1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 36 - The Sound of Silence
Lagablab

Phone Call Chapter 36 - The Sound of Silence

By supertoyantz ·

Chapter 36 - The Sound of Silence


1 year ago.


"Ms. Lacson. " tawag ng guro.
Napatingin ito sa dalagitang nakaupo sa bandang gitna.
Nagtama ang kanilang mga mata. Tinaas ang isang kilay.
Umiling ang babae.
Nilingon nya ang matangkad na binata sa likod nito.
Ngunit maging ito ay umiling rin.
"Nasan si Angel ? " tanong muli ng guro.
Napatingin ang lahat ng hingal na pumasok si Earl.
"Sorry po ma'am. Late ako. " hingal nyang sabi.
Kumunot ang noo ng guro.
"Mas magtataka ako kung kung mas maaga ka saking pumasok dito. Anyway, nasan si Angel ? Nagsabi ba sayong male-late sya ? " tanong nya.
Natigilan si Earl at napatingin sa bakanteng upuan sa tabi ng kaibigang si Jam.
"H-hindi ho. " iling nya.
Napabuntong hininga ang teacher.
"It's the third day na hindi sya pumapasok sa klase ko. Sa ibang klase ba pumapasok sya ? " tanong nya.
Umiling ang iba.
Napailing na lang ang guro at tila nag sulat sa attendance sheet na dala.
"I think you better check her out. Baka may sakit na yung kaibigan nyo, di nyo man lang alam. " sabi nya at nagsimula ng magsulat sa board.
Nagkatinginan na lang ang apat.
. . . . .
After school.
"Angel!, yoohoo!! " sigaw ni Earl sa labas ng gate.
Nakatikim sya ng batok mula kay Irish.
"Para kang tanga, imbes na tumili ka dyan, bakit di ka mag doorbell ? " taray nito.
Natawa sina Aaron at Jam.
Napakamot lang sa batok si Earl.
"Ang taray naman nito. Meron ka no ? " pang aasar nya ngunit pinandilatan lang sya ng dalagita.
Tulad ng sinabi nito, pinindot nga nya ang doorbell.
Hindi na sya naiilang dahil lagi naman silang tambay dito.
Ilang saglit pa ay narinig nila nag pagbukas ng bakal na gate hanggang sa iluwa nito ang isang babae.
"Sino ho sila ? " tanong nito.
Nagkatinginan ang apat.
"S-sino ka ? " tanong ni Jam.
Napangiti ang babae.
"Ay, bago ho ako dito. Ako po si Grace. Kayo ho siguro yung mga kaibigan ni Senyorita. Pasok po kayo. Nasa taas po sya. " sabi nito at niluwangan ang bukas ng gate.
Isa isa namang pumasok ang mga ito.
Kinindatan pa ni Earl ang dalaga pero nakatikim lang sya ng pingot kay Jam.
Natawa naman si Grace.
. . . . .
"Juice po muna kayo. Teka tawagin ko lang si Ma'am. " sabi nya at nagmamadaling umakyat ng hagdan.
Sinundan lang nila ng tingin ang bagong kasambahay. Ng wala na ito ay duon sila nag usap.
"Di ko alam na may bago silang maid. " wika ni Jam.
"Pero infairness, di sya mukhang maid. " sambit ni Irish.
"Oo nga eh. Pero hayaan na natin. Ano kayang nangyari kay Angel ? " nag aalalang tanong ni Aaron.
Napatingin si Irish sa binata. Napakagat labi sya ng makita ang pag aalala sa mukha nito.
Akmang magsasalita sya ng makarinig ng mga yabag.
Pagtingin nila ay tumambad sa kanila ang nakangiting mukha ng kaibigan.
Napatayo ang tatlo maliban kay Earl na nilalantakan ang cake na hinain ni Grace.
Masaya namang bumaba si Angel ng hagdan at nilapitan ang mga kaibigan.
"Hi guys! Kamusta ? " tanong nya.
Muntik ng mabulunan si Earl pagkarinig sa dalaga.
"Nandyan ka na pala. Ang sarap nitong cake. San to galing ? " tanong nito.
Natawa si Angel at naupo sa mahabang sofa sa tabi ni Jam.
"Bake ni Grace, sarap no ? " balik tanong nya.
Namangha ang lahat, pero mabilis din itong nawala at di na napigilang itanong ang kanina pa bumabagabag sa kanilang mga isip.
"S-sis, anong nangyari sayo ? " tanong ni Irish.
"Oo nga, bakit di ka pumapasok ? " dagdag ni Jam.
Pumanglaw ang mga mata ni Aaron pagkakita sa sinisinta.
