1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 12 - Bangungot
Lagablab

Phone Call Chapter 12 - Bangungot

By supertoyantz ·

Chapter 12 - Bangungot

Kalagitnaan ng gabi ng magising si Ronron.

Marahan syang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

Di nya maintindihan ang sarili.

Hindi sya naiihi, hindi sya nauuhaw.

Basta na lamang syang nagising.

Parang may kung sinong nakatingin sa kanya pero ayaw nyang pag isipan ang bagay na iyon dahil unti unti ng nanayo ang kanyang balahibo.

Muli syang nahiga at pinilit ang sariling matulog.

Ngunit makalipas ang sampung minuto ay bigo ang binata.

..

Muli syang naupo.

Sinulyapan ang kaibigan sa kanyang tabi.

Mahimbing na natutulog si Romeo base sa regular na pagtaas baba ng dibdib nito.

Di nya maiwasang makadama ng inggit.

Mabuti pa ang kaibigan.

Himbing itong natutulog samantalang sya, eto at dilat ang mga mata.

..

Napabuntong hininga si Ronron.

Saglit syang nagmuni muni at pinilit hanapin ang antok.

Diretso lamang ang kanyang tingin.

Ayaw nyang iligid ang mga mata dahil madilim ang paligid.

Di naman nya magawang abutin ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto.

Masyadong malayo ito para sa kanya kahit na ilang hakbang lamang ang distansya mula sa kama.

..

Napalunok ng laway si Ronron.

May napapansin syang kakaiba.

Bumibigat ang kanyang paghinga.

Unti unti na ring namutil ang kanyang mga pawis sa kabila ng lamig dulot ng aircon.

Pinikit na lamang nya ang mga mata.

Pero parang may kung anong humahatak sa kanyang dumilat.

Pilit nyang pinaglabanan ang tuksong buksan ang mga mata.

Parang may nagsasabi sa kanyang may makikita syang kung ano.

..

Pero mahirap talagang paglabanan ang tukso.

Dahan dahang binuksan ni Ronron ang kanyang mga mata.

Para lamang mapanganga.

Bukas ang pinto.

Napatingin sya sa paligid.

Nakapatay pa rin ang ilaw.

Muli nyang binaling ang mga mata sa pinto.

Para itong bukana patungo sa ibang dimenyson base sa nakikita nya.

Dahil sa ilaw sa hallway at nakapatay na ilaw sa silid, lalong nabigyang diin ang buong pinto.

..

Muling napalunok si Ronron.

Parang tuyong tuyo na ang kanyang lalamunan at wala na syang laway pang natitira.

Kinuha nya ang kumot.

Dahan dahang tinakpan ang katawan hanggang sa ulo na lamang nya ang nakalitaw.

Nais nyang isara ang pinto.

Pero ayaw nyang lumapit dito.

Sa di nya malamang dahilan.

..

Pinikit na lamang ni Ronron ang mga mata at binalewala ang nakabukas na pinto.

Wala namang mawawala sa kanila ni Romeo kung sakaling manatili itong bukas.

Hinayaan na lamang nya ito at pinilit ang sariling makatulog.

Unti unti na rin nyang binulutan ang sarili ng kumot hanggang sa mapailalim na sya sa loob.

Saglit nyang pinalipas ang mga sandali.

Hanggang sa unti unti na syang makalma.

Wala na ang mabigat na atmospera.

Wala na rin ang malamig na hangin.

Bumalik na sa normal ang lahat.

Nakaramdam na ng init si Ronron dahil sa ginagawang pagtalukbong ng kumot kaya dahan dahan nyang inalis ang talukbong.

Madilim pa rin ang paligid.

Nakabukas pa rin ang pinto pero pinilit nya itong balewalain at pinikit na lamang ang mga mata.

Pero bigla syang natigilan ng maramdamang may mabigat na bagay sa kanyang mga paa.

..

Muling bumalik ang mabigat na aura.

