1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 25 - The Diary
Lagablab

Phone Call Chapter 25 - The Diary

By supertoyantz ·

Chapter 25 - The Diary

Napatitig lamang si Ronron sa hawak ng diary.

Unti unti ng gumagapang ang takot sa kanyang katawan.

Takot na mabilis sumakop sa kanyang pagkatao.

Pero bigla ding nagbago ang kanyang isip sa pag aanalisa sa sariling nararamdaman.

Hindi ito basta takot lamang, lampas pa.

Nanginginig ang kanyang mga kamay at nagtayuan na rin ang kanyang mga balahibo sa katawan.

Parang bigla ay nag iba ang paligid.

Dahan dahan syang pumihit.

Di na nag abala pang i-appreciate ang malamyos at tahimik na awit ng karagatan.

Kung kanina ay kaaya aya ang lugar, tila sa isang iglap ay nagbago ang pananaw ng binata.

..

Napatingin sya sa direksyon ng kubo.

Huminga ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.

Humakbang ng isa at mabilis na pinakiramdaman kung may pipigil ba sa kanyang mga braso.

Ngunit wala.

Muli syang humakbang ng isa pa.

Na nasundan pa ng isa hanggang sa ang pa isa isang hakbang ay naging marahang paglakad.

..

Mabagal na naglakad si Ronron.

Pero ang mabagal nyang paglalakad ay kabaliktaran ng pagpintig ng kanyang puso.

Parang may tao sa kanyang katawan na patuloy na tinatambol ang kanyang dibdib.

Ngunit pinilit nyang magpakatatag.

Kaunting distansya na lamang at mararating na nya ang kubo.

Pipilitin na lamang nya ang sariling matulog at palipasin na ang gabing iyon.

..

Ilang sandali ang lumipas, sa wakas ay narating din nya ang patutunguhan.

Di nya maiwasang mapaupo sa mahabang bangko na nasa tapat ng kubo dahil pakiramdam nya ay hapung hapo sya.

Pasimple syang tumingin sa pinanggalingang tabing dagat.

Para lamang mabigla dahil diyata't napakalapit lamang pala nito.

Pero bakit sya hinihingal na daig pa ang tumakbo ?

..

Napalunok si Ronron at pilit na binawi ang normal na paghinga.

Nag inhale exhale sya para payapain ang sarili.

Ng makabawi ng lakas ay sinandal ni Ronron ang sarili sa gilid ng kubo at nag isip.

"Ano ba tong nangyayari sakin. " wika nya.

Tulalang napatingin lamang ang binata sa kawalan.

Isa isang binalikan ang mga nangyari sa kanya mula ng unang tumawag si Angel.

Nuong una ay wala sa kayang hinagap na magkakaroon sila ng ugnayan ng dalaga.

Hanggang sa naging mag kaibigan sila at ang simpleng pagkakaibigang iyon ay nauwi sa pag iibigan.

Pero bigla ring nagduda si Ronron sa naisip.

Minahal nga kaya sya ni Angel ?

Dahil kung sya ang tatanungin ay batid nya ang nararamdaman para sa dalaga.

At siguro naman ay wala ng magdududa sa kanya dahil sino ba namang matinong tao ang susuong sa ganitong kalayong lugar para lamang makipagkita sa taong ni hindi mo pa nakikita ng personal.

Ni wala syang ideya kung tama ba ang address na binigay ng dalaga.

Sa dami ng iniisip, di maiwasang matawa ng mahina ni Ronron.

Marahil ay kung ikukwento nya ito sa ibang tao, siguradong tatawanan at masasabihan sya ng baliw.

Sinuong nya ang lugar na wala syang kakilala.

Para lamang tagpuin ang isang babae na tanging sa cellphone lamang nya nakilala.

Mabuti na lamang ay may nakasama syang isang mapagkakatiwalaang kaibigan sa katauhan ni Romeo.

