1. Home
  2. Stories
  3. Matinding Pagnanasa Part 3
Filipino Sex Stories

Matinding Pagnanasa Part 3

By Eroticus ·
Naginhawaaan ang giniginaw na dalaga sa init ng katawan ni Ehron. Hindi niya namalayan na nakatulog siya habang yakap siya ng mga bisig ng lalake. Nagising na lamang si Shane nang maramdamang wala na si Ehron sa tabi niya. Bumuti na ang lagay ng dalaga. Nakita niya si Ehron na nakatalikod sa kanya. Nakaboxers pa rin ito. Nakaupo ang lalake sa isang upuan habang nasa harap siya ng lutuan ng kubong iyon. Nagpadingas ng mga tuyong sanga ng kahoy si Ehron at pinatutuyo nito ang mga basang damit nila malapit doon. Hindi alam ni Shane kung ilang oras siyang nakatulog. Napuna ni Ehron na gising na ang dalaga.

"Bumuti na ang lagay mo kanina kaya naisipan kong patuyuin naman ang mga damit natin dito sa dingas." wika ng lalake at muling kinapa ang mga damit nila. Natuwa ito nang makitang pwede na nilang muling isuot iyon. Kinuha niya ang mga damit. Lumapit siya kay Shane upang ibigay sa dalaga ang natuyo nitong damit.

Naupo si Shane sa kama. Iniunat niya ang dalawa niyang paa sa sahig. Nang mapansin niyang nakikita ni Ehron ang kanyang cleavage ay tinakpan niya iyon ng isa niyang braso. Inipit naman niya ang kaniyang dalawang hita. Tiningnan lang ni Ehron ang ginagawa ni Shane. Napansin naman iyon ng dalaga.

"Grabe ka. Siguro nung tulog ako may ginawa ka sa'kin ano?" ani Shane

"Alam mo naman 'yung ginawa ko sa'yo kanina 'di ba?" paliwanag ni Ehron ukol sa pagyakap niya sa dalaga.

"Ay ang slow. Kaya nga sinabi kong nung tulog ako 'di ba?"

"At ano naman ang gagawin ko nung natutulog ka?"

"Malay ko sa'yo."

"Bakit may nararamdaman ka bang kakaiba para sabihin mo 'yan?"

Pinakiramdaman ni Shane ang sarili. Wala siyang nararamdamang kakaiba maliban sa gutom na siya. Tsaka bumuti na ang lagay niya ngayon kumpara kanina. Hindi niya maintindihan ang sarili pero natutuwa siya kapag nakikita niyang tila naiinis si Ehron sa mga sinasabi niya.

"Meron."

"Eh 'di sabihin mo kung ano."

"Ayoko nga."

Hindi siya kinibo ng lalake.

"Siguro binosohan mo rin ako nung natutulog ako ano?"

"I can't believe we're having this conversation, Shane. Seriously?"

"Wag mo nga akong daanin sa pa-ingles-ingles mo."

"I just find this conversation stupid."

"Well, Mister, What's stupid with that when I just want to clarify if you did something naughty with me while I'm sleeping." ani Shane. Natutuwa siya sa nakikita niyang naiinis na reaksiyon ni Ehron. Lihim na kinikilig ang dalaga sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

"Do you think I'm like that?"

"You tell me, Ehron. Will you do something like that?"

"No. Not in a situation like that. Hindi sa ganung sitwasyon, Shane."

"What do you mean by that?" ani Shane.

Lumapit si Ehron sa kanya. Tumayo ito sa harapan ng dalaga. Napatingala si Shane. Nagkatinginan sila ni Ehron. Ang mga matang iyon ni Ehron... Ang nakakalusaw na titig nito ay lihim na nagpapabaliw sa dalaga. Bumilis ang kabog ng dibdib ni Shane sa sandaling iyon. Dahan-dahang lumuhod sa kanyang harapan si Ehron. Nagpantay ang kanilang mga mukha. Wala silang alisan nang tingin.

