1. Home
  2. Stories
  3. Martine - Part 12
Filipino Sex Stories

Martine - Part 12

By BellaVictoria ·
A/N:

Well, hello there!

Firstly, my apologies. I know that it has been exactly 7 months since I posted a story. How time flies! I have been extremely busy - Life happened.

I totally understand that readers might have lost touch on #Bastine and that's fine. I just felt the need to continue the story and of course, finish the series.

Life is still busy but I managed to spare the weekend for this.

Lastly, still no sex scene here so of you're looking for some heat - sorry, you're at the wrong story part :)

Cheers!

**
Part 1 to 11 in a nutshell as a refresher to those who followed this story and for the new readers:

Mag bestfriend si Martine at Baste. They grew up together. Sa sobrang tagal nilang magkakilala, hindi naiwasan na ma-fall ni Baste kay Martine pero may isang problema- Lesbian ang best friend nya.

Gwapo pero numero unong torpe si Baste. More often than not, majority ng babae na type nyang ligawan ay nasa "girl" collection na ni Martine. One time, sinet-up ni Martine si Baste sa isang babae na naka sex na nya just because gusto rin naman pala nung girl si Baste.

One day, kinailangan ni Martine na ma base abroad for a short project. They missed each other at after three months, bumalik si Martine and she found out na hindi rin pala nagkatuluyan ang nga sinet-up nya. Silang dalawa pa rin ang palaging magkasama sa weekends lalo pa nagrerehearsal sila para sa wedding ng kapatid ng kabanda nila.

Sa Boracay kung saan ginanap ang wedding, may nangyari between Martine and Baste. He admitted na he loves her, but not just as a best friend. Martine told him na she's not ready to commit herself hangga't di pa sya buo. Naintindihan naman ni Baste.

One Saturday, nagulat na lang si Baste dahil umalis si Martine papuntang US nang wala man lang paalam. And that started all the dilemmas in Baste's life.


**

"I'm sorry, so sorry Marie..." hinawakan ko ang braso nya.

"Sya ba ang mahal mo?" Nakatingin sya sa akin. Kinabig ko sya papalapit sa akin. Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga.

Pinili ko na lang na huwag sumagot.

**

"Sobrang liit ng mundo..." Naramdaman ko ang pagbuntong-hinga ni Marie.

Marahan nya akong itinulak palayo. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagka-akap sa kanya. That way, hindi nya makikita na pinipilit ko pa ring hanapin kung nasaan si Martine. Unfair kay Marie dahil unti-unti ko na syang natututunan na mahalin. Pero hindi ko naman pwedeng lokohin ang sarili ko at sabihin na hindi ko na mahal si Martine. She needs me now. Or at least I want to think na kailangan nya ako ngayon.

"Baste..."

"Hm?"

Humiwalay si Marie sa pagkakayakap ko. Naupo sya sa pinakamalapit na upuan. Tinabihan ko sya. Matagal kaming hindi nagsasalita, pinapanood lang ang hindi pa rin natatapos na kuhanan ng picture. Napangiti ako dahil bakas sa mukha ni Brad na masaya sya. Ako na lang pala at si Martine ang Single sa barkada namin. Sino kaya ang susunod na ikakasal?

Unti-unti nang nag-alisan ang mga tao sa venue. Naglalakad na sila papunta sa designated na area para sa reception. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Marie, para bang takot lang kami na may masabi na hindi dapat.

Maya-maya pa ay nakita kong naglalakad na rin sina Brad at si Cherrie, ang asawa nya. Kasunod nila ang kanilang family members pati si Mico at Dylan. Kinawayan pa kami ni Mico at sumenyas na mauuna na sila. In short, sumunod na rin dapat kami. Tumayo ako at inayos ang suot ko.

"Baste..."

"We should get going. Baka hanapin tayo ni Brad." Alam ko na may gustong sabihin si Marie pero hindi ako handa kung ano man iyon. Nakalayo na ako ng ilang hakbang bago pa sumunod si Marie.

