1. Home
  2. Stories
  3. Sex Note 4
Filipino Sex Stories

Sex Note 4

Written by AdobongLamok on
Sex Note Guide #2:

The writer needs to think of the persons' faces while writing their real names in order for it to be a valid entry.

======

Kinabukasan ay naging abala si Gerald dahil may natanggap itong trabaho. Maghapon sya sa harap ng computer dahil rush ang pinapagawa sa kanya.

Nakaramdam sya ng pagkalam ng sikmura. Pagtingin sa oras ay mag-aalas sais na pala.
10AM pa sya huling kumain.

Nagpasya syang itigil muna ang ginagawa at naghalungkat ng makakain sa kusina. Kaso puro instant noodles lang ang meron sya.

Kaya bumaba sya ng building at nagpunta ng 7-11.
Dumirecho sya ng warmer at kumuha ng dalawang siopao. Tapos sa fridge naman ay kumuha sya ng isang Mug Root Beer.

Habang nasa pila ay napansin nya ang isang bagong crew ng convenient store. Katabi ito ni Kim na isa ding crew na matagal na doon at naging kabatian nya na rin.

Nang sya na ang nasa unahan ay binati nya si Kim.

"Hello Kim! Kamusta tayo ngayon?"

"Sir Rald! Eto, maganda pa rin! Hahaha!" Masiglang sagot ng kahera.

"Dinner mo na ba to?" Tanong nito sa kanya habang pina-punch ang pinamili nya sa cash register.

"Ahm... Late lunch saka early dinner." Sagot ni Gerald.

"Ay grabe... Di ka pa naglunch?" Tanong muli ng kahera.

"Di pa eh. Nasubsob sa trabaho. Pagtingin ko sa oras, six na pala... Uy, may bago kayo?" Pag-iiba nya ng topic.

"Ay, Sir Rald, si Jenna nga pala. Bagong trainee ko." Pakilala nito sa dalagang katabi nya.

"Hi Jenna!" Bati ni Gerald.

"Jenna, si Sir Gerald. Single din yan..." Biro ni Kim.

"Hi Sir!" Bati rin sa kanya ng bagong crew.

Nakita ni Gerald na medyo nagblush si Jenna.

"Sir, dine-in ba o take-out?" Si Jenna ang nagtanong.

Lumingon si Gerald sa likuran at tiningnan kung may bakanteng lamesa. Sakto naman na walang masyadong tao nung oras na yun.

"Dine-in na lang. Para di na ko magbitbit." Sagot ng binata.

Matapos makuha ang pinamili ay pumwesto na si Gerald sa isang bakanteng mesa. Nakaharap sya sa direksyon ng counter kaya't nasipat nyang mabuti yung bagong crew.

Maliit lang itong babae. Medyo malaki at bilugan ang mga mata na may mahahabang pilik-mata. May kamukha ito na madalas nyang makita sa facebook.
Inisip nya kung sino yun pero di nya maalala yung pangalan.

Kaya kinuha nya yung phone nya at hinanap yung isang friend nya na mahilig magshare ng mga ganung vids. Di nagtagal ay nakita nya rin yung hinahanap nya.

Tiningnan nya yung mukha ng babae sa video tapos ay yung mukha ni Jenna.
Magkamukha nga silang dalawa.
Si Jenna at si Bella Poarch.

Napangiti si Gerald tapos ay kumagat ng siopao...

Nang maubos nya ang pagkain ay masinop nya itong niligpit at pinunasan ang mesa. Tapos ay itinapon ang sariling basura sa tamang tapunan. Dahil balahura ang mga taong basta-basta na lang iniiwan yung mga basura at pinagkainan nila sa lamesa.

Naglakad sya papuntang estante ng mga chichirya at kumuha ng ilang dadalhin pabalik ng kanyang apartment.

Yakap nya ang apat na malalaking chichirya nang may kumalabit sa kanya.

Paglingon nya ay may isang lalaking di nya kilala ang nakangisi sa kanya. May hawak itong limang balot ng Choc-Nut.