Malamig na hangin.

Ang mabigat na bagay ay unti unting gumagapang paakyat.

Nakarating ito sa mga hita ni Ronron.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang may kung anong gumagapang sa ilalim ng kumot.

Hanggang sa huminto ito mismo sa ibabaw ng kanyang tyan.

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ni Ronron.

Pakiramdam nya ay pangangapusan na sya ng hininga.

Hindi sya makapagsalita.

Hindi rin makagalaw ang kanyang katawan.

Gusto nyang tumakbo.

Gusto nyang gisingin si Romeo pero walang boses na namumutawi sa kanyang bibig.

Tanging ulo lamang nya ang kanyang naigagalaw.

Nag headbang na sya.

Para sakaling maguluhan si Romeo at lumingon ito sa kanya.

Pero bigo si Ronron.

Sinubukan nyang muling igalaw ang ulo hanggang kaya nya.

Sinabayan na rin nya ito ng sigaw hanggang sa bigla syang matigilan ng muling gumalaw ang nilalang sa ilalim ng kumot.

..

Napanganga na lamang si Ronron.

Pakiramdam nya ay lalabas na ang kanyang puso sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Unti unting gumapang paakyat ang nilalang.

Nasa tyan na nya ito.

Pataas.

Ramdam ni Ronron na tao ang nasa ibabaw nya.

Muli nyang sinikap kumilos, pero tulad ng kanina ay nanatili syang paralisado.

Dahan dahan ang paggalaw ng kumot.

Paakyat.

Nasa dibdib na ni Ronron ang nilalang.

Pataas pa.

Hanggang sa manlaki lalo ang kanyang mga mata ng unti unting lumitaw ang maitim na bagay palabas sa kumot.

Hindi nya maintindihan ang nakikita.

Ngunit habang tumatagal ay nauunawaan na nya kung ano ba ang lumilitaw na ito.

"B-buhok. " sa isip ni Ronron.

Ulo.

Ulo ng kung sino ang unti unting lumilitaw.

Gumagapang paakyat sa ibabaw ni Ronron hanggang sa magpantay na ang kanilang mga ulo.

Nananatiling natatakpan ng buok ang mukha ng nilalang.

Madilim ang kwarto kaya bigo syang maaninag ang itsura nito.

Hanggang sa pumitik ang ilaw.

Nag patay sindi ito.

Napatingin si Ronron sa mukha ng nilalang at halos mamatay na sya sa takot ng makita si Angel.

..

Pakiramdam ni Ronron ay tinakasan na sya ng katinuan.

Kataka takang bigla nyang naiangat ang kanang braso para hawiin ang buhok na humaharang sa mukha ng dalaga.

Ngumiti ang binata.

Gumaan ang kanyang pakiramdam.

Napuno ng pagmamahal ang kanyang puso.

"N-namiss kita. " bulong nya.

Di na rin nagtaka si Ronron kung paano namutawi ang boses sa kanyang mga labi.

Ang mahalaga sa kanya ng mga oras na iyon ay ang pagngiti ni Angel.

Pero agad nyang napansin ang ngiti nitong tila hindi kumpleto.

May lungkot sa mukha ng dalaga at nais ni Ronron na pawiin ito.

"Bakit ka malungkot ? Hindi ka ba masaya na pinuntahan kita dito ? " tanong nya.

Umiling ng marahang ang dalaga.

Kimi itong ngumiti para sabihing masaya sya.

Napangiti din si Ronron.

Napatingin sya sa mga mapuputlang labi ng dalaga.

Dala ng pagmamahal, dahan dahan nyang inangat ang ulo para dampian ng mabining halik ang kasintahan.

Pinikit nya ang mga mata para damhin ang tamis ng pagdadaiti ng kanilang mga labi.

..

Ilang saglit ang lumipas, dahan dahang nilayo ni Ronron ang ulo.

