1. Home
  2. Stories
  3. Pandaraya
Filipino Sex Stories

Pandaraya

By Teddyray ·
CHAPTER III- PANDARAYA

Isang buwan ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa pagitan nina Dra. Lyn Abarrientos, Dra. Leah Buenviaje, Arnulfo Alcantara at Professor Artemio Domingo. Nakabalik na sina Doktora Lyn at Leah sa ospital na kanilang pinaglilingkuran. Si Professor Artemio Domingo ay nakabalik na rin sa pamantasan na pinagtuturuan at nagpatuloy sa kanyang mga pananaliksik sa larangang ng medisinang Nukleyar. At si Arnulfo Alcantara naman ay nakabalik na sa kanyang matayog na opisina sa Financial District ng Makati City.

Subalit, hindi doon naputol ang kani-kanilang obsesyon. Si Leah ay nagpatuloy sa kanyang pagtatangi sa batang propesor. Gamit ang impluwensya ng pamilya, naglatag si Leah ng mga bitag upang masilo ang mailap na puso ng binata. Halos gabi gabi ay tumatawag siya sa telepono sa bahay ng propesor. Nagpalipat siya ng ospital na pinaglilingkuran kung saan magiging mas higit na malapit siya sa binata. Isinumpa nya sa sarili na wala ibang lalaki na hahangarin nyang makasama habang buhay kundi si Professor Artemio Domingo!

"Daddy, busy ka ba?". Malambing na sabi ng dalagang doktora sa ama na noon ay nagbabasa ng dyaryo sa harap ng kanilang terasa. Si Governor Arthur Buenviaje ay nasa huling termino sa pagiging punong ehekutibo ng lalawigan ng Sorsogon sa kabikulan. At ito ay nakatakdang tumakbo bilang kongresista uli ng unang distrito sa kanilang lugar.

Napatingin ang gobernador sa papalapit na kaisa-isang anak na doktora at naka kunot ang noo na tumugon. " Hmm mukhang may importante kang hihilingin ah, Doktora? Mukhang kinakabahan ako ah?"

May himig panunudyo na sabi nito at tinanggap ang banayad na dampi ng labi ng anak sa kanyang pisngi ng nakalapit na ito sa kanya. Umupo ang dalagang doktor sa silya na di kalayuan sa ama.

"Naisip ko lang Daddy na malapit na ang eleksyon..." Ibinitin nito ang sinasabi at tinitigan ang amang gobernador. "Alam kong tatakbo ka bilang Congressman at tiyak naman ang panalo mo." Dugtong pa nito. Natuwa ang kaharap sa narinig. Subalit nagtataka ito kung ano ang relasyon ng eleksyon sa nais ng doktorang anak na sinasabi ngayon nito.

"Plantsado na yun, iha. Wala naming mangangahas na lumaban sa Daddy mo sa pwestong ito sa darating na eleksyon!" Sabi ng gobernador na tila pagmamalaki sa kaharap na anak.

" Kaya nga Daddy, naisip ko lang, bakit di ka mag sponsor ng pag aaral sa pagka dalubhasa sa ibang bansa ng ilang mga siruhanong katulad ko?" Naisip ni Leah si Prof. Tim Domingo. Ito ay isang paraan upang masolo nya sa ibang bansa ang binata. Pag nabigyan ng scholarship ito, siya rin ay magpapakadalubhasa sa ibang bansa. At mailalayo nya ito kay Dra. Lynn Abarrientos. At titiyakin nya na mahulog sa kanyang alindog ang sinasambang batang propesor.

Ngunit hindi alam ni Leah na ang nakatakda ay nakatakda. Si Dra. Lynn Abarrientos ang nakatakdang maging ina ng unang binhi. At ang pag-ibig na nag-ugat sa symposium na dinaluhan nila ay unti-unti ng umusbong at nag-ugat sa pagitan ni Dra. Lynn Abbarrientos at Prof. Artemio Domingo.

Mabilis na tinugpa ng mga paa ni Dra. Lynn Abarrientos ang mahabang pasilyo. Nagmamadali siyang marating ang lobby ng ospital. Parang nasasabik siya, subalit natatakot na muling makita at makaharap ang binatang propesor. Ayaw nyang mahalata nito na excited siyang muli itong makaharap pagkatapos ng ginanap na symposium sa Sorsogon City.

