1. Home
  2. Stories
  3. Shooter Game Four
Lagablab

Shooter Game Four

By yoanstranger ·

GAME FOUR. FIRST QUARTER.

The next few days, sa gate ng school ako inaabangan ni Jaja. Inaabutan ko siya dun kasama si Joey saka si Heidi. Pero pagdating ko, itinataboy niya agad ang dalawa. Sasabihin niya, "Bye bye muna, my sisters. Bonding time namin ng sweetheart ko ngayon." Tapos tumatambay kami sa bench malapit sa canteen o dun sa malapit sa library.

Sweet si Jaja. Sobra. Kahit hindi kami naghoholding hands o nag-aakbayan dahil bawal ang PDA sa school, nakakapaglambing pa din siya sa kin. Dumidikit siya. Inaasikaso niya ko. Inaayos niya gamit ko. Minsan patago siyang humahawak sa kamay ko. Minsan pasimple siyang umaakbay.

Pero lagi ko siyang hinahatid sa kanila after classes. Sasakay kami ng taxi. Maglalambingan kami sa loob hanggang makarating sa kanila. Since hindi pa umaalis ng Pinas ang father niya, hindi pa ako nakakapasok sa malaking bahay nila at hanggang labas lang ako ng gate.

Sa gabi, inuulan ako ng text ni Jaja. Walang tigil ang text namin kahit kumakain ako ng dinner, nag-aaral, nanonood ng TV, o naglalaro sa computer. Siya ang huling katext ko bago matulog at ang unang katext ko paggising sa umaga.

Marami akong nalaman tungkol kay Jaja sa mga usapan at text namin. Hiwalay pala ang mother at father niya, kagaya ko. Daddy niya din ang guardian niya at hindi na niya alam kung nasan ang mother niya. Ganon din ako. Ang pagkakaiba lang namin, ang daddy niya, madalas nasa Europe dahil nandun ang mga businesses nito. Si Daddy ko, kasama ko naman lagi sa bahay.

Ang hindi ko lang matanong kay Jaja, na hindi niya kinukwento sa kin, ay ang mga naging ex niya bago ako. Curious ako kung sino ang nauna sa kin sa kanya. Curious ako kung marami nang nakaangkin sa kanya.

Sa school, madalas akong makakita ng mga nagbubulungan kapag magkasama kami. Hindi naman sila nagsasalita. Hindi ko naman yon pansin. Basta masaya ako at may syota ako at ang syota ko ay maganda, mestisa, sexy, at love na love ako.

Pero syempre imposible namang walang mag-usisa.

"Nico, syota mo na ba si Jaja?" Si Faye yon, my ever madaldal na seatmate sa class.

Napatingin ako sa kanya. Nagtaka ako kung bakit niya ako tinanong ng ganon. "Oo. Bakit?"

Sumimangot siya. "Bakit si Jaja?"

Sumimangot din ako. "Bakit hindi?"

"Hindi kayo bagay."

"Bakit naman?"

"Basta. Trust me. Hindi kayo bagay."

"Bakit nga?"

"Hello! Ilan na ba nagiging girlfriend mo?"

Medyo nahiya akong umamin. "Wala pa. Siya pa lang."

"Well, FYI, pang-anim ka na niya!"

Natulala ako. Napaisip ako. Pang-anim ako kay Jaja? Ibig sabihin, almost dalawa ang nagiging syota niya every year? Ni hindi man lang ako nakasama sa first five? Ano kayang nagawa sa kanya nung limang yun? Kadiri naman, lima...

At diring diri ako habang iniimagine ang limang male 0rgans na umaangkin sa flower niya.

Kaya nung nagkita kami after classes, hindi ako nakatiis. Niyaya ko siyang magmall para magkausap kami nang seryoso.

"Ja, sorry ha, pero may gusto akong malaman eh."

Nagsmile lang siya. "Ano yon, Sweetheart?"

"Kasi..." Nahirapan akong buksan ang topic.