Nakangiti pa sya ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

Unti unti nyang dinilat ang mga mata ngunit bigla syang natigilan ng makita ang itsura ng dalaga.

Nawala ang magandang itsura ni Angel.

Tila kinulayan ng puti ang itsura nito dahil sa sobrang putla.

Puro pasa at dugo ang nakapalibot sa mukha nito.

At lalong nabaliw si Ronron ng alisin nya ang kamay na pumipigil sa pagbagsak ng buhok ng dalaga.

Tuluyang nalagas ang buhok ni Angel at tinakpan nito ang mukha ni Ronron.

Sukat nito ay di na nya napigilan ang sarili.

Buong gilas syang sumigaw ngunit muling bigo ang boses na lumabas sa kanyang mga labi.

..

Biglang napabalikwas ng bangon si Ronron.

Ramdam nya ang sakit ng balakang sa di nya malamang dahilan.

Iinot inot syang tumayo at lalo syang nagtaka ng makitang nasa sahig na sya.

Pagtingin nya sa kama ay nakita nya ang kaibigang si Romeo na halos sakupin na ang higaan.

Di nya alam kung maiinis o magpapasalamat sa kaibigan.

Mukhang dahil sa likot nitong matulog, nasipa sya at tuluyang nalaglag sa kama.

At ito rin ang dahilan kung bakit sya nagising sa malagim na bangungot na iyon.

..

Tama, bangungot nga ang kanyang naranasan.

Mabuti na lamang ay nasipa sya ni Romeo pababa sa kama.

Kundi ay hindi na nya alam ang kanyang kinahinatnan.

Napahinga ng malalim si Ronron at nagpasalamat sa Panginoon.

Ayaw nyang magalit kay Angel dahil sa bangungot na iyon ngunit ramdam nya pa ang mabilis na pagtibok ng puso.

Para parin syang pangangapusan ng hininga.

..

Huminga sya ng malalim at pilit na pinayapa ang sarili.

Inayos nya ang paa ni Romeo at muling naupo sa kama.

Saglit na nagnilay nilay bago may mapansing kakaiba.

"B-bukas ang pinto ? " takang tanong ni Ronron.

Muli, naging triple na naman ang pagtibok ng puso ng binata.

Napalunok sya at biglang natigilan ng may mapansing kakaiba.

May aninong gumalaw.

Lalong kinabahan si Ronron dahil sa takot.

Ngunit tila may maliit na boses sa ulo nya ang nagsasabing tingnan nya kung sino o ano ba ito.

..

Kinapa ni Ronron ang sarili.

Hanggang sa huli ay magpasya syang labanan ang takot.

Tama si Romeo, kailangan nyang sundan ang instincts nya.

Dahil dito ay dahan dahan syang tumayo at lumapit sa bukana ng pinto.

Nilitaw ni Ronron ang kalahati ng mukha para tukuyin kung kanino nanggaling ang anino.

Ngunit walang tao sa hallway.

Kinabahan na naman si Ronron.

Dahil sa takot ay nagpasya syang bumalik na sa kama ngunit bigla syang natigilan ng makarinig ng boses.

Akala nya ay guni guni lamang ito kaya akmang isasara na nya ang pinto ng muling may marinig syang kakaiba.

Tinalasan ni Ronron ang pandinig.

Nilakasan nya ang loob at humakbang palabas ng kwarto.

Sinundan ang mala dwendeng boses at natigilan sya ng matapat sa silid ni Angel.

Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ng kasintahan.

Muli, nakarinig na naman sya ng marahang pagtawa.

Gumapang ang takot sa katawan ni Ronron.

Pero pilit nya itong pinaglabanan at sinilip ang loob ng kwarto.

Nuon sya natigilan ng mapag alamang hindi pala pagtawa ang kanyang naririnig, kundi marahang pag iyak.

At ang may gawa nito ay walang iba kundi ang ama mismo ni Angel.

"T-tito Angelo ? " mahinang bulalas ni Ronron.