1. Home
  2. Stories
  3. Mga Binhi Ng Tadhana Prologue To Book 2
Filipino Sex Stories

Mga Binhi Ng Tadhana Prologue To Book 2

By Teddyray ·
Chapter9- Prologue To Book 2- Burol.

Sa laro ng pag-ibig wala itong batas, At sa bawat laro, mayroong mandaraya. At sa laro sa pag-ibig, ang nanalo sa pandaraya ay totoo kayang nanalo? Ang kaganapan ba ng isang obsesyon ay may hatid kayang ligaya o ang hatid nito ay isang mapait na lason na tataglayin ng pusong nandaya sa habang panahon?

Pakiramdam ni Leah wala na siyang kayang iluha, habang pinagmamasdan niya ang nakahimlay na bangkay ni Tim sa loob ng magarang kabaong. Halos ilang araw din ang ginugol ng mga kapulisan bago natagpuan ang bangkay ng propesor sa ibaba ng burol ng Kawa-kawa. Natukoy ang kinaroroonan nito dahil sa owner type na jeep na natagpuang nakaparada sa ibaba ng burol. Naging pala-isipan sa lahat ng mga nakakakilala sa batang propesor kung ano ang naging sanhi ng malagim na kamatayan nito. Hinihuna nila ay nadulas ang propesor na naging dahilan ng kanyang pagkakahulog sa bangin. Ayon sa lumabas sa imbestigasyon, wala naming foul play na naganap.

Tanging si Leah lamang ang nakakaalam sa ginawang pagpapatiwakal ng asawa.At parang hindi ito matanggap ni Leah. Hindi nya matanggap na hanggang sa huling sandali, ay hindi nya naging pag-aari ang puso at isipan ng asawa. Yung iniwan na sulat nito ay nangungumpisal at humihingi sa kanya ng kapatawaran.

Hinipo ni Leah ang kanyang tiyan. Nararamdaman na niya ang punla na naiwan ni Tim. Napatiim bagang si Leah. Naningkit ang kanyang mga mata. Gusto nyang sumbatan ang asawa, "Bakit, ang nasa kanyang sinapupunan ba ay hindi bunga ng kanyang pagmamahal?"

Tuluyan ng muling pumatak ang luha ni Leah, "Ang lupit mo Tim, napaka lupit mo! Iniwanan mo ako ng isang sanggol na hindi bunga ng pagmamahal mo!" Napakapit si Leah sa naka-bukas na salamin ng kabaong na kinahihimlayan ng asawa. Para siyang mauupos. Lason ang idinulot ng liham ni Tim sa kanya.

"Hindi ko na kayang dayain ang sarili ko Leah. Sinikap kong ibaling sayo ang aking pagmamahal. Subalit hindi makatarungan kay Lynn at sa aming pag-ibig na mabuhay ako sa pagkukunwari na mahal kita..."

Sabi ng bahagi ng sulat ni Tim sa kanya. "Si Lynn ang pag-ibig ko, at si Lynn ang buhay ko..."

"Pero, para saan ang ipinunla mo sa pagkababae ko?" Ito yung tanong sa sarili ni Leah. Ito yung gusto nyang itanong sa nakahimlay sa magarang kabaong na asawa. "Hindi ba ito bunga ng pagmamahal mo?" masakit tanggapin ang kasagutan sa kanyang katanungang iyon. Muli at muli siyang impit na napahagulgol,

Alam ni Leah, hindi na masasagot ni Tim ang tanong na yun...

Nang mabalitaan ni Helen ang nangyari kay propesor Artemio Domingo, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Laman ito ng mga pangunahing pahayagan. Agad na nagtungo si Helen sa lugar na sinabi ng mga peryodiko na kinabuburulan nito. Hilam sa luha ang kanyang mga mata, Yung mata nya na walang pilat ay mugto na sa kaiiyak. At nararamdaman nyang pati ang nasa kanyang sinapupunan ay tila nagluluksa rin, Tila ba nararamdaman ng kanyang magiging anak ang sinapit ng 'ama' nito.

