LARAWAN 8

Filipino Sex Stories
21 minutes
"ISHIIIEEEE!!"

"Uy... Uy... Pre gising! Kanina ka pa umuungol! Binabangungot ka yata!" tapik ni Jorge kay Daniel na natutulog sa kaniyang sofa. Dito na niya inuwi sa kanyang apartment ang kaibigang lasing na lasing at halos di na makatayo kagabi sa inuman na kanilang dinaluhan.

Sapo-sapo ng dalawang kamay ang kanyamg mukha, nagbubutil ang pawis sa noo at humihingal sa takot ang binata sa panaginip niyang iyon. Para bang nalalasahan pa niya ang dugo ng babae na sumirit sa kanyang mukha. Malinaw na malinaw pa rin sa kanyang gunita ang mukha nitong hirap na hirap.

"Sino pare yung Ishi?" usisa ni Jorge. "Yan ang hinihiyaw mo eh... ngayon ko lang narinig sayo yang pangalan na yan."

Umiling lamang si Daniel sa kaibigan at pasuray-suray na naglakad papasok sa banyo. Binuksan ang gripo sa lababo at hinilamusan ang mukha at binasa maging ang kanyang buhok. Pilit tinatanggal sa isip ang napanaginipan at pinabababa ang epekto ng alak sa kanyang ulo.

Inabutan ng tuwalya ni Jorge ang kaibigang nakadukdok at nakatuon ang mga braso sa sink. Tinititigan ng binata ang sariling repleksyon sa salamin matapos paliguan ang kanyang ulo.

"Ano ba nangyayare sayo pre? Kagabi pa ko na wiweirduhan sayo ah... kaya nga kita isinama sa inuman para ikaw sana ang aalalay sakin."

Kagabi pa niya napapansin ang kaibigan. Bagama't natural dito na tahimik lang sa inuman ay di naman ito talaga ganun kaseryoso. Simpleng joker nga ito, subalit kagabi ay napakaseryoso nito at parang wala lagi sa sarili. Panay din ang shot na parang nilulunod ang sarili sa alak.

"Wala pre... Ok lang ako medyo masama lang pakiramdam ko."

"Dahil ba sa babaeng nakasama mo sa bar? Bakit di mo hanapin pre? Pwede naman natin siguro ipagtanong."

"No no... hindi yun... basta hayaan mo lang ako, lilipas din to."

"Ok pre ikaw bahala."

Hanggang sa makauwi ang binata ay di niya naikwento sa kaibigan ang tungkol kay Ishie. Kahit kanino yata na nakasama na niya ay di niya binanggit ang tungkol dito. Marahil ay iniiwasan niya na maungkat kung anumang ugnayan niya sa babaeng iyon. Pumikit sya at ipinaling-paling ang kanyang ulo sa mga alaala ni Ishie na muling nagbabalik.

Lumipas ang halos isang linggo ay walang inatupag ang binata kundi magpinta. Inililipat sa canvas ang mga nagbabalik na alaala na kahit ano'ng gawin niya ay di niya mabura sa kanyang isip. Baka kahit sa ganitong paraan ay makalaya siya sa mga alaala ng lumipas. Balak niyang isama ang mga ito sa mga obrang kanyang ididisplay sa art exhibit sa susunod na buwan.

May kalakip na kirot ang kanyang pagpipinta ngayon. Parang sa bawat paghagod ng brush sa puting canvas ay nagbibigay ito sa binata ng ibayong lungkot, pagsisisi, at galit. Galit na di niya alam kung natutuon sa iba, ngunit tila mas matimbang ang galit sa kanyang sarili.

Habang pinagmamasdan ng binata ang kanyang mga likha ay pigil na pigil ang pagtulo ng kanyang luha. Lalo na sa huling obra niya na imahe ng mag-ina.

Napukaw ng isang tawag sa telepono ang pag-iisip ng binata at agad niya iyong sinagot.

"Hello Mi! Musta po?" bakas ang tuwa ng binata nang marinig ang kausap.

"Really?! Mabuti naman uuwi na kayo. For good na po ba?" napalitan ng saya ang mukha ng binata sa ibinalita ng kausap na agad ding nawala sa sumunod na sinabi nito.

"Hmm... can't promise you that... Ikaw na lang dumalaw dito Mi o kaya I'll wait na lang sa airport."

