1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 23 - Motives
Lagablab

Phone Call Chapter 23 - Motives

By supertoyantz ·

Chapter 23 - Motives

Ngumiti ng malungkot si Earl.

"Gagawin kong lahat ng pang aasar pare, bumalik lang sya sa atin. Kahit na ang kapalit non ay malumpo ako kakasuntok nya. Okay lang. Bumalik lang sya. " bulong nya.

Natigilan ang lahat sa narinig.

Bagama't biro lamang iyon para sa binata, batid nilang may halong pait at emosyon ang sinabi nito.

Sa lahat ng biro ni Earl, ito na ang pinakamalungkot.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa grupo.

Napansin ito ni Ronron kaya mabilis syang nag isip para mabasag ang kalungkutan ng lahat.

Eksakto namang tumunog ang cellphone nya.

Napako ang atensyon ng lahat sa kanya kaya napangiti ng kimi ang binata.

"I h-have to take this call. Excuse me. " paalam nya.

Tumango tango si Irish.

Bagama't nakangiti, di nakaligtas sa mga mata nila ang pangingislap ng mga mata nito.

"O-okay. M-medyo inaantok na rin ako. Goodnight guys. " sabi nya.

Ngumiti si Aaron at walang hiya hiyang pinahid ang luha.

"Yeah. So dating gawi, sa lapag kami matutulog. " wika nya.

Binalingan ni Jamaica si Ronron.

"Ahm Ron, sabay sabay na lang tayong umuwi tomorrow ha ? " tanong nya.

Ngumiting lang ang binata.

"Sure. Oh fuck pinatay na. Wait lang guys ah. Kanina ko pa kasi inaantay tong tawag na to eh. " sambit nya.

Nagtawanan ng mahina ang lahat.

"Go ahead, nasa kubo lang kami. " sabi ni Irish.

Ngumiti ng kimi si Ronron at tumango.

Naglakad sya palayo.

Ngunit hindi gaanong malayo dahil nais nyang makita sya ng mga ito.

Muling inatupag ni Ronron ang cellphone.

Matapos makita ang misscall ay napailing na lang sya.

"Mainipin talaga. " sambit nya.

Pinindot nya ang call button para tawagan ang kaibigan.

Nakailang ring sya ng sagutin nito ang tawag.

Di pa sya nakapagsasalita ay agad na nyang narinig ang kalmadong boses ng nasa kabilang linya.

"Where the hell are you ? What took you so long to answer my call ? " mahina ngunit madiing tanong ni Romeo.

Nangilabot si Ronron.

Di nya maintindihan pero may kakaibang epekto ang boses ng kaibigan na talagang nakapagpapataas ng kanyang balahibo.

Saglit syang napapikit.

Na i-imagine nyang walang karea - reaksyon ang mukha nito.

Na syang delikado ayon sa mismong mga kapatid nito.

Kapag daw may seryosong usapan, madalas na hindi mo makakausap ng matino ang binata dahil lagi itong nagpapatawa.

Pero kapag nawala na daw ang masigla nitong boses at napalitan ng pagiging kalmado, dapat na daw mag ingat ang sinumang kaalitan nito.

"Matapos mo akong paghintayin na sagutin ang tawag ko, ngayon naman ay paghihintayin mo ako sa isasagot mo. Humihinga ka pa ba ? " tanong ni Romeo.

Napalunok ng sunod sunod si Ronron.

Pilit nyang kinalma ang sarili at sinaksak sa kukote na kakampi ang binata at hindi kalaban.

"M-may ginagawa kasi ako. " sabi nya.

Huminga ng malalim si Romeo.

"Wag kang kabahan pare. " wika nito.

Napanganga si Ronron.

"H-ha ? " tanong nya.

"Ramdam ko. Sa pangangatog ng boses mo. Easy ka lang. " sambit ni Romeo.

Napangiwi si Ronron at tumawa ng mahina.

"G-ganun ba ? Pasensya na pare, medyo natatakot kasi ako kapag seryoso ka . " pag amin nya.

"Alam ko. Pasensya na rin. Kamusta ka na dyan ? " tanong ni Romeo.

Tuluyan ng napangiti si Ronron.

"Eto, medyo naninibago kasi ako na lang mag isa dito. " sagot nya.

"You have to be alert everytime. Kahit na nandyan ka sa kwarto, di natin alam ang maaring mangyari. Saka wala ako dyan kapag ginahasa ka na naman ni Angel sa panaginip mo. " biro ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"Gago. Buti nga sana kung gahasain ako eh. Ng maganda ang mukha nya. Kaso wala eh. Pinagtitripan ata ako ng baby cake ko. " wika nya.

