1. Home
  2. Stories
  3. Room For Rent - Part 28: Take Out
Pinoy Tambay

Room For Rent - Part 28: Take Out

By suicideking ·

Nanatiling sikreto ang ibang trabaho ni Pola, tanging ang manager niya ang nakaalam ng kanyang mga gawain sa magkabilang bar. Si Mitoy na dating alam lahat ng kanyang kinaroroonan ay tuluyang napalayo na ng landas ukol sa pagkatao ni Pola. Maaaring dahil sa kapalit na sex ay hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang anumang duda para sa kanyang kababata.

Subalit isa sa mga hindi inaasahan ni Pola ay ang mahumaling sa kanya ang isa sa mga kanyang naging mga bisita sa VIP room. Bagama't nakatakip palagi ang kanilang mga mata sa loob ng naturang silid ay ganoon na lamang ang paghanga sa kanya ng isang binata na kahit wala pang trabaho'y sapat na ang pera para bumuhay ng pamilya. Ito ay si Taning, ang kaibigan at kaklase ni Mitoy na minsan nang naging guest ni Pola.

"tito Albert, yung Apple, yun i-VIP ko" wika ni Taning isang gabi.

"ah, okey, ako tawag sa babae, ikaw hintay na VIP, hehe" sagot ni Mr. Fu.

Kagaya ng dati, tinawagan ni Mr. Fu si Aeron na manager ni Pola at ipinatawag na din ang dalaga. Ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating na ang dalaga maging si Aeron. Sinilip pa ng binatang manager niya kung sino ang bisita, palagi itong ginagawa ni Aeron maliban noong isang araw na kasama ni Taning si Mitoy. Sa pagkakataong ito ay si Taning lamang ang naroon.

"shit." bulong ni Pola.

"ha? anong sabi mo Pola?" wika ni Aeron bago lumisan sa bar.

"ah wala, sabi ko parang bata pa yung guest" palusot ni Pola.

Naluwagan ang paghinga ng dalaga ng makitang mag-isa lamang si Taning sa loob ng VIP room. Kaagad siyang pumwesto sa harapan ni Taning pagpasok ng silid upang simulan na sana ang pribadong pagsasayaw para sa binata subalit siya ay pinigilan nito at hiniling na tumabi na lamang sa kanya.

"ah huwag na Apple, dito ka nalang, usap nalang tayo" wika ni Taning.

"ah ganun ba? ok lang ba sa iyo ganun?" tanong ni Pola.

"oo, don't worry, kahit walang sayaw may tip ka pa din sa akin" paliwanag pa ni Taning.

Masaya namang nag-inuman ang dalawa, naging kampante na din si "Apple" sa piling ng kanyang bisita. Nalaman ni Pola na nagtungong muli doon si Taning para talaga sa kanya. Naroon ding tanungin niya kung nasaan yung dati niyang kasama at kung bakit nag-iisa lamang siya.

"ah e, birthday ko lang kasi noon, ngayon wala, bumalik ako dito para makita ka talaga" pambobola pa ni Taning.

"weh? e bakit hindi si Rissa yung kinuha mo?" tanong ni Pola.

"well, mas maganda ka, mas sexy at sa tingin ko ok kang kausap...teka, baka pwedeng masilip naman yang mga mata mo?" tanong ni Taning ukol sa suot na maskara sa mata ni Pola.

Bahagyang nag-alinlangan ang dalaga, malimit ay hindi niya ito inaalis, ito lamang kasi ang proteksyon niya makita man ang buo niyang katawan ay maiwaksi naman ang kanyang pagkaka-kilanlan. Subalit sadyang makapangyarihan ang salapi, lahat ay kayang bayaran. Nakita ni Pola na dumukot ng pera ang mayamang bisita niya, isang bugkos ng pera at binilang pa sa harapan niya saka kumuha ng isang libong buo.

"eto oh, para sa private dance mo dapat yan...pero hindi na kita pinagsayaw diba? baka pwedeng alisin mo nalang yang maskara mo para makipag-usap nalang din ako sa iyo" hiling ng binata.

Ito ang kahinaan ng dalaga, kahit na kung tutuusin ay sapat na ang kanyang kinikita para sa pag-aaral niya ay naroon pa din ang pagkahumaling niya sa ilang halaga. Kaagad kinuha ni Pola ang inabot na pera ni Taning at saka niya unti-unting hinubad ang suot na maskara. Tumambad sa binatang bisita ang maamong mata ni "Apple", kahit sino siguro'y hindi makakapaniwala sa trabahong tinahak niya sa taglay niyang ganda.