Mabilis nyang sinipat ang itsura nito.
Mukhang nasa late 40s to early 50s ang edad nito. Pero ang porma ay pang 90s hip-hop.
Nakapantalong maluwag at t-shirt na malaki at may suot pa na bonet sa ulo na may Yo! na tatak at dark shades. May malaking silver chain na kwintas din ito na may malaking pendant na dollar sign.

"Isama mo na to dyan. Bayaran kita pag nakaluwag-luwag." Sabi nito sa kanya.

Napakunot ang noo ni Gerald.

"Sino ka?" Tanong niya dito.

"Ako to..." Sagot ng estranghero sabay angat ng shades.

Nakita ni Gerald ang pamilyar na mga mata ng kaibigang demonyo.
Di na sya nagsalita.
Ipinatong ng demonyo ang mga Choc-Nut sa ibabaw ng mga chichiryang yakap ng binata.

"Una na ko. Hintayin ko yan dun ha..." At naglakad na palabas ang demonyo.

Si Gerald naman ay napapailing na naglakad papuntang counter at inilapag doon ang lahat ng bitbit. Tapos ay kumuha din ng ilang inumin sa chiller.
Matapos magbayad ay bumalik na sya sa kanyang building..

Pagpasok nya ng apartment ay nakahilata na si Asmodeus sa sofa at nanonood ng TV.

"Pasalubong ko?" Sabi nito sa binata.

Hinalungkat ni Gerald ang mga pinamili. Tapos ay inihagis ang isang balot ng Choc-Nut sa kaibigan.

Di ito sinalo ni Asmodeus. Bagkus ay huminto lang ito sa ere. Tapos ay kusang bumukas ang balot nito. May isang bar ng Choc-Nut ang lumabas mula dito at kusang binalatan ang sarili. Tapos ay bumagsak sa sahig ang balat at ang laman naman ay lumutang papasok sa nakabukang bibig ng demonyo...

"Hmmmm! Ang sarap talaga nito... Gusto mo? Bili ka ng sayo! Bwahahahahah!" Halakhak ng demonyo...

Maya-maya ay...

"Uhurrmmm! Uhurrkk! Gwaarrkkkk!" Nabulunan ito sa kakahalakhak.

"Nyahahahah!" Si Gerald naman ang natawa...

Matapos itabi ang mga pinamili ay bumalik na sa trabaho ang binata.

Lampas alas diyes ay nakaramdam muli ito ng pagod at gutom kaya nagpasya munang magpahinga.

Tumayo sya para kumuha ng chichirya pero nang mapatingin sya sa may gawing sofa ay nakita nya ang kalat na ginawa ng demonyo. Andun lahat ng mga pinagbalatan nito ng Choc-Nut.

"Huy! Iligpit mo naman yang kalat mo!" Sita nya dito...

Tiningnan lang sya saglit nito. Tapos ay ibinalik ang tingin sa TV.
Inangat nito ang isang kamay at ipinitik ang daliri.
Sa isang iglap ay nawala lahat ng kalat sa sahig.

"Yan... Ganyan... Teka, san mo naman dinala yung mga basura?" Tanong ng binata.

"Dun sa lungga ni Belphegor. Nyahahahah!" Sagot ng demonyo.

Belphegor... Pamilyar kay Gerald yung pangalan na yun pero di na sya nagtanong..

Napalingon sya sa TV at nakita ang pinapanood nito. Tom and Jerry.

Kinginang demonyo to! Mahilig sa Choc-Nut at Tom and Jerry. Sa isip-isip ng binata...

=

Kinabukasan ay tinapos nya na ang tinatrabaho dahil kinailangan nyang puntahan ang paupahan nila dahil may problema daw.

Sakay ng kanyang motorsiklo ay kulang-kulang isang oras ang byahe mula apartment building na tinitirahan nya papuntang dati nilang bahay na ngayon ay paupahan na nila.