"Haaayst... sige tingnan ko na lang kung makakauwi ako." napipilitan nitong tugon sa kausap. "Ok mi... ingat na lang po sa byahe."

Natulala ang binata pagkababa ng telepono. Parang hindi pa siya handa sa hinihiling ng kausap na umuwi siya sa kanyang bayan na nakagisnan.

Parang sinasadya ng pagkakataon na kanina lang ay napanaginipan niya ang babaeng nagpabago ng kanyang buhay. Heto at muli niyang makikita ang lugar kung saan nanduon ang mga alaalang ayaw na niyang balikan.

************************

Mabilis na lumipas ang isang linggo kay Trisha. Tumulong na lang siyang magbantay ng sari-sari store ng kanyang nanay imbis na gumala pa o maglalabas. Natatakot pa din siya sa nangyari nung minsan siyang maglakad sa labasan. Ang kaibigan si Janet na lamang ang dumadalaw sa bahay nila sa tuwing libre ito.

Naipaalam na din niya kay Marco ang nangyari at nagpaimbestiga na ito sa kanilang kapulisan. Ngunit wala naman silang makalap na lead o ibang impormasyon upang matukoy kung ano talaga ang pakay kay Trisha ng sasakyang iyon. Itinuring na lang na isolated case ang pangyayaring isinumbong ng dalaga.

"Ay Ishie anak... ipamimigay ko na tong mga lumang gamit na nandto sa lumang aparador ha. Gagamitin ni bunso at wala daw siyang mapaglagyan ng gamit niya." hiyaw ng kanyang nanay na nakasilip sa bintana habang nakabantay ang dalaga sa kanilang tindahan na nakahiwalay sa kanilang bahay.

"Sige po Nay kayo na ho bahala." sagot naman niya na abala sa pag-aasikaso sa mga bumibili.

"Ah miss meron kayong softdrink?" tanong ng isang nakasumbrerong lalaki na nakayuko sa kanyang cellphone habang nagtatanong.

"Meron po... maliit lang po ba?" balik-tanong niya sa customer.

"Oo, bigyan mo nga ako ng isa." tugon nito na di inaalis ang tingin sa screen ng kanyang cellphone kaya't di gaanong makita ng dalaga ang lalaki.

Nang mabigyan ng binili ay naupo ito sa bench sa harap ng tindahan. Di nagtagal ay umalis na din ito at sumakay na ulit sa pick-up truck na nakaparada sa tapat.

"Mukhang malabong lumabas to boss... Saka andaming tambay sa labas." anas ng lalaki habang hawak ang cellphone na nakatutok ang back camera sa tindahang kanyang binilhan.

"MGA TANGA TALAGA KAYO! Isang linggo niyo na yan binabatayan!" Umaalingawngaw ang boses ng kausap sa kabilang linya. "Umuwi na kayo at baka magduda pa mga tao dyan!"

Titig na titig si John sa pinadalang video ng kanyang tauhan. Kanina pa niya ito paulit-ulit na pinapanuod. Kita niya ang natural na kagandahan ng dalaga kahit wala itong make up sa mukha, na syang lalo namang nagpapagigil sa kaniya.

'Tangina ako magpapakasawa sayo Trisha! Sakin ka malalaspag!'

Tanghali na ng mapalitan si Trisha ng kanyang ina sa pagbabantay sa kanilang tindahan. Siya namang dating ng kaibigan niyang si Janet na walang pasok sa trabaho ng araw na iyon.

Napansin nito ang mga nakasupot na mga lumang damit at uniporme nila nuong high school na matagal naimbak sa lumang aparador. Agad iyong pinagbubuklat ni Janet at inilabas sa supot.

"Uy bes... buhay pa pala tong mga uniform mo? Ano to pamimigay na?"

"Oo naman, aanhin pa yan?"

"Grabe bes ang luluwag ng bewang ng palda mo nun oh! Ahahahaha!"

Iniladlad ni Janet mula sa pagkakatupi ang isang palda at tawang-tawa sa laki ng bewang ng dalaga nuong teenager pa ito. Tumingin lamang si Trisha sa kaibigan na natatawang isinukat ang kanyang lumang palda.

Sino ba naman ang mag-aakala na ang dating chubby na dalagita ay mamumukadkad at magiging seksi at magandang dalaga ngayon. Halos lahat nga ng kaklase nila nung high school na sa ibang mga lugar na nakabase ay di siya nakilala nung nagsiuwi ang mga ito upang umattend ng kanilang reunion kamakailan lang.

