1. Home
  2. Stories
  3. Sawntseker's Curfew Hour
PSErotica

Sawntseker's Curfew Hour

By tseker ·

eto yung feeling nung perstaym ko umakyat ng ligaw. Medyo torpe kase ako nung araw. Insecure siguro, at lagi lagi kong iniisip na baka nga magalit sakin. Kaya laging palipad hangin lang, sabi ng iba play safe daw. Hindi talaga ako naka akyat ng ligaw after that. Di ko masabi kase. Kaya sa kanto nalang ako nanligaw. Hehehe. Ngayon dahil wala akong magawa, at wala akong maisip na kaberdehang isusulat, gumawa ako ng makabagbag damdaming (naks!) tula. Inaalay ko to sa unang babaeng niligawan ko sana. Siya lang yung babaeng nabisita ko ng maraming beses sa bahay, at may dala pa akong chocolates nun. Pero maniwala kayo sa hindi, di nya nalamang minahal ko sya. Nag asawa na sya"t lahat di nya pa rin alam. Inaabot kase ako ng curfew nya pag bumibisita ako. Saklap ng buhay nun... pero masaya. Nakakatuwa ang buhay nung kasibulan ko pa sa usaping panliligaw. Di ko alam kung bakit ako takot, di naman ako papatayin kong magtatapat sa babae. Basta takot lang ako nung araw. Kaya late na akong nag ka girlfriend, 2nd year college na. pagkatapos naman nun, nalaman ko na dapat pala wag kang man ligaw na mahal mo na talaga. Dapat pag may kunting feeling ka na sa kanya ligaw agad! Para di ka abutin ng katorpehan. at awa ni pareng lord, dumami naman ang naging girlfriend ko (one at a time). Pero lately ko lang naunawaan na di pala paramihan yun. Kundi yung kalidad ng pag sasama. At lahat sila na dumaan sa buhay ko ay nag dadagdag ng kulay sa bawat kabanata ng aking buhay. Kaya ngayon, napaka colorful talaga ng life ko hehehe.

Pasensya na at di makalilibog ang nilagay ko dito. Ngayon lang mga tol at sis pag bigyan nyo ako. Total easter naman eh. Tula muna. Tsaka naisip ko di bagay kung gawin kong english (hirap naman kase yung puro english... kulang ako sa vocabulary.) tsaka kung english, di makita yung ambyans baga ng sitwasyon. Ang pagiging karaniwang umiibig na pinoy. Kaya ginawa kong tagalog. Sana may mga comment sa mga nakakarelate sa tula.

Kaya ito ang lagi kong sinasabi... Mag salita ka, wag lang mag pa ramdam, mag komento ka, wag kang torpe.

Curfew Hour
by sawn

Nakatingin ako sayo Nag iisip ng sasabihin
Ang di mo pag imik ay medyo matagal din
Natikman ko na nga ang chocolate kong dala
Pero ganun ka pa din parang tulala

O ano? Padabog mong sabi
Tila galit ka ngunit di ko mawari
Sa suot ko bang bagong polo na dilaw
O sa palagiang aking pag dalaw?

Sa wakas meron ding napag usapan istoryang walang katuturan
Bakit masarap ang isaw na bituka lang naman
umabot na din sa topic ng relihiyon at chismisan
at kung bakit may adik at loko loko sa tambayan

ano pa ba ang hindi ko nabanggit yan ang laging iniisip
para di ka antukin at sakin ay magalit
Kahit aso namin ginawan ko na ng kwento
Para sumigla ka at at kausapin pa ako

Dumaan ang oras ng di ko namalayan
Kay haba na pala ng ating kwentuhan
Napa ngiti na kita at ikaw na ay masigla
Tuwang tuwa ako at sayo"y nag bibida

Kay sarap ng ngiti mong anopat kay tamis
Na nag papaikot sa mundo ko ng mabilis
Ngayong handa ka na sa aking talagang kwento
Ang dahilan ng pag bisita, ang pagpunta ko dito

Huminga ng malalim at muling nag alala
Pano ba sasabihin ng di ka mabigla
hahawakan ko ba ang iyong mga kamay?
Saka sasabihin ang sadya kong tunay?

Subalit ikay lumingon sa relong nakasabit
Ng akin ng tingnan wala akong nasambit
O pano yan alas dyes na? sabi mo sakin
Anak ng pating, kagabi ay ganyang ganyan din

Sige at ako namay talagang tutuloy na
Ang tugon ko sayo, na kunyari masaya
Tang ina naman di ko man lang nasabi
Sige lang siguraduhin ko na bukas ng gabi.

-end-