"Ehron, gago ka. 'Wag mo akong titingnan nang ganyan please." tila paos sa kabang wika ni Shane.

Tila walang narinig si Ehron sa sinabi ng dalaga. Naramdaman ni Shane ang isang mainit na palad ng lalake na humawak sa isa niyang kamay. Napatingin doon si Ehron. Pinagmasdan ni Shane ang mukha ni Ehron. Sa sandaling iyon, hindi na niya maitatanggi na guwapo ito. Na hindi siya kailanman magsasawang tingnan ang mukhang iyon. Mula sa matangos nitong ilong, magandang korte ng labi hanggang sa mga mata nitong kung titigan siya ay halos ikabaliw niya. Mas maraming di-hamak na guwapo rito pero ibang karisma ang taglay ni Ehron. Ang lakas makababae at iyon ang nararamdaman ni Shane ngayon. Kung meron pang natitirang protesta sa kanyang pagkatao ay kusa na iyong tinalo nang ginagawa ngayon ni Ehron sa kanya.

Naramdaman niyang inilapat ni Ehron ang palad nito sa palad niya. Nagdikit ang kanilang palad. Isinuot ni Ehron ang daliri niya sa pagitan ng mga daliri ni Shane. Gumanti naman ang dalaga at marahang pinisil ang palad ni Ehron.

Muli silang nagkatitigan. Nagparaya na si Shane sa mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Namalayan na lamang ng dalaga ang unti-unting paglapit ng mukha ni Ehron sa mukha niya. Alam niya ang gagawin ni Ehron sa kanya at hindi niya iyon hahadlangan. Kusang napapikit si Shane nang dumikit ang mainit na labi ni Ehron sa labi niya. Kaysarap niyon. Kusang gumanti nang halik si Shane. Masuyo silang naghalikan. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay dumilat si Shane. Nakita nang namumungay niyang mga mata ang mga mata ni Ehron na nakatitig sa kanya. Nakikita ni Shane ang pagnanasa sa mga mata nito.

"Kanina, masama ang pakiramdam mo. Pero ngayong okay ka na... That's a different story." ani Ehron at muling hinalikan ang nagpaparayang si Shane.

Mas lalong naging mapusok ang kanilang paghahalikan. Naramdaman ng dalaga ang pagpasok ng mainit na dila ni Ehron sa bibig niya. Nagtagpo ang kanilang dila habang sila'y naghahalikan. Ngayon lamang iyon naranasan ng dalaga. Napakasarap niyon. Naglaro ang kanilang dila habang mas sumisidhi ang kanilang mga halik. Sinipsip ni Ehron ang dila ng dalaga. Hindi maipaliwanag na sarap ang dulot niyon kay Shane. Ginantihan din iyon ni Shane. Sinipsip din niya ang dila ni Ehron. Nag-eskrimahan ang kanilang dila. Sa sandaling iyon ay kapwa sila nawawala sa katinuan dulot nang matinding pagnanasa nila sa isa't-isa.

Nabigla silang pareho nang may kumatok sa pinto

"Tao po. Amang? Ako po 'yung may-ari nitong kubo." boses ng isang matandang lalake.

Natigilan pareho sina Ehron at Shane. Nagmadali silang nagbihis.

"Tang, sandali lang po at bubuksan ko na po ang pinto." ani Ehron.

Nang makapagbihis na silang dalawa ay agad binuksan ni Ehron ang pinto. Nakita niya sa labas ang matanda.

"Tang, pasensiya na po kayo sa abala. Malakas po kasi ang ulan kanina kaya nagpatila kami ng ulan dito sa loob ng kubo niyo."

"Huwag mong alalahanin 'yun, Amang. Ako'y natutuwang malaman na nakatulong ang munting kubo ko sa inyo." wika ng mabait na matanda, "Kaya pala ako kumatok dahil kukuha sana ako ng panggatong sa loob. Paumanhin kung naabala ko ang inyong pamamahinga."

"Tatang, humihingi po ako ng dispensa dahil ginamit ko po 'yung ilang tuyong kahoy niyo para patuyuin ang mga damit namin na binasa ng ulan. Babayaran ko na lang po ang mga iyon."