"M-marami ng nag aalala sayo. Kala namin, nag kasakit ka na. " wika nya.
Natawa si Angel at binato si Earl ng unan.
"Mga sira! Okay lang ako no. Busy lang ako, but I'm fine. Hoy Earl, tirhan mo sila. " sabi nya.
Natatawang nagpunas ng bibig si Earl at binitawan ang tinidor.
"It's too late. Apologize. " biro nya.
Nagtawanan sila at nagsimula ng mag kwentuhan.
. . . . .
Madilim na ng isa isang umuwi ang mga kaibigan ni Angel.
Naiwan si Jam dahil katabi lamang nya ito ng tirahan.
Nagrequest syang magpaiwan upang masarili ang kaibigan na malugod namang tinanggap ng una.
Matapos mananghalian, abala sa pagtipa sa cellphone si Jam ng tawagin sya ng kaibigan.
"Bes, anong sabi ni Tita ?" tanong ni Angel at nilapag ang hawak
Napasimangot ng simple si Jam.
"Ayun, walang reply. Obviously, tulog na. Ni hindi man lang ako tsinetsek kung nasa bahay ba. " reklamo nya.
Lumapit si Angel at binaba ang extrang unan para sa kaibigan.
Malambing nya itong niyakap mula sa likuran.
"Don't be sad. I'm here naman eh. " lambing nya.
Napangiti ng kimi si Jam.
"As always bes. Kung wala ka, malamang napariwara na ko. " wika nya.
Natawa si Angel.
"Baka adik ka na. O kaya gangster. " biro nya.
Natawa rin si Jam at hinarap ang kaibigan.
"Bes, anong nangyari sayo ? Bakit di ka pumapasok ? " tanong nya.
Unti unting nagbago ang mukha ni Angel
Ang kaning masuyong ngiti ay napalitan ng pilit na pagbanat na lamang ng mga labi.
Naglakad sya patungo sa beranda kung saan kita ang bakuran nina Jam.
"Sa tingin mo, kasya pa kaya tayo dyan sa pinto ? " tanong nya sabay nguso sa pinto na nagdudugtong sa gilid ng bahay nila at bakuran ng kaibigan.
Sumunod si Jam at tumabi kay Angel.
Pinagmasdan din nya ang tinutukoy nito.
Kung titingnan sa malayo, hindi mo mapapansin ang pinto dahil natatabingan ito ng mga dahon tumubo na lang mula kung saan.
"Of course. Yuyuko lang tayo. Pero wag mong ibahin ang usapan, tinatanong kita bruha." Sambit nya at nilingon ang kaibigan.
Pero nagulat sya ng makitang lumuluha ito.
Mabilis na hinawakan ni Jam sa balikat ang dalaga at pilit na hinarap.
"Bes, w-what happened ?" tanong nya.
Ngumiti ng pilit si Angel at masuyong umiling.
"Namiss lang kita bes. Salamat sa pagpunta ha?" sambit nya.
"Gaga ka, wag mo kong paandaran. Sabihin mo sakin lahat. Lahat lahat. " pilit ni Jam.
Ngumiting muli si Angel at napatingin sa kawalan.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.
Akmang magsasalita si Jam ng dahan dahang bumuka ang bibig ng kaibigan.
"I c-can't believe it. " bulong nya.
Kumunot ang noo ni Jam.
"W-what do you mean ?" tanong nya.
Ngumiti si Angel.
"N-narinig ko sila. Narinig ko silang nag aaway about me. " sagot nya.
Lalong naguluhan si Jam.
"S-sila ? S-sino ? " tanong nya.
Ngunit di sumagot ang dalaga.
Bagkus ay bigla itong humagulgol.
Nawala sa isip ni Jam ang mga katanungan.
Mabilis niyang niyakap ang kaibigan
Marahap nya itong inakay papasok sa silid. Nagpatangay na lang si Angel.
Matapos maayos na makahiga, yumakap lang ang dalaga sa kaibigan.
Muli, matagal na sandali ang lumipas bago nagsalita ang dalaga.
"S-sunday. Maaga akong gumising, aayaain ko sana silang mag church. Malapit na ko sa room nila Dad ng marinig kong parang may nagtatalo. T-then, I heard na sa room nila yon. T-then, then. " impit syang napahikbi at sinubsob ang mukha sa gilid ng kaibigan.
Masuyo namang hinarap ni Jam ang dalaga at pilit na inalo.
Bamaga't naguguluhan sya sa tinatakbo ng istorya, pinilit na lamang nyang manahimik at hayaan itong magkwento.
