1. Home
  2. Stories
  3. Sexcapades Ni Nars (Part 3)
Filipino Sex Stories

Sexcapades Ni Nars (Part 3)

By lennie_papaya ·
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Hindi ko alam kung babasahin ko pa ba ang text ni Doc, or kung matulog na lamang ako tapos basahin ko pagkagising. Hindi pa din lasi ako makapaniwala na nagdampian mga labi namin.

Pero naisip ko, hindi na ako bata. Hindi na kami mga bata. Binuksan ko ang message niya. "Pwede kita tawagan? May sasabihin lang ako."

Natameme nanaman ako. Magrereply ba ako? Hindi ako agad makapag decide. Hanggang sa nakatulog na ako kakaisip kung sasagot ako.

Nagising ako ng 4pm. Dahil na rin siguro sa pagod ko sa duty. Bigla kong naalala, di pa pala ako nagrereply kay Doc. Tiningnan ko agad ang phone ko. Nagulat ako pagbukas.

16 missed calls at 7 messages galing sa kanya. Nakakaloka! Napaisip ako, bat biglang ganito na tong lalaking 'to?

Binuksan ko ang mga messages niya. Puro sorry. Humihingi ng pasensya sa ginawa niya sakin sa sasakyan niya. Ang pinakahuling mensahe niya, "Sana, hindi magbago yung treatment mo sa akin. Sana hindi awkward sa duty."

Hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis or maaawa. Nag decide ako na huwag munang sagutin ang mga text messages niya. Binasa ko na lamang ang mga convo sa group chat ng area namin.

5pm. Nakaramdam na ako ng gutom. Nag decide akong bumaba na para kumain. Nagulat ako pagbaba ko. May bouquet ng bulaklak (pink roses) sa dining table namin. Lumapit ako at tiningnan ang card na nakadikit.

Namutla ako. Galing pala kay Doc ito.

Sorry. -Doc ******

Yun lamang ang nakasulat sa card. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak sa lalaki. Kahit yung mga naging ex komor nanligaw sakin, hindi ako binigyan ng bulaklak.

Kinilig ako. Sino ba ang hindi?

Nagulat ako nang biglang nagsalita ang kapatid ko. Andun pala sya sa likod ko. "May nag deliver niyan dito kanina. Akala ko nga binigyan mo sarili mo ng bulaklak tapos ipapabayad mo sa akin." Pang aasar niya.

Tinawanan ko lamang ang kapatid ko. Kinikilig ako. Di ko namalayan na abot tenga na ang ngiti ko. Nawala na din sa isip ko na nagugutom pala ako.

Bumalik ako mg kwarto na nasa isang vase na ang mga bulaklak na padala ni Doc. Inilagay ko iyon sa aking study table.

Kinuha ko na ang cellphone ko at nag reply kay Doc.

"Good evening, Doc. Sorry late po ang reply. Kagigising ko lang po."

Nag send agad amg message na iyon. Habang tinatype ko ang pangalawang text na isesend ko, bigla na lang lumabas sa screen ko na tumatawag si Doc.

Nataranta ako. Pero huminga ako malalim paranma relax ng kaunti. Sinagot ko ang phone ko.

"Hello po, Doc." Bati ko.

"Hi ma'am. Kamusta ang tulog mo?"

"Ok naman po, Doc."

"Uhmm, gusto ko sana humingi ng pasensya sa ngyari kanina sa kotse ko. Nabigla ako..."

"Nagulat din po ako, Doc." Pakipot.

"Pasensya na uli. Hindi ko sinasadya yung ginawa ko. Pero magalit ka man sakin, aaminin ko na hindi ako nagsisisi."

Di ako maka imik. Bakit nga ba biglang ganito si Doc? Nagsabay lang naman kami sa yosihan. Matagal na kaya niya itong nararamdaman?

"Nga pala, natanggap mo yung flowers na padala ko?"

"Opo, Doc. Hindi nyo namam na po kailangan magpadala ng bulaklak."

"I know. Pero gusto kitang padalhan. Sana nagustuhan mo."

"Salamat po, Doc."

"Alam ko maaga pasok mo bukas. Pero, ayain sana kita ngayon. Coffee lang malapit sa inyo. Ihahatid din kita pauwi."

Natameme nanaman ako. Ano kaya isasagot ko? "Uhmm kasi po Doc..."

"Promise, Len. Saglit lang. Coffee lang talaga. Usap lang. Ihahatid kita pauwi sa inyo in one piece. I promise."

"Uhmm, sige po Doc. Pero saglit lang po kasi need ko po magpahinga ng maaga para bukas sa shift ko (kahit maghapon naman akong tulog)."

"I promise. Sabihan mo ako pag ready ka na. Andito lang ako sa labas ng gate niyo."

Itutuloy....