Matagal ang sandaling ginugol nya sa CR ng ospital upang ayusin ang kanyang sarili. Tumawag ang binata kani kanina lang at nagsabing paparating na ito sa ospital na pinaglilingkuran ng dalaga. Naisip nya na sana ay hindi nahalata nito ang pananabik sa kanyang tinig habang kausap nya ito sa telepono kanina. Pinilit nyang maging kaswal ang dating ng tono ng kanyang boses. Kahit pa talagang na missed ng dalagang doktora ang kinasasabikang batang propesor.

At ng makarating na siya sa lobby ng ospital, kinakabahang inapuhap nya ng tingin ang mga tao na naka upo sa lobby. Kahit ihalo sa mas higit na maraming mga kulumpon ng tao, tila may kakayahang ihiwalay sa karamihan ang itinatangi ng pusong nagmamamahal. Sa maraming mga nakatipon na mga pasyente at mga bisita ng ospital, hinanap at natagpuan ng kanyang paningin ang binatang itinatangi. Nadama ng dalagang doktora ang pagbilis ng sikdo sa kanyang dibdib ng magtama ang kanilang mga mata ng binatang propesor. At batid ni Lynn ito na ang sinasabi nilang 'pag-ibig'.

"Kanina ka pa?" Narinig ni Lynn ang sariling sinasabi sa binata nang agad itong lumapit nang sumungaw siya sa bukana ng lobby ng ospital.

"Kararating ko lang..." Narinig nyang sabi nito. At muli, nadama nyang tulad sa hardin ng hotel sa Sorsogon City, naramdaman nya na tila siya nababato-balani ng titig ng kaharap. Tila nalulunod siya sa tuwa na muling makaharap ito. Nagkatitigan slang dalawa. Matagal. Parang sila lang ang nasa lobby ng hotel. Parang ang mga oras na iyon ay itinakda para lamang uminog sa pagitan nila.

"Hanggang anong oras ang duty mo?" Yung baritonong tinig ng binatang propesor ang pumukaw sa saglit na parang pagkatulala ni Lyn. Saka nya naramdamang naroon sila sa lobby ng ospital, at maraming pasyente sa kanilang paligid.

" Hihintayin mo ba ako pag -uwi mamaya?" Narinig nyang nulas sa labi nya. Pakiramdam ni Lyn sobra naman ang bodily reaction nya ngayong nasa harap nya ang makisig na batang propesor. Parang nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa titig nito. Parang kung yayakapin siya at hahagkan sa oras ding ito ng binata, hindi siya tatanggi, kasi yun din ang kanyang nararamdaman. Gusto nyang yakapin at damhin ang init na magmumula sa matipunong bisig ng kaharap.

" Doktora..." Muling pinukaw ng tinig ng kanyang kaharap ang saglit na kanyang pagmumuni-muni.

Bigla siyang pinihit ni Tim para iiwas doon sa mabilis na sumulpot na wheelchair na tulak tulak ng isang hospital attendant papunta sa ER ng ospital. Ng parang matutumba siya, naramdaman ni Lyn ang mabilis at maagap na pagsapo ng batang propesor sa kanyang bewang. Saglit siyang napayakap dito. Subalit maagap siyang kumalas. Naghahabol ang kanyang hininga." Kay bilis ng palpitation ng puso nya", Naisip nya. At gusto niyang maasiwa sa sarili nya. Bakit may pinukaw na init sa ibaba ng puson nya ang saglit na pagkakahawak ng batang propesor sa kanyang bewang. Kisap-mata lang yun. Pero parang nagmarka sa buong katauhan nya.

Nagkatitigan sila. Titig na tanging ang mga mata nila ang nag-uusap. Pero bakit ang mga puso nila ang masaya?

"Susunduin mo ba ako mamaya?" Ulit ni Lyn doon sa unang tanong nya sa kausap. Mabagal silang naglalakad sa pasilyo. May kalahating oras siyang magugol para sa breaktime.

