baso para magsalin doon. Agad na niya iyong tinungga mula sa bote at halos naka tatlong lagok sa alak na agad gumuhit ang init sa kanyang dibdib.

"Ahhhh!"

Agad nag-init ang mukha ng dalaga sa alak na hatid din ay init sa kanyang katawan. Kailangan niyang manghingi ng tapang nang mga sandaling iyon upang harapin na ang bagong Trisha. Kailangan niyang tanggapin na malabo nang bumalik pa ang dating Ishie na simpleng mangarap. Kailangan nyang tanggapin na ang pangarap na iyon ay naglaho na, kasabay ng estrangherong iyon.

"Ughhh... Fuck... Ikaw na naman! Paano ka ba mawawala sa isip ko!" inis na wika sa sarili.

Napatitig siya sa wall-mounted na full size mirror sa kwarto. Pinipilit pigilan ang mga luha na nagbabadyang malaglag at ikinubli na lamang iyon sa pinatapang na mga mata.

"Di ka na bata! Tama na kaka-ilusyon mo na may happy ending Trisha!" patuloy nyang pagkausap sa sarili sa harap ng salamin.

Muli niyang inabot ang mamahaling alak at tinungga iyon sa harap ng salamin. Unti-unting nagbago ang aura ng kanyang mukha. May sumilay na makahulugang ngiti sa labi na tila epekto ng nahiram na tapang mula sa alak na nainom.

"Pare-pareho lang talaga mga lalaki! Katawan lang naman talaga habol nila. Puwes humanda kayo ngayon!"

Walang ano-ano'y dinukot niya ang self-adhesive bra na binili nila ni Helga upang iterno sa revealing outfit na suot nya ngayon, at walang pag-aatubili nya iyong tinanggal. Saka muling tumagilid at umikot sa harap ng salamin habang sinisipat ang kanyang dibdib na parang nang-aakit.

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang bagong katauhan na nakikita niya ngayon. Isang namumukadkad na babae, malayong-malayo sa dating inosenteng dalaga na walang kamuwang-muwang.

Naputol ng tawag sa kanyang telepono ang pag-iisip ng dalaga. Pangalan ni Marco ang rumehistro sa screen ng kanyang cellphone.

"Yes?" kunot-nuong tanong ng dilag.

"No need Marco... hintayin mo na lang ako diyan... ok bye."

Tinatanong ng alkalde kung saang casita ito nakatuloy, balak sana siyang sunduin para sabay na silang pumunta sa event hall na pagdarausan ng kaarawan ng kongresista na kani-kanina pa nag-umpisa.

"Gusto mo mainggit sila sayo Mayor Vargas? Well hindi lang yan ibibigay ko." Sumulyap pa muna ang dalaga sa salamin saka tinungo na ang pinto palabas.

Kahit may kalayuan mula sa kanilang casita ang event hall ay maririnig mo na ang tugtuging reggae na pineperform ng isang live band. Sadyang pili lamang ang mga bisita nang gabing iyon, mga pulitiko mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan na pawang mga kapartido ng may kaarawan.

Napakaganda ng pagkakaayos ng paligid patungo sa venue. Bukod sa samut-saring hawaiian na palamuti, bawat puno ng niyog na matuwid na nakahilera sa magkabilang gilid ay may mga nagliliyab na sulo na nagsisilbing ilaw sa daraanan.

Nagkalat sa paligid ng venue ang mga bodyguards ng mga pulitikong dumalo. Mayroong naka-sibilyan, may naka-polo barong at meron ding mga unipormadong pulis na nakatalaga sa mga ito.

Mabining lumalakad ang dilag na parang nasa ibabaw ng entablado ng mga sandaling yuon. Sumasabay ang alon ng tela ng suot nito sa indayog ng kanyang balakang. Lumalabas sa slit ng bestida ang makinis na hita sa bawat paghakbang nito na halos sumilip na ang kanyang kulay pink na bikini na panloob.

Di magkamayaw ang mga bodyguard at pulis na nakamasid sa dalagang parating. Nagkakandahaba ang mga leeg nito sa kagandahang kanilang nasisilayan na mag-isang naglalakad patungo sa kasiyahan.

"Buddy 3 o'clock." timbre ng isa sa kanyang kasama na agad napalingon.

"Tang ina eto malupet! Sino kaya may hawak diyan?" sambit nito kasabay ang mula ulo hanggang paang hagod ng tingin sa babae.

