1. Home
  2. Stories
  3. Nathaniel- Angel Sa Lupa (5)
Filipino Sex Stories

Nathaniel- Angel Sa Lupa (5)

By eroticprince27 ·
Binagalan niya ang pagpapatakbo ng motor niya upang makita kung anu ang gagawin ng mga ito. Nang maisakay na si Gabriel ay mabils na nag sakayan din ang mga dumakip dito.

Palihim niyang sinundan dahil hindi naman niya alam kung anu ang number ng police station.

Tumawag siya sa driver niya upang sabihin ang sitwasyon, sinabihan siya nito na huwag ng makialam at baka pati siya ay madamay pa sa kapahamakan. Pero hindi niya kayang gawin ito. Patuloy niyang sinusundan ang van ng pumasok ito sa isang madilim na kalsada.

Huminto muna siya dahil siguradong malalaman ito ng mga sakay ng van.

Sa di kalayuan ay nakita niya tumigil ang van at nagbabaan ang mga sakay. Iginilid niya ang motor niya at muling tinawagan ang driver.

Sumagot ito pero hindi na niya hinayaang mag salita, sinabi nalang niya kung nasaan siya.

Dali dali niyang pinatay ang CP niya at maingat na pumunta sa kung saan dinala si Gabriel.

Nang makita ang lugar ay humanap siya ng pwesto kung saan niya makikita ang kaklase. Madilim na at nasa loob lahat ng mga dumakip kay Gabriel.

Idinadalangin niya na mapuntahan agad sila ng mga pulis.

Humanap siya ng bagay na pede niyang gamitin kung sakaling magakaka-gipitan.

"Sige igapos nyo yan at maya maya tawagan na natin ang mga magulang para maipa tubos."

"Siguradong tabo tayo dito ,e ramsom na me bayad pa tayo kay bosing."

Sinundan niya kung saan pupunta ang inutusan, nakita niya na pumasok ito sa isang kwartong sa dulo. Humanap siya ng maiikutan para makita kung asan si Gabriel.

Nagulat siya sa nakita niya dahil nakatali na ito at puro pasa. Halos sarado ang mga mata nito.

Hindi niya alam ang gagawin, nakita niya na may isang pinto si gilid ni Gabriel kaya umikot pa siya ng konti upang malaman kung saan ang pintong nakita niya.

Nakita niya ang maliit na bintanang kasyang kasya lang ang isang tao. Madali niyang naakyat ang bintana at nakita niya sirang CR pala ito.

Nakababa siya sa loob para sumilip sa kinalalagyan ni Gabriel, may isang bantay pa. Tahimik siya nag iisip. Nakita niya na umiilaw ang CP niya, hind niya pedeng sagutin buti nalang nai-silent niya kanina dahil sa katatawag ni Louise.

Narinig niyang bumukas ang pinto lumabas ang bantay. Mabilis siyang lumabas ng CR at hinatak ang silyang kinatatalian ni Gabriel. Mainam na din na may pasak ang bibig nito kaya hindi nakapag salita.

Dali dali niya itong kinalagan, nanginginig siya sa kaba dahil kahit anung oras ay maaring dumating ang bantay nito.

"Wag ka na munang magtanung, mahabang kwento."

Pabulong na sabi niya dito na naintidihan naman ni Gabriel.

Inalalayan niya itong umakyat sa bintana, ng makababa si Gabriel ay siya naman ang mabilis nasumampa.

Saktong nakalayo na sila patakbo ng marinig nilang bumukas ang pinto.

"Nakatakas ang bata!" sigaw ng bantay nito.

"Dalian natin, nasa gawi dun ang motor ko."

Ngunit huli na dahil nakita na sila ng mga kawatan.

Pinaulanan sila ng bala, hindi na nila pinansin kungdi mas binilisan pa nila ang takbo.

Nang makarating na sila sa motor ay dali dali na niyang pinaandar para makalayo. Bago maka arangkadaang motor ay naramdaman niya ang balang dumaplis sa kanyang balikat. Hindi na niya pinansin kahit gumguhit ang sakit nito.

Nakita niya sa side mirror ang van na sumusunod sa kanila. Diretso lang sila mas binilisan niya ang patakbo. Umiisip siya ng paraan para mailigaw ang mga ito. Nang may makitang maliit na eskinita ay iniliko niya ang motor. Mabilis na pina arangkada.

"Gabriel kunin mo yung CP sa bulsa ko, patawagan yung driver namin," utos niya sa lalaking nakaangkas sa kanya.

