1. Home
  2. Stories
  3. Page Master ( Original Story ) - Prologue
PSErotica

Page Master ( Original Story ) - Prologue

By supertoyantz ·

Prologue

Nakaraan..

Malalim na ang gabi ng magising si Maricel.

Automatikong kinapa nya ang katabi nya pero nagtaka sya dahil wala ang asawa..

Tumayo ang babae at iinot inot na inabot ang roba..

Binalot ito sa sariling katawan sabay dahan dahang nagpunta sa banyo para hanapin ang asawa..

Pero bigo sya..

Lumabas ng kwarto ang babae..

Himas himas ang syam na buwan na tyan.

Manganganak na sya sa panganay nila....

Lumapit sya sa pinto ng library kung saan laging nakatambay ang asawa.

Pero bago nya ito nabuksan ay may sumabog na liwanag..

Natakot si Maricel..

Agad nyang binuksan ang pinto.

"Ariel?.." tawag nya sa asawa..

Pero walang sumasagot.

Natakot sya sa itsura ng libray.

Sabog sabog ang mga libro at nagkalat sa kung saan.

Tumba na din ang mga shelves..

Pero wala ang kabiyak..

"A-ariel.." ungol ni Maricel..

Naramdaman nya ang sakit na nanggagaling sa tyan..

Nandidilim na ang kanyang paningin.

Napaupo si Maricel..

"Arrrrieeeeellllll..." sigaw nya..

Tarantang lumabas ang katulong nila na si Gigi.

"Ay ate .. Manooonnnggg.. Manganganak na si Ateeeeeee.." sigaw ni Gigi sa hardinero nila.

Maliksing umakyat ang matandang katiwala sabay buhat sa among babae..

Di na nila alintana ang magulong library.

Normal delivery naman ang panganganak ni Maricel.

Inabot ng nurse sa ina nito ang batang lalake.

"It's a boy Mam.." nakangiting sabi ng nurse..

Nagpasukan na ang mga magulang ni Maricel at magulang ni Ariel.

Pero wala pa rin ang asawa nya.

"Ay.. Ka gwapo.. Anung pangalan nya iha?." tanong ng nanay ni Maricel.

Napangiti si Maricel.

"Ace......" sabi nya.

Ngumiti naman ang lahat..

Sang ayon sa pangalan na naibigay ng ina.

"You can now sleep Mam.. " sabi ng doktor.

Ngumiti lang si Maricel.

Napapikit sya at dahil sa pagod. Madali syang nahila ng antok.

Kasalukuyan..

"Happy birthday to you, Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, Happy birthday Isko.." awit ni Maricel sa apat na taong gulang na anak..

Humagikgik ang bata..

"Go na anak.. Blow your candles.. Hephep, Make a wish pa muna pala.." nakangiting bilin pa niya..

Ngumiti ang bata.. Lumabas ang gilagid nitong kulang pa sa ngipin..

Lumapit sya sa ina at bumulong.

"Aylabyo Naynay" pilit kinumpleto ng bata ang sinasabi nya ..

Bagamat bulol.. Naunawaan ito ni Maricel.. Napangiti sya at masuyong niyakap ang anak.

Pumikit ang bata..

Nagwish..
Pagkuway hinipan nya ang mga kandila..

Palakpakan sina Maricel at ang kababata ni Isko na si Francheska...

"Isko, anu wish mo?.." tanong ni Iska.

Ngumiti si Isko..Muling lumitaw ang bunging mga ngipin.

"Sekwet." landi ng bata..

Napasimangot ang batang babae..

"Sabi mo fwends tayo?.." tampo ni Iska.

"Oo nga. Pero sabi Naynay di daw grant yung wish kapag tell ko sayo.. Kaya dapat sekwet." kwento ni Isko.

Sumimangot si Iska .

Lihim na natatawa si Maricel sa kwentuhan ng dalawang bata.

"Kain na kids.. " aya nya..

Hinainan nya ng mga pagkain ang dalawang bata..

Pumunta sya sa kusina para kumuha pa ng drinks.