Niyakap niya ang braso ko. Dinikit niya ang katawan niya dun. Ang sarap talaga ng feeling kapag ginagawa niya yon. "Tell me, Sweetheart. Huwag ka nang mahiya. Ano yon?"

Napailing ako bago nagsalita. "Sabi kasi nila, pang-anim mo daw akong boyfriend..."

Nawala ang smile niya. Naging seryoso siya. Yumuko siya konti. Pero hindi niya inalis ang yakap niya sa braso ko. "Totoo..." Parang nalungkot siya at ang pag-uusisa ko ang dahilan.

Nakonsensya naman ako. "Sorry kung nabanggit ko pa."

Tumango siya. Medyo nagsmile. "Okey lang. Past is past naman. Malalaman mo din sooner or later."

"Sorry pa din..."

Huminga siya na malalim tapos nagsimula nang mag-explain. "Oo pang-anim ka. Maaga akong nagboyfriend. Naghahanap ng lalaking magmamahal sa kin. Yon bang someone who will understand me and love me for who I am. Kaso wala eh. Lahat sila mga immature. Yung iba, katawan ko lang ang habol..."

Natouch ako sa sinabi niya. Medyo nakonsensya din ako. Napaisip ako. Do I love her for who she is? Mahal ko ba siya talaga o gusto ko lang magkagirlfriend? At kung love ko siya for who she is, bakit parang affected ako nang malaman ko na pang-anim na ako na boyfriend niya?

Tiningnan niya ako, eye to eye. Parang nagpapaawa siya. "Do you love me, Nico, for who I am?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayoko namang magsinungaling. Bahala na. "Ja, sa totoo lang, ang bilis ng mga pangyayari sa tin. Naging girlfriend kita nang hindi kita nililigawan. May nangyari sa tin agad. Honestly, I'm sure na hindi pa ganon kalalim ang feelings ko para sa yo. Pero gusto kong maging good boyfriend para sa yo."

Nagsmile siya at parang napaiyak siya sa sinabi ko. Niyakap niya ko, sobrang higpit. "Thank you, Nico. Love na kita talaga..."

GAME FOUR. SECOND QUARTER.

Isang umaga, sa school. Naglalakad kami ni Jaja sa corridor nang harangin kami ng tatlong lalaki na mukhang mga third year. Masama ang tingin nila sa kin. Pati kay Jaja.

"Ja, usap tayo," sabi ng isa.

Nagtago si Jaja sa likod ko. "Wala na tayong pag-uusapan, Carl! Tapos na tayo!"

"Ja, hindi pwede. Hindi ako pumayag na matapos tayo."

"Shut up, Carl. Decision ko yon. Hindi mo pwedeng pangunahan ang decision ko!"

Dinuro ako ni Carl. "Bakit? Ito bang pinagmamalaki mo?"

"Oo. And you're nothing compared to him!"

"Baka magkasubukan kami nito, umuwi ito sa nanay niya na umiiyak!"

Nainis ako sa sinabi niya kaya nagsalita na ko. Pero pigil na pigil pa din ako. "Tol, pasensya na. Baka naman pwedeng padaanin nyo na lang kami..."

Tiningnan ako nang masama ni Carl. "Bakit Tol? Lalaban ka?"

Napasimangot ako. "Tol, bawal ang away dito sa school."

"Sa labas, gusto mo? Mamaya?"

Sumabad na si Jaja. "Carl, ano ka ba? Masyado kang bitter! Tumigil ka ba, pwede?"

Tinitigan lang siya ni Carl. "Hindi ako titigil hangga't di ka bumabalik sa kin!"

"Ayoko na sa yo!"

"Kung ayaw mo na sa kin, walang ibang makikinabang sa yo! Dudurugin ko ang pagmumukha ng lalaki mong ito!"

Biglang may nagsalita sa likod ko. "Anong sabi mo, Carl?"

Paglingon ko, si George pala, kasama ang dalawa ko pang teammates.

Nabasawan ang angas ni Carl. "George, Tol, diskarte ko to. Walang basagan ng trip."

"Pero balak mong basagin ang mukha ng teammate namin?"