Parang nararamdaman pa ni Helen yung gabi ng paulit-ulit siyang angkinin ng propesor. Alam nya, walang pag-ibig na namagitan sa kanilang dalawa. Subalit hindi ba ang obra ng paglikha sa isang bagong tao ay siyang lundo ng pag-ibig mismo? Na ang sinasabing pag-ibig ay isang abstrakto lamang na damdamin na ang pinaka lundo nito ay ang pagsilang ng isang bagong tao? Hindi ba pag-ibig yung pag-iisa ng dalawang katawan upang lumikha ng bagong nilalang?

Wala sa loob na nahimas ni Helen ang kanyang tiyan. Parang inaalo nya ang nasa kanyang sinapupunan. "Ginusto ng tadhana na maging bahagi ka ni Artemio Domingo," Ito ang sinasabi ni Helen sa kanyang isip habag hinihimas ang kanyang tiyan. At ito yung kanyang nasa isip ng matagpuan niya ang kanyang sarili na nakaharap sa makisig na bangkay na nakahimlay sa magarang kabaong. Nakayupyop doon ang kanyang byuda at tahimik na umiiyak. "Hindi ba siya man din ay byuda rin ni Artemio Domingo?" Nakagat ni Helen ang labi sa pumasok sa isip. "May binhi ding naiwan sa kanyang sinapupunan ang batang propesor."

Naramdaman ni Leah na may katabi siya sa pagkakayupyop niya sa kabaong ng asawa. Nang iangat ni Leah ang kanyang mga mata, magkahalong pagtataka at may hindi siya maipaliwanag na damdamin na pumuno sa kanya ng makita nya sa kanyang tabi ang care giver.

"Condolence po ma'am, nakikiramay po ako..." Bakit parang nasalamin ni Leah na hilam din sa luha ang mga mata nito. Bakit parang nagluluksa din ang kaharap sa pagkamatay ng kanyang asawa. Parang kahit sa pagluluksa gusto nyang solo lang niya si Tim.

Tumango-tango si Leah bilang pag-tanggap sa condolence na sinasabi nito, Burol ito ng kanyang asawa. Kailangan umiral ang civility. At hindi alam ni Leah ang tunay na pakay at saloobin nito. Nang nagkatabi ang dalawang babae sa harap ng kabaong ng nakahimlay na batang propesor, parang kumislot ang sanggol na nasa sinapupunan ni Leah. Parang may ibig itong ipahiwatig sa kanya, Pinagmasdan ni Leah ng palihim ang katabing nakikiramay na babae na nakatunghay sa bangkay ng nakaburol na asawa. Napatingin siya sa tiyan nito. Napalunok siya. Parang nararamdaman nya na kasalukuyang nagdadalan-tao din ito. Isang hindi maintindihang kaba ang nararamdaman niya.

Nang nagkatabi si Helen at ang byuda ni Artemio Domingo, naramdaman ni Helen kumislot ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Nagtataka man, hindi ito pinansin ng caregiver. Nakatuon ang kanyang pansin sa nakahimlay sa magarang kabaong na nasa kanyang harapan. Kay kisig ng propesor maging sa kanyang kamatayan. Ang nakikita ni Helen ay ang batang propesor na ang nag-iisang biloy sa kanyang pisngi ay sapat upang pawiin ang lahat ng kanyang agam-agam. Nakaramdam si Helen ng pag-iinit ng kanyang ibaba kapag sumasagi sa kanyang ala-ala ang gabing iyon na magdamag silang nagtalik ng propesor. Buong puso at kaluluwang ipinagkaloob nya dito ang kanyang pagka-birhen. Ito ang unang lalaking umangkin sa kanyang pagka-babae. At alam nyang ito rin ang huling lalaki na aangkin sa kanya. Ang maka-antig pagnanasang pag-arok nito sa malalim na balon ni Helen ay paulit-ulit nyang babalikan sa kanyang isip. Ang mainit na hininga ng propesor sa kanyang buong katawan habang inuulaol nito ng halik ang buo nyang katawan ay isang obra-maestra. Sa larangan ng pagpapaligaya, si Artemio Domingo ay higit pa sa mga dalubhasa sa sining ng pagtatalik. Kung may henyo sa pag-papaligaya at pagpapa-ibig sa mga katulad ni Helen, si Artemio Domingo ay henyo sa sining ng pagtatalik.

