1. Home
  2. Stories
  3. Sex Note 2
Filipino Sex Stories

Sex Note 2

Written by AdobongLamok on
I lay beneath the shadows
of your every desire.
Fueling your longing
like paper into fire
I live within your heart,
been there since who knows when
Waiting for the time
when I could strike again

I'm with you at times
when you feel so much passion.
Filling you inside
'til you burn in sensation.
Giving worldly pleasures
that make you feel like floating.
Then I'd set you free,
contented but still craving.

I am a necessity
When you are most alone.
I may not be reality,
but at least I'm your own.
You dream of me when you're asleep,
you think of me often
I make you do the things you don't.
I make your resolve soften

I can be just a drop or spot,
I can be as big as you.
I can even devour you whole
if you'd allow me to.
I can fulfill your fantasies
and make them all come true.
I can do lots of daring things
but it depends with you.

I am like a raging wave
flooding you inside.
I can fill your darkest need
so set others aside.
I'm not you, but you're part me.
We're dif'rent but alike
You'll never know when I will come,
you'll never see me strike

By now you might be asking,
who or what am I?
What are my intentions?
What do I desire?
I'm here to give you pleasure.
To touch you, make you cry.
I'm here because you need me.
And that you can't deny.

I am that identity
that everyone can gain.
But still I am a mystery
that you'll try to explain.
You may say you know me well;
with that, I'll let you be.
Call me lust or call me love.
I'm in you...
But you don't know me.

Asmodeus by AdobongLamok

*******

"Asmodeus? Yung demon?" Tanong ng lalaki.

Lumawak ang ngiti ng nilalang. Mas lumitaw ang mahahaba at matutulis nitong mga ngipin...

"Di lang basta demon. Prinsipe ng mga demonyo." Sagot nito.

"Tama! Asmodeus... Ang demon of lust!" Mukhang tuluyan nang nawala ang takot ng lalaki.

"Hahaha! Tumpak! Buti naman kilala mo ako."

"Pero totoo ka ba? Hindi ba ako nananaginip lang?"

"Hahaha!" Humalakhak lang ang demonyo.

Naglakad ito palapit sa binata. Tila mas lumalaki ang anyo nito habang papalapit sa kanya.

Gamit ang isang kamay ay dinampot sya nito sa may bewang at inangat.

"Tama na ba itong patunay na totoo ako?" Tanong nito sa kanya.

Naramdaman ng binata ang unti-unting pagsikip ng palad ng demonyo sa kanyang bewang.

"Aaarrghhh! Oo! Naniniwala na ko! Ibaba mo na ako!" Pakiusap ng binata.

Sumunod naman ang demonyo. Binitawan sya nito at pasalampak syang bumagsak sa sahig.

Tumayo sya at tiningala ang nilalang na nasa harapan.
Tapos ay inilahad ang kanang kamay.

"Ako si Gerald..." Pagpapakilala nya sa demonyo.

Si Gerald ay isang beinte otso anyos na binata na nagtatrabaho bilang freelance web and graphic designer. Wala syang asawa o nobya. Mag-isa lang syang nakatira sa apartment nya dahil ang mga magulang at mga kapatid nya ay sa Canada na nakatira. Bukod sa trabaho ay may mga paupahan din ito na ipinagkatiwala sa kanya ng mga magulang.

"Gerald..." Bigkas ng demonyo sa pangalan ng lalaki. Tapos ay inabot nito ang kamay na nakalahad.

"Mukhang malilibang ako sayo, Gerald! Hahahaha!"

"Hahahahaha!" Humalakhak din ang binata.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ng demonyo.

"Nakakahawa kasi yung tawa mo. Haha!" Sagot ng binata.

"Bwahahahahah!" Muling halakhak ng demonyo.

"Pero teka, sabi mo sayo galing tong notebook na to di ba?" Tanong ng binata.

"Oo. At ibibigay ko sayo yan... Kung gugustuhin mo." Nakangisi ulit ang demonyo.

"Ano ba to? May magic ba to? May power?" Tanong ng binata.

"Buklatin mo sa pinakaunang pahina..." Sagot ng demonyo.

Ginawa nga ng binata.
Nung una ay blangko lang ang pahina. Pero makaraan ang ilang segundo ay may mga salitang lumilitaw dito...

Sex Note User's Guide:

The person (target) whose name is written in this notebook shall feel intense lust towards someone (recipient) whose name is written next to him/her. It will take effect once they make contact.

