1. Home
  2. Stories
  3. My Devils Boyfriends Prologue
Lagablab

My Devils Boyfriends Prologue

Written by Hunter on

My Devils Boyfriend Prologue : the Devils Interest

"ako si Mephistopheles Walker tawagin nyo nalang akong Mephisto" pag papakilala ng isang binata sa buong klase na ngayong araw ay sisimulan nyang atinan.

si mephisto ay may taas na 5'8 maputi may buhok na kulay gray may pulang mata at hindi rin maipag kakailang si mephisto ay magandang lalaki pero sa kabila ng lahat ng eto ay hindi isang tao si mephisto isa syang Demonyo na pumunta sa ibabaw ng lupa.

isang araw nanonood si mephisto ng mga pangyayari sa ibabaw kung meron bang interesanting pang yayari o mangyayari sa kanyang salamin.

at habang humahanap sya ng puweding pumukaw sa kanyang interest ay natigil ang pag hahanap nya sa isang imahe ng isang magandang dalaga.

si Katherine Del mundo isang top student mabait may taas na 5'5 palakaibigan at may inusenting itsura sa kanyang mala anghel na muka.

dito natulala si mephisto dahil sa unang pag kakataon ay nag karoon sya ng interest sa isang tao sa isang nilalang na dati ay tinuturing nyang basura ng mundong ibabaw.

"sige na mephisto puwede ka ng umupo sa tabi ni Katherine at katherine ikaw na ang bahala kay mephisto kung may tanong sya please" sinabi ng guro kay mephisto at utos nito kay katherine.

"hi ako nga pala si Katherine but you can call me katty" pag papakilala ng dalaga kay mephisto na may matamis na ngiti sa kanyang mala anghel na muka.

"nice to meet you katty" nakangiting sagot naman ni mephisto sa pag papakilala ng dalaga sa kanya.

"puweding mag tanong?" tanong ni katty kay mephisto na pinag taka ng binata.

"sige ano yun?" tanong naman ni mephisto kay katty.

"natural ba yang buhok mo at yang mata mo tunay ba yan hindi lens?" tanong ni katherine kay mephisto na dahilan para mapangiti si mephisto.

kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at dinala eto sa kanyang ulo para mahawakan ang kanyang buhok.

"muka bang hindi natural ang kulay ng buhok ko at ang mata kulay ng mata hindi yan lens tunay yan" sagot ni mephisto habang hinihimas ng dalaga ang kanyang buhok.

napangiti naman si Katherine dahil nakakatuwa para sa kanya ang pag katao ng binatang si mephisto.

natapos ang araw at hindi nag hiwalay ang dalawa dahil narin sa utos ng guro na tulungan ng dalaga si Mephisto dahil nga bago palang eto sa paaralan.

madilim na sa labas at sa bahay na napiling tuluyan ni mephisto ay isang hindi inaasahang bisita ang nag pakita kay mephisto.

"Mephistopheles anong ginagawa mo dito sa ibabaw?" tanong ni Oriel ang Ruling angel of the Tenth hour of the day kay mephisto.

"ikaw pala Oriel bakit mo tinatanong wala naman akong masamang ginagawa hindi ba gusto ko lang mag punta sa ibabaw ang usapan naman ay puweding pumunta sa ibabaw hanggat walang ginagawang makakasama sa mga tao hindi ba?" sagot ni Mephisto kay Oriel na walang dalawang isip na binunot ang espada at itinutok sa muka ni mephisto.

"bumalik kana sa pinang galingan mo Mephistopheles!" utos ni Oriel kay Mephisto na dahilan para ngumiti lang ang binata.

"Oriel Oriel Oriel wag mong itutok sakin ang espada mo dahil alam naman natin at ng lahat ng anghel na ikaw ay walang laban sakin" sinabi ni mephisto kay Oriel at hinawakan ang talim ng espada ni Oriel at ibinaba eto.

"at isa pa wala akong balak na masama gusto ko lang na maiba naman ang paligid ko kaya kung ako sayo bumalik kana sa langit at manahimik ka kung ayaw mong mamatay ikaw din alam mo namang masama akong magalit" dagdag pa ni mephisto sa sinabi nya kay Oriel at nag pakawala eto ng itim na liwanag at nag simulang lumabas ang mga tatak at palatandaan na isa sya sa pinaka malakas na demonyo.

