1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 32 - Grace
Lagablab

Phone Call Chapter 32 - Grace

By supertoyantz ·

Chapter 32 - Grace

Naglabasan ang mga katulong ng marinig nila ang pagtili ng among babae.

Di na nakapag isip si Ronron, binaba nya ang phone sa mesa at dali daling pumasok sa loob ng bahay.

Diretso syang umakyat sa hagdan at napahinto sya ng masalubong si Paloma.

Humahangos na naglalakad ang babae.

Kasunod nito ang kabiyak.

"Paloma, wait! " tawag ni Angelo.

Ngunit di sya pinansin ng asawa.

Bagkus ay dire diretso itong naglakad at bumaba ng hagdan.

Pagkuwa'y lumiko hanggang sa pumasok sa library.

Agad namang sumunod si Angelo.

Nilampasan nya si Ronron na lito pa rin sa mga pangyayari.

Nang marating nya ang library ay agad syang kumatok.

"Mahal ko, buksan mo to. Mali ang iniisip mo. " tawag nya.

Pasimpleng lumapit si Ronron.

Ayaw man nya ngunit nais nyang tulungan ang mga ito.

Ang ibang mga katulong naman ay nagsibalik na sa kanilang ginagawa na tila normal na lamang itong kaganapan.

. . .

"Mahal ko. Please, sasabihin ko sayo kung sinong kausap ko. " bulong nya.

Nakarinig sila ng lagabog sa loob.

Nataranta si Angelo at agad na tinawag ang katulong.

"Gracee!! Pakikuha nga ang susi sa kwarto! " sigaw nito.

Maging si Ronron at nabahala sa mga naririnig sa loob.

"T-tito, ako na po. " sambit nya.

Di na nakipagtalo si Angelo.

"Sige iho, mabilis bilis kang tumakbo. Sa drawer lang pagpasok mo sa room. " wika nito.

Agad na tumango si Ronron.

Diretso nyang tinahak ang hagdan at agad na tumungo sa kwarto ng mag asawa.

Pagbukas pa lang nya ng pinto, hinagilap ng kanyang mga mata ay ang drawer.

Nangislap ang kanyang mga mata ng makita ang bungkos ng susi.

Mabilis nya itong dinampot at patakbong lumabas ng kwarto.

Di na nag abalang isara ang pinto.

Pero bago pa sya makalabas, nahagip ng kanyang mga mata ang paglabas ni Grace sa silid ni Angel.

"T-tawag ako ni sir ? " tanong nito.

Naumid ang dila ni Ronron.

Nawala sa isip ang katanungan kung bakit galing ito sa silid ng nobya.

Tumango sya at mabilis na tinakbo ang hagdan.

Halos talunin nya na ang mga baitang.

. . .

Pagdating nya sa bukana ng hagdan, nakasalubong ni Ronron ang humahangos ding si Angelo.

Agad nitong inabot ang susi at muling tinakbo ang library.

Sa nanginginig na kamay, sinuksok nya ang susi at pinihit ang doorknob para magbukas.

Tumambad sa kanila ang basag na lampshade.

Sa tabi nito ay ang nakahiga ang walang malay na si Paloma.

"Mahal! " sigaw ni Angelo.

Nahindik din si Ronron sa nakita.

"Tito, dalhin natin sya sa hospital. " suhestyon nya.

Mabilis na tumango si Angelo.

Pagpihit ni Ronron ay nabangga nya si Grace.

"Shit! Sorry. " sabi nya.

Pero di nagsalita ang dalaga.

Luhaan itong pumasok sa loob at dinaluhan ang ginang.

Nagtaka si Ronron sa kinilos ng dalagang katiwala.

Pero mabilis nya itong winaksi .

Agad syang lumabas at hinanap ang driver.

Nakita nya ito sa kusina.

"Manong, pakihanda daw ho yung kotse sabi ni Tito Angelo. " imporma nya.

Mabilis namang sumunod ang matandang katiwala.

Dali dali itong nagtungo sa parking area kung saan nakahimpil ang sasakyan ng pamilya.

. . .

Agad na bumalik si Ronron sa library.

