1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 27 - Selos
Lagablab

Phone Call Chapter 27 - Selos

By supertoyantz ·

Chapter 27 - Selos

2 years ago.

Ang pagtunog ng alarm clock ang gumising kay Irish.

Gumulong sya patungo sa gilid ng kama para abutin ang relo.

Ng mamatay ito ay namayani ang katahimikan ng umaga.

Muling nirelax ni Irish ang sarili at hinayaan ang sariling matulog.

Ngunit wala pang sampung segundo ay nakarinig sya ng katok sa pinto.

"Senyorita Irish, gising na po. " boses ng katulong.

Napasimangot ang dalaga.

Inis na nagtalukbong sya ng kumot.

Pero makulit talaga ang katulong nilang iyon.

Hindi ito aalis hangga't hindi ito ng kakarinig ng sagot mula sa kanya.

Patuloy itong kakatok na may kasamang pagtawag.

Kaya nagpasya ang dalaga na sumagot.

"Oho. Gising na ho ako. " medyo pasigaw na sagot nya.

Kadalasan ay aalis na ito.

Pero nagulat si Irish ng muling magsalita ang katulong.

"Pinapatawag po kayo ng Mama nyo sa komedor. Sumabay daw po kayong mag almusal sa kanila ng Papa nyo. " sambit nya.

Natigilan si Irish at mabilis na nagmulat ng mga mata.

Tama ba ang kanyang narinig ?

Nandito na ang kanyang ama ?

Kelan pa ito ng nakauwi ?

..

Sunod sunod ang tanong sa isip ni Irish.

Pero alam nyang wala syang makukuhang sagot kung mananatili syang nakahilata sa kama.

Bumalikwas sya ng bangon at mabilis na tinakbo ang pinto.

Pagbukas nya ay wala syang nakitang tao sa labas.

"Manang ? " tawag nya.

Bumukas ang pinto ng katapat na silid at lumabas ang nasabing katulong.

Kwarto ito ng mga magulang.

"Senyorita ? " tanong nito.

"Si Mama ho ? " tanong din ng dalaga.

"Ah nasa pool po. Hinihintay na po nila kayo ng Papa nyo. " sagot ng katulong.

Napakunot noo si Irish.

Kung nasa poolside ang kanyang mga magulang, ibig sabihin ay walang kasamang iba ang katulong sa loob ng silid ng mga ito.

Himala.

Kilala nya ang ina.

Hindi ito basta basta nagpapapasok ng basta basta sa kwarto maliban sa kanya.

"A-ano hong ginagawa nyo dyan ? " tanong nya.

Ngumiti ang katulong.

"Kinukuha ko ho itong maruming damit ni Senyora. " sagot nito.

"P-pero. " di masabi ni Irish na hindi basta basta maaaring pumasok ang mga katulong sa silid ng mga magulang.

Tila nahulaan naman ito ng katulong.

"Utos ho ng Mama ninyo. " sagot nya.

Napatangu tango si Irish sa narinig.

Pinilit na lamang nya ang sariling ngumiti.

"Ah ganun ho ba ? Sige ho. " wika nya.

Ngumiting muli ang katulong.

"Sige po Senyorita. " sabi nito at muling pumasok sa loob ng silid ng mga magulang.

Muli namang pumasok si Irish sa sariling kwarto at sinara ang pinto.

Tinungo nya ang bintana at hinawi ang makapal na kurtina.

Sukat duon ay pumasok ang maliwanag na sikat ng araw.

Nabigla si Irish kaya mabilis nyang tinakpan ng kamay ang mga mata.

Hanggang sa dahan dahan nyang sanayin ang paningin sa nakasisilaw na liwanag.

Binuksan nya ang bintana at dinama ang pagpasok ng sariwang hangin.

"Hmm, lovely morning. " bulong nya.

Napangiti si Irish.

Dahan dahan syang nag inat.

