1. Home
  2. Stories
  3. Mga Binhi Ng Tadhana Book 2 -ang Binhi Ng Awa Ika-dalawang Kabanata
Filipino Sex Stories

Mga Binhi Ng Tadhana Book 2 -ang Binhi Ng Awa Ika-dalawang Kabanata

By Teddyray ·
Ika- Dalawang Kabanata Mga Binhi Ng Tadhana Book 2

PAG-IBIG...PAGMAMAHAL

" Wise men say it looks like rain today, it crackled on the speakers, it trickled down the sleepy subway train,,,for heavy eyes can hardly hold us, aching legs that often told us it's all worth it—We all fall in-love sometimes..." Pumapailanlang ang awitin ni Elton John sa loob ng canteen ng pumasok si Art. Magdamag ang naging operasyon ng isang pasyente na naging biktima ng isang sakuna sa kahabaan ng Roxas Blvd. Isinagawa ang mabilisang operasyon sa utak upang alisin ang namuong dugo doon. Isa si Art sa umasiste sa maselang operasyon na isinagawa ng hepe ng neuro-surgery unit ng Ospital ng Maynila kung saan nasa ikalawang taon na si Art sa kanyang internship.

Umupo siya sa pinaka-sulok ng canteen ng ospital. Ganap ng alas-kwatro ng madaling araw. Iyon ang ibinabadya ng malaking orasan na nakasabit sa dingding ng canteen. Nasa harap ni Art ang umuusok na paper cup ng kape na kinuha nya kanina mula sa coffee dispenser na nasa di kalayuan sa kanyang kina-uupuan. Ilang higop-lagok ang kanya ng nagawa mula sa mainit na paper cup ng pumasok ang isang grupo rin ng mga intern ng ospital. Biglang parang nabuhay yung inaantok na diwa ni Art ng isa sa mga pumasok na mga intern sa canteen ay ang babae sa kabilang mesa sa loob ng restaurant! Ilang ulit na ipinikit at idinilat ni Art ang kanyang mga mata, upang kumbinsihin ang kanyang sarili na hindi isang malik-mata lamang ang kanyang nakikita.

Subalit, isang katotohanan na ang babae na umagaw sa kanyang pansin sa loob ng Savory Restaurant ay naroon ngayon sa canteen, Isang doktora din ang babae? Isang intern din na katulad nya? Lalong pakiramdam ni Art ay higit na bumilis ang palpitation ng kanyang puso ng lumingon ang babae sa gawi nya. Ngumiti ba ang mga mata nito ng saglit na magkatitigan sila? Si Art ang unang nagbaba ng tingin. Tanda ba ito na gapi siya ng titig ng babae?

Nang pumasok sila sa Canteen ng Ospital, wala sa isip ni Nancy na na naroroon ang kasagutan ng kanyang naging dalangin. Parang totoong lucky month nya ang kanyang birthmonth. Nang mapalingon siya sa dakong sulok ng canteen nakita nya ang kay tagal nyang pinanabikan na makita. Si Artemio Ronquillo. At parang naramdaman ni Nancy ng saglit na magkatitigan sila ng binata na walang tao sa loob ng canteen kundi sila lamang. At wala siyang naririnig na ibang tunog kundi yung tila musika na pagpintig ng puso nya.

Parang nahihiya si Art na muling apuhapin ng kanyang paningin ang babae na nasa mesang iyon sa loob ng canteen. Subalit, ayaw nyang masayang ang pagkakataon na muling masilayan ang maamong mukhang iyon na nag-papa-alala sa kanya sa maamong mukha ng namayapang ina. Muli nyang itinaas ang kanyang paningin. Hindi nya alam hindi inaalis ni Nancy ang kanyang titig sa kinaroroonan ni Art. At muling nagtagpo ang kanilang mga titig. At tulad ni Nancy, pakiramdam ni Art sila lang dalawa ng babae ang naroroon sa canteen. Sa isip ni Art umiinog ang kanyang daigdig. Mula ng namayapa si Helen, para siyang planeta na nawalan ng araw na iinugan. Kaya isinubsob nya ang sarili sa pag-aaral. Walang mahalaga sa kanya kundi ang matapos nya ang kanyang kurso. Ngunit, heto ang babae sa di kalayuan. Sa babae na ito nais niyang muling uminog ang kanyang daigdig,

"Dra, Roxas..." Yung tinig ng kasamang intern ang pumukaw kay Nancy sa saglit na pagkatulala sa pagtatagpo ng kanilang mga titig ni Artemio Ronquillo. At napatingin ito sa dako ng kinauupuan ni Art.

