1. Home
  2. Stories
  3. Love dat lusts d origin
PSErotica

Love dat lusts d origin

By Loloteryo75 ·

Iniligpit ko ang pinakainan namin ni loloteryo. Lumapit siya sa akin at pinagyayakap uli ako. Habang hinuhugasan ko ang mga plato ay panay naman ang himas niya sa dibdib ko.
"pagkatapos mo Cecille, maligo tau sa balon. Malagkit pa ang katawan natin dahil sa dagat kanina".
Di ko na siya masaway lalo pa ng gumagapang na ang kamay niya sa mga hita ko. Halos mabitawan ko ang mga hinuhugasan. Pinihit niya ang ulo para halikan ako sa bibig. Nagpaubaya ako, nakabukas lang ang labi ko habang gumagapang na naman ang dila niya sa loob.

Natapos din ako sa paghuhugas ng plato, pero dahil sa ginagawa sa akin ni loloteryo ay hindi naging maayos. Tinanggal ni loloteryo ang natitira ko pang suot na blouse, pagtapos ay hinihila niya na ako palabas ng kubo. Ramdam na ramdam kung sabik na sabik pa uli sa akin si loloteryo. Ewan ko pero nasisiyahan ako sa nararamdaman ko.
"halika na dito Cecille...".
"malamig loloteryo, baka may makakita sa atin".
"liblib na dito Cecille, tayo lang ang nandito".
"kasi...e...".
Nagulat na lang ako ng kilitiin ako ni loloteryo sa balakang. Malakas pa naman ang kiliti ko dun.
"aaay loloteryo!!!...".
"ayaw mo pang sumunod ha....".
Binuhusan ako ni loloteryo ng tubig galing sa balon. Malamig ang tubig kaya nagpipiglas ako. Malakas ang pagkakayakap sa akin ni loloteryo kaya hindi ako nakakawala. Winisikan pa niya ako ng tubig, gumanti ako at binuhusan ko rin siya ng tubig. Kinikiliti pa ko ni loloteryo habang nagwiwisikan kami ng tubig.
"ano ba loloteryo...hihihi!... tama na hindi na ako makahinga... hihihi!..".
"hindi ako titigil...lagot ka sa akin ngaun!".

Nang huminto na si loloteryo sa pagkiliti sa akin, bigla siyang tumahimik. Ako din ay natahimik habang nagkakatitigan kami. Unti-unti ay naglalapit ang mga labi namin. Hindi ko na ramdam ang lamig ng hangin kahit pareho na kaming basa. Para kaming lumulutang sa ere habang nagsasalo ang bibig namin ni loloteryo. Wala na akong pakialam sa paligid. Nagpaubaya na ako kay loloteryo. Hindi naghiwalay ang mga labi namin habang dahan-dahang sinasabon ang katawan ko ni loloteryo. Parang kaming nagsasayaw habang magkayakap sa gitna ng gubat sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"mahal na mahal kita Cecille".
Hindi ko masagot ang sinabi ni loloteryo.

Binanlawan ni loloteryo ang buo kong katawan na animoy pag-aari niya ako. Muli ay naglapat ang mga bibig namin. Binuhat niya ako at muling ipinasok sa kanyang kubo. Pinunasan niya ang buo kong katawan, pagkatapos ay dahan-dahan at maingat niya akong inihiga sa kawayan niya higaan. Para akong baby na alagang-alaga at ingat na ingat. Tinabihan niya ako, hinawi niya ang buhok na natatakip sa mukha ko. Dahan-dahan ay nagsalo ang aming mga bibig. Wala kaming kasawaan. Buong magdamag ay pinagsaluhan namin ang sarap. Di na namin alintana ang paligid, wala na rin sa isip namin ang tumatakbong oras. Walang segundo sa buong magdamag ay iniwan ako ng kaligayan. Para akong nawala sa katinuan. Nakalimutan ko ang lahat ng sa akin. Nagpakasarap kami pareho hanggang ang katawan na namin ang sumuko. Hanggang sa magising na lang kami ni loloteryo...
"mga hayop kayo!!!.. mga baboy!!!".
"Robert?!..."...

Gulat na gulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Magsasalita pa sana si loloteryo nang makita ko ang itak na iwinasiwas ni Robert kay loloteryo. Sa kaguluhan ay nahulog ako ng higaan. Mabilis ako tumayo at tumakbo palabas ng kubo. Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang umiiyak sa takot at pagsisi. Takbo lang ako ng takbo, hindi ko na alintana na wala pa pala akong suot. Ang nasa isip ko ay makalayo, makaalis sa bangungot na nagdaan. Hindi na pansin na naliligaw na ako. Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbong walang saplot. Hindi ko maisip kung bakit ako nagkaganito. Kasalanan ni loloteryo, pero bumigay ako. Pinabayaan ko siyang gawin dahil ginusto ko rin. Paano na ako. At higit sa lahat paano ang anak ko... si Carlo.
~fin~