1. Home
  2. Stories
  3. Rated R II Stories 5
Lagablab

Rated R II Stories 5

By Hunter ·

Rated R II Stories 5: A little Rest and Get Together.

habang nasa mall kami ay hindi mapigil ng mga tao ang tumingin dahil sa ganda ng dalawang kasama kung babae na si naomi at camila hindi mo rin naman matatago na magandang lalaki din si JP pero ang hindi ko rin maiwasan na mapansin ang mga tumitingin sakin.

"ah naomi hindi ba kayo naiilang na pinag titinginan nila tayo" tanong samin ni camila sino nga naman ang hindi titingin lalo na kay naomi dahil ang suot nya any kulay itim na backless at ang butas sa likod ay inverted na cross.

"dont mind them masyado lang kasi tayong magandang dalawa kaya di nila mapigil ang tumingin" nakangiting sagot ni naomi kay camila habang nag lalakad lakad kami.

"oo nga naman camila wag kang mailang di rin mag tatagal ay masasanay karin sa pag tingin tingin ng mga tao" sinabi ni JP kay camila habang naka sakay na kami sa escalator.
"ah camila maiba lang may boyfriend kana ba?" tanong ni JP kay camila umiling lang eto kaya napa ngiti si JP.

"yes laz mukhang may chance na akong mag ka GF" masayang bulong sakin ni JP kaya napa ngiti narin ako dahil magiging masaya ako para sa kaibigan ko.


"may crush ka ba camila puwede bang malaman kung sino?" nakangiting tanong ni JP wala akong narinig na sagot mula kay Camila pero natawa ako sa susunod na sinabi ni JP.

"anooooo! bakit si laz nanaman huhuhu mukhang wala na talaga akong pag asa mag ka gf na succubus" malungkot na sinabi ni JP malamang ay tumingin lang sakin si Camila ng tanungin ni jp kung kanino sya may crush.

ilang minuto lang ay nakarating na kami ng food court at agad kaming umupo at nandun na si mabell at si Emma pero wala pa ang isa pa sa myembro ng incubus dahil nasa U.S pa siguro.

si Emma at JP ang bumili ng kakainin namin at habang nag aantay kami sa dalawa na bumibili ng pag kain ay may dalawang tao ang lumapit samin.

"hello can i get your name?" tanong sakin ng isa sa dalawang babae na lumapit saming apat na nag aantay.

kitang kita ko na napangiti si Naomi dahil mukhang interesado ang dalawa sakin o malamang ay kilala nila kami.

"what for?" sagot ko sa babae na nag tanong kung anong pangalan ko na nag pangiti dito malamang ang akala nya ay madali nya akong makukuha dahil sa maganda sya.

"i am interested on your necklace and your ring and i would like to know where do you buy it" sagot sakin ng babae sakin tinitigan ko silang dalawa na parang kinikilatis ko ang mga pag katao nila.

maganda sila pareho ang nag tanong ng pangalan ko ay maputi mahaba ang buhok na hanggang balikat maputi ang balat at bilugan ang puwet sexy at ang ganda ng balakang ang bilugan ang mga hita.

ang babae naman na nakatayo sa likod nya ay mas mahaba ang buhok kisa sa kumakausap samin pero di hamak na mas maganda ang nasa harap ko o sadyang hindi lang sya nag aayos parehas na parehas sila ng katawan mas sexy lang sya ng kunti sa kumakausap sakin.

"actually you cant buy this kind of accessory anywhere its exclusive for us" sagot ni naomi sa babae na parang naintriga sa sinagot sa kanya ni Naomi.

tumingin lang ako kay naomi at kumindat lang sya sakin at nakuha ko ang ibig nyang mangyari.

"whats your name?" seryosong tanong ko sa babae na kinagulat nya at nag pangiti sa kanya dahil ang buong akala nya ay di ako interesado at totoo ang hinala nya wala akong interest sa kanya.

"my name is zoe at eto naman si savannah" pakilala ng babae sa sarili nya at sa kaibigan nya.

"my name is lazaros" sagot na pag papakilala ko sa kanila at di namin napansin na dumating na pala si JP at Emma.

"kain na tayo" nakangiting sinabi samin ni JP at hinain naman ni Emma samin ang pag kain na binili nila ni JP.

