1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 3 - 3 o'clock Habit
Lagablab

Phone Call Chapter 3 - 3 o'clock Habit

By supertoyantz ·

Chapter 3 - 3 o'clock habit

Tahimik ang buong paligid.

Tanging huni lamang ng mga insektong naka assign sa night shift ang maririnig.

Pumapasok ang malamig na hangin papasok sa kwarto ni Ronron.

Himbing na natutulog ang binata.

Hanggang sa basagin ang katahimikan ng pagtunog ng kung ano.

Dahan dahang nagmulat ng mga mata si Ronron.

Saglit na pinag isipan kung saan ba galing ang pagtunog.

Paglingon nya ay nakita nyang umiilaw ang lumang cellphone ni Ran.

Nagtaka ang binata.

"Lowbat to ah ? " bulong nya.

Pupunas pungas syang bumangon at inabot ang aparato.

Mabilis nya itong sinagot para magtigil na ang nakakarinding ringtone.

"H-hello ? " paos na tinig ni Ronron.

Walang nagsalita sa kabilang linya.

Pero nakarinig sya ng hagikgik.

Saglit na nilayo ng binata ang cellphone sa tenga para tingnan kung sino ba ang tumatawag.

Hanggang sa bigla syang natigilan.

"A-angel ? " tanong ng binata.

Muli syang nakarinig ng hagikgik.

"Tutulog tulog sa pansitan. " boses ng dalaga.

Dinampot ni Ronron ang sariling cellphone para alamin kung anong oras na.

Nanlaki ang mga mata nya sa nakita.

"Alas tres na kaya ng madaling araw. " di maiwasang mahaluan ng pagkairita ang boses nya.

"Ay, nagalit. Sorry po. Sige matulog ka na ulit. Don't worry di na ako tatawag. " nagtatampong sagot ni Angel.

Napabuntong hininga si Ronron.

"Di naman sa ganun. Pang umaga kasi ako so I have to sleep. " katwiran nya.

"Kaya nga, di na ako tatawag. Last na to. " mabilis na sagot ng dalaga.

Napahilamos sa mukha ang binata.

"Ito naman, nagtampo agad. " sabi nya.

"No it's okay. My bad. Sige po, sleep ka na. " muling sagot ni Angel.

Di maiwasang mapangiti ni Ronron.

"Haaaayyyy. How can I sleep kung alam kong may nagtatampo sa aking magandang babae ? " pambobola nya.

"Sussss, bola. Sige na. Bye bye. " sabi pa ng dalaga.

"Hey wait. Usap muna tayo. " awat ni Ronron.

"Eh galit ka eh. " malambing na sabi ng dalaga.

Napangiti ang binata.

Kung ganito kalambing ang boses ng mangungulit sa kanya sa ganitong oras, ayos na ayos lang.

"Hindi po. " sabi ni Ronron.

"Thank you. Sorry ha ? Naistorbo kita. " sabi ng dalaga.

"No it's okay, uhm. Bakit ? may problema ka ba? " tanong ni Ron.

Saglit na natahimik si Angel sa kabilang linya.

"Angel ? still there ? " tanong muli ng binata.

Narinig nya ang buntong hininga ng dalaga.

"May problema ka ? Come on, tell me. " pangungumbinse ni Ron.

"Uhm, yes. I kinda have a problem. " malungkot na boses ni Angel.

"Sige lang, kwento ka. I'm listening. " sagot ni Ronron.

Muling natahimik si Angel sa kabilang linya.

Akmang magsasalita pa sya ng marinig nya ang hikbi ng dalaga.

Nagulat si Ronron.

"Hey, what happened ? Why are you crying ? " tanong nya.

Sa pagitan ng paghikbi, nagkwento ang dalaga.

"My Mom. Pinagalitan nya kasi ako. " sumbong ni Angel.

"Oh, ganun naman talaga ang mga nanay. Di ka naman siguro nya pagagalitan kung hindi ka nakagawa ng mali. Or may hindi sya nagustuhan. " kumbinse ni Ronron.

