1. Home
  2. Stories
  3. Rated R II Stories 24
Lagablab

Rated R II Stories 24

By Hunter ·

Rated R II Stories 24: The Dance of Sin

matapos akong makapag pahinga ay tumayo na ako at nag palit ng damit sinuot ko ang itim na long slevee at ininupi ko ang manggas nito at gaya ng ibang damit ko ay may tatak eto ng incubus. nag suot din ako ng ibang pantalon at sapatos at nag suot ako ng long coat.

nag bihis ako upang sa pag hahanda sa naka ugalian ng incubus na tuwing birthday ng isa sa myembro o special sa myembro ay mag kakaroon ng isang munting sayaw.

pag labas ko ng kwarto ay mag sisimula ng ang sayaw at naka tayo na si layla sa gitna at napapalibutan na sya ng mga myembro ng incubus.

dito napansin kung napalitan na pala ang damit ni layla isang magandang gown na kulay itim at may inverted cross sa likod na butas.

nahihiya si layla at halatang hinahanap ako pero nag simula na ang unang kanta kung saan isasayaw sya ni Roan at Jayson.

ang unang kanta ay ang kanta ni James Blunt na You're Beautiful at ang unang lumapit sa kanya ay si jayson para sa unang sayaw nya nahihiya man si layla at pilit akong hinahanap ay tinanggap nya ang hiling ni jayson na maisayaw sya.

ang ganda ni layla ng mga oras na yun parang isang prinsesang sumasayaw at dahil sa alalang iyon ay muling bumalik sa isip ko si leah ang unang babae na minahal ko.

masaya ako na nakahanap ulit ng mag mamahal sakin sa katauhan ni layla at mahal ko narin sya , natapos na ang kalahati ng kanta at pumalit na si roan kay jayson at pinag patuloy ang pag sayaw si layla naman ay halatang hinahanap parin ako.

ng matapos ang kantang sinayaw nila ni roan ay parang nalungkot at nagalit si layla ng hindi ako nakita parang disappointed sya na wala ako sa oras na yun para isayaw sya napangiti ako dahil para syang bata na hindi nabili ang candy na gusto nya ang cute tignan.

nag simula na ang pangalawang kanta at ang kanta ay ang kanta ni Christina Perri na A Thousand Years at si Marvin at si Edwin.

unang lumapit si Marvin kay layla at nag simula na silang sumayaw hindi ko talagang maiwasang mamangha sa ganda ni layla kahit na galit eto ay maganda parin sya nakangiti ako at tumingala sa langit.

"pangako leah hindi ko pababayaan ang kapatid mo walang masamang mang yayari kay layla at mamahalin ko sya ng walang kapantay" sinabi ko sa sarili ko at nag simulang tumulo ang luha ko habang pinanonood ang pag palit ni edwin kay marvin para isayaw si layla.

"nagustuhan mo ba ang mga kanta" tanong sakin ni naomi .

"oo salamat at may utang nanaman ako sayo nito di na ata kita mababayaran" sagot ko kay naomi habang pinupunasan ng panyo ang mga luha ko.

"well that would be a total of 10million babayaran mo ako pag nag tratrabaho kana sakin salary deduction" nakangiting pang asar sakin ni naomi at dahil sa sinabi nya ay napangiti narin ako.

"sure at dahil salary deduction naman ay dadagdagan ko pa ang utang ko sayo" nakangiting sagot ko kay naomi.

tapos na ang pangalawang kanta naka tayo parin si layla hindi parin tumitigil ng pag hanap sakin ng mag simula ang pangatlong kanta at ang kanta ay when you say nothing at all ni Ronan Keating si Om's at JP na ngayon ang mag sasayaw sa kanya.

hindi ko maitatanggi na parehong magandang lalaki ang dalawa mas magandang lalaki pa nga sila skin sa tingin ko.

si JP ang unang mag sasayaw kay Layla at gaya ng naka ugalian meron syang dalang itim na rose na may inverted cross sa tangkay nito namumula ang mukha ni layla habang kasayaw nya si jp dahil siguro sa hiya.

"bakit malungkot ka hinahanap mo si laz" tanong ni Jp kay layla malapit lang ako sa pinag sasayawan at tinatakpan ng ibang myembro para di ako makita ni layla.

"oo diba dapat sasayaw nya rin ako" malungkot na sagot ni layla kay JP.

