1. Home
  2. Stories
  3. Philippines versus China (pagsakop)
PSErotica

Philippines versus China (pagsakop)

By Loloteryo75 ·

Sa mundong lahat ay alam mo na, ano pa ang

gusto mong malaman. Maaring hindi ang

nalalaman, dahilan ang kaalaman ang sanhi ng

lahat ng nararanasan. Masama man ito o

mabuti, ang kaalaman ang magdadala sa atin sa

ating gusto pang malaman.

Itinatanong ko sa aking sarili kung bakit ako

ganito ngayon, hindi ko na alam kung ano ang

kaligayahan. Ang lahat ng nanaisin ko ay kay

hirap makamtan. Samantalang palagian naman

akong sinosorpresa ng pagkakataon na hindi ko

na namamalayan na naranasan ko na pala ang

kaligayahang hinahanap ko nang sandaling

tapos na ito.

Sa aking paglalakad, litong-lito sa aking

buhay na nararanasan. Handang ipagpalit ang

kaligayahan nararamdaman, sa pangako na

makamtan ang tunay na ninanais. Nang bumulagta na lamang ako sa di ko namalayang pangyayari.

Nahihilo, hindi ko alam kong ano ang

nangyari sa akin. Nakita ko na lamang na

umaapoy na ang aking paligid. Wala akong

marinig. Nagtatakbuhan ang mga tao.

Balisang-balisa ako sa mga nangyayari, pilit na ina-analisa ang katatapos na naganap na

siyang nagpahandusay sa akin sa gilid ng

kalsada.

Bago pa muling bumalik ang aking katinuan,

isang lumulutang na mabilis na bakal ang

aking nakita hanggang sa tumusok ito sa isang

gusali na di kalayuan sa aking kinalalagyan.

Kasunod niiyon ang pagsiklab at ang dagundong

ng pagsabog.

Agad akong dumapa upang hindi matamaan ng mga

nagtatalsikang tipak ng sementong mula sa

gusaling nagsisimula ng lumiyab. Hindi ako

nagkakamali, isa iyong pagsabog mula sa

bomba. Litong-lito ako, kanina lamang ay

napakatahimik ng gabi habang nilalakad ko ang

daan patungo sa aking kaligayahan.

Nagmumuni-muni sa tunay na gusto kong

mangyari. Samantalang heto ngayon ang paligid

ay magulong magulo. Nagkalat ang mga pirasong

bahagi ng nasusunog na gusali. Habang ang mga

tao ay pare-parehong balisa na nagtatakbuhan

sa iba't-ibang lugar. Hindi mo alam kung saan

ang ligtas na masisilungan habang patuloy

parin akong nakakakita ng mga matutuling

nagliliparang matutulis na bakal na kasunod

nga ay pagsiklab ng mga babagsakan ng mga

ito.

Hanggang sa unti-unting bumabalik ang aking

pandinig na kanina ay nagulantang sa pagsabog

malapit sa akin na siyang nagpabagsak sa akin

sa kinalalagyan ko ngayon. Nakadapa sa gilid

ng bangketa habang walang tigil ang mga taong

nagkakandarapa sa kahahanap ng ligtas na

matataguan dahil sa patuloy pa rin ang

pag-ulan ng mga pagsabog sa di pa malamang

pinanggalingan.

Doon ko rin naisip na hindi ngaligtas ang

aking kinalalagyan. Kaya kahit iniinda ko ang

sakit sa aking katawan ay pinilit kong

makatayo at makitakbo na rin kagaya ng mga

taong balisang--balisa sa mga nangyayari.

Pero saan nga ba ang ligtas na lugar. Ang mga

pagsabog ay bumabagsak kung saan-saan. Ang

pinanggalingan ko nga ay nakita ko na lang na

binagsakan ng pagsabog at mabuti na lang ay

naisaipan kung kumilos kung hindi ay

nagkasabog-sabog narin ang aking katawan.

Nagsisigawan ang mga tao, kung saan-saan

nagsisitakbo. Walang mapagtaguan, ang mga

bomba ay patuloy na umuulan kahit saan.

Nakita ko rin ang mga namatay na

nakakikilabot ang itsura. Nagkalasog-lasog at

nagkahiwa-hiwalay ang mga piraso ng katawan.

Mabagsakan nga ba naman ng bomba.

