1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 26 - Obsession
Lagablab

Phone Call Chapter 26 - Obsession

By supertoyantz ·

Chapter 26 - Obsession

5 years ago.

Atras abante ang isang matabang bata.

Nasa bukana sya ng gate ng isang kilalang eskwelahan.

Unang araw ng klase.

Maraming estudyante ang naglalakad papasok ng paaralan.

Ngunit sya ay nananatili lamang nakatingin sa mga ito.

Nahihiya sya.

Hindi lang dahil sa wala syang kakilala kundi dahil sa kanyang itsura.

Oo at matagal na syang ganito pero di pa rin nya makuhang masanay.

Sa tuwing nakikita nya ang mga taong nakatingin sa kanya ay di nya maiwasang manliit.

Kitang kita nya kasi sa mga mata ng mga ito ang pagtawa na may halong pangungutya dahil sa kanyang katabaan.

..

Napahinga ng malalim ang bata.

Tinanggap na nya sa sarili na mukhang lilipas na naman ang taon na wala syang magiging kaibigan.

Di nya maiwasang mapaisip.

Nagkaroon na nga ba sya ng totoong kaibigan ?

Yung tumanggap sa kanyang itsura at hindi sya ginawang katatawanan ?

Ah, wala pa.

Tanging ang kanyang ina lamang ang nagsasabing cute na cute sya sa kanyang itsura.

Pero maliban dito, wala na.

Maging ang sariling ama ay hindi itinatago ang disgusto sa kanya.

Kesyo tamad daw syang mag exercise at puro kain na lang ang ginagawa sa maghapon.

Muli, napahinga ng malalim ang bata.

Humakbang na sya pabalik at nagdesisyong bukas na lamang papasok.

Tutal wala naman ang kanyang mga magulang sa bahay.

Di nya alam kung saan nagpunta ang mga ito pero nagising na lamang syang tanging ang yaya mula pa pagkabata ang natunghayan.

Naglakad ang bata palayo.

Pero natigilan sya ng makarinig ng sitsit.

"Psst ! " tawag sa kanya.

Saglit lang huminto ang bata.

Bahagya syang napailing at tinawan ang sarili.

As if naman may mag aaksaya ng panahong tawagin sya.

Muli syang naglakad palayo.

Pero muli din nyang narinig ang pagsitsit.

"Hoy Taba ! " sigaw ng boses.

Sukat duon ay napahinto sa paglalakad ang bata.

Mabilis syang lumingon sa paligid para alamin kung may iba pa bang mataba bukod sa kanya.

Ngunit wala.

Kaya kahit na masakit ang matawag sa ganuong pangalan, nagpasyang lumingon ang bata.

Pero bigla syang napaatras ng may magsalita.

"Boo ! " boses ng babae.

Muntik ng matumba ang batang mataba.

Sa lahat ng ayaw nya ay ang ginugulat.

Okay lang ang tawaging mataba dahil obvious naman na, pero ang gulatin pa sya ay di na katanggap tanggap.

Sa mga ordinaryong tao, kapag ginugulat sya ay di nya napipigilan ang sarili at bigla nyang naitutulak.

At dahil nga sa katabaan, ang simpleng pwersang ginagamit nya ay doble na sa iba o maaaring triple pa.

Dahilan para matumba ang mga ito o mapaatras.

Na syang nagiging sanhi para lalong madagdagan ang mga taong galit sa kanya at patuloy na nang aasar.

At iyon ang nga ang nangyari.

Wala sa sariling naitulak nya ang batang babaeng nanggulat sa kanya.

Napaupo ang babae.

Napangiwi ito ng lumagpak ang pwetan sa lupa.

"A-aray. " daing nito.

Natulala si Aaron.

Bukod kasi sa babae ang nasaktan nya, hindi lamang ito basta ordinaryong bata.

Ito ang batang babae na naging laman ng kanyang mga panaginip sa nakalipas na panahon.

"A-angel ? " tulalang bulong nya.

Tumingala ang batang babae at napasimangot.

"Bakit mo ko tinulak ? " singhal nito.

Napaatras si Aaron.

