1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 29 - Bitter Sweet Memories
Lagablab

Phone Call Chapter 29 - Bitter Sweet Memories

By supertoyantz ·

Chapter 29 - Bitter Sweet Memories

17 years ago.

Papikit pikit ang tatlumpu't isang taong gulang na si Ernesto habang hawak ang manubela ng kanyang lumang sasakyan.

Galing pa sya ng Maynila at patungo sya sa bahay ng kanyang amo para makiusap na irekonsidera ang plano nitong pagtatanggal ng ibang empleyado.

Bagama't hindi nya pa nakikita ang listahan ng mga aalisin, nangangamba syang baka sa kasama sya dito

Pagkarinig pa lamang nya ng usap usapan ay agad na syang nagmadali.

Wala syang pakialam kung masabihan ng iba na sipsip.

Ang mahalaga ay masigurado nyang mananatili sya sa pwesto bilang marketing executive ng isang kumpanya.

Isa pa'y wala namang nakakaalam ng kanyang lakad.

..

Hinilot ni Ernesto ang sentido.

Alas syete ng gabi, dalawang oras na byahe mula Maynila.

Wala pa syang tanghalian dahil sa tinatapos nyang report kaya hindi na sya nagulat ng biglang kumalam ang kanyang sikmura.

Bahagya na rin syang nakakaramdam ng pagkahilo.

Pero tiniis nya ang lahat, ang mahalaga ay mabigyang linaw ang mga haka haka.

..

Ilang minuto ang lumipas, nakarinig ng malakas na lagabog si Ernesto.

Malakas ang naganap na tunog dahil nagawa nitong gisingin ang kanyang natutulog ng diwa.

Napatapak sya sa preno at pinatay ang makina ng sasakyan.

Kunot noong napatingin sa paligid.

Parang may dalawang malaking bagay ang malakas at buong pwersang nagbanggaan sa isa't isa.

Napatingin sya sa likuran.

Madilim ang paligid at walang sasakyang nakasunod sa kanya.

Bahagya syang nakaramdam ng kaba.

Bilang lamang sa mga daliri ng isang kamay ang dami ng beses na napunta sya sa bahay ng amo.

At sa bawat pagpunta nyang iyon ay lagi syang may kasamang company driver.

Lagi syang natutulog sa byahe kaya hindi kataka takang hindi masyadong pamilyar sa kanya ang daan.

..

Kinapa ni Ernesto ang sariling katatagan.

Nagtalo ang isip kung aalamin ba ang pinanggalingan ng malakas na tunog o babalewalain na lamang ito at itutuloy ang naunang plano.

Pero mukhang hindi na sya mabibigyan ng sapat na oras para mamili dahil sumagi sa gilid ng kanyang mga mata ang isang makapal na usok.

Tila nagmula ito sa isang nasusunog na bagay.

Tuluyan ng natalo ng kuryusidad si Ernesto.

Muli nyang binuhay ang makina ng kotse at marahang nagmaneho paliko sa isang kanto na sa tingin nya ay pinagmulan ng malakas na tunog.

Hindi ito ang natatandaan nyang daan.

Dapat kanina ay kumanan sya pero dahil nga sa narinig na ingay ay pinili nya ang kaliwa at kabila.

Nag drive sya habang ginagala ang paningin sa paligid.

Di maiwasang makaramdam ng kaba.

Makitid ang kanyang tinatahak na daan at bangin na ang nasa gilid.

Konting pagkakamali lamang ng kung sinumang nagmamaneho ay siguradong sa ibaba na ito pupulutin.

..

Patuloy syang nagmaneho.

Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata ng may makita ang pinanggalingan ng makapal na usok.

Nagmadali si Ernesto.

Binilisan nya ng kaunti ang pagmamaneho ngunit tiniyak nyang may halo itong pag iingat.

Hanggang sa ilang sandali lamang ay narating nya ang pakay.

Napanganga ang lalaki sa naabutan.

Tama ang kanyang hinala.

May dalawang bagay ngang nag banggaan.

Isang kotse at Van.

At base sa nakikita nyang sira sa dalawang sasakyan, masasabi nyang wala ng buhay ang makaliligtas dito.

