1. Home
  2. Stories
  3. Love On Net Chapter 3 - Sa School
Lagablab

Love On Net Chapter 3 - Sa School

By chuyey23 ·

Love On NetChapter 3- Sa School

"tita alis na po ako at uuwe pa po ako sa bahay bago pumasok, hindi ko nadin po maiintay si kuya Gilbert at baka pa po mahuli ako sa una ko pong klase."

"sige, ineng salamat.. ay mag-ingat sa byahe ha"

"okay po tita thanks din po mag iingat po ako,balik nalang po ako bukas ulit"

"Angie..!! Uy aalis na ko.. bye bye!"

Hindi na ko pinansin ni Angie at mukhang abala sa computer , dahil sa nilalaro nyang Point Blank. ni pag kurap ng kanyang mata ay di na niya magawa. hindi na ko nagtagal pa at dali dali na ko lumabas sa shop. Sobrang init ng panahon, pero hindi ko na ininda at tinuloy ko na lang ang aking paglalakad. Hindi pa ko nakakarating sa kanto, may nakita akong kumakaway sakin, si kuya Gilbert, at sa itsura nito ay may gimik siyang pupuntahan.

" Yo..! Inzan WAzzup WAzzup...! Hahaha..!"

" Hi kuya ...! ang tagal mo dumating kanina ka pa iniintay ni tita Synthia sa shop , saka di ba magbabantay ka lang ngayon.. eh bat ganyan ang itsura mo..? "

" noh ka ba naman insan , siyempre kaylangang pogi para sa mga chicks... alam mo naman ang charm at good looks natin.."

Sabay kindat sakin at pangiti ngiti pa. natatawa nalang ako sa ginagawa niya .

"Hay nako kuya! Ikaw talaga puro ka kalokohan kahit kaylan... sige kuya uwe nako at my klase pa ko ngayong hapon bye bye na muna! "

"Oo , nga pala may pasok ka pa pala ngayong hapon. Ingats na lang insan..!"

Umalis na ako at kumaway kay kuya Gilbert, at kumaway din siya habang naglalakad na papunta sa shop pero sa di inaasahan eh nakaapak siya ng etyas ng asooo.... narinig ko na lang sigaw ni kuya..

" sheeetttt..!! taeeee ...

At napatingin sa kanya ang nagdadaanan na mga babae at natawa sa itsura niya. natawa na lang ako habang tinatahak ko ang daan pauwi ng bahay. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa bahay namin. Kagaya ng dati sa tuwing pag uwi ko ng bahay inaabutan ko na lang na natutulog si mama kaya parang mistulang sementeryo sa tahimik. Pag pasok ko ng bahay dire-diretso ako sa kusina para uminom ng. Sobrang sarap talaga ng malamig na tubig pagka galing ka labas. Pahinga lang ng onte bago maligo, magaayos na ko ng gamit bigla naman tumunog ang cellphone ko.

TOOoot..!! TOOooT..!!

Text message: Oi..! bessy asan ka na akala ko ba maaaga ka ngayon papasok ha? Bilisan mo at di ba pupunta pa tayo sa room ng Publication nyo? (Publication kung san ginagawa ang newspaper ng school. Member ako dito isa akong illustrator at minsan nagawa din ako ng mga poems.) Dali ka na at maya ma sermonan ka nanaman ni Presy^^ AJA bessy!!

Sa text sakin ni akira ako'y nagmadali na at ngayon ang deadline ng comic strips ko para sa monthly newspaper namin sa school at hindi ko pa nasusubmit ang aking gawa. Mabilis na ko naligo at nag ayos ng gamit ko para sa eskwelahan, hindi ko nadin tinignan sinuot ko na damit at di nadin nakapagsuklay. Hinalikan ko si mama sa noo, hindi ko na sya ginising pa lumabas ako, sinarado ko ang pintuan ... lumakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Makalipas na bente minutos na byahe sa jeep, nakarating nadin ako sa school. Naglalakad ako pagate ng may sumisigaw ng pangalan ko. Paglingon ko si Akira ang tumatawag sakin, at kumakaway papalapit sa kinatatayuan ko.

" Mimi ..! ang tagal mo dumating, yan hindi na tayo makakapunta sa publication nyan.."

Nakanguso at dismayang dismaya na hindi makakapunta sa Publication. Si Akira ay matalik kong kaibigan mula pa highschool, magkaiba kami ng kurso na kinukuha , Education ang kurso niya. Pero kahit magkaiba kurso namin nagpapang abot padin kami kung minsan bago magsimula ang aming mga klase.