Biglang hinila nito si Nancy palapit sa lamesa na inokupahan na ng grupo. "Kilala mo si Dr. Ronquillo?" Tanong nito sa kanya. Tatango sana si Nancy para sabihin sa nagtatanong na kilala nya ang nasa sulok na lamesa ng canteen, Pero isang iling ang sa halip ay itinugon nya. "No parang pamilyar lang siya sa akin..." Iyon ang ibinuka ng bibig ni Nancy at humakbang na siya palapit sa pinakamalapit na silya na nakahilera sa mahabang lamesa sa canteen. Nakita nya yung parang nanunuksong tingin ni Zenee, isa sa mga intern na ka-grupo nya. "Mukhang masama ang tama ng pinaka-magandang intern sa Ospital ng Maynila kay Dr. pogi ha?" Biro nito. At naramdaman ng dalaga na namula siya. Madaling araw na. Malapit ng magpalitan sila ng shift sa pag duty sa ospital. Tumayo si Nancy para pumunta sa counter ng canteen. Gusto nyang hiramin ang pang-umagang sipi ng pahayagan. At gusto nya ring magkape. Pero ayaw nya yung nasa dispenser. Iyon din naman ang gusto ni Art, na hiramin ang sipi ng pang-umagang peryodiko na nasa counter ng canteen. Halos sabay nilang inabot ang sipi ng "Manila Bulletin". Nagkadaiti ang kanilang braso. Parang napaso ang pakiramdam ng dalaga ng sumagi ang braso ni Artemio Ronquillo sa braso nya. Muli silang nagkatitigan. Mata lang ang nag-usap sa pagitan nila. Pero bakit ang puso nila ang kapwa nagdiriwang sa pagkakataong iyon? At hindi na mapapalampas pa ni Art ang pagkakataong ibinibigay ng tadhana upang makilala nya ang babae na hawig ng kanyang ina.

" Upps, I'm sorry Dra..." Ibinitin nya ang kataga. Mabilis naming sumagot ang dalaga. Ayaw rin yang makalagpas pa ang pagkakataon na magkalapit sila ni Artemio Ronquillo." Roxas, Nancy Roxas," Sabi niya na kinagat niya ang gilid ng kanyang labi at tumitig sa kaharap. muling parang nadama ni Art ang pagpapaimbulog ng kanyang daigdig sa daigdig ng dalaga. Marahil, iyon ang mahika ng tinatawag nilang pag-ibig. Kusa itong dumarating kahit hindi hinahanap. "I'm Art. Artemio Ronquillo..."Sabi nya at inabot ang kanyang palad sa magandang intern. Nang abutin ni Nancy ang nakalahad na palad ng binata, abot-abot ang kabog ng kanyang dibdib. Kay tagal nyang inasam na mangyari ang tagpong ito. Ilang beses ba siya gumawa ng paraan para mapansin ni Artemio Ronquillo sa UP campus? At kay init ng palad nito. Init na hahanap-hanapin nya sa mga magiginaw na sandali sa kanyang pag-iisa.

"Hmmm...ang kamay ko po..." Bulong niya sa binata, nang parang kay tagal na hindi nito binibitawan ang pagkakahawak sa kanyang palad.

" Oh, sorry Dra Roxas..."Narinig niyang sabi niya. Sa isip ni Art, walang dapat na ihingi ng paumanhin sapagkat ang nadarama nya sa sandaling iyon ay parang ayaw na nyang matapos yung akto na hawak nya ang malambot na palad ng dalaga. Kung magagawa lang niyang pigilin ang paglakad ng mga sandali ay gagawin niya, manatili lamang sa tabi nya ang babaing ito.

"It's ok lang po, Dr. Ronquillo," Sabi ni Nancy at bumaling na sa nakatao sa counter ng canteen at umorder ng isang tasang kape. Hindi kailangang mahalata ni Artemio Ronquillo na pinagpapawisan siya gayong malamig ang aircon ng canteen. Sinasabi ng intuition ni Nancy na interesado rin ngayon, ang binata sa kanya. Kailangan na lang nyang hintayin ang susunod na hakbang nito.

