1. Home
  2. Stories
  3. Maswerteng Talong - Kabanata 1
Lagablab

Maswerteng Talong - Kabanata 1

By supertoyantz ·

Maswerteng Talong

Original Story

by

TOYANTZ

Unang Kabanata


"Hanggang dito na lang boy. " untag ng tricycle driver.

Napatango ako at agad na nilabas ang wallet.

"Magkano ho ?" tanong ko.

"Sampu. " sagot ng matanda.

Binuksan ko ang luma kong pitaka at tiningnan kung may barya ba.

Meron naman.

Pero ng bilangin ko ito ay otso pesos lang pala.

Napabuntong hininga na lang ako at hinugot na ang isang daan.

Inabot ko ito sa driver.

Maging ito ay napailing.

"Wala ka bang barya ?" tanong nya.

Umiling ako.

"Wala ho. " sagot ko.

No choice si Manong.

Binuksan nya ang beltbag at nagbilang ng pera.

Ilang saglit lang ay inabot na nito ang sukli ko.

Pagkakuha ko sa pera ay agad ko itong nilagay sa wallet pagkatapos ay muling binalik sa bag.

..

Ako nga pala si Marco.

Disinuwebe.

Nandito ako sa medyo liblib na lugar sa Bulacan para dalawin ang girlfriend ko.

Cheska ang pangalan nya.

Nakilala ko lang sya sa facebook.

Nakakatawa man sa iba, pero talagang duon kami nagkakilala.

Isa ako sa mga kabataang mas lamang ang oras na nakababad sa computer kesa sa labas ng bahay.

Pagkatapos kong pumasok sa eskwela, kung hindi kami didiretso sa computer shop ng barkada, sa bahay ako didiretso para duon na lang maglaro.

Duon ko nga nakilala si Cheska.

Tatlong buwan na ang nakakaraan.

Maganda sya, base sa pictures.

Sa tagal ko na sa computer world, medyo aware na ako sa mga namemeke lang o yung tinatawag na "posers."

Kadalasan, binabase ko ito sa dami ng pictures at friends.

Pagkakita ko sa account ni Cheska, nakumpirma ko agad na totoong tao nga sya.

..

Bumwelta si Manong at inikot nito ang tricycle pabalik sa pinanggalingan namin.

Saglit ko syang pinagmasdan hanggang sa makaliko na sya sa kanto.

Ng mawala sya sa ay ginala ko naman ang aking paningin sa paligid.

Hindi ko masabi kung probinsya ba o lungsod itong napuntahan ko.

May mangilan ngilang stores akong nakikita na makikita rin sa Maynila.

Maya maya ay nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Agad ko itong nilabas at napangiti ng makita ang "Loves" sa screen.

Si Cheska.

"I love you. " bungad ko.

Yun na kasi ang pambungad namin.

Nuong una nakokornihan ako pero habang tumatagal ay nasasanay na rin.

..

"I love you. Nasan ka na ? " tanong ni Cheska.

"Kabababa ko lang ng tricycle. Nandito ako sa tapat ng police station. " sagot ko.

"Oh good. Wait mo ko dyan loves. " wika ni Cheska.

"Okay okay. Mag ingat ka ha. " paalala ko.

..

Ilang minuto rin akong naghintay sa tapat ng police station bago may humintong pedicab sa tapat ko.

Pagyuko ko ay napangiti ako ng makilala si Cheska.

Akmang maglalabas ako ng pera para ako na sana ang magbayad ng pedicab, pero inawat nya ako.

"Sakay ka na. " tawag nya.

Kumunot ang noo ko.

"Sasakay pa ? Bakit malayo ba ? " tanong ko.

"Medyo, nakakatamad maglakad no. " nakangiting sagot ni Cheska.

Napangiti na lang din ako at pumasok na sa loob.

Tabi kami sa masikip na pedicab.

Agad na sumuot sa ilong ko ang nakakabaliw nyang aroma.

Napalunok ako, lalo na ng dumikit sa braso ko ang malambot at makinis nyang braso.

Nagkatinginan kami.

"H-hi. " wika ko.

Ewan ko, pero bigla akong nautal sa harap nya.

Ito ang una naming pagkikita, sa loob ng halos tatlong buwan.

Di naman siguro nakakagulat ang aking reaksyon.

..