Samantala sa Switzerland, dumating ang ama ni Arnulfo Alcantara sa kanilang bahay bakasyunan. Inayos nito ang lahat ng kailangang mga papeles para mai-uwi ang bangkay ni Lynn sa Pilipinas. Tulala si Arnie. Parang hindi niya matanggap sa sariling hindi magkakaroon ng magandang bunga ang naging pagkidnap nya sa sinasambang doktora. Alam niya, may dapat siyang panagutan sa naganap. Kahit pa aksidente ang pagkamatay nito, siya ang dahilan ng maaga nitong kamatayan.

Habang naka-burol si Tim sa bayan ni Leah sa Legaspi, si Lynn naman ay naka-burol sa bayan ni Arnulfo Alcantara sa Pangasinan. Nakatingin si Arnie sa nakahimlay sa loob ng kabaong. Kay ganda-ganda pa rin ni Lynn sa kanyang paningin. Hindi niya pagsasawaang pagmasdan ang maamong mukha nito. Parang pakiramdam ni Tim, natutulog lang ang magandang doktora. " I'm sorry Lynn, I'm sorry..." Sabi ni Arnie sa kanyang isip. At naramdaman niyang pumatak ang kanyang mga luha. Tunay ang kanyang naging pagsisisi.

Ilang araw lang ibinurol si Lynn sa tahanan ng mga Alcantara. Ganap na ika-anim ng hapon ng maka-uwi si Arnie mula sa kanilang pribadong musoleo kung saan doon nya hiniling na maihimlay si Lynn. Pinuntahan ni Arnie ang sanggol ni Lynn sa pribadong nursery nito na ipinagawa nya bago pa man ito isinilang ni Lynn. Pinagmasdan nya ang baby ng doktora. Parang nababanaag nya ang maamong mukha ng ina nito. Parang pinunit sa ina ang kutis ng bata. May biloy din ito sa pisngi. Ngunit ang biloy nito ay sa kanyang tunay na ama.

Pumihit si Arnie palabas ng pinto ng nursery, nasalubong nya sa pintuan ang private nurse na kinuha ng kanyang ama para mag-alaga sa kanyang 'apo'. Ngumiti ito kay Arnie. Ngumiti si Arnie para suklian ang ngiti ng nurse. At sasabihin ng nurse sa mga susunod na araw na kakaiba ang ngiti ni Arnie nang sandaling iyon. Kinuha ni Arnie ang isang kwaderno sa kanyang pribadong locker sa kanyang silid. Nagsalin siya ng paborito nyang whiskey sa baso na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. may isinulat siya sa kwaderno. Pumapatak ang kanyang luha habang dahan-dahang nagmamarka ang tinta ng kanyang ballpen sa pahina ng kwaderno. Sa isipan nya ay pumapailanlang ang isang awitin. "So we may stay another season...may say goodbye and find a reason...and there's no way to disagree...but Love is stronger far than we..."

Naka dalawang baso siya ng whiskey bago natapos ang kanyang isinulat. Tumayo si Arnie, lumabas ng kanyang silid at tinungo ang kinalalagyan ng sanggol sa kuna. Binuhat nya ang baby ni Lynn. Kinarga nya. Ang init ng katawan ng sanggol ay pumupuno sa kanyang pandama. Inilapit niya sa kanyang pisngi ang pisngi ng sanggol. Hinagkan niya ang pisngi nito, Hindi nagising ang sanggol. Ibinalik nya ito sa kuna. Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tenga ng sanggol. "Good night, I will make it sure na ikaw ang magmamana ng lahat ng para sa akin. Ikaw ang bagong Arnulfo Alcantara. Kung nasaan man naroroon si Lynn,sana ay mapatawad ako ng mommy mo..."