"Umuwi na lang kaya tayo?" Tanong ni Marie.

"Ha?"

"Sabi ko, umuwi na lang kaya tayo?"

"Hindi pwede." Maikli kong sagot.

"Baste, huwag ka ngang mag pretend na hindi mo alam ang nangyayari." Napatigil ako, hinintay ko na makalapit si Marie sa kinatatayuan ko.

"Ang nangyayari ay ngayon." Napakunot ang noo ni Marie. Kahit ako ay hindi ko rin naintindihan ang sinabi ko. Hindi gumagana ng maayos ang utak ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na kakilala nyo ang inaalagaan ng ate ko sa US."

"Hm."

"Kagabi lang bago tayo matulog ay pinag-uusapan natin sya."

"Oo nga." Nagsimula na kaming maglakad. Mabagal, hindi nagmamadali. Hindi ko rin halos alam saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"M-may something ba sa inyo?"

"Meron."

"P-pero..."

"... Pero hindi natin pag-uusapan sa ngayon." Ako na ang tumapos ng kung ano mang sasabihin nya.

Baste..."

"Marie..." Hinawakan ko ang braso nya para pahintuin sya sa paglalakad.

Aaminin ko na, na-appreciate ko na walang violent reaction si Marie. Wala rin naman kasi akong balak na mag pretend na walang something sa amin ni Martine. Aware din ako na sya mismo ay naguguluhan din. Torpe ako, oo. Pero hindi ako sinungaling. Mahirap na nga ang situation as it is, ayoko ng gawing mas complicated pa.

"Huwag mo sana kunin ito in a wrong context, pero nagulat ako na ipakilala mo ako as your boyfriend." Natulala si Marie. Nagbukas-sara ang bibig, parang may sasabihin pero pinili na lang na tumahimik.

"Hindi ba tayo tayo?" Mautal-utal pa nyang tanong.

"Tayo ba?" Medyo condescending ang tono ko, narealize ko lang pagkatapos. I can't take it back.

"Ah, hindi pala tayo. Sorry kung ganun." Ngumiti si Marie. Parang nakaramdam ako ng kurot sa puso.

"Sorry, Marie. Akala ko kasi naging clear ako noon na ayoko sana madaliin kung ano man ang nagiging progress natin..."

Huli na nang marealize ko na baka iniisip nya na boyfriend nya ako dahil nagsex na kami? Or dahil ba masyado akong naging sweet sa kanya the past months. I am now in deep shit.

"Ah... w-wala yun. Natural na assuming lang talaga ako. D-di bale, i-clear ko na lang sa Ate ko."

Awkward silence.

"Well, i-take ko na rin ang chance na ito para sabihin sa iyo na masaya ako kapag kasama kita. Pero Marie, magulo ang puso at utak ko. Ayoko na madamay ka sa katangahan ko."

Long pause. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.

"Ang weird ng usapan natin na ito." Natawa si Marie.

"Oo nga... siguro kasi madami na ko nang nasaktan na babae. Ayoko na pati ikaw, isumpa mo rin ako. Just setting expectations." Ang pinaka hindi ako makapaniwala ay ang hindi man lang ako nakatanggap ng sampal kay Marie kahit pa alam ko na napaka jerk ko.

"Sya ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak noong nagperform kayo noong New Year?"

"Oo."

***

Pagdating sa reception area halos naka upo na lahat nang dumating kami sa designated table para sa amin. Gusto ko ang setup noon na hindi malalaking tables kundi hanggang anim lang ang makakaupo. Sa table namin, nakaupo na si Mico at Dylan. Naupo na rin kami ni Marie. Apparently, doon din naka assign si Martine +1 guest which is si Marla. Ang awkward!

Hindi nagtagal, dumating na ang bagong kasal. Kaunting seremonyas at pakita ng video tapos nag announce na ready na daw ang buffet. Nakabalik na kami sa table namin pero wala pa rin sina Martine. Nang announce din ang mga coordinator na huwag muna aalis after kumain dahil may surprise number daw ang bride at groom.