Rinig nya ang pagmumura ni Romeo sa kabilang linya.

"Damn pare. Nakakadiri talaga ang callsign nyo. Sana naman nag isip kayo ng mas nakakalibog ng konti dyan. For example, Clit at Balls. Haha. " wika nito.

Natawa din si Ronron.

"Yuck, kadiri. Clit ampota. Haha. " sabi nya.

"Bakit ? Kung ako magkaka girlfriend, iisip ako ng unique na tawag. Yung tipong manginginig kahit sinong makarinig. " sambit ni Romeo.

Lalong natawa si Ronron.

Pero bigla syang natigilan ng maalala ang sitwasyon.

"Pare. May balita ako sayo. " sabi nya.

"Gora mo lang. " sambit ni Romeo.

Saglit munang bumuga ng hangin si Ronron bago nagsalita.

"W-wala ako sa bahay. " sabi nya.

Ilang segundo ding nawala sa natahimik ang kaibigan.

"Nasan ka ? " tanong nito.

"Kasama ko ang mga kaibigan ni Angel. " sagot ni Ronron.

Muling natahimik si Romeo.

"Sinu sino kayo dyan ? Bakit ngayon mo lang sinabi ? " tanong nito.

"Pasensya na pare. Spontaneus lang. Nadala lang ako sa agos. " sagot ni Ronron.

"Fuck pare ! Pwede kang mapahamak sa ginagawa mo. Alam na alam mo namang maaaring isa sa kanila ang may sala di ba ? " tanong ni Romeo.

Napahinga ng malalim si Ronron at marahang tumango kahit na di naman ito nakikita ng kausap.

"Don't worry too much about me pare. Tulad mo, nag iimbestigag din ako. At naisip kong mas makabubuting kung mismong kasama ko sila. At dahil sa ginagawa ko, marami na akong nalalaman. " sagot nya.

Natahimik si Romeo sa kabilang linya.

Nakarinig si Ronron ng mga kakatwang tunog pero pinili nyang manahimik.

Ngunit halos isang minuto ng di nagsasalita ang kaibigan.

Hanggang sa di na sya nakatiis.

"Rom ? " tawag nya.

"Ay sorry, naghugas kasi ako. " sabi ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Anong naghugas? Ng plato ? " tanong nya.

"Hindi, ng pwet ko. Tumatate kasi ako kanina. " sagot ng binata.

Napanganga si Ronron.

"Yucckk ! Kadiri ka talaga ! " sumbat nya.

Natawa si Romeo sa kabilang linya.

"Nasan na nga tayo ? Pakiulit nga from the top. " tanong nya.

"Ewan ko sayo. " asar na sambit ni Ronron.

Muling natawa si Romeo.

"Eeasy. Biro lang. Anong mga natuklasan mong bago ? " tanong nito.

Huminga ng malalim si Ronron at pasimpleng sinulyapan ang mga kaibigan ni Angel.

Isa isa nya itong tinapunan ng tingin.

Sa ikli ng panahong nakasama nya ang mga ito, wala syang masasabing masamang ugali sa apat.

Kaya masakit sa kanyang isipin na maaaring isa sa mga ito ang salarin sa pagkamatay ng kasintahan.

"First, for your information pare, nandito ako sa Nirvana. " bungad nya.

Natahimik si Romeo.

"Dyan nakita ang katawan ni Angel right ? " tanong nya.

Marahang tumango si Ronron.

"Oo. At napuntahan ko mismo ang pinaglagan ng katawan nya. May isang burol dito, di sya gaanong mataas pero sapat na para bumawi ng buhay sa kung sinong mamalasing mahulog mula sa itaas. If ever na swertehin ka at mabuhay, siguradong orthopedic pa rin ang diretso mo. " kwento nya.

"Good pare. Pero teka, sabi mo napanaginipan mo na yung lugar na yan. Eksakto ba yung itsura ? " tanong ulit ni Romeo.

"Oo pare. Nawalan lang ng konting bulaklak. Pero itong ito rin yung nakita ko sa panaginip ko. " sagot ni Ronron.

Natahimik si Romeo sa kabilang linya.

Maya maya ay muli itong nagsalita.

"Ang galing ni Angel. Naipakita nya sayo yung pinangyarihan ng krimen. " sabi nya.

Napangiti ng kimi si Ronron.