"Huwag na, Amang. Maliit na bagay lamang iyan."

"Salamat po. Napakabuti niyo po." ani Ehron.

Ngumiti lamang ang matanda. Nagpaalam na sina Ehron at lumabas ng kubo. Muli silang sumakay sa motorsiklo paalis sa lugar na iyon. Alas dos na ng hapon sa mga sandaling iyon. Kanina pa nagsara ang hardware sa bayan. Bumalik na lamang sina Ehron at Shane sa kanila.

Limang minuto na silang bumibiyahe nang mapuna ni Ehron na pumupugak ang minamaneho niyang motor.

"Anong nangyayari?" pagtataka ni Shane.

Hindi kumibo si Ehron. Pinapakiramdaman kasi niya ang motor at may hinala siya kung ano ang dahilan niyon.

Namatay ang makina ng motorsiklo. Unti-unting bumagal ang takbo ng motor. Naging maagap naman si Ehron at itinabi niya sa gilid ang motor lalo pa't may kasabay silang malaking truck ng niyog sa likuran. Bumaba silang dalawa at itinayo ni Ehron ang kickstand ng motor.

"Anong nangyari?" ulit ng dalaga.

"Mukhang naubusan tayo ng gasolina."

"Ha? Paano ngayon 'yan? Malayo-layo pa rito ang uuwian natin."

"Nagloloko pala ang fuel gauge nitong motor ng tiyahin mo." puna ni Ehron.

Tiningnan naman ng lalake ang fuel reserve sa makina ng motorsiklo. Pinihit ni Ehron ang reserve lever. Hindi niya nagawang mapihit iyon dahil napakahigpit niyon. Binuksan niya ang compartment ng motor at nakakita siya roon ng plier. Ginamit niya iyon para pihitin ang lever pero tila nag-lock na iyon nang husto. Halos mabaluktot na niya ang lever pero hindi pa rin niya iyon mapihit. May nakita siyang pangangalawang doon. Itinigil na ni Ehron ang pagpihit sa lever dahil baka masira pa niya ito.

"Ano nagawa mo ba?" ani Shane.

"Hindi."

"Paano 'yan?"

"Kailangang itulak pauwi itong motor."

"Hay naku. Second-hand na kasing binili 'yan ni Tito sa kakilala niya two years ago. Ganyan na 'yan nang bilhin niya 'yan." wika ng dalaga habang inihahanda ni Ehron ang pagtulak sa motor.

Sabay na naglakad sina Ehron at Shane pauwi habang hawak ng lalake ang manibela ng motorsiklo habang tinutulak niya ito.

"Buti at marunong kang kumalikot ng motor?" ani Shane.

"Kasi sa tuwing may diprensya 'yung motor ko sa Maynila at pinapaayos ko, pinanonood ko kung paano inaayos 'yung motor ko. Para sa susunod, alam ko nang gawin."

"Madiskarte ka pala."

"Malaking bagay kasi kapag alam mong ayusin ang sarili mong sasakyan. Tsaka mahal din ang pagpapagawa."

Nagkuwentuhan ang dalawa habang tinatahak nila ang mahabang daan pauwi. Mabuti na lamang at hindi gaanong matindi ang sikat ng araw sa mga oras na iyon. Kadalasan, napakainit ng sikat tuwing alas dos ng hapon. Mabuti na lamang at medyo makulimlim pa rin ang kalangitan pero hindi na ito nagbabadya nang pag-ulan. May ilang malalaking truck ng kopra ang paminsan-minsang dumaraan mula sa likod nila. Pansamantalang tumatabi sa gilid ng kalsada sina Ehron at Shane sa tuwing dadaan ang mga iyon.

"Siguro marami kang chicks sa Maynila ano?" ani Shane. Nakaupo na ang dalaga sa motor habang tulak-tulak iyon ni Ehron.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Feeling ko lang. Lalo sa hitsura mo."