Napahikbi lalo ang dalaga.

"Pero she's mean. Sinigawan nya ako sa harap ni Andrei. Napahiya ako. " sabi nito.

Natigilan si Ronron.

"S-sino si Andrei ? " tanong nya.

"Manliligaw ko. A friend. " sagot ng dalaga.

Nakahinga ng maluwag ang binata.

"I thought boyfriend mo. Haha. " sinaboses nya ang iniisip.

"Hmmp, I don't like Andrei. He's so mayabang and babaero " sabi ng dalaga.

Natawa si Ron.

"Eh bakit mo pinayagang manligaw sayo ? " tanong nya.

"Eh kasi sikat sya sa campus. " mabilis na sagot ng dalaga.

"Ganon ? Porke sikat magpapaligaw ka na ? " tanong ng binata.

"Ganun talaga. Para sikat din ako. " tumawa si Angel.

"Gwapo ba ? " tanong ni Ron.

"Yeah, Team captain ng basketball sa campus namin. " sagot muli ng dalaga.

"So sasagutin mo ? " tanong ng binata.

"NO way !.Manigas sya. Isasama lang nya ako sa collections nya no. " madiing sagot ni Angel.

Napangiti si Ron.

"Wee ? Baka magulat na lang ako bigla mong sabihin sa akin na kayo na ? " tukso nya.

"Eeeewwww, ayaw ko. Never. Wag na nga natin syang pag usapan, di ba umiiyak ako ? " natatawang sabi ng dalaga.

Natawa din si Ron.

"Ewan ko sayo, ang hyper mo eh. " sabi nya.

"Haha, ikaw kasi eh. So tuloy ko na yung kwento ko. Yun nga, pinagalitan ko ni Mom kanina nung dumalaw si Andrei. Di ko daw hinugasan yung plates na pinagkainan ko. Nagpapaligaw na daw ako pero hindi pa ako marunong maglinis ng bahay. Can you believe that ? I mean, pwede naman nyang sabihin yon pag alis ni Andrei di ba ? " kwento ng dalaga.

Natawa si Ron.

"Sometimes, pinapagalitan din ako ni Mama kapag hindi ko nalilinisan yung kotse ni Papa. Di pala sometimes, lagi pala akong pinapagalitan, pero okay lang. Kasi alam kong concern lang nila yon para matuto ako sa buhay habang bata pa. " depensa nya.

Natahimik ang dalaga sa kabilang linya.

Napangiti si Ron.

"I think, ayaw pa ng Mom mo na paligawan ka. Nag iisang anak ka lang ba nila ? " tanong nya.

"Yeah, one and only baby girl. " sagot ng dalaga.

"See ? Tapos yung baby girl nila eh nililigawan na. Wala na silang baby kapag may boyfriend ka na. " katwiran ni Ronron.

Napahinga ng malalim ang dalaga.

"You think so ? " tanong nito.

"Absolutely. Wala ng ibang reason akong nakikita, or else masama ang ugali ng mga magulang mo ? " tanong ng binata.

"No, sweet si Mom. She's always kissing me sa cheecks even if may nakakakita. " sabi ni Angel.

"Kita mo. Look at this way. Kunwari may anak ka na, tapos nag iisa lang sya. Then one day, nalaman mo na lang na may boyfriend or girlfriend na ang anak mo. Anong mararamdaman mo ? " tanong nya.

Saglit na natahimik si Angel.

"Uhm, magseselos. " sagot nya.

"That's what I'm trying to say. Hindi pa sila ready na may kahati sayo. Maybe when you graduate. " pakunswelo ni Ronron.

"I don't think so. Anyway, thank you sa time ha ? Ang bait mo pala. " sabi ng dalaga.

Ngumiti si Ronron.

"Anytime. Basta ikaw. Pero may request sana ako sa susunod " sabi nya.

"Yes, anything. " sagot ng dalaga.

"Uhm, baka pwedeng mas maaga tayo mag usap. Kasi pang umaga ako eh. " hirit ng binata.