Matapos nito ay automatikong iniligpit nya ang kamang pinaghigaan.

Ugali na nya ito mula pa pagkabata.

Ng masinop na ang kama.

Saglit na napaupo sa gilid si Irish at sinulyapan ang nakaframe na litratong nakapatong sa side table.

Dinampot nya ito at pinakatitigan.

Napangiti.

Litrato nila itong magkakaibigan nung mga bata pa sila.

Isa isang tinitigan ni Irish ang mga masasayang mukha sa larawan.

Hanggang sa mapako ang kanyang atensyon sa isang medyo may katabaang binatilyo.

Kitang kita sa mukha nito ang saya ng araw na iyon.

Nakapagbawas kasi ng 10 pounds ang kaibigan at naisip ni Angel na dapat iselebra ang araw na iyon.

Kaya naman sama sama silang nagpakuha ng picture.

..

Lumamlam ang tingin ni Irish.

Marahang nyang pinagapang ang hintuturo sa mukha ng chubby na binatilyo.

"Good Morning A. " bulong nya.

Si Aaron.

Ang kanyang long time crush.

..

Napabuntong hininga ang dalaga.

Matagal na nyang sinisinta ang binata.

Pero wala syang lakas ng loob na ipagtapat dito ang nararamdaman dahil sa dalawang dahilan.

Una ay kaibigan nya ito at ayaw nyang magkalamat ang kanilang samahan.

Ikalawa ay may iba na itong minamahal.

At sa malas ay matalik nya pang kaibigan.

Muling napabuntong hininga si Irish.

Dahan dahan nyang nilapag sa side table ang litrato.

Saglit nya itong pinakatitigan at pagkatapos ay naglakad palapit sa salamin.

Naupo sya sa katapat na upuan nito.

Dinampot ang suklay at marahang pinasdahan ang magulong buhok.

..

Habang nagsusuklay, pinagmasdan ni Irish ang sariling repleksyon.

Bagama't bagong gising, di nito kayang itago ang kagandahan ng dalaga.

Mahaba, unat at itim na itim na buhok.

Makinis at maputing kutis.

Mapupungay na mga mata na may malalantik na pilik.

Bahagyang nakaarkong kilay.

Maliit ngunit matangos na ilong.

At labing sadyang mapula kahit na walang lipstick.

Sa estado ng kanyang itsura, masasabi nyang isa sya sa pinakamagandang dalaga sa kanilang eskwelahan.

Hindi, maaaring isa sya sa pinakamagandang dalaga sa kanilang lugar.

Nilibot nya ang tingin sa paligid, kitang kita ang karangyaan ng kanilang pamumuhay.

Bilang nag iisang anak at babae pa, kahit anong hilingin nya sa mga magulang ay kaagad nyang nakakamit.

Walang pa syang nagustuhang hindi nakuha.

Pero nuon iyon.

Habang lumalaki, lalong lumilinaw sa kanya na hindi sapat ang ganda at kayamanan para makuha mo ang lahat ng gusto mo.

Kapag puso na ang kumontra, kahit itaya mo pa ang lahat ng ganda at ari arian mo, siguradong puso pa rin ang mananaig.

Alangan namang bilhin nya ang pag ibig ni Aaron ?

Eh tulad nila, marangya rin ang pamilyang pinagmulan nito.

..

Napailing na lamang si Irish.

NBSB.

No boyfriend since birth.

Iisa lang ang gusto nyang maging nobyo at wala ng iba pa.

Handa syang magtiis kahit gaano katagal sabihin lamang nito na may pag asang maging sila.

Desperado na sya.

Hindi nya maintindihan ang sarili.

Parang isang tropeyo si Aaron na nais nyang makamit.

At talagang ipaglalaban nya ang binata, kahit pa sa sariling kaibigan.

Hahanap lang sya ng tyempo.

Hahanap lang sya ng tamang pagkakataon.

Siguradong magiging kanya rin si Aaron.

