Mga Ala-ala Mo. (-ms. Ritchel-) Chapter 3

Filipino Sex Stories
9 minutes
MGA ALA-ALA MO.

-Ms. RITCHEL-

CHAPTER 3

Pagkalipas ang halos dalawang buwang singkad. Nasasanay na ako sa klima ng bansang Qatar, parang balewala na sa akin ang init ng panahon na dumadampi sa aking balat. Sisiw na ika nga; masaya akong nakikisalamuha sa mga kapwa ko ofw, sa mga kabarako ko. Sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kahit malayo sa pamilya at kasintahan, masaya na ako dahil alam kong ayos lamang sila.

Pero ayos nga lamang ba kaya sila. Papano, kung merong kakaiba sa kanila na kabaligtaran ang mga ipinaparating nila sa akin. Papano, kung iba ang kalagayan nila kaysa sa ibinabalita nila sa akin.

Papano, kung....!

Isang balita ng tiyahin niya ang biglang gumulat sa aking kamalayan. Isang balita na para bang nagpagumuho bigla sa tore na aking binubuo. Isang masamang balita na sa tingin ko ay siyang tatapos sa akin at sa mga pangarap ko.

"Guiller iho! Kumusta ka na diyan sa trabaho mo." Mensahe ni tita sa akin. Nangungumustang bungad. Parang may kakaiba ang mensaheng 'yun. May kabang bumabangon sa aking puso.

"Naku tiya! So, par so good naman ako dito sa trabaho! Maayos naman at madali lamang ang trabaho namin!" Refly ko sa text niya. Totoo naman talaga 'yun. Ang tunay naming kalabang mga ofw ay ang homesick at syempre homesex...

"Wag ka sanang magugulat sa ibabalita ko sa'yo ha. Guiller!"

"Sige lang tiya, ano po ba ang ibabalita ninyo sa akin at tila urong-sulong kayo sa inyong sasabihin sa akin!'

Sa totoo lang parang kinakabahan ako na hindi ko mawari. Parang merong mga drum sa puso ko. Mabilis ang tibok niyon. Para akong hindi makahinga.

"Guiller! Si Ritchel...! Ang sanggol sa sinapupunan niya, nalaglag. Hindi ko agad masabi-sabi agad ito sa'yo dahil alam kong ma-aalala ka ng labis sa kanya.!" Mensahe nito sa akin. "Alam kong gaano kahalaga sa inyong dalawa ang ipinagbubuntis ng pamangkin ko."

Hindi ako makapagbigay ng refly sa sinabi ng tiyahin ng kasintahan ko. Tigagal at hindi makakibo. Parang nauubusan ng hininga.

"Guiller...! Dahil sa matinding pangungulila niya sa'yo, dahil hindi na kinaya ng pamangkin ko ang pag-alis mo. Nalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Akala ko naman eh, ayos lamang siya nitong mga nakaraang buwan. Sa bahay ko na siya nakatira para maalagaan ko ang pagbubuntis niya, para madali kong maipatingin sa kinuha kong obygiene. Alam ko mahalaga sa'yo at sa pamangkin ko ang baby, Pero ang hindi namin alam, nagkaroon ng mild depression ang pamangkin ko. Guiller, sorry sa mga nangyari kasalanan ko ang lahat. Ako na lamang ang sisihin mo dahil ako ang naging pabaya. Alam ko masakit ito para sa'yo ang balitang ito. Hindi namin ito napaghandaan. Kaya sana tatagan mo ang kalooban mo."

Umiiyak ako habang binabasa ang mahabang mensahe ni tita sa akin. Tumutulo ang luha ko sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Ang pagkawala ng baby namin ng kasintahan ko.

Sinusuntok-suntok ko ang dibdib ko. Hindi na ako nakapasok sa trabaho ng araw na'yun. Isang masamang balita na alam kong hindi ako makakapag focus sa trabaho ko na magiging dahilan pa 'yun para ako ay maaksidente. Sinubukan kong tawagan ang kasintahan ko ngunit hindi niya ito sinasagot. Inulit ko ang pagtawag pero ini off na lamang niya ang celfon niya.

Alam ko sa sarili ko na guilty siya sa pagkawala ng baby namin kaya hindi niya sinasagot ang celfon. Alam kong nagdadalamhati din siyang tulad ko kaya hinayaan ko munang lumamig ang sitwasyon bago ko siya muling tawagan.