Habang tumatakbo ay pilit kong inaanalisa ang

mga nangyayari. Tinatanong ko ang aking

sarili kung ano nga ba ang nangyayari. Kahit

saan ako tumingin ay walang humpay ang

nakakabinging pagsabog, ang mga sigawan ng

mga naghinsatakutan ng mga tao. Ang mga di na

mabilang na mga sugatan at nakaratay sa

kalsada kasama ng mga uka ng binagsakan ng

pagsabog.

Kahit anong isip ay di ko mawari ang mga

kaganapan sa aking harapan. Kung bakit

nangyayari ang mga ito. Nananaginip ba ako,

ang siyang pilit kong tinatanong ko sa aking

sarili.

Hanggang sa makakita ako ng tangke, tangkeng

pandigma. Hindi lamang isa, dalawa, kundi

napakarami na mabilis ang mga patakbo sa

gitna ng mga nagbabagsakang pagsabog. Kasunod

ay mga trak sakay ang mga sundalo na iisa pareho ng pupuntahan.

Bigla rin ay umingay ang kalangitan dahil sa

mga helicopter na nagdadaan sa ibabaw ko.

Napakaraming sundalo, napakaraming tangke.

Iisang lugar ang patutunguhan. Naisip kong

sumunod kagaya ng mga taong nagsisunudan sa

mga sundalo at tangke.

Kahit litong-lito sa mga kaganapan ay kasunod

ako ng mga sundalo na nagsipagbaba na sa

kinalalagyan nilang trak. Dala ang mga armas

ng pandigma. Mga mahahabang baril, machine

gun, bazooka, lahat na ng kagamitan meron ang

isang sundalo ay bitbit nila habang tumatakbo

sa iisang lugar.

Kasama ng mga tao, nakitakbo na rin ako sa

mga sundalo kasabay ng mga tangke at

helicopter sa himpapawid. Hanggang marating

na namin ang Mall of Asia. Wasak wasak ang

paborito naming pasyalan ng aking pamilya.

Katunayan ang buong kapaligairan ay wasak

wasak din. Amoy ang pulbura mula sa bombang

bago lamang nagsipagbagsakan dito. Doo'y

napansin ko na huminto ang mga pagbomba sa

paligid. Tumahimik ang kapaligiran, sa kahit

na napakaraming tao sa napakaraming sundalo

kasama ng mga tangke at helicopter. Lahat ay

natahimik habang nakalingon sa dalampasigan

sa harapan sa Mall of Asia.

Nagulantang ako sa aking nakita sa

dalampasigan, sa dagat ng manila bay.

Napakaraming malilit na barge ang papunta sa

kinalalagyan namin. Lagpas isang daan, hindi

lagpas isang libo. Kundi libo-libong barge na

nakita ko rin na naglalaman ng mga sundalo sa

loob. Habang sa di kalayuan ay napakaraming

malalaking barkong pandigma. Napakalalaking

barkong pandigma habang lumalabas dito ang

mga barge na laman ay mga sundalo at mga

maging tangke rin. Kaya pala natahimik ay

halos lahat kami sa kinalalagyan namin ay

natulala sa napakaraming sundalong paparating

at mga barkong nasa kani-kaniya naming

harapan.

Mula sa likuran namin ay gumulat sa amin ang

maraming Jet na mabilis na dumaan sa ibabaw

namin. At pinasabugan ang nga paparating na

mga barge na naglalaman ng mga sundalo.

Nagsigawan kami ng makita naming

nagsipagsabugan ang mga tinamaang barge.

Kasunod niyon ay ang mga maiingay na pagsabog

mula sa mga tangke na kasama namin. Animo'y

fireworks na nagliliparan ang mga kumikislap

na armas habang tinutumbok ang mga paparating

na mga barge.

Ang mga sundalo ay nagsimula na rin

magpaputok ng kanilang mga kagamitan. At doon

ay nakita kong may mga nakalapit na palang

mga sundalo mula sa barge at lumangoy papunta

sa amin. Napakaingay ng mga ratatat ng mga

armalite, ng mga kanyong hawak at bazooka.
Walang tigil ang mga pagpapaputok ng mga

sundalong kasama namin. Hanggang sa

magsisabugan ang mga paligid namin. Binobomba

kami ng mga barkonng nasa malayo sa amin.

Wala akong nagawa kundi ang humanap ng

matataguan, dahil walang humpay ang mga

nakakabinging pagsabog sa paligid ko.