..

Nanginginig ang kamay na hinawakan ni Ernesto ang kambyo para ibwelta ang sasakyan.

Di na sya dapat mag isip pa.

Kailangan nyang makaalis sa lugar na iyon dahil baka may makakita pang iba.

Madamay pa sya sa trahedya at baka may mga press pang dumating.

Siguradong malaking gulo kapag nakita ito ng mga kaopisina.

Tiyak na magtataka ang mga ito kung bakit sya nandito sa ganitong oras ng gabi.

Baka maungkat pa ang kanyang pakay.

..

Naghanda na si Ernesto para imaniobra ang sasakyan.

Ngunit ilang saglit lang, natigilan sya ng tila makarinig ng kakatwang tunog.

Napahinto sya sa pag atras at napatingin sa pinanggalingan.

Napalunok.

Kung hindi sya nagkakamali, mula sa isa sa mga sasakyan ito nagmula.

Mahigpit na nagtalo ang loob ni Ernesto.

Ilang sandali pa syang nakatulala sa loob ng kotse hanggang sa muli, natalo sya ng kuryusidad.

Pinatay nya ang makina at dahan dahang binuksan ang pinto.

Bumaba ng sasakyan.

Saglit pang nag atubili kung dapat nga bang ituloy pa ang balak.

Pero huli na.

Tila may isip ang kanyang mga paa at kusang naglalakad ang mga ito patungo sa mga nasusunod na sasakyan.

Unang nilapitan ni Van.

Sinulyapan ang bintana at nahindik ng makita ang duguang lalaki sa likod ng manubela.

Wala itong kakilos kilos at halos takpan na ng dugo ang mukha.

..

Napaatras ng isang hakbang si Ernesto.

Umiral na ang kanyang likas na karuwagan.

Hindi sya sanay na nakakakita ng ganito karaming dugo at pakiramdam nya ay bumabaliktad ang kanyang sikmura.

Di nga sya nagkamali, napaluhod sya sa kalye at buong pait na sumuka.

Parang hinahalukay ang kanyang tyan.

Bahagya syang nahilo at pinagpawisan.

..

Ilang sandali ang lumipas.

Pagod na napatayo si Ernesto.

Pakiramdam nya ay bigla syang nawalan ng enerhiya dahil sa nangyari.

Di na sya dapat pang magtagal sa lugar na ito.

Kailangan na nyang makaalis dahil paniguradong hindi lamang sya ang nakarinig ng malakas na tunog.

Dahan dahan syang naglakad palayo.

Pero di pa sya nakakatatlong hakbang ng muli syang matigilan.

"T-tulong. " mahinang boses.

Saglit na natulala si Ernesto.

Takot na nilingon ang nakayukong lalaki sa likod ng manubela sa pag aakalang dito nagmula ang boses.

Ngunit base sa nakikita nya, wala na itong buhay.

Pero saan galing ang boses ?

..

Tila sagot sa katanungan, muli nyang narinig ang pagdaing.

Sa pagkakataong ito, mukhang desidido ang kung sino mang iyon na humingi ng tulong.

Binuhos na siguro nito ang natitirang lakas para isigaw ang nais.

"H-heeelp. Please, G-god. Help us. " ani boses.

Napahinga ng malalim si Ernesto.

Winaksi ang takot at pag aalinlangan.

Dali dali syang tumakbo palapit sa umaapoy na sasakyan at tiniyak kung tama ang kanyang hinala.

Dumungaw sya sa drivers seat at pinilit ang sariling ilapit ang mukha sa mukha ng lalaking duguan.

"I-ikaw ba ang nagsalita ? " takot na tanong nya.

Ngunit hindi ito tumugon.

Binalot na ng takot si Ernesto.

Akmang aatras sya ng muling marinig ang panaghoy.

"T-tulong. " mahina pa sa patak ng tubig ang boses.

Napatingin sya sa katabing upuan.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang may babae pala sa tabi nito.

Tulad ng lalaki, duguan din ito na halos tumakip na sa mukha.

Napaawang ang mga labi ni Ernesto sa labis na pagkabigla.