Ramdam ng dalaga ang lamig ng simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan na dumadampi sa kanyang balat. Nanunoot ang ginaw sa halos hubad na katawan sa pagkaka-expose ng kanyang mga braso, likod, balikat at dibdib sa seductive outfit nyang suot.

Ngunit tinatalo ng init mula sa loob ang ginaw na kanyang nararamdaman. Init na nagmumula din sa mga tingin ng mga matang mainit na nakatitig sa kanyang katawan. May kung anong apoy ang nagsisimulang magningas sa pakiramdam ng dalaga mula sa mga matang nagnanasa sa kanyang alindog nang mga sandaling iyon.

"Eto na kaya brad yung regalo kay Cong? Class A tangina sarap!" ani ng isang bodyguard na mukhang goons na nagliliwanag ang mukha sa malalim na paghitit ng sigarilyo habang nakamasid sa gilid ng mapuputing boobs ng dilag na sumisilip na suot nito.

"Jackpot si Cong dito brad... materyales puertes... Ahhh sarap maging pulitiko!" tugon naman ng isa.

Nang malapit na siya sa entrada ay may sumalubong sa kanyang babaeng usher na magsasabit sana ng fresh flower lei sa dilag. Ngunit may lalaking humarang dito at kinuha ang palamuting nakalaan sana para sa dalaga.

"Welcome to the party..." bati ng lalaki habang sinasabit sa leeg ni Trisha ang kwintas na yari sa bulaklak.

"Hi! Let me escort you in." paanyaya nito sabay lahad ng kamay sa dilag.

"Mmmm... Sorry, I'm looking for someone." matipid na sagot ng dalaga habang lumilinga sa paligid.

"Oh!... Sino?" tanong ulit nito.

"I'm with Mayor Vargas." abala pa rin ang mata nito sa paghahanap kay Marco.

"Wow! Bagong chicks ni Mayor... hahaha!"

Naningkit ang mata ng dalaga sa narinig mula sa bruskong lalake. Isa na naman ito sa mga lalaking sadyang mababa ang tingin sa babae sa isip-isip ng dalaga.

"Yeah, ako nga ang bagong chicks ni Mayor... Inggit ka? Ikaw wala? Hahaha!" taas-kilay na wika nito sa kaharap, muli na namang umiral ang kamalditahan nito.

"Not really... pwede ka naman maging akin eh." sabay kindat nito sa dilag.

"Wow ganun ka kaconfident noh?"

Tinitigan ito ni Trisha ng mata sa mata. May itsura sana ito ngunit nakakatakot ang mga namumula nitong mata at halatang kargado ng kung ano.

"By the way, I'm John... John Umali. Son of Congressman Umali, at ako ang papalit sa kanya next election." may kayabangan nitong sagot sa dalaga.

Sa wakas ay nakita na ni Trisha ang kanyang hinahanap ngunit nasa isang mahabang table ito at mukhang nasa importanteng pag-uusap kaharap ang ilang matataas na opisyal ng lalawigan. Nainis ang dalaga na tila di man lang nito naisip na nanduon sya at nag-iisa.

"Trisha." tipid na sagot niya sa anak ng kongresista.

"Nice to meet you Trisha..." sabay abot nito sa kamay ng dalaga na pinaunlakan naman nito at nakipag-kamay.

Ang tagpong iyon ang nasilayan ni Marco na nagpakunot sa noo ng alkalde. Gustuhin man nyang agad puntahan na si Trisha, ngunit di siya makaalis sa harapan ng mga kausap ng sandaling yoon.

Nakita pa niya nang yayain ito ni John sa may bar at alukin ng maiinom na pinaunlakan naman ng dilag. Nang sa wakas ay nagtama ang mga mata nila ng kanyang pakakasalan ay sinenyasan niya ito gamit ang hintuturo upang lumapit, na akala mo nagtatawag lamang ng waiter na magsisilbi sa kanya.

Lalong nairita si Trisha na para na naman siyang nanliliit kung paano siya tratuhin ng alkalde. Napaisip sa kanyang sarili kung para saan ba at isinama sya nito? Para maging palamuti lamang?

"Arrrrghh!"

Nagngangalit ang kanyang ngipin na parang maiiyak sa pagkainsulto sa asal ni Mayor. Ngunit pilit siyang nagtimpi at sa halip ay kinuha ang inalok na drink ni John na nirequest kanina sa bar tender. Sa isang deretsong tunggaan ay halos maubos niya ang isang mix ng strawberry vodka kahit wala siyang ideya kung ano ang halo ng kanyang ininom.