Mabilis nyang inabot ang kamay para tulungan itong makatayo.

Pero natigilan sya ng makita ang itsura ng bata.

Dahil sa pagkakasalampak nito sa semento, umangat ang palda nito kaya kitang kita nya ang kulay pink na panty ni Angel.

Mabilis na nag init ang kanyang mga pisngi.

Agad syang nag iwas ng tingin at kinalma ang sarili.

..

Nag angat ng tingin ang batang babae at lalong napasimangot ng makitang wala man lang ginagawa ang kaharap.

"Hoy ! Di mo man lang ako tulungang makatayo ! " sigaw nya.

Napaubo ng mahina ang batang mataba.

"A-ayusin mo muna ang sarili mo. " bulong nya.

Kumunot ang noo ng batang babae at tiningnan ang sarili.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang tinutukoy ng kausap.

Nakabukaka pala sya at dahil sa pagkakatumba ay umangat ang kanyang palda.

Dahilan para malantad sa mga mata nito ang kanyang pang ilalim.

Mabilis na nag init ang mga pisngi ni Angel.

Agad nyang binaba ang palda at sinuntok ang paa ng kaharap.

"Bastos ! " singhal nya.

Napahiyaw ang batang mataba.

"Aray ! Bakit ka nanununtok ? " tanong nya.

"Eh bakit ka namboboso ? Tinulak mo na nga ako tapos bobosohan mo pa ? " pasigaw na sagot ng babae.

Napaatras ang batang mataba sa lakas ng boses nito.

"H-hindi naman kita binobosohan eh. G-ganyan na talaga ang ayos mo. K-kaya nga sinabi ko sayo. " wika nya.

Natahimik ang batang babae.

Nakasimangot pa rin syang inunat ang kamay.

"Itayo mo ko. " utos nya.

Agad namang sumunod ang batang mataba.

Inabot nya ang kamay ng babae at gamit ang kaunting pwersa, hinatak nya ito para makatayo.

..

Pinagpag ng batang babae ang narumihang pwet.

"Yung mga gamit ko, damputin mo. " utos nya.

Natigilan ang batang mataba.

"H-ha ? " tanong nya.

"Anong ha ? Ikaw ang tumulak sakin kaya natapon ang mga yan, damputin mo na at malalate na ko. " sagot ng babae.

"E-eh ginulat mo kasi ako eh. " katwiran ng batang mataba.

Umismid lang ang batang babae.

"Wag ka ng mangatwiran. Male-late na ko ! " singhal nya.

Tarantang dinampot ng batang mataba ang mga natanong gamit ng babae.

Pagkatapos ay inabot nya ito.

"S-sorry. " wika nya.

"Sorry saan ? " tanong ng batang babae.

"S-sa pagtulak ko sayo, nasaktan ka ba ? " tanong ng batang mataba.

Naningkit ang mga mata ng batang babae.

Napayuko si Aaron dahil akala nya ay talagang nagalit na ito ngunit natigilan sya ng maramdaman ang pagtapik nito sa kanyang balikat.

"Nasaktan ng konti, pero kasalanan ko naman. Ginulat kasi kita. " sagot ni Angel.

"B-bakit ka ba kasi nanggugulat ?" tanong ni Aaron.

Ngumiti ng matami si Angel.

"Di ka kasi lumilingon eh, kanina pa kita tinatawag. " sagot nya.

Napakagat labi si Aaron.

"S-sorry. " sambit nya.

Nahihiyang napangiti si Angel.

"Ako nga ang dapat humingi ng sorry sayo. Kasalanan ko rin kung bakit di ka lumilingon, di kasi kita tinatawag sa pangalan mo. Taba lang ang sinabi ko. " wika nya.

Ngumiti ng malungkot si Aaron.

"It's okay. Mataba naman talaga ako. " sambit nya.

Umiling si Angel.

"I know, pero di yun dapat gawin kapintasan. Uhm mamaya na tayo mag kamustahan, male-late na tayo. " wika nya.

"Oo nga, late ka na. " sambit ni Aaron.

Kumunot ang noo ni Angel.

