1. Home
  2. Stories
  3. Playmates - Part 9
Pinoy Tambay

Playmates - Part 9

By unknown ·

"What are you waiting foooor. . . . "

Narining kong tumutugtog ang soundtrack ng 50 Shades of Gray sa radyo. Bigla kong naalala si Sharlene. Tinext ko siya.

TO: Sharlene

Sharelene, Kamusta?

"Love me like you do lo-lo-love me like you do , . . "

FROM: Sharlene

Eto kuya renz, medyo na ka move on na. Kamusta studies?

"Touch me like you do to-to-touch me like you do , . . "

TO: Sharlene

Orientation namin ngaun. About sa school.

Isang linggo na agad ang nakalipas. Matapos ang walang kapagurang introduce yourself na pakana ng mga bago kong professor. Ngayon ay college orientation namin. Last time ay inorient kami about sa course. Wala naman akong naintindihan.

Siya nga pala, nakabukod si Sharlene ng tinutuluyan. Nag aaral siya ngayon sa isang pampublikong high school dito sa Manila. Yun ang gusto niya, ang sabi nga nila mama at papa sa private na, pero talagang ipinilit niya na sa public nalang.

Last time, may nabingwit ang papa kong malaking client from Australia, naka benta siya ng condo unit worth 5 Million, 10% nun ay sa kanya plus binigyan pa siya ng isang unit. Ayun ang pinagamit niya kay Sharlene.

Siguro mas maigi na din na magkahiwalay kami para na din hindi na lumala pa ang mga mangyari.

Hindi na nagreply pa si Sharlene. Busy din kasi yun sa dami ng requirements at project.

"HONK HONKKK!"

Si Miguel, ayos ang porma. Gwapong gwapo sa suot na uniform.

"Pare, tara na!" Ang aya ko pa sa kanya.

Nakabili na nga pala si papa ng brand new na kotse kahapon lang. Dahil ito sa naibenta niyang condo plus yung ipon niya. Kinuha niya din ako ng driver, wala pa kasi akong drivers liscence. Sa totoo lang, ayoko ng may tsaperon, KJ kase Hehe.

Sumakay si Miguel sa kotse. Inisprayan ko na din ng dala-dala kong pabango PlayBoy. Bago pa ito at ibinagay ko nalang sa kanya tutal napakarami ko pa sa bahay.

"Ano to?" – Miguel

"Insecticide pare! Hahahaha" biro ko.

"Loko ka talaga. Salamat!"

"Sa 'yo na yan. Hehe. Ah! May papakilala nga pala ko sa 'yo. Kuya liko niyo po sa kanan tapos kaliwa tayo."

"Sino yun?"

"Basta."

"HONK HONKKK!"

"Jairus! Sabay na."

"Miguel, si Jairus. Jairus si Miguel. Tropa ko nung high school eto naman si Jairus, kalaro ko to noon. Magiging mag schoolmate pa la kami."

Tumango lamang si Jairus at umapir kay Miguel.

"Mula ngayon, sabay-sabay na tayong papasok tatlo. Ok?"

"Salamat Pre!" – Jairus

Dito na nakatira si Jairus. Naka kuha siya ng dorm di kalayuan sa amin.

"Andito si Sharlene ah!"

"Oo, nga pero hindi ko alam ang bahay."

"Sige turo ko sa 'yo some other time."

"Kamusta na kayo?"

"Shhhhh! Quiet ka lang" Napatingin ako kay miguel ngunit tahimik lang ito "ok lang kame. Kayo?"

"Ahhh, Hindi ko na nga siya nakausap eh. Dadalawin ko nga eh."

"Pare, kilala mo na si Sharlene?" Sabi ni Jairus kay Miguel.

"Chix yun yan Miguel Hehehe" – Renz

"Haha hindi pa eh."

Ilang sandali lang ay tumigil na ang sasakyan. Nasa UST na pala sila.

"Tara na!"

Lumabas ang tatlo, mga nag-gagwapuhan kahit nakasuot ng uniporme, pinagtitinginan tuloy sila ng mga beki at ng mga magaganda at hindi kagandahang mga chix.

"Hi kkuya," Ang sabi ng isang beki kay Miguel.

Kilala ko yun! Si Vanessa. Maingay na beki sa School. Officer ata ito, at higher year kesa sa amin.

"Hello." Sumagot naman si Miguel.

Dumeretso na sila sa auditorium kung saan gaganapin ang college orientation. Lahat ng freshman at transferees ay kasali at imbitado sa orientation.

Hiwahiwalay kami ng upuan. Nakilala ko si Sabrina, katabi ko sa upuan. Mass Communication student.

"Ako? Ah, ECE Hehe" – Renz

"Ano yun?" – Sabrina

"Electronics and Communications Engineering."

"Ah, so tungkol san yun?"

"I don't know. Haha, no idea."

Nagsalita na ang emcee. Hudyat na umpisa na ang orientation. Wala naman akong ganang makinig.

"Ako? Miguel, Miguel Tan. Ikaw?"

"Krystal, Krystal Reyes."

"Ahhhh, kapatid mo si Kristine?"

"Sinong Kristine?"

"Eh di si KRISTINE REYES?! HAHAHAHAH" biro ni Miguel sa katabing dalaga.

"Hahaha ANG KORNY!!! loko ka, kala ko kung sinong Kristine. So anong course mo?"

"I.E. Ako."

"Hmmm, Industrial Engineering?"

"Yup! Ikaw?"

"Mass Com!"