"Whoaa... Easy lang Trisha, the night still young!" sabay haplos ng dulo ng mga daliri sa nakalantad na likod ng dilag sa suot nitong backless dress.

"Gusto mong mainggit sila, ha Mayor? Eh kung Ikaw kaya ang maingit?" wika niya sa sarili sa kanyang isip.

"Trisha... di na ko magpapaligoy-ligoy pa... type kita." sabay hagod ng tingin nito sa mukha at sa cleavage ng dalaga.

"What do you mean?" ganting tanong ng dalaga na sinasadyang ipakita sa nakatanaw na alkalde na nakikipag-usap siya sa iba.

Nakaupo silang dalawa sa bar na iyon na parang magkakilalang nagbubulungan, di halos magkarinigan sa lakas ng tugtugin mula sa banda.

Kitang-kita ng alkalde ang mga hagod ng mata ni John sa kanyang future wife. Sa mayuming pagkakaupo ni Trisha na naka ekis ang mga hita sa mataas na bar stool na iyon ay namamasdan ang kakinisan ng hita nito na sumusungaw mula sa slit ng bestida. At hindi rin iyon nakaligtas sa nanlilisik na mga mata ng katabing lalaki.

"You know what I mean..." at mas inilapit pa nito ang bibig sa tenga ng dalaga at bumulong.

"Mas mayaman ako... mas bata... mas malakas at mas masarap ako umiyot kay Vargas." tugon nito habang magaang nilalaro ng dulo ng dalawang daliri ang tuhod ng dilag paakyat sa itaas na bahagi ng hita nito.

Wala itong kagatol-gatol sa pagsasabi ng mga bulgar na salitang iyon sa dalaga na inaakala niyang isa lamang sa mga babae ng alkalde. Ngunit ganun pa man ay pinili ng dalaga ang patuloy na pagselosin ang mayor na alam niyang kanina pa nagmamatyag sa kanya.

"Ha. Ha. Talaga lang ha?" sagot nya dito habang pilit ding itinatago ang inis sa lalakeng kausap.

Ngunit ano pa nga ba ang kaibahan niya sa mga babaeng nanduon at nakalingkis sa mga pulitiko? Sa pananamit niya ngayon ay wala na din siyang pinag-iba sa mga escorts na naroon. Kaya't alam niyang inihahalintulad din siya ng lalakeng ito sa mga kulasisi ng ibang pulitikong dumalo. Mga babaeng pera lang ang habol sa kasama nila.

"Hinahamon mo ba ko? Pag nakatikim ka ng kantot ko, tiyak makakalimutan mo yang si Vargas."

Ang kaninang dalawang daliri na lumalaro sa kanyang hita ay buong palad na ngayong dumadama sa kakinisan ng kanyang balat, pumipisil, humihimas paakyat.

"Bitawan mo ko kundi hihiyaw ako!" tiim-bagang na banta ni Trisha sa kapangahasan ng lalaki.

Kahit pinilit nyang pakiharapan ang lalaki ay di na din nya natiis ang kahalayang pinagsasabi at ginagawa nito. Akala nya kaya nya, pero hindi pala.

Parang ang dumi-dumi ng pakiramdam nya sa sadaling iyon, na ganon lang ang tingin nitong silbi nya sa mayor, ang parausan nito. Nagsisisi sya na sa kanyang pagnanais na pagselosin si Marco ay ito tuloy ang kanyang napala. Ano pa nga naman ang silbi na pagselosin ang lalaking ang tingin lang naman sa kanya ay parang laruan na ipang-iinggit lamang sa kanyang mga kalaro.

"Puta... Magkano ka ba ha?" galit na turan nito sa dalaga.

"Arte mo pa pera lang din naman habol mo! Name it! Halika, come with me!" sabay hatak nito sa braso ni Trisha upang isama sa kung saan.

"BITAWAN MO KOOO!" pagpupumiglas ni Trisha sa pagkakahawak nito sa kanyang braso.

Sa simula ay wala halos nakapansin sa kumosyon nila kundi ang ilang malapit sa pwesto nila at ang bartender na wala namang magawa dahil sa takot sa anak ni Congressman.

Panay pa rin ang hatak ng lalaki sa braso ng dilag. Nang halos makaladkad na ang dalaga ay biglang may kamay na mabigat na humawak sa isang balikat ni John at isang kamao ang huli niyang nakitang papalapit at mabilis na dumapo sa kanang mata na siya niyang ikinabagsak.

"PUTANG INA JOHN PATI AKO TATALUHIN MO!" galit na hiyaw ni Marco matapos magpakawala ng isang malakas na suntok na nagpahandusay sa binata.