Mukhang ganun din ang pakiramdam ni Cheska.

Tahimik lang syang nakatingin sa harap.

Tumikhim ako.

Napatingin sya.

"Kamusta ka ang byahe mo ? " biglang tanong nya.

Nagkibit balikat ako.

"Medyo nakakaligaw. Pero tama ka, wala pang 1 hour yung byahe. Ma - traffic lang kaya inabot ng isang oras. " sambit ko.

Ngumiti sya.

"Sabi sayo eh. " sabi nya.

Lumabas ang pantay pantay at mapuputing ngipin nya.

Saglit akong natulala.

Hindi na ako nakapagsalita sa buong byahe namin sa pedicab.

Hanggang sa maglabas sya ng singkwenta pesos.

"A-ako na. " pigil ko.

Pero umiling lang sya.

Sinuklian sya ng driver ng bente pesos pagkatapos ay tinapik nya ako sa balikat.

"Baba na. " untag nya.

Agad naman akong umibis ng pedicab.

Inalok ko pa ang kamay ko na agad naman nyang inabot.

Napangiti sya.

"Thanks. " sabi nya.

Ngumiti lang din ako.

"San sa inyo ? " tanong ko.

Nginuso nya ang isang bahay.

Namangha ako.

"Wow, yaman nyo pala. " puri ko.

Tinapik nya ko sa braso.

"Uy di ah. " sabi ni Cheska.

Nilingon ko sya.

Natawa ako ng tila sinusukat nya ko.

"Anong ginagawa mo ? " tanong nya.

Napasimangot sya.

"Tama ka nga, matangkad ka. Mas matangkad ka pa ata sa ex ko. " sagot nya.

Natahimik ako.

"Ex na naman. " wika nya.

Napakagat labi si Cheska.

"S-sorry. Sorry talaga. Di ko lang maiwasan. " sambit nya.

Ngumiti ako ng kimi.

"Alam ko. Okay lang. " sabi ko.

Tinitigan nya ko sa mga mata na tila sinisigurado kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Lumaban naman ako ng titigan.

Maya maya ay bumungisngis sya.

"Siguradong mapapanganga sila sayo. Lalo na si Mingming. " wika nya.

Natawa ako ng mahina.

Pero bigla akong natigilan.

"S-sino sino ba nandyan ? " tanong ko.

Ngumiti si Cheska.

"Sila. Kumpleto. Sunday ngayon eh. " sagot nya.

Napalunok ako.

"P-pati Parents mo ? " tanong ko.

"Syempre !" sagot nya.

Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Pero natigilan ako ng maramdaman ang paghaplos nya sa aking braso.

"Relax. Mababait sila. Excited na silang makita ka. Lalo na si Papa. Kasi sabi ko, varsity ka ng chess. " nakangiting wika ni Cheska.

Napangiti din ako.

"Baka naman sobra sobra na kwento mo. " wika ko.

Napangiti sya ng matamis at tuluyan ng niyakap ang isang braso ko.

"Pogi mo pala Loves. " puri nya.

Natawa ako.

"Sige, uto pa. " sambit ko.

"Di, pogi ka. Tangos ng ilong mo. Pakurot nga. " gigil na sabi ni Cheska at walang sabi sabing kinurot ako sa ilong.

Natawa na lang ako at hinayaan na sya.

Matapos nito ay hinatak na nya ako.

"Tara na. " aya nya.

Huminga ako ng malalim at tumango.

Sabay kaming naglakad patungo sa gate ng bahay nila.

..

Diretso kami ni Cheska sa loob ng kanilang bakuran.

Di ko mapigilan mamangha.

"Ganda dito sa inyo. " puri ko.

Ngumiti lang sya at nilock ang gate.

Pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay at hinatak palapit sa pinto.

Tinipon ko na ang lahat ng lakas ko ng loob at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Cheska.

"Ready ? " tanong nya.

Ngumiti ako at marahang tumango.

"Game. " sagot ko.

Natawa sya at tuluyan ng binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang magarang tahanan nila.

Pero bago ko pa ma-appreciate ang ganda nito ay napako na ang atensyon ko sa gawing salas kung saan nanduon ang buong pamilya nya.

Tumayo ang isang babae.

Bagama't may edad, di maitatago ang angkin nitong ganda.

Ngumiti ito at lumipat sa tabi ng may edad na lalaki.