"ang ganda mo pala talaga Apple!" wika ng binata.

"hihi! lahat ng guest ko sinabi na yan...alam ko namang nandito lang kayo para mag-libang" sagot ng dalaga.

Itinuring ni Taning na isang kaibigan si Pola, hindi isang bayarang babae. Nagkwentuhan sila na parang mag-barkada lamang, anything under the sun ang kanilang usapan. Dahil sa hindi naman sanay pa si Pola sa pagkukunwari ay nadala siya ng kwentuhan, nabanggit niyang nag-aaral din siya at muntikan pang nadulas kung saang unibersidad siya nakatala.

"so wala ka talaga BF??" tanong pa ni Taning.

"wala nga...e bakit ikaw, wala ka bang GF? bakit dito ka nagpapakaligaya?" balik ng dalaga.

"wala din eh, so bagay pala tayo hehe!" hirit naman ni Taning.

Naging isang regular na tumupukan ang kanilang kinahinatnan, hindi gaya ng tipikal na VIP session ni Pola na kung saan ay sasayaw siya at maghuhubad saka tsutsupa ng kanyang bisita. Nanaig ang pagiging maginoo ni Taning noong gabing iyon subalit sa pamimilit ni Pola, para na din siya ay kumita pa, ay siya na din mismo ang nag-udyok kay Taning upang ilabas ang libog niya.

"oh matatapos na ang VIP mo Taning...wala kana ba ipapagawa?" tanong ni Pola.

"ah eh, kung meron man malamang hindi pwede dito..." pahaging ng binata.

"huh? ano ba yun? BJ ba?" tanong ng dalaga.

"BJ? e bitin nga ako sa BJ mo dati hehe..." sagot ni Taning.

"eh ano nga? basta kaya ko at mag-eextend ka sa VIP ok sa akin..." wika ni Pola.

Nag-isip saglit si Taning. Gumawa siya ng alok para sa dalaga na hindi ito makatatanggi pa. Muling dinukot ni Taning ang kanyang bugkos ng pera saka binilang at nagtuos sa kanyang isipan.

"kapag nag-extend ako dito, magbabayad pa ako ng 2500..tapos mga 2500 din sa inumin at pulutan natin...sa condo ko may beer at pagkain, yung pambayad ko dito sa iyo ko ibibigay kung gusto mo" alok ng binata.

"hmmm, limang libo din yun ah hihi! eh kaso susunduin ako ng manager ko mamaya after nito e, saka ano naman gagawin natin sa condo mo??" sagot ni Pola.

"ganito din, kwentuhan, gusto ko lang na makasama ka pa ng matagal" wika ni Taning na parang anghel ang tinig.

Tumango na lamang si Pola, nangahulugang payag na siya. Subalit ang pagsundo sa kanya ni Aeron ang kanyang problema. Kadalasan kasi ay matapos siyang sunduin nito ay diretso hatid na sa kanilang bahay.

"akin na number mo, te-text kita kapag naihatid na ako ni sir, tapos kita nalang tayo" wika ni Pola.

Kaagad tinawag ni Taning ang waiter saka hiningi ang bill niya upang maghanda nang lumisan. Minarapat niya itong gawin upang hindi na maaksaya pa ang oras. Si Pola nama'y tumawag na sa amo niyang binata at nagpasundo na.

"sir, pwede po bang umuwi na ako ng maaga? medyo napadami kasi ako ng inom e, sunog-baga yata yung guest ko kanina hihi" palusot niya sa among binata.

"ah ganun ba, o sige ihahatid na kita" wika naman ni Aeron.

Maaga pa noon, mag-aalas dose pa lamang ng madaling araw nang makauwi na si Pola sa kanilang silid na inuupahan. Si Mitoy ay naiwan naman dahil maaga pa upang lumisan sa pinagtatrabahuhan. Matapos mag-ayos ng sarili'y tinext na din ni Pola si Taning, nagpasya siyang magkita na lamang sa ilang kanto ang layo mula sa kanilang bahay upang hindi malaman ng binata ang kanyang kinaroroonan.