Unti unting napangiti ang dalaga.

Ang ideyang ito ang lalong nagpaapoy sa kanyang masidhing damdamin.

Dahil dito, lalo syang ginanahang higitan pa si Angel sa lahat ng aspeto.

Sa lahat.

..

Masayang nag kukuwentuhan ang pamilya ni Irish.

Bihira lang makumpleto ang kanilang pamilya at sa pagkakataong nagkakasama sama sila ay talagang sinasamantala nila ang pagkakataon.

Piloto kasi ang kanyang ama.

Kung saan saang lupalop ito ng mundo napapadpad.

Halos buwan buwan ay may flight ang kanyang ama at nagtatagal ang mga ito ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Maswerte ng makasama nila ng isang linggo ang ama sa loob ng isang buwan na syang kinokontra nilang mag ina.

Maayos na ang kanilang mga negosyo.

Maaari ng huminto ang ama sa pagtatrabaho at pumirmi na lamang sa bahay.

Pero sadya ata talagang napamahal na rito ang trabaho at wala pa sa isipan ang pagreretiro.

Sa twing pinag uusapan nila ang bagay na iyon, lagi na lamang umiiwas ang ama.

Gaya ng mga oras na iyon.

Di nakapag pigil si Irish, binuksan nya ang paksa.

"Hey Papa. " wika nya.

Napatingin ang ama.

"Yes ? " tanong nya.

"Gaano ka po katagal now ? " ganting tanong ni Irish.

Natigil sa pagsimsim ng kape ang inang si Ira at hinintay ang isasagot ng kabiyak.

Lumungkot ang mukha ng amang si Richard at binaba ang dyaryong na hawak.

Huminga muna ito ng malalim bago tinapunan ng tingin ang anak.

"U-uhm. " tanging nasabi nya.

Napatangu tango si Irish.

Kabisado na nya ang ama.

Batid nyang tulad ng dati, isa o dalawang araw lamang ito maglalag kanila.

Sinubukan nyang ngumiti at pasimpleng tinapunan ng tingin ang ina.

Tulad nya ay tila nawalan na rin ito ng ganang kumain.

Pero nagpatuloy sa pagsasalita ang ama.

"I t-think it's two. " sambit nya.

Ngumiti ng pilit si Irish..

"Two days. Hmm, anong magandang gawin sa two days Mom ? Maybe diving ? Casino ? Shopping galore ? " tanong nya.

Tila walang ganang napangiti na lang din ang ina.

"Ikaw na ang magschedule ng lakad natin anak. Pero wag mo namang gawing two days. Kailangan ng Papa mong magpahinga bago lumipad ulit. " sagot nya.

Tumango si Irish.

"Okay. So Papa, be ready tomorrow ha ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Richard.

"Tomorrow ? But it's wednesday anak, may pasok ka pa. " sagot nya.

"I know po Papa. Aabsent na lang po ako para naman sulit yung pag uwi nyo. " wika ng dalaga.

Umiling si Richard at humigop ng kape.

"Wag na anak. Sa weekend na lang. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Irish.

"Weekend ? Heller si Papa nag jojoke. Parang nandito pa sya sa weekend. " nakasimangot na wika nya.

Natawa si Richard.

"Bakit ? Pinapaalis mo na ba agad ako ? " tanong nya.

"Hala si Papa. Pinapaalis eh pinagreretiro ka na nga namin ni Mama. " nakasimangot na sagot ni Irish.

Natawang muli si Richard at napailing iling.

Dinampot nya ang dyaryo.

Binuklat ito sa business section habang relax na sumisimsim ng kape.

Nagkatinginan ang mag ina.

Tila may tinatago ang ama.

Pasimpleng nginuso ni Ira ang anak para mangulit pa ito.

Tumango tango naman si Irish.

Bumwelo sya at muling nagsalita.

"Papa. " tawag nya.

"Yes baby ? " tanong ni Richard ng hindi tintigil ang pagbabasa.