"Oo, sana kung pwede at walang—susundo sayo..."

Ilang ulit pa na naganap yung pag-punta-punta at pagsundo-sundo ni Tim kay Lyn sa ospital bago nya nakamit ang pag-'Oo' ng dalagang doktora sa kanyang panliligaw. Sadyang itinaon ng dalaga na sagutin ang pamimintuho ng binata sa birthday nito.

Naka-upo sila sa isang sulok ng matulaing Kawa-kawa Hills, sa bulbundukin ng Ligao, Albay. Tanaw nila ang iba-ibang mga puno at halaman sa ibaba nito. Masarap sa pandama ang sariwang simoy ng hangin. Subalit, mas masarap sa pandama na kapiling nya ang lalaking ito na gumising sa kanyang matagal na naidlip na puso. Araw ng pagsilang ni Lyn. 26 years old na siya. September 26, yun ang petsa ng kanyang kapanganakan. At sa araw na ito ibinigay nya sa binatang propesor ang kanyang pag'Oo" sa iniluluhog nitong pag-ibig.

" Talaga, Lyn?" Parang paniniyak ng binata. Tumango siya. Itinapon niya ang kanyang paningin sa dakong ibaba ng burol. Parang ayaw nyang masalubong ang tingin ng binatang katipan na nya ngayon. Parang napapaso siya kapag tinititigan nito.

Subalit, maagap ang binatang propesor. Inakbayan siya. Ibinaling ang kanyang mukha sa mukha nito Pumikit siya ng apuhapin nito ang kanyang mga labi. May bahagyang nginig ba ang kanyang mga labi ng sumayad dito ang mainit na labi ng katipan? Ito yung unang halik nya. Hindi nya alam kung paano. Subalit hindi na siya bata. Sa buong taon ng kanyang pag-aaral mula noong kamusmusan sa elementarya, at sa mga kamulatan sa high school, at sa mga pagtuklas as mga taong ginugol nya sa pre-med at hanggang makatapos siya ng kurso sa medisina, nakakapanood na rin siya ng mga adult oriented na films at videos. Pero hindi siya naantig sa mga ito. Di tulad ng pagkaka-antig nya sa sandaling ito sa init na idinudulot ng labi ng binatang itinatangi.

Nagpa-ubaya siya. Ibinuka nya ang malambot at mamasa-masa nyang mga labi. Naramdaman nya ang banayad na pag-labas pasok ng dila ng binata sa kanyang bahagyang naka buka na bibig. Salitang sinisipsip-sipsip nito ang kanyang mga labi at ipinapasok ang dila nito na parang inaapuhap ang kanyang dila. Napakapit siya sa likuran ng binata. Naramdaman na lang nya na nakalapat na ang kanyang likod sa nakalatag na jacket ng binata na kanina lang ay kanilang inuupuan. Idinilat nya ang kanyang mga mata. Natatakot siya baka may ibang tao sa paligid at makita sila sa kanilang pag-uulayaw.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap nito at umayos ng pagkakaupo. Pero sumandal siya sa dibdib ng binata. At naramdaman niya ang mabilis na tibok ng dibdib nito at tila paghahabol ng paghinga nito. Tumingala siya at nagtagpo ang kanilang mga titig.

"Sorry," Sabi ng kayakap niya. Pero kinabig nito ang ulo nya palapit sa kanyang dibdib. "Nabigla ako, natangay ako ng sobrang tuwa..." Parang pagpapaliwang nito sa nagawang pangahas na paghalik sa kanya.

Hindi kumibo si Lyn. Wala siyang naisip na sabihin. Ramdam pa nya ang bahagyang panginginig ng kanyang kalamnan sa unang halik na yun na naranasan ng kanyang mga labi. Nanunuot pa sa kanyang kaloob-looban ang tamis ng halik ng binatang, katipan na nya ngayon. Ang kakaibang init na pinukaw sa kanyang pagka babae ng matamis na halik na yun.