"Ano bang meron sa hitsura ko."

"May hitsura ka eh. Hindi malayong marami kang babae sa Maynila."

Gustong matawa ni Ehron sa sinabi ng dalaga. Napansin iyon ni Shane.

"Ano tama ako 'di ba?" wika ng dalaga.

"Eh ikaw may hitsura ka rin naman eh. Ibig sabihin ba nun marami ka ring boyfriend sa lugar niyo?"

"Ay ang gago naman nito. Ikaw 'tong tinatanong ko tapos ibabalik mo sa'kin ang tanong."

"Kung ganyan ang katwiran mo. Ibig sabihin ba nun eh totoo na marami ka ngang boyfriend sa lugar niyo?"

"Siyempre hindi." naiinis na wika ni Shane. Sa halip na mainis niya si Ehron ay tila nagkabaliktad at siya ngayon ang naiinis sa sinabi nito sa kanya.

"Eh kung ganun ang sagot mo. Ganun din ang sagot ko." nakangiting wika ng lalake.

Lumingon sa dalaga si Ehron. Nagkatinginan silang dalawa. Bahagyang namula ang pisngi ni Shane. Ngumiti ang lalake sa kanya. Nawala ang inis ni Shane sa ngiting iyon ni Ehron sa kanya.

"Nabitin ka kanina ano?" ani Shane tungkol sa nangyari sa kanila sa kubo. Gustong bawiin ng dalaga ang sinabi niyang iyon. Nainis siya sa pagiging taklesa niya.

"Oo. Sobra."

Silang dalawa lang ang nasa mahabang kalsadang iyon kung saan makikita sa paligid ang malawak na kabukiran. Luminga-linga si Ehron sa paligid. Itinulak niya sa gilid ng kalsada ang motorsiklo at itinayo niya ang sidestand ng motor. Nabigla si Shane nang lumapit ang lalake sa kanyang kinauupuan... At muli siyang hinalikan ni Ehron.

Napakasarap.

Ubod ng tamis ang halik na iyon ni Ehron. Kusang napapikit ang mga mata ni Shane at gumanti na rin siya nang halik sa lalake. Yumapos ang mga braso ni Shane sa batok ni Ehron habang umiinit ang kanilang paghahalikan. Naramdaman ng dalaga ang isang kamay ni Ehron sa kanyang dibdib. Dumilat ang mga mata ni Shane nang pisilin ni Ehron ang isang suso niya. Sa kabila nang pagkabigla ng dalaga ay mahina itong napaungol ramdam ang mararahang pagpisil ni Ehron sa suso niya. Kasunod niyon ay pumasok ang kamay na iyon ni Ehron sa laylayan ng t-shirt ni Shane. Naramdaman na lang ni Shane na nasa bra na niya ang kamay ni Ehron. Napasinghap ang dalaga nang pumasok ang kamay ng lalake sa loob ng bra niya. Hawak na ngayon ng palad ni Ehron ang suso ni Shane. Ramdam ng dalaga ang mainit na palad ni Ehron na bumabalot sa suso niya. Napapikit ang dalaga. Napasinghap siya nang magsimulang lamasin ni Ehron ang suso niyang iyon. Napakislot ang dalaga nang marahang lapirutin ng lalake ang kanyang utong. Mahinang napaungol ang dalaga sa ginagawang paglapirot ni Ehron sa nasasarapan niyang utong.

Masarap.

Sobrang sarap.

Ngayon lamang naranasan iyon ni Shane. Hindi niya maipaliwanag ang sarap na nararamdaman lalo na ang init na unti-unting bumabalot sa buo niyang pagkatao. Mas naging mapusok ang kanilang paghahalikan.

Nagsusumidhi.

Nag-aalab.

Napakasarap.

Naramdaman ng dalaga na naglakbay naman pababa ang kamay ni Ehron papunta sa puson niya. Pumasok ang kamay ng lalake sa loob ng garter ng suot niyang leggings. Papasok na ang kamay ni Ehron sa loob ng kanyang panty nang bigla itong tumigil. Nabigla si Shane kung bakit ginawa iyon ni Ehron. Narinig na lang ng dalaga ang tunog ng isang dumarating na tricycle mula sa likuran nila.

