1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 38 - Behind Smile
Lagablab

Phone Call Chapter 38 - Behind Smile

Written by supertoyantz on

Chapter 38 - Behind Smile.

Ang biglaang pagbukas ng pinto ang nagpabalik sa diwa ni Irish sa kasalukuyan.
Hangos na pumasok si Jam kasunod si Earl.
"Pack you things" wika ng dalaga.
Takang napatingin si Irish sa kaibigan.
"W-why ?" tanong nya.
Lumapit si Earl kay Ronron at saglit syang pinagmasdan.
"Pare, bagay pala sayo yan ah. Lagi ka nalang magpapagulpi ah. Gumagwapo ka eh. " biro nito ngunit walang natawa.
Nakakatitig lang si Ronron sa binata.
Napangisi lang si Earl at biglang lumuhod sa tabi ng kama at may dinukot na kung ano sa ilalim.
Di nagtagal, hatak nito ang isang parang toolbox.
Napatingin si Jam.
"Earl, you promised. " paalala nito.
Ngunit tila walang narinig ang binata.
Patuloy nitong hinatak ang toolbox hanggang sa tuluyan ng makalabas.
"Yeah, pero iba na ang sitwasyon Jam. Mabuti na yung nag iingat. " sabi nito.
Nagulutan si Ronron sa pinag uusapan ng dalawa.
Papalit palit ang tingin nya sa mga ito ngunit napokus ang atensyon nya sa toolbox ng simulang itong buksan nito Earl.
. . . . .
Napalunok ng makita ang laman ng kahon.
Unti unting tinaas ni Earl ang laman sa loob at pinakatitigan.
Marahang hinatak ang ibabaw na parte hanggang sa makita ng nguso nito, pagkuway binatawan.
Lumikha ng maliit na ingay ang paglagitik ng bakal.
Napatingin sya kay Ronron.
Nangislap ang mga mata at unti unting napangisi.
Pumihit paharap at dahan dahang tinatutok sa tulalang binata.
"Kaya na kitang pitasin dito. Walang makakaalam. Walang makikialam. " mahina ngunit tila bomba ito sa pandinig ng binata.
Mabilis na lumapit si Jam at hinawakan sa kamay ang kaibigan.
"Stop, baka makalabit mo. We need him. " tanging nasabi nya.
Napaismid si Earl.
"What for ? Wala namang nakakaalam na kasama natin sya right ? " wika nya.
Umiling si Jam.
"Remember what you told me, nagpaalam kayo kina Tito Angelo. Kapag nawala itong si Ronron, ang una nilang hahagilapin ay ikaw. " paalala nya.
Saglit na natigilan si Earl.
Pagkuwa'y napatingin kay Ronron at dahan dahang binaba ng hawak na baril.
"May natitira ka pa palang swerte pare. Pero hanggang saan ? " tanong nya at tumayo na rin.
Umikot sya sa gilid ni Irish at dinampot ang itim na bag pagkuway binalingan si Irish na tila wala pa rin sa sarili.
Napasimangot si Earl.
Akmang magsasalita sya ng muling humarang si Jam.
"Stop it. Na trauma na nga sya eh!" inis na saway nya.
"Wala naman silbi yan. Tayo ang galaw ng galaw. " wika ni Earl.
Marahang tinulak ni Jam si Earl.
"You've changed. You're not the same Earl that we know. " puna nya.
Natigilan ng ilang saglit ang binata bago nag iwas ng tingin.
Nagtama ang tingin nila ni Ronron.
Naningkit ang kanyang mga mata at pasimpleng napamura.
Dire diretso sya sa pinto ng muli syang pumihit at tinitigan si Jam.
"We need to find it. Nakasalalay ang kaligtasan nating lahat don! " sabi nya.
"Ikaw lang, hindi kami " sabi ni Jam.
Natigilan si Earl pagkuway nanlisik ang mga mata.
"Oo ako lang, pero sisiguraduhin kong idadamay kita. Lahat kayo. " madiing sabi nya.
Poker face lang si Jam.