Bago umalis ang mga magulang nya papuntang Canada ay ipinagiba ng mga ito ang dating bahay at pinatayuan ng bagong gusali.
May kalakihan ang lote nila kaya't napagkasya dito ang isang gusaling may dalawang palapag na hinati naman nila sa tatlo.

Sa ibaba ng gusali ay tatlong business spaces na kasalukuyang may mini grocery, parlor at water refilling station.
Sa itaas naman ay tatlong apartments.

Ang nangungupahan sa una at pangalawang pinto ay siya ring may-ari ng mini grocery at water refilling station sa ibaba.
Ang pangatlong tenant naman ay isang bagong maybahay at isang taong gulang nitong anak. Ang mister nito ay nagtatrabaho sa barko.

Ang tumawag sa kanya na may problema ay ang may-ari ng water refilling station. Kaya't ito ang agad nyang pinuntahan.
Mga trabahador lang ang kasalukuyang nandun kaya't dumirecho sya sa itaas at kumatok sa gitnang pinto.

Pinagbuksan naman sya agad at bumungad sa kanya ang ginang na nangungupahan dito.

"Rald! Tuloy ka!" Anyaya sa kanya ni Mrs. Reyes.

Tantya nya ay nasa late 30s si Mrs. Rose Reyes. May dalawa itong anak na lalaki. Ang isa ay nasa high school na at ang pangalawa ay alam nyang sampung taong gulang dahil nakadalo pa sya sa birthday nito ilang buwan lang ang nakaraan.

Tumuloy si Gerald sa loob at pinaupo sya ng ginang sa sofa. Inilapag naman nya ang bitbit na helmet sa katapat na lamesita.

"Ano po bang problema?" Tanong ni Gerald.

Kasalukuyan namang nasa kusina si Rose at nagsasalin ng softdrinks sa baso.

"Kasi Rald, may mga pumunta dito kahapon na taga-munisipyo daw. Kailangan daw i-test yung tubig dito..." Sagot ng ginang.

"May certificate na tayo dito di ba? Napakita mo ba yun?" Ang binata...

"Oo. Ipinakita ko nga yun. Kaso may kailangan pa daw na ibang certificate bukod dun. Kasi yung certificate daw na meron tayo ay pang residential lang. Yung for business daw ay iba. Lalo na sa business namin na drinking water." Paliwanag ng ginang.

"Ganun po ba? So para sa business permit nyo po iyon? Di ba po dapat kayo na ang sasagot nun?"

"Baka naman Rald na pwedeng kahit hati tayo. Tutal mas malaki naman yung renta nung mga nasa baba. Halos doble yung singil mo samin dun." Pakiusap ng ginang habang inilalapag ang inumin sa lamesita.

May katwiran nga naman ang ginang. Mas malaki ang singil na renta nila sa tatlong business spaces sa baba samantalang halos kapareho lang naman ang laki nito sa mga apartments sa taas.

"Magkano po ba ang kailangan para dun?" Tanong ni Gerald.

"Nasa 12k daw. Kasama na lahat dun. Then after a week daw makukuha na yung certificate." Sagot ng ginang.

"Naku. Ang laki po pala. Na-verify nyo na po ba sa munisipyo yan? Baka po scam lang yan."

Saglit na natigilan si Rose at napaisip.

"Ay. Oo nga no? Hindi ko naisip yun." Sunod na sabi nito.

"Sige po. Tutal ako naman yung landlord nyo, ako na lang po ang pupunta ng munisipyo. Kung legit po yung mga pumunta dito, hahatian ko po kayo sa magagastos."

"Naku, salamat Rald ha. Ang bait mo talaga..."

Ngumiti lang si Gerald. Dinampot nito ang baso ng softdrink at ininom. Tapos ay tumayo na at dinampot din ang helmet.

"May iniwan po ba silang pangalan at contact number sa inyo?" Tutuloy na po ako ng munisipyo para isang lakaran na lang.

"Meron, Rald. Itetext ko na lang sayo. Salamat ulit ha."

"Walang anuman po. Tutuloy na po ako..."

=

Sa munisipyo...

Itinuro si Gerald sa City Health Office at doon ay nag-inquire sya tungkol sa sinabi ng kanyang tenant.