..

Sa pagkakaalala sa kaibigan, muling napahinga ng malalim si Ronron.

Sobra sobrang abala ang naidulot nya dito.

Naisip nyang kapag kailanganin din sya ng kaibigan ay di sya mangingiming tumugon, gaano man ito kahirap para lamang makabawi sa utang na loob.

Pinikit ni Ronron ang mga mata.

Pero muli syang napadilat ng maramdaman ang hawak.

Pagtingin nya ay bigla syang natigilan ng makita ang diary sa kanyang mga kamay.

Napalunok ang binata at mabilis na tumingin sa paligid.

Pagkuwa'y sa tabing dagats kung saan nya ito nadampot.

Muli, unti unting bumilis ang pagtibok ng kanyang puso ng maalala ang babaeng nakita nya kanina.

Hindi sya maaaring magkamali, may nakita talaga sya.

At ito nga ang may hawak ng diary na hawak nya ngayon.

Napatitig si Ronron sa librong hawak.

Sandaling napaisip kung anu ba ang dapat gawin sa bagay na ito.

"Isosoli ko ba ito kina T-tito Angelo ? " tanong nya sa sarili.

Hinimas ni Ronron ang diary.

Ito ang isa sa mga personal na gamit ng kanyang kasintahang namayapa.

Bigla syang natigilan ng maalala ang sinabi ni Earl.

Kung hindi sya nagkakamali, maaaring nakalagay sa talaarawang ito ang mga kaganapan sa buhay ng dalaga bago pa mangyari ang krimen.

Sa naisip, tila dumoble ang bilis ng tibok ng puso ni Ronron.

Kung totoong may impormasyong nakasaad sa diary na ito, hawak nya ang isa sa pinakamabigat na ebidensya.

..

Napalingon si Ronron sa paligid.

Dahan dahan syang tumayo at sinilip ang kubo mula sa nakabukas na pinto.

Tulog na tulog pa rin ang kanyang mga kasama.

Kung talagang isa sa apat na ito ang salarin, hindi sya dapat maging kampante sa kanyang pwesto.

Kailangan nyang humanap ng liblibg na lugar para basahin ang diary ni Angel.

..

Nagpasya si Ronron na isara ang pinto.

Tahimik nya itong hinatak para hindi makagawa ng ingay at huwag magising ang kahit na sino sa apat.

Ng matagumpay nyang masara, ginala nya ang paninging sa paligid.

"S-saan ko to babasahin ? Alangan namang iuwi ko pa to ? Hindi pwede . " bulong nya.

Naisip nya ang mga kaibigan ni Angel.

Si Irish ay babalik na sa Maynila para asikasuhin ang pagbalik nito sa ibang bansa.

Ganun din si Earl.

Maging sina Jamaica at Aaron ay babalik na sa normal nilang pamumuhay mamayang pagbukang liwayway.

Baka makagawa pa ang mga ito ng alibi.

Kaya hangga't maaari, dahan na nyang basahin ang diary.

Pero saan ?

Muling ginala ni Ronron ang paningin sa paligid.

Ng bigla syang mapatingin sa burol.

Nanlaki ang mga mata ng binata ng may makitang kakaiba.

May tao !

May nakaupo sa burol.

..

Di na nagpatumpik tumpik pa si Ronron.

Bitbit ang diary sa kamay, mabilis syang kumilos at halos takbuhin na ang kasukalan na syang daan patungo sa burol.

Ayaw na nyang magpatalo sa takot.

Walang mangyayari sa kanya kung lagi syang magpapadaig dito.

Kung multo ni Angel ang kanyang nakita, mas maganda dahil rekta syang makapagtatanong.

..

Lawit na ang dila ni Ronron ng marating ang tuktok ng burol.

Pero ang inaasahan nyang multo o kaluluwa ay wala.

Bigo syang maabutan si Angel.

Ngunit bigla din syang natigilan.