Mabilis namang kinapkap ni Gabriel ang bulsa niya, dahil siguro sa pag mamadali ay hindi naiwasangang pagkalalaki niya ang nahawakan nito nakapaling sa kaliwa. Medyo napa urong ang kamay ni Gabriel ng maramdaman ang pagkalalaki ni Nathan.

Hindi nalang pinansin ni Nathan ang nangyari.

"Sa kanan kong bulsa Gab!" Sigaw niya dito para marinig.

Kumilos ang kanang kamay ni Gabriel upang kunin ang cellphone. Nahirapan siyang dukutin sa bulsa dahil sa sikip ng pantalon. Kahit hirap at asiwa ay napilitang gamitin ni Gabriel ang kanang kamay para matulungan sa pagkuha ng CP.

Hindi niya maiwasng madagi dagi ang alaga ng lalaking nagmamaneho. Maya maya pa ay nakuha na nito ang CP.

Sinabi niya ang password at saka ibinigay ang pangalan ng tatawagan.

Muli nakakita siya ng mas maliit na eskinita na tingin niya ay di pedeng pasukin ng van. Dali dali niyang iniliko ang motor papasok. Nakita niyang nagbabaan ang mga sakay nito. Pinaharurot nalang niya ang motor upang makalayo.

Nang malayo na ay saka lang siya nakahinga.

"Saan tayo ngayun? Kailangang makapag report tayo sa pulis."

"Wag na muna, sa bahay nalang muna tayo para masabi ko kila Mama at Papa."

"Sige, me alam ka bang daan na hindi tayo masusundan ng mga humahabol sayo. Baka kung sa daanan na alam ko tayo e siguradong maghihintay ang mga yun."

"Dun tayo sa safe house namin, kailangan ko lang malaman kung saan tayo para mabigay ang direction."

"Sige hanap tayo ng palatandaan."

Isang gas station ang nakita niya na pamilyar na.

"Iliko mo kanan, tapos diretso lang."

Sinunod lang niya ang instruction ni Gabriel.

"Nathan, salamat!" sabi nito.

"Mamaya ka na magpasalamat pag siguradong ligtas na tayo." Sagot naman niya.

"Puwede ba akong makatawag kila Papa para makapunta sila sa safe house?"

"Sige lang."

Diretso lang siya sa pag drive dahil di naman niya masyadong marinig ang usapan nila Gabriel hanggang makarating sa dulo na may malaking gate.

Bumaba si Gabriel kahit na hirap maglakad at nag enter ng password sa gate. Saglit pa ay bumukas at sinalubong sila ng mga security. Pinapasok sila habang ang ilan ay lumabas upang tingnan kung may nakasunod sa kanila.

Nang masigurong walang nakasunod ay pumasok nadin ang mga ito at isinarado ang gate.

Dinala sila sa isang clinic sa loob ng safe house. Nakita ng mga ito na may tama siya kaya pina hubad sakanya ang shirt na suot upang matingnan kung gaano ba kalalim ang bala. Si Gabriel naman ay pinahiga sa clinic bed upang mabigyan ng treatment dahil sa sugat at bugbog na natamo nito.

Walang pang isang oras ng dumating ang mga magulang ni Gabriel, nakita niya ang takot sa mga mata ng Mama ni Gabriel, ang Papa naman nito ay diretsong lumapit sa kanya upang tingnan ang kalagayan ng anak.

Matapos masuri at masiguradong maayos ay saka lang siya naipakilala ni Gabriel.

"Ma, Pa si Nathan po pala, classmate ko. Siya din ang nagligtas sakin."

Nilapitan siya ng Mama nito habang nakatingin naman ang ama sa kanya.

"Maraming salamat iho,baka kung wala ka ay mas malaking problema at kapahamakan ang nangyari."

"Wala anu man po Ma'am"

"Okay ka lang ba?" tanung naman ng Papa nito ng mapansin ang sugat niya sa balikat.

"Okay lang naman po, nadaplisan lang kanina nung hinahabol kami."

Hinayaan muna nilang mag pahinga si Gabriel dahil sobrang dami nitong pasa at sugat. Isinama naman siya ng mga magulang nito upang ilahad ang lahat ng pang yayari. Ikinuwento niya buhat sa oras na nakita niya itong isinasakay sa van hanggang kung paano niya ito na iligtas.

Humanga ang mga magulang nito sa katapangang ipinakita niya. Tinanung kung taga saan siya at sino ang mga magulang. Sinabi niya dito na galing siya sa ampunan at si Mama Joy ang kanyang guardian. Medyo natawa pa ang mga ito ng malamang nakatira siya sa isang bakla. Humingi naman ang mga ito ng dispensa ng makitang hindi siya natuwa sa inakto ng mga ito.