Nalugmok ako sa pagdurusa at pangungulila dahil sa pagkawala ng baby namin at sa hindi niya muling pagsagot ng tawag ng kasintahan ko nitong mga nakaraang araw.

Hindi ako tatagal bilang ofw kapag ganito ang ginagawa sa akin ng aking kasintahan. Hindi na ako masyadong makakain at makatulog ng maayos dahil sa nangyari sa amin ng kasintahan ko at baby namin.

Bilang isang bagong mandirigmang nakikipaglaban sa hamon ng buhay bilang ofw. Wala akong mapagsabihan ng aking mga problema. Wala akong Karamay kundi ang aking sarili. Wala akong mga kaibigan na nasa aking tabi para mayroon gumabay. Hanggang sa tinamaan ako ng matinding homesick. Ang sakit sa aking kalooban.

(Ganyan kahirap ang maging isang ofw lalo sa mga baguhan. Para sa kanila isa silang mga sundalong bagong recruit. Kaya advice ko sa mga bagong alis. Tatagan ninyo ang loob ninyo. Malalampasan din ninyo ang anumang pagsubok na dadaan sa buhay ninyo)

Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari. Sinisisi ko ang aking mga pangarap. Sinisisi ko kung bakit ako umalis ng pilipinas para sa kinabukasan namin. Ako ay may kasalanan, wala ng iba.

Isang linggo na akong hindi nakakapasok sa trabaho ko dahil sa unos na dumaan sa buhay ko. Isang payat na katawan at nanlalalim na mga mata ang makikita sa akin. Hinahanap na pala ako ng aking foreman at chargehand na siyang humahawak sa aming grupo. Hanggang sa...

Lumapit sa akin ang aking mga kasamahang barako. Tinitigan nila ako at umupo silang lahat sa aking tabi. Mga baguhan ung iba habang 'yung iba naman ay mga masasabi beterano na.

"Utoy...! Alam mo ba na hindi nakakatulong yang ginagawa mo sa sarili mo. Aba'y iho para ka ng bangkay sa hitsura mong iyan. Ano bang problema, baka sakaling makatulong kung sasabihin mo sa akin!"

Tumingin ako sa kanya na tumutulo ang aking mga luha sa aking mga mata. Hindi ko kilala ang nagsasalita pero tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ang hitsura niya. Parang may isang boses na nag-uudyok na sabihin sa kanya ang anumang bumabagabag sa aking dibdib. Tumabi ako sa kanya at sinimulan kong ikinuwento ang anumang nangyayari sa aking pinagdadaanan.

"Sir, mahal ba ako ng diyos!" Tanong ko sa kausap ko. Deriktang salita. Walang ligoy. Walang gatol. "Bakit dumadaan ako sa ganitong pagsubok? Bakit kailangan kong pasanin ang krus ng paghihirap at pagdurusa?"

"Tingin ko wala kang tiwala sa diyos iho! Kaya nasasabi mo ang ganyang katagang salita. Nasasabi mo ang mga salitang yan dahil sa inaakala mo na hindi ka mahal na diyos." Sabi nito sa akin habang tinatapik-tapik ang aking balikat.

Tumitig ako sa mga mata niya. Naghahanap ng sagot sa mga ibinato niyang salita sa akin. Meron itong kinuhang makapal na libro sa bag niya. Ipinakita sa akin. Binuklat niya ang isang pahina at binasa niya ito.

"Tinatanong mo iho kung mahal ka ba ng diyos! Sasagutin yan ng bibliya." Sabi nito at malakas na binasa ang ilang talatang nakapaloob sa aklat na 'yun.

"Sa Unang aklat ng Juan chapter 4 verse 7-10. Ganito ang sinasabi ng diyos sa ating mga nilikha niya."

(7) Ang sinumang umiibig ay anak na ng Diyos at nakikilala niya ang Diyos.

(8) Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakikilala ang Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

(9) Sa ganitong paraan, nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin: isinugo ng Diyos sa sanlibutan ang kanyang kaisa-isang Anak upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

(10) Ganito ipinamalas ang pag-ibig.

Nagsalita muli ito. "At sa dalawang tanong mo na. Bakit dumadaan ako sa ganitong pagsubok? Bakit kailangan kong pasanin ang krus ng paghihirap at pagdurusa?"

"Sasagutin ulit yan ng bibliya." Sabi nito habang hinahanap ang ilang talatang tila kabisadong-kabisado nito ang hahanapin. O sa mas tamang sabihin na alam niya kung ano ang sasabihin sa akin na magpapagaan sa anumang pasaning nakaatang sa balikat ko.

