1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call - Prologue
Lagablab

Phone Call - Prologue

By supertoyantz ·

Prologue

"Ma, nakita nyo ba yung charger ko ?" tanong ni Ron habang pababa ng hagdan.

Mula sa pagdidilig ng halaman, lumingon si Sylvia at napasimangot sa anak.

"Ikaw na bata ka, lagi mo na lang akong hinahanapan ng mga nawawala mong gamit. Anong tingin mo sakin ?, lost and found section sa mall ? Aba iho, mag isip isip ka, mag kokolehiyo ka na sa susunod na pasukan, tapos nakaasa ka na lang lagi sakin. " litanya nya.

Napangiwi si Ron, imbes na bumaba ng hagdan, umatras sya at muling bumalik ng kwarto.

Diretso syang humiga sa kama at binagsak ang ulo sa malambot na unan.

Pero natigilan sya ng may makapang matigas na bagay sa ilalim nito.

Kunot noong sinuksok ng binata ang kamay sa ilalim ng unan at napangisi ng makapa ang pamilyar na bagay.

"Bwisit kang charger ka, nandito ka lang pala. " sabi nya.

Hinugot ni Ron ang nasabing charger at mabilis na sinuksok sa plug ang dulo habang ang kabilang dulo ay sa kanyang cellphone.

Umilaw ang aparato at napangisi ang binatilyo.

Saglit nyang pinagmasdan ang battery bar na unti unting napupuno, bago binagsak muli ang katawan sa kama.

Nakatingala sya sa kisame at nagmuni muni.

Kinabukasan.

Araw ng linggo.

Pupungas pungas pa si Ron habang nakikinig sa sermon ng pari.

Pinipigilan nya lamang ang maghikab dahil siguradong makakatikim sya ng makapanginig laman na kurot mula sa ina.

Ilang saglit ang lumipas, natapos na din sa wakas ang misa.

Marahang lumalabas ang mga tao sa loob ng simbahan.

"Papa, jollibee tayo. " aya ng batang si Ran.

Napangiti ang padre de pamilya at kinarga ang anim na taong gulang na anak.

"Sure bunso. Ikaw pa, malakas ka sakin eh. " sabi ni Narcisso.

Kumapit sa braso ni Ronron ang ina at sumunod na sila sa naglalabasang tao.

..

Sa loob ng fastfood, bibong nagkukwento ang bata sa ama at ina nito.

"Yes Papa, ako ang pinakamataas sa test namin !. Binigyan ako ni teacher ng star, kaso nabura na kasi naligo ako eh. " kwento ni Ran.

Napangisi ang ama at kinurot ang pisngi ng anak.

"Talaga? ang galing galing ng anak ko ah, manang mana kay Papa. " proud na sabi nya.

Binalingan ni Sylvia ang anak na panganay.

"Hoy !, inaantok ka na naman. Lagi ka na lang kasing puyat kakadutdot dyan sa cellphone mo. Para kang bubuyog na bulong ng bulong sa hatinggabi. " sermon ng ama.

Napasimangot si Ron.

"Ma naman, sinusulit ko na lang yung weekend eh. " katwiran nya.

Umismid lamang ang ina at sumubo ng pagkain.

Binaling ni Ron ang tingin sa labas ng salaming binata at pinagmasdan ang mga taong paroo't parito sa kalsada.

Hanggang sa may mahagip ang kanyang mga mata.

"Ma ano yun ?. " tanong ng binata.

Napalingon ang mag asawa sa tinuro ng anak.

"Cellphone ata anak e, kunin mo nga. " utos ni Narcisso.

Dali daling tumayo si Ronron at lumabas ng fastfood resto.

Pasimple syang naglakad palapit sa nasabing gadget at napasimangot ng makitang lumang estilo ito.

"Tae, 3310. Bulok, kaya pala iniwan na lang basta. " bulong nya pero dinampot parin ang cellphone para tingnan.

Muling bumalik ang binata sa pamilya nya.

Naupo sa dating pwesto at nilapag sa mesa ang cellphone.

"Luma na yan Pa, kaya siguro tinapon. " sabi ni Ron.

Dinampot ng ama ang cellphone at sinubukang buksan.

"Oh ayos pa oh, mapapakinabangan mo pa yan. " sabi nito sabay abot ng aparato sa anak.

"Ayaw ko nyan, tsaka wala akong charger nyan. " tanggi ni Ron.

Tinaas ni Ran ang kamay at pilit na inagaw ang cellphone.

"Ako Papa, ako gusto ko. " sabi nya.

Natawa ang mag asawa.

"Anak, bata ka pa, sinong itetext mo ?" tanong ng ina.