Kilala naman daw nila ang Mamay niya na hindi mapang abuso sa mga lalaki, katunayan ay partner pa nila ito sa isang business.

Nag paalam na din siya at baka nag aalala na ang Mamay niya. Hindi naman siya nakaalis agad dahil pinilit muna siyang pakainin.

"Kung may kailangan ka Nathan wag na wag kang mahiyang lumapit sa amin. Maraming salamat ulit sapag tulong kay Gabriel." Sabi ng Mama ni Gabriel habang yakap yakap siya.

Ipinahatid din siya sa ilang security nito, isinakay nalang ang motor niya sa pick-up.

Katulad ng inaasahan niya, naghihintay ang Mamay niya at alalang alala. Niyakap siya nito at sinuri kung ano ang lagay niya. Nang makitang may sugat siya ay gusto siyang dalin sa hospital pero tumanggi nasiya dahil okay naman na.

Ikunuwento din niya ang nangyari, sinabihan pa siya na wag munang pumasok ng ilang araw hanggang wala balita tungkol sa mga kidnaper ni Gabirel at baka natandaan siya.

Ipinagbawal din muna ang paggamit ng motor at baka nakuha ang plate number nito.

Matapos ang mahabang usapan ay pinaakyat na siya para magpahinga. Napaka palad talaga niya saMamay niya.

Hindi na siya gumising ng maaga kinabukasan dahil hindi na muna siya papasok. Nakalimutan nadin niyaang nangyari sa kanila ni Louise at natabunan ng nangyari sa kanila ni Gabriel.

Iniisip din niya kung anu na ang nangyari kay Gabriel kung kumusta na kaya ang lalaki. Anu kaya ang nasa likod ng pag kidnap sa kanya.

Kumain siya ng late breakfast dahil wala namang gagawin ay nag exercise siya at naligo para maginhawahan. Muli nalang siyang natulog upang manumbalik ang lakas. Hapon na ng magising siya, kumain ulit ng late lunch saka nanood ng TV.

Noon lang niya naalalang tingnan ang CP. Umakyat siya para tingnan kung me mga messages sa kanya.

Nakita niyang madaming missed calls na nakaregister. Ilan ang galing kay Louise, kay Anton, Mamay niya at ilang classmates. Pero merong dalawa missed calls na number lang.

May mga messages na sinagot niya lalot ang iba ay yung mga nag missed calls except kay Louise na hinayaan lang niya.

Sa huli ay minessage niya ang dalawang unregistered number na nag missed call.

Nang ma sent na ang mga messages ay hinanap niya ang charger dahil paubos na din ang battery ng cp.

Kakasaksak palang ng charger ng mag ring ang isang number na hind naka register.

"Hello!" sagot niya.

"Nathan si Gabriel ito." Boses sa kabilang linya.

"Oh Pre kumusta ka na? Kumusta na lagay?" agad na tugon niya.

"Pre okay naman ako, kanina pa ako tumatawag para personal na makapag pasalamat sa tulong mo."

"Ganun ba, nakatulog kasi ako. Hindi na din ako pumasok ngayun sabi ni Mamay."

"Pati ikaw tuloy nadamay."

'Wala yun pre, me reason bakit ako nandun nung oras nay un."

"Basta salamat ha, inspite of the things na ginawa ko nakakahiya dahil ikaw pa ang nakatulong sakin."

"Wag mo ng isipin, past is past."

"Salamat talaga, sana makabawi ako sa tulong na ginawa mo sakin at sa mga kalokohan ko."

"Naku mahirap ata yan haha. Ayoko namang makidnap para makabawi ka hahah."

Natawa nalang din ito sa tugon niya.

Madami pa silang pinag usapan, nag tatago na din daw yung mga kumidnap sa kaniya at pati ang nag utos dito.

Nakilala pala niya at mga tauhan pa ng Papa niya. Babalitaan nalang daw siya pag nahuli na.

Nang magpaalam si Gabriel ay itinuloy na niya ang pag charge at muling nag pahinga. Tatlong araw din siyang hindi pumasok sa school. Medyo na bored nadin siya. Buti nalang at madalas tumawag si Gabriel upang magbalita. Tumatagal ang usapan nila ng higit isang oras o minsan ay lumalagpas pa ng dalawangoras.

Biernes ng pumasok na siya dahil nahuli na daw ang mga kidnapper, naging maayos naman sa school bagamat kailangan niyang maghabol. Hindi na din niya pinansin si Louise kahit na lumalapit pa ito sakanya.

Hindi pa rin pumasok si Gabriel, after class ay muling lumapit sa kanya si Louise at nag sosorry, pero hindi niya pinansin. Ramdam niyang naiinis na ito sa kanya.