"Ako lang ? Eh ikaw ? " tanong nya.

Umiling si Aaron.

"B-bukas na lang ako papasok. " sagot nya.

Umirap lang si Angel at kinawit ang braso sa matabang braso ng kausap.

"Anong bukas ? Ngayon tayo papasok. Tara na. " sabi nya.

Natigilan si Aaron.

Hindi dahil sa narinig kundi dahil sa ginawang pagyakap ng babae sa kanyang braso.

Di nya maintindihan ang sarili pero tila may pumitik sa kanyang kaibuturan.

Naisip na lamang nyang ihatid si Angel sa room nito at pagkatapos ay uuwi na.

Pero nagulat siya ng malaman ang section ng babae.

"M-magkaklase tayo. " bulong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Angel at napangiti ng maluwang.

"Talaga ? Ayos ! May isa na naman akong kaibigan nadagdag. " bulalas nya.

Natigilang muli si Aaron sa narinig.

Di nya maiwasang mapangiti.

"K-kaibigan ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Angel.

"Ha ? " tanong nya.

Napailing na lang si Aaron.

"W-wala. Tara pasok na tayo. " aya nya at ganadong naglakad patungo sa classroom.

..

Mabilis na lumipas ang panahon.

Nakilala ni Aaron ang isa pang kaibigan ni Angel na kaklase din pala nila.

Si Jamaica.

Bestfriend ito ng dalagita at tulad ni Angel, mabait din ito.

Maganda din si Jamaica.

Pero hindi nya maintindihan kung bakit tila nakapako na ang kanyang atensyon sa iisang babae.

..

First year high school.

Nalalapit na ang christmas party ng klase at kasalukuyan silang nagbubunutan para sa exchange gift.

Gumawa ng box ang teacher at duon nila nilagay ang mga sinulat nilang pangalan sa kapirasong papel.

Ng matapos ng maihulog ang lahat ng names at muling umikot ang guro para bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na bunutin ang pagbibigyan nila ng regalo.

Nakalapit na kay Aaron ang guro.

Ngumiti ito at inabot ang box.

"Pick one Aaron. " wika nya.

Ngumiti ang binatilyo at pinasok ang kamay sa loob.

Hinalo halo nya ang mga papel at dumampot ng isa.

Pero natigilan sya ng hindi na mahugot ang kamay.

"M-ma'am. " bulong nya.

Natigilan din ang guro ng mapansin ang sitwasyon ng binatilyo.

Hinawakan nyang mabuti ang box.

"Hilain mo. " bulong nya.

Sinubukan ni Aaron na dagdagan ng pwersa ang paghila sa kamay.

Pero talagang nastock na ito sa loob.

Gumamit sya ng mas malakas na pwersa.

Maging ang guro ay nakihatak na rin pero talagang masikip ang ginawa nyang butas.

Muli pang dinagdagan ng pwersa ni Aaron at guro ang paghatak sa box.

Sa wakas natanggal ang kamay ni Aaron pero dahil sa nangyari ay nawalan ng balanse ang guro at napaatras.

Napahiyaw ang lahat ng mapaupo ang kanilang teacher sa sahig.

"A-aray. " daing ng guro.

Mabilis na kumilos ang ibang estudyante para itayo ang teacher.

Maging si Aaron ay taranta itong tinulungan.

"M-ma'am. S-sorry po. " hinging paumanhin nya.

Ngumiti lang ang guro.

"It's okay iho. Nakabunot ka na ba ? " tanong nya.

Napangiwi si Aaron.

Dahil sa nangyari ay nabitawan nya ang papel at hindi sya nakabunot.

Marahan na lamang syang umiling.

Napangiti lang ang guro at tinapik ang balikat ng binatilyo.

"It's okay. Gusto mo bang bumunot ulit ? " tanong nya.

Napakagat labi si Aaron at pasimpleng napatingin sa mga kaklase.

Kitang kita nya sa mga mata nito ang tinatagong tawa.

"Y-yung matira na lang po Ma'am ang sa akin. " nahihiyang sagot nya.

Naawa ang guro.

