1. Home
  2. Stories
  3. Larawan... ( Pt. 05 )
Lagablab

Larawan... ( Pt. 05 )

By wish_trish ·
" Larawan... " ( Pt. 05 ) Maingat na dinala ng batang lalake ang paper plate na may lamang fishballs at sawsawan sa loob ng malamig na gusali ng City Hall ng Lunsod ng Baguio. Dumaan ito sa harap ng isang matipunong security guard at tumango dito. "O, kaya mo ba bata? Baka matapon 'yan ha, walang kakainin si ma'am Trisha." Birong tawag ng sekyu sa bata. "Atoh pa... aingat po ata atoh. Lab to po ateh Teesha, iingat atoh." Sagot na bulol ng bata. Tumawa ang sekyu, at isinuot ang kanyang cap sa paslit, bago inilagay sa may bewang ng bata ang batuta. Lumakad ang bata patungo sa tanggapan ng aking ina, dito niya ako inabutang nagli ligpit ng mga files kasama ang isa pang sekretarya. Lumaki ang ngiti sa mukha ng paslit nang masilayan ako, at agad akong tinawag nito. "Ateh Teesha! Moodaptenun po." Naka ngiting sabi nito. Napa tawa ang sekretarya namin ng makita ang ayos ng paslit, na may sumbrero at batuta ng sekyu. "Uuuuy, ang cute cute naman niyan. Hello Balong. Kumusta ka? Naku naman, ang sweet, hindi mo talaga naka limutan ang snack ni ate ha?" Sabi ko dito na lumuhod sa sahig upang mas maging kasing tangkad ang bata. Kumindat ang bata, at ininguso ang recorder sa ilalim ng paper plate niyang tangan. Agad ko itong naintindihan, at sinabihan siyang sumunod kunyari sa akin sa aking lamesa, upang duon ko iabot ang bayad sa fishballs. Dito hindi kita ng sekretarya ang pagkuha ko sa recorder sa kadahilanang mataas ang mga folders sa lamesa ko, at naitago ang pag abot sa akin ng bata ng fishballs at recorder. "Abalit maya Balong, totoleh ko tukli mo ateh." Naka ngiting sabi ng paslit. "Naku 'wag na Balong. Iyo na ang sukli. Ipunin mo ha, para may magamit ka pag nag aral ka na upang maging isang poging poging sikyu. Ammmmwah!" At hinalikan ko ang bata bago ito tuwang tuwang lumabas ng tanggapan ng aking ina. "Naku ma'am Trish. Crush na crush ka po nung batang iyan. Sa lahat po ng tao sa City Hall, ikaw lang ang may service de lux dyan ke Balong. Ayaw kaming dalhan ng miriyenda eh. Laging ikaw lang. Sabi niya daw dati dun sa sikyu pag laki daw niya pakakasalan ka niya." Kwento ng sekretarya namin, at nagtawanan lamang kami sa pagka pilyo ni Balong, habang pasikreto kong iniisip ang susunod kong hakbang sa aking plano. * Mark Anthony Lacanlale III... nakita ko ang pangalang ito sa yellow pages. Isang videographer daw na may video shop malapit sa City Hall. Naisip kong mas mabuting sa isang hindi ko kilalang tao magpa edit ng voice recording kesa isang tao na maaaring mai-trace pabalik sa akin. Maaga akong umalis ng opisina, upang subukang habulin ang taong ito. Natunton ko ang kanyang maliit, ngunit malinis na shop sa may bandang Kisad Road. Nag iisa siyang naka upo sa may counter, habang ang dalawa pa niyang mga tauhan ay abala sa pag edit ng kani-kanilang mga videos. "Yes? May I help you?" Tanong niya sa akin na naka ngiti. "Ah yes, hi. Do you accept voice editing? I have a cassette tape that I wish to shorten to a few words only. Could you edit it in such a way that it specifically turns out to be a fluid sentence giving out instructions?" Tanong ko sa simpatikong lalake sa likod ng counter. "I probably could. Is this a recording of a song, or a conversation?" Tanong sa akin ni Mark. "Honestly I haven't listened to any of it yet, but I would guess that it is a conversation. A friend of mine needs a revised version of it to play a trick on her boyfriend." Palusot ko. "I'll see what I can do miss." Kinuha nito sa akin ang tape, at pumunta