"Kinakain ka na ba ng kunsensya mo ? Wala ka non Earl. Tayong apat, wala na non. Mula ng mawala si Angel, natangay narin pati budhi nating apat. " salay say nya.
Walang nasabi si Earl.
Saglit silang nagtitigan ng dalaga hanggang sa sya na ang kusang umiwas ng tingin.
"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. " bulong nya.
Kumunot ang noo ni Jam.
"What ? " tanong nya.
"Wala, bilisan nyo dyan at aalis na tayo. Kailangang mahanap natin yon bago pa tayo maunahan ng iba." sagot ni Earl sabay pabalagbag na sinara ang pinto.
Napailing na lang si Jam pagkuwa'y muling binalingan ang kaibigan.
"Sis, it's okay. Matatapos din to. Tara na, ako na mag prepare ng things mo." bulong nya.
Walang salitang namutawi sa bibig ni Irish.
Sunud sunod na tango lang ang tanging naging tugon nya.
. . . . .
Mabilis ang mga pangyayari.
Muling pumasok ang mga katawan at may hawak itong tila maitim na tela.
Nanlaki ang mga mata ni Ronron ng mapagtanto nyang sa ulo nya pala ito itataklob.
Nais nyang sumigaw ngunit batid nyang magsasayang lamang sya ng lakas kaya pinili na lamang nyang manahimik at nagisip.
. . . . .
Lumipas ang ilang minuto, naramdaman na lamang ni Ronron na inalalayan sya ng kung sinong maglakad.
Tangay tangay sya nito hanggang sa naramdaman nyang tila inakyat sya sa isang sasakyan.
Di nga sya nagkamali dahil ilang saglit lang ay nagsimulang umandar ang makina.
Pumailanlang ang bulungan.
Tila may kinakausap si Earl sa kanyang tabi.
"Dahan dahan lang ang pagmamaneho para di tayo mahalata ng iba" wika ng kung sino.
"Oo na. " sagot lang ni Earl.
Ilang saglit lang, nakarinig sya ng pagsara ng pinto.
Ramdam din nya ang unti unting paggalaw ng sasakyan. Tila nagsisimula na silang umandar.
Nanahimik lang si Ronron hanggang sa magsalita si Earl.
"Jam, anong balita kay Aaron ?" tanong nya.
Napabuntong hininga ang dalaga.
"Wala pa rin. Sabi nung nakabantay sa bahay nila, di daw sya umuwi. " sagot nito.
"Putsa talaga. Pahirap din tong gagong to. San naman kaya magsususot yon. Baka magsumbong yon sa pulis. " wika ni Earl.
"I doubt, alam nyan sabit din sya. I am sure na dito sya unang pupunta. Kaya nga tayo aalis di ba ? " balik tanong ni Jam.
Natahimik saglit si Earl at pinagpatuloy lang ang pagbyahe.
. . . . .
Sa gilid, natigilan si Ronron sa narinig.
Nakalaya si Aaron, alam na nya yon.
Nagpyansya ang binata.
Ngunit tulad ng dalawa, napaisip din sya kung saan ito pupunta.
Kung tama si Jam at babalik si Aaron sa Nirvana, wala na itong aabutan.
Hindi nya alam kung saan sila pupunta at unti unti na syang nawawalan ng pag asa.
Pero natigilan sya sa narinig na binanggit ni Earl.
"Eh yung kasama nitong si Ronron ? Ano nga ulit pangalan non ?" wika nito.
Saglit na di nakapagsalita si Jam.
"R-romeo. " bulong nya.
Tinalasan ni Ronron ang pakikinig ng marinig ang pangalan ng kaibigan.
Tiim bagang na niliko ni Earl ang kotse sa kanto at marahang nag maniubra pero napamura sya sa ng makitang trapik di kalayuan.
Bumaba sa sasakyan ang mga kasama nilang goons at kinatok sa salamin si Earl.
"May aksidente ata sa harap. Wag na kayong bumaba. " sabi nito at muling bumalik sa sasakyan.
Nasimangot lang si Earl.
"Anong nakuha nila sa background ng ungas na yon ? " tanong nya.