"Y-yeah. I don't know how she did it pero nagpapasalamat ako sa kanya. Kahit na sobrang takot ang naramdaman ko ng mga oras na yon. " sabi nya.

"Naiintindihan kita. Ano pa pare ? " tanong ni Romeo.

Mabilis na binalikan ni Ronron ang mga pangyayari mula kaninang nagtungo sya sa lugar.

"Isa isa ko silang nakilala pare. Sa maniwala ka o hindi, mahal nila si Angel. " mahinang sabi nya.

Natahimik si Romeo.

Ilang saglit din ang pinalipas nito bago nagsalita.

"Pare. Kalmahin mo ang sarili mo. Sa mga oras na ganito, maaaring alam ng salarin ang plano mong pag iimbestiga. Maganda ang ginagawa mong paraan na makalapit sa kanila. Pero mag iingat ka. " wika nya.

Tumango tango si Ronron.

"Salamat pare. Alam ko. " sambit nya.

"Sa tingin mo, anong motibo nilang apat ? O lahat ba sila may motibo para gawin ang krimen ? " tanong ni Romeo.

Natigilan si Ronron at isa isang binalikan ang mga pag uusap nila ng mga kaibigan ni Angel.

"Si Jamaica, yung bestfriend ni Angel. Wala akong alam na motibo nya. In the first place, sya lang ang naniniwalang hindi aksidente ang pagkamatay ni Angel. " sagot nya.

"Pero hindi yon dahilan para alisin mo sya sa suspect. Sya ang matalik na kaibigan kaya sya ang pinakamalapit sa lahat. Maaaring sya ang may pinaka concern kay Angel pero mo dapat alisin ang pagmamatyag mo sa kanya. Wag kang magpabulag pare. " sabi ni Romeo.

Napahinga ng malalim si Ronron.

Masakit mang isipin pero tama ang kaibigan.

Hindi abswelto si Jamaica sa kaso.

Maaaring ito nga ang salarin at nagtatago lamang sa ideyang ito ang bestfriend ng biktima.

"A-alam ko pare. N-next si Irish. Sya yung model type na sinasabi ko. Sabi nina Jamaica, halos magsingganda lang daw sila ni Angel nung nabubuhay pa sya. Halos nasa kanya na ang lahat. Beauty and brains. Wealth and Fame. Pero may isang gusto si Irish na tanging si Angel lang ang mayroon. " sambit nya.

"Ano ? Boobs ? " tanong ni Romeo.

Nasamid si Ronron sa narinig.

"Gago ka talaga. " inis na sabi nya.

Natawa si Romeo.

"Sorry. Continue. " wika nya.

Napasimangot si Ronron.

"Ayoko na nga. " sabi nya.

"Ito naman, napaka matampuhin. Sige na baby cake. " lambing ni Romeo.

Napailing na lang si Ronron.

"Atensyon ni Aaron. " sagot nya.

Natahimik ng ilang sandali si Romeo.

"Sino naman daw si Aaron ? " tanong nya.

Sinulyapan ni Ronron si Aaron di kalayuan.

"Kaibigan din nila. Gwapo, mayaman at varsity ng school. " sagot nya.

"Oh anong kinalaman non sa dalawa ? " tanong ni Romeo.

"May gusto si Irish kay Aaron. " sagot ni Ronron.

"Pero si Angel ang gusto ni Aaron ? " tanong ni Romeo.

Ngumiti si Ronron ng kimi at napatango.

"Nadale mo pare. " sagot nya.

"Anong motibo ni Aaron ? " tanong ni Romeo.

Nagkibit balikat si Ronron.

"May gusto sya kay Angel. At base sa mga kwento nilang pinagtagpi tagpi ko lang, si Angel ang long time love ni Aaron. Pero ayaw sa kanya ni Angel. " sagot nya.

"Bakit kaya ? Baka mabaho sya ? " tanong ni Romeo.

Muling napasimangot si Ronron.

"Seryoso na kasi pare. " sabi nya.

Natawa si Romeo.

"Okay okay. Napakahigh blood mo. Yung isa pa. Ang sabi mo apat yung friend ni Angel. " wika nya.

Napatingin si Ronron kay Earl.

Di nya maiwasang mapangiti dahil sa likas na kakengkoyan ito.

"It's Earl. Sya yung Joker ng grupo. I don't know. Pero sa tingin ko, may gusto din sya kay Angel. Pero hula ko lang yon. O sadyang malambing lang talaga sya. " sagot nya.