"Ah okay. Mas better pa nga. Wag kang malungkot Aaron. Ayos lang ako. " sambit nya.

Tumango si Aaron.

Nangilid ang mga luha sa mata at muling bumalik sa upuan.

Muli namang umikot ang guro para pabunutin ang iba pa.

..

Ng makalayo ang teacher, mabilis na lumipat ng upuan si Angel at inakbayan ang kaibigan.

"Sshh, wag kang umiyak. " bulong nya.

"H-hindi naman ako iiyak eh. " sagot ni Aaron.

"Gagsti, kilala kita. Punasan mo yang luha mo kundi lalo ka lang aasarin nilang aasrin. " bulong ni Angel.

Mabilis at pasimpleng pinahid ni Aaron ang mga luha.

Suminghot sya.

Maya maya ay si Jamaica naman ang tumabi sa kabilang panig nya.

"Hey Aaron. Si Irish nakatingin sayo. " bulong nya.

Napasimangot si Aaron.

"Ewan ko sayo. " sabi nya.

Bumungisngis sina Angel at Jamaica.

"Kinikilig ang baboy. " pang aasar ni Angel.

Lalong natawa si Jamaica.

Di na napigilan ni Aaron ang pagtawa hindi dahil sa kinikilig sya kundi dahil sa kinikiliti sya ng dalawang kaibigan.

..

Lumipas ang isang taon.

Araw iyon ng mga puso.

Maagang natapos ang kanilang klase sa araw na iyon at nagpasyang maupo ni Aaron sa bench.

Paroo't parito ang mga estudyante sa kanyang harap.

Di maitago ang saya dahil sa espesyal na araw na iyon.

Lalo na sa mga magsing irog at nagliligawan.

Ngunit ordinaryo lamang ito para sa binata.

Kundi nga lamang nya hinihintay ang mga kaibigan, kanina pa sana sya umuwi at nagmukmok na lamang.

Maya maya ay napansin ni Aaron ang mga nagmamadaling kalalakihan.

Sinundan nya ito ng tingin at napangiti sya ng makita ang tinutumbok ng mga ito.

May tatlong dalaga ang naglalakad sa quadrangle.

Sina Angel, Jamaica at Irish.

Kasunod ng mga ito ang kaibigan din nilang si Earl na syang ikinatawa ni Aaron.

Ito kasi ang may bitbit ng mga gamit ng mga dalaga.

At kitang kita nya sa mukha ng kaibigan ang pagrereklamo dangan nga lamang at walang magawa.

Pero natigilan si Aaron sa hawak ng mga dalaga.

Partikular na kay Angel.

Kahit na malayo pa ang kanyang distansya, kitang kita nya na halos di na ito magkanda ugaga sa bitbit na bulaklak at kung anu anong bagay.

Habang lumalapit ang mga kaibigan ay lalong nalilinawan kay Aaron ang mga bagay na iyon.

Stuffed toys pala at chocolates.

May mga bitbit din sina Jamaica at Irish.

Pero napako ang atensyon nila ng may humintong dalawang lalaki sa harap ni Angel at nag abot ng mga bulaklak at sobre.

Ngumiti lamang ang dalaga at kita nyang nagsalita.

Marahil ay pasasalamat para sa mga regalo at muli ng naglakad palapit sa kanya.

Ng makalapit ang mga ito ay agad na inaya ni Angel ang binatilyo.

"Tara na Aaron at baka malumpo na kami sa mga dala namin. " biro nya.

Napangiti ng kimi si Aaron.

"Ganyan talaga ang magaganda, pinuputakti ng gifts twing Valentines. " sagot nya.

Umikot ang eyeballs ni Jamaica tanda ng iristasyon.

"Maiintindihan ko silang dalawa, pero ako ? Bakit pati ako binibigyan ? " tanong nya.

Natawa si Earl sa likod.

"Ikaw lang naman kasi ang di naniniwalang maganda ka e." sagot nya.

Sumimangot si Jamaica at sinungalngal ng chocolate ang binatilyo.

"Shadap. " angil nya.

Nagtawanan silang lahat ng halos mabulunan si Earl.

Binalingan ni Irish si Aaron.