Nagulat pa si Carl. "Ha? Teammate nyo ito?"

"Bobo ka talaga, Carl. Siya si Nico, ang bago naming teammate. Siya ang official shooting guard ng team namin. Magaling yan. At kavillage ko yan. Kaya kung may balak kang patulan siya, tumigil ka na. Kung hindi, sa amin ka mananagot."

Napalunok si Carl. Tiningnan ako. Tapos yumuko. Tapos tumalikod saka umalis. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama niya na wala namang ginawa o sinabi.

"Thanks, George," sabi ni Jaja kay George.

Nagsmile lang si George. "Wala yun. Anything for my bro. Oo nga pala, Nico. Kumusta ka daw sabi ni Chona. Miss ka na daw niya."

Nagulat ako. Napaisip ako. Si Ate Chona, ipinapakumusta ako? Bakit? At bakit kay George pinasabi? Hindi kaya makahalata ang tropa? Anong alam ni George?

Bigla pang nagtanong si Jaja. "Sino si Chona?"

Natulala ako.

Biglang tumawa si George at kung anu-ano ang sinabi. "Wahahahaha! Namutla ka, Tol! Yari ka kay Jaja! Ex niya yon, Ja! Tagavillage namin! Maganda yon! Super sexy! Super sweet kaya sila dati lalo na kapag may liga ng basketball!"

Batukan ko nga ang loko. "Sira! Papano akong makakasama sa liga kung kalilipat lang namin sa village! Saka syota ni Kuya Arnel si Ate Chona, no! Nag-iimbento ka!"

Nagtakip lang siya ng ulo. "Aray! Hahaha. Nico naman, di na mabiro."

Nakatitig pa din sa kin si Jaja. "Ano ba talaga? Sino ba talaga si Chona?"

Si George na ang nagpaliwanag. "Syota yon ng team captain namin sa village, si Kuya Arnel. Loyal yon kay Kuya Arnel. Pero sexy yon at totoong maganda."

"Aaah," sabi na lang ni Jaja. Mukha namang naconvince na siya.

Napasmile ako. Solve na ang issue. Pero napaisip din ako. Kung hindi kasi nag-over ang biro ni George, hindi mawawala ang pagkatulala ko at baka nadulas ang dila ko. Guilty naman kasi talaga ako dahil may nangyari talaga sa amin ni Ate Chona.

Saved by the George...

GAME FOUR. THIRD QUARTER.

Nagkaroon kami ng tune up game laban sa basketball team ng Saint Bridget School. Dumayo sila sa school namin at kasama yata nila ang buong student population nila. Punung-puno ang gym at ang daming schoolmates namin ang hindi nakapasok.

Ipinakilala ang team ng Saint Bridget at ang tatangkad nila. Halos lahat mas matangkad sa akin at isa lang ang hindi, ang point guard nila. Malakas ang cheering nila dahil nga halos napuno ng mga schoolmates nila ang gym namin.

Ipinakilala kami pagkatapos nila. Bangko ako at sabi ni Coach, ipapasok niya na lang daw ako sa gitna ng laro. Okey lang naman sa kin. Malapit sa bench namin ang pwesto ng cheering squad ng school. Sila Jaja yon. Complete uniform sila. Sleeveless na uniform, miniskirt na may short shorts sa loob. Ang seseksi nilang lahat. Parang ginanahan kaming lahat ng players maglaro.

Nagsimula ang laro at ang ingay ingay sa gym. Bawat shoot ng kahit sinong player, may nagsisigawan at nagchicheer. Lalo na kapag may nagdadrive sa malapit sa ring. Nung nagdunk ang isa kong teammate na matangkad, grabe ang ginawang kantyaw ng mga schoolmates namin sa kalabang team.

Kalahati ng first quarter, pinaglaro ako ni Coach. Shooting guard ako. Warmed up na warmed up ako at gustung gusto kong maglaro. Sa sumunod na set play, ipinasa agad sa kin ang bola noong nasa three point area ako. Nagshoot ako. Pasok! Sigawan ang mga schoolmates ko sa tuwa!