Pagbalik nya ay di nya maiwasan ang mapangiti dahil sa naabutan..

NAgsusubuan ang dalawang bata.

"Sabihin mo na kasi superfwend yung wish mo." ungot ni Iska..

Tumingin tingin si Isko sa paligid..

Napabungisngis si Maricel sabay tago sa likod ng divider..

"Wag mo tell kay Naynay na tell ko sayo ha?.." pabulong na sabi ng batang lalake..

Tumango tango naman ang batang babae..

"Dalawa wish ko.." panimula ni Isko.

Natawa naman si Iska..

"Ngek. Dapat di ba one lang? ang daya mo.. PAg nag bertdey din ako .. 3 ang iwiwish ko.." ayaw patalo na sabi ni Iska..

Muling bumungisngis si Maricel..

"Ahaha.. Ayaw patalo.. Yung una ko wish. Sana dating na si Taytay.." sabi ni Isko..

Natigil ang tawa ni Maricel..

Binalot sya ng awa sa anak..

"Wawa naman superfwend..Dito naman ako e." pang aalo ni Iska..

Natawa si Isko..

"Yung second, sana ikaw maging asawa ko.." bulong ni Isko.

Humagikgik si Iska sabay palo sa pisngi ng kaibigan..

"Gagsti ka. Tagal pa yun. " tatawa tawang sabi ni Iska.

"Kahit na. Lagi ko wish yon para makulitan sa akin si Papa Jesus .. Grant nya na agad.. " pangungulit ni Isko.

Muli silang nagtawanan dalawa..

Nangingiti si Maricel.. Pero nakakaramdam sya ng awa sa anak.

Ulila na si Isko sa ama.

Sa di malamang dahilan. Bigla na lang naglaho ang kanyang kabiyak..

Pinilig ni Maricel ang kanyang ulo.

Siguradong pagagalitan na naman sya ng anak kapag nakita sya nitong umiiyak..

Nakangiti syang lumapit sa dalawang bata..

"Oh oh.. Wag kayong mag asaran ha?.. Iska.. Anung oras ba uuwi Mom mo?.." tanong ni Maricel sa batang babae.

Nilagay ni Iska ang daliri sa sentido nito.. Nagisip.

"Basta po Naynay sabi ni Mommy before mag dark yung skies nandito na daw sya.." sabi ng bata..

Napangiti naman si Maricel.

Naynay din ang tawag sa kanya ng batang babae sa kagustuhan na rin ang kanyang anak..

"Okay.. Sige na . After eating .. You brush your teeth sa kitchen .. Tapos laro na kayo sa room muna.. " bilin ni Maricel..

Tumango ang dalawang bata..

Nakangiting iniwan na ni Maricel ang mga chikiting sa salas para kumain.

Hinanap nya ang matandang kasambahay nila..

"Manang.. Pakitingin naman po yung dalawang bubwit sa sala.. Dun lang ako sa library.." bilin ni Maricel.

"Ay opo Ate.. Tapusin ko lang po itong binabanlawan ko.." sagot ng katulong ..

Tumango si Maricel.

Umakyat na sya sa library para ituloy ang naputol na trabaho.

Isa syang sikat na writer.. Pero syempre tago ang kanyang personal na pagkatao..

Tatlong publishing company ang regular nyang pinapadalhan ng kanyang mga obra..

Bagamat nakakastress ang kanyang trabaho.. Kailangan nya ito para maging abala at wag ng isipin pa ang kabiyak..

Mag iisang taon ng nawawala si Ariel.. Sa di malamang kadahilanan..

Tulad nya ay isa din writer ang asawa.. Aminado sya na mas magaling ito sa kanya..Yun ang isa sa mga dahilan kaya nainlove sya ng todo ..

Napapangiti ng malungkot si Maricel habang hinihintay na bumukas ang laptop..

Hinilot nya ang sentido..

Pati batok ay minasahe nya..

Nakaramdam sya ng antok kaya niyuko nya muna ang ulo sa harap ng laptop at pumikit..