"May parating." bulong ni Ehron sa dalaga.

Nag-ayos silang dalawa. Nang sumapit sa tapat nila ang tricycle ay pinara iyon ni Ehron. Kinausap niya ang drayber nito. Ilang minuto ring nag-usap ang dalawa.

Makalipas ang ilang saglit, nakasakay nang muli sina Ehron at Shane sa tumatakbo nilang motorsiklo. Hila-hila iyon ng lubid na ikinabit sa likod ng tricycle na kinontrata ni Ehron para hilahin sila pauwi.

Nakayakap ang dalaga sa tiyan ni Ehron habang nakasandal ang mukha nito sa likod ng lalake. Sa sandaling iyon ay wala nang pangingimi si Shane na idikit nang husto sa likod ni Ehron ang kanyang dibdib.

Makalipas pa ang kalahating oras, nakarating na sila sa bahay. Pero bago sila makarating sa kanilang lugar ay umayos na sa pagkaka-angkas sa likod ni Ehron si Shane. Sinalubong ni Mariz ang kanilang pagdating.

"Kanina pa ako nag-aalala sa'yo, Bes. Alam kong inabot kayo nang malakas na ulan sa daan." ani Mariz.

"Oo, Bes. Minalas pa at naubusan ng gas 'yung motor." tugon ni Shane at bumaba na ito ng motorsiklo.

"Ano ba 'yan. Eh kamusta naman kayo kanina?" nag-aalalang wika ni Mariz habang pinagmamasdan nito si Ehron habang tinutulungan ng lalake ang drayber sa pag-alis ng tali sa motorsiklo.

"Ayun. Buti na lang at nakasilong kami sa isang malaking puno. Doon na kami nagpatila ng ulan." ani Shane.

"Ganun ba. Buti naman at okay kayo." ani Mariz habang nakatingin pa rin ito kay Ehron na kasalukuyang tinutulak ang motorsiklo papunta sa likod-bahay nina Shane.

"Kamusta nga pala 'yung mga trabahador nung wala ako?"

"Okay naman. Ipinakain ko sa kanila 'yung pananghalian na niluto mo."

"Meron ba namang natirang ulam?" ani Shane.

"Oo naman. Ako pa ba? Siyempre nagtabi na ako ng ulam niyo ni Ehron."

"Mabuti naman kung ganun. Kanina pa ako nagugutom eh."

"Eh paano ba naman, Bes. Mag-aalas tres na ng hapon. Kanina pa kayo nalipasan ng gutom niyang si pogi."

Nagtungo ang magkaibigan sa kusina. Tinawag ni Mariz si Ehron na nasa likod-bahay para sumabay na sa pagkain kay Shane.

"Sige, mauna na kayo. May container pala ng gasolina diyan sa likod, lalagyan ko muna ng gas 'yung motor para matiyak ko kung aandar." ani Ehron.

Nagkatinginan sila ni Shane.

"Sure ka hindi ka sasabay?" ani Mariz.

"Oo. Mamaya na lang ako." wika ng lalake na nakatingin pa rin kay Shane.

Tila may nagkakaunawaan silang dalawa sa pagtititigan nilang iyon. Muling bumalik si Ehron sa likod-bahay.

"Alam mo, Bes. Talagang bet na bet ko 'yang si pogi." ani Mariz.

Hindi naman kumibo si Shane. Itinuloy lang nito ang pagkain.

"Kaya lang mukhang hanggang one-time big-time na lang talaga kami." dagdag niya.

"H-Ha? Bakit naman?" ani Shane.

"Kasi parang ibang babae ang bet niya."

"At sa tingin mo sino naman iyon?"

"Ikaw, Bes." ani Mariz,

"Ako?"

"Oo. Kasi maganda ka."

"Hay naku, Bes. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo at baka may makarinig sa'yo at isumbong pa ako sa tiyahin ko."