Matapos basahin ay tiningala nya muli ang demonyo.

"Totoo ba to?" Tanong nya.

"Bakit di mo subukan?" Sagot ng demonyo.

Naglakad si Gerald papuntang study table nya at naupo sa silya.
Si Asmodeus naman ay naupo sa kama.
Napansin ni Gerald na lumiit ang anyo nito. Naging halos kasinlaki nya na lang pero di nagbabago ang itsura.
Di na sya nagtaka. Demonyo ito kaya di kagulat-gulat na kaya nitong baguhin ang anyo.

Muli nyang tinitigan ang notebook na nakapatong sa lamesa. Dumampot ng ballpen at itinapat ang dulo nito sa blangkong pahina.
Tapos ay nag-isip...

Kailangan nya lang magsulat ng dalawang pangalan. Una ay pangalan ng tao na makakaramdam ng pagkalibog sa taong nagmamay-ari ng ikalawang pangalan na isusulat nya.

Napakasimple lang. Pero wala syang maisip.

Natigil ang pagmumuni-muni nya nang makarinig sya ng katok sa kanyang pintuan.

Nilingon nya ang demonyong nakaupo sa kanyang kama. Nakangisi lang ito habang nakatitig sa kanya...

"Dito ka lang muna." Bilin nya dito.

Di ito sumagot.

Lumabas sya ng kwarto at nagtuloy sa sala. Direcho sa pinto at sumilip sa peekhole nito.

Isang babae ang nakatayo sa labas. Kilala nya ito. Dalagang anak ng kapit-bahay nya na nakatira apat na pinto ang pagitan mula sa kanya.

Binuksan nya ang pinto at nakitang may bitbit itong mangkok na natatakpan ng plato.

"O, Mary! May kailangan ka ba? May problema ba ulit sa inyo?" Nakangiti nyang tanong sa dalaga.

23 ang edad ng dalaga. 5' 2" ang height, maputi, lampas balikat ang maitim na buhok at may maamong mukha. Nagtatrabaho siya bilang saleslady sa isang mall.

"Ay, wala Kuya... Pinapabigay lang to ni Mama..." Sabi ng dalaga sabay abot sa kanya ng hawak.

"Uy! Ano to?" Tanong nya pagkakuha sa mangkok.

"Chicken sotanghon. Thank you daw sa pag-ayos ng gripo namin kahapon." Matamis na ngiti ng dalaga. Lumabas ang braces nito na lalong nagpa-cute sa kanya maamong mukha.

"Naku, wala yun. Salamat dito ha. Saka pakisabi sa Mama mo, thank you din. Sakto di pa ko nakakaluto. Hehe."

"Sige, kuya. Balik na ko samin." Paalam ng dalaga.

"Okay, Mary. Thank you ulit. Ihahatid ko na lang sa inyo tong plato nyo."

"Okay, kuya.... Bye." Tumalikod na ang dalaga at naglakad palayo.

Isinara ni Gerald ang pinto at naglakad patungong lamesa kung san nya inilapag ang mainit-init pang mangkok.

Pagkaangat nya ng takip nito ay agad nanuot sa ilong nya ang mabangong aroma ng bagong lutong pagkain.
Agad syang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura kaya kumuha sya ng kutsara at tinidor. Naupo at kumain.

Habang humihigop ng sabaw ay di nya maiwasang isipin ang magandang mukha ni Mary. Ang ngiti nitong napaka-cute.
Di maiwasang mainggit sa nobyo ng dalaga dahil nagagawa nitong gawin ang anumang gustuhin dito...

Si Mary at ang Mama nya lang ang nakatira sa apartment nila. Namatay ang tatay nito dahil sa malubhang sakit dalawang tao na ang nakaraan. Nabaon sila sa utang dahil sa pagpapagamot dito kaya nung pumanaw ito ay kinailangan nilang ibenta ang bahay na naipundar para may ipambayad. Tapos ay lumipat ang mga ito at nangupahan sa apartment malapit sa inuupahan nya.

Una nyang nakilala ang mga ito nung naglilipat pa lang sila. Likas na matulungin si Gerald kaya nakitulong din sya sa pagbubuhat ng mga gamit ng bagong kapit-bahay.
At doon nya nga naging kaibigan ang mag-ina.

