1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 7 - Kapalit Ng Saya
Lagablab

Phone Call Chapter 7 - Kapalit Ng Saya

By supertoyantz ·

Chapter 7 - Kapalit ng Saya

Natapos ang exam.

Isa isa ng inaanunsyo ng guro ang mga markang nakuha ng mga estudyante.

Nakangiti si Ronron ng marinig ang sariling grado.

Nakapasa sya.

Hindi lang nakapasa, mataas ang nakuha nyang marka.

Saglit nyang sinulyapan ang mga class cards na hawak.

"Ayos ba pare ? Yan ang sinasabi ko sayo eh. Aral aral din pag may time. " biro ni Aldrin sabay tayo at lumapit sa guro para kunin ang sariling class card.

Sinilip ni Ronron ang grado ng kaibigan at nagulat sya ng makitang higit itong mataas kesa sa kanya.

"Wow pare, antindi mo ah. " puna ni Ronron.

Ngumiti lang si Aldrin.

"Well, sad to say hindi ako tumaas this sem pero it's okay kesa bumaba. Kamusta kaya yung tatlo. " tanong nya.

"Siguradong mataas din yong mga yon. Sabay sabay tayong nag aral eh. " puna ni Ronron.

"Sigurado yon. Tara punta tayo sa kubo. " aya ni Aldrin.

Tuamango si Ronron at isa isang niligpit ang mga gamit.

Sumunod sya sa kaibigan habang papalabas ito ng classroom.

Ngunit hindi agad bumaba si Aldrin, lumiko ito at naglakad patungo sa susunod na silid.

Alam na ni Ronron kung sino ang pupuntahan ng kaibigan.

Ang nobya nito na si Lelay.

..

Dire diretsong pumasok si Aldrin kahit na may guro pa ang silid.

Napasunod na lang din si Ronron.

Naupo sya sa harap na silya ng dalaga habang tinabihan ni Aldrin ang girlfriend nito.

"Kamusta heart ? " tanong ni Aldrin.

Sumimangot si Lelay.

"Bumaba ako sa isang subject. Kainis yung partner ko, hindi na pumasok. Tinakas pa yung budget na binigay ko sa kanya. Di pala nagawa yung project namin. " asar na sabi nito.

"Anong gusto mong gawin ko ? Huntingin natin ? Ano bang pangalan ? " tanong ni Aldrin.

Umiling ang dalaga.

"Wag na, baka kailangan nya yung pera. Pero kung ganun nga, sana sinabi nya na lang sa akin. Pwede naman syang mangutang. Pati tuloy grades ko naapektuhan. " kwento nya.

"Ano bang bumaba sayo ? " tanong ni Ronron.

"Minor lang naman, pero kahit na. Tsk, nagpapataasan pa naman kami ni Ekang at Krissing. Mukhang matatalo ako. " reklamo ni Lelay.

Natawa sina Aldrin.

"Ano bang pusta ? " tanong nya.

Napasimangot lalo si Lelay.

"Manlilibre sa Joweebee, naku anlalakas pa namang kumain ng dalawang yon. " sabi nya.

Lalong natawa ang dalawa.

Napatingin sa kanila ang guro na nasa harap.

"Estudyante ko ba kayo ? " tanong nito.

Umiling sila.

"Di po. Kuya ho kami ni Hannah. " biro ni Aldrin.

"Anong ginagawa nyo dito ? " tanong muli ng teacher.

"Sinusundo ko lang po. Baka kasi mag boyfriend eh. " dugtong pa ni Potpot.

Nagtawanan ang mga kaklase ni Lelay.

Dahil sa kilala si Aldrin sa buong campus, alam din ng lahat na si Lelay ang nobya nito.

Ngunit hindi lahat ng guro ay alam ang chismis.

"Ah ganun ba? Maganda nga ho yan. Ikaw Hannah, mabait pala ang kuya mo. At gwapo pa. " biro ng guro.

Napangiti ng kimi si Lelay at pasimpleng kinurot ang nobyo.