Ilang set play ang lumipas bago sa akin ulit ipinasa ang bola. Nagshoot ulit ako. Pasok ulit! Sigawan ulit!

Biglang nagtayuan ang cheering squad ng kalaban namin. Mga sexy din sila, at ang uniform nilang pang-itaas, litaw ang abs at pusod. "Number 9!" sigaw nila. Number ko yon. At nang mapatingin ako, kumembot sila na parang nagstriptease.

Natulala ako sa kanila. Grabe, nag-init ako sa ginawa nila. Kaya noong ipinasa ulit sa kin ang bola para magshoot, mintis!

"I love you, Number 9!" chorus pa nila sa kin na parang nakakaloko.

Tatlong beses pa ko nagmintis kaya nilabas na ako ni Coach. "Anong nangyayari sa yo, San Diego?"

"Ah, eh, Coach... kasi..." Hindi ko alam kung papano magpaliwanag. Pwede ko bang sabihin na nag-init ako sa ginawa ng cheering squad ng kalaban namin?

Nang-asar pa si George na bangko din noon. "Coach, nadale si Nico ng mga kalaban nating cheerleaders! Virgin kasi yan! Ngayon lang nakakita ng abs ng babae!"

Natawa na lang si Coach. Buti na lang hindi sineryoso ang sinabi ni George.

Pagdating ng fourth quarter, lamang ng sampu ang kalaban. Ipinasok ulit ako ni Coach. Sigawan ang mga taga-Saint Bridget, inaasar ako. Kantyaw din ang inabot ko sa cheering squad nila. Nakakainis.

"Go Nico! Go Nico! Fight! Fight! Fight!"

Napatingin ako sa cheering squad namin na nagcheer sa kin. Medyo korni ang cheer pero nakakainspire naman. Lalo na nakasmile silang lahat sa kin. At si Jaja, nagflying kiss pa. Napasmile ako. Bigla akong ginanahan.

Unang pasa ng bola sa kin, ibinato ko agad mula sa three point line. Pasok! Sigawan ang mga schoolmates ko sa tuwa. Nagcheer ulit sila Jaja. "Gooooooo Nico! Fight!"

Pangalawang pasa sa kin, may tumalon para iblock ang shoot ko. Nagdribble ako paiwas. Tapos nagshoot ulit. Pasok ulit!

Sunud-sunod ang shoot na nagawa ko. Seven out of ten attempts, nashoot ko. Lumamang kami sa Saint Bridget. Natahimik ang mga schoolmates nila.

Last minute ng fourth quarter, lamang kami ng tatlo. Hawak ng Saint Bridget ang bola. Nagdidribble ang point guard nila papunta sa ring nila. Kapag nakapag-three point shot sila, magtatabla ang laro. Syempre, ayaw naming mangyari yon.

Nakabantay ako noon sa shooter nila sa kaliwa. Nang ipasa ng point guard ang bola sa shooter, natantya ko na kaya kong agawin. Isang malaki at mabilis na hakbang ang ginawa ko. Natapik ko ang bola. Nakuha ko yon. Tumakbo ako nang mabilis na nagdidribol. Hindi ko na alam kung ilan ang humahabol sa kin. Basta takbo lang ako. At nang malapit na ko sa ring, tumalon ako. Lay-up. Perfect form. Shoot!

Sigawan sa tuwa ang buong school namin. Sinugod ako ng teammates ko. Pinagkaguluhan ako. Niyakap ako, binuhat, kinamayan, binatukan. Basta masayang masaya ang lahat dahil nanalo kami sa first tune up game namin.

At sa gitna ng gulo namin, nakasingit si Jaja at niyakap ako. Hindi pa siya nasiyahan sa yakap. Hinalikan pa ako sa lips.

"Takpan nyo ang best player of the game natin!" narinig kong sabi ni George at pinaligiran nga kami ng buong team. Group hug ang nangyari at nasa gitna kami ni Jaja na naghahalikan.

