1. Home
  2. Stories
  3. Pagbangon: Book 1 - Chapter 10: Breakthrough
Pinoy Tambay

Pagbangon: Book 1 - Chapter 10: Breakthrough

By shane317 ·

Nagising ako dahil sa pumapasok ang ulan sa bintana ng aking kuarto. Alas onse pa lang ng gabi. Grabe ang lakas ng ulan. Ang lalakas pa ng kidlat. Grabe ang dilim ng kapaligiran. Naisip ko tag-ulan na naman. Parang ang buhay ko laging tag-ulan. Puro problema at kabiguan ang aking naranasan sa kabila ng mabait naman ako. Wala akong nilamangan o dinaya. Karamihan pa nga ako ang dinaya eh. Ano bang kasalanan ko. Una kinuha sa akin si Melanie na labis kong minahal at unang minahal. Tapos si Alma niloko ako. Ibilang mo pa ang mga pasakit na naranasan ko dahil sa hirap ng buhay.


Dati noong mga bata pa kami naranasan naming kumain ng nilagang saging lang at lugaw sa maghapon. Magkaiba ang tsinelas dahil alang pambili na laging natutukso sa school. Ni hindi ko naranasang uminom ng coke noon. Minsan nga nainom pa ng kapatid ko ang gas sa bote dahil akala nya coke. Gasera kasi ang ilaw namin noon at kami lang ang walang kuryente. Hay naku buhay makatulog na nga.


Kinabukasan maaliwalas na ang panahon ngunit mababakas mo pa rin ang dinaanan ng delubyo kagabi. Sa lamesa ay may mga nakalagay na kabute na maraming-marami. Naalala ko noon nga pala basta kumidlat sa buwan ng agosto at umulan, kinabukasan maraming makukuhang kabute si tatay at binebenta naman ni nanay ko. Mga bunga ng ulan ang tawag ko.


Napangiti ako may naidudulot din namang maganda ang ulan Pagkatapos. Sabi nga sa Bible 'though the sorrow may lasts for the night but joy comes in the morning'.Tama nga, sabi nga nila when it rains, it falls but after the rain the sun will shine again. Ewan ko kung tama pero parang ganun yata ang pagkarinig ko. Hahaha. Sabi ko kay nanay wag na nilang ibenta mga kabute at ulamin nalang namin.


Namimiss ko kasi ang masarap na lasa nito lalo na yong sabaw niya. Kaya nga kinu-culture na rin nila ngayon ang kabute dahil sa sarap nito. Parang sa problema pagkatapos nito mararanasan mo ang ligaya dahil sa katagumpayan mo sa pagharap sa pagsubok na yon. At minsan nagbubunga pa ito ng mga positibong bagay na magpapalago sa iyong pagkatao basta huwag lang sumuko. Parang ulan gaano man ito kalakas sisikat din ang araw at makakahigop ka pa ng masarap na sabaw ng kabute. Hahaha korni na yata pero totoo naman.


Salamat din sa pamilya na laging naka-agapay sa akin sa lahat ng pagsubok kong dinaanan. Hindi nila ako sinisi, sinakal sa sitwasyon bagkus tahimik lang na sumuporta sa akin at nagbibigay ng payo at inspirasyon upang hindi ako mapariwara. Sa tuwing umuulan bumubuhos ang langit sa yong mga mata Kapag mayrong unos ay aagos ang luha ngunit di ka mag-iisa


"Hindi mo alam kong nasaan si Cathy Gretch?" tanong ko sa kapatid ko isang araw. "oi si kuya....may boyfriend yon kuya saka ewan ko nagtatrabaho yata sa manila. Bakit?" ang sabi ng kapatid ko sa kin.


"Ala naman hehehe. Di na pala ako pwede don noh."agad ko namang sagot sa kanya.


"Oo naku marami jan kuya. Makikita mo sila pa ang lalapit sayo. Guwapo yata ang kuya ko lalo na kung magpapameryenda. Hihihi." pang-aasar sa akin ng kapatid ko.


At masaya kaming nagkulitan. Alam ko isang araw makakahanap din ako ng babaeng mamahalin ko at magmamahal sa akin at liligaya din ako...ang mahalaga ngayon unti- unti gumagaling na ang mga sugat ko sa puso. At pagdating ng araw na iyon ay nakahanda na itong muli para magmahal at mahalin.