Madalas syang hingan ng tulong ng mga ito kapag nagkakaproblema sa inuupahan. Kapag may sirang gripo o kaya pagpapalit ng bumbilya. O switch ng ilaw na ayaw gumana. At kung anu-ano pang mga maliliit na bagay na di kaya o alam gawin ng ordinaryong babae.

Yumuko sya upang muling humigop ng sabaw kasabay ng sotanghon.

"Gusto mo ba sya?" Tanong ng pamilyar na boses.

Pag-angat ng ulo nya ay nakaupo na rin sa harapan nya si Asmodeus.

Nakangisi nanaman habang pinagmamasdan sya.

Di sumagot si Gerald. Muli lang syang sumubo ng sotanghon na may kasamang hinimay na manok at mga gulay.

"Pwede mong isulat yung pangalan nya dito." Hawak na nito yung itim na notebook.
Inilapag iyon sa lamesa at ipinatong ang isang ballpen sa ibabaw.

Tinitigan lang yun ni Gerald. Tapos ay nag-isip ng malalim...

Itinabi nya ang mangkok at dinampot ang notebook at ballpen...

Muling binuklat ang unang pahina at may nakita syang panibagong nakasulat dun.

Once lust is in effect, the target will be under the recipient's complete control for a specified amount of time.

Tumingin si Gerald kay Asmodeus.

"Bakit may bago nang guide?Wala naman ito kanina."

"Unti-unting lalabas yung mga guide kung paano gamitin yang notebook kapag kailangan mo." Paliwanag nito.

"Ibig mo sabihin may iba pang guides na wala dito ngayon?" Tanong ng binata.

"Mismo! Hahaha!"

"Bakit di mo na lang ilagay na lahat? Para di na ako mahirapan."

"Hahaha! Di pwede!"

"Bakit di pwede?"

"Ewan ko rin. Baka nag-iisip pa si AdobongLamok." Sagot ng demonyo.

"Sinong AdobongLamok?"

"Secret! Bwahahahah!"

Muling tiningnan ni Gerald ang notebook at unti-unti ay may panibagong mga salita nanaman ang lumilitaw dito...

The contact required for lust to take effect is any of the following: target's glance to the recipient, a touch, the voice or the current scent of the recipient.

Kumunot lang ang noo nya sa panibagong impormasyon na nagmula sa notebook.

Binuklat nya ito sa pinakaunang blangkong pahina. Inilapat ang dulo ng ballpen. Saglit na huminto at nag-isip. Tapos ay nagsimulang sumulat.
Matapos nito ay tinitigan ang pinakaunang pangalang naisulat doon.

Mary Grace Santos

Sumunod nyang isinulat sa tabi nito ang kanyang sariling pangalan.

Gerald Ethan III

Kung totoo ang nakasulat sa notebook, magiging sunud-sunuran sa kanya si Mary sa oras na magkaroon sila ng 'contact'...
At ang 'contact' na kailangan ayon sa notebook ay ang makita sya ni Mary, magkadikit sila, marinig nito ang boses nya o maamoy nito ang kasalukuyang amoy nya.

Agad nyang dinampot ang mangkok at ibinuhos sa lababo ang laman nun. Tapos ay hinugasan ito kasama ang platong ginamit pantakip.

Bitbit ang bagong hugas na mangkok at pinggan ay tinungo nya ang pinto ng inuupahan nila Mary.
Kumatok sya at naghintay.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at dumungaw si Aling Nancy. Ang Ina ni Mary...

"Ikaw pala, Gerald. Pasok ka." Anyaya ng ginang.

"Wag na po. Isosoli ko lang po sana itong mangkok at plato nyo. Maraming salamat po. Ang sarap po ng luto nyo." Sabi nya dito.

"Naku, nambola ka pa." Kinuha nito ang mangkok at plato mula sa binata.

"Ah, si Mary po ba andyan? May gusto lang po sana akong sabihin." Tanong ng binata.

"Andito. Teka lang at tatawagin ko." Iniwan sya ng ginang.

Maya-maya ay si Mary naman ang dumating.

"Yes, kuya? Hanap mo daw a..." Natigilan ang dalaga pagkakita sa kanya.

Pero saglit lang ito.

Napansin ni Gerald ang pagbabago sa mga mata nito. Bigla itong naningkit at tila nagliliyab. Napakagat-labi din ito at tila bumigat ang paghinga.
Titig na titig sa kanya ang dalaga na parang leon na handang sumagpang sa isang tupa.

Nag-isip si Gerald ng sasabihin...