Hindi nya alam ang gagawin sa mga oras na iyon.

Ito ang unang pagkakataon na makaranas sya ng ganitong pangyayari.

Mabilis syang nag isip.

Kadalasan sa pelikula lamang nya nakikita ang mga ganitong eksena.

Hanggang sa tila may bumbilyang kuminang sa kanyang utak.

Kinapa nya ang pager sa bulsa ng pantalon, pero napatingin din sya sa sasakyan ng maalalang naiwan nga pala nya ito sa dashboard.

Akmang tatakbo sya pabalik ng muling magsalita ang babae.

"M-manong, t-tulong po. " daing nito.

Napalunok si Ernesto.

Bagama't baguhan sa ganitong sitwasyon, hindi na naman siguro kailangang pag aralan pa ang dapat gawin.

Ayaw nyang madamay sa nangyari ngunit hindi sya ganun kasama para pabayaan na lamang ang ginang.

Di na sya nag isip pa ng kung anu ano, patakbo sya umikot sa kabilang panig ng kotse at pilit na binuksan ang pinto.

Pero bigo sya.

Dahil marahil sa lakas ng pagkakabangga, nayupi na ang pinto at na stuck na ito.

Nataranta si Ernesto.

Buong lakas nyang hinatak ang pinto, pero muli syang nabigo.

Hanggang sa muling magsalita ang babae.

"M-manong, y-yung anak ko ho." bulong nito.

Saglit pang napakunot noo si Ernesto bago nya ganap na naunawaan ang nais nitong sabihin.

Dali dali syang tumungo sa likurang parte ng kotse para hanapin ang anak na tinutukoy nito.

Ngunit tulad ng sa nauna, bigo syang mabuksan ang pinto nito.

Marahil ay dahil sa lakas ng nangyaring banggaan kaya na stuck ang pinto ng sasakyan.

Nakaramdam ng kaunting kaba si Ernesto.

Sinubukan nyang silipin ang loob ng van ngunit dahil sa nangyaring aksidente, nagkaroon ng lamat ang salaming bintana na lalong nagpahirap sa kanyang pakay.

..

Umikot sya sa kabilang pinto, at sinubukan din itong buksan.

Bahagyang napangiti ng naging matagumpay ang kanyang ginawa.

Mabilis na binuksan ni Ernesto ang pinto at hinanap ang sinasabi nitong bata.

Ngunit natigilan sya ng makita nakataob na infant carrier sa lapag ng sasakyan.

"Oh God. " bulalas nya.

Di na sya nag aksaya pa ng panahon.

Dali dali nyang dinampot ang lalagyan at lalong nataranta ng makumpirma ang sinasabi ng babae.

May bata ngang kasama ang mga ito.

At base sa nakikita nya, hindi lang basta bata kundi sanggol.

..

Buong ingat na dinampot ni Ernesto ang bata.

Inilapit nya ang ilong nito sa kanyang tenga para damahin kung humihinga pa ba.

Pero bigo sya.

Sinubukan nyang alugin ang sanggol.

Ngunit muli, bigo si Ernesto.

Nagsimula na syang kabahan ng matindi.

Mabilis syang nag isip.

Hanggang sa mapansin nya ang maamo nitong mukha.

Binuka ni Ernesto ang bibig ng bata, at marahang itong binugahan ng hangin.

Isang mahinang buga kasunod ng isa pa.

Dahan dahan lang.

Alalay sa paglipat ng hangin dahil batid nyang maliit pa lamang ang baga nito.

Baka kapag nilakasan nya ang pagbuga, masobrahan naman at baka mabulunan ang bata.

..

Pero nakailang marahang pagbuga na si Ernesto, wala pa ring reaksyon mula sa sanggol.

Nananatili itong nakapikit.

Lalo lamang bumilis ang tibok ng puso nya.

Pakiramdam nya ay pati ang kanyang paghinga ay huminto na rin dahil sa nangyayari.

"Oh God, please. God. " dasal nya at muling inulit ang proseso.

Hanggang sa biglang umubo ang bata.

