1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 15 - Friends
Lagablab

Phone Call Chapter 15 - Friends

By supertoyantz ·

Chapter 15 - Friends

Unti unti ng nararamdaman ni Ronron ang hapdi dulot ng mainit na sikat ng araw.

Ngunit wala syang pakialam.

Tanging ang mahalaga sa kanya ay ang hapding unti unting tumutupok sa kanyang katinuan.

Nasa harap sya ng mismong puntod ni Angel.

Katabi ang mga magulang nito na sina Angelo at Paloma habang nasa likod ang mga kamag anak at kaibigan na nagdadalamhati sa maagang pagkawala ng dalaga.

"Nagtitipon tayo ngayon, para alalahanin ang isa nating mahal sa buhay. Maaga syang kinuha ng ating AMA, sa batang edad ay nakasama na ni Angel ang ating lumikha. Huwag tayong manangis, kundi'y magbunyi sa bagay na ito. Payapa na sya at walang kasing saya. " sambit ng pari.

Tumiim ang mga bagang ni Ronron.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa pagpipilit na huwag kontrahin ang sinabi ng pari.

"Hindi!, hindi pa payapa si Angel. " bulong nya.

Pasimpleng nilingon ng binata ang mga katabi.

Nakapalibot ang mga braso ni Angelo sa tumatangis na kabiyak.

Kita rin nya ang mga luhang nagbabantang maglandas sa mga mata ng lalake ngunit dahil marahil sa kailangan ng asawa ang masasandalan, hindi ito nagpapakita ng kahinaan.

Tama, sinisimbulo ng kahinaan ang pag iyak.

Kaya kahit na kating kati na ang kanyang mga mata, ayaw nyang bigyan ng pagkakataon na makawala ang mga luha mula rito.

Ayaw nyang may makakitang mahina sya.

..

Tumingala si Ronron.

Para ibalik sa mga mata ang mga nagpipilit kumawala.

Tagumpay naman sya kahit papaano.

Pasimple nyang nilingon ang mga kasama sa pagtitipong iyon.

Unang nahagip ng kanyang mga mata ang bestfriend ni Angel, si Jamaica.

Tahimik itong lumuluha sa isang tabi.

Marahil ay mga mga magulang ang katabi ng dalaga.

Hindi nya maisip kung ano ba ang dahilan ng pagluha nito.

Kung pangungulila o pagsisisi.

..

Pinilig ni Ronron ang ulo.

Hindi magandang paghinalaan ang dalaga.

Bagama't may nagsasabi sa kanyang isip na may kinalaman ito sa kaso, di sya dapat magpadalus dalos.

Muli nyang ginala ang paningin sa paligid.

Napako ang mga mata sa isang lalaking nasa tabi.

Kumunot ang noo ni Ronron.

Ngayon lamang nya nakita ang lalaki.

Mukhang nag iisa lamang ito.

Naningkit ang mga mata ni Ronron at tinatak sa isip ang presensya ng di kilalang bisita.

..

Matapos ang misa, nagkaroon ng kaunting programa ang nasabing pagtitipon.

May isang improvised podium na nilagay sa tabi ng mismong puntod ng dalaga.

Lumapit si Angelo at pumwesto sa likod nito.

Isa isa nyang tiningnan ang mga bisitang nagsidalo.

Kahit na masakit na masakit ang kanyang nararamdaman, pinilit nya ang sariling ngumiti.

"M-magandang umaga sa inyong lahat. " bati nya.

Marahang nagpalakpakan ang mga tao.

Ngumiti si Angelo at muling nagpatuloy.

"O-on behalf of my wife, I w-would like to give our deepest appreciation for all of you. Maraming maraming salamat sa pagdalo nyo sa a-anibersaryo ng p-paglisan ng anak ko. " sabi nya.

Tumingala ang lalake sa langit.

Para pigilin ang mga luhang nagbabantang umagos palabas sa kanyang mga mata.

Ilang segundo din syang nakatingala bago binalik ang tingin sa mga nasa harap.