"Ahmm. Pwede patingin ng pusod mo?" Yun lang ang naisip nya para subukin kung epektibo nga ang nakalagay sa notebook.

Walang katanong-tanong na agad itinaas ni Mary ang laylayan ng suot nitong t-shirt upang ilabas ang kanyang pusod.

Napaka-flat at napakakinis ng tyan nito. Parang sa model ng Bench.

"Ano pa? Gagawin ko kahit ano para sayo." Nakangiting sabi ni Mary sa kanya.

Muli ay naglabasan ang braces nito na talaga namang dumagdag sa pagka-cute nya. Pero kakaiba ang ngiti nito ngayon. Hindi katulad ng usual na ngiting nakikita ni Gerald dito. Ang ngiti ngayon ng dalaga ay malandi at tila nang-aakit...

Tumingin si Gerald sa relo nya. Alas sais kinse pa lang ng gabi.

"Anong oras ba madalas matulog ang Mama mo?" Tanong nya sa dalaga.

"Depende. Minsan 10PM tulog na sya. Minsan naman inaabot ng 2AM pag may ginagawa sya." Sagot nito sa malandi ring boses.

Tumatanggap ng mga tahiin ang ina nito. Mula sa mga paputol ng pantalon, patahi ng mga costumes, hanggang sa paggawa ng mga kurtina at cover ng sofa at kung anu-ano pa.

"Punta ka sa apartment ko pagkatulog nya..." Sabi ng binata.

"Hindi ba pwedeng ngayon na lang?" Mula sa malandi ay napalitan ng tila nakikiusap at nagpapaawa ang mukha ng dalaga.

"Hindi pwede. Baka magtaka sya. Mamaya na lang pag nakatulog na sya." Sabi ni Gerald dito.

"Haay... Sige na nga..." Pagpayag ng dalaga.

"Okay..." At naglakad na pabalik si Gerald...

Nakangisi syang pumasok sa sariling apartment.
Di sya makapaniwalang effective nga yung notebook.

Dumirecho sya sa kwarto at humiga sa kama. Nakatitig lang sa kisame habang nakangiti at iniisip kung anu-ano ang mga pwedeng mangyari mamaya pagdating ni Mary sa apartment nya.

Nasa kalaliman sya ng ganung pag-iisip nang biglang sumingit sa paningin nya si Asmodeus. Nakangisi sa kanya at humahagikgik.

Bigla naman syang natauhan.

"Kamusta?" Bati sa kanya ni Asmodeus.

"Hahaha! Totoo nga! Effective yung notebook mo!" Tuwang-tuwang balita nya sa demonyong kani-kanina lang ay halos pumatay sa kanya sa takot pero ngayon ay tila naging kaibigan nya na.

"Hahahaha! Natural na effective yun kasi sakin yun galing." Pagmamayabang ng demonyo.

"San ka nga pala nanggaling?" Tanong sa kanya ni Gerald.

"Jan lang... Nag-chill sa tabi-tabi..." Sagot nito.

Medyo weird ang dating sa kanya ng isang demonyong ganun magsalita pero di nya na lang pinansin.

"Hindi ka ba nakikita ng ibang tao?" Tanong nya muli.

"Makikita lang ako ng iba kung gugustuhin kong magpakita sa kanila." Sagot nito.

"Eh yung notebook, kapag ibang tao ang nagsulat dun, gagana din ba?"

"Oo naman! Nasa notebook na yun yung kapangyarihan ko at wala sayo. Kaya eepekto yun kahit na sinong magsulat basta nasusunod yung mga guide na nakasulat dun."

"Ganun ba? Kailangan ko pala ingatan na di yun makuha o makita man lang ng iba..."

"Hehehe..." Nakangisi lang ang demonyo.

Saglit na nag-isip si Gerald at muling nagtanong...

"Teka, ano nga palang kapalit nito?"

"Kapalit? Wala!" Sagot ng demonyo.

"Parang mahirap paniwalaan na wala itong kapalit. Ang alam ko sa mga ganito, kinukuha ng demonyo ang kaluluwa ng taong binigyan nya ng kapangyarihan."

Muling dumagundong ang halakhak ni Asmodeus sa buong apartment.

"Di ko kailangan ng kaluluwa mo! Gusto ko lang malibang. Saka uulitin ko, wala kang kapangyarihan. Nasa notebook ang kapangyarihan ko. Bwahahahah!" Paliwanag ni Asmodeus.