Natahimik si Angel sa kabilang linya.

"S-sorry ha. Naiistorbo kita. " malungkot na sagot ng dalaga.

"No okay lang talaga. Pero mas maganda kung mas maaga di ba ? Para mas mahaba ang kwentuhan natin. " sabi ni Ronron.

Muling natahimik si Angel.

"But I can't promise. " sabi nya.

Napahinga ng malalim si Ronron at kiming ngumiti.

"Ganun ba ? O di sige. Just call whenever you want. " sabi nya.

Rinig nya ang pagbunyi ng dalaga sa kabilang linya.

"Yeheeyyy.. Bait bait niya. " cute na sabi ng dalaga.

Napangiti ng maluwang si Ronron.

"Haha. Di naman. Sige kwento ka pa. " sabi nya.

Excited namang nagkwento ang dalaga.

Halos di na nila napansin ang oras.

Nagulat na lang si Ronron ng makarinig ng kaluskos sa labas ng silid nya.

"H-hey Angel. " awat ng binata sa masiglang pagkukwento ng dalaga.

"Yes ? " tanong ni Angel.

Napakamot sa batok si Ronron.

"Ah eh, I have to go to school. It's already 6 AM. Gising na nga parents ko. May pasok pa ako ng 7, baka malate ako. " bulong nya.

"Oh shit. Sorry friend. Pasensya na talaga. " sabi ng dalaga.

Napangiti lang si Ronron.

"No it's okay. Nag enjoy ako. So paano ? Mamaya ulit ? " tanong nya.

"Uhm, I can't promise. Basta if okay lang sayo. Same time ulit tayo mag usap ha ? " nananantyang tanong ng dalaga.

Di maiwasang mapaisip ni Ronron.

"Nocturnal ka ? " tanong nya.

"Sort off, I have this very rare condition. After school, mabilis akong nakakatulog. Then gising ako sa ganitong oras. " paliwanag ni Angel.

"Wala ka bang pasok sa school nyo ? " tanong ng binata.

"Meron, pero mamaya pa akong 12noon. 12 - 6 ako eh. " sabi ng dalaga.

Napatango tango si Ronron.

"Aaahhh, kaya pala anlakas ng loob mong magpuyat. Haha. So paano, I have to eat na. See yah later. " paalam nya.

"Thanks ulit. Mamaya ha ? Tawag ako ulit. Wag mo kong iindyanin. " lambing ng dalaga.

Napangiti ang binata.

"Sure. Aayusin ko na lang yung tulog ko siguro. Gagaya ako sayo, after sa school Matutulog agad ako tapos mag aalarm ko ng 12AM. " sabi nya.

"No, make it 3AM. Para exact 3 hours tayong magkwentuhan. " suhestyon ng dalaga.

Natawa si Ronron.

"Ano to ? 3 o' clock habit ? " biro nya.

Natawa din si Angel.

"Haha, yeah. Sige na. Ingat ka sa pagpasok ha ? Mamimiss kita. " malambing na sabi ng dalaga.

Napangiti ang binata.

"Me too. Bye. " sabi nya at binaba na ang cellphone.

Di nya maiwasang kiligin sa huling sinabi ng dalaga.

Malambing ito at palakwento.

Halatang galing sa may kayang pamilya base sa uri ng pananalita.

Saglit na nag isip si Ronron hanggang sa makarinig sya ng marahang katok sa pinto ng kwarto.

Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.

"Oh gising ka na ? Aba himala !, ang aga mo atang nagising. " puna ni Sylvia.

Napangiti ng lihim si Ronron.

"Di pa nga ako nakakatulog ng maayos. " bulong nya.

"Ano ? " tanong ng ina.

"Ah wala po,. ang sabi ko maaga akong nakatulog kagabi. " bawi ng binata.

Binuksan ni Sylvia ang ilaw kaya bumaha ng liwanag sa buong silid.

Dahil sa puyat pa, nasilaw si Ronron sa liwanag pero tinago nya ito sa ina.