Back to norman life siya, Friday night ay sumama na ulit siya sa restobar. Medyo napaaga ang dating nila dahil me bagong banda daw na mag aauditon. Nagkataong nag seset up palang.

Nakatuwaan niyang kunin ang guitar kahit medyo matagal na din siyang hindi tumutugtog. Tinipa niyaang kantang "The Man Who Can't be Moved"

Nakatalikod siya sa stage kaya hindi niya alam na may mga tao na pala sa likod niya.

"The man who can't be moved, the man who can't be moved." Pagtatapos niya sa kanta.

Palakpakan ang mga tao sa likod niya na ikinagulat niya. Si Mamay ay tumakbo pa sa kanya at niyakap siya na para bang proud na proud.

"Grabe anak ang ganda ng boses mo parang boses ng angel. Buong buo pero nakakapangilabot."

Hindi niya alam kung bakit ganun ang sinabi nito samantalang hindi naman ganun ang timbre ng kanta.Alam niyang pulang pula siya sa hiya bagamat kita niya ang paghanga sa mga nanonood.

Binitawan na niya ang gitara at bumaba ng stage.

"Grabe Mama Joy, ang guapo na, yummy pa tapos ang ganda ng boses ng anak anakan mo ah."

Ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito. Maraming papuri pa siyang narinig pero hinayaan nalang.

Maya maya pa ay pinag start nadin ang mga mag audition. Okay naman kaya lang medyo me sabit sa vocalista.

Hindi na niya hinitay ang mga sasabihin ni Mamay at lumabas na siya. Sakto pag labas niya ay may pumaradang sasakyan sa labas. Nagulat siya ng lumabas sa kotse si Gabriel.

"O pre, anu balita?" tanung niya ng salubungin ang dumating.

"Totoo pala ang sabi ni Louise na dito ka tumatambay pag Friday."

Medyo nairita siya ng marinig ang pangalan ni Louise, inignore nalang niya. Hind naman alam ni Gabriel ang nangyari sa kanila ng babae.

Napansin din niya na may kakaiba sa lalaki. Inaya niya ito sa loob since maaga pa para mag order kaya nag ask nalang siya ng something na pede nilang kainin.

"Hinanap talaga kita pre, para personal na magpasalamat."

"Ahahaha ilang araw ka ng nag papasalamat, baka maubos yan hehehe," sagot naman niya.

"Hindi ko lang kasi sukat isipin na ikaw ang tutulong sa akin sa kabila ng ginawa ko sayo."

"Sabi ko naman wag na natinisipin yun, past is past."

"Sabagay."

"Sige kain lang tayo, wala pang entertainment at masyado pang maaga ang pag bar natin hahaha."

"Ayus lang, gusto lang talaga kitang makita."

"Huh!?" nagulat na sa sagot niya.

"Ah eh, anu kasi diba since nung na kidnap ako dina tayo nagkita," kanda utal na sagot nito.

"Oo nga eh, pumasok na kasi ako kahapon."

"Kumusta sa school?" tanong nito.

"Okay naman, mukhang hindi naman alam sa school."

"Sabi kasi ni Papa wag na nga daw ipaalam, sa Principal nalang ata para ma contain ang issue."

"Ganun ba?"

Kapansin-pansin ang mag titig nito kay Nathan, bigla namang iiwas ng tingin pag nagtama ang mata nila.

Madami silang pinagkwentuhan, napansin ni Nathan na madaldal pala ito. Siya naman kadalasan at tango, oo, hindi or kaya ay basic lang ang sagot niya.

Nakita niya na umiilaw ang CP nito na nakapatong sa table, hindi ata napansin ni Gabriel.

"Pre me tawag ka ata?" itinuro niya ang cellphone nito.

"Ah si Mama, sagutin ko lang pre." Paalam nito.

"Sige lang," at tumayo ito ng konti para lumayo sa kanya.

Sandali lang naman kinausap ang Mama niya at bumalik na din.

"Pre hinahanap nako ni Mama, papaalam nadin ako." habang titig na titig ito sa guapong mukha niNathan.

"O sige, medyo gabi nadin naman, alam mo na nakaka phobia din yung nangyari," tumayo na din siya.

Dahil naka shirt at board shorts lang si Nathan kaya kita ang hubog ng katawan nito at pati ang binti niyang may pinong balahibo.

Nang tumayo si Nathan ay pasimpling inayos niya ang bukol sa harap na naipit sa matagal napagkakaupo.Hindi rin nakaligtas sa mata ni Gabriel ang malaking umbok nito sa board shorts ng kumambyo. Ilang beses siyang napalunok ng laway.

