1. Home
  2. Stories
  3. Nagising Na Init At Pagnanasa - Part 1
Lagablab

Nagising Na Init At Pagnanasa - Part 1

By f1ctionfactory ·

Nagising Na Init At Pagnanasa - Teaser & Part 1

Ang Kwentong ito ay gawa mula sa malikot at malikhain kaisipan ng may-akda. Kung may mga pangalan, karakter, lugar o pangyayari na nahalintulad sa kwento ay hindi po sinasadya.

Ekslusibong isinulat ko ito para sa www. lagablab.net lamang.

Teaser:

Ang Kuwentong ito ay umiikot sa buhay ng Mag Asawang Michelle at Rico. Ang mga ibang karakter ay makikilala sa iba't ibang parte ng istorya.

Sa nakalipas na sampung taong pagsasama nila ng kanyang asawa na si Rico, tatlong taon bilang magkasintahan at pitong taon bilang mag asawa, ay hindi man lang sumagi sa isip ni Michelle ang magnasa sa ibang lalake ... maski pa maraming umaaligid at pasimpleng nanliligaw sa kanya para maikama lang sya ... hindi siya natukso o hindi niya inisip na magkaroon ng realsyon sa ibang lalake ... pero nagbago ang kanyang damdaming seksuwal ng maganap ang hindi inaasahang mainit na magdamag sa piling ng ibang lalake ... hindi niya akalaing magagawa niya sa isang gabing ... araw ng anibersaryo ng kumpanya nila Michelle ...

Mahal niya si Rico at halos at alam niyang ganoon din ang kabiyak sa kanya ... alam niyang marami ang nagsabing palikero ito at iiyak lamang siya sa piling nito ... hindi sya nakinig dahil nakita niya ang pagbabago nito at kung paano siya sambahin at mahalin ng kabiyak niya ... kaya naman sinuklian lamang niya ang pagmamahal at pag-ibig na idinilig sa kaniya nito magmula ng sila ay ikinasal.

Maganda ang kanilang pamumuhay ... walang problema sa pera ... maganda pareho ang katayuan ng kanilang careers ... mabait na asawa, ama at good provider si Rico ... may hinala siya na paminsan minsan ay nag gu-goodtime ang kanyang ang asawa dahil kasama ito sa trabaho niya para sa kliyente ... minsan may nadudulas na mga katsikahan niya na asawa ng mga kasamahan ni Rico na naglabas daw ang mga ito ng mga babae para sa mga kliyente at sa kanila ... okay lang kay Michelle ang mga ganoon ... dahil alam niya physical lang at part of his job ... at sa kanya pa din ang uwi.

Labis ang tiwala at pagmamahal niya sa asawang si Rico ... pero parang naglaho ito dahil ang kanyang mga hinala sa nakaraang mga business trips ng asawa at nakumpirma nga ng pinsan niya ang hinalang iyon ... puno ng galit ang puso at damdamin niya ng araw na iyun ... at nilabuan din sya ng kaisipan na pinatindi pa ng nainom na alak ... kaya umaksyon siya na kung normal siya ay hindi niya gagawin ang naganap ng gabi na iyon ... isang gabing kung saan nag-umpisa ang maliit na siklab ng init at pagnanasa sa ibang lalake. ...

Ang magdamag na iyon ng punong puno ng init at pagnanasa kay Michelle ... kamay ng ibang lalake na lubos na naging malaya sa paghaplos sa kanyang kaselanan at buong katawan ... ang labi at dila nito na nagpaalab sa kaniyang nakatago na libog at pagnanasa ... panibagong bisita sa kaselanan niya na nagsugpong sa kanilang mainit at pawisan na katawan ... at nakalasap ang kaibuturan ng kanyang hiyas ng panibagong nectar at likido na dumilig dito ...