Inabot ng isa nyang palad ang pisngi ng binata. Nakahiga na siya sa kandungan nito sa pagkakaupo sa bahaging iyon ng makapigil-hiningang burol ng Kawa-kawa. Papalubog na ang araw. Kinurot-kurot nya ang pisngi ng binata. Walang salitang namutawi sa pagitan nila. Wala namang kataga na sapat para ilarawan ang mahika ng pag-ibig. Wala namang kataga na akma sa nadarama nilang marubdob na pagmamahal sa bawat isa.

At naramdaman nyang yumuko ang katipan. Hinalikan siya sa labi. Hinawakan nya ang ulo nito habang kinukuyumos siya ng halik nito. Kusa na nyang ibinuka ang kanyang bibig. Kusa na rin nyang inapuhap ang dila nito ng kanyang dila. At ang halikan nilang iyon ay naging mitsa. Na magpapasabog ng isang itinakda...

Nag-aagaw na ang liwanag ng bumaba sila mula sa burol ng Kawa-kawa. Sumakay si Lyn sa harap ng owner type jeep na dala-dala ni Tim. Masayang-masaya ang kanyang pakiramdam. Ito na yata ang pinaka-masaya nyang kaarawan. Tinapunan nya ng tingin ang binata habang banayad nilang binabagtas ang baku-bako at may katarikang daan pababa sa burol. "Kung nakilala nya agad ang binata noong una pa, baka hindi nya pinangarap na maging 'Dra. Lynn Abarrientos'. Baka mas ginusto nyang maging simpleng, 'Mrs. Lynda A. Domingo'!" Nangiti si Lyn sa iniisip.

"Any food for thought...?" Sinulyapan siya ng katabing nagmamaneho sa jeep na kanilang sinasakyan. Pinukaw nito ang pagmumuni-muni ni Lyn. " Mukhang malalim ang iniisip ng misis ko ah?"

Misis? Natuwa siya sa sinabi ng katabi. Pero, misis agad? " Hoy, mister, nahalikan mo lang ako kanina, misis na agad?" Sabi nyang naka-irap. Pero ngiting-ngiti siya. Damang dama ni Lyn na totoong gusto nyang maging katotohanan na maging kabiyak ng dibdib ng lalaking ito.

"Well, 30 na ako, at 26 ka na. We will never be any younger. Nung nakita kita sa hardin ng hotel sa Sorsogon City, I feel it. Ikaw yung itinuturo ng puso ko..." Sabi nito habang nakatutok ang paningin sa pasanga-sanga at paliko-likong daan palabas sa burol. Kinikilabutan si Lyn habang nanunuot sa kanyang pandama ang sinasabi ng binata. Kasi pareho sila ng nararamdaman. Kay tagal na nakasara ang kanyang puso sa sinasabi nilang pag-ibig. Sa mga panahong ginugol nya sa loob ng kanyang 26 years, wala siyang natatandaan na nagkaroon siya ng mga 'crush' o mga atraksyon kaninuman. Doon lang din sa hardin ng hotel na yun, saka nya nadamang ligaligin ng isang banyagang damdamin.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Arok nya sa kausap. Nakita ni Lyn na bumulaga na sa kanila yung main highway at napuno na yung maluwag na kalsada ng mga mabibilis na mga bus at mga pribadong sasakyan.

" Oo naman. Nag-iisip nga ako kung tatanggapin ko pa yung alok na fellowship ng isang University Hospital sa Australia." Natilihan si Lyn sa narinig. Mag-aabroad siya?

Hindi nya naisatinig yung gusto nyang sabihin ng pumarada sila sa tapat ng isang first class na hotel sa Legazpi City. Pagkaraang maiparada ng maayos ang dalang sasakyan, inalalayan si Lyn ni Tim na bumaba mula sa sasakyan. Iginala ng dalaga ang paningin sa paligid. Maganda ang facade ng hotel. Mas maganda yung garden restaurant sa loob nito.

Parang sunud-sunuran lang si Lyn sa binata. Dumiretso sila sa counter ng garden restaurant. Kinausap nito yung tagapamahala. Maya-maya ay lumabas ang head waiter at sinamahan sila sa dulo ng garden restaurant na may naka ayos na na tapete yung lamesa. Parang naka- reserved na yung lamesa.