Syempre, ang surprise number ay ang performance namin kasama si Brad. Matagal din namin pinagpraktice-an yun dahil may pa effect pa na sasayaw daw si Brad. Pero parang mas kabado ako dahil hindi ko naman ineexpect na andito si Martine. Kanina pa akong palinga-linga para i-prepare ang sarili ko sa pagdating nila sa table namin pero hanggang sa matapos kaming kumain, hindi pa rin sila dumadating. Naisip ko na baka umuwi na sila kaya nawala na rin ang kaba ko.

Nagprepare na kami noong tinawag kami sa stage. At habang nag sound check kami saglit, nagulat kami nang may biglang nagsalita sa may likuran namin.

"May surprise set tayo ha, isang song lang." Pabulong nyang sabi.

"Ha?" Gulat si Mico. Ako, pinili kong huwag tumingin. Hindi ko pa kaya.

"Dylan, take over ka sa drums. May alam ka ba tugtugin na wedding song?" Pa-bossy na tanong ni Martine.

"Thinking Out Loud." Natatawang sagot ni Dylan.

"Wala na bang iba?" Tanong ni Mico habang kumakamot sa ulo.

"Wala."

"Ha? Eh palpak ka naman mag drums, baka sumablay tayo." Natatawang sabi ni Mico.

"We do it impromptu style then. Let's make sure na huwag pumalpak." Si Martine.

"No choice pare." Hampas ni Mico sa tyan ko. Nagka-eye contact kami ni Martine saglit pero ako na ang unang umiwas ng tingin.

Nagbigay kami ng cue sa coordinator na ready na kami. Naglakad na pabalik si Martine sa pinakamalapit na table sa harapan.

Hindi ko rin mapigilan na huwag mapatingin kay Martine habang tumutugtog kami. Dahil off-beat ang song, ilang beses ko rin syang nakita na umiindak-indak pa, nagta-tap ang paa sa floor. Maayos ang aura nya nya ngayon, much better kesa kanina. Na-miss ko sya bigla.

Nang matapos ang kanta, tumayo sya at nagsalita. "May I request for the bride and the groom to come here in front please."

Mabilis namang tumayo si Brad para sunduin ang wife nya.

"We have known Brad for so long, simula pa lang noong grade school kami. We were all inseparable and Cherrie was witness to that. Life happened to most of us, which was a sign na we're aging so fast. Kaya I'm happy to be a witness of their bond today. I know na may naka prepare kayo na song for your first dance, but if you will, may we have this honor to play he song?"

Paraho namang pumayag si Brad at Cherrie. Parang tanga pa si Brad na nagpapahid ng luha nya. Inakap sya ni Martine pagkatapos ay nagbeso si Martine kay Cherrie.

"Just a heads up, impromptu performance po ito. Brad is the best drummer and for the meantime, this guy here will take his place." Sabay turo kay Dylan.

Lumapit sa amin si Martine, tinulungan sya ni Dylan na isakbit ang bass bago sya pumwesto sa drums.

Dahil halos isang dipa lang ang layo namin ni Martine sa isa't-isa, hindi namin naiwasang magkatinginan. Hindi ko rin naman kasi mapigilan na huwag syang tingnan dahil namamagnet ako sa kanya. Ewan ko ba! Napatingin ako sa kamay nya. Manipis iyon, halos balat at buto na lang. Hindi ko alam kung kakayanin pa ba nya talagang tumugtog.

Nagsimula ang kanta.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks


Nabaling ang tingin ko sa bagong kasal. Napangiti ako habang pinapanood ko silang sumasayaw sa gitna ng stage. Nag-umpisa na rin na mapaluha ang mommy ni Brad. For a while, inalis ko muna sa isip ko si Martine bilang respeto kay Brad.

