1. Home
  2. Stories
  3. Sawntseker's Love Hurts, Love heals
PSErotica

Sawntseker's Love Hurts, Love heals

By tseker ·

"Dear Sawn,Bakit ganoon? Nasasaktan pa rin ako pero ayoko na sa kanya (tulak ng bibig kabig ng dibdib.) I"m mad at him. I want to get even, and I hope he hurts the same way. Sa tingin mo nasa second stage ako of loss which is ANGER? Sana after ng stage na ito ACCEPTANCE na agad.

Mika

Ps.... Kala ko ba ililibre mo "ko sa sinehan minsan?"

------------

Mika,

Una, siguro nga merong pre-structured stages ang breaking up, or letting go, or calling it quits. Sana na elaborate mo ng mahaba haba para mapag-aralan ko din. Si Len, na co-teacher ko noon sa college, sabi nya after calling it quits eh "panghihinayang" ang sunod then accepting that some relationship are bound to end bitterly, saka pa lang "yung moving on. Ni hindi n"ya nabanggit yung word na "anger." Kase daw, no regrets naman at totoong nagmahal sila pareho. Well, siguro nga merong pre-structured stages na dadaanan. Pero dahil magkaiba ng mga experiences ang bawat isa, at magkaiba ng pananaw sa buhay, may mga variations ito. Pero ang bottom line is moving on and look forward to what is in store ahead of us again.

Since that lengthy talk we had, I haven"t heard from you "till now. I felt that you are in a midst of desperation during that moment. At gusto kong idiin na I"m still sticking to what I have said. Hindi dahil galit ako na sa dinami dami ng lalake sa mundo (I"m waving my hands), yung may sabit pa ang tinibok ng color blind mong puso. Oo na, sige may kunting galit, pero as a person who is out of the picture and seeing the situation, putting a period on that relationship is the most sensible advice I could give. But of course, its always for you to decide. Binibigay ko lang yung mga possibilities at consequences ng mga options, sa abot ng aking pang-uunawa sa ganyang pang "maala-ala mo kaya" na love story. Kung sex life lang sana yan, mabibigyan kita ng libreng demonstration. I highlighted the option of putting and end to it specially because you "all" are my friends. Nobody wanted to be a home wrecker sweetheart, at hindi kailangang maranasan natin ito personally para maintindihan ang magiging nightmare nito para sa mga anak, asawa, at sa mga mahal sa buhay na tumulong na linangin ang isang dapat sana"y masayang pamilya.

Believe me, you can still fall in love. Just believe that though you find him ideal (well, almost...) meron pa ding ibang kayang pantayan ang nararamdaman mo sa kanya (waving my hands again). Move on sweetheart. Hindi makakatulong yung galit na nararamdaman mo sa kanya. Dahil tingin ko, hindi ka sa kanya galit, galit ka kung bakit naging complicated ang sitwasyon at kung bakit nakatali na siya. Galit ka dahil nangangarap ka din na sana makasama mo siya ng habang buhay. Galit ka dahil inaasam mong sana ikaw na lang yung nakatali sa kanya. Galit ka dahil kinakanta lagi ni Ogie Alcasid ang "bakit ngayon ka lang."

Getting even is worst sweetheart. Hindi maganda yung thought na sana maramdaman din ng kabilang party ang nararamdaman mo ngayon. I believe he is also hurting, perhaps more than you ever know. He has more burden in his shoulder than you do. Remember, it is him who is tied. If you two stubborn beings really felt love to each other, then help each other. Help each other to realize that there are some things that are not meant to be.

Your love is too great dear, offer it to someone who deserves the most.

Always,

Sawn

p.s. sige pag nagkita tayo, libre kita. Or better still, pm mo ko kung kelan ka manonood at kung ano panonoorin mo. At manonood din ako, same exact time here in my part of the world. Para na rin tayong magkasamang nanood ng sine. Oo nga at malawak na karagatan ang nakapagitan sa atin, pinagdugtong naman tayo ng dalampasigan.

(author's note: mika is a reader of my blog, having quite a common problem... please visit my blog www.pasakalye.wordpress.com )