"taga dito ka pala? yung kasama ko last time sa bar nyo taga dito din malapit e" wika ni Taning nang magkasama na sila sa kotse niya ni Pola.

"ha eh, oo dyan lang sa tabi dyan hihi!" sagot nalang ng dalaga.

Pinaharurot ni Taning ang oto niya na nakaset-up pa na pangarera, madali nilang narating ang condo ng binata kung saan ang nakatira ay ang step-sister niya na si Molly.

"huwag ka maingay ha, nandyan ate ko sa kabilang room hehe" bilin pa ng binata.

"ha?? naku baka magalit yun??" pag-aalinlangan ni Pola.

"no hindi, half sister ko yun, si ate Molly. ok lang yan, madalas naman ako dito at room ko din talaga yung isa" paliwanag ni Taning.

Napilitang sa silid nalang ni Taning tumuloy si Pola, marahil ay umiiwas sa anumang aberya. Lumabas sandali si Taning upang kumuha ng ilang bote ng beer mula sa ref nila. Doon sila pumwesto sa isang maliit na mesa at nakasalampak nalang sa carpet ng silid niya.

"salamat Apple ha, pumayag kang sumama dito..ang ganda mo talaga, kitang-kita ko ngayon sa liwanag hehe!" biro pa ng binata.

Muling dinukot ni Taning ang kanyang bulsa upang iabot na kay Pola ang perang pinangako niya kanina.

"ay huwag na, i mean, mamaya na Taning, di mo naman siguro ako tatakbuhan saka mukha ka namang mabait hihi" sagot ng dalaga.

Naging banayad ang muli nilang kwentuhan, parang mga nagliligawan at hindi maubusan ng usapan. Sa gitna ng kanilang pag-uusap at inuman ay hindi rin naman maiiwasang mapunta sa kalibugan ang kanilang paksa, lalo pa't ang suot na lang ni Pola ay isang maong na shorts at sa pagkakaupo niya sa carpet ay sumisilip ang maputing singit niya maya't maya. Ito ang naging dahilan upang dalawin na ng libog ang binatang si Taning.

"Nakaka-ilang guest ka ba per night?" tanong ni Taning.

"ah isa lang, minsan dalawa...pero isa lang madalas" sagot ni Pola.

"isa lang? so isang gabi isang titi naisusubo mo? heheh!" biro ng binata.

"oo hihi! noong kayong magkabarkada lang ako dumalawa haha!" masayang sagot naman niya.

"may nabanggit sa akin si Rissa, yung kasama mo dati, pwede daw all the way?" deretsahang tanong ng binata.

"pwede pero sa labas dapat" sagot ni Pola.

"oh e nasaan ba tayo ngayon?" biglang balik ng binata.

"shit. haha! nadale mo ko huh! di ako gumagawa nun noh! dapat si Rissa nalang tinake-out mo! haha!" palusot ng dalaga.

"eh ikaw gusto ko e, hehe! hindi ba talaga pwede?" hirit pa ni Taning.

Umiling lamang si Pola, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan at nakita iyon ng binata kaya't muli siyang humirit pa.

"BJ lang sir pwede..." bulong ni Pola.

Kaagad na lumapit si Taning at hinubo ang pantalon, inilabas ang matigas niyang titi at pinahawakan na kay Pola. Hindi naman na nabigla si Pola dahil dati na niyang natsupa ang binata. Tanging matamis na ngiti ang nagsilbing go-signal ng dalawa upang magkasundo sa serbisyong ihahatid ni Pola sa kanya.

"hawakan mo itong suso ko sir para malibugan ka pa" alok pa ni Pola.

Hindi na tumanggi pa si Taning, inililis niya ang suot ni Polang damit at saka ang bra. Nilamas niya ang malusog na suso ni Pola habang ang ulo nito'y nakadukdok sa kanyang alaga.

"oohhhhh....uhhhhhh..." ungol ni Taning.

Sa gitna ng kanilang ginagawa ay hindi nila namalayang nagising pala ang step-sister niyang si Molly. Magka-edad lamang sila nito at naging close sila nang mamatay na ang nanay ng dalaga at doon na tumira sa kanilang condo.

"Anthony??" wika ni Molly pagbukas ng pintuan ng silid niya.

Naabutan ni Molly ang kapatid niya sa ama na tsinutsupa ng isang bisita.

"a-ate!" gulat ni Taning.