Sa salas..

Tapos ng lumamon ang dalawang bata..

"Laro tayo Isko.." aya ni Iska..

Tumingin ang batang lalake sa mga nagkalat nilang plato.

"Ligpit natin kaya?." tanong ni Isko.

Ngumiti si Iska ..

Magkatulong nilang binuhat ang mga plato at dinala sa kitchen..

"Toothbrush daw sabi ni Naynay." paalala ni Iska.

Tumango si Isko.

Hinatak nya ang isang upuan para abutin ang dalawang sepilyo..

Isang blue at isang pink..

Inabot nya ang pink na sepilyo kay Iska.

Kinuha nya ang red na toothpaste sabay pahid sa dalawang sepilyo.

Pumatong na din si Iska sa upuan.

Sabay silang nag brush ng teeth.

Sabay pa silang nagmumog..

"Patingin.." sabi ni Iska.

Pinakita ni Isko ang ngipin nyang bungi bungi.

Humagikgik ang batang babae..

"Panget.. Look mo yung aken.." payabang ni Iska..

Pinakita nya ang sariling set ng mga ipin..

Nainggit si Isko sa perpektong ngipin ng kaibigan..

"Panget.." pang aasar nya..

Nagtawanan sila..

Biglang lumabas ang katulong na si Gigi..

"Hoy kayo.. Tapos na ba kayo mag brush?.." tanong ng katulong .

"Opo ate.. " sabi ni Isko..

"Good kids.. Akyat na daw kayo sa room nyo.. Play muna kayo don kasi busy na si Ate.." sabi ng katulong.

Tumango ang dalawang bata..

Unang tumalon sa upuan si Isko..

Inabot ang kamay ng kababata at inalalayang tumalon.

Napangiti si Gigi sa nakita.

Tumakbo ang dalawang bata paakyat ..

"San na si Naynay mo?.." tanong ni Iska.

"NAsa room siguro..Tara kulitin natin.. " sabi ni Isko..

Dahan dahan silang sumilip sa kwarto ng Ina ni Isko..

"Wala.. San na?." tanong ni Iska.

Nagisip si Isko..

"Baka sa room na madaming books.." sabi ni Isko..

"Bakit sya lagi don?.." tanong ni Iska.

"Kasi lagi syang nag reread.. Sabi ni Naynay maganda daw na lagi kang mag reread ng books.. Para tumalino ka.. Ako nga lagi ako read ng Peter Pan.." sabi ni Isko.

Ngumiti si Iska ..

"Tara.. Pabukas nating yung TV sa room niya.." sabi ni Iska.

Napangiti si Isko ..

Magkahawak kamay silang nagpunta sa library..

Binuksan ng batang lalake ang pinto..

Una nyang nakita ang natutulog na ina sa harap ng laptop nitong nakabukas..

"Ssshh... Sleep pala si Naynay.. Wag na natin gulo.." sabi ni Iska..

Napaisip si Isko.

"Pakita ko sayo yung books na madaming animals. yung may kitty.." sabi ni Isko..

Nagliwanag ang mga mata ng batang babae..

"Tara .. San yon?.." tanong ni Iska.

Parang ninja silang humakbang .. Sinara ni Isko ang pinto sabay lapit sa maliit na shelf na naglalaman ng mga books na binili ng Naynay nya para sa kanya.

Kinutingting nya ang mga libro.

"Eto eto.. Ganda to.. Ganda ng bird dito superfwend..Kunin ko yung colors ko.." sabi ng batang lalake..

Napangiti si Iska sabay salampak ng upo sa sahig..

Lumapit si Isko sa gilid ng Naynay nya sabay hatak sa maliit na drawer ..

Hinugot nya ang kumpletong set ng crayons..

Ingat na ingat na di masagi ang natutulog na ina..

Gumaya si Isko ng upo....

Binuklat nya ang crayons nya..

Namangha si Iska..

"Wow.. Dami mo colors.. Hati tayo.." inggit na sabi ni Iska..