Lunod sa sarap si Michelle sa nag-aapoy na pagtatalik na kanyang naranasan ... nagising ang kanyang init at pagnanasa na hindi pa pala naipalabas lahat ng kanyang asawa na si Rico na magaling din sa kama ... nagising ang tawag ng laman na magnasa siya sa ibang lalake at masusundan pa ito ng pakikipagtalik sa iba ... na magdadala sa kanya sa hindi magandang situwasyon ... ang situwasyon na maiisip niya muli na si Rico pa din na kabiyak niya ang kanyang masasandalan!!!

=======

Chapter 1

Humahangos si Michelle papuntang banyo para maligo. Kailangan nyang magmadali dahil baka mahuli sya sa pagtitipon sa isang hotel dahil sa anibersaryo ng kanilang kumpanya. Galing pa sya sa probinsya nila sa Bulacan dahil inihatid ang dalawang anak sa bahay ng biyenan upang magbakasyon, Limang taong gulang ang panganay na lalaki at tatlong taong gulang ang bunsong babae. Tapos na ang klase ng mga bata at umpisa ng summer vacation ng mga mag aaral. Kadalasan ay sa mga lolo at lola nila nagbabakasyon ang mga anak nila ng asawang si Rico kapag tapos na ang pasukan. Ang asawa nyang si Rico sana ang maghahatid pero na extend na naman ng ilang araw ang business trip nito sa Bacolod. Kinailangan nyang ihatid din sa araw na yun ang mga bata dahil may okasyon na pangbata kinabukasan ng umaga na lalahukan ng halos lahat ng kamag anakan nila.

Tapos ng maligo si Michelle, dahil sa kamamadali ay wala syang nadalang panty at bra ng pumasok sa banyo. Kaya nagtapis na lang sya ng tuwalya, mag isa lang naman ako ngayon nasabi nya ... maski sa kuwarto nilang mag asawa yun ay nakaugalian nyang magdala ng panty at bra kapag papasok sa banyo para maligo. May usapan sila ng asawa nyang si Rico na para mapanatili ang pagkasabik ng isat isa sa kanilang katawan ay hindi sila lalakad ng hubo't hubad sa loob ng kuwarto. Tuwing mag sesex lang sila dapat magpakita ng buong kahubadan ng kanilang mga katawan.

Nag umpisa ng magsuklay ng buhok si Michelle at tinatapatan din nya ng hair dryer para matuyo ito kaagad. Maya maya ay tumunog ang cellphone nya, si Amy ang nakababata nyang pinsan ng tatlong taon at kapatid na din ang turing nya dahil nagsama sila noon sa bahay ng isa nilang tiyahin sa Maynila ng nasa kolehiyo pa sila at ng umpisa pa lang magkatrabaho ni Michelle.

Hello Amy, napatawag ka ...

Ate nasaan ka ngayon .... tanong ng pinsan nya ...

Nandito lang ako sa bahay namin, parang humihingal ka sagot ni Michelle ...

Ah naglalakad lang ako ng mabilis Ate ...

Bakit may masamang nangyayari ba? ... kinakabahang tanong ni Michelle ...

Wala Ate okay lang ako, may iniiwasan lang ako pero tungkol sa iyo ito ...

Dinig ni Michelle na parang sumakay ng sasakyan nya ang pinsan dahil narinig pa nya ang pagsara ng pinto. Maya maya ay may naririnig syang boses ng lalaki sa malayo ... nagsalita ng Amy sandaliiii ... at narinig din nya ang malakas na tunog ng gulong na humarurot.

Hello Amy okay ka lang ...

Okay na ako Ate nakasakay na ako sa kotse ko at malayo na ako sa kanya...

Sino ba yung narinig kong tinatawag ka ...

Nasaan ang asawa mong si kuya Rico? ... tanong ni Amy ...

Nasa Bacolod sya at sa makalawa pa ang uwi nya sagot ni Michelle ...