Pakiramdam ni Ernesto ay biglang nagliwanag ang paligid ng marinig nya itong umiyak.

Maluha luha syang napayakap sa bata at napatingala.

"Thank you ,thank you, thank you ! " paulit ulit nyang dalangin.

Napangiti pa sya ng pumapalahaw ng iyak ang sanggol.

"Hahahaha, ang lakas mong umiyak ah. Ssshh, don't cry. Sshhh. Everything's gonna be fine. " sambit nya.

Parang nakakaintinding tumigil ng pag iyak ang bata at tumitig sa kanyang mga mata.

Lalong napangiti si Ernesto.

"Wow, such a smart fella. Hmm. Ay damn, yung Mommy mo nga pala. " naalala nya nag ina ng bata.

..

Dali daling umikot sa kabilang panig si Ernesto.

Kipkip ang bata, kinatok nya ang pinto at inilapit ito sa ina.

"Hey, she's fine. I mean, he, haha. Lalaki ba to o babae ? Anong pangalan nya ? Pero mamaya mo na sagutin. Kailangan kitang maialis dyan at madala sa ospital. Teka at ilalagay ko lang si baby sa kotse ko. Saglit lang ako. Babalik ako agad. " bigkas nya.

Akmang tatakbo si Ernesto ng matigilan sya.

Dahan dahan nyang nilingon ang babae.

Nakanguyngoy na ito at payapang nakapikit ang mga mata.

"H-hey. W-wake up. Your baby is safe. Okay na sya. U-umiiyak sya. N-nasan ba yung gatas nya ? " tanong nya.

Pero walang tugon na nagmula sa babae.

Napalunok si Ernesto.

Hinawakan nya sa isang kamay ang bata at gamit ang isang kamay, kinapa nya ang leeg ng babae para tiyakin kung may pulso pa ito.

Ngunit gaya ng kinakatakot nya, wala na syang naramdamang pagpintig.

Nablangko ang pakiramdam ni Ernesto sa mga oras na iyon.

Para syang zombie na naglakad pabalik sa kotse.

Pagpasok nya sa loob ay nakatitig lamang sya sa nasusunog na sasakyan.

Hanggang sa matigilan sya ng biglang tumawa ang bata sa kanyang kandungan.

Napatitig si Ernesto sa sanggol.

Bakas sa mukha nito ang halong pagkamangha at kainosenthan.

Sa di nya malamang dahilan, unti unting pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Wala sa loob na niyakap nya ang bata at buong pait na umiyak.

Hindi para sa kanya kundi para sa sanggol na walang muwang.

Ni wala itong ideya na sa mga oras na iyon, ulila na ito sa mga magulang.

"P-parehas na tayo. W-wala na rin akong Mama at Papa eh. " bulong nya sa tenga ng sanggol.

..

1 Year Later.

Tawa ng tawa si Ernesto kahit na punong puno na sya ng suka.

Maging ang kanyang nakababatang kapatid ay di mapigilan ang matawa sa kanyang itsura.

"Ano ka ba kuya, tumatawa ka pa eh sinukahan ka na. Wag mo kasi syang alugin, kakadede lang nya eh. " pangaral ng kapatid na Elvira.

Pero walang pakialam si Ernesto.

Araw ng linggo.

Kasalukuyan silang nasa simbahan.

Naka schedule na binyagan ang sanggol ng araw na iyon.

Tama, ito ang sanggol na nakuha nya mula sa isang malagim na aksidente.

Kinupkop nya ang bata.

Mula sa pinangyarihan ng sakuna, diretso syang nagtungo sa ospital para ipatingin kung may maayos ba ang lagay nito.

Matapos nyang matiyak na ayos ang bata, agad syang nagtungo sa presinto para ipaalam ang nangyari.

Hindi na sya nagdalawang isip na sagutin ang mga katanungan ng mga pulis.

Wala syang inilihim.

Tinawagan na rin nya ang amo para ipaalam ang nangyari.

Nuong una ay di ito makapaniwala sa naganap pero sa huli ay bahagya pa syang pinagalitan sa maling akala nya.

Hindi sya tatanggalin sa trabaho, kundi may balak pang i-promote.