Talaga bang si Angel ang nakita nya ?

O kung si Angel man, marahil ay ayaw nitong magpakita sa kanya.

Marahil ay ayaw syang takutin ng kasintahan.

Pero anong dahilan at bakit ito nagpaparamdaman sa kanya.

"B-baka nais nya kong tulungan ! " bulalas ni Ronron.

Sa ideyang pumasok sa isip, biglang napawi ang takot sa puso ng binata.

Tumingala sya sa itaas at napangiti.

"T-thank you baby cake. Alam kong ikaw yan. At alam kong gusto mo kong tulungan. Well, salamat talaga. Gusto mo bang dito ko basahin ang diary mo ? Or is it okay na basahin ko to ? Sure ? " tanong nya na parang tanga.

Maya maya ay biglang umihip ang malakas na simoy ng hangin.

Muntik ng mapaupo si Ronron sa gulat.

Bigla syang natawa at napailing.

Naglakad sya patungo sa gilid ng burol at dahan dahang naupo.

Huminga muna ng malalim ang binata at tiningnan ang hawak na diary.

Dahan dahan itong binuklat sa unang pahina.

. .

Hindi na naagpaliguy liguy si Ronron.

Mabilis nyang nilaktawan ang sa tingin nya ay di importanteng pahina.

Nuon nya napagtantong hindi pala natapos ni Angel ang diary dahil halos kalahati pa lamang ang laman nito.

Agad nyang tinandaan ang eksaktong petsa ng pinangyarihan.

Kung hindi sya nagkakamali, isang taon ng namayapa ang dalaga.

So kailangan lamang nyang balikan ang petsa sa diary isang taon mula ngayon.

"May 30. Hello diary, kakauwi lang galing sa house nina Jams. As always, wala na naman ang parents nya. Kawawa naman sissy ko. :( Don't worry sis, I'm always here for you. " basa ni Ronron.

Napailing sya dahil para palang kinahig ng manok ang sulat ng kasintahan.

Pinapagpatuloy na lamang nya ang pagbabasa.

Mabuti na lamang ay tila nakikiayon din ang buwan sa mga oras na iyon.

Nagsilbi itong ilaw para mabasa nya ng malinaw ang mga nakasulat.

"June 6. First of school Medyo sad kasi di na namin kasama sina Earl at Irish. Iba na kasi ang school nila. Hayyyyy. Nakakalungkot. Pero sana magkaroon ako ng bagong friends. Pero syempre, di mapapalitan yung dalawa kasi para ko na silang family. Sleep na diary. "

"June 14. Hello diary, first project ng group. Medyo mahirap pero okay lang. Kasama ko naman ang tropa, bukas pupunta kami sa bahay nina Aaron para gawin yung project namin sa TLE. Ngayon pa lang excited na ko ! matitikman ko na naman ang malagkit ng mama nya ! Yumyum, inggit ka diary ? Haha. "

Muli syang nagpatuloy ng pagbabasa.

Pero habang pinagpapatuloy nya ang paglipat ng pahina, parang unti unti na syang nawawalan ng pag asa na may makikita ditong impormasyon na magtuturo sa salarin.

Malapit na syang matapos.

Hanggang sa tuluyan na nyang narating ang huling pahina ng diary na may sulat.

"July 12. Good morning diary. Maaga ako ngayon kasi it's saturday. Baka kasi di na kita makamusta mamaya. Birthday ni Earl kulit at kumpleto ang barkada. Yeeeee !!! Party party ! "

Di maiwasang mapangiti ni Ronron.

Tila ramdam nya ang sayang nararamdaman ni Angel sa mga oras na iyon.

Nilipat nya ang pahina.

Pero kumunot ang kanyang noo ng mapansing wala ng nakasulat.

"Tapos na ? " tanong nya sa sarili.

Nadismaya ang binata at sinara ang diary.