"ayaw namin na makaistorbo sa pag kain nya so mauuna na kami" paalam ni zoe samin nakatingin sakin si Naomi at alam ko ang titig na yun gusto nyang bigyan ko ng dalawang invitation ang dalawang babae para makasali sa incubus.

"wait zoe before you two leave i want you to have this calling card" sinabi ko kay zoe at binigyan ko sila ng card ang hindi nila alam ay tumatayo rin etong invitation para makasali ka sa incubus.

"thank you expect a call from but i dont know about savannah" sinabi sakin ni zoe ngumiti lang ako at alam ko sa sarili ko na si savannah ang unang tatawag sa number na nakalagay sa invitation.

"soo sino yung dalawa?" tanong ni JP saming tatlo hindi ko sya sinagot at nag patuloy sa pag kain.

"nakipag kilala lang at interested dito" sagot ni mabell at sabay turo sa kuwentas nya na symbolo ng incubus.

"and i am a little interested on savannah" sinabi ni Naomi na kinagulat ng lahat natawa lang ako dahil hindi talaga mabasa ng kahit na sino ang ugali ni naomi.

matapos ang sinabing yun ni Naomi ay tahimik na kaming kumain lahat si Camila at si Emma ay nag kukuwentuhan na unti unti ng napapalagay na ang loob nito samin.

sinasabihan ni emma si camila na kailangan nyang mag ayos at sayang naman ang ganda nya kung itatago nya lang eto at ang tanging tugon ni camila ay wala na syang magandang damit na puweding ipang lakad na gaya nilang tatlo.

"dont worry camila kaming bahala sayo diba sis" sagot ni emma at sabay tingin kay mabell na tuwang tuwa dahil para silang nakakuha ng bagong kapatid na bunso.

"salamat talaga at ang suwerte ko na tinanggap nyo ako" pasalamat ni camila na nag simula nanamang umiyak.

"hala ka emma pinaiyak mo" pang asar ni JP kay emma na ngayon ay pilit pinatatahan si Camila hindi na ako nakialam dahil normal na harutan lang naman nila ang ng yayari.

"Tse! tahan na please camila" pag papataham ni Emma kay Camila at habang pinatatahan nila eto ay isang boses ang tumawag sakin na talagang kinagulat ko.

"laz? oo nga ikaw nga" ang pag tawag ni leah sakin mula sa likod ko na talagang kinagulat ko hindi ko inaasahan na nandun si leah at mukhang namukhaan ako.

tumayo ako para salubungin si leah na palapit sakin nakatingin lang ang lahat ng kasama ko sakin nag aantay kung anong susunod kong gagawin.

"ano...." putol na sinabi ni leah dahil agad ko syang hinatak at hinalikan gulat ang lahat ng tao sa paligid at mas lalong nagulat ang kapatid nyang bunso na si Layla na nakatitig lang samin at kinindatan ko sya na nag papula sa mukha nya.

"ikaaaw talagaaa ang daming taooo nakakahiyaa" ang tanging nasabi ni leah ng mag hiwalay ang mga labi naming dalawa pulang pula ang mukha nya at halatang nasarapan sa halik ko.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at napatingin sya kay Layla.

"nag pasama kasi si layla sakin bumili ng review material para sa exam nya sa college mag eexam din daw sya kung saan tayo nag aaral" sagot sakin ni leah at ngayon ay napatingin sya sa mga kasama ko.

"hi leah long time no see ah" pag bati naman ni Naomi mula sa inuupuan namin na sinagot naman ng kaway at ngiti ni leah.

"kakain sana kami kaso kinulang budget namin kaya hahanap sana kami ng murang makakain" dagdag pa sa paliwanag ni leah kaya naman napangiti ako at naisip kung ayain nalang sya na sumama samin.

hinatak ko ang kamay ni leah papunta sa inuupuan namin agad namang umalis si JP para kumuha pa ng dalawang pag kain para sa bagong dating na mga babae.

"ah kuya laz mga kaibigan mo ba sila ngayon naiintindihan ko na kung bakit napaka selosa ni ate pag dating sayo" pang asar ni layla sa kapatid nyang si leah ng makaupo kaming tatlo na pinag simulan ng tawanan.

itutuloy...