Napalunok ng ilang ulit si Jam bago nagsalita.
"K-kwadro Alas. " sagot nya.
"Huh ? Ano yon ? Boy band ?" natatawang wika ni Earl.
Tumingin sa bintana si Jam at umiling.
"Grupo ng apat na mayayamang binata. Pero di yon ang nakakatakot, yung Romeo. Anak sya ng abugado ng presidente. Not only that, the other three, they all came from a wealthy and powerful family. H-hindi sila basta basta " mahina ngunit malinaw na imporma nya.
Napamura ng sunod sunod si Earl.
"Fuck fuck fuck! Wag mong sabihing ito ring si Ronron mayaman din to ? " turo nya sabay batok kay Ronron.
Napatiim bagang lang ang binata ngunit pinigil nyang maasar.
Bagkus ay nagsimula syang matawa.
"Di kita masisisi Earl. Sabi ko naman sayo, wag mong maliitin yong kasama ko. " natatang wika nya ngunit bigla syang napangiwi ng makaramdam ng pagdapo ng kamao.
"Shut the fuck up! Wala akong pakealam kung sino pa yung mga kasama mo. Sa tingin mo aabutan ka pa nila ng humihinga ? Hindi pare, wala ka ng takas. Kung ako sayo, magsimula ka ng magdasal. " wika ni Earl.
Napalunok si Ronron. Bagama't natatakot, di na lang sya nagpahalata.
Saglit na katahimikan ang namayami bago muling nagsalita si Earl.
"Ano bang balita sa bahay nila Angel ? Di pa daw ba nakikita ? Mahina naman yung kontak nyo sa loob. Ano bang ginagawa ni Grace ? " tanong nito.
Di nagsalita si Jam.
Bagkus ay napatingin lang sya sa bintana.
Nanlaki naman ang mga mata ni ROnron at napanganga sa narinig.
Grace ? Sinong Grace ang tinutukoy nito ?
Pero napatda sya ng maalala ang katulong nila Angel.
"Y-you mean, si Grace na katulong nina Tito Angelo ? " lakas loob na tanong ni ROnron sa nahihirapang boses.
Natawa si Earl.
"Why ? Sa tingin mo kampi nyo yon ? Hindi no! Pero infairness, magaling talagang umarte ang gaga. Di ko akalain na anak sya ni Mang Dado. " naiiling na sabi nya.
"D-dado ? " tanong ni Ronron.
Nagsalita si Jam.
"Earl, stop it. " sagot nito.
"It's okay, dedo na rin naman tong si ungas maya maya. Saka nakakaboring ang byahe, tangna trapik pa rin. Bakit di ba kasi alisin yan. " sigaw ni Earl.
Sinaway sya ng dalaga.
"Ano ba ? Magising mo si Irish eh. Wala ka rin naman magagawa kahit magwala ka dyan no. Gumagawa ka lang ng eksena eh. " saway nya.
Nagngitngit ang loob ni Earl at napamura ng mahina.
Pilit nyang kinalma nag sarili pagkuwa'y muling binalingan ang dalaga.
"Tawagan mo nga si Grace. Sabihin mo sumunod na lang sya don sa kabila pagnakita na nya. " utos nya.
Tumango lang si Jam at sinimulang mag dial.
"Unattended. Nakapatay phone nya. I'll text her na lang. " sambit nito.
"Tangna din nyang babaeng yan eh. Masyadong maraming alam na paandar. Pag di nya talaga nakita yung Diary, malilintikan sya sa tatay nya. " wika ni Earl.
Natigilan si Ronron ng maalala ang diary ng kasintahan.
Unti unti syang napatiimbagang ng muling manariwa ang mga nabasa.
"Jam, alam mo na ba ang totoo ? " tanong nya.
Napakunot noo si Jam.
"Anong totoo ? " balik tanong nya.
Napangisi si Ronron kahit na nakatabing ang mukha.
Kampante syang sumandal sa kotse.
"I told you, hindi lang pinatay si Angel. Alam mo ba kung saan galing yang sugat ni Earl sa balikat ? " tanong nya.
Napakunot ang noo ang dalaga ngunit napatili sya ng biglang hampasin ni Earl ng baril ang binata.