Akala pa naman nya ay makakakita na sya ng impormasyong magtuturo sa mismong salarin.

Yun pala ay tipikal na daily activities lang ng dalaga ang nakasulat dito.

Napahinga ng malalim ang binata at tumingin sa kawalan.

Nangawit ang kanyang likod kaya binaba nya ang diary at nagpasyang ihiga ang katawan sa damuhan.

Pinagmasdan nya ang langit.

"Baby cake, akala ko pa naman matutulungan ako ng diary mo. Pero mukhang wala talaga. Paano kita matutulungan ? Kahit isang clue lang kung sino ang pumatay sayo. O kahit yung demonyong lumapastangan na lang. " malakas na sabi nya.

Umasa si Ronron na may mangyayaring kakaiba.

Hinanda na nya sarili para dito.

Ngunit lumipas ang ilang minuto na walang nangyayari.

Muling napabuntong hininga ang binata.

Nilingon nya ang diary sa kanyang tabi at napangiti ng malungkot.

"Ayokong umasa na lang sa karma. Gusto kong ako mismo ang makatuklas kung sino ang gumawa nito sayo baby cake. Please lang, help me. " wika nya.

Biglang umihip ang malakas na hangin.

Napaupo si Ronron at ginala ang tingin sa paligid.

Umaasang makakakita ng nilipad na bagay o kahit anong kababalaghang matuturo sa kriminal.

Pero natapos na't lahat ang pag ihip ng hanging ngunit wala paring nangyayaring kakaiba.

Natawa ng mahina ang binata.

"Failed. " bulong nya.

Akmang hihiga syang muli ng mapatingin sya sa diary.

Dahil sa lakas ng ihip ng hangin, kusa itong bumukas at huminti sa pinaka dulo.

Kinuha ni Ronron ang libro at akmang isasara ng may mapansing kakaiba.

Kinapa nya ang huling end cover ng diary.

Kakaiba ito sa front cover.

Medyo makapal.

Kumunot ang kanyang noo at sinalat kung bakit ganuon ito kakapal.

Hanggang sa bigla syang matigilan ng may malaglag na papel sa kanyang kandungan.

"A-ano to ? " tanong nya sa sarili.

Binaba ni Ronron ang diary at dinampot ang kapirasong papel.

Nagulat sya ng makitang pahina ito ng mismong diary.

Pinunot na pahina.

Nagtaka si Ronron at muling kinuha ang libro para alamin kung totoong bahagi nga ito.

Binuklat nya ang diary at hinanap ang parteng napilas.

Ngunit wala.

Hanggang sa matigilan sya ng marating ang dulo.

Binusisi nyang mabuti ang dugtungan ng mga pages ng diary.

Nuon nya nakita na dito nga nagmula ang mga pilas na papel na nalaglag.

"B-bakit sa dulo sya nagsulat ? Eh andami pang blank pages ? " tanong nya sa sarili.

Napailing na lang si Ronron at muling sinara ang pink na libro.

Nilapag nya ito sa damuhan at dinampot ang pinilas na papel.

Nakatupi ito sa walo.

Parang ayaw ipabasa ng may ari.

Hanggang sa tuluyan ng naibulatlat ni Ronron ang pahina.

Dahan dahan nyang inaninag ang mga nakasulat.

..

Lumipas ang ilang minuto, ang kaninang hinahon na nararamdaman ni Ronron ay napalitan ng galit.

Galit para sa mga partikular na tao.

Di na nya namalayan ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mata.

Natapos na nyang basahin ang mga nakasulat ngunit hindi pa rin sya makapaniwala.

Muli nyang pinasadahan ang papel.

Awang awa para sa kasintahan.

Hanggang sa muli nyang binasa ang nakasulat.