Naabutan nya ang mag asawa na nakaupo sa sofa, nakahiga sa kandungan ni Angelo ang kabiyak.

"Tito, nakahanda na po yung kotse. " sabi nya.

Napatingin si Angelo.

"S-salamat iho. Pero mukhang ayaw ng tita mo. " wika nya.

Nagtaka si Ronron.

Natigilan sya ng makitang gising si Paloma.

Ngumiti ang babae.

"P-pasensya ka na iho. Wala namang masamang nangyari sa akin. Hindi nyo na ako kailangang dalhin sa hospital. " sabi nya.

Napatingin si Ronron sa ama ni Angel.

Tila humihingi ng pag sang ayon ngunit ngumiti lang din ito.

"Ano bang nangyari mahal ko ? Bakit ka ba nadulas ? " tanong nya.

Iinot inot na umayos ng upo si Paloma.

"Di ko kasi napansin na natabig ko yung wine nung sinara ko yung door. Ayun, bubuksan ko na sana pero nadulas na nga ako. Sorry talaga mahal. Sshh, Grace I'm fine. Wag ka ng umiyak iha. " nakangiting sabi nito.

Humihikbing tumango si Grace at marahang lumabas ng kwarto.

Sinundan ng tingin ni Ronron ang dalaga.

Nang wala na ito ay sinaboses nya ng naiisip.

"Mukhang concern na concern si Grace sa inyo Tita. " puna nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

Napangiti lang si Paloma.

"Malambing na bata yang si Grace. Mula ng mapunta sya sa poder namin, naging malapit na ang loob namin sa kanya. " kwento nya.

Tumango si Angelo.

"Maasahan pa. Isa rin sya sa nasaktan ng mawala si Angel. Naging instant mag kaibigan na sila agad. Para na nga silang magkapatid eh. " dagdag pa nya.

Napangiti na lang si Ronron.

"Hindi nyo po nakwento kung paano sya napunta dito. Nasan po ang parents nya ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Angelo.

"Base sa kwento nya, ulila na sya sa mga magulang. Tanging tyuhin na lang daw ang nagpalaki sa kanya. Sinasaktan at kinakawawa lang daw sya ng pamilya ng tyuhin nya kaya naglayas sya. Dito nga sya napadpad sa lugar namin. " kwento nya.

Iniba ni Paloma ang usapan.

"Iho, saan ka ba nanggaling kagabi? " tanong nya.

Natigilan si Ronron ng maalala ang totoong sitwasyon.

Naisip nya si Earl.

Kamusta na kaya ito ?

Napalunok sya at napatingin sa mga magulang ni Angel.

Parang mali kapag tinago nya dito ang tutoong kalagayan ng kaso.

"Ron ? What's the problem ? " tanong ni Angelo.

Napaigtad si Ronron.

Muli syang napalunok.

Kailangan nyang magdesisyon.

Bahala na.

. . .

"I have something to tell you. Tito, tita. " bungad ni Ronron.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Ano yon iho ? " tanong ng babae.

Bago nagsalita, tinungo ni Ronron ang pinto at marahan itong sinara.

Nagtaka ang dalawa pero di sila nagsalita.

Pumwesto si Ronron sa harap ng mga ito.

"It's about Angel. " halos pabulong na sabi nya.

Natigilan ang mag asawa.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong ni Paloma.

Seryosong tinapunan ng tingin ni Ronron ang dalawa.

"Kagabi po, galing akong Nirvana. " pag amin nya.

Nagulat ang dalawa.

"H-ha ? Nirvana ? Nirvana na favorite hangout ni Angel ? " tanong ni Angelo.

Marahang tumango si Ronron.

"Opo Tito. " sambit nya.

"P-pero paano mong nalaman ang lugar na yon ? I mean, paano mo naman kung paano pumunta don ? " tanong naman ni Paloma.

Ngumiti si Ronron ng kimi.

"Sinundo po ako ni Earl. " sagot nya.

"Earl ? Earl na friend ni Angel ? " tanong ni Angelo.

Tumangong muli si Ronron.