"My daughter is my treasure. Lahat naman siguro ng mga magulang ay sasang-ayon sa sinabi ko. Pinalaki natin sila sa pagmamahal. Inaruga ng buong puso. K-kapag may masakit, tayo ang kanilang takbuhan. K-kapag may umaaway sa kanila, nakikipag away din tayo. Ayaw nating may nananakit o masakit sa kanila dahil unang una, tayo ang higit na nahihirapan. " di na nakapag pigil si Angelo.

Bumalong na ang mga luha sa kanyang pisngi.

Mula sa pwesto ni Ronron, rinig nya ang pagtangis ng ina ni Angel na si Paloma.

Yakap nito ang sarili at tila anumang oras ay bibigay na.

..

Di nakatiis ang binata, nilapitan nya ang ina ng kasintahan at marahang niyakap bilang pagbibigay suporta.

"Tita. " tanging nasabi sya.

Buong pait na tumangis si Paloma sa balikat ng binata.

Napatingin si Ronron sa ama ni Angel at marahang tumango.

Gumanti ng tango si Angelo.

"T-thank you iho. " bulong nya.

Ngumiti lang ang binata habang marahang hinahagod ang likod ng babae.

Sinikap ni Angelo na wag pangibabawin ang emosyon.

"A-angel, my love. If you are watching us right now, I want to say thank you for being my daughter. Wala na akong mahihiling pa anak ko. Ikaw ang naging kabuuan ng buhay namin ng Mommy mo. Ikaw ang bunga ng wagas kong pagmamahal sa kanya. Kung nasan ka man anak ko, be happy. We missed you anak. " sambit nya.

Umalis si Angelo sa likod ng podium at sinugod ang asawa.

Nagpaubaya naman si Ronron at pinagmasdan na lang ang pangungulila ng dalawa.

Umugong ang malakas na palakpakan.

Marami sa mga magulang na nagsidalo ay di napigilan ang kanilang mga emosyon dahil sa narinig mula sa mismong ama ng dalaga.

..

Lumapit ang isang babae na nagsisilbing emcee.

"Thank you Mr. Lacson. Next is Jamaica, Angel's bestfriend. " tawag nito.

Muling nangibabaw ang marahang palakpakan mula sa mga nagsidalo.

Mabagal na naglakad si Jamaica patungo sa likod ng podium.

"T-thank you. " pasasalamat nya sa emcee.

Tumango lamang ito at umatras sa isang tabi.

..

Kinalma ni Ronron ang sarili at tinalasan ang pakiramdam.

Maaaring may sabihin si Jamaica tungkol sa nalalaman nito kaya dapat syang maging alisto.

Tinitigan nya ng mabuti ang dalaga kahit pa ramdam nyang naiilang ito sa kanya.

..

Tumikhim si Jamaica.

Pilit nyang iniwasan ng tingin si Ronron na nakaupo mismo sa kanyang harap.

Di nya maintindihan ang pakiramdam pero parang may nais itong ipahiwatig sa paraan nito ng pagtingin.

Nilapit nya ang bibig sa mic at nagsalita.

"M-magandang umaga po. " unang bati nya.

Tumango ang iba.

Huminga ng malalim si Jamaica at naglabas ng papel.

"F-first of all, I just want to say hi to my dearest friend. Bes, I know na naririnig mo ko. Bes, it's been a year since you left us, pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakakamiss ka na talaga. Di na ako makapunta sa mall kasi wala ka. Di na ako makapag jogging sa hapon, kasi wala ka. Wala ng sleepover. Wala ng tawanan. Wala ng tuksuhan. Wala ng okrayan. W-wala na ang little sister ko, wala na rin ang ate ko. Wala na akong kapatid. W-wala na akong bestfriend. Bes, I missed you so much. " sabi nya at humagulgol na.

Dali daling tumakbo ang dalaga palayo sa marami.

Natahimik ang lahat at walang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang dalaga.

..

Tahimik na lumapit muli ang emcee at muling nagsalita.

Pero wala ng naintindihan si Ronron.

Nais nyang sundan ang dalaga dahil pakiramdam nya ay may malalaman sya.

Pasimple syang tumayo at ginala ang paningin sa paligid.

Pero bigla syang natigilan ng mahagip ng mga mata ang pwesto ng lalaki.

Wala na ito sa dating kinatatayuan.