Kalalabas ko lang ng parking dito sa isang mall sa Cavite ate ... huwag kang mabibigla Ate .. si Kuya Rico yung humahabol sa akin at sya yung narinig mo na tumatawag sa akin ...

Parang kinurot ang dibdib ni Michelle at bumilis ang tibok ng puso nya.

Paanong .... ???? at di na sya makapagsalita ...

Ayaw ko sanang sabihin ito sa iyo pero alam mo naman ang pinagsamahan natin at alam ko kung gaano mo kamahal si Kuya Rico ... nasaktan ako para sa iyo Ate ng makita ko sya sa isang restaurant at kaakbay ang isang babae at masaya silang nagkuwekwentuhan ... Para makasiguro na sya nga yun ay pasimple ko pa silang linapitan at ng malapit na ako ay nagtutukaan pa sila sa labi ... Ng masiguro ko nga na si Kuya Rico ay mabilis akong umalis ... Papunta ako sa parking lot at nagumpisa akong tumawag sa iyo ... naisip kong lumingon at nakita ko syang nasa escalator pababa at nakatingin sa direksyon ko kaya nagmadali akong maglakad ... at alam mo na iyung ibang nangyari ...

Tahimik lang si Michelle, nag umpisang tumulo ang luha nya.

Ate sorry ha, at bad news ang dala ko ...

Okay lang Amy dapat naman malaman ko ang bagay na yun ...

Ate mag usap kayong mabuti at mahinahon ni Kuya Rico ...

Oo Amy, salamat, ingat ka sa pagmamaneho mo ...

Pagkababa ni Michelle ng cellphone nya ay pinatay nya ito, pati ang landline ay hinugot nya. Humangos at padapang pumatong sa kama nilang mag asawa.

Bumuhos ang luha ni Michelle ... maraming tumatakbo sa isip nya ... 33 anyos, Guwapo at matipuno ang kanyang asawa, marami na itong naging girlfriend dati bago nya sinagot ito at maski hanggang ngayon alam nya ay lapitin pa din ito ng mga babae. Pero tiwala sya kay Rico dahil maganda ang kanilang pamumuhay ... basta nandito sya sa bahay nila sa Maynila ay lahat ng oras nito ay binubuhos sa pamilya ... Parang naglahong bigla ang tiwala nya ... naisip nya ngayon na itong mga huling business trips ng asawa ay lagi na lang nag eextend ng ilang araw dahil hindi pa daw natatapos ... sa kababalita pa lang ng pinsan nyang si Amy ay naisip nya ... matagal na bang ginagawa ni Rico ito, may babae syang iba, ibinabahay kaya nya sa Cavite ... huwag naman sana at talagang lagot sya sa akin ... Dahil pagod sa byahe at dala ng sama ng loob ay naka idlip si Michelle.

Samantala ay naihatid na ni Rico si Leni sa kanilang bahay, sya ang babaeng kasama nya ng makita sila ni Amy. Medyo mabilis ang kanyang pagmamaneho para makauwi ng bahay dahil hindi nya makontak si Michelle sa cellphone at sa landline nila.

Nag iisip si Rico, minsan na siyang nahuli ni Amy na mas matindi pa kaysa ngayon ang nakita. May kasamang babae si Rico sa isang beach noon at dalawang araw din silang naglagi doon ... hindi nya alam na doon pala ang company outing nila Amy ... nakita na sya ni Amy at pinagmamasdan lang sya nito at ang kasamang babae sa maghapon ... Nang paalis na sila Amy ay nagpakita ito sa kanya, hindi nagsalita at walang sabi sabi ay iniwan sya nito ... hindi nya ito nakausap dahil sumakay na ito sa bus ng kumpanya nila para umuwi na. Hindi nagsumbong si Amy sa pangyayaring yun.

Kaya ng magkita sila ay pinasalamatan nya si Amy ... nakangiting nakakaloko si Amy sa kanya,

Kuya Rico alam mo natsambahan lang kita, hindi ko alam kung madalas mong ginagawa yan ... mahal ka ni Ate Michelle sana itigil mo na ang kalokohan mo ...