Pagka bulong nya ng mga katagang ito, bumalik si Arnie sa kanyang silid. Ilang sandali ang nagdaan. At isang putok ang umalingawngaw para punitin ang katahimikan sa mansion ng mga Alcantara.

Book 2 Unang Kabanata : Ang Binhi Ng Awa

Nasa ika-dalawang taon na ng kanyang internship sa neuro-surgery si Art. Nakatayo siya sa arrival area ng NAIA at hinihintay nya ang kanyang mama Ofel na sakay ng Japanese Airline mula Hokkaido. Kasama nito ang asawang hapones na si Akihito. Mula ng masawi ang kanyang mommy Helen, ang kanyang ninang na si Ofel na ang naging pangalawang ina ni Art. Ito yung nag-alaga kay Art mula noong ipasiya ni Helen na makipagsapalaran sa Dubai bilang caregiver, isang taon matapos isilang si Art. Ganap ng sampung taong gulang ang edad ni Art ng umuwi si Helen mula sa pagtatrabaho sa abroad. Ipinasiya nitong manatili na sa Pilipinas para siya na ang mag-alaga sa kaisa-isang anak. Si Ofel naman ay nakapagtrabaho sa Japan at doon nakilala ang naging asawang hapones.

Madali lang nakita ni Art ang paglabas ng mag-asawa sa arrival area ng NAIA, maputi at medyo chubby ang kanyang mommy Ofel. Nakita agad siya agad ng mag-asawa at agad siyang nilapitan.

"Kanina ka pa ba", sabi nito sa binata at hinalikan ito sa pisngi tulad ng nakagawian nito. Umiling si Art.

"Eksakto lang po ang dating ko..." Naglalakad na sila palabas sa arrival area patungo sa bahagi ng airport kung saan nakaparada ang mga taxi na naghahatid sa mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon.

"Itinaon talaga namin ang bakasyon na ito sa kaarawan ni Helen, ng mommy mo..." Sabi ni Ofel habang tumatakbo ang taxi sa kahabaan ng highway palabas ng airport. Magkatabi ang mag-ninang sa likod. Si Akihito, ang asawang hapones ni Ofel ay umupo sa harapan katabi ng driver ng taxi. Nagpahatid sila sa Regency Hotel. " Matagal na akong di nakaka-uwi ng Pilipinas, at wala naman akong ibang kamag-anak dito liban sayo," Dugtong ni Ofel sa sinasabi. Ang totoo, wala silang relasyon sa dugo ni Art. Ang kwento ng kanyang ina na si Helen, si Ofel ang pinaka-matalik nitong kaibigan mula pa nang si Helen ay magtrabaho sa Hospicio bilang caregiver tulad din ng kanyang mama Ofel. Subalit, higit pa sa magka dugo kung magturingan ang matalik na magkaibigan.

Pagkaraang maihatid sila ng taxi sa Regency, nagyaya si Ofel na kumain sa isa sa mga sikat na restaurant sa Roxas Blvd.Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng restaurant, inagaw ng pansin ni Art ng isang babae sa kabilang lamesa. Naramdaman ni Art ang banyagang damdamin na pumuno sa kanya ng makita ang babae. Nahahawig ito Kay Helen. Nahimas ni Art ang sariling pisngi. Nakita nyang tumawa ang babae sa kabilang mesa at lumabas ang magandang biloy sa pisngi nito. Di sinasadya napatingin ang babae sa dako nya. Parang namalik-mata ito ng makita siya. Napalunok si Art. Ibinaba nya ang kanyang tingin at umayos ng upo sa silyang kina-uupuan habang sinusuyod ng paningin ng kanyang mommy Ofel ang mga naka listang menu na ibinaba ng waiter sa kanilang inukupahang mesa sa loob ng restaurant. Hindi mapakali si Art. Ang kanyang pansin ay nasa babae na nasa kabilang mesa.