"Di na kasi ako nag online kagabi Ma. " sagot na lang ng binata at dumiretso na sa banyo para maghanda sa pagpasok sa eskwela.

..

Lumipas ang buong maghapon na tila lantang gulay si Ronron.

Grabe ang effort na ginagawa nya para huwag lamang makatulog sa classroom nila.

Ng marinig ang huling bell hudyat ng pagtatapos ng klase sa araw na iyon, kulang na lamang ay magsisigaw sya sa tuwa.

Dali daling inimis ng binata ang kanyang mga gamit.

Nagtatakang napatingin sa kanya ang kaibigang si Aldrin.

"May lakad ka ? " tanong nito.

Ngumiti si Ronron.

Di na nya naitago ang paghikab sa harap ng kaibigan.

"Antok na antok na ako pare, matutulog na ako. " sabi nya.

Natawa si Aldrin.

"Gagong to, kanina ko pa kaya napapansin. Kulang na lang magsara na yang mga mata mo habang kunwaring nakikinig sa lectures kanina. Pasalamat ka hindi kita pinagtripan." biro nito.

Napangiti si Ronron.

"Paano, uwi na ko. Babawi ako ng tulog at siguradong mapapalaban na naman mamaya. " sabi nya.

Nagtaka si Aldrin.

"Bakit ? Anong meron ? Nagdadrugs ka no ? " tanong nito.

Natawa si Ronron.

"Sira, di no. " sabi lang nya.

"Bakit nga ? Anong ibig mong sabihin sa mapapalaban ka mamaya ? " pangungulit ni Aldrin.

Napaisip si Ronron kung sasabihin ba nya sa kaibigan ang tungkol kay Angel.

Pero napigil ang kwento nya ng humahangos na pumasok si Lelay sa classroom nila.

"Pot, sila Rom napaaway. Andami !. " hiyaw nito.

Di nagdalawang salita si Lelay, mabilis na tinalon ni Aldrin ang mga nakaharang na silya at dali daling lumabas ng silid.

Samantalang ang nobya nitong si Lelay ay mabilis na inimis ang mga naiwang gamit ng nobyo.

Napatingin ito sa kanya.

"Puyat ka ? " tanong ng dalaga.

Tumango si Ronron.

Napailing na lang si Lelay at dali dali na ring lumabas ng silid.

Sumunod sya.

Pagbaba pa lamang nila ng building ay napansin agad nila ang tumpok ng estudyante sa bandang entrance ng campus.

Sumingit sina Ronron at Lelay.

"Tabi nga !. " sigaw ng dalaga at sumingit sa makapal na bilang ng estudyante.

Nakisingit din si Ronron at sumunod sa likod ng dalaga.

Hanggang sa magtagumpay silang mapunta sa harap.

Napanganga si Ronron sa nasaksikhan.

"Ay tapos na. " sabi ni Lelay.

May mga lalaking nakahilata sa sahig.

Samantalang sina Rhoi at Romeo ay nagpupunas ng pawis sa gitna.

"Anong nangyari tol ? " tanong ni Aldrin sa mga kaibigan.

Dinuro ni Darius ang isang lalaking nakaluhod sa harap ni Rhoi.

"Tangnang to, binastos si Krissing eh. Inangat ba naman yung palda. " asar na sabi ni Darius.

Napatiim ang bagang ni Aldrin at walang sabi sabing tinadyakan sa mukha ang nakaluhod na lalaki.

Napahiyaw ang mga tao sa ginawa ng binata.

Di pa nakuntento, kinuwelyuhan pa ni Aldrin ang lalaki at sinuntok ng malakas sa panga.

"Tang ina mo ka, ang lakas rin ng loob mo ha. " sigaw ni Aldrin.

..

Nakarinig ng bulung bulungan si Ronron sa gilid nya.

"Grabe talaga sila no ? Biruin mo andami nyan tapos tatlo lang sila kanina. " sabi ng isang lalaki sa bandang gilid ni Ronron.