Oo Amy pangako ko sa iyo yan ...

Ikaw ang mangako sa sarili mo dahil kapag natsambahan kita ulit ay isusumbong na kita kay Ate Michelle ...

At ngayon alam na ni Rico na naisumbong na sya ni Amy sa kanyang asawang si Michelle. Naiiling na lang si Rico, mahirap na paliwanagan ito ... parang nagsisi na sya ... hindi kasi nya mapapalampas na di maikama lalo na ang mga babae pa ang lumalapit at nagpapahiwatig sa kanya ...at hindi talaga nya mapigilan ang sarili na hindi patulan ... kung tutuusin ay mas maganda at mas seksi pa din ang asawa nyang si Michelle sa mga babaeng pinatulan nya ... talagang hindi nya lang mapigilan tumikim ng ibang putahe ... Mapatawad at maiiayos nya lang ang gusot na ito ngayon at magbabago na talaga sya.

Mga 20 minutos din nakaidlip si Michelle at naalimpungatan ito dahil nga meron syang pupuntahan na pagtitipon.Tumayo na ito mula sa kama ... dahil sa pagkakadapa nya sa kama ay lumuwag ang pagkatapis ng tuwalya sa katawan nya ... nahulog ito, hubo't hubad na sya at napadaan sa salamin na makikita ang buo nyang katawan mula ulo hanggang paa. Tinignan ang kanyang sarili.

Ang tipo ng ganda ni Michelle ay pinaghalong Marianne Rivera at Carla Abellana ... edad 29 pero mas bata syang tignan kaysa sa edad nya ... kung pagsuuotin mo sya ng uniporme ng isang kolehiyala ay babagay pa sa kanya at baka talunin pa nya ang isang tunay na kolehiyala. 34C-26-36 ang sukat ng katawan nya ... masasabing halos katawan nya noong dalaga pa sya ...kaya maraming hindi makapaniwala kapag nalaman na dalawa na ang anak nya ... flat ang kanyang puson ... maganda pa din ang tayo ng kanyang mga suso ... alaga ni Michelle ang katawan kaya malinis, makinis itong tignan, napakasarap haplusin ng kanyang mga kutis.

Maraming kalalakihan ang nabibighani kapag nakikita nila si Michelle ... ikinatutuwa nya ito at lalo na ng kanyang asawang si Rico dahil nakakpagmalaki si Rico sa loob nya sa ibang kalalakihan tuwing kasama nya si Michelle. May ilang kalalkihan na din ang nagpahaging kay Michelle, hindi naman diretsahan pero alam ni Michelle na ang lalaking gustong makipagmabutihan sa isang babaeng may asawa ay isa lang ang habol, ang maka score o maikama sya. Kaya ipinag wawalang bahala nya langito at matamis na ngiti lang ang isinusukli nya.

Habang patuloy na tinitignan ni Michelle ang katawan sa salamin ay ... naalala nya muli ang sinabi ni Amy tungkol sa asawa ... ang sakit na nararamdaman nya ay napalitan ito ng galit at inis sa asawa ... kinausap ang sarili ... mag uusap tayo Rico kung bakit mo nagawa ito ... pinanatili kong maganda at kaayaaya ang aking sarili, ang aking katawan para hindi ka na makaisip pang magloko ... Alam mo din na maraming umaaligid aligid sa akin na mga kalalakihan ... kahit may mga pagkakataong natutukso din ako ng mga lalaking matatamis ang mga dila ay nagpakatatag ako dahil sa pagmamahal ko sa iyo Rico at sa ating pamilya. Ngayon Rico asawa ko ... saang direksyon na tayo tutungo dahil sa mga kaganapang ito sabi ni Michelle sa sarili.