"Pero, paano kung hindi tama ang kanyang intuition?" Napailing si Nancy sa naisip. Ah, kailangang tulungan ang tadhana. Kailangang dagdagan ang pagkakataon na maging makatotohanan ang pangangarap.

"Why not you join us?" Sabi nya sa binata ng makuha na nya ang inorder na kape. "Gusto ko ring magbasa ng peryodiko," At inginuso nya ang hawak na ng binata na kopya ng "Manila Bulletin".

Tumango si Art at sabay na nilang tinungo ang lamesa na kinauupuan ng mga interns na kasama ni Nancy ng pumasok sa canteen. Matapos magpakilala sa isa't-isa ang grupo, muli, isinara nina Art at Nancy ang kanilang daigdig. Sila lang na dalawa ang nasa loob ng canteen. Nagkatinginan ang mga interns na kasama nila sa lamesa. Nag-apir ang mga ito, at hinayaan ang dalawang lunurin ang kanilang sandali sa titig ng bawat isa.

Nang dumating si Nancy sa kanilang tahanan sa GreenHills, naguumapaw ang galak sa kanyang puso. Talagang maswerte siya sa kanyang birthmonth. Isang maswerteng Marso para sa kanya ang pangyayari. Hindi siya inaantok. Kailangan nyang matulog para sa shift nya sa darating na gabi. Pero, paano siya matutulog eh malinaw na malinaw sa kanyang pandama ang lalaking-lalaki na bango ni Artemio Ronquillo habang magkatabi sila sa lamesa sa canteen. Yung malamlam nitong mga mata na parang laging nagpapa awa ay tagos kaluluwa kung ititig sa kanya.

At hinihintay nya ngayon na tumunog ang kanyang mobile phone. Nangako itong ititext siya matapos kunin ang kanyang numero." Pareho kaya sila ng nadarama?" Tanong sa isip ni Nancy.

Samantala katatapos lang maligo ni Art. Naka-brief lang siya na sinapinan ng twalya na itinapis nya. Bumubukol ang likas na malaki at mahaba nyang ari. Nag-iisip siya kung ititext agad ang dalaga. Tiningnan nya ang phone book ng kanyang mobile phone. Ang dalaga ang nagtipa ng kanyang sariling numero sa kanyang mobile phone. Hinipo ni Art ang screen ng kanyang mobile phone. Parang sa gayong paraan ay madarama nya ang malambot na daliri ng dalaga na itinipa ang numero sa screen ng kanyang cell phone. Binasa nya ang pangalan na itinipa ng dalaga."Dra Roxas..."

"Masyado naming pormal," Naisip ni Art. "Eh kung gawin ko kayang, 'Beloved', o' hon' kaya?" Nangiti siya sa naisip. Naisipan nyang i-edit yung 'Dra Roxas ' na inilagay ni Nancy sa kanyang phone book. 'Love' ang ipinalit ni Art. At natuwa siya sa kanyang ginawang pag-edit sa pangalan ng intern sa kanyang phone. Nagtipa siya ng isang simpleng message at pinindot nya ang send. Subalit pumula lang ang text box ng kanyang mobile phone. Wala na siyang load. Agad niyang hinagilap ang kanyang short at nagsuot ng sando.Lalabas siya para magload.

Nainip si Nancy sa paghihintay sa inaasam na text ni Art. Ng halos sampung minuto na siyang naghihintay, ipinasiya ni Nancy na maligo muna. Parang gusto nyang umawit sa loob ng cubicle ng shower. Hinubad nya ang lahat ng saplot na suot. Tamang tama lang ang kurba ng kanyang katawan. Tayong-tayo ang katamtamang laki ng boobs. Wala pang kamay ng lalaki na nakahipo sa kanyang katawan. At habang pinadadaanan nya ng sabon ang kanyang dibdib at ang kanyang kaselanan, naiisip nya si Artemio Ronquillo. Ang diretsong tindig nito. Ang matipunong bisig ng binatang intern ay parang nag-aanyaya ng isang mainit at masarap na yakap. At napansin ni Nancy sa canteen, malalim ang biloy nito sa pisngi subalit iisa lamang ito, hindi tulad ng biloy nya na nasa magkabilang pisngi. Nagtagal si Nancy sa ilalim ng dutsa. Parang ibig nyang maibsan ng malamig na tubig mula sa shower ang pag-iinit ng kanyang pakiramdam pag sumasagi sa isipan nya yung sandaling nagkadikit ang kanilang braso ni Artemio Ronquillo kanina sa canteen.