Ngumuso ang bata.

"Kayo, para kapag uwi na ko, text ko na lang kayo. " katwiran nya.

Lalong natawa ang ina.

"Eh paano mo kong itetext ?, eh nasa labas lang ako ng room mo at nagbabantay sayo. " natatawang sabi nya.

Napasimangot lalo ang bata.

"Si Papa, text ko sya para uwi na agad. " sabi nya.

Natawa si Narcisso at ginulo ang buhok ng anak.

Pero tumango ang ina.

"Tama ka anak, text mo si papa na umuwi ng maaga para hindi na kung saan saan dumidiretso. " banta ng ina.

Napaubo ang ama.

"Honey naman, parang nagpaparinig ka ah. " reklamo nya.

Ngumiti lang ang ina.

"Bakit ?, tinatamaan ka ?" tanong nya.

Napakamot na lang sa batok ang ama at nagpatuloy na sa pagkain.

Tuwang tuwang niyakap ni Ran ang bagong cellphone.

..

Gabi.

Abala sa panunuod ang magkapatid sa salas ng humikab si Ran.

"Antok ka na ?" tanong ni Ron sa kapatid.

Tumango ang bata at nahimlay sa kandungan nya.

Napangiti lang ang binata at pinagpatuloy ang panunuod.

Kanina pa bagsak ang mga magulang nila at naghihilik na sa kwarto.

Sya naman ay gising na gising pa.

Nakatulog kasi sya kaninang hapon kaya alive na alive ang sistema nya, di alintana na may pasok din sya kinaumagahan tulad ng kapatid.

Isang oras ang lumipas.

Nakaramdam ng pangangawit ng hita si Ronron.

Pinagmasdan nya ang natutulog na kapatid sa kandungan at napangiti ng makitang nakathumb suck pa ito.

Ugali nya rin ito nung bata pa sya sabi ng ina.

Marahang tinanggal ni Ronron ang daliring nakasubo sa bibig ng kapatid bago muling pinagpatuloy ang panunuod.

Hanggang sa gumalaw ang bata.

Masuyong tinapik ni Ron ang hita ng kapatid pero napangiwi sya ng maramdamang basa ang parteng hita ni Ran.

"Anak ng, ang tanda tanda mo na Ran umiihi ka pa !. " bulong nya.

Asar na binuhat ni Ronron ang ulo ng kapatid at maingat na binaba sa sofa.

Nakasimangot na inalis nya ang shorts ng bata kasama at tinapon kung saan.

Nagdalawang isip si Ron kung ipagpapatuloy ba ang panunuod pero di nya matiis na nakahubad ang kapatid.

Bumuntong hininga sya at binuhat si Ran paakyat ng hagdan.

Diretso sya sa kwarto nito.

Kinapa nya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto at bumaha ng liwanag sa buong silid.

Dire diretso sya sa maliit na kama ni Ran.

Matapos maingat na ibaba ang bata, tinungo ni Ron ang drawer nito para maghanap ng salawal.

Matapos makakuha ng pajama, marahang sinuot ito ng binata sa kapatid.

..

Himbing pa rin si Ran habang sinusuotan ni Ron ng pajama.

Matapos tagumpay na maisuot ang salawal ay marahang kinumutan ng panganay ang bunso.

Saglit nya itong pinagmasdan bago napangiti ng kusang isubo ni Ran ang hinlalaki.

Napailing na lang si Ronron.

Hinalikan nya ang noo ng bunso bago lumabas na ng silid.

Bago nya isara ang pinto ay may napansin syang kakaiba.

Kunot noong muling pumasok si Ron at tiningnan ang umiilaw na bagay malapit sa kama ng kapatid.

"Yung bulok na cellphone ni Ran. " nakangising bulong ni Ron.

Dinampot nya ang aparato at nilagay sa side table ni Ran, pero bigla itong tumunog.

Napaigtad sa gulat ang binata.

"Shit ! " bigkas nya.

Saglit na kinalma ng binata ang sarili bago muling dinampot ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag text.

"Sun lang pala. Uy infairness wala pa akong sun na sim. Hehe, akin ka ngayon. " bulong nya.

Kinuha ni Ron ang cellphone at marahang lumabas ng kwarto.

Naisip nyang kahit papaano ay tama ang ama.

"Mapapakinabangan ko nga to. Tatlo na ang sim ko. Wahoho. " bulong nya at bumaba ulit para manuod.

Naupo si Ron sa sofa at nilapag ang cellphone katabi ng cellphone nya.

Tinutok nya ang mga mata sa TV at nanuod.

..

Ilang saglit ang lumipas.

Kasalukuyang commercial ng mapansin ni Ron ang sariling cellphone.