Kumunot ang noo ni Ronron at binalingan ang mag asawa sa kanyang tabi.

"U-uhm. Tito, iihi lang po ako. S-saan po ba ang bathroom dito ? " tanong nya.

Ngumiti si Angelo at tinuro ang cottage.

"Duon sa loob iho. Pasama ka na lang kay Mang Tonyo. " sagot nya.

Tumango si Ronron.

"Salamat Tito. " paalam nya at naglakad na palayo sa mga tao.

Hinanap nya ang matandang driver ng mag asawa.

Sinubukan nya parking area ng sementeryo dahil baka nakatambay lamang ito sa kotse.

Pero wala ang matanda.

Napailing si Ronron at nagpasyang hanapin na lamang ang banyo ng mag isa.

Dumiretso na sya sa cottage na sadyang pinaparentahan para sa pamilya ng mga namatayan.

May mga pagkaing nakahilera sa gilid para sa mga nagsidalo.

..

Lumapit si Ronron sa isang lalaking nakatokang magbantay sa mga pagkain at nagtanong.

"Boss, saan ho ba ang CR dito ? " tanong nya.

Napangiti ang lalaki at tinuro ang loob ng cottage.

"Dun na lang sa loob sir. Kumanan po kayo tapos dulo. " sagot nito.

Napangiti si Ronron.

"Salamat boss. " wika nya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Lumiko ang binata sa kanan at naglakad papasok.

Agad naman nyang napansin ang isang pinto na sa tingin nya ay banyo.

Akmang pipihitin na ni Ronron ang doorknob ng biglang may magsalita mula sa loob.

"Hello ? May tao ba dyan ? " boses ng lalaki.

Napaatras si Ronron sa gulat.

"M-meron. S-sorry. " sabi nya.

Rinig nya ang pagbuntong hininga ng lalaki.

"Thank God, kala ko kung ano na. Gagamit ka ba ng banyo ? " tanong nito.

"O-oo sana eh. " sagot ni Ronron.

"Ah sige pare, saglit lang. " muling salita ng lalaki sa loob.

Ilang saglit na naghintay si Ronron bago bumukas ang pinto at iluwa ang isang lalaki.

Mabilis na binistahan ng binata ang itsura nito.

Base sa pananamit, halatang galing sa maykayang pamilya ang binata.

Marahil ay kasing edad base naman sa tabas ng mukha.

Gwapo at matangkad ang lalaki ngunit medyo may kapayatan ito.

"Pasensya na ha. Sige ikaw na. " sabi nito.

Natigilan si Ronron at pinilit ang sariling ngumiti.

Agad syang pumasok sa loob at umihi.

Mula sa loob, rinig ni Ronron ang mahinang pagkanta ng lalaki.

Napailing na lang sya at tinuloy ang pagdyinggel, pero bigla syang natigilan ng dumating na sa chorus ang pagkanta nito.

"Too much love will kill you. If you can't make up your mind. Torn between the lover and love you leave behind. "

Minadali ni Ronron ang pag-ihi at mabilis na lumabas ng banyo.

Naabutan nyang nagsasalamin ang lalaki.

Ngumiti ito sa kanya at tinigil ang pagkanta.

"Sorry for the voice. " biro nito.

Umiling si Ronron at nagkunwaring magsasalamin din.

"No it's okay. In fact, ang ganda ng boses mo. " puri nya.

Napangiti ang lalaki at pinunasan ang kamay gamit sa pantalon nito bago inabot sa kanya.

"I'm Earlvyn, Earl for short. " pakilala nya.

Agad na inabot ni Ronron ang palad nito.

"Ronald, Ronron for short. Teka short nga ba. Ron na lang. " pakwela nya.

Natawa si Earl.

"Nabawasan naman ng isang letra. Anyway, how come na ngayon lang kita nakita ? Kamag anak ka ng mga Lacson ? " tanong nya.

Umiling si Ronron.

"Nope. I'm Angel's boyfriend. " sagot nya.

Natulala si Earl.

Kumunot ang noo nito at tila di makapaniwala sa narinig.

"Boyfriend ? Kelan pa ? " tanong nya.

Nagitilan si Ronron ng may tila may mapansing kakaiba sa ekspresyon ng mukha ni Earl.