"Sayo din yan superfwend.. Sa atin yan dalawa.." sabi ni Isko.

Ngumiti si Iska..

Sya na ang nagbuklat ng libro..

"Ay ang panget mo naman mag color.. Lampas.." nakasimangot na sabi ni Iska.

Tumawa lang si Isko..

"Kasi excited ako magcolor..Turo mo ko.." sabi ni Isko.

Parang professional na kinulayan ni Iska ang isang maliit na ibon.

Biglang natawa si Isko dahilan para lumampas ang pagkulay ng kaibigan nya.

"Ay ang daya mo.. Wag ka kulit superfwend.." galit na sabi ni Iska.

Humagikgik si Isko.

Kumuha ng sariling color sabay kinulayan ang maliit na salagubang..

"Ngek.. Bakit kulay yellow yung cockroach?.." tanong ni Iska.

"Di yan cockroach.. Sabi ni Naynay salagubang daw yan.. Beetle daw ..Iba yung cockroach." pagyayabang ni Isko..

Ngumuso si Iska..

Kinulayan nya ang ulo ng beetle ng blue.

Kulay yellow ang katawan ng salagubang sabay blue naman ang ulo..

Nagkagikgikan sila.

"Kyut.." sabi ni Iska.

Tumango si Isko..

Binitawan nya ang pangkulay..

Tinitigan nya ang beetle..

Hinaplos..

"Nakakita ka na ng beetle superfwend?.." tanong ni Isko..

Umiling si Iska.

"Di pa.. Akala ko cockroach yan eh.. " sabi ni Iska.

Nagbungisngisan sila ulit.

"Kunwari kukunin ko.. " pakwela ni Isko.

Game namang tumango si Iska.

"Eeeehnnggg.. Dyaraaannn.. Magic.." sabi ni Isko.

Hinaplos nya ang larawan ng kinulayan nilang beetle..

Sa kagustuhan nyang ipakita ang totoong beetle sa kaibigan..

Inisip nya na makukuha nya ang maliit na insekto..

Sinlaki ito ng kanyang palad..

"Wala naman eh." biro ni Iska.

"Wag kulit.. Syempre wala ako makukuha .. Ano ako may powers?." irap ni Isko.

Tumawa lang si Iska.

Muling hinaplos ni Isko ang larawan..

Sa di nya maipaliwanag.. Uminit ang kanyag kanang palad..

Natakot si Isko.

Binitawan nya ang larawang ng insekto.

Nagtaka naman si Iska..

Pinagmasdan ang takot sa mukha ng kaibigan nya.

"Bakit superfwend?." tanong ni Iska.

Umiling si Isko.

Ayaw nyang takutin ang kaibigan.

"Wala.. Kala ko kinagat ako.." biro ni Isko.

Bungisngis si Iska.

"Color na lang natin yung iba..Dito ka sa right page.. Ako dito sa left.. Pagandahan tayo." sabi ni Iska.

Tumango si Isko.

Batid nyang wala syang panalo sa kaibigan pero game pa rin syang nakipagkumpetensya para sa ikasisiya ni Iska..

Hinaplos ang kanang kamay at tinitigan ang salagubang..

Pinilig nya ang ulo..

Dumampot ng isang crayons at nakipagpaligsahan na sa kaibigan..

After 10 minutes..

Nagtatawanan ang dalawang bata.

"Panget colors mo superfwend.." pang aasar ni Iska.

Natawa si Isko dahil puro lampas ang pagkulay nya.

Magaling talaga ang kaibigan nya sa pag color.

"Daya.. Magaling ka dito eh.." angal ni Isko.

Tumawa lang si Iska at muling nilipat ang pahina..

Bumalik sila sa salagubang.

"Nangangagat ba yan superfwend?.." tanong ni Iska.

Umiling si Isko.

"Di.. Nakakita na ako nyan nung nagpunta kami ni Naynay sa maraming insects.. Di ka kasi sama kasi alis kayo Mommy mo eh." sabi ni Isko.

Napanguso si Iska..