sa isang console na maraming pinipihit na buttons. May parang meter ito gaya ng sa voltage regulator na ang isa ay nag me-measure ng lakas ng voice. Ipinasok niya ang tape sa tape deck, at pinindot ang play. Inintay namain ang tunog, at ang unang narinig namin after mga ten minutes ay ang boses ni Ramil. "Goodafternoon Miss Marion. My name is Mars..." Hininto niya ang tape, at lumingon sa akin. "It seems to be a clear copy. I beleive I can edit this. How do you wish me to shorten the conversations?" Tanong ni Mark sa akin. "Let's see... ahm I only need to hear the voice of the girl on the tape. Please edit the recording so that it becomes a few words only saying: EMERGENCY; CHANGE OF PLANS; BRING ITEMS TO; FIRST ROAD QUEZON HILL." Sagot ko rito na nagiisip kung matutunton ba na siya ang nag edit ng recording na ito pag nagka gulo. "That won't be a problem. But it might take more than an hour. As it is, we close at exactly five in the afternoon. Had you come a bit earlier I could have given you the finished product today. Do you need it right away, or is it okay if I give it to you tomorrow miss..." Nagta tanong nitong sabi. "Trisha, you may call me Trisha. And no... actually, I need it at the soonest possible time mister..." Naka ngiti kong sabi dito na parang nagpapa cute. "Mark... my name is Mark." Ngumiti ito, at nag kamot ng ulo. "Guys, makakaya niyo ba tapusin yang mga vids na yan tonight?" Tanong nito sa kanyang mga tauhan. "Di kakayanin boss, hirap i-edit itong kasal ni Mr. and Misis Tungaw... parang mga tulala ang mga bisita eh, ang hirap hanapan ng magandang kuha." Sagot nung isang may salamin sa mata na parang nasa trenta anyos na. "Ako sir mga tatlong araw pa bago ko matapos itong video nung debut ng anak ni Misis Galvez... ang ganda eh. I mean ang ganda ng mga shots, hirap pumili ng isasali sa finished product." Sagot nung isang mukhang mga nasa lampas biente anyos lamang. "Kunyari ka pa... pinatatagal mo lang para mas mapag pantasyahan mo pa 'yung nag debut. Boss, nahuli ko dati, may kinakambyo habang pinagmamasdan mukha nung nag debut sa video." Pambubuko nung trenta anyos sa mas batang kasama niya. "Uy, hindi ah! Na tyempo lang na naipit kaya kinambyo ko lang. Palibhasa 'di mo mapagpantsayahan si misis Tungaw kaya ka ganyan eh." At nag halak hakan ang dalawa. Nagka kamot ng ulo at naka ngiting tumingin sa akin si Mark. "No worries, I'll edit this myself. You're welcome to stay so you can immediately tell me if I'm doing the right thing. It saves us both the time... kesa naman ibigay ko sa iyo, tapos may kelangan pala akong baguhin 'di ba?" Pag explika ng lalake sa akin. "Ahem! Boss, so mago-over time ka po, maiiwan kayong mag-isa dito? Patay... paano po ang therapy ninyo. E sabi niyo nga maganda at sexy ang therapist niyo, baka mag tampo 'yun hindi ka na po balikan?" Sabi nung trenta anyos kay Mark. "Ulol! Trabaho muna... tsaka na ang therapy na 'yan." At pinalo ni Mark sa likod ang kanyang tauhan. "Have a seat Trisha. I'll just transfer the recording form the tape to my laptop, so we can measure it properly, and piece it together with my application on my laptop. Don't worry, after we finish the editing, I will delete it immediately from my files. Okay?" Tanong nito sa akin. Tumango lang ako, at naupo katabi ng kanyang console. Hininaan niya ang volume hanggang sa halos hindi na ito marinig, ngunit naililipat sa laptop niya ang buong nilalaman ng tape. Umalis siya saglit, at nang bumalik ay may dalang C2 na apple flavor at isang skyflakes na cheese flavor. Inabot niya ito sa akin sabay upo sa tabi ko.