"Hey, bakit ka nag iisa dito ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lamang ang binatilyo.

"Nagpapahangin, kanina ko pa kayo hinihintay eh. " sagot nya.

"Bakit kasi di ka sumama ? Di ka ba intersadong makita yung class picture natin ? " tanong ni Irish.

Umiling lang si Aaron.

"Makikipagsiksikan lang ako don. Alam nyo naman ang katawan ko. Saka makikita ko rin naman yan eh. " sagot nya.

"Oo nga. Tama si A eh, bakit kasi nakipagsiksikan pa kayo don. " singit ni Earl.

Sumimangot muli si Jamaica.

"Sino kaya ang nasa harap ? " tanong nya at muling sinubuan ng tsokolate ang binatilyo kahit na tumatanggi na ito.

Nagtawanan silang muli.

Naupo si Angel sa tabi ni Aaron at binalingan si Earl.

"Earl, paabot naman ng bag ko. " sabi nya.

Sumimangot si Earl.

"Oh kunin mo, ang hirap ng ganito eh. Ako lagi taga bitbit nyo eh mas malaki pa katawan sakin ni Aaron. " reklamo nya.

Natawa si Angel at kinuha sa balikat ng kaibigan ang bag.

"Puro ka reklamo, kami na nga taga gawa mo ng projects. " sabi nya.

Sinegundahan naman ng dalawang dalagita ang sinabi nya.

Kinalkal ni Angel ang bag at naglabas ng apat na cards.

Isa isa nyang inabot ito sa mga kaibigan.

Napangiti ang lahat.

"Na naman ? Di ka talaga sumasablay sis ah. " nakangiting wika ni Irish.

Napangisi si Angel.

"Love ko kayo eh. Di ko masabi sa salita kaya sinusulat ko na lang. " sabi nya.

Binatukan ni Jamaica ang kaibigan.

"Gaga, kakasabi mo lang. " biro nya at akmang bubuksan ang sulat ng pigilan ni Angel.

"Easy girl, sa bahay na. " pigil ng dalagita.

Natawa ang iba.

Tinitigan ni Aaron ang sobreng binigay ni Angel.

Ito ang una at nag iisang natanggap nya sa araw na iyon.

Tulad ni Jamaica, excited na rin syang buksan ang sobre ngunit pinipigilan nga sila ng dalagita.

"Tara na ? May date pa kami ni Daddy eh. " sabi ni Angel.

Nakaramdam ng inggit si Aaron kahit pa sabihing ama ito ng dalagita.

Kanya kanya na silang lakad palabas ng eskwelahan.

Mayaman sina Irish, at dahil menopausal baby, hatid sundo ito ng magulang kaya nakikisabay na rin sila dito.

Malapit lang ang bahay nina Earl kaya ito ang mauunang ihahatid pero bago ito bumaba ay nahihiyang naglabas ng card ang binatilyo.

Napahiyaw ang lahat.

"Oh, wala akong magawa kagabi eh. " wika nya at isa isang binigyan ng card ang mga kaibigan.

Napangiti ang tatlong dalagita.

Sabay sabay nilang binigyan ng halik sa pisngi si Earl na ikinapula ng pisngi nito.

Sumunod na destinasyon ay bahay nina Jamaica at Angel.

Magkatabi lamang ang bahay ng mga ito kaya sabay silang bababa.

Bago bumaba ay hinalikan ni Jamaica sina Irish at Aaron.

"Sorry, bawi ako next time. Wala kong gift eh. " wika nya.

Ngumiti si Irish at Aaron.

"Friendship mo pa lang, gift na sa amin yun sis. " wika ni Irish.

Tumango si Aaron.

"Yeah, lalo na sakin. Salamat Jams. " sambit nya.

Napangiti si Jamaica.

"Next year talaga babawi ako. Love you guys. " sabi nya at bumaba na sa sasakyan.

Sumunod na bumaba si Angel.

Hinalikan nya lang sa pisngi ang dalawa at kumaway na pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa loob.

"Najejebs na ko. " hiyaw nya.

Nagtawanan ang lahat.