" Happy Birthday Lyn..." Bulong ng binatang propesor kay Lyn. Parang ibig maiyak ng dalaga. " Sorpresa ko sana sayo ito," Sabi nito. At nagtagpo na naman ang kanilang mga titig. Muling naramdaman ng dalaga ang pagbilis ng pagsikdo ng kanyang dibdib. "Pero mas higit na masaya yung sorpresa mo..." Tumingin si Lyn kay Tim na parang gustong itanong kung ano yung sorpresa ni Lyn na tinutukoy ng kausap. Para namang naintindindihan ito ng binata. "Nasorpresa ako ng sinagot mo ako doon sa burol ng Kawa-kawa kanina...pinaka masayang sorpresa sa buhay ko..." Dugtong nito.

Mula sa araw na iyon naging opisyal ang kanilang pagiging magkatipan. Nagkasundo silang magpapakasal silang dalawa ng lihim bago ito tumulak patungong Australia para tanggapin ang fellowship na iniaalok ng isang Australian University Hospital doon. Magtuturo si Tim at magiging resident doctor doon. Sa loob ng isang taon, babalik siya para pormal na hingin ang kamay ng dalaga. Magpapakasal sila sa simbahan at dadalhin nya ang magiging maybahay sa Australya.

Iyon ang binuo nilang plano. Iyon ang marubdob nilang hangad. Pero hindi tuwid ang landas patungo sa itinakdang tadhana. Iba ang iniisip ni Leah. Iba ang plano ni Arnulfo Alcantara.

Naka harap si Lyn sa naka bukas na bintana ng hotel. Tanaw ang matulaing bundok ng Mayon mula sa kanilang kinalalagyan. Tumayo si Tim at niyakap ang katipan. Hinatak nya pasara ang venetian blinds na tumatabing sa bintana. Isinandal nya ang kaniig sa pader na dingding ng silid na yun na inupahan nila. Ito ang araw ng kanilang 'pulot-gata'. Katatapos lang nilang manumpa sa harapan ng huwes sa Legazpi City.

Legal na, na sa paningin ng batas ay kabiyak na ng kanyang didib ang minamahal na katipan. Pero hindi ito ang una nilang naging pagtatalik. sa loob ng buwang ito dalawang beses na nilang ganap na binigyang laya ang marubdob na pag-ibig sa bawat isa.

"Higa tayo, hon." Bulong ni Lyn kay Tim. Hon ang pinili nyang itawag kay Tim. Pina-ikling 'Honey'. Pulot pukyutan. Baka nga mas matamis pa sa pulot-pukyutan ang nadarama nyang pag-ibig dito.

Humiga sila. Naka damit pa silang dalawa. Pareho nilang gustong magsimula ang sexual foreplay ng mayroon pa silang saplot. Hinalikan ni Tim ang dalagang, maybahay na nya ngayon. Ang halik ay sa labi. Kay lambot ng mga labi ni Lyn. Kay tamis sa panlasa ni Tim maging ang laway nito. Habang marubdob ang kanilang paghahalikan ay kinakalag nya ang hook ng bra nito. Inangat naman ni Lyn ang likod sa pagkakalapat sa malambot na kama upang mabilis nyang makalag ang bra nito. At ng tuluyang makalag ang hook ng bra ni Lyn, tinulungan nya si Tim na alisin ito at hinayaan niyang bumagsak ang bra sa gilid ng kama. Itinaas ni Tim ang blouse ng kaniig. Kay gandang masdan ang tayong tayo at mapupulang mga utong nito. Agad nyang isinubsob ang kanyang bibig sa pagitan ng dalawang boobs ni Lyn. Naramdaman ni Tim na biglang iniangat ni Lyn ang likod nito habang banayad na ikinikiskis ang kanyang harapan sa isang binti ni Tim.

Isinubo ni Tim sa kanyang bibig ang utong ng kaliwang didib ni Lyn. Napa singhap ito at hinawakan ang kanyang ulo. "Masarap hon... sipsipin mo kabilaan ohhhh, wag mong kakagatin ha?" Paki-usap nito sa katalik. Lalo namang ginanahan si Tim. Sinupsop nya kabilaan ang dalawang utong ng mamula-mulang boobs ni Lyn. Habang sinusup-sop nya kabilaan ang mga utong ng boobs nito ay inaabot ng malaya nyang kamay ang butones ng suot na pantalon ni Lyn. Inaapuhap naman ni Lyn ang mga butones ng polo ni Tim.

