1. Home
  2. Stories
  3. Love On Net Chapter 1 - Ang Simula
Lagablab

Love On Net Chapter 1 - Ang Simula

By chuyey23 ·

Love on net

Chaper 1 – Ang simula

" Ate... Ate... pa computer ako... !!!

sigaw sakin ng isang makulit na batang lalaki, na lagi kong customer dito sa computeran kada hapon.

" wag ka sumigaw mamaya lumabas si tita mula sa kusina, sa ingay mo...

Balong dun ka nalang ulit sa PC 10, isang oras ka ba ulit...?"

"hindi Ate Mae, open time po ako ngayon at mag re-research ako para sa homework ko .. " sabi ng batang lalaki sakin.

Ako nga pala si Maegan Rodriguez, pero ang tawag sakin ng karamihan at ng aking pamilya Mae, O kaya naman Mimi.

Mae nalang ang itawag nyo sakin . Ako ay isang college student at nasa third year na ako ngayong taon . Nag-aaral ako sa isang sikat na Unibersidad dito sa Batangas. Nakuha ako ng IT (Information Technology at mag ma-major ako ng programming sa sususnod na taon ). Malapit na matapos ang Midterm namin kaya simula nadin ang pag O-OJT (On the Job Training) namin, buti nalang hindi na ako na nahirapan pa maghanap pa ng papasukan ko para sa aking OJT, at pumayag si tita Synthia na pumasok dito sa kanilang computer shop ng isang buwan para sa OJT ko . nakaka isa't kalahating linggo na ako napasok sa Computer shop nila tita. Wala ako problema sa pagpasok sa shop at ilang kanto lang ang layo nito sa bahay namin. Kaya kada umaga ako ang nagbubukas ng shop hanggang one o'clock lang ako lagi sa shop, at pagdating sa hapon mga bandang three o'clock may pasok naman ako sa school . kaya naman ang hectic ng schedule ko sa school at work buti pero ayos din ang pag O-OJT ko at madami ako natutunan. Aside sa pagbabantay ng shop ay may iba pang services an na dapat ko gawen , katulad ng: typing job, printing, pag bu-burn ng CD's at computer repair kaya angandang experience ito para sakin . smula sa software hanggang sa pagpapalit ng hardwares. Pero hindi lagi marami gawain at mga tao dito sa shop ,kung minsan nakakainip talaga para hindi ma-bore ay naglalaro nalang ako ng Plants vs, Zombies o kaya naman nag fa-facebook sa server.

" BUZZZZZZZZZ ..........!!!!!!!! "

" BUZZZZZZZZZ ..........!!!!!!!! "

Biglang my tumunog ang computer. May nag BUZZ pala sakin galling sa TAGGED ( isang social site na parang Facebook ).

" Ha..! aba may nag message, hmmm sino kaya to..? "

Nag- chat : Hi... J

Nag- chat : Hi... J

Hindi ko kilala yung nag- message sakin , kaya hinayaan ko nalang siya kung sino mang herodes man ang nag message sakin at pingapatuloy ko nalang ang paglalaro ko ng Farmville. After ng mga ilang minuto ay may nag message nanaman sa TAGGED.

" BUZZZZZZZZZ ..........!!!!!!!! "

" my nag message ulit... ??"

Nag-message : helloooo... J

Siya ulit ang nag message , pero kahit na siya ulit hindi ko padin pinansin at pinag patuloy ang ginawa ko sa computer.

Tanghaling tapat at sobrang init, kaya tumayo ako at sinarado mga bintana at sliding door saka binuksan ang aircon ng computer shop at bumalik sa server. Pagkaupo ko , may nadinig ako na natakbo sa labas na patungo dito sa shop at nagbukas bigla ang sliding door si Angie lang pala sya ang kaisa isang anak ni tita Synthia ang may ari nitong shop. Pumasok ang bata at hingal na hingal.

"ikaw lang pala yan akala ko na kung sino na ... tinakot mo ko! "

" hi Ate Mae...! (nagsasalita kahit hinahapo at sisinghap singhap ng hangin) "

" Ano yang nilalaro mo..? At bakit hindi mo sinasagot yung message ohh at nakakailang message na sayo hindi mo sinasagot, ang suplada mo talga Ate... kaya hindi ka nag kakaboyfriend eh.."

" Pagtingen kaw talaga, ang bata-bata mo pa yan na an naiisip mo.... magcomputer ka na nga lang dyan.."

Ice_23 : hi.... J

Ice_23 : hello... ^^

Ice_23 : can we be friends...?

Ice_23: hey..

Napapaisip tuloy ako kung tatanggapin ko ang alok nyang makipag kaibigan sakanya, at sa totoo lang hindi ako basta nag e-entertain sa mga ganitong social site at madami napapabalita sa news na hindi maganda nanyayari kapag may nakakakilala sa mga ganitong site

" Oo nga eh, Angie kanina pa nga to nag me-message ano sa tingen mo makikipag kilala ba ko sa Ice_23 na to.. .. ?

ITUTULOY.....