GAME FOUR. FOURTH QUARTER.

Sa tuwa ng team dahil sa panalo namin sa first game namin as a team, nagpakain si Daniel, ang team captain ng team at classmate ni George. Sa bahay nila na malapit sa Cubao ginanap ang celebration. Maraming pagkain, pero may beer din.

"Nico! Tol! Beer mo!" alok ni Daniel sa kin.

Napatingin si George sa kin. Alam niya kasi na hindi ako umiinom. Pero ngumisi siya at saka sumigaw. "Kaya mo yan! Best player of the game ka eh!"

Wala akong choice kundi tanggapin ang beer.

Kasama sa celebration ang cheering squad. Actually, noon ko lang nadiscover na karamihan pala ng cheerers namin, mga syota ng mga teammates namin. Syempre, isa na doon si Jaja, at ako ang boyfriend niya. Since wala naman kami sa school, at puro kami students doon, walang bawal bawal.

Ayun, kung maglambingan ang magsosyota, ganun ganun na lang. Si Jaja nga, hindi bumibitiw sa pagkakaakbay sa kin. Ilang ulit na niya kong niyakap at hinalikan.

"Umiinom ka ba, Sweetheart?" tanong niya sa kin.

"Dati hindi," sagot ko.

"Dahan dahan lang ha," bulong niya.

Pero dahil lagi akong binibigyan ng mga teammates ko ng bagong bote ng beer, hindi ako nakapagdahan-dahan. Wala pang dalawang oras, nakaanim na bote na ako. At dahil bago sa kin ang uminom, lasing agad ako. Noong pupunta sana ako sa CR para magbawas, nahilo ako natumba. Pinagtawanan ako ng team dahil doon.

Lasing na ko noon kaya hindi na ako nahiya. Naasar pa nga ako kaya sumagot ako. "Mamaya, tatambling din kayo!"

Lalo lang silang nagtawanan.

Biglang nasa tabi ko agad si Jaja at inaalalayan ako. "Sabi ko sa yo, dahan dahan ang inom, di ba?"

Ugaling lasing na ako noon kaya kung anu ano ang sinasabi ko. "Kasi naman, yung mga siraulong yon, akala mo nagkakarera kung makapagbukas ng beer."

"Kaya mo bang tumayo?"

Umakbay ako sa kanya. "Basta nandiyan ka, Baby, kaya ko."

Tinulungan niya akong tumayo. Dinala niya ako sa isang kuwarto sa bahay at pinahiga niya ko sa bed. Tapos, tumabi siya sa kin.

"Hindi ako first five pero best player of the game ako," sabi ko, hindi nag-iisip.

Hinaplos niya ang buhok ko. "Oo naman."

"Hindi ako first five pero best player of the game ako," pag-ulit ko.

"Ikaw talaga ang best, Sweetheart. Thirty three points ang nagawa mo."

Tinitigan ko siya. Seryoso ako. May gusto akong marinig. "Ako talaga ang best, kahit hindi ako first five?"

Noong una, nakasmile pa siya. Pero biglang nagseryoso siya. Parang nagets niya ang sinasabi ko. Huminga pa siya na malalim bago sumagot. "Oo. Ikaw talaga ang best, Sweetheart."

Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. "Walang kwenta ang first five kaya ako ang best?"

Umiling siya. Nagsmile konti. "Wala silang kwenta, Sweetheart."

Umibabaw ako sa kanya at niyakap ko siya. Pinapak ko siya ng halik, sa lips, sa cheeks, sa mukha, sa leeg, tapos sa lips ulit.

"Nico..." bulong niya.

"Jaja..."

Muli kaming naghalikan. Mas mainit. Mas agresibo. Wala na kaming pakelam kung nasa labas lang ang mga kasama namin. Siguro dahil sa alak. Siguro din, dahil sa nalaman ko ang tungkol sa mga unang naging boyfriend niya. Sabik na sabik ako noon na maangkin siya.

Ako ang best player kahit hindi ako first five. At gusto kong patunayan yon sa kanya.