Tinutuyo nya ang buhok sa pamamagitan ng makapal na beach towel ng mapansin niya ang pag-ilaw ng kanyang cell phone na nakalapag sa ibabaw ng kanyang tokador. Naka tapis lang ng twalya si Nancy ng lumabas sa banyo sa loob ng sariling kwarto. Pahapyaw nyang binasa ang nasa screen ng kanyang mobile phone. Hindi nga pala nya nakuha ang number ng binata. Kaya numero lang ang rumihistro sa kanyang inbox ng matanggap ang text ng binata. "Tulog ka na ba? Baka naka istorbo ako." Ito yung text na nabasa ni Nancy sa kanyang inbox. Galing kay Art ito tiyak nya. "Kalalabas ko lang sa banyo—katatapos ko lang maligo."

Ewan nya kung bakit pati yun ay kailangan niyang itext sa binata. Pero parang gusto nyang tuksuhin ang imahinasyon nito. Isipin nito na sa sandaling iyon ay bagong paligo siya. Mabango. Kaibig-ibig. At nakahanda si Nancy na ipagkaloob ang lahat ng sa kanya sa matagal ng crush nya na si Artemio Ronquillo. "Lahat ba kaya niyang ipagkaloob?" Natawa siya sa naisip. " Pati iyon?"

Nabigla si Art ng mabasa ang text ni Nancy. Napalunok siya. Bagong paligo ang dalaga. Napa buntong-hininga siya." Can I call you Nancy na lang...Doktora?" text nya para ibahin ang topic.

"Sure," Text back ng dalaga. "Pwede ngang Honey ang itawag mo sa akin," Sa isip lang ni Nancy.

"I think mas ok kung maging direct to the point ako, Nancy..." Text uli ni Art. Abot-abot ang kaba ni Nancy sa kabilang linya. "Magtatapat na ba ang binata? Agad? Parang ang bilis yata. Pero ano ang isasagot nya, magpapakipot ba siya?"

"What do you mean?" Text back niya at di napuna ni Nancy na nilalapirot nya ang dulo ng itinapis na twalya sa kanyang hubad na katawan.

" I feel, mahal kita...I love you." Parang maiiyak si Nancy sa tuwa ng mabasa ang text ni Art. kay tagal nyang pinangarap na dumating ang sandaling ito. parang hindi siya makapaniwala." Ang bilis naman yata, Dr. Ronquillo?" Text back ni Nancy. pero hindi yun ang nais nyang itipa. "Kailangan pa ba nyang magpakipot?"

"I am not rushing you Nancy...gusto ko lang bigyan mo ako ng chance na patunayan sayo na totoong mahal kita." Text uli ni Art. Pinindot ni Nancy ang call at nagrehistro ang numero ng binata. subalit isang malamig na tinig ng babae ang sumagot sa kabilang linya. "You don't have enough load to make this call,,,"

"Wala na akong load, honey, text you later." Gusto nyang bawiin yung naitipa nya pero napindot na nya yung send. At naramdaman ni Nancy na tuluyang nahubad yung tapis nyang twalya. " Ah makalaglag-ano ka talaga Artemio Ronquillo!" Napapangiti na kinuha ni Nancy ang bumagsak na twalya sa lapag. Humiga siya sa malambot nyang kama.Itinaas nya ang dalawang kamay niyakap ang tatlong unan na nasa ibaba ng headboard ng kama. May naisip siya. Kinuha nya sa drawer ng kanyang tokador ang isang pulang sign pen na may permanenteng tinta. Nagdrowing siya ng puso sa tatlong unan. Iginuhit nya ang initial ni Artemio Ronquillo. Niyakap nya ang mga unan.

"Hindi na magiging maginaw ang aking pagtulog mula sa sandaling ito. kayakap na kita sa aking bawat pag-idlip Artemio Ronquillo!"

Sa kabilang linya, hindi makapaniwala si Art sa nabasa sa inbox. 'Love ' ang inilagay nya sa phonebook sa numero ng dalaga. 'Honey' ang tawag sa kanya nito. naramdaman ni Art ang isang bagong mundo. Si Nancy ang bagong araw na iikutan ng kanyang daigdig...

Susunod: Katamisan ng Pag-ibig.