Muli nyang pinagmasdan ang mga lalaking nakahiga at pasimpleng binilang.

Anim ang nakahilata sa sahig pwera pa ang tila leader ng mga ito na kinukwelyuhan ni Aldrin.

"Nagalusan yung mukha ni Rhoi. " puna ng isang babae.

"Oo nga eh, pero okay lang. Gwapo pa rin sya. " tila kinikilig na sabi ng isa.

"Tangek, may Krissing na yan. " sabi ng isang babae.

"No, FYI bestfriends lang sila. " taray ng isa pa.

"Cover lang nila yan no. Kung ako sa inyo, kay papa Romeo na lang ako. Badboy na badboy. Rwarrrr.. " biro ng isang babae.

Napangisi na lang si Ronron at napailing.

Sikat na sikat talaga ang Kwadro Alas lalo na sa mga kalahi ni Eba.

Maya maya ay nakarinig na sila ng pagsipol ng gwardya.

Isa isang nagpulasan ang mga audience at natira ang Kwadro Alas kasama ang tatlong dalaga.

"Ano na naman to ? " tanong ng guard.

Ngumiti si Romeo.

"Wala kuya, katuwaan lang. " sabi nya.

"Anong katuwaan eh duguan na itong isa. Mapapatawag na naman kayo sa Dean nyan eh. " naiiling na sabi ng gwardya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Di na ako maghihintay na tawagin. Magrereport na ako dun ng kusa. Tara mga tol. " aya nya.

Binitawan ni Aldrin ang lalaki at muli itong humandusay sa sahig.

Akamang susuntukin pa ni Rhoi ang lalaki pero inawat na sya ng gwardya.

"Tama na Rhoi, baka mapuruhan mo eh. " bulong nito.

Tiim bagang na tumango ang binata at inakbayan si Krissing.

Sumunod sila kay Romeo.

"Oh ikaw ? Uwi ka na ? " tanong ni Aldrin.

"Oo pare, alangan namang sumama pa ako sa inyo sa loob. Eh kayang kaya nyo na yon. " sabi ni Ronron.

Nakangiting tumango si Aldrin at tinapik sya sa balikat.

"Mag iingat ka. Bukas na lang. " sabi ng binata at sumunod na sa mga kaibigan.

Napangiti si Ronron.

Pinagmasdan nya ang marahang pagtayo ng mga lalaking ginulpi ng Kwadro Alas habang papalabas ng campus.

D nya maiwasang mapailing.

"Sa susunod kasi, pipili kayo ng babastusin. " bulong nya.

Dumiretso na sya sa gate ng campus at naglakad patungo sa sakayan ng jeep.

..

Kinse minutos ang lumipas.

Nasa tapat na ng bahay si Ronron.

Pagbukas nya ng gate ay nagulat pa ang ina ng makita sya.

"Himala na naman, ang aga mo ah. " biro ni Sylvia.

Napangiti ng kimi si Ronron.

Lumapit sya sa ina at hinalikan ito sa pisngi matapos ay nagmano.

"Pagod Ma, matutulog lang po ako ah. " sabi nya.

Tumango ang ina.

"Di ka na magmimiryenda muna ? " tanong nya.

Umiling ang binata.

"Kakatapos lang kanina sa canteen Ma, sige po. " sabi nya.

Tumango lang si Sylvia at pinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman.

Pumasok na ng bahay si Ronron at dumiretso sa kwarto.

Hinubad lang nya ang pantalon at T-Shirt at pagkatapos ay pinikit ang mga mata.

Pero muli din syang dumilat para mag set ng alarm sa cellphone.

"3 Am. Tsk tsk. Grabeng babae to. " naiiling na sabi nya at pagkatapos ay nilagay sa tabi ang gadget.

Bago matulog ay sinulyapan nya muna ang lumang cellphone ni Ran na nakapatong sa side table nya.

Ng masigurong nandun ang aparato ay hinimlay na nya ang mga mata at pinagbigyan na ang katawan sa request nitong mahimbing na tulog.