"S-salamat po Ma'am. Pwede na po bang lumabas ? " tanong nya.

Tumango ang guro.

"Sige sige, mag iingat sa pag uwi. " sabi nito.

Nagpasalamat si Lelay sa teacher at inakay na ang dalawang binata palabas ng classroom.

..

Sa kubo, masaya ang lahat.

Matataas ang nakuha nilang marka.

"So paano, celebration na ? " tanong ni Darius.

"Nasan si Rom ? " tanong ni Aldrin.

Natigilan ang lahat.

"May recitation daw sila sa Psycho ngayon. Mukhang dibdiban ang mga tanong. " saad ni Krissing.

Nagkatinginan ang lahat.

"Tara sunduin natin ? Dito muna kayo girls. " aya ni Rhoi.

Tumango ang mga babae.

Sama samang nagtungo sa Law Building ang tatlong alas kasama si Ronron.

Pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng nakakasalubong.

Dire diretso sila sa 4th floor kung saan nagkaklase si Romeo sa mga oras na iyon.

Di pa sila nakakalapit ay naririnig na nila na may tila nagtatalo.

Dali dali silang lumapit at sumilip sa bintana.

Kita nila si Romeo na nakatayo habang nasa harap nito ang kalbong propesor sa Psychology.

"Ano na naman kayang ginawa nyang mokong na yan ? " natatawang tanong ni Darius.

"Malay. Mukhang sinisermunan. Videohan natin dali. " sabi ni Rhoi.

Bungisngis si Aldrin habang nilalabas ang cellphone.

Sinet nya ang video at tinutok sa kaibigan.

"Ano kayang pinagtatalunan nila ? " tanong ni Ronron.

Natigil ang pag uusap nila ng magsalita si Romeo.

"No sir, I refuse to answer to your question. Dalawa lang yan, kung hindi nyo ako gustong mapahiya, sadyang hindi nyo alam kung ano ang sagot sa tanong ko. " banat nito.

Napanganga ang tatlong alas maging si Ronron sa narinig.

Kita nilang natigilan ang prof ng kaibigan.

Natulala lamang ito sa harap ni Romeo.

Pero mukhang mabilis na nakabawi ang guro at ngumisi.

"Really ? So ngayon mas marunong ka pa sa akin ? " tanong nito.

Umiling si Romeo.

"No sir, wala kayong ebidensya na sinabi ko yan. Ang sa akin lang po, gusto ko lamang itama ang tanong ninyo bago tayo magtapos. Mahirap po kasing magkaroon ng assignment na walang maliwanag na dahilan. " sagot nya.

Tila nagtitimpi lamang ng galit ang guro.

Tahimik ang buong klase.

Takot ang makikita sa mukha ng mga ito.

"Well, ano ba ang gusto mong sabihin Mr. Di Carprio ? " tanong nito.

"Tungkol po sa tanong ninyo. " sabi ni Romeo.

"At anong mali sa tanong ko ? " tanong ng guro.

"Hindi po tama na hanapin nyo ang petsa kung anong panahon naimbento ang Psychology. Ang sabi nyo po ay malalaman namin ang mga sagot kung bibili kami ng libro nyo. Na sa tingin ko po ay mali. First, mali po ang tanong. Second, wala po sa libro nyo ang kasagutan dahil it's about Philosopy, not Psychology. " sabi ni Romeo.

Natigilan ang guro.

Tila nais nitong suntukin ang binata ngunit nagpipigil lamang ito.

Ngumiti ito ng maasim at tiningala si Romeo.

"Well then, ano sa tingin mo ang dapat na itanong ko ? " tanong nito.

Tumikhim si Romeo.

"Imbes na hanapin kung anong panahon o era naimbento ang Psyc, mas tama pong hanapin kung paano ito nangyari. For example, kapag ang isang bata ay nagsimulang magtanong tungkol sa mga bagay bagay na nasa paligid nya, duon nagsisimulang gumana ang kuryusidad ng isang tao. And when Curiousity strikes, that's when the study of human behavior born which is Psychology. Kaya wala po tayong konkretong ebidensya kung saan ito nagsimula. Ang tanging masasagot lamang po namin ay kung paano. " paliwanag nya.