"O sige na nga at kumain ka na. Ako naman eh uuwi na ulit kasi walang tao sa tindahan." ani Mariz at nagpaalam na ito sa kaibigan.

Sumapit ang gabi. Habang naghahapunan si Shane at ang kanyang tiyahin, sinabi ng dalaga kay Aling Lilian ang nangyari kanina. Sinabi lang ng dalaga sa tiyahin ang mga piling detalyeng dapat lang nitong malaman. Sa gabing iyon ay pagod na pagod si Aling Lilian dahil naging abala ang kanilang tindahan sa dami ng mga customer. Sa oras ding iyon ay maagang nagpahinga si Aling Lilian sa kanyang kuwarto pero ibinilin muna nito sa dalaga na huwag kalimutang dalhan ng pagkain si Ehron sa kabilang bahay.

Makalipas ang sampung minuto, lumabas ng bahay ang bagong ligong si Shane. Dala nito ang pagkain na para kay Ehron. Mabilis ang tibok ng dibdib ng dalaga na kumatok sa pinto. Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto at nakita ng dalaga si Ehron.

"May dala akong pagkain." aniya.

"Salamat ha." wika ng lalake at kinuha ang dala ni Shane. Muli silang nagkatitigan ng dalaga. Nanabik ang mga titig na iyon ni Ehron kay Shane. Nauunawaan iyon ng dalaga dahil iyon din ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Hinawakan ni Ehron ang kamay ni Shane.

"Hindi pwede... Tingin ko gising pa si Tita." may pag-aalalang wika ni Shane. Umalis ang dalaga upang bumalik sa kanilang bahay. Sinundan naman siya nang tingin ni Ehron hanggang sa makapasok ang dalaga.

Makalipas ang dalawang oras. Nakahiga si Shane sa loob ng kanyang kuwarto. Dinig niya ang paghilik ng kanyang tiyahin sa kabilang kuwarto. Tahimik na ang paligid sa labas maliban sa huni ng mga kuliglig na maririnig sa paligid.

Bumangon si Shane sa kama. Isinuot niya ang kanyang flip-flops at maingat siyang lumabas ng kanyang silid. Naglakad ang dalaga sa madilim na sala. Maingat niyang binuksan ang pinto at maingat din niya iyong isinara nang siya'y makalabas, Naglakad siya sa madilim na labas papunta sa kabilang bahay.

Napansin ng dalaga ang nakasinding dim light sa tinutuluyan ni Ehron. Pagsapit niya roon ay mahina niyang kinatok ang pinto. Makalipas ang ilang saglit, bumukas ang pinto. Nakita ni Ehron si Shane. Nagkatinginan silang dalawa. Wala silang imikan. Hinawakan ng lalake ang kamay ni Shane. Pumasok ang dalaga nang hilahin siya sa loob ni Ehron. Maingat na isinara at ini-lock ng lalake ang pinto. Pagkatapos niyon ay muli siyang humarap sa nakatayong dalaga. Naka-boxer shorts lamang si Ehron.

Mula sa harapan ni Ehron ay hinila paitaas ni Shane ang suot niyang Hello Kitty na daster. Nahulog sa sahig ang daster ng dalaga. Tumambad sa mga mata ni Ehron ang suot na puting undies ng dalaga. Ramdam nilang dalawa ang pananabik nila sa isa't-isa. Lumapit si Ehron kay Shane. Kusang napapikit ang mata ng dalaga nang magdikit ang kanilang mga labi. Naging mapusok ang halik nila sa isa't-isa. Isinandal ni Ehron si Shane sa dingding. Napasinghap ang dalaga nang gumapang pababa ang mainit na labi ni Ehron sa kanyang leeg.

"Oooohhhhhhh..." mahinang ungol ni Shane dulot nang matinding sarap habang niroromansa siya ni Ehron sa kanyang leeg. Kusang yumakap ang dalaga sa likod ng lalake habang patuloy itong nasasarapan sa romansang iginagawad sa kanya ni Ehron.