Nagumpisa ng magbihis si Michelle ... nag suot ng kulay itim na lace na bra at bikini hi cut na panty. See through ang mga ito ... aninag ang maseselang parte ng katawan niMichelle. Napangiti sya, nagustuhan ang pagkakaaninag sa mga ito mula sa kanyang bra at panty ... naging feeling sexy ang mood nya ... kung may ibang babae na kumuha ng atensyon mo Rico ay magpapansin din ako ngayon, kukunin ko ang atensyon ng mga kalalakihan ngayong gabi. Namili sya mula sa tatlong damit na inilabas ... isang black dress na sleeveless at hapit ito at yumakap ang tela sa ganda ng kurba ng kanyang katawan, bakat ang mabilog at matambok na pwet nya, at litaw din ng konti ang mapuputi nyang mga hita dahil apat na pulgada ang pagitan ng layalayan ng damit at tuhod nya ... pinatingkad ang ganda nya sa magaan na make up at lipstick na linagay nya ... at nagpabango.

Tumawag sya sa security sa gate ng subdivision nila, nagpatawag ng taxi ... Naisip na hindi sya magdadala ng sasakyan, hindi sya uuwi sa kanilang bahay ngayong gabi, pagiisipin nya ng husto si Rico kung nasaan sya. ... tatawagan nya mamaya si Amy at doon sya muna maglalagi ng ilang araw, may mga damit din sya doon. Bagong lipat ng bahay sila Amy at asawa nito at hindi pa alam ni Rico kung nasaan ang lugar.

Nasa harap na ng bahay nila ang taxi, nakatayo ang driver at hinihintay sya ... pati ang driver ay namangha sa ganda at seksi ng kanyang magiging pasahero ... ipinagbukasan ng driver ng pinto si Michelle. Hindi nakawala sa mga mata ng driver ang pagbuka ng mga hita ni Michelle habang papaupo ito, kita nya ang mapuputing hita at umbok ni michelle na natatakpan ng itim na panty ... ang bilis ng epekto sa driver, tumigas agad ang alaga sa pagkakasilip ng kahit tatlong segundo lang ng katakam takam na umbok at mga hita ni Michelle. Di lingid kay Michelle ang naging direksyon ng tingin ng mga mata ng driver sa ibabang bahagi nya, pati ang pagbukol ng alaga nito sa kanyang pantalon ... lihim lamang syang napangiti sa tinuran ng driver dahil alam nyang matagal nanamnamin ng driver sa isipan nya kung ano man ang nakita nito.

Kaya ng makaupo na din ang driver sa loob ng sasakyan nya ay hindi na makasalita dahil paulit ulit na pinababalik sa isipan ang nasilip kay Michelle ... agad pinatakbo na ang sasakyan... napansin ito ni Michelle at napangiti.

Mamang tsuper, ikaw lang yata ang taxi driver na alam na kung saan pupunta ang pasahero ...

Sorry po ma'am, ang ganda nyo kasi eh, saan nga po pala tayo ... nakangiting tanong ng driver ...

Napatawa ng mahina si Michelle.

Sa Sierra hotel po tayo ... sabi ni Michelle ...

Nasabi na naman ni Michelle sa sarili ... kita mo Rico pati taxi driver ay hindi inisnab ang beauty ko.

Dalawang oras na mula ng makalabas ang taxi ni Michelle sa gate ng subdivision nila ng sya namang pumasok ang kotse ni Rico ... nagmamadaling makaabot sa bahay nila ... nakita nya ang sasakyan ng asawa kaya nasabi nya ... salamat, makakapagusap kami wala ang mga bata din.

Pero nanlumo sya ng malamang sa maid nila na umalis si Michelle na naka taxi lang. Naalala ni Rico na may okasyon sa kumpanya nila Michelle ... ngayon nya napagtanto na pati ang mga detalye ng mga bagay tungkol sa asawa nya ay hindi nya alam dahil nga nakatuon ang pansin nya sa kanyang mga kalokohan ... tumawag sya opisina nila Michelle pero syempre walang sumasagot ... sinubukan nya sa guard at sa malas ay wala ding sumasagot.