"Be ready tomorrow ha ? Baka magpuyat ka na naman sa kakanuod ng Dvd's " sagot ni Irish.

Natawa ng mahina si Richard.

"Eh sa di ako makanuod sa trabaho eh. Mas masarap matulog don. " sabi nya.

Napasimangot si Irish.

"Papa naman eh. " reklamo nya.

"Papa naman eh. " panggagaya ni Richard.

Kinurot ni Irish ang ama.

"Papa ! " banta nya.

Natatawang binaba ni Richard ang dyaryo at binalingan ang anak.

"Ano ba yon ? " tanong nya.

"Wag kang magpupuyat mamaya ! " utos ni Irish.

"Bakit ? " tanong ni Richard.

Lalong napasimangot ang dalaga.

"Date nating tatlo tomorrow !" paalala nya.

"Sabing may pasok ka pa eh, sa weekend na kase. " sambit ni Richard.

Asar na binatawan ni Irish ang kamay ng ama at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ang kulit nito ni Papa. Di na lang sabihin kasi na ayaw akong isama. " nagtatampong bulong nya pero sadyang ipinarinig naman sa mga magulang.

Nagtawanan ang ama at ina.

Pinagpatuloy lang ni Richard ang pagbabasa habang sumisimsim ng kape.

Matapos ilapag sa lamesa ay bigla syang nagsalita.

"Sa weekend na baby. Magbabakasyon tayo sa Lola mo. " sabi nya.

Natigilan sa pagsubo si Irish.

Maging si Ira ay napahinto rin sa pagkain.

Sabay silang napatingin sa ama ng pamilya.

"P-pero sabi nyo hanggang Friday lang kayo dito ? " tanong nya.

Tumawa ng mahina si Richard.

"Sino bang nagsabi sayo nyan ? " tanong nya.

"Ikaw ! " singit ni Ira.

Lalong natawa si Richard.

"Isa ka pa. Ano ba kasing sinabi ko kanina ? " tanong nya.

Mabilis na inalala ni Irish ang sinabi ng ama.

"T-two. You said you we're just staying here for two days. " sagot nya.

Nakangiting binaba ni Richard ang dyaryo at kinindatan ang anak.

"Who said days ? " tanong nya.

Napanganga sa Irish.

"Then what ? " tanong nya.

"Uhm, two weeks ? " sagot ng ama.

Nanlaki ang mga mata ni Irish.

Akmang tatayo sya para yakapin ang ama pero naunahan sya ng ina.

"Talaga Papa ? Totoo yan ? " tanong ni Ira.

Tumatawang napatango si Richard.

"Hahaha, kayo kasi eh. Ang hilig nyo kong pangunahan. " sagot nya.

Masayang niyakap ni Ira ang kabiyak.

Habang si Irish ay kuntentong pinagmasdan na lamang ang mga magulang.

Nagpapasalamay dahil di tulad ng ibang mayayamang pamilya, sila ay buong buo at nagmamahalan.

..

Pagpasok sa eskwela ay agad na ibinalita ni Irish sa mga kaibigan ang magaganap na bakasyon sa probinsya.

Maging ang mga ito ay natuwa para sa kanya.

"Hey I, pasalubong. Uhm, ano bang delicacies sa province nyo ? " tanong ni Jamaica.

Napaisip si Irish.

"I think it's Durian. Saka Dried mangoes. Di mo na naman kailangang ipaalala yan Jams. Syempre bibili ako ng pasalubong pag uwi. " sagot nya.

Napahiyaw sina Jamaica at Earl.

Lumapit si Angel at umakbay sa kaibigan.

"Uhm, ano kayang magandang ipauwi sayo ? Gusto ko yung madadalian ka lang. " sabi nya.

"Ayan ka na naman. Dati pinaguwi mo ko ng seedless mango, wala pala non bruha ka ! Pinagtawanan ako sa palengke. " reklamo ni Irish.