"Ay .. Nagpunta kami sa dentist non.. Sabi kasi ni Mommy lagi ko daw check teeth ko..Look mo naman... Yung sayo parang vampire.." pang aasar ni Iska.

Nagtawanan sila..

Tinitigan ni Isko ang larawan.

Hinaplos nya ito.

Muli nyang naramdaman ang pamilyar na init.

Natakot si Isko pero ayaw nyang ipakita sa kaibigan.

"Kunin mo superfwend.. Hihi." hagikgik ni Iska.

Tumango si Isko.

Biglang umilaw ang kanyang palad..

Natakot ang dalawang bata..

Sumenyas si Isko na wag maingay pero talagang takot na takot silang dalawa.

"Ano yan?.." tanong ni Iska.

Umiling si Isko.

"Di ko alam.. Ang init .." sabi ng batang lalake..

Lalong umiinit ang palad ni Isko.

Taranta nyang inalis ang kamay pero sa kasamaang palad tila dumikit na ito sa larawan ng salagubang.

Lalong binalot ng takot ang batang lalake.

Tumingin sya sa kaibigan..

"Superfwend.. Di ko maalis.." takot na takot na sabi ni Isko.

Nanlaki ang mga mata ni Iska.

"Wag ganyan .. Wag mo ko takot.." naiiyak na si Iska.

Umiling si Isko.

"Di ako joke.. Ang sakit na superfwend.." naiiyak na si Isko.

Lalong umiinit .

Napaluhod na ang batang lalake..

Lalong nanlaki ang mga mata nila ng dahan dahang pumapasok ang kanang kamay ni Isko sa libro..

"Waa.. Ang sakit. .Ouccch.." impit na ungol ni Isko.

Iniiwasan nyang magising ang ina dahil siguradong magagalit ito.

Tumayo si Iska.. Pumwesto sa likod ng kaibigan sabay hila sa damit nito.

"Ooouccchh.. Sakit superfwend.. Init.." angal ni Isko.

Unti unti ng nilalamon ng libro ang kalahating braso ng batang lalake..

Pinaglabanan na ng dalawang bata ang takot.

Sa batang pwersa nila..Magkatulong nilang hinatak ang braso ng batang lalake.

"Init.. Aaaaahhhhh... Di ko na kaya .." ungol ni Isko.

"Wag ka bitiw superfwend.. Pull mo.." impit na sigaw ni Iska.

Lalong nagliliwanag ang braso ni Isko..Gumagapang ang init..

Tila iniihaw ang pakiramdam ng bata..

"Araaaayyyyy... " halos mawalan na ng malay ang batang lalake..

Gumagapang na din ang init..

Nararamdaman ni Iska ang hirap ang kaibigan.

Imbes na lalong matakot..

Ibayong tapang pa ang naramdaman nya sa kagustuhang iligtas ang kaibigan sa kung ano mang kababalaghang nagaganap.

"Wag ka bitiw superfwend..Puuullll.." sigaw na ni Iska.

Nakakaramdam na ng antok si Isko.

Tila hinahatak na ng antok ang kanyang kamalayan.

Aandap andap na ang pakiramdam nya.

Bulong na lang sa pandinig nya ang boses ng kaibigan.

"Wag mo ko iwan superfwend.." tanging nasabi ni Iska.

Papikit na si Isko pero pumasok pa rin sa pandinig nya ang huling sinabi ng kaibigan.

Nilabanan nya ang antok na nararamdaman..

Pilit nyang dinilat ang mga mata..

Lalong lumiwanag ang braso nya.

Pero di na sya natakot..

Halos dumikit na ang mukha nya sa libro.

Pumasok na ang buong braso nya...

Tinukod nya ang kaliwang kamay sabay pilit na tumayo..

"Puulll.." sigaw ni Iska.

Di na alintana kung magising man ang Naynay nila.

"Aaaah... Ang sakeeeettt." daing ni Isko..

"Pull lang superfwend.. Ppppuuuulllll..." sigaw ni Iska.

Isang malakas na pwersang paghatak.