"wag kang malungkot malay mo mamaya andyan na sya" sagot ni JP kay layla at sabay bitaw dito at abot ng kamy nya kay om's.

nakangiti si om's ng iabot nya ang isa pang itim na rose na gaya ng kay JP ay may inverted cross sa tangkay na gawa sa bakal.

"its almost time" sinabi sakin ni naomi dahil matatapos na ang kanta at nasa plano na ako ang huling mag sasayaw kay layla.

nagsimula na ang huling kanta at eto ay ang kanta ng Sixpence None The Richer na Kiss Me naka tayo parin si layla sa gitna malungkot at nag aantay ng susunod na mag sasayaw sa kanya.

"can i have this last dance?" tanong ko kay layla mabilis na napalingon sakin si layla at biglang napasimangot at maluhaluha ng makita nya ako.

"its my pleasure" nakangiting sinabi sakin ni layla ng inabot nya ang kamay ko mabilis napalitan ang kanyang simangot at maluhaluhang mukha ng matamis at magandang ngiti.

"akala ko iniwanan muna ako" sinabi sakin ni layla habang nag sasayaw kaming dalawa ni layla.

"magagawa ko ba naman sayo yun my angel" sagot ko kay layla na lalong nag pangiti sa kanya.

kaya wala na kaming ginawa kung hindi ang namnamin ang sandaling oras ng pag sasayaw naming dalawa parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng bahay ng mga oras na yun dito ko naalala na malapit na rin pala akong mag birthday sa dami ng ngyari ay nakalimutan ko na ang mismong araw ng kaarawan ko.

natapos na ang kanta at bago paman matapos ng tuluyan ang kanta ay hinatak ko si layla palapit sakin at binigyan ko sya ng isang madiin at mapag mahal na halik gaya ng hinihiling ng kanta.

"woooooooohhhh" sigawan ng lahat na may kasabay na palakpakan si layla naman ay pulang pula ang mukha dahil sa hiya sa naging reaksyon ng mga tao sa paligid.

"there you see it the romantic dance for the birthday celebrant ngayon naman po ay oras na para buksan ang mga regalo alam kung madami ang regalo kaya kailangan nating isabay ang pag kain sa pag bubukas ng regalo kung hindi baka patay na tayo sa gutom bago matapos ang mga regalo" pang aasar na sinabi ni mabell sa lahat ng nanonood kaya naman nakatikim sya ng isang batok mula kay emma.

"sira ulo wala tayo ngayon sa comedy bar" sinabi ni emma kay mabell na ngayon ay hawak hawak ang ulo nya dahil malakas ang batok na ginawa ni emma sa kanya.

"ah layla puwede mo ng simulang buksan ang mga regalo mo at ang mga bisita puwede na po tayong kumain" sinabi ni emma sa lahat ng bisita kaya naman pumuwesto na si layla sa tapat ng mga regalo at kumuha naman ng makakain ang iba at bumalik sa panonood kung ano anong regalo ang makukuha ni layla.

napakaraming iba't ibang klasing regalo may nag regalo ng stuff toys damit at kung ano ano pa pero muntik na akong mahulog sa kina uupuan ko ng makita ko ang regalo ni Emma shit isang nighties daring eto halos kapirasong tila lang ata eto.

at ang regalo naman ni mabell ay gaya ng kay emma mas malala pa ata sex enhancer drugs mga sira ulo talaga ang mga kasama ko sa incubus pero natuwa ako sa reaksyon ni layla ng buksan nya ang regalo ni naomi isang Iphone 5S ung may pinaka malaking memory ata yun dahil luma na ang cellphone ni layla ay tuwang tuwa sya sa bagong cellphone nya at incubus version pa eto halatang pina costumize ni naomi.

naubos na ang regalo at parang may hinahanap pa si layla dito ko naalala ang mga regalo ni mabell emma camila sonnia at JP at Om's puro sex item at alam kung hindi mag dadalawang isip si layla na gamitin eto sakin pag may pag kakataon.

"asan ang regalo mo my Demon?" nakasimangot na tanong sakin ni layla ngingiti ngiti lang ako dahil ang ireregalo ko sa kanya ay ang card na mag bibigay sa kanya ng rights to order me around for the whole day at susundin ko eto ng walang pag tutol.

itutuloy....