"Mass Com? Mas komportable sa bahay? Hahaha"

"Hahaha kanina ka pa ha!" sabay palo nito sa balikat ni Miguel. Sa pagkakatabi ay naging close agad ang dalawa.

Wala pang definite schedule ang mga estudyante, ngayon pa lang nila ito malalaman. Meron sila ngunit temporary lamang. Ito ay para magkakila-kilala ang mga ito.

"Ano ngang name mo kuya? Sige na? Batch?! AY! Ano pala, course?"

"Jairus."

"Ang suplado mo naman. Apelyido?"

"Ano nga? Sige na. Course?"

Umiling lamang si Jairus.

"Manahimik ka nga. Please?!"

"SUPLADOO! Tse!"

"Buwisit kasi yung mga baklang katabi ko. Punyeta, sa dinami dami ng pweden makatabi puro beki pa!" – Jairus

"Hahahaha!" – Renz

"Tang ina iniisnub ko na nga ayaw akong tigilan."

"Ako nakilala ko si Charmaine, Mass Com student."

"Ah, baka magclassmate sila ni Sab."

"Sab?"

"Yung katabi ko. Sabrina Mann"

"Hmm, buti pa kayo. Ako puro classmate ko lang kilala ko. Panay lalake kami" – Jairus

"Ok na daw yun. Magpakaloyal ka na lang daw kay Sharlene hehehe" – Renz

"Haha, baket!? Loyal naman ako eh. Hahaha Ikaw ba Miguel? Musta love life?"

"Ah, nasa London na siya." Masayang masayang sagot ni Miguel ngunit napatakip siya ng bibig at napatingin kay Renz.

"Sorry."

"May contact ka pa ba sa kanya?" – Renz

"Wala na nga eh."

"Oh, mag move on ka na!" Sagot ni Renz na parang medyo nakasimangot at umalis. Naiwan kami ni Jairus.

"Badtrip ata?" – Miguel

"Sino ba yun?" – Jairus

"Bianca."

"Bianca? "

"Oo, Bianca. Bestfriend ko, crush niya. First love ata?"

"Ahhh. Matagal na kayong . . "

"Heeeey Jeeyyruzzz!" Tinignan lamang ng masama ni Jairus ang mga nagdaang beki.

"Punyeta talaga tong mga beki na 'to eh!"

"Hahaha. Tara, sundan natin si Renz."

"Miguel."

"Oh, Krystal. AH! Si Jairus nga pala, bago kong kaibigan"

"Hi, Jairus."

"Ah, Jairus si Krystal. Mass Com student."

"Hello."

"I'm going to take my lunch sana, you want to go with me? Wala kasi akong kasama."

"Ah, sige. Sure! Jai sama ka?"

"Ah, sige thanks. Sundan ko nalang si Renz."

"Sige. Kita-kits nalang mamaya."

"Sa parking?"

"Ge sa parking."

"Bad trip bad trip bad trip bad trip bad trip talaga! OO! Nyemas!"

"Oh! Renz!" – Jairus

"Bad trip ka ata?"

Naabutan ni Jairus na nakaupo sa isang lilim si Renz. Medyo mukhang badtrip ito dahil sa nasambit ni Miguel.

"Punyeta yang Miguel na yan eh."

"Bakit naman? Pabayaan mo na. Nasa London na pala eh."

"Sabi niya kase mag bestfriend lang sila eh. Punyeta"

"Kalma ka lang." At hinimas himas nito ang likod ni Renz.

"Madami pang iba diyan." Bulong ni Jairus at pasimpleng itinuro ang babae sa kanan niya.

"Ahemmm! Ah HI!" bati ni Renz.

"Ah, hello. Renz?"

"Ah, oo. Ah! he's Jairus, friend ko."

"Hiiiii! BHHEEE!!" Maingay na bati ng isang beki

"Hello Vanessa."

"Ah! By the way I'm Sabrina Man and She's Vanessa. Ahead siya sa atin. President siya sa theatre club dito."

"SHE? Hahaha" Biro ni Jairus.

"Hahahaha" Nagtawanan lang ang tatlo.

"So, Nikki? Anong kinukuha mo?"

"Ah, I'm taking up Law. Ikaw?"

"Wow! Law?! Uhm ECE Ako. Electronics and Communications Engineering. Parehas kami ni Jairus"

"Ahhh,"

"How about you Vanessa?"

"Marco." – Nikki

"BEHHHH! Wag ka nga!"

"Hahahaha. So Marco pala name mo."

"Hahaha, yes that's true. Ako? Psychology ako."

"Wow, Psych."

"Yup, human behavior."

---KRING ---KRING --- KRING

"Oh! May klase pa pala ko, so bye boys. Nice meeting you." – Sabrina

"Ako din. Bye boys!" – Vanessa

"Sige bye."

"Ang ganda nun ah!" – Jairus

"Oo nga eh."

"Sabrina Man. Search natin sa Facebook. Haha"

"Add na yan! Hahaha"

"So, how's your first day dito?" – Krystal

"Kabado. Lagi naman eh. Haha, mag-isa lang kasi ako. Si, ung kasama ko kase hindi ko nakasama gawa ng namatay ang tito at tita niya sa aksidente." – Miguel

"Ahhh,"

"Eh ikaw?"

"Ayos lang, Kasama ko bestfriend ko dito kaya ayun. Carry lang hehe."

"Ahm! May klase ka pa ba?"

"Ah! I almost forgot. Meron pa kong isang aatendan. I think we need to go."

Bubunot na sana ng pera si Miguel sa kanyang bulsa ng pigilan siya ni Krystal.

"No. My treat."

Napangiti lamang ang binata. "Thanks Krystal."