Alam niya sa sarili niya na lalaki siya pero sa totoo lang kaya niya binubully si Nathan dahil sa kakaibang naramdaman niya dito. Una akala niya ay insecurities na nalamangan siya sa maraming bagay. Pati kay Louise ay malapit ito samantalang sa kanya ay iwas.

Nalilito siya sa nararamdaman lalo na ngayun. Buhat nung iniligtas siya ng kaklase ay ibang tuwa ang naramdaman niya. Siguro gusto niya lang maging kaibigan si Nathan.

"Pre bago ka umalis pakilala kita kay Mamay." Lumakad na ito palabas habang nakasunod naman siGabriel.

Matapos mag paalam ay inihatid na niya ito sa sasakyan. Bago tuluyang sumakay ay humarap ito sakanya.

"Sige pre, salamat sa dalaw," sabi niya ng tahimik itong nakatingin sa kanya.

"Friends?" iniabot nito ang kamay sa kanya.

"Friends!" inabot naman ni Nathan ang kamay at hinila ito para yakapin siya.

Nabigla si Gabriel sa ginawa ni Nathan, napaakap nalang din siya dito. Natauhan siya ng marahan siyang itulak nito.

"Sige pre alis nako." Medyo awkward na sagot nito pero parang ayaw pang umalis.

"Sige pre, pano pasok nako sa bar ha, assist lang ako sa nag seset up na band."

Nuon lang ito tumalikod at sumakay sa sasakyan. Pagkasaradong pagkasarado ng pinto.

"Shit!" di mawala sa isip niya ang pag yakap sa kanya n Nathan.

Pati ang amoy ata nito ay dumikit na sa ilong niya, maging ang tigas ng katawan nito ay ramdam pa din niya. Napahinga nalang siya ng malalim.

"Sir, me problema po ba?" tanong ng driver niya.

"Wala manong, diretso napo tayo sa bahay, hinahanap nako ni Mama." Sagot nalang niya.

Pagtalikod ni Nathan ay napakamot na siya sa ulo dahil sa inaasta ni Gabriel.

Natutuwa nadin siya dahil sa bagong kaibigan, ngayun ay hindi na siya mangangamba na may mang bubully sa kanya.

Kasalukuyan niya ginagawa ang mga usual na gawain sa bar na makareceive siya ng message galing kay Louise.

"Nathan ganun ganun nalang ba? Matapos mo kong matikman eh tatalikuran mo nalang ako."

Nagulat siya sa message nito, hindi niya alam kung rereplyan niya or ignore nalang.

"Who u?" yun nalang ang sinagot niya.

"Hindi mo ko kilala?" sagot ni Louise.

"Right, di mo nga ako kilala. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Hindi mo ako basta basta nalang pwedeng itapon na parang basahan." Mag kasunod na messge nito.

Hindi nalang niya pinansin ang message nito, maging ang mga sumunod ay hindi na din niya binasa.

Mag aalas onse ng mamataan niya si Loiuse na papasok ng bar kasama ang ilang kaibigan.

Umupo sa isang table at nag order. Hindi niya nilalapitan dahil ayaw naman talaga niya itong makausap.

Naging abala nalang siya sa isang group ng guests na halos ka age din niya. Naagaw kasi ng isang babaeang attention niya. Hindi ito katulad ng ibang mga nasa bar. Parang first time kung titingna at instead of alcoholic veberages at iced tea lang ang order.

Pasimple siyang lumapit sa waiter na naka assign sa grupo at sinabing siya nalang ang mag dadala ng mga orders sa table.

"Bossing mukhang me tipo ka sa mga bagets ah?" birong sabing waiter.

"Ikaw talaga Kuya Jun, dami mong alam!" natatawang sabi nito.

"Nathan yang mga galawang ganyan e din a bago sakin hahaha! Sino ba?" sagot nito.

"Hahaha yung naka pink kuya hahaha." Saba nguso.

Nataon naman na nakatingin pala sa kanya kaya bigla siyang kinabahan. Parang hindi siya makahinga.

"Abat tingnan mo nga, trip mo pala ang mga innocent look ha. Maganda nga lalo sa malapitan hahaha. Mukhang virgin pa. O sige puntahan mo na." Utos nito sa kanya.

Nang dalin niya ang mga order sa table ay napansin niyang nag sisikuhan ang mga ito. Habang ibinababa niya ang pagkain at inumin ay lantarang pag papa cute ang ilan sa mga ito.