Nagtawanan ang barkada.

Niyakap ni Angel ang kaibigan.

"Biro lang yun no. Kahit ano na lang sakin, basta safe kang makauwi sis. " bulong nya.

Natouch si Irish.

Ginantihan nya ng yakap ang kaibigan.

"Thank you sis, yaan mo. Pag may pogi akong nakita don, uuwi ko sayo. " ganting bulong nya.

Napahagikgik si Angel.

"Gagsti, wag mo saken ibigay. Kay Aling Jamaica. " mahinang sagot nya.

Napabungisngis din si Irish.

Nacurious sina Jamaica at Earl.

"Ano yan ? " tanong ng dalaga.

Pero umiling lang ang dalawa.

Binalingan ni Irish ang kanina pa tahimik na si Aaron.

"Hey. " nya.

Napapitlag ang binata at mabilis na inalis ang tingin kay Angel.

"O-oy !" gulat na sabi nya.

Malungkot na ngumiti si Irish.

"Wala ka bang gustong pasalubong ? " tanong nya.

"W-wala naman. Basta mag iingat ka lang. Ilang araw nga ulit kayo don ? " tanong din ni Aaron.

"3 days. Bale absent na siguro ako ng Monday. " sagot ni Irish.

Ngumiti si Aaron pero di ito umabot sa mga mata.

"Parang antagal ata ? Sa monday ka na lang uwi. " request nya.

Natigilan si Irish.

"B-bakit ? " tanong nya.

Muling napangiti si Aaron.

"Mamimiss kita eh. " bulong nya.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

Mabilis na gumapang ang kiliti sa kanyang sistema.

"T-talaga ? S-saglit lang naman yun eh. S-saka sinusulit lang namin na nandito si Papa. Parang di mo naman alam ang work nya. " sabi nya.

"Yeah. Basta mag iingat ka na lang. " wika ni Aaron.

Ngiting ngiti si Irish na tumango.

"Sure, para sayo. " bulong nya.

..

Sumapit ang araw ng pag alis nina Irish.

Masayang masaya sya dahil hinatid pa sya ng mga kaibigan sa airport.

Habang nagpapaalam sa mga kaibigan, pasimpleng kinalabit ni Richard ang asawa.

"Sino ba dyan ang boyfriend ng anak mo ? " tanong nya.

Natawa si Ira.

"Para kang sira, mga kababata nya yan. Di mo ba natatandaan ? " tanong nya.

"Uhmm, medyo. Pero sino nga dyan ang boyfriend ng anak mo ? " pangungulit ng ama.

Napailing iling na lang si Ira.

"Wala nga. Pero sa tingin ko may gusto sya kay Aaron. " sabi nya.

Natigilan si Richard at tinitigan ang kabiyak.

"Sino dyan ? " tanong nya.

Niyakap ni Ira ang braso ng asawa.

"Bakit parang galit ka ? " tanong nya.

"Ako ? Hindi no ? " labas sa ilong na sagot ng ama.

Natawa na lang si Ira at nginuso si Aaron.

"Yung matangkad. Gwapo naman at galing sa primera klaseng pamilya. Varsity sa school nila at matagal ng kaibigan ng anak mo. Ewan ko ba, walang sinasabi sa akin ang anak mo tungkol sa lovelife nya kaya sa tingin ko wala pa naman. Pero base sa mga kwento nya sa mga kaibigan nya, namumukod tangi yang si Aaron. Alam ko yan, ganyang ganyan din ako sayo eh. " biro nya.

Napangiti na lang si Richard pero di itinago ang pagseselos dahil may nagugustuhan na ang anak.

"Matino ba yan ? Wala naman sakin kung di gaanong gwapo o mahirap lang. Basta yung mahal lang ang anak mo at irerespeto sya pati tayo. " sabi nya.

"So papayag ka ng magkaboyfriend ang anak mo ? " tanong ni Ira.