"Ah... Miss, may gusto lang po sana akong i-verify..." Lapit ni Gerald sa empleyadang nakaupo sa tapat ng computer sa window 6.

Huminto ang babae sa pagta-type. Bahagyang inayos nito ang suot na salamin at tiningnan sya.

"Yes, Sir? How can I help you?" Tanong ng babae.

Base sa name plate sa dibdib nito ay Mara ang kanyang pangalan. Sa tantya ni Gerald ay nasa 26 to 29 ang edad nito.
Nakasuot ng makapal na salamin, matangos ang ilong, kayumanggi ang balat, may maliit pero maitim na nunal sa ibabang bahagi ng labi at may isang medyo mas malaki sa bandang baba. Mahaba ang medyo kulot na buhok nito na nakatali sa likuran.

Nagpakilala si Gerald at ikinuwento ang nangyari. Ibinigay nya din ang pangalan at numerong itinext ni Mrs. Reyes sa kanya.

"Sige po, Sir. Wait lang po while I check your concern. Upo po muna kayo dun, Sir." Itinuro ng babae ang hanay ng mga upuan kung saan may ilang mga tao rin ang nakaupo at naghihintay.

Bumalik sa computer si Mara at nag-type.
Makalipas ang wala pang limang minuto ay tinawag nito si Gerald.

"Sir Gerald..." Tawag nito.

Agad namang lumapit ang binata.

"Based po sa system namin, legit employee po ng munisipyo yung sinasabi nyo po. Pero hindi po iyong number na binigay nyo ang registered dito... Saka tiningnan ko din po yung sinasabi nyong water test and certificate na inaalok nila, confirmed din po na it's legit. We do require them for business establishments. Kaso lang po, hindi po aabot ng 12k ang fee nun. Less than 2k lang po..." Paliwanag ng babae.

"Okay... So yung lumapit sa tenant ko, it's legit pero may halong modus... Tama ba?" Paniniyak ni Gerald.

"It seems ganun na nga po, Sir..."

"So, pwede ko ba itong ireport dito, di ba?" Muling tanong ng binata.

"Yes, Sir. Pwedeng pwede po. Actually, meron po talagang team si Mayor na assigned sa ganyang cases, Sir. Kasi gusto nya po talagang malinis itong munisipyo. Ayun po, Sir. Andun po yung details." Itinuro ni Mara ang isang billboard kung saan nakapaskil ang sinasabi nito.

"Salamat po, Mam ha..."

"It's a pleasure helping you, Sir..."

"Pwede po bang malaman ang name nyo, kung di nyo po mamasamain?" Tanong ni Gerald.

"Ahm... Maria Rafaella Gonzaga, Sir. Pero Mara na lang po." Ipinakita nito ang name plate sa dibdib.

"Mara... Thanks again, Mara ha. Sige, punta na ko dun..." Nakangiting paalam ni Gerald.

At pagkatalikod na pagkatalikod nya, ang maamong ngiti ay napalitan ng pilyong ngisi...

Sa isang bahagi naman ng tanggapan, isang lalaking nakaupo din sa waiting area ang napangisi habang pinapanood ang paglabas ni Gerald.
Tapos ay dumukot ito ng Choc-Nut sa bulsa. Binalatan, at isinubo.

"Heheheheheheheh..." Bungisngis nya.

Napatingin sa kanya ang katabi nyang matandang lalaki.

Tiningnan nya rin ito...

Nagtitigan silang dalawa...

Walang nagsasalita...
Walang kumukurap...
Walang ekspresyon sa mukha...

Nagtitigan lang silang dalawa ng may ilang minuto rin...

Hanggang sa marinig nila ang boses ng babae sa window 3...

"Mr. Rey Pinioco, window 3 please..."

Tumayo ang lalaki ng di inaalis ang titig nito kay Asmodeus. Kahit habang naglalakad at hanggang makarating ng window 3 ay nakatitig pa rin ito sa kanya...