Naalala nya ang sinabi ni Romeo na lahat ay mananatiling suspect hangga't di nila nakikita ang tunay na salarin.

Maaaring si Earl ay may kinalaman sa kaso base sa reaksyon nito kaya pinili nyang tumawa para magsilbing biro ang sinabi.

"Boyfriend, lalaking kaibigan. A-actually, lately lang kami naging friends. " kabadong sagot nya.

Natahimik ang lalaki.

"Di ko alam yun ah. " bulong nito.

"Why ? " tanong ni Ronron.

Tila natauhan si Earl at mabilis na ngumiti.

"Ah wala. Nagtaka lang ako kasi matagal na kaming magkakilala ni Angel. Classmates kam since grade 5. Nakakatawa nga eh, di na kami naghiwalay mula nuon. " kwento nya.

Napangiti si Ronron.

"Really ? Sinong mas matagal sa inyo ni Jamaica ? " tanong nya.

"Oh si Jam ? Halos parehas lang. Grade 4 pa ata sila. Ewan ko. " sagot ni Earl.

Napatango tango si Ronron.

Nilabas nya ang panyo sa likod ng bulsa at pinunasan ang basang kamay.

Muling nagsalita si Earl.

"So balik na tayo don ? " nakangiting tanong nya.

Napangiti din si Ronron at tumango.

"Tara. " sabi nya.

..

Isang oras ang lumipas, nagkaroon ng kaunting kainan sa harap ng cottage.

Magkatabi sina Ronron at Jamaica sa likod ng buffet table at pinagsisilbihan ang mga guests.

Tahimik lamang silang nag-aabot ng mga pagkain ng biglang lumapit si Earl.

"Hey Jam, kelan ka papasok ? " tanong nya.

"I don't know Earl. " sagot ng dalaga.

Napatingin si Ronron kay Jamaica.

Bakas ang lungkot sa mukha nito.

Di naman nya masisi ang dalaga dahil matalik na kaibigan nito ang nawala.

Muling nagsalita si Earl.

"So tuloy tayo mamaya ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Jamaica.

"I don't know. Baka di ako payagan nina Mommy. " sagot nya.

"Oh come on. Baka magtampo si Angel. " sabi ni Earl.

Kumunot ang noo ni Ronron.

Pero nanatili syang nakikinig.

Napatingin sa kanya si Earl.

"Hey Ron, why don't you come ? " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Jamaica.

"Earl ! " banta nya.

"Why ? " tanong ni Earl.

Pinandilatan ni Jamaica ng mga mata ang binata.

"That's private ! " madiing sabi nya.

Nacurious si Ronron pero hindi sya nakialam.

Tila hindi naman nagpaapekto si Earl at tinuro ang isang mesa.

"Eh bakit si Aaron ? Isasama nya si Lissy ? " tanong nya.

Napanganga si Jamaica.

"Whaatt ? " bulalas nito.

Tumango tango si Earl.

"Yes, sabi ni Aaron isasama nya daw si Lissy. " sabi nito.

"But why ? Hindi pwede ang ibang tao don! " paalala ni Jamaica.

Natigilan si Ronron ng marinig nag disgusto ng dalaga.

Saan sila pupunta at bakit hindi pwede ang ibang tao ?

Di pa nakapagsasalita si Earl, may lumapit ng isang magandang babae.

May dala itong plato at ngumiti sa kanila.

..

Nanlaki ang mga mata ni Jamaica.

"Oh my GOD ! Irish ! " sigaw nya.

Napatili ang babaeng tinawag nitong Irish at mabilis na nilampasan si Ronron para yakapin ang katabi nya.

"Shucks Jam !, gumaganda ka lalo ! " tili nito.

Napaatra si Ronron.

Tumabi sa kanya si Earl at natawa.

"That's Irish pare. Tropa din namin. Nag migrate sila sa Canada. " imporma nya.

Pinilit na lamang ni Ronron ang ngumiti.

Naalala nya si Romeo.

Kung nandito ang kaibigan, siguradong maglalaway ito sa babae.

..

Ilang saglit ay natigila na rin ang paghihisterya ng dalawa.