Iyon na ang nakakuha sa atensyon ng halos lahat ng naroon, lalo na ng mga bodyguards ng magkabilang panig na mabilis nagsibunot ng kani-kanilang armas. Ngunit ang karamihan sa kanila ay mga bataan ni John na agad itinutok ang kanilang mga baril sa lalaking nagpabagsak sa kanilang amo.

"TANG INA ANO PANG HINIHINTAY NIYO!" bulyaw ni John sa kanyang mga tauhan.

Itutuloy...

About paradoxxxx

u/paradoxxxx
paradoxxxx has nothing to say.

More from paradoxxxx

  • LARAWAN 15

    Filipino Sex Stories
    "Ano yan?!" s eryosong tanong ni Marco sa nagulat na dilag. Parang bata itong nagtago nang kung anong bagay sa...
    18 minutes
  • Larawan 5

    Filipino Sex Stories
    "Ahh, Mrs. Diane Aguinaldo?... Ms. Diane... Ma'am pasok na daw po kayo sabi ni Doc." Marahang tumayo ang babae patungo...
    28 minutes
  • Larawan 2

    Filipino Sex Stories
    " Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin, bakit ako nagkakaganito?" pabulong nyang wika habang papasok sa tinutuluyang condo unit. Agad siyang...
    19 minutes
  • LARAWAN 12

    Filipino Sex Stories
    "ALBERTOOO!... ISHIEEE!!..." Kasabay ng pagtawag ng ale sa mga kasamang nasa loob ng bahay ay ang pagguhit ng matatalas na...
    41 minutes
  • LARAWAN 13

    Filipino Sex Stories
    (Paki click na lang po "FOLLOW" sa profile ko then refresh the page para mabasa yung story. Salamat po.) ******************** Napahangos...
    19 minutes
  • LARAWAN 11

    Filipino Sex Stories
    "IKAW?" Kasunod ng sabay na pagbigkas ay muling katahimikan. Kapwa sila halos di makapaniwala kung totoo nga ba ang kanilang...
    26 minutes
  • LARAWAN 9

    Filipino Sex Stories
    Lumapit pa ng bahagya si Marco sa selda at matamang tinitigan ang anak na halos labindalawang taong niyang hindi nakita...
    15 minutes
  • LARAWAN 7

    Filipino Sex Stories
    Dama ni Trisha ang napipintong pagpasok ng matabang burat ng alkalde sa kanyang hiyas. Pinaghalong pagkasabik at kaba ang kanyang...
    24 minutes
  • Larawan 4

    Filipino Sex Stories
    Simula nang kunin ni Marco Vargas si Mang Bert na magtrabaho sa kanya bilang personal driver ay unti-unti nang napalapit...
    17 minutes
  • Larawan 3

    Filipino Sex Stories
    Nag-aapurang tinungo ng dalaga ang pintuan habang hinihila ang hapit na palda pababa. Taranta nyang pinihit ang seradura para mabuksan...
    16 minutes

    Related Stories

    • Ben 12 (Chapter 9)

      Filipino Sex Stories
      Author's Note: This story is may not be used, or copied by anyone without the permission of the original author...
      39 minutes
    • Mature Lover (V.I.L.) Part 5

      Filipino Sex Stories
      Halos mahibang na sa sobrang sarap na nilalasap si Madam sa walang katapusan at paulit ulit na pagpapakasawa sa kanyang...
      2 minutes
    • Ninong

      Filipino Sex Stories
      . "Ninong Pedie, pwede po ba ako makitulog dito sa inyo? Miss ko na po kasi si Camille at wala din...
      3 minutes
    • Withdraw Or Penetrated

      Filipino Sex Stories
      Reposted: Please do read the first part entitled "Withdraw" para malaman niyo ang flow of this series. Happy reading po...
      9 minutes
    • Utang Na Loob (33)

      Filipino Sex Stories
      Continuation... Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng Dean's office, matagal akung nakatingin at nakatayo doon, parang di ko maihakbang...
      14 minutes
    • Utang Na Loob (24)

      Filipino Sex Stories
      Continuation... Nagising ako sa mga dampi ng kamay sa aking noo, pag mulat ng mata ko ay naka tunghay sa...
      9 minutes
    • Kabit ni Mang Rey 5

      Filipino Sex Stories
      "Sorry..sorry..sorry talaga sobrang late ako." hinging paumanhin ko kay Aldwin na isa't kahating oras nang naghihintay sa akin...
      9 minutes