Eksaktong tumunog ang bell.

Sinukbit ni Romeo ang bag at tinapik sa balikat ang guro.

"Labas na ako sir. Pasensya na po. " bulong nya at lumabas na ng silid.

Hindi nya napansin ang mga kaibigan na nakatanga sa bintana.

..

Habang nasa daan, iniisip pa rin ni Ronron ang Kwadro Alas.

Namamangha sya sa personalidad ng mga ito.

Iba't ibang katangian at ugali ngunit kataka takang magkasundo at tila lampas pa sa kapatid ang turingan.

Nuon nya naisip ang mga parinig ng iba nilang kaklase sa kanya.

Maswerte daw sya at nakakapasok sya sa kubo.

Di nya maiwasang mapangiti.

Tama, swerte nga sya sa natagpuang barkada.

..

Pauwi na si Ronron ng maisip nyang bisitahin ang tindero ng charger sa palengke.

Bumaba syang muli sa jeep at nilakad ang pwesto nito.

Pagdating nya sa tindahan ay ibang tao na ang nadatnan nya.

Tumingin sa kanya ang lalake at nakangiting nagtanong.

"Anong kailangan boss ? " tanong nito.

"Ah eh, nasan ho yung isang tindero nyo dito ? " tanong ni Ronron.

Kunot noo ang tindero.

"Ah baka yung kapatid ko ang tinutukoy mo. Saglit bumili lang ng miryenda boss. " sabi nito.

Pinakatitigan ni Ronron ang tindero.

Di sa pang mamaliit ngunit gwapo ang lalaking nagsilbe sa kanya nuong nakaraan.

At masasabi nyang walang bakas na magkapatid ang dalawang ito.

..

Maya maya ay natigila nag pagtatanong sa isip ni Ronron ng may magsalita sa likod.

"Kuya, wala na daw burger eh. " sabi nito.

Ngumiti si Ronron at lumingon sa pagbabaka sakaling ang naging kaibigang tindero na ang nasa likod nya.

Ngunit biglang naglaho ang kanyang ngiti ng makita ang lalaki.

"Ayan boss, sya ba ang nakausap nyo dati ? " tanong ng lalaking nasa loob ng tindahan.

Kumunot ang noo ng lalaking bagong dating.

"Bakit ? " tanong nito.

"Eh ikaw atang hinahanap nyan eh. " sabi ng lalaki sa loob.

"Bakit boss ? " tanong ng lalaking bagong dating.

Umiling si Ronron.

"H-hindi sya kuya. G-gwapo yung nakausap ko dito dati. " nais nyang iwasan ang salitang gwapo ngunit wala na talagang ibang salitang maaaring mag describe sa tindero ng charger na nakasalamuha nya nuon.

Tila nainsulto ang magkapatid sa sinabi nya.

"Wag mo namang ipagdiinang panget kami. " sabi ng lalaking nasa loob.

Nagkandailing si Ronron.

"H-hindi naman sa ganon. P-pero kasi hindi talaga sya eh. Wala na ba kayong ibang tindero dito ? " tanong nya.

Umiling din ang lalaki sa loob ng tindahan.

"Wala, dalawa lang kaming nagtitinda dito. " medyo malamig na sagot nito.

Ngumiti na lang si Ronron.

"A-ah ganun po ba ? S-sige po. Pasensya na sa istorbo. " sabi nya.

Nagkandarapa na syang umalis dahil masama na ang tingin ng magkapatid sa kanya.

Ngunit bago makalayo, saglit nyang pinasadahan ng tingin ang tindahan.

Baka nagkamali lamang sya ng napasukan.

Ngunit hindi, dahil nanduon pa rin ang tindahan ng burger kung saan sya bumili ng miryenda kapalit ng charger.

Tila nahilo si Ronron sa kakaisip kaya nagpasya na syang maglakad pauwi.

..