Hanggang sa lumilas ang ilang minutong tanging paghikbi lamang ni Angel ang namagitan.
Ilang saglit pa, marahan itong nagpunas ng luha.
"S-sorry bes. " wika nya na ang tinutukoy ay ang nabasang damit nito.
Natawa si Jam.
"Anong sorry ? Labhan mo to gaga. " biro nya.
Ngumiti si Angel at tumango.
"Sige, iwan mo dito, gamit ka ng isang damit ko. " sambit nya.
Ngumiti rin si Jam at masuyong hinaplos ang pisngi ng kaibigan. Pagkuwa'y pinahid ang mga luha nito gamit ang hintuturo.
"If you can't share it with me, it's fine. Maybe next time. " wika nya.
Umiling si Angel at huminga ng malalim.
"No, I need to get it out. Maloloka ako pag wala akong pinagsabihan. " tugon nya.
Nagkibit balikat lang si Jam at nahiga sa kama.
Sumunod si Angel. Nakatitig lamang sila sa kisame.
Kinapa ni Jam ang switch ng ilaw sa tabi ng kama.
Binalot ng dilim ang paligid. Di umangal si Angel, marahil ay ito rin ang nais nya.
. . . . .
Muling napahinga ng malalim si Angel.
Pagkuwa'y muling binalikan ang eksaktong salitang narinig nya mula sa ina.
Sinalaysay nya ito sa kaibigan.
Nanlaki ang mga mata ni Jam at muling kinapa ang switch ng ilaw.
Bumaha ang liwanag sa paligid.
"Is t-that true ? " tanong nya.
Napalunok si Angel at bumalong ang masagang luha sa mga mata.
Awang awa naman si Jam, niyakap nya ang kaibigan at nakiluha dito.
. . . . .
Kinabukasan.
Hawak ni Jam ang liham mula sa kaibigan.
Kipkip ang mga gamit, dumiretso na sya sa faculty kung nasan naka assign ang kanilang adviser.
May tatlong guro syang naabutan, swerteng nakita nya ang teacher na abala sa pagtetext.
Kumatok muna sya ng dalawang ulit para kunin ang atensyon ng mga nasa loob.
Di naman sya nabigo, napalingon sa kanya ang tatlo kasama na ang adviser.
Nagulat ito.
"O Jamaica, what are you doing here ? Bakit di ka pa pumapasok ? " tanong nito.
Ngumiti si Jam.
"Papasok na po Ma'am, just want to give you this. " sambit nya.
Natigilan ang guro at tumingin sa sobreng hawak ng dalaga.
Binaba nya ang hawak na cellphone at inabot.
"W-what's this ? " tanong nya.
Ngumiti ng kimi si Jam.
"Letter po from Angel. She's sick. "sagot nya.
Lalong napanganga ang guro.
"H-how's she ? Is she okay ? Pwede ba syang puntahan mamaya after school ? " sunod sunod na tanong nito.
Umiling si Jam.
"Angel wants to rest po. Maski nga kami, ayaw nya munang makita. Pinaabot lang nya yan sa maid nila. " sagot nya.
Nalaglag ang balikat ng guro.
"S-sige, if she needs anything. Nandito lang ako ha ? Eto nga't tinetext ko na parents nya." nguso nito sa cellphone.
Napangiti naman si Jam sa nakikitang concern ng guro.
Saglit lang ay nagpaalam na sya at dumiretso sa silid.
Naisip nya ang mga kaibigan, siguradong magugulat ang mga ito at mag aalala.
Ngunit kailangan nilang irespeto ang kahilingan ni Angel.
Kailangan nyang panghawakan ang pangako.
. . . . .
Matapos ang klase, agad na dinampot ng apat ang kanilang mga gamit at mabilis na lumabas ng silid.
Nagpasya silang sasakyan na lamang nina Aaron ang gamitin at nagpahatid na sa tagpuan.
Sa Nirvana.
Kung saan hiniling ng kaibigan na makipagkita sa kanila.
Walang nagsasalita.
Maging si Earl ay tahimik, kita ang pag aalala sa mukha.
Ilang minuto pa, narating na nila ang pribadong lugar.
Bumaba si Earl at inalis ang harap na nagsasalita "Private Property" at hinintay na makausap ang van bago muling binalik.
Di na sya nag abalang sumakay muli, nilakad na lamang nya ang natitirang espasyo at nagtungo diretso sa kubo.
"Angel ? " tawag nya.
Ngunit walang sumagot.
Paglabas nya ng kubo ay eksaktong parating ang mga kaibigan.
"Oh, nasan sya ? " nag aalalang tanong ni Aaron.