Naisip nyang tawagan si Amy.

Hello Amy ... si Kuya Rico mo ito ...

Ayaw kitang kausapin Kuya ...

Amy kasalanan ko, oo, hindi ko tinupad ang pangako ko ... gusto ko lang malaman kung ano ang sinabi mo kay Ate Michelle mo ...

Sinabi ko lang na nakita kita sa isang mall sa Cavite at may kasama kang babae ...

Wala ng iba Amy ...

Wala na Kuya, kaso malaki talaga kasalanan mo ... biruin mo akala ni Ate ay nasa Bacolod ka nag extend pa ng business trip mo. Kausapin mo si Ate Michelle at ayusin mo ito Kuya, sana ay magbago ka na dahil mahal ka nya at gusto ko talaga ikaw para kay Ate ...

Oo Amy, sinusumpa ko na maayos at mapatawad lang ako ng Ate mo ngayon ay talagang lalagay na ako sa tahimik sa pamilya ko ...

Si Michelle naman, noong una ay nakalimutan na nya ang tungkol sa nalaman tungkol sa asawang si Rico. Nag enjoy sya sa mga programa at mga ginanap sa okasyon ng kumpanya nila ... Maraming kalalakihan na kaopisina o bisita nila ang mapapatingin kay Michelle lalo na kapag nag iikot ito sa mga kasamahan ... Masaya syang nakipagkuwentuhan sa mga kasama ... pero ng unti unti ng nag alisan at ilan na lang silang natira ay nag umpisa na namang magisip si Michelle ... pinalitan nya ng alak ang iniinom ... nakikipag usap pa din sa ilang natirang mga kaopisina pero malayo ang isip nya,

Pwede na lang nya sanang ipagwalang bahala dahil alam naman nya na lapitin talaga si Rico sa mga babae ... okay lang kung nahuli nga sya ni Amy at nandito sya sa Maynila ... pero nagsinungaling si Rico para lang mambabae, ginamit pa ang trabaho sa opisina para mapagtakpan o hindi mabuko ang kanyang pang bababae ...yun ang di nya matanggap ... baka matagal na nyang ginagawa ito dahil sa sobrang tiwala ko sa kanya ... hindi napapansin ni Michelle na lampas na sya sa normal nyang iniinom na baso o dami ng alak tuwing may okasyon.

Napansin na lang nya nasa kalayuan na sya ng mga kasama, nakatingin sa bintana ng hotel at nakatingin sa view sa labas ... marami syang iniisip at parang lumalakas ang galit ng damdamin nya ... hindi sya iiyak nasabi nya ... gusto nyang gantihan si Rico, gusto nya itong saktan para maramdaman nito ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Habang nakatingin sa may highway, naisip nya ano kaya at tumayo ako sa bangketa malapit sa highway ... siguradong may hihinto sa kanyang sasakyan dahil nagkaroon na sya ng dalawang experience na tigilan sya at tanungin kung available sya ... hinihintay nya noon si Rico dahil susunduin sya ... hindi nya alam na ang pinaghihintayan nyang lugar ay lugar pala kung saan nakaka pick up ng mga babaeng nagbibigay ng sandaling aliw.

Nakikiliti ang utak ni Michelle, magpapakantot sya sa isang estrangherong lalaki, at uuwi sya na may souvenir, ang tamod nito sa loob ng puke nya, ipapakita nya kay Rico para may ebidensyang nakipag sex sya sa ibang lalaki. Gusto na nyang bumaba ng hotel upang gawin ang balak pero biglang nakaramdam ng pagaalangan ... baka makatyempo sya ng masamang tao... alangan din syang gawin ang balak sa isang kakilala, baka kumalat ito kung sakaling dumaldal ang lalaki, pero naiisip naman nya na hindi naman sya magiging delikado ... nag iisip sya kailangan magawa nya ang balak na pag ganti kay Rico ngayong gabi din ... pero maibsan ang sakit na nararamdaman. Hindi alam ni Michelle na may mga matang kanina pa nakatitig sa kanya dahil nga nakatalikod ito ay kitang kita ang hubog ng katawan at umbok ng pwet ... talagang naglalaway ito ... kaya naisipang lumakad at puntahan si Michelle sa kinaroroonan nya,

Maya maya ay may narinig si Michelle na boses mula sa likod.