Naglaglagan kasi ang mga dala nitong regalo at bulaklak sa pagmamadaling pumasok.

Naiwan sina Irish at Aaron.

Huling hinatid ang binatilyo.

Bago pa sya makababa ay may inabot si Irish na isa pang card at isang bar ng paborito nyang tsokolate.

"Aaron. " bulong ng dalagita.

Natigilan si Aaron.

"Uy Ferrero ! Thanks Irish ! " bulalas nya at wala sa loob na hinalikan sa pisngi si Irish.

Natulala ang dalagita.

Bumababa na si Aaron pero natigilan sya ng may mapansin sa upuan ni Angel.

Headband ito ng dalagita.

Mabilis nya itong dinampot at tinago sa likod.

"Irish. " tawag nya.

"Aaron. Happy Valentines. " bati ng dalagita.

Ngumiti si Aaron.

"Happy Valentines Irish, ingat sa pag uwi. " wika nya.

Nagblush ang dalagita at tumango.

"Bye. " lambing nya.

"Bye. " ganti ni Aaron at pumasok na sa loob ng bahay.

Di na nya napansin ang flying kiss ng dalagita.

Dire diretso na sya sa loob.

Di na nag abalang batiin ang mga nakakasalubong.

Umakyat na agad sya sa kwarto at nilock ito.

Pagkatapos ay dumiretso sa drawer at hinanap ang pinakaiingatang susi.

Ng makita ang hinahanap, agad nyang sinara ang drawer at niyuko ang ilalim ng kama.

Kumapa.

Konting gapang pa at nakapa din nya ang pakay.

Hinatak nya ito palabas at napangiti.

Isang kahon.

Kahon na naglalaman ng mga pinakaimportanteng bagay sa kanyang buhay.

Sabik na sinuksok ni Aaron ang susi para buksan ito.

Dahan dahang inangat ang takip.

Hanggang sa tumambad sa paningin ang mga bagay na hinding hindi nya ipagpapalit sa kahit anu pa man.

Tumalon si Aaron sa kama.

Hinubad ang sapatos at dinampot ang card na bigay ni Angel.

Maingat nya itong binuksan at binasa.

Tulad pa rin ng dati ang laman, pasasalamat at naging kaibigan sya nito.

Pero napailing si Aaron.

"Ako ang dapat na magpasalamat sayo Angel. Dahil sayo, natuto akong magmahal. " bulong nya.

Buong ingat na binalik sa loob ng sobre ang sulat.

Inamoy amoy at pagkatapos ay maingat na sinalansan sa box kung saan nanduon ang iba pang mga sulat at bagay na galing walang iba kundi kay Angel.

Balat ng candy na una nilang kinain ng sabay.

Kutsara ni Angel na ninakaw nya sa lunchbox ito.

Panyo ni Angel na naiwan sa upuan.

Hikaw ni Angel na di sinasadyang nalaglag ng minsang magharutan ang mga ito at sina Jamaica.

Tsinelas ni Angel na napigtas ng minsang habulin ni Earl.

Suklay ni Angel na ninakaw din nya sa mismong kwarto ng dalagita.

at ang huli.

Dahan dahang dinampot ni Aaron ang headband ng dalagita.

Wala sa sariling dinala nya ito sa mga labi at hinalikan ng mariin.

Iniisip na hinahalikan nya ang mapupulang labi ni Angel.

Nanginig si Aaron.

Tila baliw na sininghot ang headband.

Amoy na amoy nya ang mabangong buhok ng dalagita.

May ilang piraso pa ng buhok ang naiwan dito na maingat na kinuha ni Aaron at pinakatitigan.

"I love you Angel. Ako lang ang mamahalin mo at wala ng iba pa. " bulong nya.

Buong pagmamahal nyang niyakap ang kahon.

Wala ng iba pang makakaalam ng bagay na ito maliban sa pinakamamahal.

Darating ang panahon na kapag pinakita nya ang mga gamit nitong buong puso nyang inalagaan, matutuwa si Angel at mamahalin rin sya.

"You will love me Angel. I know. I know. " bulong nya.

ITUTULOY !!!