And darling I will be loving you 'til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am


Ilang beses ring nagpalitan ng kisses ang bagong kasal. Pati ang ermats ni Cherrie naluluha na rin. Napatingin ako kay Martine na nakatitig lang din sa sumasayaw sa gitna. Napadaan din ang tingin ko kay Dylan at sa totoo lang, proud ako sa kanya dahil hindi pa sya sumasablay. So far.

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are


Sa malayo, napatingin ako kay Marie na nakatitig lang din kay Brad at Cherrie. May ngiti sa kanyang labi. Tahimik din ang lahat ng nasa venue, may nagpapahid ng luha, may mga nakangiti, may nag vivideo, may mga tulala lang.

When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way, mm
I know you will still love me the same

'Cause honey your soul can never grow old, it's evergreen
Baby your smile's forever in my mind and memory
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe it's all part of a plan
I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand


Nabaling ulit ang tingin ko kay Martine. She has tears in her eyes. Para tuloy gusto ko syang lapitan at akapin. Bigla kong narealize na kahit pa natiis nya ako, kahit pa nasaktan nya ako, iba pa rin ang effect nya sa akin.

But baby now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are, oh


Ipinikit ko ang mata ko, at wala akong ibang makita kundi ang mukha ni Martine. Ang pakiramdam ng labi nya. Ang init ng balat nya na kumikiskis sa akin. Ang bawat akap, bawat araw na kasama ko sya. Sex aside, alam ko na sya pa rin ang gustong makasama ng puso ko.

So baby now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh darling, place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh maybe we found love right where we are
And we found love right where we are


Mas lalo akong nagkaroon ng urge na lapitan sya. Ang yakapin sya at wala nang iba. Nabuo na ang plano ko na maglalakas loob na akong kausapin sya after ng tugtog na iyon. Maraming buwan ang pinalipas ko para sa chance na makausap sya, hindi ko na kayang patagalin pa.

Nang matapos ang kanta, mabilis na tumayo si Dylan para alalayan si Martine. Lalapit sana ako pero may ibinulong si Martine sa pinsan nya. Nakita nya akong nakatingin sa kanila pero hindi ako umiwas ng tingin this time. Nginitian ako ni Martine, at kahit pa nabuo na ang plano sa utak ko, hindi ako nakareact agad. Para akong naiputan ng ibong adarna at tila naging bato sa kinatatayuan ko. Ni hindi gumalaw ang facial muscles ko.

Lumapit si Martine kina Brad - umakap, may sinabi at pagkatapos ay magkasabay silang umalis ni Dylan. Mabilis kong inalis ang gitara ko at inilagay sa case na nasa may tagiliran. Lumapit sa akin si Brad. May sinasabi sya na thank you daw at iba pa pero hindi na nag register sa utak ko. Kinamayan ko sya at inakap ko naman si Cherrie.

Dala-dala ang gitara ko, mabilis akong naglakad palabas ng venue pero huli na, nakasakay na si Martine sa van nila na nakapark lang sa malapit. Kakasara lang ni Dylan ng pinto.

"Dylan! Teka lang!" Sigaw ko. Hindi man lang sya lumingon.

"Dylan! DYLAN!!!"

Saka lang sya napatingin sa direksyon ko. Umandar na ang van, kaya napatakbo ako.

"Martine! Teka lang!"

Alam ko na hindi naman nya ako naririnig pero patuloy pa rin ako sa pagsigaw ng pangalan nya. Tumigil ang van at bumukas ang bintana noon. Mabilis akong lumapit at kahit hinahabol ko pa ang hininga ko, dumungaw ako sa loob.

Si Marla ang tumambad sa akin.

"Martine!" Humihingal pa rin ako, nakatingin sa akin si Marla at natatakpan nya si Martine.

"Mate!"

Umusod ng kaunti si Marla. Saka ko lang nakita nang maayos na nakasandal si Martine sa upuan, nakapikit ang mga mata.

"Bakit?" Ni hindi man lang sya nagmulat.

"Can I talk to you for a second?"

"BASTE!!!"