Nang maabot ng kamay ni Tim ang butones ng pantalon ni Lyn ay agad nyang ibinaba ang siper ng pantalon nito upang malaya nyang maipasok ang kanyang kamay sa loob ng panty nito. Habang isinusubo nya kabilaan ang utong ng boobs ni Lyn ay kinapa nya ang madamong kagubatan ng kaangkinan nito. Basang-basa na ang doktorang kabiyak na nya ngayon. Pinadaan niya ang kanyang panggitnang daliri sa basang basa na na hiwa nito. Naramdaman nya ang pag-angat ng balakang nito. Natanggal na rin ni Lyn ang lahat ng butones sa lanyang polo. at inuumpisahan naman nitong kalasin ang kanyang suot na pantalon.

Naalis ang kamay ni Lyn sa kanyang pantalon ng bumaba si Tim sa paanan ni Lyn. Hinila nito pababa ang pantalon ni Lyn. Tumambad sa paningin ni Tim ang matambok na hiyas ng katalik na tinatakpan pa ng kulay pink na panty. Tumayo siya sa gilid ng kama at ibinaba rin ang suot na pantalon. Hinubad nya rin ang suot na polo. Naka brief na lang si Tim. Si Lyn naman ay naka panty at naka- blouse na lang.

Agad na lumuhod si Tim sa paanan ng bagong maybahay. Sinamyo samyo muna nya ang mabangong hiyas ni Lyn. Pumupuno sa pandama nya ang natural na amoy ng pagkababae ng doktora. Na lalong nagpapatigas sa kanyang sandata na parang pakiramdam nya ay naguumalpas na mula sa kanyang brief.

Hinawi nya ang gilid ng panty ni Lyn. Lumitaw ang pisngi ng hiyas nito. Maging ang madamong bahagi ng kanyang kabukiran ay basa na. Ginawang araro ni Tim ang kanyang dila at sinuyod ang bukana ng bukirin ng kanyang maybahay.

"Hon, hubarin mo na ang panty ko," Bulong ni Lyn." Wala akong dalang ekstrang panty. Baka manggitata na yan."

Agad namang tumalima si Tim. Mabilis nyang ibinaba ang bikini panty ng katalik. Inabot ito ni Lyn at maayos na inilapag sa headboard ng kama. Paduhapang naman na umakyat ng kama si Tim at hinagilap muli ang bukirin ni Lyn. Sinungkal sungkal nya ng pinatigas na dila ang bukana ng hiyas ni Lyn. Naramdaman nyang napapa-igik ito lalo pa kung nasasanggi ng dila nya ang parang kuntil sa itaas ng biyak ng hiyas nito.

"Hon ohhh ang sarap nyannnn ohhh ang sarap pag nadudunggol ng dila mo yung ano ko...ohhhh uhmmm honnn ohhhh aroused na aroused na ako hon..."

Naisip ni Tim na ipaloob din sa bibig at higop-higupin yung kuntil na yun sa itaas ng hiwa ni Lyn. Kanda liyad si Lyn ng gawin nya ito. " Hon... ano na yannnn? Anong ginagawa moooh? Bakit ang saraaaph ohhh wag mong kakagatin, please God ohhhh,"

Nagulat si Tim ng biglang parang may sumirit na mainit-init na likido mula sa bukana ng hiyas ng doktora na maybahay na nya ngayon. Nalagyan ng mainit at malagkit na likido pati baba nya. Naramdaman nya ang pagkinyod kinyod ng balakang ni Lyn kasabay ang impit na halinghing. Tanda na umabot ito sa sukdulan.

Nagmamadaling hinubad ni Tim ang suot na brief. At umigkas ang inaalagaan nyang 'kobra' sa kanyang ibaba. Naka handa na itong manuklaw. Naka pikit si Lyn. Ninanamnam pa ang sarap ng katatapos pa lang

na pag orgasmo. Napadilat ito ng maramdaman ang pag dunggol sa bukana ng kanyang hiyas ng ulo ng 'kobra' ni Tim.