Nagkibit balikt si Earl pagkuwa'y nanlaki ang mga mata ng maaninag ang isang pigura sa isang burol.
Napanganga ang binata.
Sinundan ng tingin ng tatlo ang tinitingnan nito at maging sila ay nagulat.
"Angel! " sigaw ni Irish.
Walang isang salita, dali dali silang tumakbo patungo sa burol.
. . . . .
Ilang minuto ang lumipas, natigilan ang apat at pinagmasdan ang nakatalikod na kaibigan.
Nakatayo ito sa gilid ng bangin at nakatingin sa malawak na karagatan.
Tinatangay ng hangin ang itim at mahaba nitong buhok.
"S-sis " tawag ni Irish. Kabado sa maaaring mangyari.
Matagal bago lumingon ang dalaga.
Namangha sa ganda.
Unti unting ngumiti si Angel at binukas ang mga braso para humingi ng yakap.
Nagkatinginan sina Jam at Irish pagkuwa'y marahang lumapit sa kaibigan.
Di naman ito gumalaw, nasa gilid pa rin ng bangin.
Inalok ni Jam ang kamay para palapitin ito.
"H-halika dito. Wag ka dyan" wika nya.
Napangiti si Angel.
"Hanggang ngayon, takot ka pa rin sa heights ? " sambit nya.
Tumango si Jam at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
Marahan ngunit mapwersa nila itong hinatak at kinulong sa mga bisig.
Mahigpit namang nagyakap ang tatlo.
Maya maya ay lumapit na ang dalawang lalaki.
Naupo sila sa damuhan.
"Anong drama ba to Angel ? " biro ni Earl.
Ngumiti si Angel at piningot ang ilong ng kaibigan.
"Sorry ha kung di ako nakakapasok. " wika nya.
"It's okay, basta safe ka. Kami na bahala mag explain sa mga teachers natin. " sabat ni Aaron.
Napangiti ng masuyo si Angel at hinaplos ang pisngi ng binata.
"Mabait ka talaga. Bagay kayo ni Irish. " turo nya.
Namula ang mga pisngi ni Irish at pasimpleng kinurot sa braso ang kaibigan.
Natawa lang si Angel.
Binalingan nya ng tingin si Jam.
"Sinabi mo ba ? " tanong nya.
Umiling ang dalaga.
Nagtaka ang tatlo.
"Daya! May secret sila! Share share din. Pag di nyo sinabi. " putol nya.
"Ano ?" asik ni Jam.
Napaatras si Earl.
"M-magmamakaawa ako. " biro nya.
Nagtawanan sila.
Kinuha ni Angel ang kanang kamay ng mga kaibigan at dinala sa gitna bagay na ipinagtaka ng apat.
Ngumiti ang dalaga.
"Wag na wag kayong mag aaway ha ? Stick together until may mga apo na kayo. " sabi nya.
Napakunot ang noo ni Aaron at binawi ang kamay.
"What do you mean kayo ? Bakit di ka kasali ? " tanong nya.
Natawa si Angel.
"Wala kong balak mag pamilya right ? Mag mamadre ako. " sabi nya.
Natigilan ang lahat.
"Wee ? Seryoso ka talaga dyan ? " tanong ni Irish.
Tumango si ANgel.
"Yup. Wag nyo na kong tanungin kung bakit. After high school, papasok na ko. Friends pa rin tayo don't worry. " sabi nya.
Bumaha ang lungkot sa mukha ng apat.
Natawa si Angel muling pinagsama sama ang kanang kamay ng mga kaibigan.
Di na umangal ang mga ito.
"G-guys, n-never akong naging masaya sa kahit kaninong company. Alam nyo yan. Sa inyo lang. " bulong nya.
Nagbanta ang luha sa kanilang mga mata ngunit pinigil lamang nila ito at pinabayaang magsalita ang dalaga.
"I feel complete pag magkakasama tayo. Sa lahat, nagpapasalamat ako at nakilala ko kayo. " wika nya.
Di na nakasingit si Earl.
"Of course, kami rin no. " sabi nya na sinang ayunan ng lahat.
Napangiti si Angel.
"S-sana, matanggap nyo pa rin ako. " bulong nya.
Napakunot ang noo ng tatlo, maliban kay Jam dahil alam na nya ang isisiwalat ng kaibigan.
Naghintay sila ng ilang sandali, hanggang sa magpasya si Angel na ipaalam na ang nalaman din nya.
"M-mahal nyo pa rin ba ako, k-kahit ampon lang ako ? " tanong nya na ikinabigla ng tatlo.

ITUTULOY !!!