Samantalang the "Lady in Pink" ay naka yuko lang. Siya naman ay hinihintay na mag angat ito ng tingin. Pero naibaba na niyang lahat ang laman ng tray ay nakayuko pa din.

Tumalikod na siya pero pumuwesto lang sa malapit sa table para madali siyang makalapit sa pag order nito.

Naging official na waiter siya ng grupo, hindi maalis alis ang tingin niya sa "Lady in Pink" na nahalata ata ng mga kasama nito.

Kinawayan siya ng kasama nito kaya dali dali siya lumapit. Nag dagdag ito ng order na drinks.

Mabilis nag pumunta siya sa bar para ipaprepare ang order. Lumingon siya at napansing umalis sa table ang dalawang kasama nito kaya dalawa nalang sila.

Tumalikod siya para kunin ang order para dalhin na sa table ng dali daling tumayo ang nag iisang kasama nito at may kausap sa cellphone.

Lumapit nadin siya para ihatid ang orders.

Nuon lang ito tumingin sa kanya. Parang natulala siya ng makita ito ng malapitan, nawala lahat ng lakas ng loob niya.

"Pababa nalang ng drinks" sabi nito kaya nag balik ang diwa niya. Ito na ata yung sinasabi nilang natotorpe.

Gusto niyang makilala ito pero hindi niya alam kung paano. Tumalikod na siya at tumayo ulit malapit sa table ng babae.

Medyo matagal na pero wala pa ding bumabalik na kasama nito kaya nag lakas loob na siyang lapitan ito.

"Miss natagalan ata ang mga kasama mo?" tanong niya dito.

"Di ko nga alam kung nasaan ang mga yun eh" nakangiting sabi nito.

Para siyang hihimatayin sa pag ngiti nito.

"Ako nga pala si Nathan. Pede ko bang malaman ang pangalan mo?" medyo nanginginig pang sabi niya.

"Rizzelle" nakangiti ulit nitong sagot. Inabot nito ang kamay niya na dali dali namang tinanggap ni Nathan.

Halos di niya mabitiwan ang kamay ng babae. Kung hindi pa medyo hinila ng babae ay hindi niya maalalang bitawan.

"Mahilig ba kayong mag bar?" Tanong nalang niya kay Rizzelle.

"Actually, kakalipat ko lang dito. My Dad arranged to transfer me here for schooling. First time ko lang din dito sa bar." Mahabang kwento nito.

"Kaya pala ngayun lang kita nakita dito ." Sagot naman niya.

"Ikaw matagal ka na dito nag wowork?"

"Hindi talaga ako dito nag trabaho, yung me ari nito ang guardian ko. Pag Friday tumutulong lang ako or minsan naman ay tambay hahaha." Pa cute na sabi niya.

"That's cool!" simpleng tugon nito. Hindi din mapigilan ni Riz na titgan ang guapong mukha ni Nathan.

Nung unang makita niya ito ay na attract na agad siya. Kahit naman siguro sinong babae ay maagaw ang pansin sa tindig at tisura. Nagulat siya ng ito ang mag dala ng order nila na lalong nagbigay na paghanga na murang edad ay nag tratrabaho na.

Nakadag-dag pag-hanga pa ng sabihin nitong tumutulong lang siya sa "Guardian" niya.

Dahil wala pa din ang mga kasama nito ay sinamantala na ng lalaki ang pagkakataon para mag stay at makausap pa si Rizzelle..

"Okay lang ba kung dito muna ako, wala pa naman ang mga kasama mo eh?" tanong niya dito.

"Okay lang naman at least I have someone to talk to."

Sa unang pagkakataon na bihag ata ang puso niya.

Kung anu ano lang naman ang pinag usapan nila... sa darating na school year pala ay pareho na din silang school at mag ka year level din.

He offered to help her pag nag enroll.

"Sa enrollment, samahan kita para di ka mahirapan. Hope na maging classmate tayo."

"That would be nice."

Enjoy na enjoy siyang kausap ang babae ng biglang nag salita ang vocalista ng banda.

"We would like to request this person to render a song for us. You will surely love it!" Pag intro ng bokalista.

"Let me call Nathan for one song! Nathan please!?"

Gulat na gulat siya, wala namang nagsabi sa kanya na kakanta siya at hindi siya prepared. Naka board shorts lang siya at v-shapped shirt.

"I think they are calling you on stage?"

"Huh, oo nga ata eh. Sige punta muna ako dun pero babalik ako."

Dumiretso na siya sa stage, pasimpleng kinausap niya ang bokalista kung bakit siya tinawag. Sabi na may request daw ni Mama Joy at nakita nga niya itong nakatayo sa may bar at nag thumbs up pa.

Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito. Kinuha niya ang isang acoustic guitar at nag simulang tumipa ng nota.

Tumapat siya sa mic.

"Test mic, good evening everyone! I don't usually do this but because of the request of the person who helped me in many ways. I will be honored to give this song.

I would also like to dedicate this number to my new friend Rizzelle. Hope you will like it. Pasensya na hindi ako masyadong prepared."

"All Of Me"

What would I do without your smart mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind


Halos mabingi siya sa sigawan at palakpakan ng mga tao. Si Mama Joy ay tuwang tuwangpumapalakpak, si Rizelle naman ay nakitingin sa kanya at halata ang pag hanga. Nang mapalingon siyakay Louise ang kita ang galit at inggit.

Hindi niya inaasahang makikita din niya si Gabriel na nakatayo sa may pinto. Bumalik pala ito.

'Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning


Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you, oh oh

How many times do I have to tell you

Even when you're crying you're beautiful too

The world is beating you down, I'm around through every mood

You're my downfall, you're my muse

My worst distraction, my rhythm and blues

I can't stop singing, it's ringing, in my head for you


Tahimik na tahimik naman ang paligid na parang ang lahat ay nakikiramdam. Titig na titig naman siyakay Rizzelle na parang ang kanta ay para dito dalaga.

My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you, oh oh

Enjoy na enjoy ang lahat ng nakikinig sa kanya.

Give me all of you

Cards on the table, we're both showing hearts

Risking it all, though it's hard

'Cause all of me


Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you

I give you all of me

And you give me all of you, oh oh


Halos wala na siyang maintindihan sa sigawan at palakpakan ng mga tao.

"Thank you po! Hope you will enjoy the rest of the evening"

May humiling pa ng more pero di na niya kaya.

Bumalik siya sa table nila Rizzelle.

"You have an amzing voice, plus played the guitar well," puri nito sa kanya na proud at siya ang unangnilapitan.

"Hindi naman, tsamba lang hahaha," pa humble na sagot nito.

"I don't think so, It was extra ordinary!"

Hinanap niya si Gabriel pero di niya makita sa halip ay si Louise ang nakita niya. Madilim ang pagkakatingin sa kanila.

Napansin niya na marami ng nainom ang barkadahan nito. Medyo maingay na, hindi nga niya kilala ang babaeng ito. Akala niya ay napaki hinhin, hindi niya alam na may pagka wild pala.

Muntik na siyang maniwala na siya ang nakauna dito dahil sa dugong bumahid sa pagkalalake niya nung nag talik sila, masyado lang pala siyang malaki kaya dinugo ulit.

Nagpa-alam si Rizelle na mag toilet, tumayo na din muna siya upang puntahan si Mamay. Dadaanan niRizzelle ang table nila Louise kaya sinundan muna niya ng tingin ang dalaga.

"Mamay ikaw ha binibigla moko!" agad niya kausap ng makalapit.

"Nabigla ka pa ba nun ha, parang enjoy na enjoy ka nga sa stage."

"Mamay talaga!" natatawang sagot niya.

"Ayaw mo bang mag sideline dito, mukhang madami ka agad fans."

"Pag isipan ko May, baka mag ka conflict sa studies ko."

"Sabagay, prioritize mo muna ang school."

Bigla nalang nagkagulo sa table nila Louise kaya naagaw nito ang attention nila. Kahit naman ganun ay concern pa din siya sa dating kaibigan kaya agad siyang nag punta dito.

Nabigla siya ng nakitang basa ng alak ang mukha ni Rizzelle pati nadin ang damit na suot nito.

"What happened?" tanung niya.

"Oh my boy friend is here! Ngayun ikaw babae alam mo na kung ano ang ginagawa sa makating tulad mo!" Medyo malakas na saad ni Louise.

Hinawakan niya si Rizzelle at iniharang ang katawan laban kay Louise dahil akmang susugurin nito ang babae.

"At talagang sa kanya ka pa kakampi huh!" galit nag alit na sabi nito.

Hinarap niya si Louise.

"Una ay hindi mo ko boyfriend, I never courted you. Pangalawa, diba gusto mo lang akong tikman? Buti nga hindi lang tikim binigay ko sayo, tatlong beses kita pinagbigyan. Tingin ko naman nanalo ka na sapustahan kaya wala ka ng dapat pa ihabol."

Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya na tinanggap lang niya.

"Siguro naman ayus na!" tumalikod na siya kay Louise at hinila palayo si Rizzelle.

Nakita niya si Gabriel, sumunod ito sa kanila palayo sa grupo nila Lousie.

Inilabas naman ng security si Louise dahil patuloy pa din itong nag sisigaw.