"Hmm. So far, dalawa pa lang sa kanila ang may motibo. Good job pare. Marami rami na rin ang nadagdag sa datos natin. Anong oras ba kayo uuwi ? " tanong ni Romeo.

"Hanggang bukas pa daw kami pare. Maybe 6 or something. " sagot ni Ronron.

"Ah. Sige sige. Inaantok na ako. Pagod sa byahe. Basta mag iingat ka lang dyan. Wag na wag kang magpapadalus dalos. Iwasan mong magpadala sa emosyon mo. If ever na may nakita o nalaman kang makapagtuturo ng direkta sa salarin, wag kang mag atubiling tawagan ako. Pumapayag na akong istorbohin mo ang tulog ko. Ngayon lang naman yan e. " bilin ni Romeo.

Napangiti ng maluwang si Ronron.

"Maraming Salamat pare. Maaasahan ka talaga. " sabi nya.

"Yeah right. Basta tandaan mo lang yung mga sinabi ko pare. Sige. Love you muah muah. " paalam ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"Love you muah muah tsup sup. " sagot nya.

..

Nakangiting tinapos na ni Ronron ang tawag.

Di nya maiwasang makaramdam ng kaunting pag asa dahil sa nangyaring pag uusap nila ng kaibigan.

Dahil dito, lalo lang nadagdagan ang kanyang lakas ng loob.

Alam nyang hindi sya pababayaan ni Romeo.

Huminga ng malalim si Ronron at sumagap ng sariwang hangin.

Saglit nya munang tiningnan ang tila walang katapusang kadilaman hanggang sa unti unti na nyang naramdaman ang antok.

Isang huling sulyap sa karagatan bago sya nagpasyang bumalik na sa mga kasama.

Pero di pa sya nakakailang hakbang ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Natigilan si Ronron at pilit na inanag ang nakikita.

Sa burol.

May isang nilalang na nakaupo at nakatingin sa karagatan.

Di na nagdalawang isip pa ang binata.

Mabilis syang tumakbo sa kubo para alamin kung sino ang kulang sa grupo.

Nadatnan nya sina Jamaica at Irish na magkatabing nakaupo sa malapag na papag habang si Aaron ay abala sa pagkukutingting ng cellphone nito.

"S-si Earl ? " tanong nya.

Napatingin ang tatlo sa kanya.

"Lumabas, bakit ? " tanong ni Jamaica.

Napangiti si Ronron.

"Ahh, sya siguro yon. " sagot nya.

"Sino ? " tanong ni Irish.

Akmang magsasalita si Ronron ng biglang may sumingit ng boses.

"Baket pare ? " tanong ni Earl mula sa likod.

Napalingon si Ronron at kumunot ang noo.

"San ka galing ? " tanong nya.

"Umihi dyan sa gilid. Nakakatakot tumakbo sa banyo eh. " nakangising sagot ni Earl.

Napaungol ang dalawang babae.

"Yuckk !!! " angal ni Irish.

"Baka dyan ka lang sa tabi nagsabog ng panghi mo ! " sigaw ni Jamaica.

Tatawa tawang nagtaas ng kamay si Earl.

"Sorry na. Medyo malayo naman ako eh. " sabi nya.

Napalunok si Ronron.

"H-hindi ka naman galing ng burol pare ? " tanong nya.

Natigilan si Earl sabay umiling.

"Hindi no, saglit lang akong nawala. Baket ? " tanong din nya.

Gumapang ang kilabot sa katawan ni Ronron.

Saglit syang natahimik at muling inisip kung tama ba ang kanyang nakita.

"Bakit pare ? " tanong ni Aaron.

Napatingin si Ronron sa mga kasama.

Kita nyang tila natatakot na ang mga ito kaya pinilit nya ang sariling ngumiti.

"A-ah. W-wala. Saan nga pala tayo matutulog pare ? " pag iiba nya sa usapan.

Tinuro ni Irish ang lapag.

"Dyan kayo oh. Maluwag pa naman eh. " sabi nya.

Ngumiti si Ronron.

"Ah okay. Walang problema sakin yan. " sagot nya.

"Yun ! So paano, tulog na ? " tanong ni Aaron.

Saglit na nag isip si Ronron.

Nais nya sanang balikan at alamin kung ano ang nakita o kung sino man iyon.

Pero ayaw nyang lumikha ng takot sa mga kasama kaya minabuti na lamang nyang pumasok sa loob ng kubo.

ITUTULOY !!!