Nakita ko ang mga tangkeng kasama namin na

nasasabugan ng mga bomba, maraming tao ang

nasabugan. Ang mg helicopter sa himpapawid

namin ay nagtangkang lumusob, subalit hindi

pa man sila nakalalapit ay napuputukan na

sila ng mga armas ng mga kalaban. Nagkalat

ang nasirang gusali pati ang mall of asia ay

wasak na wasak na. Wala akong magawa kundi

ang tumakbo papalayo kasama ng mga sundalo

na umaatras sa walang humpay na pagbobomba sa

amin. Hindi ko alam kong paano ako

makakaligtas pa sa ganoong sitwasyon. Halos

lahat ng kapaligiran ko lumiliyab at puno ng

mga nagkalasog-lasog na katawan at mga bitak

ng konkretong tinatamaan nang mga pagsabog.

Para kaming mga langgam na walang mapagtaguan

habang walng humpay na binabayo ng pagsabog.

"Ano bang nangyayari...bakit ganito ang

nangyayari sa atin..."

"Mga intsik....nilulusob tayo ng mga

intsik..."

"bakit parang nakabilis ng mga pangyayari..."

"biglaan ang ginawa nila...kahit ang mga

amerikano hindi alam nalulusubin tayo ng mga

intsik..."

"talaga?...kahit sa tv patrol kanina wala man

lang balita na lulusobin tayo..."

"oo nga...kahit pagbabanta muna wala silang

ginawa...mga hayop yang intsik na mga yan..."

Takbo kami ng takbo ng mga nakasabay ko sa

paghahanap ng matataguan. Pero kahit saan

kami mapunta ay patuloy parin ang pagsabog.

Napakarami na ng mga namatay. Napakarami na

ng nawasak. Sa loob ng ilang oras lamang ay

ganito na agad ang nangyari sa metro manila.

Doon ko lang natanggap sa sarili na nasa

gitna na ako, kami, ang mga Pilipino sa isang

digmaan.

"ano yun...ang dami..."

"mga paratroopers ng China..."

Natulala na lang kami na kung gaano karaming

malalaking eroplano pumaibabaw sa himpapawid

namin, ay sobrang dami namang sundalong

pinakawalan ng mga ito at nagparachute

pababa. Maging mga tangke, trak ay kasamang

bumabagsak ng mga sundalo.

"that is the report from the

Philippines...yes the Philippines is being

invade by China as i speak right now. The

attack start about 3 hours ago. A huge armada

of battleships from China arrive at manila

bay after an aerial assault and bombing. Now

a huge army entering the city through sea and

the report now also through paratroops....The

world is in shock right now and the UN is

having an emergency meeting. The US is said

to bring troops to Philippines but right now

is still unverified...CNN will be right back"

Matapos namin mapanood sa dalang IPAD ng

kasama namin ang balita sa internet ay isang

malapit lang na bomba ang bumagsak sumabog sa

amin. Hindi ko na alam ang sumunod na

nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko na

duguan at naiipit ng batong nawasak sa mga

gusali. Kahit anong pilit kong galaw ay hindi

ko maikilos ang katawan ko sa pagkakadagan ng

tipak ng pader na umibabaw sa kalahati ng

katawan. Nakita ko na lang ang kani-kanina

lang na kasama ko ay patay na at ang isa ay

nakagagalaw subalit putol na ang mga paa.

Naisip kong ito na siguro, na dito na ako

mamatay. Walang humpay pa rin ang mga

nagbabasakang bomba. Kaya kahit anong sandali

ay babagsakan na rin ang kinaiipitan kong

lugar. Naisip ko ang pamilya ko na nasa

Imus, ang dalawa kong anak, ang asawa ko. Ang

mga kapatid ko at mga magulang. Nagdasal na

lang ako na ligtas sila at nagawang

makalikas. Sa napakaikling sandali ay ganito

na ang kinahinatnan ng bansa ko. Walang

humpay na pambobomba. Mga nagbabagsakang

intsik na sundalo sa langit. Napakaraming tao

na ang namatay, ang mga kababayan ko walang

mataguan. Kahit saan ka lumingon, kamatayan

at pagkasira ang makikita. Ang mga mga

sundalo natin ay kahit anong gawin ay alam

mong walang magagawa sa dilubyong ginawa ng

bansang China.