"What the hell are you doing ? Bakit mo sya sinaktan ? " sigaw nya.
Gumanti ng sigaw si Earl.
"Wala kang pakialam! You better shut the fuck up or pati ikaw tatamaan sakin! " nanlilisik ang mga matang sigaw nya.
Napatda si Jam sa nakitang pagbabagong anyo ng kaibigan.
Sa tagal ng panahon na kanilang pinagsamahan, tila hindi nya na ito kilala.
Nagbago si Earl.
Hindi nya alam kung kailan ngunit hindi na ito ang dati nilang kaibigan.
Natahimik na lamang sya at niyakap si Irish.
. . . .
Sa galit, pinaghahampas ni Earl ang manubela dahilan para tumunog ng ilang ulit ang busina.
Ilang saglit lang ay galit na bumaba ang mga kasama nila sa unahang kotse at kinatok ang bintana.
Pero binigyan lang sila ng dirty finger ni Earl at hindi na nag abalang buksan ang salamin.
Galit na sinipa ng lalaki ang gulong ng kotse at bumalik sa sasakyan.
. . . . .
Umahon ang galit ni Earl. Pakiramdam nya ay sasabog sya.
Kasabay ng poot, unti unting bumalik ang nakaraan.
Eksaktong petsa kung kailan napasakanya ang pinakamamahal.
. . . . .
3 yeasr ago.
"Earlwyn!" hiyaw mula sa malayo.
Natigil sa pagsusulat si Earl ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan.
Di pa sya nakakalingon ay dinamba na sya ng kaibigan dahilan para tumilapon ang kanyang mga gamit.
Tawa ng tawa si Angel.
"Anong gingawa mo Earl kulit ?" tanong nito.
Natawa din si Earl.
"Nag aaral madam. Puro ka kasi kaharutan " pang aasar nya.
Namilog ang mga mata ni Angel at dinuro ang kaibigan.
"Wag ako Earl, iba na lang. " bigkas nya
Natawa lang ang binata at sinimulang imisin ang mga gamit pero nabigla sya ng biglang damputin ni Angel ang papel na pinagsusulatan nya kanina.
Mabilis nya itong inagaw ngunit alerto ang dalaga at agad na tumakbo palayo.
Nataranta si Earl, mabilis nyang tinipon ang mga tumilapong gamit at pagkuwa'y hinabol ang kaibigan.
"Angel! Wag kase! " sigaw nya.
Tawa lang ng tawa ang dalaga at sinimulang basahin ang liham.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang aking nararamdaman ngunit nais ko lang na malaman mo na ikaw lang ang sinisinta ko. Hilingin mo man ang buwan ay ibibigay ko para lang mahalin mo rin ako. " malakas na basa ni Angel.
Hiyang hiya si Earl dahil pinagtitinginan na sila ng ibang dumadaan at may tumatawa pang iba.
Agad nyang hinablot ang sulat sa kaibigan at mabilis na binulsa.
Natahimik si Angel.
Nagtaka si Earl.
"W-why ? " tanong nya.
Biglang bumunghalit ng tawa ang dalaga.
"Anooo yannn ? Nasan ba sila Jammm, kailangan nilang malaman ang kakornihan mo. " tawa ito ng tawa.
Namula ang mga pisngi ng binata at nakasimangot na tumalikod.
Pero bigla syang napaluhod ng tumalon ang dalaga sa kanyang likod.
"Ano ba ? Ang bigat mo kaya! " reklamo nya.
Ngunit di umalis si Angel bagkos ay tawa lang ng tawa.
"May crush ka ? Sino ? Sabihin mo sakin para tulungan kita. " sambit nito.
"Yoko " matipid na sagot ni Earl.
Napasimangot si Angel at bumaba sa likod nya pagkuwa'y humarang sa daan.
"Aba aba aba Earlwyn. Nagsisikreto ka na ? HOY! FYI, wala kang karapatan. " sumbat nya.
Natawa si Earl ng makita ang itsura ng kaibigan.
Piningot nya ang ilong nito.
"Para kang nanay ko. Syempre lahat naman tayo may sikreto. " sabi nya.