Nang dumating ang sila Art sa restaurant, kasalukuyan ng kumakain sina Nancy sa loob. Isang salu-salo iyon na handog sa kanya ng Daddy nya sa kanyang kaarawan. Masaya si Nancy at nasa sa ikalawang taon na siya ng kanyang internship sa general medicine. Pagkatapos nito pwede na siyang kumuha ng licensure exam para maging ganap na doktor. Lucky months nya ang kanyang birth month. At sa kanyang kaarawan na yun, parang dininig ang kanyang panalangin. Muling nag-krus ang landas nila ng kanyang college crush na si Artemio Ronquillo!

Subalit parang nabuhusan ng malamig na tubig ang kanyang tuwa ng tumayo na ang kanyang daddy at nagyaya ng lumabas sila ng restaurant. At habang papalabas sila ng restaurant, parang gusto nyang lapitan ang binata, at magpakilala. Subalit naramdaman niya ang paghawak ng kanyang mommy sa kanyang braso at sabay na silang lumabas para tunguhin ang lugar na kinahihimpilan ng kanilang sasakyan. Isang malalim na buntong-hining ang pinakawalan ni Nancy ng nasa loob na sila ng kotse. At ito ay hindi nakalagpas sa pansin ng kanyang mommy. "Hmmm mukhang nabihag agad ang puso ni bunso at hindi maalis ang tingin sa gwapong nasa kabilang mesa kanina, ha Daddy" Kantyaw ng kanyang mommy. Pakiramdam ni Nancy ay nag-blush siya. Lalong lumitaw ang ganda ng dalaga kapag nagba-blush. Nagkukulay rosas ang kanyang pisngi. " Natatandaan ko po yung nasa kabilang mesa, schoolmate ko po yun sa UP at kaklase ko sa ilang asignatura. Hindi lamang po nya ako napansin." Pagpapaliwanag nya sa kanyang mommy at daddy. Ang totoo, matagal ng crush ni Nancy si Artemio Ronquillo. Subalit hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit na magkakilala. Parang sarado ang daigdig ng binata. Parang wala itong panahon sa ibang bagay kundi yung pag-aaral nito. Hindi lang si Nancy ang lihim na tagahanga ng binata sapagkat bukod matalino ito, kabilang din ito sa mga manlalaro sa kanilang paaralan sa larangan ng Taekwondo.

"Hindi lang siya napansin?" Naisip ni Nancy."Pero ano yung parang nakita nyang kislap sa mga mata nito ng saglit na nagkatitigan sila kanina?" Muling napabuntong-hininga si Nancy. Ginigiyagis na naman siya ng damdaming nasa dibdib na niya noong una pang niyang masilayan si Artemio Ronquillo sa campus.

Kung si Nancy ay napapabuntung-hininga, si Art naman ay nakadama ng panghihinayang na hindi nadugtungan ang pagkakataon na makilala nya ang dalaga sa kabilang mesa kanina. Sa buong buhay nya, kanina lang siya nakadama ng iglap na atraksyon sa isang babae. sa edad nyang dalawampu at walo sa dalawang babae lamang umikot ang kanyang daigdig. Sa kanyang namayapang ina na si Helen at sa kanyang mommy Ofel.

Namatay ang kanyang ina ng siya ay magtatapos pa lang ng high school. Inatake ito sa puso. Ilang araw din itong nag comatose. Dama ni Art parang may gusto itong sabihin sa kanya bago ito nalagutan ng hininga. Ang sasabihin kaya nito ay tungkol sa kanyang 'ama'? Naalala nyang ni hindi binanggit ng kanyang ina ang tungkol sa kanyang ama.Pero may nakita siyang mga ginupit na artikulo sa dyaryo ang kanyang ina at maingat nitong idinikit sa isang kwaderno. Iisa lang ang laman ng mga artikulong iyon. At ito ay tungkol sa pagkamatay ng isang Artemio Domingo.