Maya-maya ay itinaas nito ang kanang kamay na ang kamao ay nakakuyom. Tapos ay unti-unting umangat ang gitna nitong daliri.

Napakamot na lang ng ulo ang demonyo sabay subo ng isa pang Choc-Nut...
Tapos ay tumayo na din ito at naglakad palabas kung saan bigla na lamang itong naglaho na parang bula...

=

Nireport ni Gerald ang nangyari at nangako ang mga tauhan ni Mayor na agad gagawa ng imbestigasyon.
Sinabi rin ng mga ito na kung mapapatunayang may kabulastugan nga ang tauhan ng munisipyo ay agad nila itong tatanggalin.
At ang magandang balita para kay Gerald ay di na nya kailangan pang bayaran ang susunod na tests, certificates at permits na kakailanganin ng business establishments nya bilang paghingi ng dispensa ng munisipyo.

Itinawag nya ito kay Mrs. Rose na masayang-masaya sa kanyang ibinalita.
Tapos ay bumyahe na sya pauwi.

Mag-aalas siyete na rin nang makarating sya sa building at wala pa syang pagkain.
Kaya't sa 7-11 ulit sya pumunta matapos iparada ang motor sa basement.

Di nya napansin si Kim doon. Tanging si Jenna lang ang nakapwesto sa kaha. At sa likuran nito ay nag-aayos ng mga sigarilyo ang lalaking crew na si Mike.

"Kamusta? Wala si Kim?" Bati ni Gerald sa kahera.

"Off sya, Sir... Kami lang ni kuya Mike hanggang mamaya..." Sagot nito.

"Ah. Okay... Bago ba tong manok nyo?" Turo ni Gerald sa mga fried chicken na nasa glass warmer.

"Yes, Sir. Bagong refill po yan."

"Okay... Penge akong dalawa..."

"Naku, Sir... May bayad po yan. Di po pwedeng hingi..." Nakangiting sabi ng kahera.

"Hahaha... Nagpapatawa ka ha... Last mo na yan..." Sakay na biro ni Gerald.

"Hahaha... Anong part po, Sir?" Tanong ni Jenna.

"Mahilig ako sa breasts eh... Gusto ko yung dalawang malalaking breasts..." May pagkapilyong sagot ni Gerald...

"Naku, Sir... Semi flat lang po eh.. Hahaha!" Pilya ding sagot ni Jenna.

Natawa na lang din si Gerald. Pero sa loob nito ay may gigil na naramdaman sa pagiging palaban sa biruan ni Jenna.

Pina-takeout nya ang fried chicken kasama ng dalawang rice. Bumili din sya ng dalawang Mug at isang balot ng Choc-Nut para sa "alaga" nya sa bahay.

Matapos bayaran ang pinamili ay nagpahabol pa ng tanong si Gerald sa kahera...

"Pwede bang malaman yung apelyido mo?"

"Ha? Ah, eh... Sandoval po, Sir..."

"Ah. Jenna Sandoval..." Bigkas nya sa buong pangalan ng dalaga.

"Yes Sir... Bakit po?" Tanong nito.

"Wala lang... May kahawig ka kasing classmate ko dati. Baka kako relative mo..."

"Ganun po ba, Sir? So maganda din po sya? Hahaha!"

"Yes... Hahaha! Sige, una na ko, Jenn. Thanks!"

"Thanks din, Sir! Come again!"

Nakangising lumabas ng convenient store si Gerald at bumalik ng kanyang apartment building.

Sa elevator naman ay nakasabay nya ang kapit-bahay na si Mary.

"Hi! Kamusta?" Bati ni Gerald sa dalaga.

"Hi, Kuya! Eto, kakauwi lang from work. Ikaw, kamusta naman?" Bati at tanong din ni Mary.

"Kakarating ko lang din. Galing akong paupahan namin eh. May konting problema lang yung isang tenant. Pero naayos naman agad."

"Ganun ba?"

"Yes... Ginabi na rin kaya eto, bumili na lang ng dinner dun sa 7-11... Haha."

"Ano yan, fried chicken?" Tanong ng dalaga.