"Pero kahit para kang timba nun bes may suitor ka ha... inggit nga ako sayo nun hihi"

Biglang natigilan si Trisha sa narinig at naalala niya ang kaisa-isang binatang nagpakilig sa kanya noon. Ngunit kilig nga lamang ba? O sadyang minahal niya ito dahil sa kabila ng kanyang imahe noon ay nagkagusto ito sa kanya.

"Nasaan na kaya si Billy noh? Simula nung maka-graduate sila, di na nagpakita yung tukmol na yun noh." Lalong lumungkot ang dilag ng marinig kay Janet ang pangalang iyon.

"Opppps suri... nalimutan ko siya nga pala prince charming mo." agad namang bawi ni Janet nang mapansin ang lungkot sa mukha ni Trisha.

"Ok na bes... tanggap ko nang di na babalik yun... I hope na lang na sana ok na din siya ngayon."

Si Billy ay ahead sa kanila ng dalawang taon sa pampublikong hayskul kung saan sila nag-aral. Isa sa mga hinahangaan niya sa kanilang campus nuong siya ay second year pa lamang. Bukod kasi sa may angking talino ay napakagaling pa nito sa basketball.

"Ay shit wait!" Biglang naalala ni Trisha ang lata ng biskwit ng kanyang mga abubot. Pinuntahan nya agad ang lumang aparador at binuksan iyon. Malinis na malinis na at wala nang kahit anong gamit na nakalagay sa loob.

"Nay... nakita nyo ba yung lata ng biskwit?!" Kabang-kaba ang dalaga at baka kasama nang naitapon iyon ng kanyang ina.

"Nilipat ko na sa aparador mo."

Agad na chineck ni Trisha ang kanyang aparador, saka pa lang nakahinga ng maluwag nang Makita nga roon ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa kanyang buhay. Siniguro lamang na andoon ang lata ngunit din na niya iyon binuksan pa.

************************

Lunes. Maagang bumiyahe si Daniel papuntang timog, upang dalawin ang balikbayang umuwi. Humiling ito na sa probinsiya sila magkita at nang makasalamuha din niya ang iba pa nilang kaanak.

Abot-abot ang kaba ng binata nang makita ang malaking arkong gawa sa semento kung saan naka-ukit ang pangalan ng bayan na kanyang kinalakihan. Kulang labindalawang taon na din ng lumisan siya mula sa bayang ito na puno ng lungkot at pighati ang kanyang dibdib.

Nanginginig ang mga paang nakatapak sa mga pedal ng kanyang sasakyan maging ang kanyang kamay na nakahawak sa manibela. Ngunit kahit papaano ay di niya maiwasang humanga sa laki ng pagbabago ng kanilang bayan. Napakarami ng establisimiyento ang nadagdag. Kitang kita ang malaking pag unlad nito.

Lalong kumabog ang kanyang dibdib ng matanaw ang malaking bakuran na may mataas na bakod na yari sa semento. Nagbagal ang kanyang pagpapatakbo ng sasakyan at tila gustong tumapak ng kanyang paa sa preno upang huminto sa tapat niyon, ngunit nag-alinlangan siya. Nakalingon lamang siya sa malaking bahay nang mapatapat siya sa malaking gate na yari sa bakal.

Parang may kurot sa kanyang dibdib nang lumampas siya sa bakurang iyon. Gusto man niyang huminto ay di niya magawa. Hanggang sa makaabot siya sa pinaka sentro ng bayan na iyon ay parang naiwan ang kanyang isip sa mansyon na naraanan.

Mabuti na lamang at mabagal ang usad ng takbo ng trapiko dahil wala sa pagmamaneho ang isip ng binata. Kaakibat talaga ng pag-unlad ng isang bayan ay ang pagdami ng mga sasakyan lalo na at araw ng Lunes. Ang lahat ay nag-aapurang makarating sa kani-kanilang trabaho o paaralang pinapasukan.

Halos di na gumagalaw ang mga sasakyan na nagkabuhol-buhol at naipit na siya sa crossing. Marami sa mga commuters ang nagsibaba na sa mga pampublikong sasakyan dahil kung kailan nasa abalang oras ay saka pa nangangapal ang maitim na ulap na sinamahan ng mga pagkulog. Kanya-kanyang pulasan sa ibat- ibang direksyon ang mga pasaherong ayaw abutan ng pagbagsak ng ulan.