Nagkandailing iling si Richard.

"Hell no ! Bakit ? 18 na ba sya ? Ha Ira ? " taray nya.

Napabungisngis na lang si Ira.

Sumimangot si Richard.

"Tawagin mo na ngang anak mo at di natin marinig yung flight number natin. Baka maiwanan tayo. " sabi nya.

"Ewan ko sayo, paano tayong maiiwanan eh kaibigan mo yung piloto ? " wika ni Ira.

Umirap lang si Richard.

"Whatever Mama. " sabi nya.

Lalong natawa si Ira sa sinagot ng kabiyak.

..

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Habang nasa probinsya, constant ang communication nina Irish pati ng mga kaibigan.

Pero di nya akalaing mamimiss nya ng sobra si Aaron.

Pakiramdam nya habang lumilipas ang isang araw na hindi nya ito nakikita, unti unti na syang nababaliw.

Regular ang kanilang usapan.

Normal lang ang kanilang topic.

Kung ano daw ba ang ginagawa nya at kung anu ano na ang naipamili nya.

Napapangiti na lang si Irish.

Hanggang sa isang gabi.

Katatapos lamang nyang mag shower at naghahanda na para sa isang movie marathon kasama ang ama at Lola.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Di na sana sya mag aabalang sagutin ito.

Pero ng maalala nyang baka si Aaron ang tumatawag, dinampot nya ang aparato.

Maluwang na napangiti si Irish ng makita ang pangalan ng binata sa screen.

Agad nya itong sinagot at masiglang binati.

"Hey ! " sagot nya.

"H-hi I. " wika ni Aaron sa kabilang linya.

Natigilan si Irish.

Tila may nahimigan syang kakaiba sa boses ito.

"Uy, is there something wrong ? " tanong nya.

Natawa si Aaron.

"B-bakit mo naman nasabi yan ? " tanong nya.

Naupo si Irish sa kama habang pinupunasan ang basang buhok.

"Yeah, boses mo . " sagot nya.

"A-anong meron sa voice ko ? " tanong ulit ni Aaron.

Naningkit ang mga mata ni Irish.

"A ? Lasing ka ? " tanong nya.

Natawa si Aaron.

"Wow. Ang lupet mo talaga I. " sagot niya.

Natigilan si Irish ng tumama ang kanyang hinala.

"B-bakit ka naglasing ? Di ba bawal yan sayo ? " tanong nya.

"Just a little. Pang tanggal ng sama ng loob. " sabi ng binata.

Lalong nagtaka si Irish.

"H-ha ? Anong sama ng loob ? " tanong nya.

Matagal bago nakapagsalita si Aaron.

Maya maya ay narinig nya ang malalim nitong paghinga.

"M-mahal ko pa rin si Angel. " sabi nya.

Napanganga si Irish sa narinig.

Parang may matagal ng nakatanim na bomba sa kanyang katawan at dahil sa sinabi ng binata, sumabog ito at pakiramdam nya ay nagkapira piraso ang kanyang puso.

Mabilis na nangilid ang mga luha sa kanyang mata.

"A-akala ko naka get over ka na sa kanya ? " tanong nya.

Muling nakarinig ng buntong hininga si Irish.

Hanggang sa muling magsalita si Aaron.

"A-akala ko rin eh. P-pero di talaga eh. Nandito pa rin yung feelings. P-parang di na ata mawawala I. T-tulungan mo naman ako. " sabi nya.

Napakagat labi si Irish para pigilan ang paghikbi.

"P-paano ? A-anong gusto mong gawin ko ? "tanong nya.

Di nagsalita ang binata.

Hanggang sa mapanganga na lang si Irish ng makarinig sya ng mga hikbi.

Tanda na umiiyak din si Aaron sa kabilang linya.

Bumuka ang kanyang bibig.

Nais nyang magsalita pero walang boses na lumalabas.

Hanggang sa pareho na lamang silang nagpalitan ng mga hikbi.