"Yes... Fried chicken again. Hahaha..."

"Di ko alam kung anong niluto ni Mama ngayon eh. Pero kung may sabaw, dadalhan kita. Lam kong mahilig ka sa mga ganun eh." Nakangiting sabi ni Mary.

"Naku, wag ka nang mag-abala. Nakakahiya naman sa inyo."

"Basta..."

Huminto ang elevator sa floor nila. Nang bumukas ang pinto nito ay pinauna nyang lumabas ang dalaga.

Pagtapat sa kanyang pinto ay kumaway sya dito. Kumaway din ito sa kanya at naglakad na palayo...

Pagkalapag ng mga pinamili nya sa lamesa ay hinalungkat agad nito ang Choc-Nut. Lumingon sya sa paligid pero wala ang hinahanap.

"Asmo?" Tawag nya dito.

Bitbit ang pasalubong ay naglakad sya papuntang kwarto. Pati sa banyo ay hinagilap nya pero wala ang demonyo.

Bumalik na lang sya ng lamesa at inihanda na ang pagkain.

Pagkaupo ay kinuha nya ang phone at binuksan ang notepad app.
Sa folder na may title na "Prospects" ay inilista nya ang pangalang Jenna Sandoval.

Sa ibabaw nun ay may isa pang pangalan na nakalista na kanina nya lang din isinulat...

Maria Rafaella Gonzaga

Itutuloy...

====

Pasensya na po kung natagalan ang update sa series na ito. Naging sobrang busy kasi ako sa napakaraming bagay nitong mga nakaraang linggo.

Pasensya na rin kung walang aksyon sa chapter na ito dahil mas pinagtuunan ko muna ang pag build-up ng kwento at pagpapasok ng ilang characters.

Maraming salamat po.

More from AdobongLamok

Filipino Sex Stories

Sex Note 2

AdobongLamok

I lay beneath the shadows of your every desire. Fueling your longing like paper into fire I live within your...

13 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Sex Note 4

AdobongLamok

Sex Note Guide #2: The writer needs to think of the persons' faces while writing their real names in order for...

14 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Sex Note

AdobongLamok

Isang pares ng mga matang tila walang buhay ang nakamasid sa paligid. Mga matang naghahanap ng aliw. Ng mapaglilibangan upang...

6 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Ezra On His Chip

AdobongLamok

"I wanna stay in love with my sorrow..." Lithium - Evanescence * Ezra On His Chip My name is Ezra. 24 years...

20 minutes Read Time

Related Stories

Filipino Sex Stories

Kaputol (2)

aero.cock78

Continuation... Matapos nyang mahugasan ang pinggan ay lumabas na sya papuntang balkunahi..tamang tama naman ang pag dating ng kaibigan...

13 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kabilang Mundo 19

Fiction-Factory

Please refer to the previous part. (Kapitulo Sinkuenta y dos) Naaagnas na mukha, gutay-gutay na damit. Nanlilisik na mga mata...

10 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Pang-Akit Ng Maynila: Pang-Siyam

9791cloud

Pang-Akit ng Maynila: Pang-Siyam author: cloud9791 Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to...

20 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Harapin Ang Liwanag! Chapter XII

anino

Chapter XII: Trouble! "Alam niyo na ang gagawin niyo" utos ng Kapitan na naghiwalay ang sampung tauhan niya para gawin...

33 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kabilang Mundo 10

Fiction-Factory

Please refer to the previous part. (Kapitulo Biente-Kwatro) Nawala na ang sakit ng tiyan ko, ngunit napalitan naman ng kakaibang...

17 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Ang Tarugo ni Berto 5

GinoongKidlat

Nakaupo si Doc Sheryl sa kama, ang init ng iniinom nilang tuba at brandy ay tumatama na sa sistema ng...

13 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kabilang Mundo 15

Fiction-Factory

Please refer to the previous parts. (Kapitulo Kuarienta) Hindi na namin alam ang eksaktong oras sa mga sandaling ito pero...

19 minutes Read Time