Napunit ang damit ni Isko..

Bagsak ang dalawang bata.

Sumabog ang liwanag ..

Nagdilim ang mga mata nila..

Gumapang si Iska palapit sa kaibigan..

Halos panawan ng ulirat si Isko pero nakuha nya pang ngumiti kay Iska.

"Superfwend.. Nose mo.." bulong ni Iska.

Sariling damit ang pinampunas nya sa umagos na dugo sa ilong ni Isko..

Luhaan na si Iska.

Pinahid naman ito ng batang lalake..

"Antok ako superfwend.." bulong ni Isko.

Tumango si Iska..

"Sleep tayo.." bulong ni Iska.

Ngumiti si Isko sabay hinilig ang ulo ng kaibigan sa maliit na braso.

Yumakap naman ang batang babae sa kaibigan.

Kapwa hinatak ng antok..

Naalimputangan si Maricel.

Una nyang napansin ang laptop na bukas.

Napailing sya at pinatay na lang..

Nag inat ng mga braso..

Tatayo na sana sya ng may masagi ang kanyang paa..

Napakunot noo ang babae..

"Coloring book ito ni Isko ah?.." bulong ng ina.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang dalawang bata na magkayakap na natutulog sa sahig.

May bahid pa ng dugo ang ilong ni Isko.

"Isko !.." tili ni Maricel.

Inalog nya ang dalawang bata.

Umungol lang ito.

Natakot si Maricel.

Binuhat nya si Iska at dali daling tinakbo sa kwarto ng anak.

Binalikan nya si Isko sabay buhat din.

Pinagtabi nya ang dalawang bata..

Nakatulog ang mga ito sa di nya malamang dahilan.

Pinunasan ni Maricel ang ilong ni Isko.

Takot ang kanyang nararamdaman.

Kinumutan nya ang dalawang bata.

Tatanungin nya na lang ang mga ito pag gising.

Hinalikan nya muna ang noo ng dalawang bata bago dahan dahang lumabas ng kwarto.

Bumalik sya sa library..Dinampot ang libro..

Kataka takang napakainit ng coloring book ni Isko

Muling binalot ng takot ang ina.

"Ano bang nangyari sa dalawang batang yon?.." takot na bulong ni Maricel sa sarili.

Tiniklop nya ang coloring book ni Isko.

Di nya napansin na nagkulang ng isa ang mga larawan.

Palabas na sana sya ng kwarto ng may masipa sya..

Niyuko ito ni Maricel.. Napatda sya sa nakita.

Salagubang na pagkalaki laki.. Sinlaki ng palad ng bata..

Kulay Blue ang ulo habang dilaw ang katawan..

Di naman ito lumilipad pero nakakatakot ang laki nito..

Binunggo bunggo nito ang kanyang paa.

Natakot si Maricel.. Dinampot ang insekto sabay pinatong sa study table nya..

Muli nyang kinuha ang coloring book ni Isko.

Nilipat lipat ang pahina.

Hanggang sa mapunta sa blangkong espasyo katabi ng tutubi..

Kinuha nya ang beetle sabay sinukat sa blangkong espasyo..

Nanlaki ang kanyang mga mata.

"It can't be.." bulong ni Maricel.

Tulala ang ina.

Gumalaw ang insekto..

Sa gulat nya ay unti unti itong pumapasok sa libro..

Pinaglabanan ni Maricel ang takot.

Pinanuod nyang lamunin ng pahina ang insekto.

Bumalik na ito sa dating pwesto..

Ganun pa rin ang kulay at laki.

Nanlalaki ang mga mata ni Maricel .. Sinara nya ang libro at parang robot na nilagay itong muli sa shelf..

Tulala syang naupo sa upuan nya at tinitigan ang monitor ng laptop..

Walang ibang makakagawa nito..

Kundi ang nag iisang anak.

Binalot sya ng takot..

Muling nanariwa sa kanya ang nakaraan bago mawala ang kabiyak..

"Noooo !!.." sigaw ni Maricel.