Ilang minuto rin ang lumipas bago mahanap ni Irish ang boses.

"A . " tawag nya.

"Y-yeah ? " tanong ni Aaron.

Mariing kinagat ni Irish ang mga labi.

Di nya alam kung tama ba ang kanyang naisip pero bahala na.

"M-may naisip ako. " sabi nya.

"A-ano yon ? " tanong ni Aaron.

Huminga muna ng malalim si Irish bago nagsalita.

"G-gusto mo bang pagselosin natin sya ? " tanong nya.

Matagal bago naka react si Aaron.

"P-pagselosin ? P-paano ? " tanong nya.

Pinikit ni Irish ang mga mata.

"M-mag girlfriend ka. " sagot nya.

Natawa ng mahina si Aaron.

"I c-can't. Di ko kayang manloko ng iba. " sabi nya.

"Pero gagawin mo lang to para malaman kung may feelings din ba sya sayo. " wika ni Irish.

Natahimik si Aaron.

Nagpatuloy ang dalaga.

"P-para sayo din to. " sabi nya.

"P-paano ? Ayaw kong manakit Irish. " wika ni Aaron.

Ngumiti ng mapait si Irish.

"Y-you don't need to worry about that. H-hindi ako masasaktan. " sambit nya.

Natahamik ng matagal si Aaron.

"Y-you mean. " sabi nya.

Marahang tumango si Irish kahit na di sya nakikita ng binata.

"Y-yeah. A-ako na lang ang gawin mong girlfriend. "

"O-okay lang ba ? " tanong ni Aaron.

Ngumiti si Irish.

"A-ayos lang A. " sagot nya.

Saglit na natahimik si Aaron bago nagsalita.

"T-thank you Irish. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Tatandaan ko ang araw na to, may utak ako sayo.

Napangiti ng malungkot si Irish.

"W-wala yon. " tanging nasabi nya.

"Subukan natin yang plano mo. Uhm kelan ka ba uuwi ? Namimiss na kita eh. " sabi ni Aaron.

Impit na napahikbi si Irish.

Batid nyang walang espesyal na nararamdaman sa kanya ang binata.

Pero di nya alam kung bakit patuloy pa rin syang nagmamahal dito.

"M-miss na rin kita. K-kayo ng tropa. " pahabol nya.

"Oo nga eh, wala kaming gig ngayon kasi kulang. Baka magtampo ka daw pag wala ka sa picture. Anyway, salamat ulit Irish. I love you friend. " sabi ni Aaron.

Lalong naiyak si Irish sa narinig.

"T-tinatawag na ko nina Mama. S-sige bukas na lang. B-bye. I l-love you too...... friend. " bulong nya.

"Ah sige sige. Salamat ulit. Tatawagan kita bukas para ayusin natin yung plano. " sabi ni Aaron.

"O-okey. Byee. " tanging nasabi ni Irish at tinapos na ang tawag.

Hindi na kasi nya kayang tiisin ang sakit.

Kailangan na nyang palayain ang mga luhang kanina pa nais kumawala.

Mariin nyang sinubsob ang mukha sa unan at duon ibinuhos ang kabiguan.

Ilang minuto rin syang tumangis hanggang sa marinig ang muling pagtunog ng cellphone.

Mabilis na pinahid ni Irish ang mga luha at hinagilap ang aparato sa pag aakalang ang binata itong muli.

Pero natigilan sya ng makita ang pangalan ni Angel sa screen.

Nag dalawang isip si Irish kung sasagutin ba ang tawag.

Hanggang sa kusa na lang itong mamatay.

Ngunit lumipas ang ilang segundo ay muli na naman itong tumunog.

Si Angel pa rin ang tumatawag.

Napatiim bagang si Irish ng maalala si Aaron.

"Sorry sis. " tanging nasabi nya at pinakatitigan na lamang ang cellphone.

ITUTULOY !!!