Mayroong iba na sumasalubong at nakikipagpatintero sa usad ng mga sasakyan. Ang ibang nakasingle na motor naman ay pilit sumisiksik at nakikipag-unahan tumawid ng crossing na nagresulta ng buhol-buhol na trapiko.

Habang nakakapit sa kanyang manibela, abalang pinapanuod ng binata ang mga nagkukumahog na mga tao sa paligid. Napalingon sya sa kanan at agad napako ang tingin niya sa dalagang naglakad sa harapan ng kanyang sasakyan patawid sa kabilang gilid ng kalsada.

Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo kay Daniel ng oras na yon. Hindi siya pwedeng magkamali. Mahigit isang linggo nang di nawala sa kanyang isip ang babaeng kanya ngayong minamasdan.

Nang magising si Trisha ng umagang iyon ay nabasa niya ang mensahe galing kay Marco. Nasa airport na daw ito at sa munisipyo na didiretso mamaya. Ang amang si Mang Bert ang sumundo sa alkalde at mga kasama nito kung kaya't mamaya ay mamamasahe na lang ang dalaga pagpasok sa munisipyo.

Blue long sleeves na tinernuhan ng khaki slacks ang napili niyang isuot ng araw na iyon. Habang nasa byahe sakay ng tricycle ay naipit ang dalaga sa traffic. Napansin din niya ang makapal at maitim na ulap na nagbabadya ng malakas na ulan.

Minabuti na lang ng dalaga na bumaba at lakarin ang munisipyo na malapit-lapit naman na kaysa abutan pa siya ng malakas na ulan sa loob ng tricycle na walang trapal. Nagmadaling bumaba ang dalaga at tumawid sa kalsadang puno ng sasakyan dahil sa pagkakabuhol ng trapiko.

"MISS! Hey Miss!" tawag ng binata ng ibaba niya ang kanya bintana.

Ngunit deretso lamang sa pagtawid ang dalaga at tila hindi sya nadinig. Nagkumahog si Daniel na habulin sana ito ngunit hindi sya makababa dahil sa motor na nasa tapat ng kanyang pintuan. Hinampas pa ng binata ang upuan ng motor upang paabantehin ito, ngunit ito man ay ipit na din at wala nang mauusaran.

Umusad lamang ang mga sasakyan sa hudyat ng traffic enforcer upang umabante na ang mula sa direksyon ni Daniel. Akma sanang bababa sya upang sundan ang babae ngunit binusinahan na siya ng malaking truck na nasa kanyang likuran.

Napilitang iabante ng binata ang kanyang sasakyan upang makatawid na crossing habang nakamasid pa din sa naglalakad na dalaga. Saka nya biglang itinabi ang kotse sa hindi dapat na lugar. Ayaw ng binata na makawala pa ang dalagang gumugulo sa kanyang isip. Di na niya kayang palampasin pa ang pagkakataong ito.

Iginilid lang ng binata ang sasakyan sa tapat ng sidewalk grills na may nakasulat na NO LOADING/UNLOADING. Agad itong bumaba na halos di na nailapat ng maayos ang pagkakasara ng pintuan ng kanyang oto.

At isa-isa nang bumagsak ang malalaking patak ng ulan kaya't halos patakbo niyang hinabol patawid ang nag-aapura ding dalaga. Nakarinig sya ng silbato ngunit parang wala na siyang pakialam pa. Kailangan niyang mahabol ang dilag.

"MISS! MISSSSS SANDALI!!!"

"SIR BAWAL DUN!!" pag-harang ng may edad na ring traffic enforcer kay Daniel. Ngunit hindi nya ito pinansin kaya't napilitan ang pobre na hawakan ang binata sa kanang braso nito.

"BITAWAN MO KO!"

Kasabay ng pag-ikot ng braso upang makalas ang pagkakahawak ng enforcer sa kanya ay ang pagkakatulak nya sa nakadaiting katawan nito.

Hindi inaalis ni Daniel ang tanaw sa dalagang hinahabol kung kaya't wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa traffic enforcer na kanyang naitulak. Ganoon na lamang ang gulat niya ng sa daraanan niya ay humarang ang isang unipormadong pulis hawak ang baril nito na nakatutok na sa kanya.

