1. Home
  2. Stories
  3. Sex Note
Filipino Sex Stories

Sex Note

Written by AdobongLamok on
Isang pares ng mga matang tila walang buhay ang nakamasid sa paligid. Mga matang naghahanap ng aliw. Ng mapaglilibangan upang palipasin ang oras. Mga matang pagmamay-ari ng isang nilalang na tila anino o isang animo'y itim na usok o hamog...

Sa isang dako ay may dalawang binatilyo syang namataan. Kapwa lango sa solvent. Ang isa'y may hawak na patalim habang ang isa ay nakatulala sa kawalan.

Mukhang wala syang mapapala sa mga ito...

Sa kabilang dako naman ay isang babaeng humihithit ng sigarilyo. Maiksi ang suot, may sukbit na bag sa balikat. Nakatayo at nakasandal sa poste. Naghihintay sa mga parukyano na handang magbayad para sa panandaliang aliw na kaya nyang ialok.

Mukhang interesante. Babalikan nya na lang ito maya-maya...

Sa mas maliwanag na parte naman ng siyudad ay isang lalakeng sakay ng magarang kotse. Ang isang kamay ay nasa manibela habang ang kabila ay may hawak na teleponong nakadikit sa kanyang tenga.

Napukaw ang kuryosidad ng nilalang na nagmamasid kaya't tinungo nya ang likuran ng kotse. Sumanib sa aninong naroroon at pinakinggan ang pag-uusap ng lalake at ng nasa kabilang linya.

"Bukas ako makakadaan dyan, babe. Pupunta kami ngayon ni misis sa ospital para dalawin yung mommy nya..." Salita ng lalaking walang kamalay-malay na meron palang nakamasid at nakikinig sa kanya.

Ilang segundong katahimikan...

"Alam mo namang di pwedeng di ako sumama..."

Katahimikan ulit...

"Yes babe. Bukas bibilhin natin lahat ng gusto mo... Basta ibibigay mo rin yung gusto ko. Hehehe..."

Nabagot ang anino. Mukhang wala ring magaganap dito. Kaya umalis sya sa kotse at pumaibabaw sa ere. Muling naghanap ng ibang lilibang sa kanya.

Sa ikapitong palapag ng isang gusali, may tumawag sa kanyang pansin.
Mula sa bintana ng isa sa mga paupahang apartent dito.

Isang binata ang katulad nya na matamang nagmamasid sa kapaligiran. May hawak teleskopyo kung saan nakadikit ang isang mata at sinusuyod ang bawat kalye at eskinita sa ibaba.

Napangiti ang anino. Pinasok nya ang silid na kinaroroonan nito. Muling sumanib sa isa sa mga aninong naroroon at inobserbahan ang lalaki.

Limang minuto. Sampung minuto. Labinlima... Isang oras... Dalawang oras...
Balewala sa nilalang na ito ang paghihintay dahil walang hanggan ang kanyang buhay.

Pinagmasdan nya lang ang ginagawa ng lalaki.
Di ito umaalis sa pwesto. Iginagalaw lang nito pamaya't-maya ang anggulo ng teleskopyo para itutok sa ibang lugar.

Nagsisimula nang mabagot ang anino nang makita nya ang sumunod na ginawa ng lalaki.

Ibinaba nito ang salawal at inilabas ang ari. Tapos ay hinimas ito habang di inaalis ang isang mata sa teleskopyo.

Napatawa ang anino. Humalakhak sya. Pero tanging sya lang ang nakakarinig nito.

Lumapit sya sa likuran ng lalaki. Isang aninong tila nakalutang sa ere. Nakisilip sya sa teleskopyo nito.

Wala namang kaalam-alam ang lalaki na may ibang nilalang na palang nakikisilip sa teleskopyo nya. Ni wala syang nararamdaman.

Nakita rin ng anino ang sinisilip nito.
Mula sa isa sa mga bintana ng halos katapat na gusali. Sa ikawalo o ikasiyam na palapag...

Isang pares ang kasalukuyang nagkakantutan.

Bukas ang bintana at ilaw ng silid nila. Tila sinasadyang ipanood sa ibang may kakayanang makapanood ang ginagawang pagtatalik.
Kaya kitang-kita ng lalaki ang bawat pangyayari ng maaksyong eksena.

Nakatuwad ang babaeng hubo't hubad. Nakaharap sa bintana. Ang mga kamay ay nakatukod dito. Umaalog-alog ang malalaking suso habang marahas na binabayo ng lalaki mula sa likuran.

Muli ay humalakhak ang anino. Isang halakhak na ubod ng lakas pero walang sinumang mortal na makakarinig.

Di ito narinig ng lalaki sa silid pero nakaramdam naman siya ng pananayo ng balahibo.
Nilingon nya ang paligid. Madilim ang kwarto nya pero aninag naman lahat ng nandoon.
Nang masiguradong walang kakaiba sa kwarto nya ay ibinalik nya ang isang mata sa teleskopyo.

Ngunit laking gulat nya nang pagkasilip nya ay may isang mata rin na sumilip sa kanya mula sa kabilang dulo nito.
Napasigaw sya at halos maibato nya palabas ng bintana ang teleskopyo sa labis na pagkagulat.
Napaatras din sya at natumba sa sahig dahil sa pagkakapatid sa nakababang salawal. Agad nya itong hinila pataas upang muling maisuot.
Nanginginig ang buong katawan nya.

Malinaw sa isip nya ang imaheng nakita. Isang matang kulay pula. Tila nanlilisik. Pero tila nasisiyahan din ito.

Maya-maya ay may narinig syang mahinang kalabog mula sa kanyang gilid. Parang may bumagsak mula sa itaas.
Dahan-dahan nya itong nilingon.