Di na ulit nagtanong si Gerald
Tumingin na lang sya sa oras... Alas otso y media na pala! Dalawang oras din pala syang nakatulala lang at nangangarap ng gising.

Agad syang bumangon at naglinis ng bahay.
Alas diyes y media na nang natapos sya.
Wala pa rin si Mary. Pero maya-maya ay sigurado sya na kakatok na yun...

Pinagpawisan sya ng husto sa paglilinis kaya dali-dali syang kumuha ng tuwalya at nagpunta ng banyo para maligo.
Di nya na isinara ang pinto para marinig nya kung sakaling may kumatok.

Alas onse ay bihis na sya. Wala pa rin kumakatok...

Umupo sya sa may sofa at binuksan ang TV. Naghanap ng mapapanood pero wala syang matipuhan kaya't palipat-lipat lang sya ng mga channel.

Alas dose na pero wala pa rin si Mary...

Siguro ay late lang ulit natulog yung Mama nya. Sabi nga pala nito na inaabot yun ng alas dos minsan.

Pero dumating na ang alas dos ay wala pa ring Mary na kumakatok sa pinto nya.

Imposible namang di nya narinig yung katok dahil napakahina lang ng volume ng TV.

Alas tres ang huli nyang tingin sa oras bago sya nakatulog.

Alas otso na ng umaga nang magising sya. Sa sofa sya nakatulog.

Walang dumating na Mary...

Nanaginip lang ba sya?
Hindi ba totoo si Asmodeus at yung Sex Note?

Siguro nga...

Tumayo sya at nagpunta ng kusina para magtimpla ng kape. Pero may umagaw ng atensyon nya sa ibabaw ng mesa...

Yung Sex Note!

Nanlaki yung mga mata nya. Dinampot nya agad iyon at binuklat. Sa unang pahina ay may napansin syang nadagdag sa guides nito...

The lust effect shall last for a maximum of 6 hours, 6 minutes and 6 seconds. Or until the recipient decides to end it by saying the words "You're free" to the target.

Lumingon-lingon sya sa paligid at tinawag ang pangalan ng demonyo...

"Asmodeus!"

At sa isang kisap-mata ay lumitaw ito sa harapan nya.
Nakangisi ulit at mga mata'y tila nangungutya...

*

Itutuloy...

More from AdobongLamok

Filipino Sex Stories

Sex Note

AdobongLamok

Isang pares ng mga matang tila walang buhay ang nakamasid sa paligid. Mga matang naghahanap ng aliw. Ng mapaglilibangan upang...

6 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Sex Note 2

AdobongLamok

I lay beneath the shadows of your every desire. Fueling your longing like paper into fire I live within your...

13 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kusina Chronicles 4: Salad

AdobongLamok

Muling nagkiskisan ang mga labi namin. Banayad lang ang naging halikan namin pero kapwa malalim ang aming paghinga at malakas...

12 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Sex Note 3

AdobongLamok

Sex Note Guide #1: The person (target) whose name is written in this notebook shall feel intense lust towards someone (recipient...

20 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Umbrellas

AdobongLamok

This was a story I've written 11 years ago... It's my second story but I consider it the most precious. This...

25 minutes Read Time

Related Stories

Filipino Sex Stories

Lolita Chronicles: Part 1

SirJon

Her eyes closed. Her face covered with a dark feathered mask. Slow, steady breathing. She was calm and poised. Standing...

4 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Agnas 3 (Episode 2)

Balderic

Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely...

18 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

La Lascivia Oleum

SeinGabriel

Hello mga ka FSS, pagkatapos ng ilang taong pagbabasa sa mga kwento ng magagaling nating author sa FSS. Ako ay...

6 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Pang-Akit Ng Maynila: Simula

9791cloud

Chapter 1: Kay Adrian... Araw-araw ganun... Nakaka-kabit ang isang pares ng earphone sa magkabilang tenga ni Adrian. Nakatayo sa gitna nang...

22 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Agnas 3 (Episode 4)

Balderic

Episode 4 Revelations of Death By: Balderic Naglanding ang service helicopter ni Jeric at Bea sa isang basketball court. May mga...

39 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

La Lascivia Oleum (6)

SeinGabriel

Nagising si Andrew sa isang kwarto na naka dim light. Pagtingin niya sa kanyang sarili, napansin niyang naka boxer shorts...

9 minutes Read Time