"Oriel! anong ginagawa mo dito?" tanong ni Michael at hinatak palayo si oriel kay mephisto.

"michael kamusta na matagal tagal na ng huli kitang matalo" naka ngiting pangangamusta ni mephisto kay Michael.

"mabuti naman at ikaw tuso ka parin gaya ng dati" sagot ni michael kay Mephisto.

"Michael mabuti at nandito ka ngayon sigurado akong kaya na natin syang matalo" sagot ni Oriel kay Michael.

"wag kang hangal Oriel ikaw ang may mali sa sitwasyong eto tama sya wala syang ginagawang masama andito sya para mag libang libang at wala syang planong masama" sinabi ni michael kay Oriel.

"pero pano mo nalaman michael?" takang tanong ni Oriel kay michael.

"nag paalam sya kay Ama at walang nakitang masama si ama sa kahilingan ni Mephisto at isa pa hindi magagawang wasakin ng isang kagaya nya ang lugar kung nasan nadun ang interest nya magagawa pa nya etong ipag tangol" sagot ni Michael kay oriel na wala ng nagawa kung hindi sumama nalang sa pag balik sa langit.

hindi pa nag tatagal sa pag alis ang dalawang anghel ay nag ring ang doorbell ni Mephisto na agad namang sinagot ng binata.

"hi mephisto" pa sigaw na pag bati ni Clarince kasama ang ilan pa nyang classmate at di rin nawala si Katherine sa grupo ng mga classmate nya na may dalang pag kain.

"anong meron?" takang tanong ni mephisto sa mga classmate nya pero kay katherine lang sya nakatingin.

"welcoming party para sayo" masayang sigaw ng mga classmate nya at agad namang pumasok ang mga eto.

naging masaya at maingay ang unang gabi ni mephisto kasama ang kanyang mga classmate dahil sa welcoming party na ihinanda ng mga eto.

kinabukasan sa klase ay bumalik sa normal ang lahat at ang bawat tanong ng guro kay mephisto ay nasasagot nya eto ng tama at walang mali.

na naging dahilan para hangaan sya ng iba nyang classmate pero iba ang dating nito sa kay katherine na kanyang interest dahil para kay katty sya ay isang ka kumpitensya at ngayon ay hindi na classmate ang turing sa kanya ni katty kung hindi karibal.

sa kada tamang sagot ni Mephisto ay pinipilit namang lagpasan eto ni katty para patunayang sya ang pinaka matalino sa buong klase.

agad namang napansin ni mephisto ang ginagawang pakikipag kumpitensya sa kanya ni katty at dala narin ng kanyang pride ay hindi magawang mag patalo ng demonyong hari.

naging mabilis ang pag kalat ng usap usapang mag kalaban sa pagiging matalino si Katherine at Mephisto at dahil sa balitang eto ay mabilis ang naging pag sikat ng binata sa school nila.

"mephisto puwede ka bang makipag date sakin?" tanong ng isang dalaga kay mephisto isang araw habang nag lalakad sya papasok ng school.

napangiti ang binata dahil maganda ang dalagang nag aaya sakanya pero ibang tao ang gusto nyang makasamang lumabas at yun ay si Katty.

"pasensya na pero bago palang ako dito at ayoko munang pumasok sa isang relasyon" mabait na pag tanggi ni mephisto sa dalaga pero hinalikan nya ang kamay nito dahilan para matuwa ng husto ang dalaga.

"sikat kana ngayon ah mephisto?" tanong ni katty kay mephisto na tanging ngiti lang ang sinagot ng binata.

"oi sumagot ka naman kinakausap kita" sinabi pa ni katty ng hindi mag salita ang binata.

"ano naman ang gusto mong sabihin ko na gusto kita na interesado ako sayo?" tanong ni mephisto kay katty na dahilan para mamula ang muka ng dalaga.

"te...ka anong sa...sabi mo?" tanong ni katty kay mephisto na nag palingon dito.

"ang sabi ko gusto kita di mo ba narinig?" muling sagot ng binata kay katty na hindi humaharap sa dalaga.