"TAAS ANG KAMAY!" galit na hiyaw ng parak na agad namang ginawa ng nagulat na binata.

Mula sa kanyang likuran ay may naramdaman siyang posas na kumalawit sa kaliwa niyang kamay at dinadala iyon pababa sa kanyang likuran. Nagawa pang magpumiglas ni Daniel dahil sa pagkagulat ngunit pinagtulungan na siyang idapa ng dalawang pulis na nakakita sa nangyari at sa ginawa niya sa enforcer.

Kasabay ng tuluyang pagbuhos ng ulan ay nakadapa si Daniel sa kalsada habang niluluhuran ng dalawang pulis sa kanyang likod. Saka lang nya nalingon ang matandang enforcer na nakasalampak sa kalsada at duguan ang ulo. Napalakas pala ang tulak niya na ikinatumba nito.

Nanlulumong inilapat ng binata ang pisngi sa sementong basa na sa ulan. Wala siyang makita kundi ang mga talsik ng malalaking patak ng ulan at ang mabagal na usad ng mga nag-uusyosong sasakyang naantala ang pag-usad dahil sa kanyang kagagawan.

Nang maramdaman ang malalaking patak ng ulan ay nagmadaling binuksan ni Trisha ang kanyang foldable na payong. Tinanggal na din ng dalaga ang earbuds na nakasuksok sa kanyang tenga at inoff ang masayang tugtuging pinakikinggan sa kanyang cellphone.

Napalingon ang dalaga sa kabilang ibayo ng crossing at napansin ang kumpol ng mga pedestrian sa gilid na nakisilong sa harapan ng isang botika at may itinuturo sa kalsada.

"Ayun buti nga sayo, yabang mo kasi!" anang isang lalaki sa likuran ni Trisha na nakamasid din sa mga kaganapan sa may crossing.

Natanaw ng dilag ang kumosyong naganap nang pinagtulungan ng dalawang pulis ang isang lalaking nagwawala sa gitna ng hi-way. Inakala ng dalaga na isa na namang away-trapiko ang nangyari kung kaya't ipinagkibit-balikat na lang niya ito.

'Ang aga-aga ang iinit ng ulo ng mga tao' sa isip-isip niya. Wala siyang kamalay-malay na siya ang hinahabol ng binata kaya't nagkaroon ng kaguluhan doon.

Habang andoon si Daniel at nakadukdok sa basang kalsada, sa buhos ng ulan ay tanaw nya ang paglingon ng babaeng hindi na naalis sa kanyang isip mula ng kanya itong nakaniig. Gustuhin man nyang humiyaw at tawagin ito ay alam nyang hindi rin sya nito maririnig dahil sa lakas ng buhos ng ulan. At tila kinurot ang kanyang puso nang pumihit ito at tuluyan nang naglaho sa mga payong ng naglalakad na mga tao.

Patong-patong na kaso ang balak isampa sa binata. Slight physical injury, direct assult of person in authority, at resisting arrest. Galit na galit ang mga kapulisan na naroon sa presinto dahil sa sinapit ng pinakamasipag nilang traffic enforcer bukod pa sa edad na nito.

Pagkatapos makuhanan ng statement at personal na impormasyon ng imbestigador ay dinirecho agad ang binata sa kulungan ng di man lang pinagpapalit ng tuyong damit.Pinagbigyan naman ang binata sa hiling nito na mag iwan ng mensahe sa malapit na kamag-anak na naroroon.Marumi at wala ng maupuan sa dami ng nakakulong sa seldang yun ng munisipyo.

Iba't-iba ang kaso ng mga nakasabay ng binata sa loob ng maliit na seldang yon. Mga mukhang di gagawa ng mabuti ang hilatsa ng pagmumukha ng mga lalaking pawang mga walang suot na pang-itaas at ang iba ay balot ng mga burda sa balat. Lutang na lutang ang itsura ng binata sa loob kumpara sa ibang kalalakihang nakadetine.

"Hmm... mukhang astig tong bagong salta mga kosa!" sita ng isang lalaking puro tattoo sa binatang nakaupo sa lapag sa bandang bungad ng rehas dahil wala nang mapwestuhan sa loob. Hindi man lang pinansin ni Daniel ang patutsada ng nakatayo sa kanyang harapan na lalong ikinainis nito.