Magsasalita na sana si Martine pero narinig nyang may tumawag sa pangalan ko. Boses ni Marie yun. Hindi ko sya nilingon, nakatitig pa rin ako kay Martine. Wala akong paki-alam na andon si Marla na naguguluhang nakatingin sa amin.

Dahan-dahang ibinukas nya ang kanyang mga mata at nilingon ang direction ko.

"I'm tired, Baste. Sorry."

"Please, Martine kahit saglit lang."

"Some other time Baste."

"Mate, please..."

"It was good to see you, Baste." At pumikit na ulit sya, ibinaling ang ulo sa kabilang side.

"Excuse me..."

Isinara ni Marla ang bintana at umadar na ang van palabas ng gate ng resort. Matagal akong napako sa kinatatayuan ko bago naglakad pabalik sa kinatatayuan ni Marie.

"Sorry." Yun lang ang nasabi ko. Tumango lang si Marie.

"Nasa van na si Mico and Dylan. Paalis na raw tayo in a while."

"Sige. Magpapaalam muna ako kay Brad saglit. Gusto mo bang mauna na doon?"

"Hintayin na lang kita dito siguro."

**
"Huwag, Marie!! Nooooooo!!!"

"Huwaaaaag!!!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. Basang-basa ng pawis ang likod pati na ang buong katawan ko kahit pa malakas ang buga ng aircon sa kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko – panaginip lang pala.

7:08 ng umaga.

Bumangon ako at dumiretso sa bathroom. Hinubad ko ang damit ko at mabilis na naligo. Paulit-ulit na nag replay sa utak ko ang aking panaginip. Binaril daw ako ni Marie pagkatapos ko syang ihatid sa bahay nila. Wala kaming pinag-uusapan. Inakap pa nya ako at hinalikan ko pa sya sa pisngi. Sinabi pa nya sa akin na pumasok muna ako at ikukuha nya ako ng tubig sa ref.

Tumanggi ako pero nagpilit sya. Naupo ako sa sofa, nagpunta naman sya sa kitchen para kumuha ng tubig. Pagbalik nya, inabot nya ang baso ng tubig at pinanood pa nya ako habang umiinom. Pagkababa ko ng baso sa center table, nakatutok na ang baril sa akin. Sinabihan ko sya na huwag pero kinalabit pa rin nya ang gatilyo. Tinamaan ako sa dibdib. Saka ako nagising.

Hinawakan ko ulit ang part ng dibdib ko na tinamaan ng bala. Hindi ko maiwasang mapaisip kung may mangyayari bang masama? Maayos naman kaming naghiwalay ni Marie kahapon nang ihatid namin sya sa bahay nila after ng kasal. Hindi man kami masyadong nag-usap sa byahe dahil na rin sa pagod at sa mga hindi inaasahan na pangyayari, I think okay pa rin naman kami. Or baka ako lang ang nag-iisip na okay kahit hindi.

**

8:25 ng umaga.

Nakaparada ang sasakyan ko sa harapan ng bahay ni Martine. Mga sampung minuto na rin akong nagcocontemplate kung bababa ba ako o uuwi na lang. Nagdecide ako na maghintay muna, habang nag-iipon din ako ng lakas ng loob. Isa pa, Linggo ngayon. Ayaw ni Martine na inaabala sya kapag Linggo.

Bahala na.

After 15 minutes ay bumukas ang gate nila. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko kilala kung sino man ang nagbukas noon, baka iyon ang sinasabi ni Mamey na pamangkin nya? Andito rin kaya si Mamey?

Mabilis akong bumaba at lumapit sa gate.

"Good morning po!" Kumaway pa ako with matching smile.

"Ay, good morning din." Nagtataka nyang bati.

"Andyan po ba si Martine?"

"Ah eh..."

"Wala si Martine dito!" Sigaw ng lalaki na nagmumula sa loob. Pamilyar ang boses na iyon.

Ano, isang malaking taguan na naman ba ito?

**

This story may not be reposted, reproduced or distributed, in whole or in part, without prior written of the author by any means available. © 2018 Bella Victoria OW150535