Napalunok ako ng magtama ang tingin naming dalawa.

Di ko masabi kung natutuwa ba ito o galit.

Seryoso kasi.

..

Sinara ni Cheska ang pinto at hinatak ako palapit sa pamilya nya.

"Papa, Mama. Si Marco po. Boyfriend ko. " pakilala nya.

Ngumiti ako at marahang yumuko.

"G-good afternoon po. "

Ngumiti ang babae.

"Good afternoon naman Marco. Maupo ka. " aya nito.

Di na ako naghintay ng pangalawang anyaya.

Agad akong naupo sa katapat na sofa.

Pilit na kinalma ang sarili.

Tumikhim ang tatay ni Cheska.

"Anak, magprepare ka ng miryenda. " utos nito.

Agad namang kumilos si Cheska.

Nawala ito at naiwan ako sa harap ng kanyang mga magulang.

"Anong trabaho ng tatay mo iho ? " tanong ng ama.

Sinikap kong ngumiti.

"Wala na po akong Tatay. Single Mom lang po si Mommy. " proud kong sagot.

Saglit na nagkatinginan ang mag asawa.

Pagkuwa'y ngumiti ang babae.

"Wow, anong work ng Mom mo ? " tanong nya.

"Sa bank po. Manager po. " tipid kong sagot.

Napatangu tango ang babae.

Muling nagtanong ang ama ni Cheska.

"Ilan naman kayong magkakapatid ?" tanong nito.

"Ako lang po. " nakangiti kong sagot.

"Anong year mo na iho ? " tanong ulit ng babae.

"3rd year na po ako. Electrical Engineering po course ko. " sagot ko ulit.

Tila namangha ang babae.

Pero tumango tango lang ang ama ni Cheska.

"That make sense. Honey, ilabas mo nga yung chess board. Varsity ka daw ng chess sabi ni Cheska. " wika nito.

Agad namang sumunod ang babae.

Napangiti na lang ako at marahang tumango.

"Opo. " sabi ko.

"Eh di magaling ka ? " tanong ng ama.

"Uhm, di naman po masyado. Sakto lang po. " pahumble ko.

Maya maya ay dumating na ang nanay ni Cheska na may dalang malaking chess board.

Nilapag nito sa lamesa ang board at muling tumabi sa asawa.

Eksakto namang dumating si Cheska na may dalang tray.

Agad akong tumayo para tulungan ang aking nobya.

Pasimpleng tinapik ng babae ang kabiyak nito.

Napangiti si Cheska, pero napasimangot ito ng makita ang chess board sa lamesita.

"Ano Papa ? Chess agad ? Kararating lang ? " tanong nito.

Napakamot sa batok ang ama.

"Isang laro lang. " sagot nito.

Sumimangot si Cheska at inalis ang chess board sa lamesita.

"Dito Loves. Mamaya na kayo maglaro. Pakainin nyo naman muna sya. Bumyahe pa yan eh. " taray nito.

Natawa ang ina.

"Tama naman anak mo. Mamaya na kayo maglaro. Pasensya ka na Marco dito sa Tito Chris mo ha ? Wannabe chess player to eh. " biro nya.

Nagtawanan ang mag ina.

Napakamot na lang sa batok ang ama pero napangiti na rin.

Duon ako nakahinga ng maluwang.

"Ayos lang po. Mamaya po Tito. Kahit ilang games po. " sagot ko.

"Aasahan ko yan. O anak, maiwan muna namin kayo dito at baka ma - traffic na naman kami ng Mama mo. " wika ng ama.

Napakunot noo ako.

Si Cheska ang sumagot sa tanong sa isip ko.

"Mag gogrocery kasi sila. Date na rin nila every sunday. " wika nya.

Napangiti ako.

"Nice. Ang sweet naman. " bulong ko.

Ngumiti si Cheska at tumango.

Pinagmasdan namin ang paglabas ng dalawa sa pinto.

Sumunod si Cheska.

Napatayo din ako para pagmasdan ang gagawin nya.

Binuksan nya ang gate at maya maya ay lumabas ang kotse lulan ng mag asawa.

Lumigid si Cheska at dumungaw sa bintana.

Saglit silang nag usap.

Maya maya ay natawa sya at tumango ng sunod sunod.