Akmang sisipain ng lalaki ang nakaupong binata ng bigla itong tumayo. Napatingala na lang ang nagsisiga-sigaan sa taas ng lalaking kanyang pinagtitripan.

"Sige subukan mo! Pag ikaw lang madampot ko sisiguraduhin ko sayong di kita bibitawan ng buhay!" tiim-bagang na hamon ni Daniel sa lalaki.

"HOY! ANO YAN HA?!" sita ng nakatalagang jail guard sa nakikita niyang pagtatalo ng mga detainees sa loob ng selda. Agad namang nilubayan ng lalaki si Daniel na pinili na lamang tumayo at sumadal sa likod ng mga rehas.

Di nagtagal ay naulinigan ng binata ang paparating na kaanak na kanyang pinadalhan ng mensahe. Hangos itong nagpunta sa selda kung saan naroroon ang binata.

"Anak! Diyos ko di ka ba nila sinaktan ha?! Ano ba nangyari bakit ka nila ikinulong!"

Tumulo ang luha nito nang makita ang kalagayan ng binata sa suot na puting t-shirt na nanlilimahid na dahil sa pagkakadapa sa basang kalsada kanina.

"Ok lang ako Mi... Sino po kasama niyong pumunta dito?"

"Pinsan mo, naghahanap pa ng paparadahan." Inilusot nito ang braso sa pagitan ng mga bakal na rehas at hinahaplos nito sa mukha si Daniel.

"Ah officer... Magkano ang bail? Gusto kong makalabas na agad ang pamangkin ko dito." baling nito sa bantay na pulis.

"Ma'am dun na lang po kayo makipag-usap sa desk officer para maipaliwanag po ano mga kaso niya."

"Maiwan muna kita anak at aayusin ko paglaya mo ha."

"Sige ho... pasensya na Mi pati kayo naabala."

"No no,, lalaya ka na agad ngayon... di ka pwedeng magtagal dyan... My God!"

Kasabay ang pulis ay tinungo ng tyahin ni Daniel ang mesa ng nakatalagang desk officer. Abot-tanaw lang ng binata ang lamesang na iyon sapagkat maliit lamang ang presinto sa kanilang bayan. Bagama't tanaw niya ay di naman niya marinig ang pinag-uusapan doon. Kita lang niya ang reaksyon mukha ng dalawang nag-uusap.

"Sorry po Ma'am, di pa po ninyo sya pwedeng piyansahan. Anak niyo po ba to?"

"Pamangkin ko po officer... Bakit naman hindi pwedeng pyansahan?" magalang na tugon nito sa pulis.

"Kailangan po kasi mainquest muna po siya sa piskalya. Sa ngayon po wala pa po yung judge kaya di pa po namin mai-file yung kaso niya. At di naman po pwede na unahin itong pamangkin niyo kasi may schedule po tayo na dapat sundin dito."

Ipinatawag din ng pulis ang complainant na traffic officer ngunit ayaw nito magpaareglo at desididong kasuhan ang binata sa mga mali nitong nagawa kaya't agad din itong umalis.

"Officer baka naman meron kayong magagawa... madali naman akong kausap." at nagpahiwatig na ito na willing maglagay sa mga pulis makalaya lang ang kanyang pamangkin.

"Sorry po ulit Ma'am... mukhang bukas pa po talaga pinakamaagang makakalaya ang pamangkin ninyo. Wala po tayong magagawa yan po ang SOP namin dito."

Nanlumo ito sa narinig mula sa pulis. Kitang-kita ni Daniel ang paglungkot ng mukha ng kanyang tyahin. Hanggang sa tumayo at umalis ang complainant ay nandun pa din ito at patuloy na nakikiusap sa pulis. Tanaw nya ang tila patuloy na pagpapaliwanag nito habang parehas nalilingon sa kanya ang dalawang magkausap.

Di naglaon ay tumitig sa kanya ang pulis na kausap ng kanyang tita, tumango-tango ito habang patuloy na nakikinig sa sinasabi ng kanyang kaanak ngunit di niya naririnig. Sabay na tumayo ang dalawa at pumasok sa pinto ng isang maliit na opisinang naroon.

Samantala sa loob ng Mayor's office.

"Tsuup... uhhm... namiss kita baby ko." sabik na sabik ang mga halik ng alkaldeng kulang isang linggo ring nawala.