Nakita nya ang isang notebook na nakabuklat.
Tumingin agad sya sa kisame kung saan ito nanggaling.
Wala namang butas doon. Imposibleng doon nanggaling ang notebook.
Imposible din na sa labas galing dahil nasa ikapitong palapag sya.

Inabot nya ang notebook. Nilipat-lipat ang pahina nito. Pero mukhang blangko ang lahat ng iyon.
Kaya isinara nya na lang sa pagbabakasakaling may pangalan ng may-ari sa cover nito.

Kulay itim ang cover ng notebook at sa bandang gitnang ibabaw nito ay may nakatatak na kulay pilak na kumikintab sa liwanag na mula sa labas ng bintana...

Sa umpisa ay di nya mabasa ang nakasulat dito. Tila sulat ng isang banyagang bansa o kaya naman ay sulat ng mga sinaunang sibilisasyon.

Pero unti-unti itong nagbabago at lumilinaw. Hanggang sa bumuo na ito ng dalawang salitang kilala nya. Binasa nya ito...

"SEX NOTE..."

Pagkabanggit nya nung mga salitang iyon ay biglang umihip ang malakas na hangin. Bumangon sya at agad isinara ang bintana ng kwarto.

Pero di pa rin nawala ang hangin. Tuloy pa rin ito sa pag-ihip na tila ipu-ipong paikot-ikot sa loob ng kanyang kwarto. Tinatangay ang maliliit at magagaang gamit na nandoon.

Binuksan nya ang ilaw para mas makita kung saan ito nagmumula. Pero sarado naman ang pintuan at walang ibang pwedeng pasukan ng ganun kalakas na hangin.

Hanggang sa mapansin nyang tila may namumuong itim na usok na paikot-ikot kasabay ng mga papel at ibang maliliit na gamit.

At ang usok na ito ay tila bumubuo ng isang anyo.
Anyo na naghuhugis tao.

Tama! Tao nga ito. May ulo, may balikat. May katawan, may kamay at paa siyang naaaninag.

At sa bandang ulo nito, sa bahagi ng mga mata ay may dalawang tila mapupulang ilaw.
Sa bandang bibig naman ay lumabas ang mapuputi at matutulis na mga ngipin na nakangisi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Halos himatayin sya sa takot. Gusto nyang pumikit pero tila naestatwa ang buo nyang katawan dahil di sya makagalaw.

Tumigil ang pag-ihip ng hangin at tuluyan nang nabuo ang kanina'y usok lamang.

Isa itong lalaki na sa tingin nya ay lampas walong talampakan ang taas. Matipuno ang pangangatawan. Kulay pula ang balat, may dalawang malalaking sungay sa ulo. Ang mga kilay ay makakapal at ang mga mata ay nanlilisik.
Ang ilong nito ay matangos at ang mga ngipin ay matutulis.

Sa dulo ng mga kamay nito ay mga kukong kulay itim at matutulis din.
Ang mga paa nito ay mabalahibo at tila paa ng mga kambing. At meron itong mahabang buntot na may matulis na dulo.

Humalakhak ito. Isang halakhak na nakapangingilabot. Tila isanlibong kulog na dumadagundong sa buong silid na kinaroroonan nila.

Sumigaw ang lalaki pero walang tinig na lumabas sa kanyang bibig.

"Ikaw!" Pagkuwa'y sabi ng nakakatakot na nilalang. "Ikaw ang napili ko! Bwahahahah!" Pati ang tinig nito ay nakapangingilabot. Tila tinig ng higit dalawampung taong nagsasalita ng sabay-sabay.

Nanginginig man ay naglakas-loob na sumagot ang lalaki.

"Napiling ano? Kakainin mo?" Tanong nya.

"Hahahaha! Hindi ko gusto ang lasa ninyong mga tao!" Sagot nito.

"Eh ano?" Medyo nakakampante na sya matapos marinig iyon.

"Ikaw ang napili ko na magmay-ari niyang hawak mo." Itinuro nito ang notebook na hawak nya.

"Ito? Itong notebook?Ano ba to?" Tanong nya ulit.

"Malalaman mo rin kapag nagamit mo na. Hahahaha!"

"Eh ikaw? Sino ka? Ano ka?"

"Ako? Hahahaha! Ang pangalan ko ay Asmodeus!"

*

Itutuloy...

More from AdobongLamok

Filipino Sex Stories

Sex Note 5

AdobongLamok

Sex Note Guide #3: The lust effect shall last for a maximum of 6 hours, 6 minutes and 6 seconds. Or until the recipient...

12 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kusina Chronicles 4: Salad

AdobongLamok

Muling nagkiskisan ang mga labi namin. Banayad lang ang naging halikan namin pero kapwa malalim ang aming paghinga at malakas...

12 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Sex Note 2

AdobongLamok

I lay beneath the shadows of your every desire. Fueling your longing like paper into fire I live within your...

13 minutes Read Time

Related Stories

Filipino Sex Stories

Kabilang Mundo 6

Fiction-Factory

Please refer to the previous part. (Kapitulo Triese) "heto na maita! dito tayo, dali!" hinila ako ni tony papunta sa...

11 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Wild Flowers (Cath) 2

ChinitaIlongga20

A/note: "Pasensyahan nyo na po kung maraming wrong spelling, etc. Pakiintindi na lang po. Busy sa school din kasi...

16 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Sa Liwanag ng Buwan (part2)

pilyangpasaway

Ang mga storyang sinulat ko ay pawang kathang ng aking malikot at malawak na imahinasyon/pag-iisip, kung may pagkakatulad/hawig...

7 minutes Read Time