Mukhang malalim ang iniisip mo at marami ka na yatang nainom Mrs. Michelle Montes ...

Nilingon nya ito ... si George Estrella ... isa sa mga makukulit at nagpapacute sa kanya na kliyente nila at may asawa na din ... Edad 31, may hitsura din at matipuno bukod pa sa makarismang tao... matagal ng may pagnanasang maikama si Michelle ...maraming beses na syang yinaya nitong makipag date sa kanya pero tinanggihan ni Michelle.

Hi George, hindi ko alam na umattend ka ng party namin ...

Napapaisip si Michelle, ito kayang si George ang gamitin ko sa balak ko, alam naman nyang atat na atat ito sa kanya.

Actually late na akong dumating, nandoon lang ako sa lugar ng mga boss nyo ... kanina pa kita nakita at napagmasdan kaya nasabi ko na marami ka ng nainom ...

Nasa normal pa ako na intake ng alak George, at saka mahinang alak lang ang iniinom ko ...

Pwede mo bang ma share ang iniisip mo at kanina ka pa serious ...

Ha, wala naman ito ... tungkol sa mga mga magulang at byenan ko ... pagsisinungaling ni Michelle ...

O anong nangyari at masyado kang apektado ...

Ha eh, nagkaselosan kasi, dahil tuwing summer vacation ay inuuna namin ipatira ang mga bata sa mga magulang ng asawa ko ... kaso ngayon ay nagtatampo na mga magulang ko dahil sana sa kanila muna nauna ang mga bata ngayon dahil may okasyon , at humaba at lumaki ang issue ...

Nakumbinsi ni Michelle si George kaya hindi na inungkat pa ni George ... tuloy sila magkuwentuhan.

Michelle, paalis na ako kasama ang pamllya ko after two days ... mag migrate na kami sa UK. Eh hanggang ngayon ay di mo pa pinaunlakan ang pagyaya ko makipag date ...

Dala siguro ng tama ng alak at ang balak nyang gawin, naisip ni Michelle, patulan ko kaya ang imbitasyon na date ng taong ito ... nakipag date naman ang asawa kong si Rico kanina nasabi niya.

Paalis ka na pala George eh, nagyayaya ka pa ng date ...

Baka sakali lang naman na makatsamba pa ... alam mo naman na matagal mo na akong fans.

Nangiti si Michelle kay George.

Eh saan mo naman ako balak i-date ngayon George ...

Ha payag ka I date kita ... halika lipat tayo ng lugar Michelle ...

George busog na ako para mag dinner ... nakainom na ako para mag bar pa tayo ... alam mo nasa 4th floor lang kasi tayo pero enjoy ako sa view mula dito sa kinatatayuan natin ...

Napangisi si George, ang pagkakataon nga naman nasabi nya.

Kung gusto mo ng view Michelle ay sa kuwarto ko sa taas ... naka check in na ako dito mula kahapon hanggang sa pag alis namin, bukas pa naman darating ang mag iina ko mula Batangas dahil nagpaalam sila sa mga kamag anakan nila ...

Nakatingin lang si Michelle, parang naguluhan pero ng ilapit ni George ang kamay at siko kay Michelle.

Shall we Michelle ... aya ni George sa kanya ....

Gulo man ang isip ay humawak naman si Michelle at sumunod lang sa kung saan sya dadalhin ni George.

ITUTULOY ...