"J-july 13. D-diary, gusto ko ng mamatay. Di ko akalaing magagawa nila sa akin ito. Napakahayup nya, nila. Binaboy nila ako. Di ko alam kung anong ginawa ko sa kanila. Marami sila, alam kong marami sila. Lahat sila may maskarang suot. Sinuntok ako nung isa tapos tumawa sya. Tatlo sila, lumabas yung dalawa tapos naiwan yung isa. Para syang demonyo. Hilong hilo ako non pero pinilit ko paring gumapang papunta sa pinto. Pero may sumabunot ng buhok ko tapos hinatak ako pabalik sa kama. Di ko alam kung anong nangyari at bakit ako nandun sa kwartong iyon. Nahila ko yung bedsheet sa pagpipilit na bumaba. Pero dinaganan ako lalaking nakasuot ng itim na maskara. Nadampot ko yung cordless phone sa sidetable tapos pinalo ko sa ulo nya. Nakita ko syang namilipit sa sakit kaya inipon ko ang lakas ko para tumakbo sa pinto ulit, pero ayaw mabuksan. Bumalik ako tapos nakita ko yung isang door. Dun sa bathroom. Dun ako nagtago. Sobrang takot at hilong hilo ako nuon pero pilit kong pinaglalabanan para di ako magawan ng masama. Pero talagang hilong hilo na ko. Nakapasok yung demonyong may itim na mask. Nakangisi sya na parang kakainin ako. Gusto kong tumakbo. Pero wala akong lakas para tumayo. Hanggang sa naramdaman ko na lang na umulan na. Nagawa nya ang balak nya. Diring diri ako habang ginagawa nya sa akin ang kahayupan. Sobrang sakit. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Yun ang nagpagising sa akin. Nag ipon ako ng lakas at kinagat ko ang balikat nya. Sumigaw sya, tapos bigla nya kong sinampal sa mukha. Yun na ang huli kong natatandaan. " wika ni Ronron.

Sobra sobrang poot ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Di sya makapaniwalang may mga taong nabubuhay na sagad sa buto ang kasamaan.

Anong kalaban laban ng kasintahan para saktan at halayin ng ganuon ?

Napaiyak si Ronron sa labis na sama ng loob.

Ramdam nya ang paghihirap ng kasintahan at talaga namang nanginginig ang kanyang buto sa tindi ng galit.

Di na sya nakatiis, sumigaw sya ng ubod ng lakas.

"MAGBABAYAD KAYO !! MAGBABAYAD KAYOOO !!! TANGINA NYOOO ! TANG INA NYOOONG LAHATTTT !! " sigaw nya sabay pinagsusuntok ang lupa.

Hingal na hingal sya matapos ang ginawang pagsigaw.

Ramdam nya ang sakit ng kamao pero di nya ito inalintana dahil mas matindi ang sakit na nararamdaman nya sa kanyang puso.

Huminga ng malalim si Ronron at napasalampak ng upo sa damuhan.

Tiningnan nya ang kawalan at sa luhaang mukha ay sumumpa sya sa di nakikitang kasintahan.

"Angel. I'll promise you. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakikita ang may gawa nito. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nilang kababuyan sayo baby. Promise. " sabi nya.

Pero biglang may nagsalita sa likod nya.

"Then hindi ko na hihintaying mahanap mo ako. " wika nito.

Mabilis na lumingon si Ronron.

Ngunit isang malakas na palo mula sa malaking sanga ng puno ang sumalubong sa kanyang mukha.

Hilong bumagsak ang binata sa lupa.

Duguan ang noo at nanlalabo ang mga mata.

Tila namanhid ang kanyang sistema dahil sa nangyaring pagpalo.

Pilit na syang hinahatak ng dilim.

Ngunit sa huling pagkakataon at natitirang lakas, dinilat nya ang mga mata at tinitigan ang lalaking sanhi ng pagkakahandusay nya sa sahig.

Hanggang sa muli syang tadyakan ng lalaking ito na naghatid sa kanya tungo sa walang hanggang kadiliman.

ITUTULOY !!!