Napailing na lang si Ernesto.

Sa tuwing maalala nya ang kahangalan ay di nya maiwasang matawa na lang din.

Pero sa kabilang banda, di nya maitatangging nagpapasalamat sya sa pagiging padalus dalos.

Kung di dahil sa drastiko nyang pagdedesisyon, di sana nya makikita ang aksidente at wala sa mga kamay nya ang batang lubusan na nyang minahal.

..

Sinunod nya ang payo ng mga pulis, hinanap nya ang pinagmulan ng mag asawa ngunit sa kasamaang palad ay wala silang natrace na malapit na kamag anak ng mga ito.

Sinubukan nilang puntahan ang malalayong kamag anak.

Ipinaalam na may naiwang bata ang mag asawa.

Pero tulad ng inaasahan, hindi nito tinanggap ang bata.

Bakit nga naman, hikahos din sa buhay ang mga ito at magiging pabigat pa kung may dadagdag na isa pang bibig na pakakainin.

Sinunod ni Ernesto ang proseso.

Bagama't labag sa loob, pinaubaya nya sa DSWD ang pangangalaga sa bata hanggang ganap na maisaayos ang mga papeles ng pag ampon.

And the rest was history.

Eto na ngayon ang bata, buong galak na sumuka sa kanyang asul na polo.

Pero wala syang pakialam.

Maaga silang naulilang magkapatid.

Sabay na namatay ang kanilang mga magulang sa isang malagim na aksidente.

Napangiti ng kimi si Ernesto.

Malaki ang pagkakahawig ng buhay nila ng sanggol.

Parehas binawi ang kanilang mga magulang ng pesteng mga sasakyan.

O mas tamang sabihin, ng mga pesteng walang ingat na drivers.

..

Napapitlag si Ernesto ng masilaw sa malakas na tama ng liwanag.

Pagtingin nya ay kunot noong nakatingin sa kanya ang kapatid.

"Ano kuya ? Sabing smile eh. Si baby lang tuloy ang nag smile. " sabi ni Elvira.

Pinilit ni Ernesto ang mapangiti.

Tama na ang malungkot na kahapon.

Alam na nya ang dapat nyang gawin.

"Kuya isa pa ! Andyan na si father ! " pahabol ni Elvira.

Sinikap ni Ernesto ang ngumiti ng normal.

Hanggang sa muling lumigaw ang dala nitong kamera.

Humagikgik ang bata.

Aliw na aliw sa ginagawang pagkuha ng Tita Elvira nito ng pictures.

Duon tuluyang napangiti si Ernesto.

Hinalikan nya ang noo ng sanggol at binulungan sa tenga.

"You will never feel alone. Never. " bulong nya.

Naramdaman na lamang nya ang pagyakap ni Elvira sa kanyang braso.

Napatingin si Ernesto sa kapatid.

Ngumiti ang babae at inabot sa asawa nito ang kamera.

Tumango si Ernesto sa bayaw at ngumiti.

Pumwesto ang lalaki di kalayuan para bigyang daan ang mga bibinyagan.

Tumikhim ang pari.

"Magandang umaga. " nakangiting bati nito.

Sabay sabay na sumagot ang mga magulang na may kasamang mga sanggol.

"Magandang umaga din father. " ganting bati nila.

Nagsalita ang pari.

Nakatitig lamang si Ernesto sa nakapakong imahe ni Kristo sa harap.

Nagpasalamat ng taimtim sa ligtas at malusog na bata sa kanyang bisig.

Hanggang sa maya maya ay naramdaman nya ang pagkalabit ng kapatid sa kanyang braso.

"Kuya, tinatanong ka ni father. " madiing bulong nito na may kasama pang pagkurot.

Tarantang napatingin si Ernesto sa pari.

"S-sorry po father. " wika nya.

Ngumiti lamang ang pari.

"Ano kakong pangalan ng bata ? " tanong nito.

Napangiti si Ernesto at tinigian ang hawak na sanggol.

Tila nakakaunawang ngumiti din ito sa kanya.

"Earl. Earl po. " sagot nya.

ITUTULOY !!!