Hinampas ni Angel ang kamay ng binata at tinaasan lang ng kilay.
"Tigilan mo nga ko. Susumbong kita kila Irish. Sabihin mo na kasi kainis ka. " reklamo nya.
Napangisi si Earl at tinitigan ang dalaga.
"Ikaw. Ikaw ang crush ko. " mabilis na sagot nya.
Natigilan si Angel at napanganga.
"H-ha ? " tanong nya.
Pero natawa si Earl at hinilamos ang kamay sa mukha ng kaibigan.
"Patola, nakakadiri ka. Tabi nga dyan at natatae ako. " sagot nya.
"Yuck, kadiri. Bilisan mo at patapos na sina Jam sa meeting nila sa student council, uwi na tayo. " sigaw ni Angel.
Kumaway lang si Earl ng di lumilingon pagkuwa'y muling kinuha ang liham.
Mabuti na lamang at hindi binasa ng kaibigan ang likod na bahagi.
Kundi ay baka magbago ang tingin nito sa kanya kapag nabasa ang sarili nitong pangalan.
. . . .
1 year ago.
Masayang hinahalo ni Earl ang itlog na gagamitin sa paggawa ng cake.
Cake para sa kanyang kaarawan.
Kasalukuyan syang nasa bahay nina Aaron at tinutulungan ang ina nito sa pagbake ng cake para sa celebration nila mamaya.
"Earl anak, tama na yan. Isalin mo na yan dito. " wika ng ina ni Aaron.
Napangiti ang binata.
"Sure Tita " sagot nya at sumunod sa utos nito.
Sabik na syang makita ang tatlong dalaga.
Kay Aaron sya unang nakipagkita dahil kailangan nya ang tulong nito para sa gaganaping kaarawan.
Na text na nya ang tatlo.
Papunta na daw ang mga ito pero naisipan nyang padalhan ng isa pang text si Angel dahil hindi pa rin ito nag rereply.
Ngali ngali na nyang puntahan ang dalaga pero pinigilan lang nya ang sarili.
. . . . .
Masayang naidaos ang okasyon.
Mag aala una ng madaling araw, tahimik na ang kabahayan.
Sa salas, sinalin na ni Earl ang huling patak ng alak at inangat.
Nagkanda duling duling na sya sa pagtitig dito.
Isa isa nyang tinitigan ang mga kaibigan.
"G-guys, may gusto lang akong sabihin sa inyo. " wika nya sa lasing na tono.
Tinatamad na napatingin sa kanya ang apat.
"Hindi ako sanay uminom, kanina pa ko sumusuka sa cr. Oo na, inaamin ko na. Hindi ako nagkape, sumuka talaga ko. " pagtatapat nya.
Naghagikgikan ang mga babae.
Ngumiti lang si Aaron.
"Alam ko gago. Kasama mo ko. " paalala nya.
Kumunot ang noo ni Earl.
"Huh ? Di ba si Jam yon ?" tanong nya.
Natawa si Jam at binato ng unan ang kaibigan.
Nagpatuloy si Earl.
"Ah basta, salamat pare. Salamat talaga. Una, dito sa birthday. Kung bibigyan ako ng isa pang taon, dito ko ulit gustong mag celebrate. " mahinang wika nya.
Naiinis na bumangon si Jam.
"Kung makapagsalita ka, parang last birthday mo na. " wika nya.
Natawa si Earl.
"Nah, we can't say what will happen in the future. Basta ako, cherish what I have right now and to hell with the future. " sagot nya.
Natawa si Irish.,
"Lasing na nga, amerikano na eh. " pang aasar nya.
Natawa lang si Earl.
Tinaas nya ang huling tagay at muling pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan bago inisang lagok ito.
Sumirit ang pait ng alak.
Halos masuka suka na sya ngunit pinilit nya pa rin itong lunukin.
Napahiyaw si Earl.
"Whooo! Shit talaga tong alak mo Aaron. " wika nya.
Nagtawanan sila.
Tumayo si Aaron.
"Guys. " sabi nya.
Napatingin sa kanya ang iba at tumango.