" hmmm alam ko na bat ka nagkakaganyan, hindi mo kasi makikita kiko noh....? Uy... kaw ha.. I know, if you want ikaw nalang magsubmit ng mga drawings ko kay Presy at ng makasilay ka nadin ahahah..!!

Di ba mamaya pa naman ang huli mong subject .. Bessy?"

" hmmm.. haiz wala talaga ako matatago sayo bessy.. hehehe! Sureness ako nalang magdadala ng mga drawing mo.."

Kinuha ko sa bag ang mga papel at binigay sa kaibigan ko, at tuwang tuwa na parang bata na binigyan ng candy ang kanyang itsura.

" oh ito na yun mga comic strips ko, pasabi na lang kay presy may klase nako , at dadaan na lang ako sa Pub(Publication) sa break time ko.. thanks much ha bessy!"

Ako kaya dapat mag thank you sayo mimi, kaya labs na labs kita eh... so pano, go na ko ha ! mwauhhh mwuahhh tsup tsup!!

Tuwang tuwa na umalis si Akira sa tabi ko. Tinignan ko ang relo ko at ilang minuto nal ang ay magsisimula na ang klase namin, kaya nagmadali na ako maglakad at nasa third floor pa ang kwarto ko. Sa kakamadali ay halos magkandarapa na nako at baka andun na ang prof ko sa psychology na si Ms. Potillo. Na maaga dumarating sa aming klase at nagsisimula na maglecture kahit di pa dapat oras ng klase. May kaidaran na kaya naman istrikto. Pagdating sa pintuan ng classroom nakatingen lahat sakin ang mga kaklase ko at ang kinakatakutan ko ay nasa loob na nga ang prof. namin at nagtatawag ng mga pangalan ng mga estudyante. Tinignan ako ng aming guro at mukhang hindi maganda ang araw nito. Kaya naman hinanda ko na ang aking sarili sa manyayari.

" Miss Rodriguez! Take your sit! And don't be late again in my class... do you understand me..?!"

" Yes Ma'am I won't be late again, Sorry po.."

Umupo na ko ng tahimik sa aking armchair. Sa bandang likod ako nakaupo dahil alphabetically arrange ang aming sitting arrangement. Halos isa't kalahating oras ang first subject namin, nakaka tamad makinig at kanina pa din dumadakdak ang prof namin pero ang utak ko naman ay nasa shop at iniisip ko si ice23 na gusto makipag kaibigan sakni, at napapaisip ako sa quotation na pinadala nya na : " one day i caught myself smiling for no reason then I realized I was thinking of you". Ano kaya ibig sabihin nya dun at ano kaya meron kay ice, at di mawala sya utak ko..nakatingen ako sa labas ng bintana ng may biglang bumatok sakin, bumalikwas ako nang magsasalita na sana ako makita ko kung sino ang bumatok sakin, si Miss Potillo pala patay nanaman ako nito.

"Miss Rodriguez..!! I think you're not with us today, stand up what is Maslow's hierarchy represents..?"

"Ahh Ma'am ano po..."

huminga ako ang malalim, tumayo at nagsalita ng maayos at sinagot ang tanong ni ma'am.

"Ma'am Maslow's hierarchy represents? this hierarchy is most often displayed as a pyramid. The lowest levels of the pyramid are made up of the most basic needs, while the more complex needs are located at the top of the pyramid. Needs at the bottom of the pyramid are basic physical requirements including the need for food, water, sleep, and warmth. Once these lower-level needs have been met, people can move on to the next level of needs, which are for safety and security.

And there are types of needs, these are: deficiency needsit is also known asD-needs and the highest-level of the pyramid as growth needsand it is also known asbeing needsorB-needs."

"ma'am that is the Maslow's hierarchy.."

" wooo000hhhh! nice one Mimi... wooooooooohh!! Ahahahha.."

Naghiyawayan nagtawanan ang mga kaklase ko pagkatapos ko sumagot. Ako naman nakayuko at hiyang hiya at pasimpleng tumingin kay Miss Potillo, di natahimik ang aking mga kaklase at mukhang naiinis si Ma'am sa ginawa nila.

"Keeppppppppppp Quiettttt!!...."

Sa pagsigaw ni Ma'am biglang nanahimik ang lahat. Huminga ng malalim at nagsalita ulit si Ma'am.

"That is correct Miss Rodriguez..and keep your eyes at the black board... Class! gayahin nyo si Miss Rodriguez na kahit ang isip nya I nasa kung san I alam padin ang mga lessons'.."