"Hey Jam, who is he ? " bulong ni Irish.

Natigilan si Jamaica.

"R-ron. F-friend ni Angel. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Irish.

"How come na hindi ko sya kilala ? " tanong nya.

"Ako rin, lately ko lang sya nakilala. Pero Uncle Angelo proved it. " sagot ni Jamaica.

"Whatever, he's yummy ha. " biro ni Irish.

Nakaramdam ng pagkairita si Jamaica.

"Ano ka ba naman Irish, irespeto mo naman si Angel " paalala nya.

Biglang nagbago ang itsura ni Irish.

"Bakit ako ? Nirespeto ba nya ? " biglang sabi nito sabay naglakad palayo.

Naiwan silang tulala.

Lalo na si Ronron pero mabilis na pumagitan si Earl.

"Hey Jam, I think di naman sila magagalit kung isasama natin si Ronron. Sa tingin mo ? " tanong nya.

Hinamig ni Jamaica ang sarili at tinitigan ang binata.

"Bahala ka Earl. Ang hirap mong sabihan. " sabi nya.

"Come on Jam. Wala naman akong ginagawang masama. Sa tingin mo ba matutuwa si Angel kung di natin pakikisamahan si Ronron ? " pang uuto ni Earl.

Napaismid si Jamaica.

"Ewan ko sayo. Dun ka na nga at samahan yung kaibigan mong babaero. " taboy nya.

Natawa si Earl.

"Galit ka pa rin kay Aaron ? " tanong nya.

Nawala ang emosyon sa mukha ni Jamaica.

"What he did is unforgivable. Sa lahat, dapat ikaw ang nakakaintindi nyan dahil nagmahal ka rin at naloko Earl. " sambit nya.

Bumadha ang lungkot sa mukha ni Earl.

"I know. Pero what can I do ? Tapos na ang lahat at wala na si Angel. Ayaw ko namang malungkot sya kung nasan man sya ngayon dahil sa mga nangyayari sa barkada. We have to move on. " malungkot na sabi nya.

"Ganun na lang ? Kalilimutan na lang natin ang nangyari sa kanya ? " galit na sabi ni Jamaica.

Napatingin si Earl sa dalaga.

"Jam. It's been a year at yan pa rin ang pinaniniwalaan mo. Aksidente ang nangyari. Yan ang sabi ng imbestigador. Lasing si Angel ng magpunta sya sa Nirvana. At dahil sa kalasingan nya kaya sya na out of balance di ba? " tanong nya.

Marahas na pinahid ni Jamaica ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata.

"Whatever Earl. Just go away. " taboy nya.

Malungkot na ngumiti si Earl at tinapik ang balikat ni Ronron.

"See you pare. Wag kang mawawala mamayang gabi. " paalam nya at tuluyan ng umalis.

Naiwang puno ng pagtatanong si Ronron.

Nais nyang kausapin si Jamaica pero sa nakikita nyang paghihirap sa mukha nito, pinili na lamang nyang manahimik.

Pero biglang nagsalita ang dalaga sa tabi nya.

"Do you really think na hindi aksidente ang nangyari ? " tanong ni Jamaica.

Napalunok si Ronron at marahang tumango.

"Definitely. " sagot nya.

"Sa tingin mo, sino ang gumawa nito ? " tanong ulit ng dalaga.

Malungkot na napailing ang binata.

"Sa ngayon, wala akong alam. " sabi nya.

Galit na napamura si Jamaica.

Hinang hinang napaupo sya at niyakap ang sarili.

"I'm so sorry bes. " bulong ng dalaga.

Umupo si Ronron at tinabihan ito.

"Bakit ka nagsosorry sa kanya ? " tanong nya.

Natahimik si Jam.

Ilang saglit ang pinalipas nito bago nagsalita.

"Kasi wala akong magawa. " sagot nya.

Ngumiti si Ronron.

"Wala kang ginagawa. " sabi nya.

Natigilan ang dalaga.

"Wala akong magawa ! " giit nito sabay tayo at naglakad palayo.

Tumayo rin si Ronron at nagkibit balikat pero bigla syang natigilan ng mapag isipan ang huling sinabi ni Jam.

ITUTULOY !!!