Buhat sa airport ay dito na dumiretso ang alkalde sa kanyang opisina. Sabik na sabik nang makita ang babaeng malapit na niyang makaisang dibdib. Walang oras na di niya naiisip ang dalaga. Lalo na ang muntikan nang maganap sa kanila ng gabing iyon na lalong nagpapasabik sa kanya.

Madalas naman siyang makipag video call sa dalaga kapag may libreng oras siya ngunit napakailap pa din nito sa kanya na lalo namang nagpapabuhay sa kanyang pagkalalake. Ibang-iba kasi talaga ang dalaga sa mga nakarelasyon niya.

Kasama pa niyang umakyat sa opisina si Mang Bert bitbit ang mga pasalubong para sa mga piling kawani ng kanilang munisipyo. Nang makapagpaalam na ito sa anak ay agad na inilock ni Marco ang pinto.

Nilapitan agad ng alkalde ang sekretaryang nag-aayos ng mga papeles sa filing cabinet. Hinawakan niya agad ang bewang nito at ipinihit paharap sa kanya. Ginawaran niya ito ng masuyong halik sa labi na agad namang tinugunan ng dalaga. Halik na di nagtagal ay naging mapusok, tila sabik na sabik sa isa't isa.

"Ughmmm... hmmm... ahhh bolero ka." sagot ng dalaga nang makawala ang labi sa alkalde.

"Ahhhh kung alam mo lang pagkasabik ko sayo baby." sabay diin ng harapan nito sa tapat ng puson ng dilag upang ipadama ang nagwawala na niyang ari sa loob ng pantalon nito.

Muling naglapat ang kanilang mga labi, kinuha pa ni Marco ang kamay ng dilag at iginiya ito sa tapat ng kanyang naghuhimindig na pagkalalake. Ipinadadama ang libog na kaytagal na kinimkim nito.

Mahigit kalahating taon na din mula nang huling may makarelasyon ang alkalde. Kaya naman ganon na lamang tablan ang kanyang katawan kahit sa simpleng halikan lamang.

Di naman siya pinahindian ng dalaga sa gusto nito. Dinama nito ang katigasang nakapaloob duon. Hinagod ng malambot na kamay ang matabang tarugo na sabik na sa kasintahan. Pinipisil, sinusukat ng mga darili ang laki nito, habang ang kamay naman ng alkalde ay lumalamas sa matambok at malambot na pwet ng dilag.

"Ahhh... Sama ka muna sakin sa bahay baby ko." sambit nito habang gumagapang pababa ang labi nito sa leeg ni Trisha.

"Ha? Bakit? Kararating mo lang."

"May pasalubong ako sayo, sa bahay ko ibibigay."

"Ahhhh... ughhh..." napaigtad ang sekretarya nang dakmain ng sabik na alkalde ang pagitan ng kanyang hita. Gigil na gigil na pinipisil ang malambot na katambukan ng dilag.

"Ano?"

"Eto babe... uhmm..." saka ikinadyot sa harap ng dalaga ang tigas na tigas na titi nito.

"Tagal nang gigil sayo tong manoy ko..."

Namumula na ang tenga ni Marco sa libog habang dinidiin ang naghuhumindig na burat sa tapat ng puke ng kanyang sekretarya.

Naistorbo ng tunog ng telepono ang lampungan ng magkasintahan. Napilitang bitawan ni Marco si Trisha upang sagutin nito ang tawag na iyon.

"Hello... Mayor's office."

"Hmm... Nandito po Sir." sabay abot ng receiver sa alkalde. "Si Hepe. Importante daw."

Agad namang kinuha ni Marco ang tawag ngunit binulungan na muna ang dalaga na gumayak at isasama muna siyang umuwi sa mansyon nito.

"Oh Hepe? Napatawag ka."

"Ha?! Sino?... Are you sure?" nakakunot ang nuo nito at nakatingin sa kawalan habang nakikinig sa sinasabi ng kausap.

Dahan-dahang ibinaba ni Marco ang telepono ng di man lang nagpaalam sa kausap. Nakayuko at nakapikit habang naiwang nakatukod ang mga kamay sa lamesa.

"May problema ba?" tanong ng dalaga sa alkalde.

Umiling lamang sa kanya ang kausap at sinabihan itong may pupuntahan lamang sandali. Naiwang nag-iisip ang dalaga kung bakit biglang nagbago ang timpla ni Marco matapos ang tawag na iyon.