"Hayup kang lalaki ka, hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo! Bitiwan nyo ko!"

Bigla binitiwan ng guard si Louise ngunit wala itong balance sa dami ng nainom kaya diretso itong nangudngod sa semento. Malakas ang tawanan ng mga tao sa paligid.

"Putang Ina mo Nathan, magiging akin ka din, tandaan mo yan!" pahabol na sigaw nito bago tuluyang mailabas ng bar.

Tahimik at nabigla ang mga tao sa bar. Walang kumikilos dahil hindi nila alam ang gagawin.

"Guys lets continue to party! BILLS ON ME!" walang sabi sabing sigaw ni Gabriel.

Sigawan ang lahat, kami naman ni Lizzele ay nagulat sa inasal ng lalaki.

Pumasok silang tatlo sa Manager's lounge para malayo sa mata ng maraming tao.

"Okay ka lang ba Rizzelle?"

"Yeah, I should go home this is not a good ending." Saad nito

"Sorry for what happened, di ko naman inexpect na ganun pala yung babae nayun eh,"

Nakatingin lang ito sa kanya at parang maraming gustong itanong.

"Hindi ko yun girl friend for the first place. Oo dati magka ibigan kami pero mahabang kwento." Hindi niya maiwasang tumingin kay Gabriel na puno din ng pagtataka.

"Nathan, you don't need to explain." Pero alam niya parang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

"But please! Believe me! I will tell all to you hindi lang ngayun okay. Please Rizzelle." Paki usap pa nyasa babae.

"Okay I will wait for that time." Pag assure naman nito.

"Salamat."

"I should go, mukhang di naman na babalik ang mga kasama ko."

"Hahatid na kita, hindi pedeng umuwi kang mag isa."

Hindi na din tumanggi ang babae!

"Kukunin ko lang ang motor ko."

"Nathan sa kotse ko nalang, para mas safe. Sabihan ko nalang ang driver na isunod ang motor mo."

"Sige, mas okay nga."

Lumabas na sila, kinausap ni Gabriel ang driver nito. Sumakay na sila matapos ibigay ni Nathan ay susing motor sa driver at mag paalam kay Mamay. Sinabi na din niyang uuwi na pagkahatid kay Rizzelle.

Tahimik lang sila sa sasakyan habang si Gabriel ang nag drive.

"Rizzelle si Gabriel pala classmate ko." Pagpapakilala niya.

"Nice to meet you Gabriel, thank you for the ride!"

"Wala yun, basta para sa kaibigan ko walang problema." Sabay tapik nito sa hita ni Nathan.

Naging magugulatin ata siya dahil nagulat siya sa tapik nito.

"So magiging school mate din pala kita if ever."

"Why? Dun ka ba mag study?

"Yeah, I am exited kasi me kakilala na ako agad."

"Wow, it will be so nice!" exited din na sabi ni Gabriel.

Medyo na OP siya dahil ang dalawa ang nag uusap. Hindi naman siya makapag salita dahil nahihiya pa din siya sa nangyari kanina.

Madaming nag lalaro sa isip niya, kung anu ba ang iniisip ni Rizzelle tungkol sa kanya.

Hindi na niya napansin kung paano ba ibinigay ni Rizzelle ang instruction papunta sa bahay nila. Bumalik lang siya sa sarili niya ng huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay, na hindi man ganun kalaki ay maayos naman.

Dali dali siyang bumaba para buksan ang pinto ng dalaga.

"Salamat sa paghahatid!" sabi nito bago isara ang pinto. Buti nalang hindi na bumaba si Gabriel.

"Rizzelle sorry talaga kanina," hingi niya ng pasensya.

"Wag mo nang isipin yun. Anu ka ba!"

"Sana hindi ito ang huli nating pagkikita."

"Oo naman, basta ba siguraduhin mong wala sa paligid ang mga war freak mong admirers, baka mamaya hindi lang alak ipaligo sakin."

"Grabe ka naman sakin!"

"Joke lang! Hahaha!"

"Saka sana di ka din matakot pumunta sa resto."

"Oo na, sige papasok na din ako, nakakahiya kay Gabriel naghihintay."

"Okay, salamat!"

"Good night!" parang ayaw pa niyang umalis.

"Good night!"

"0917 556 ****"

"huh?"

"Number ko, ang bagal mo kasi eh."

Dali dali niyang kinuha sa bulsa ang CP niya at sinave ang number nito after ulitin sa kanya.

"Sige good night na talaga, bukas nadin ang ilaw sa bahay."

Tumalikod na ito, umalis lamang siya sa gate ng makitang nakapasok na ang babae.