1. Home
  2. Stories
  3. Patak... ( Part 2 )
Lagablab

Patak... ( Part 2 )

By wish_trish ·
" Patak... " ( Part 2 ) Maingay ang kasiyahan, maliwanag ang lugar na pinag dausan ng victory party. Nanduon lahat ang mga ka alyansa ng ama ni Derick, halos lahat naka gowns at suits. Dumating ako ng sine-serve pa lang ang cocktails, at lahat ay abalang nagkukwentuhan. Mula sa entrada ay biglang binuksan ang pinto at nasilayan ng maraming tao ang aking anyo. Heavily beaded ang Balenciaga ballroom gown na suot ko. Ito ay kulay midnight blue, at napapalamutian ng isang libong crystal. Mula sa kinatatayuan ko sa ilalim ng ilaw, ay parang kinumutan ako ng napakaraming maririkit na bituin. Mahigpit ang corset ng gown, at halos kalahati ng itaas na bahagi ng aking dibdib ay lumabas mula sa pagkakaipit dito. Bagamat hanggang tuhod ko lamang ang harap na bahagi ng damit, ay may buntot ito sa likod na mahigit apat na talampakan. Nadagdagan ang aking tangkad gawa ng three inched heels kong suot na kulay midnight blue din, at kinumpleto ng black pearls na hikaw at kwintas ang aking kasuotan. Bahagyang natahimik ang usapan, at nakita ko ang mahigit isang daang pares ng mga mata ang tumutok sa aking kilos, at itsura. Hinanap ko ang ama ni Derick upang ma-congratulate ko ito, at nakita ko sa may bandang likod ang mag ama na masayang nakikipag kwentuhan sa isa pang konsehal. Tinungo ko ang direksyon ng kapapanalo pa lamang na Councilor, at ramdam kong hawak ko pa rin ang attensyon ng maraming tao. "Congratulations Councilor... I am most pleased that you won the elections." Naka ngiti kong sabi dito, at inabot ko ang aking kanang kamay upang i-congratulate siya sa harap ng maraming tao. "Salamat Miss Tabanda, utang ko sa iyo ang malaking bahagi ng aking pagka panalo. Upang ikampanya ako ng kalaban ko sa pulitika ay isang milagro na kinailangan ko upang mailuklok sa aking kinalalagyan ngayon. Isa kang hulog ng langit iha. I am indebted to you, and your mom." "It was my pleasure Councilor... you need not mention it." Sabi ko rito nang mag hiwalay ang aming mga kamay. "I'm sure you've met my son, Derick, may I entrust you to his care tonight as I attend to my other guests? Anak... ikaw na ang bahala kay Trisha." Sabi ni Councilor na umakbay sa balikat ng kanyang panganay na anak. Tila tulala si Derick at hindi agad naka sagot sa kanyang ama. "Anak... huy!" At tinapik ng kanyang ama ang likod ni Derick. Nag tawanan ang mga kalalakihan na naka palibot sa Councilor nang makita ang tila hindi maisarang bunganga ni Derick. "Anak, isara mo naman ang bibig mo, tumutulo na ang laway mo, at sayad na hanggang lupa ang baba mo. Baka isipin ni Trisha na hindi ka sanay makakita ng magagandang babae." Saway ng ama niya na may halong biro. Tumango si Derick, ngunit hindi pa rin maka pag salita. Kinuha niya ang aking kamay, at inilagay ito sa kanyang braso, habang lumalakad kami patungo sa main table kung saan nanduon ang mga waiters na nagbibigay ng finger foods, at maiinom. * "Bakit?" "Bakit ano?" Tanong ko sa nag sasagwan na binata sa harap ko. Nag desisyon kaming lisanin ang maingay na kasiyahan, at nag tungo kami sa Burnham Lake kung saan kami sumakay ni Frederick ng bangka, at nag boating sa liwanag ng buwan. Dala namin ang dalawang bote ng champagne, dalawang champagne flutes, at ilang finger foods na naka lagay sa isang wicker picnic basket. "Bakit ka nag bago?" "Hindi kita maintindihan Derick... paanong nag bago?" Naguguluhang tanong ko dito. Nag buntong hininga si Derick, at panandaliang huminto sa pag sagwan. Tahimik ang paligid, at kita sa maitim na tubig ang maraming bituin sa kalangitan. "Hindi na ikaw 'yung dating Trisha na gusto ko. 'Yung simple, at masiyahin na sumusunod sunod sa akin ng patago. 'Yung nag ba-blush sa tuwing kakausapin ko. 'Yung kung tumingin sa akin ay parang isa akong diyos na bumaba mula sa langit. Nawala na 'yun... hindi ko na siya makita sa iyo. Dati, madalas, hindi mo ako masagot kapag kinakausap kita. Ngayon... bihira nang wala kang maisagot sa kahit na sinong kumakausap sa iyo. Simpleng tao lang ako Trisha. Masaya na ako sa pag tulong sa mas nangangailangan... sa paraang 'yun ko nararamdaman na maswerte pa rin ako. Hindi ko kayang sabayan ang mga luho mo, ang mga gusto mo. Ang kailangan ko ay isang tao, na makukuntento sa kakaunting nakakayanan ko... 'yung masaya na sa kung ano ako, at anong meron ako." Pagtatapos ni Derick. "Dati... pasulyap sulyap ako kung tumingin sa iyo. Laging kabado na mahuli mo. Masaya na ako, makita lang kita araw araw. Tuwang tuwa ako pag nanalo ka sa mga games niyo, o nakikita kitang maraming natutulungan. Sa isip ko, ang swerte... ang swerte nang ibang mga tao. Sila ang palaging iniisip mo, palaging kasama mo, palaging importante sayo. Hindi ko alam kung paano kasi mapapabilang sa mga taong 'yun. Nang mag umpisa akong mag bago, madaming tao ang naka pansin sa akin. Pero nawala naman ang kaisa isang taong gusto kong laging pumapansin sa akin... na miss ko ang mga sandaling 'yun Derick. Akala ko kasi, kung babaguhin ko ang sarili ko, mas magugustuhan mo ako. Hindi ko naman alam kasi na mas malalayo ka pala." "Kung... kung liligawan ba kita... sasagutin mo ako?" Tanong ni Derick na nakatitig sa mga mata ko, nag aalinlangan, nagsusumamo. "Kung sasagutin ba kita... uunahin mo ako bago ang ibang tao?" "Kung sabihin kong susubukan ko... sa ngayon... pwede na ba 'yun?" "Kung sasagot ako nang oo, magiging tayo na ba?" Ngumiti ako kay Derick, at walang kibo niyang inabot ang kaliwang pisingi ko upang ilapit ang aking mukha, at halikan ako nang marahan sa aking mga labi. Malambot ang mga labi ni Derick. Sa kanyang mga halik ay ramdam ko ang init at pagsuyo. Marahan niyang pinalibot ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, ramdam ko ang halos maputol niyang hiniga ng maramdaman niya ang aking dila na lumalaban sa kanyang mga halik. Dahan dahang hinaplos ko ang kanyang mukha, ang mukhang matagal ko nang minahal, pinanabikan, at hinangaan. Parang naabot ko na ang langit ng mga sandaling iyon. Ang lalakeng matagal ko nang inaasam na makapiling ay ngayo'y nagtapat din sa akin ng pagkahumaling.