"mephisto bobo ka tanga tanga tanga ayoko na sayo" sigaw ni katty na ginagulat ng lahat ng nakarinig at lahat ng tao sa paligid ay napatingin kay mephisto at matapos sabihin eto ng dalaga ay tumakbo eto palayo.

hindi naman alam ni mephisto kung bakit naging ganun ang reaksyon ng dalagang si katty at nag tataka rin ang binata kung bakit lahat ng makasalubong nya ay ngumingiti na parang may alam na hindi nya alam.

sa klase ay wala ang dalagang si katty kaya naman wala sa mood ang demoyong hari sa pag aaral at walang sabi sabing lumabas eto ng classroom na hindi napansin ng buong klase.

"saan ka pupunta?" tanong ng isang pamilyar na boses at ng lingunin eto ni mephisto ay si katty naka ayos ang buhok na dating hindi nag aayos ay ngayon ay naka ayos na at natulala si mephisto.

"ang ganda mo ngayon bagay sayo ang ayos ng buhok mo" nakatulalang sinabi ni mephisto kay katty na naging dahilan para mamula ang mukha ng dalaga.

"talaga salamat naman at bagay" nahihiyang sinabi ng dalaga kay mephisto habang hinahawi nito ang kanyang buhok para makita ng binata ang ginawa nyang pag aayos sa sarili.

itutuloy.....

More from hunter

Lagablab

Lustful Eve 15

hunter

Lustful Eve 15- when i meet the mom By ~H ni ¤Sheng ¤~ Pinili ko ang pinaka matinong damit ko sa...

2 minutes Read Time
Lagablab

Two Sided Coin 27

hunter

TSC 27 - Ang Pagbabalik pag pasok na pag pasok ay halos matumba ako kakatawa dahil may handa na nakalagay sa...

9 minutes Read Time
Lagablab

Controversial Story Lihim : Prologue

hunter

Controversial Story Lihim Prologue : Pamilya Kagalang galang isang ginagalang na pamilya sa isang siyudad dahil sa kanilang pagiging matulungin mapag...

7 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 14

hunter

Dead of Time - Back on the Road! lumipas ang mga araw at bumuti na ang lagay ng apat na...

9 minutes Read Time
Lagablab

Lustful EVE 10

hunter

Lustful Eve 10 - Jaja Boom! By ~H ni ¤Sheng ¤~ Sinimulan ko ang pang liligaw kay mayumi ng makuha ko ang...

2 minutes Read Time
Lagablab

Two Sided Coin 32

hunter

TSC 32- Mahabang Panaginip Ng Nakaraan (Part 3) Nag balik na nga ako kila carla at ate angela wala na sila...

12 minutes Read Time
Lagablab

Rated R II Stories 24

hunter

Rated R II Stories 24: The Dance of Sin matapos akong makapag pahinga ay tumayo na ako at nag palit ng...

6 minutes Read Time

Related Stories

Lagablab

Dead of Time 23

hunter

Dead of Time 23 - The Two who left for Dead tinutok ni ace ang baril sa pintuan at si art...

7 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time Finale

hunter

Dead of Time 40 - The End of Suffering! "bakit anong meron" tanong ni ace sa mga kasama kaya agad lumapit...

9 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 35

hunter

Dead of Time 35 - Deep Trouble 1 Ace and Lord pinasabog ni irvine ang mga IED na tinanim ni mephisto at...

8 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 28

hunter

Dead of Time 28 - Escape Plan! "ano nga ang plano mo" tanong ni mephisto kay irvine. nakangiting nilabas ni irvine...

8 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 15

hunter

Dead of Time - Mutation of the Hound. maagang nagising si zychelle at krish para mag handa ng makakain para...

7 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 36

hunter

Dead of Time 36 - Deep Trouble 2 Its never too late to return. "ano nanaman yun" takot na tanong ni krish...

8 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 1

hunter

Dead of Time 1 - Humanity is still alive? "takbo" sigaw ng isang lalaki dahil hinahabol sila ng hindi pa nabibilang...

7 minutes Read Time
Lagablab

Ang Aking CS Chapter 3

jerund

Ang normal na araw na inaasam ko.... Ang mundong ginagalawan at inaapakan kong lupa.... Ay may kababalaghan palang nagaanap Tumingin...

6 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 17

hunter

Dead of Time 17 - Time to move Fast! "anung sinasabi mo" sagot ni leonard kay mephisto. "Fade sabihin mo ang...

6 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time 31

hunter

Dead of Time 31 - The End of Cronus! "nasan na ba un" nag mamadaling pag hahanap ni art sa balang...

9 minutes Read Time