Pag uwi sa bahay ay agad na binalita ni Ronron sa ina ang pagtaas ng mga marka.

Tulad ng inaasahan, natuwa si Sylvia sa nalaman.

"Wow naman anak, nag improve ang grades mo ngayon ah. " puri nito.

Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Ronron.

"Nag aaral na akong mabuti Ma. " sabi nya sabay lahad ng palad.

Nagtaka si Sylvia.

"Oh ano yan ? " tanong nya.

Ngumisi si Ronron.

"Wala bang pabuya ? Reward man lang sa pagsisikap ko. " sabi nya.

Natawa ang ina at binatukan ang anak.

"Mamaya, hintayin mong tatay mo at sa kanya ka humingi ng reward. " sabi nya.

Napangiti na lang si Ronron at umakyat na sa silid.

Muli nyang binalikan sa isip ang mga nangyari sa araw na ito.

Masaya sya.

Mataas ang nakuha nyang mga marka.

Siguradong bibigyan sya ng pabuya ng ama oras na malaman nito ang masayang balita.

Nakangiting pinikit ng binata ang mga mata at nagpasyang umidlip.

..

Napabalikwas si Ronron ng tumunog sa mismong tenga nya ang alarm ng cellphone.

Asar na pinatay nya ito at tinitigan kung anong oras na.

"Alas tres !, shet bakit ba ako nag alarm ng ganitong oras ? " tanong nya sa sarili.

Ngunit bigla din syang natigilan ang maalala ang dating ginagawa.

"S-si Angel. Ano na bang nangyari sa babaeng yon ? " tanong nya.

Mabilis na hinagilap ni Ronron ang lumang cellphone.

Sa malas ay hindi nya ito makita sa dating lalagyan.

Nagsimula syang maalarma ng isang oras na syang naghahanap sa kwarto ngunit hindi nya parin maaninag ang gadget.

Naisip nyang baka nasa silid ito ng bunsong kapatid.

Dali dali syang tumakbo patungo sa kwarto ni Ran.

Pagpasok nya sa loob ay dahan dahan syang naghalughog sa mga gamit nito.

Ngunit inabot na si Ronron ng pagsikat ng araw.

Hindi pa rin nya makita ang hinahanap.

Maya maya ay nagpasya na syang sumuko at nanlulumong lumabas sa silid ng kapatid.

Papasok na sana sya sa sariling kwarto ng marinig ang pagbukas ng pinto ng mga magulang.

Lumabas ang ina na nakaroba pa at halatang bagong gising.

Nagulat si Sylvia ng makita ang anak.

"Gising ka na agad ? " tanong nito.

Ngunit kumunot ang noo ng ina ng mapansin na nanlalalim ang mga mata ng anak.

"Hindi ka pa natutulog ? " tanong ni Sylvia.

Napakamot sa batok si Ronron.

Lumapit sya sa ina.

"No Ma, nagising ako ng 3am. Hinahanap ko kasi yung lumang cellphone. Nakita nyo ba? " tanong nya.

Lalong kumunot ang noo ni Sylvia.

"Speaking of that cellphone. Nagagalit na si Ran dahil hindi na daw nya mahawakan yon. Kahapon pala pag uwi nya sa school, ipaalala ko daw sayo na wag mo na daw gagamitin yon. Pero nakalimutan ko lang sa dami ng ginawa ko kahapon. Wag mong sabihing nawawala ? " tanong nya.

Napayuko si Ronron.

"S-sorry Ma, pero di ko talaga makita eh. Ang alam ko, iniwan ko yon sa drawer sa study table. Di ba lagi akong nagrereview lately ? Kaya di ko na nahaharap yon. Ngayon ko na lang ulit naalala. " sabi nya.

Nagkibit balikat si Sylvia at nilampasan ang anak.

"Hanapin mo yon. Ako ang pinagagalitan ni Ran eh. " sabi nito at bumaba na sa hagdan.

Naiwan si Ronron na gulong gulo at di alam kung saan hahagilapin ang nag iisang bagay na nagsisilbing koneksyon nila ng nobyang si AngeL.