"Nung nasa cemetery po tayo, na-meet ko yung friends ni Angel. It's Jam, Irish, Aaron and Earl. Nagkaroon po ako ng pagkakataong makilala sila. Lahat sila. " dagdag nya.

Natahimik ang mag asawa.

Humigpit ang hawak sa kamay ng isa't isa.

Tila humihingi ng lakas sa kapwa dahil sa nalalapit nilang malalaman.

. . .

Nagpatuloy si Ronron.

"Nag decide yung grupo na i-celebrate yung anniversary ni Angel. You know, to reminisce a friend. " sambit nya.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Paloma.

"H-how sweet of them. " wika nya.

Ngumiti si Angelo. Tumingala at halatang nag pipigil lang.

Sumang ayon si Ronron.

"Tama po kayo Tita. Mahal ni si Angel. Mahal na mahal. It's such an honor na nakasama ako dun sa Nirvana. Actually, it's a private gathering sana pero they let me in. Mababait sila at mahal nila ang anak ninyo. " paliwanag nya.

Ngumiti lang ang mag asawa.

Pero di pa tapos si Ronron.

Nagpatuloy sya.

"But too much love can kill you. " sambit nya.

Napakunot noo si Angelo.

"W-what you mean by that ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Ronron.

"After ko silang makasama, lalo ko silang nakilala. Di ko alam, pero tinulungan siguro ako ni Angel this time. " sambit nya at kinwento ang muntik ng pagkidnap sa kanya.

Napanganga sina Angelo at Paloma sa narinig.

"T-totoo ba iyan iho ? " tanong ng ama ni Angel.

Tumango ng marahan si Ronron.

"P-pero, sinong maaaring gumawa sayo ng ganon ? Mababait ang mga kaibigan ni Angel at mahal nila ang anak ko. " tanong ni Paloma.

Napatiim bagang lang ang binata.

"Tita, kilala ko na kung sinong salarin. Sya rin ang dumukot sa akin. " sagot nya.

Natulala ang mag asawa.

Di na napigilan ni Paloma ang pighati, napahagulgol sya sa dibdib ng asawa.

"Napakasama ng taong yan! " sigaw nya.

Agad namang inalo ni Angelo ang kabiyak kahit na maging sya ay nais na ring magwala.

Pero pinilit nyan kalmahin ang sarili at tinitigan sa mga mata ang binata.

"Sino iho ? Sinong pumatay sa anak ko ? " madiing tanong nya.

. . .

Matapos isiwalat ni Ronron ang nalalaman, di na nag aksaya ng panahon si Angelo.

Nilabas nya ang cellphone at kinontak ang malapit na kaibigan na syang hepe sa kanilang lugar.

"Sige pare. Magkita na lang tayo sa bahay nung hayup na yon. Oo, sige. Salamat. Para ito sa inaanak mo. " galit na sabi ni Angelo.

Maging si Ronron ay naisip na kontakin si Romeo.

Kinapa nya ang bulsa para ilabas ang cellphone pero nagtaka sya dahil wala ito.

Mabilis syang nag isip at binalikan ang mga nangyari.

Pilit inalala kung saan ba sya nanggaling at kung saan nya maaaring ilapag ang cellphone.

Napapitik pa sya sa ere ng maalalang galing nga pala sya sa hardin kausap ang ina ni Angel.

Agad syang tumayo.

"Tito, kunin ko lang yung phone ko sa garden. " paalam nya.

Tumango si Angelo.

"Be ready iho. Parating ang mga pulis. We have to be there. " giit nito.

"Opo. " wika ni Ronron at mabilis na lumabas.

. . .

Hinawakan nya ng door knob para sana buksan pero natigilan sya ng makitang bukas ito.

"S-sinara ko ba to kanina ? " tanong nya sa sarili.

Pero nagkibit balikat na lang sya at mabilis na tinakbo ang hardin.

Pagtingin nya sa lamesita ay nakahinga sya ng maluwag ng makita ang cellphone.

Agad nya itong dinampot.

Akmang babalik na sya sa loob ng bahay ng may marinig na kaluskos.

Natigilan si Ronron ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Si Grace.

ITUTULOY!!!

"