Kumunot ang noo ni Earl pero napanganga sya ng maglabas dukutin ni Aaron mula sa kung saan ang isang box.
"For you pare. " wika nya sabay abot sa kaibigan.
Natulala si Earl.
"W-what's this ?" tanong nito.
Ngumiti si Aaron at nagkibit balikat.
"Open it. " sagot nya.
Napalunok si Earl.
Inalis nya ang balot at napanganga sa nakitang susi.
"A-ano to pare ? " tanong nya.
"Susi tanga. " sagot ni Aaron sabay tawa.
"Alam ko gago, pero bakit mo ko binibigyan ng susi ? " tanong ni Earl.
Napangiti lang si Aaron.
"Remember yung sinabi mong motorcycle na nakita natin dati ? " sagot nya.
Unti unting nangilid ang luha sa mga mata ni Earl.
"W-wag mong sabihing, b-binili mo sakin yon ? " tanong nya.
"Gago, wala kong pera pa. Susi muna. " pang aasar ni Aaron.
Natawa si Earl.
"Hahaha, ayos lang pare. Salamat dito. " wika nya.
Pero tumawa din si Aaron.
"Di biro lang. Nasa gilid ng kotse ko. Yung tinatanong mo kanina kung ano ba yung nakabalot. Remember nagalit pa ko sayo nung aalisin mo yung takip ? Gago ka eh. Anlikot mo, muntik ng masira yung surprise ko. " kwento nya.
Napanganga si Earl.
Wala syang masabi kundi dinamba nya lang ang kaibigan.
"S-salamat pare. Salmat talaga. Babawi ako. " naiiyak na sabi nya.
Nagtawanan lang sila.
Sumunod na naglabas ng kahon si Irish.
"Oh, nadampot ko sa labas. " wika nito.
Natigilan si Earl at napatingin sa kahon.
Unti unti na namang nangilid ang mga luha sa kanyang mata.
"Shit naman, wag ganito. Sana bukas na lang. " naiiyak na sabi nya.
Natawa lang si Irish at inabot ang kahon.
Nanginginig na binuksan ni Earl at napanganga sya sa nakitang tatak.
"S-shit, shit talaga. I, m-mahal to! " hiyaw nya.
Napangiti lang si Irish at nginuso ang suot nitong relos.
"Pano yan ?" tanong nya.
Agad na hinubad ni Earl ang suot na relo.
"300 lang to sa bangketa. " naiiyak na sabi nya at mabilis na sinuot ang regalo ni Irish.
Napangiti sila sa kaibigan.
Lumapit si Jam at niladlad ang T-Shirt.
Lalong naluha si Earl ng makita ang t-shirt na may mukha ng paborito nyang banda.
Pero tinuro ni Jam ang isang bahagi ng damit.
"D-don't tell me. " wika nya.
Napatango si Jam.
"Yup, pirmado yan boy. " pagyayabang nya.
Napatalon si Earl at mahigpit na niyakap si Jam.
"Oh my, the best talaga kayo. " naiiyak na wika nya.
Sa malayo, napangiti si Angel at nahihiyang nilabas ang isang tila album.
"Earl kulit, di to singmamahalin ng mga gift nila. Pagpasensyahan mo na. " sabi nya sabay abot ng album.
Napatingin ang lahat at nakiusyoso.
Isa silang natouch ng makita ang mga pictures ni Earl pati na ng tropa.
Cute na cute itong naka compile.
Natouch hindi lang ang binata kundi ang tatlo.
Napangiti.
Si Earl naman ay di makapagsalita.
Tanging pagluha na lamang ang kanyang nagawa.
. . . . .
Napabiling si Earl sa paghiga.
Unti unting nagmulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang di pamlyar na lugar.
Saglit pa nyang pinagmasdan ang paligid bago naalala na nasa bahay nga pala sya nina Aaron.
Napangiti ang binata at tumingin sa kanyang tabi, ngunit natigilan sya ng mapansing sya na lang ang nag iisang nakahiga sa sofa.
Napakunot ang noo ni Earl, pagkuwa'y unti unting naramdaman ang pamimigat ng pantog.
Kabisado na nya ang bahay, kahit madilim, dire diretso syang nagtungo sa banyo at nagbawas.