Pagkatapos nito ay umatras na sya at tuluyan ng lumabas ang kotse.

Agad namang sinara ni Cheska ang gate.

Matapos masigurong nakalock ay bumalik na itong muli sa loob ng bahay.

"Anong sabi ng parents mo ? " tanong ko.

Napangiti si Cheska.

"Wag daw tayong aakyat sa room. " sagot nya.

Natigilan ako.

Pagkuwa'y unti unting napangisi.

"Bakit ? " painosente kong tanong.

Natawa sya at kinurot ako sa braso.

Muli syang naupo sa sofa.

Tumabi naman ako at lakas loob na umakbay.

Di naman sya nagreklamo.

Bagkus, ay hinilig nya pa ang ulo nya sa dibdib ko.

Inamoy amoy ko ang buhok nya.

"Swerte ko sayo, tanggap agad ako ng parents mo. " wika ko.

"Naikwento na kasi kita sa kanila. " sagot nya.

Ngumiti ako at hinapit sya.

Umangat ng tingin si Cheska.

Nagkatitigan kami.

Napalunok ako.

Maganda talaga sya.

Dagdag pa na mabait at sexy.

..

Dahan dahan kong nilapit ang ulo ko sa ulo nya.

Hanggang sa unti unting magdikit ang aming mga mukha.

"A-are you going to kiss me?" tanong ni Cheska.

Napalunok ako at tumango.

"Yes. " sagot ko.

Ngumiti sya.

"Bilisan mo. Baka magising na si Chelsea. " sambit nya.

Kumunot ang noo ko.

"Sinong Chelsea ? " tanong ko.

Pero di na sya nagsalita.

Pinikit na lang nya ang mga mata at bahagyang inawang ang mga labi.

Napalunok ako ng sunod sunod.

Di na ako nagpakipot pa.

Hinaplos ko sya sa pisngi at dahan dahang dinikit ang mga labi ko sa mga labi nya.

Saglit na nagdikit lang ang aming mga labi.

Hanggang sa tila parehas kaming di nakuntento.

Binuka ko ang bibig ko at sinipsip ang ibabang labi nya.

Napaungol si Cheska ng mahina.

Lalong lumakas ang loob ko at pinalalim pa ang halik.

Pero biglang may nagsalita.

"HOY ! " sigaw ng boses.

Mabilis kaming nagkalas ni Cheska.

Sabay pa kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig.

May isang dalagitang nakatayo sa huling baitang ng hagdan.

May yakap na malaking unan at nanlalaki ang mga mata.

..

Unang nakabawi si Cheska at pasimpleng dumistansya ng upo.

Lumapit ang dalagita at tumayo sa harap namin.

"Sino sya ate ? " tanong nito.

Imbes na sumagot, nagsalin ng juice si Cheska at uminom.

Matapos ibaba ang baso at inangat nito ang mga paa sa sofa at binuksan ang TV.

"Boyfriend ko. Buksan mo nga yung DVD. " utos nito.

Napatingin ang dalagita sa akin.

Pagkuwa'y sa ate nito.

"Lagot kayo, susumbong ko kayo kay Papa. " sabi nito.

Natigilan ako at nakaramdam ng takot.

Pero tumawa lang si Cheska.

"Sumbong mo, sasabihin ko naman na bagsak ka sa exam mo sa math. Na pinapatawag ng teacher mo si Papa. " sabi nya.

Natigilan yung dalagita at tila natakot.

Pero sumimangot lang ito.

"Ay, andaya. " tanging nasabi nya.

Natawa si Cheska.

"Loves, si Chelsea. Bunso namin. Oy buksan mo sabi yung Dvd eh. " utos nya.

Nakasimangot na sumunod si Chelsea.

Yumuko ito at kinalikot ang TV at DVD.

Pero maya maya ay sumigaw ito.

"Ate, wala dito yung mga wire nya. " sambit nya.

Tumayo si Cheska.

"Ay nasa room. Nanuod nga pala tayo kagabi. Teka lang Loves ah. Kunin ko lang. " wika nya.

Tumango lang ako.

Pinagmasdan ko sya habang nagmamadaling umakyat ng hagdan.

Napangiti ako.

Pero nawala ang ngiti ko ng magsalita si Chelsea.

"Kuya, nagsex na kayo ni ate ? " tanong nito.


ITUTULOY !!!