"Tekan hon..." Sansala ni Lyn sa katalik na kabiyak na nya ngayon. Pero hindi nya natapos ang sasabihin ng tuloy-tuloy na pumaloob sa kanyang kaselanan ang mapangahas na panauhin. Napapikit na lang siya at napakapit sa braso ni Tim ng magsimula na itong umulos. Pakiramdamdam nya parang mapupunit ang kanyang pwerta. Pero bakit mas higit na rumirehistro ang sarap sa kanyang utak? Naramdaman nyang yumuko si Tim at ginagap ng labi nito ang labi nya. Pakiramdam ni Lyn muling tumaas ang libog nya. Naramdam niya uli ang pagkaantig sa kanyang pagkababae. Isinabay nya ang kanyang balakang sa bawat pag indayog ni Tim sa kanyang harapan. Naramdaman nyang umaayuda siya sa bawat pag-ulos nito sa kanyang kaselanan.

At naramdaman nyang higit na naglawa ang kanyang hiyas. Ikinawit nya ang kanyang mga binti sa likuran ni Tim. Pabilis naman ng pabilis ang pagkadyot ni Tim. Parang gustong abutin ang pinakamalalim na bahagi ng balon ni Lyn na lalong binukalan ng mainit-init na dagta.

"Hon malapit na yata uli ako hon..." Bulong ni Lyn na lalong ikinunyapit ang mga paa sa likuran ng balakang ni Tim.

"Ako rin honnnn" Parang nagdedeliryo na rin ang pakiramdam ni Tim.

"Honnnn umppph ohhhhh hayan na akooo God... ang sarapppp.... Ohhhhh, I love you hon ummmhhh ohhhh" Impit na daing ni Lyn habang pumupulandit mula sa kanyang kaibuturan ang dagta ng kanyang orgasmo sa pangalawaqng pagkakataon. Pumaspas naman si Tim ng kadyot. Pumaspas na parang hinete na malapit na sa finish line. Ilang hugot at baon pa at isinabog nya ang katas na lumikha sa unang binhi ng magdamag. Ang unang binhi ni Prof. Artemio Domingo.

At lingid sa dalawa, may binabalak si Arnulfo Alcantara na maglilihis sa tadhana na nakatakda.

Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang symposium sa Sorsogon City. Subalit hindi nya makalimutan ang doktora na bumihag sa puso nya. Nasa kanyang pad si Arnie. Penthouse ito ng matayog na gusali na pag-aari ng kanyang ama sa isang barangay sa financial district ng Makati City. Umiinom siya ng paborito nyang whiskey. Hindi nya matanggap sa sarili nya na parang hindi uubra sa doktora ang panliligaw nya dito. Naka-ilang balik na siya sa ospital na pinaglilingkuran nito, pero iniiwasan siya nito. Hayagan ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya at hindi ito matanggap ni Arnie.

Marahil lasing lang siya sa iniinom na whiskey. Pero may binuo siyang balak. Kailangan nyang paghandaan ito. Sa pamamagitan ng koneksyon ng kanyang ama nagawa nyang kuhanan ng pasaporte si Lyn. Nagdownload siya ng mga larawan sa website ng ospital at ito ang ipinagawa nyang larawan sa pasaporte ni Lyn. Kikidnapin niya ang dalagang doktor. Dadalhin niya ito sa bahay bakasyunan nila sa Switzerland. At doon wala itong magagawa kundi ibigin siya. At si Dra Lyn Abarrientos ang magiging reyna ng kaharian ni Arnulfo Alcantara. Siya ang magiging Mrs. Lynda A. Alcantara.

At tinungga ni Arnulfo Alcantara ang mapait na alak sa baso na hawak nya. Mapait ang alak. Higit na mapait ang maitim nyang balak sa dalagang doktora. Ang iniisip nyang tamis sa piling ng iniibig ay maging katamisan kaya na nanamnamin nya sa buong buhay nya? O ang katamisang ito ay magsisilbing lason na pagsisihan nya?

End of Chapter 3- Susunod- Ang Kabayaran