..

Lumipas ang ilang araw.

Pinilit ni Ronron na magpakatatag sa kabila ng labis na pangungulila sa kasintahan.

Lalo pa itong lumalala kapag tumatambay sya sa kubo at nasasaksihan ang matamis na pagtitinginan ng mga kaibigan.

..

Alas tres ng madaling araw.

Nakatunganga si Ronron habang parang tangang nag aabang ng tawag sa kanyang cellphone mula sa dalaga.

Alam nyang malabong tumawag si Angel sa cellphone nya sa hindi nya malamang dahilan.

Naaasar din sya sa sarili dahil hindi nya kinabisado o nilipat man lang ang numero ng nobya patungo sa cellphone nya.

Lumipas ang ilang sandali.

Ang minuto ay naging oras.

Hanggang sa mapabalikwas sya ng bangon dahil sa labis na pagkadismaya sa sarili.

"AAahhhh !!, Angel mahal ko. Nasan ka na ba ? " tanong nya.

Inis na muling humilata si Ronron at pinilit ang sariling matulog.

Nagtagumpay naman sya.

..

Napangiti si Ronron ng makita si Angel na nakahiga sa kanyang tabi ng magmulat sya ng mga mata.

"Good Morning . " sabi ng dalaga.

"Good Morning baby cake. " bati ni Ronron.

Ngumiti sila sa isa't isa.

"Namiss kita. " sabi ni Angel.

"Namiss din kita ng sobra. Bakit ngayon ka lang nagpakita ? " tanong nya.

Unti unting tumayo si Angel at bumaba sa kama.

"Hindi mo naman ako mahal. Hindi mo na nga ako naalala eh. " nagtatampong sabi nito.

Napangiti si Ronron at umiling.

Sinubukan nyang bumangon para hawakan ang kamay ng nobya ngunit nagulat sya ng hindi man lamang sya makagalaw.

"T-teka Angel. Saglit lang. Bakit di ako makakilos ? " tanong nya.

Lumingon si Angel.

Bakas sa mukha nito ang labis na lungkot.

"Aalis na ako baby cake. Masaya akong nakilala kita. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

"H-hindi. Teka lang. Tulungan mo muna akong makatayo. " sabi nya.

Ngumiti ng malungkot ang dalaga at tinungo na ang pinto.

"Sige. Paalam na. Lagi kang mag iingat. Tandaan mo na mahal na mahal kita. " sabi nya.

Sumigaw si Ronron.

Ngunit walang salitang namutawi sa kanyang mga labi.

Labis na lungkot at frustration ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Tinipon nya ang lahat ng lakas para makabangon.

Ngunit bigo sya.

Sinubukan nyang sumigaw at sabihin sa dalaga na hintayin sya.

Ngunit nakalabas na si Angel ay wala pa ring boses na lumabas.

Hanggang sa unti unting magsara ang pinto.

Ang nakatalikod na pigura na lamang ng dalaga ang huli nyang naaninag bago sya balutin ng kadiliman.

..

Napabalikwas ng bangon si Ronron.

Hingal na hingal at pawisan sa kabila ng malamig na silid.

Napatingin sya sa pinto.

Nakasara.

Napahawak sya sa kanyang dibdib.

Kahit sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam nya parin ang intensidad ng nangyaring panaginip.

Tama.

Panaginip lamang ang lahat.

Napapikit sya at nagpasalamat dahil hindi totoong iniwan na sya ng dalaga.

Sa pagkakaisip sa dalaga ay natigilan si Ronron.

Muling nabuhay sa kanyang puso ang di maipaliwanag na kalungkutan at pangungulila.

Ilang minuto syang nag isip.

Hanggang sa makabuo ng desisyon.

"Pupuntahan kita Angel. " madiing pasya nya.

Muli syang nahiga at nag ipon ng sapat na lakas.

Kailangan nya iyon para sa nalalapit na paglalakbay patungo sa kinaroroonan ng dalagang iniibig.