"Ano Mi... ano ho sabi... makakalaya na po ba ako?"

"Ah Dan... uhmm... ano kase... di ka daw makakalaya kasi ayaw magpa-areglo nung nagkaso sayo... baka bukas pa maayos yung bail mo." nanlulumong sagot nito sa binata.

Napayuko na lang si Daniel at napabuntong-hininga sa narinig. Alam niyang mali ang ginawa niya kanina. Ngunit mas nanaig ang panghihinayang niya na di niya naabutan ang dalagang kanyang hinahabol.

Napailing na lamang ang binata sa pagbibiro ng tadhana. Yung taong pilit nyang inaalis sa kanyang isip, bigla nyang makikitang muli ngunit hindi naman nya inabutan.

"Ok lang Mi... talagang ganon... pasensiya na po ulit sa abala."

"Uhmm... Daniel... ano kase, ahhh..."

Napakunot ang noo ng binata sa kanyang tyahin na tila hirap na hirap bigkasin ang gusto nitong sabihin. Nang biglang mapalingon ang lahat sa presensiya ng taong papasok sa bukana ng presinto.

Lahat ay nagbigay-bati sa bagong dating. Maging si Hepe ay nagkumahog na salubungin ito. Ngunit parang wala itong nakikita. Kunot-noo itong lumingon at dumeretso sa seldang puno ng mga nakadetine sa bakal na rehas.

At nang makita ang hinahanap ay tumayo lamang ito at tinitigan ang lalaking nakalawit ang mga braso sa pagitan nga mga rehas. Puno ng pang-uuyam at pagkadismaya sa kanyang nasisilayan. Ang laging magiliw na alkalde, ngayon ay nanlilisik ang mga mata sa emosyong pilit pinipigilang sumabog.

"Mayor." bati dito ni Daniel.

"You never fail to disappoint me... son."

About paradoxxxx

u/paradoxxxx
paradoxxxx has nothing to say.

More from paradoxxxx

  • LARAWAN 6

    Filipino Sex Stories
    "PUTANGINA!!!... TIRAHIN NYO NAAAA!" galit na galit na bulyaw ng anak ng kongresista na di pa rin nakakabangon buhat sa...
    23 minutes
  • Larawan 2

    Filipino Sex Stories
    " Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin, bakit ako nagkakaganito?" pabulong nyang wika habang papasok sa tinutuluyang condo unit. Agad siyang...
    19 minutes
  • LARAWAN 13

    Filipino Sex Stories
    (Paki click na lang po "FOLLOW" sa profile ko then refresh the page para mabasa yung story. Salamat po.) ******************** Napahangos...
    19 minutes
  • LARAWAN 10

    Filipino Sex Stories
    Pilit nagpumiglas si Trisha sa kamay ni Marco na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Dama ng dilag ang pagbaon...
    30 minutes
  • LARAWAN 7

    Filipino Sex Stories
    Dama ni Trisha ang napipintong pagpasok ng matabang burat ng alkalde sa kanyang hiyas. Pinaghalong pagkasabik at kaba ang kanyang...
    24 minutes
  • Larawan 5

    Filipino Sex Stories
    "Ahh, Mrs. Diane Aguinaldo?... Ms. Diane... Ma'am pasok na daw po kayo sabi ni Doc." Marahang tumayo ang babae patungo...
    28 minutes
  • Larawan 3

    Filipino Sex Stories
    Nag-aapurang tinungo ng dalaga ang pintuan habang hinihila ang hapit na palda pababa. Taranta nyang pinihit ang seradura para mabuksan...
    16 minutes
  • LARAWAN 9

    Filipino Sex Stories
    Lumapit pa ng bahagya si Marco sa selda at matamang tinitigan ang anak na halos labindalawang taong niyang hindi nakita...
    15 minutes
  • LARAWAN 12

    Filipino Sex Stories
    "ALBERTOOO!... ISHIEEE!!..." Kasabay ng pagtawag ng ale sa mga kasamang nasa loob ng bahay ay ang pagguhit ng matatalas na...
    41 minutes
  • LARAWAN 14

    Filipino Sex Stories
    Isang huling sulyap sa babaeng sinadyang saktan upang mas madali sa kanya ang lumisan. Ngunit sa kanyang pagtalikod, pakiramdam ni...
    26 minutes

    Related Stories