"Sa aklat ng unang Corinto 10:13. Ganito ang sinabi niya:

(13) Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya."

"Lahat ng mabibigat na pagsubok ay naranasan natin sa totoo lang pero ni minsan ay hindi nagalit o hindi tayo sinumbatan ng Diyos. Mahal tayo ng diyos kaya dumadaan tayo sa anumang nararanasan ng bawat-isa.

Hindi ko nakuhang magsalita sa mga binato niyang words of god sa akin. Nakuha niya ang bou kung atensyon. Nakinig sa mga sinasabi niya. Marami pa siyang binanggit na word of god na sa tingin niya ay makakatulong sa akin. Maging ang kanyang mga kasamahan ay tumulong na ding magbigkas ng salita ng diyos.

"Iho... tuwang martes, huwebes at friday ng gabi meron kaming worship of god. Sana makaattend ka para makatulong ito sa'yo at ang mga pumupunta dito para makabangon ka.!" Sabi nito sa akin hahang hinahaplos niya ang balikat ko. "Pumasok ka din sa trababo mo dahil hinihintay ka na ng kasamahan natin. Nag-aalala silang lahat sa'yo dahil isang linggo ka na'ng hindi pumapasok kaya naman napasugod ako dito sa kwarto mo. Huwag mo ng dibdibin ang mga nangyari sa buhay mo. Lahat ng ito ay may pahintulot ng diyos. Manalig tayo sa kanya at sa magagawa niya para sa ating mga anak niya."

Bago tumayo ang taong nagsalita na isa palang pastor na foreman namin. Lumapit sa akin ang kanyang mga kasamahan. Isang dasal na para sa kaluluwa ang ibinigay nila sa akin. Isang dasal na tingin nila ay Malaki ang maitutulong sa akin.

Malaking pagbabago ang naganap sa akin dahil sa tulong ng mga taong nakakasalamuha ko. Ang isang pastor na nagpabago sa pananaw ko sa buhay. Isang taong nagbigay muli ng isang panibagong buhay sa akin.

Sa bawat pag-attend ko ng workship. Marami akong nakitang myembro na dumadaan din sa ganuong pagsubok. Iba-iba nga lang. Merong iniwan ng asawa at sumama sa kabit. Napariwara ang mga anak dahil walang amang gumagabay. Nalulong sa bisyo at alak. Nabuntis ng lalaki at hindi pinanagutan. At marami pang iba.

Dahil sa mga gabay ni pastor at sa bibliya na ibinigay niya sa akin. Akala ko sapat na 'yung hirap at pagdurusa noong kabataan ko na hindi ako mabubuwal. Mas marami pa akong nababasang salita ng diyos na nakakatulong sa aking uhaw na kaluluwa. Sa mga pagsubok na pagdadaanan ko pa. Sa mga pagsubok na susubok pa sa aking katatagan. Natuto akong magtiwala sa diyos at dumikit sa kanya. Lagi akong tumatawag sa kanya oras-oras. Dahil sa tulong ng pastor na 'yun. Ang laki ng ipinagbago ng katauhan ko. Pero hindi ang libog ko bilang isang barako. Na gustong mamasok lagi ng masikip na kweba.

Sa kasintahan ko naman, Nawala na ako ng balita sa kanya. Buhat ng mawala ang baby namin. Nawala na ako ng balita sa kanya. Hindi ko na siya masyadong hinahanap dahil Tuluyan na akong nakarecover sa nangyari sa aming relasyon.

Ang babaeng minahal ko ng lubos. Siguro hindi pa siya para sa akin. Merong inilaan ang diyos ama sa isang katulad ko kahit ganito ako at makasalanan.

Nagbigay ng mensahe sa akin ang tiyahin niya na bigla na lamang itong umalis sa kanilang bahay. Tumawag ito sa kaniyang kapatid na nasa manila at tinanong kung anduon. Ngunit nabigo itong makapagbigay sa akin ng tamang impormasyon dahil hindi ito pumunta dun.

Let her go! Sabi nga ng mga beteranong babaero. Marami pang mga babae ang darating sa buhay natin. Bakit ka magpapalango sa babaeng hindi naman kaya at mahina ang loob.

ITUTULOY

About BladeMaster_Elven

u/BladeMaster_Elven
BladeMaster_Elven has nothing to say.

More from BladeMaster_Elven


    Related Stories