Kapangalan nya ang nasa artikulong iyon. Si Artemio Domingo ba ang kanyang ama? Sino si Artemio Domingo? Kilala ba ng Mama Ofel nya nya si Artemio Domingo? Sa kaibuturan ng kanyang damdamin, nakakapa rin ni Art yung mga sandaling parang naghahanap siya ng pagmamahal ng isang ama. At nararamdaman din nya ang pananaghili kapag nakikita nya ang isang batang lalaki na kalong ng kanyang ama. Parang gusto nya ring madamang maglambitin sa bisig ng isang ama. At sa murang edad nya noon hindi nya maintindihan bakit wala siyang ama.

Pauwi na sila sa hotel na tinutuluyan ng mama Ofel ni Art at ng asawa nito, Si Art ay umuupa sa isang di kalakihang apartment malapit sa ospital na kanyang pinapasukan bilang intern. Tutuloy na siya doon pagkahatid niya sa mag-asawa sa Regency. Binasag ni Ofel ang katahimikan sa pagitan nila ng inaanak habang tumatakbo ang taxi pabalik sa hotel. "Malapit ka ng maging ganap na doktor , Tim, anong plano mo pagkatapos?" Napalingon si Art sa katabing ninang nya, Parang nagulat din si Ofel. Hindi Tim ang ipinalayaw ni Helen sa anak kundi, ' Art.' Ayaw ni Helen na maging kapareho ng namayapang propesor ang palayaw ng anak, kahit pa ipinareho nito ang pangalan ni Art kay Artemio Domingo.

"Sino si Artemio Domingo, mama Ofel?" Nagulat si Ofel sa itinanong ng inaanak.

"Nabasa mo yung diary ng mommy Helen mo?" Biglang sagot nito at lalong nabuksan ang kuryusidad ni Art, tungkol kay Artemio Domingo. " Anong diary, mama Ofel?" Nagulumihanan na si Ofel. Naramdaman nyang para siyang nahintakutan."Kailangan pa bang malaman ng kanyang inaanak ang lihim ng pagkatao nito?" Napatitig si Ofel sa katabi. Nakikiusap ang mga mata ng inaanak. Ipinasiya ni Ofel na panahon na para isiwalat kay Art ang lihim ng kanyang pagkatao.

Tiim-bagang si Art habang binabasa ang diary ng kanyang ina. Hindi inisip ni Art na maghalungkat sa maleta ng ina, kaya hindi nya agad natuklasan ang lihim ng kanyang pagka-tao. Isang magdamag lang ang naganap. At siya ay 'nabuo' sa pagsisiping ng kanyang ina at ni Artemio Domingo. Doktor ang kanyang ama at isang propesor. "Ngunit, kinilala kaya ni Artemio Domingo na anak siya na nasa sinapupunan ng kanyang inang si Helen? Hindi binanggit sa diary ng kanyang ina kung mahal ba ni Artemio Domingo si Helen. Kaya di nya batid kung siya ba ay nabuo hindi dahil sa pag-ibig kundi sa pagnanasa? Mas higit na masakit isipin na siya ay nabuo dahil lang sa awa ni Artemio Domingo sa kalagayan ng ina.

Hindi maitatatwa na kahit naging gano'n ang hitsura ng kanyang ina ay maganda ito. Sing ganda ng babae na umagaw sa kanyang pansin sa restaurant...At hindi nya sinisisi ang kanyang ina na hangarin ang isilang siya. Naisip ni Art, mas higit na dapat nyang mahalin ang sarili at tuparin ang pangarap ng ina. Awa man o pagnanasa ang naging dahilan kaya siya isinilang, hindi mahalaga iyon. Ang mahalaga ay ang buhayin ang pangarap ng kanyang ina na magkaroon ng isang supling na magbibigay katuparan sa kanyang pagiging babae at isang ina...

Susunod: Pag-ibig na Itinakda...