"Ano ba yan, wala man lang nakakaalala. Napakalungkot na buhay to. " drama nya.

Kinalikot nya ang bagong iPhone 4s at nagcompose ng text.

Karamihan sa contacts nya ay puro babae.

Kung ano ano kasing fan page sa facebook ang pinaglalagyan nya ng numero.

Pinagmamasdan lamang nya ang mga contacts ng muling tumunog ang lumang cellphone.

Nilapag ni Ron ang sariling phone at dinampot ang luma.

"Sun again. Hmm. Sino kayang may ari nito. " sabi nya sa sarili.

Pero muling binitawan ni Ron ang cellphone ng matapos na ang commercial at muling pumaibabaw ang pinapanuod.

..

Alas tres ng madaling araw.

Nakanganga na ang binata at mahimbing na natutulog.

Bigla syang napabalikwas ng bangon ng tumunog ang cellphone.

"Pakshet !. " asar na sabi nya at kinapa ang aparato sa side table.

Sa nanlalabong mata, tiningnan ng binata kung sino ang tumatawag.

Pero nagtaka sya ng mapansing hindi sa cellphone nya galing ang tawag.

Nilingon ni Ron ang pinanggalingan ng makabasag eardrum na ringtone.

Binaba nya sa mesa ang sariling phone at dinampot ang luma.

"Baby cake ? Ewwwnesss. Kadiring callsign naman nito. " natawa sya bigla.

Pinagmasdan ni Ron ang aparato.

Patuloy pa rin ito sa pagtunog.

Napaisip sya.

"B-baka yung may ari yung tumatawag. O kaya yung syota nya. Shit. " akmang papatayin nya ang tawag pero kusa itong namatay.

Nagkibit balikat na lang sya at nagpasyang patayin na ang phone.

Pero bago nya pa napatay ang gadget ay muli itong tumunog.

Nagtalo ang isip ni Ronron kung sasagutin ba o papatayin na ang phone.

Pero tila may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya na sagutin ang tawag.

Tutal wala namang magagawa ang may ari, kung sakaling bawiin nito ang phone, ibibigay nya. Naisip nyang mahirap lamang ang may ari ng cellphone base sa model nito.

Malamang na importante dito ang aparato.

..

Nagpasya si Ronron na sagutin ang tawag.

Matapos nyang icheck ang sariling boses, pinindot nya ang phone at nagsalita.

"H-hello ?" bungad ni Ron.

Saglit na katahimikan ang namayani.

Muli syang nagsalita.

"Uhm, ikaw ba ang may ari ng phone na to ?" tanong nya.

Wala paring nagsasalita.

"Ah, napulot ko kasi ito dun sa harap ng jollibee, kung ikaw ang may ari. Pwede kong isoli ito sayo. Pero mamaya na lang ha ?, alanganing oras na kasi eh. " sabi nya.

Nakarinig ng buntong hininga si Ron.

Kumunot ang kanyang noo.

"H-hello. pwede bang makipag friends ? " boses babae.

Natigilan ang binata.

Tila galing sa anghel ang narinig nya.

Parang may kung anong nabuhay sa loob ni Ronron.

"S-sige. Anong name mo ?" tanong nya.

"Angel. " sagot ng babae.

Napangisi si Ron.

"Ilang taon ka na ?, anong itsura mo. May facebook ka ba?. Eh instagram ? Single ka ? " sunod sunod na tanong nya.

Natawa si Angel sa kabilang linya.

"Hephep, hinay hinay lang. Yung una at huling tanong mo. I'm sixteen and yes, I'm single. " sagot nya.

Napangiti si Ron.

"Hmm, may facebook ka ?" tanong nya.

"Yes, add mo ko. " sagot ng babae.

Napangiti lalo ang binata.

"Sige, wait. " sabi nya at dinampot ang sariling phone.

Nagbukas sya ng facebook.

"Anong email mo ? Baka poser ka ha. " sabi nya.

Natawa si Angel.

Sinabi nito ang email address at sinearch naman ng binata.

Biglang natigilan si Ron ng makita ang mukha ng babae.

"Holy shit, ang ganda mo !. Ikaw talaga to ?" tanong nya.

Muling natawa ang babae.

"Yup. Ako at ako lang. Anyway, di ka pa ba matutulog ? Kwentuhan muna tayo. " sabi nya.

Napangiti si Ronron.

Nawala na ang antok nya.

Pinatay nya ang sariling phone at kampanteng nahiga sa kama.

"Sure ! . " sagot ng binata.

Hindi na napansin ang oras.

Tuloy tuloy lamang ang masaya nilang kwentuhan at pagtatanungan sa isa't isa.