Matapos ang ilang saglit, pabalik na sana sya ng biglang lumabas ng silid si Aaron.
Tatawagin na sana nya ang kaibigan ngunit natigilan sya ng bigla itong huminto sa bukana ng hagdan.
Nakatitig lang sa kawalan.
Tila nagtatalo ang isip sa kung ano.
Hanggang sa pumihit pabalik ang binata at tumapat sa pinto ng guest room.
Napakunot noo si Earl at naglakad palapit sa hagdan.
Pinagmasdan ang gagawin ng kaibigan hanggang sa hawakan nito ang doorknob ng pinto at dahan dahang pinihit.
Bumukas ang pinto, umawang ng kaunti pero huminto si Aaron sa pagpasok.
Tila nagtatalo ang isip nito at kunsensya hanggang sa walang sabi sabing muling pumihit at lakad takbong nagtungo sa sariling silid.
. . . . .
Sa di malamang dahilan ni Earl, nagtago sya sa gilid ng hagdan.
Hinintay nyang makapasok sa kwarto ang kaibigan bago dahan dahang umakyat.
Tinungo nya ang nakaawang na pinto para alamin kung sino ba ang nasa loob.
Dahan dahan, maingat syang pumasok.
Wala sa sariling sinara nya ang pinto.
Madilim sa loob.
Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw ng kwarto.
Napakunot ang noo ni Earl ng may maaninag na tao sa kama.
Humakbang palapit.
Hanggang sa mapalunok ng mapagmasdan si Angel sa kahali halinang ayos.
Unti unting bumilis ang tibok ng puso ni Earl.
Humakbang sya paatras, patalikod sa kaibigan.
Pilit na pinaglalaban ang nabubuhay na init.
Matindi at mahirap, ngunit kailangan.
Hinilamos nya ang palad sa mukha para paglabanan ang tukso.
Humakbang na sya patungo sa pinto, tulad ni Aaron, hinawakan nya ang doorknob at pinihit ito.
Ngunit natigilan sya ng marinig ang ungol ni Angel.
Napalingon ang binata.
Nanlaki ang mga mata ng mahulog sa sahig ang kumot na tumatabing sa katawan nito.
Nahihilo sya, ngunit buhay na buhay ang kanyang sistema.
At alam nyang kailangan na nyang lumabas kundi ay pagsisisihan nya ang mangyayari.
Ano na lamang ang sasabihin ng kaibigan pag nalaman nito ang tumatakbo sa kanyang isip.
"P-pero walang makakaalam " bulong ng kung ano.
Napalunok si Earl at tila sinaniban ng kung anong espiritu..
Pinindot nya ang lock ng pinto at dahan dahang lumapit sa dalagang mahimbing na natutulog.
Binasa ng dila ang mga labi at napangiti na parang demonyo.

ITUTULOY !!!

More from supertoyantz

Related Stories

Pinoy Tambay

Pagbangon: Book 2 - Chapter 4

shane317

Nagising ako dahil sa marahang paghaplos sa aking pisngi. Si Chelle, nakadapa pa rin sa ibabaw ko matamang nakatitig habang...

9 minutes Read Time
xTorya

241 - Part 1

el_nunal

This song sang by Rivermaya - 241, and this song really do means a lot to me, one of my favorite...

40 minutes Read Time
Pinoy Tambay

Teacher Natasha - Part 15

olive_crayn

"Ungghhh please, drew. Gusto ko na niyan hmmmm ughhh wag mo na akong sabikin. Kanina pa ako sabik diyaahhhhhh ughhhmmmmm...

28 minutes Read Time
Pinoy Tambay

Kathy - Part 3

farut_barbakusi

"You look nervous. Sure ka ba dito?" Nasa loob ng room ng isang motel si Kathy kasama si Roger na...

8 minutes Read Time
Pinoy Tambay

Teacher Natasha - Part 16

olive_crayn

"ung ung ung ah ah ahhhh ahhhh ohhhhh" Kung kanina ay dahan-dahan lang, biglang umulos ng mabibilis itong si Noknok...

28 minutes Read Time