Lalong nanahimik ang buong klase, sa sinabi ni Miss Potillo. Makalipas ang ilang minuto ay nagring na ang bell. At nag simulang magsitayuan ang mga kaklase ko.

"Class .. be prepared for a quiz ,in our next meeting"

Inaayos ko gamit ko, at lumabas nadin ako ng silid, break na namin. Mga alas singko ang susunod kong klase, kaya nagtungo ako na muna ako sa Publication room sa kabilang building para sa result ng gawa ko sa comic strips. Pag dating ko sa pub wala ibang tao kundi si Ron siya ang isa mga editor sa paggawa ng School paper namin.

"hi Ron..! balita sa school paper natin, meron pa ba hindi nagpapasa ng mga articles..?"

"Oh Maegan kaw pala yan, well eto nageedit na kaso hindi padin nagpapasa ng mga Article sina Eric at Jaja, mga pasaway talaga mga yun kahit kaylan..."

"Hindi ka na nasanay sa mga yun, mga late passers ang kambal na yun ... simula pa ng first year tayo ganun na sila"

"Yun na nga eh, at ang hirap pag may mga late na nagpapasa ng mga articles and stories..."

"kumain ka na ba, Ron..?"

"Hindi pa nga eh at andito ako kanina pa wala ako kapalit"

Parang nagpapahiwatig na ako muna ang pumalit sa kanya, at kada may ginagawa kami na school paper ay pati ako ay nag eedit nadin kapag kapos na sa oras. Kaya familiar na ko sa mga gagawen sa pagedit.

"sige.. sige, ako na muna papalit sayo, kumain ka na muna at bilhan mo nalang ako ng slurpy at dark chocolates sa canteen,bilang kapalit sa pageedit.." At ngumiti ako sakanya ng malumanay.

"okay. Sureness, walang prob,basta magedit ka dyan na muna... thanks much ha friend, life savior ka talaga as always"

"nako.. binola mo pa ko.. sige, na alis na at baka mamaya mag bago pa ang isip ko..!"

"shoo..! shoo! Go na... basta wag mo kakalimutan pinabibilil ko ha..Tsalamat..!!"

Umalis nadin si Ron. At tinignan ko yung listahan ng mga dapat pang i-edit at madami papala ang dapat gawin. Nagsimula na ko sa pinagagawa ko. makalipas ang mga trenta minutos ay dumating na si Ron ulit na may dalang large na slurpy at madaming chocolates. At nag ningning aking mga mata sa dami nito.

"Oh ayan Mahal na Prinsesita ang mga request mo..!"

"Wow ang dami nito.. Ron, baka mahalikan kita ngayon.."

"Sis ! nako di tayo talo noh..!.. ahhahah!"

" I know , expression ko lang, at lam mo naman gaano ako ka adik sa cholatez di ba...! Here's a deal para hindi ka na mahirapan dyan sa pag e-edit ako na gagawa nyan sa shop bigay mo lang sakin lahat ng infos para sa mga gagawen"

"Talaga! Sure ka dyan ha..?" Tumango tango ako habang nangangain ng mga chocolates.

"Oo, sure ako noh so akin na USB at baka magbago pa ang isip ko"

Binigay sakin ni Ron lahat information at dapat gawen at binigay na sakin ang USB at umalis na sa Pub, at tumungo na sa second class ko. Pagdating sa silid wala pa gaanong mga estudyante, at naupo nalang ako sa dulo at nagintay na dumating ang iba pa at ang guro namin. Di ko namamalayan napapangiti ako sa mga nanyayari at sa chat lang naman si ice at kung bakit di sya mawala sa isip ko.

May dumating na ibang teacher sa silid namin na nagsasabi na hindi darating ang Prof namin at walang klase. Hiyawan ang lahat at walang klase. Lumabas ako sa silid ng nakangiti.

"Mae..! Mae.. Hoy...!" tuminigin ako sino sumisigaw, si jaja, tumatakbo papunta sakin.

"Oh Ja bakit..?"

"ang hirap mong tawagin ha... bat parang ang saya mo ata ngayon"

"Uy... lam ko na lalaki yan noh kaya ganyan ang mga ngiti mo ang tatamis kasi parang di ikaw'

"Oi! Di ahh masaya lang ako at wala na kaming klase pa.."

"wooh.. If I know dali tell me ano gwapo ba ... matalino at anong course nya..?"

ITUTULOY...

Abangan ang Chapter 4