1. Home
  2. Stories
  3. TATA TASYO’S MIDNIGHT STORIES - Episode 5 Part 1
Lagablab

TATA TASYO’S MIDNIGHT STORIES - Episode 5 Part 1

By cychris ·

Gabing maliwanag ang buwan,

Liwanag na tanglaw sa karimlan,

Ang siga ay akin pang sisindihan,

At bubuksan ko ang kwentuhan,

Ang istorya ay pinamagatan ko...

The Chronicles of Bedek (Benedicto Atrasado)

Sa isang liblib na baryo na malapit sa mga bundok ay mayroong isang matandang nagngangalang Tata Kulas o Kulaspiro Atrasado. Biyudo, matapang ang mukha, matipuno ang katawan dahil batak sa gawaing bukid at dating miyembro ng army at nasa dapithapon na ng kanyang buhay ang edad. Pero mabait mabait naman ang matanda lalo na sa apong si Benedicto o Bedek -anak ng namayapa at nag-iisa niyang supling na si Belinda.

Ang kanyang kabiyak na si Nana Sepa o Serapia ay pinaslang ng kung sino sa di niya sinasabing dahilan, basta pinatay. Ang manugang na ama naman ng apo niya ay tila iniiwasang banggitin kahit kailan ng matanda.Ang apo niya ang tanging kasama niya sa buhay dahil wala na silang iba pang mga kamag-anak. Itinuro niya kay Bedek ang lahat ng kanyang nalalaman sa pagsasaka at pagtatanggol sa sarili kung kinakailangan. Dadating kasi ang panahong mawawala din sa mundo si Tata Kulas kaya inihahanda niya ang apo sa panahong iyon.

Bilang sukli sa pag-aaruga ng matanda ay naging mabait at masunuring apo si Bedek. Pinag-aral siya ng lolo niya hanggang highschool lang dahil hindi kayang tustusan ng matanda ang pag-aaral ng apo hanggang kolehiyo. Tag-araw noon, mahigit pang isang buwan bago mag high school si Bedek ay sinamahan siya ng lolo kay Mang Ambo, ang batikang manunuli sa lugar nila. Pagkatapos mababad sa ilog ay pumila na rin si Bedek para magpa 'binyag' kay Mang Ambo. Siya ang pinakahuli sa pila, pero noong ibinagsak na ni Mang Ambo ang pamukpok sa labahang nakaumang sa balat ng 'pag-aari' ni Bedek ay nabali ang labaha. Inakala ng manunuli na may lamat na ang kanyang labaha.

Buti may reserba pang bagong labaha si Mang Ambo pero kataka takang nabali ulit ang talim nito nang gamiting panuli kay Bedek. Parang makapal ang balat ng binatilyong ito. Nabuo ang hinala sa utak ni Tata Kulas kung bakit ganoon na lang katigas ang balat ng apo na tila balat ng buwaya.Itinali ni Mang Ambo ang balat ng pagkalalaki ng bata sa isang tuod saka pinaupo ang tutuliin sa upuang may sangkalan. Natakot si Bedek nang makitang may dalang maliit na palakol si Mang Ambo. Umawat din si Tata Kulas dahil baka masibak ni Mang Ambo ang 'pag-aari' ng apo.

"Wag kayong mag-alala dahil nabanat nang mahaba ang balat ng ari ni Bedek kaya balat lang ang siguradong tatamaan ng palakol ko." ang paliwanag ni Mang Ambo.

Pumuwesto ang manunuli sa gilid saka ubos lakas na sinibak ng palakol ang balat na nahila nang mahaba sa pagkakatali. Tumalbog lang ang talim ng palakol, kaya gigil na inulit ulit ng matandang manunuli ang pagsibak. Lawit na ang dila ni Mang Ambo kakapalakol pero hindi pa rin niya naaalis ang sobrang balat sa ari ni Bedek. Ang binatilyo naman ay nanunood lang at natatawa sa itsura ni mang Ambo.

Galit na si mang Ambo dahil si Bedek pa daw ang makakasira ng kanyang reputasyon bilang kilalang manunuli. Sa galit ng matanda ay kumuha ito ng chain saw at yun ang gagamitin kay Bedek sa pagtutuli. Takot na takot si Bedek sa umaangil na chain saw. Umawat na muli ang kanyang lolo. Naisip ni Mang Ambo na baka may anting anting ang binatilyo kaya kinuha niya ang natatago niyang matalim na antigong dagger na yari sa pilak. Unang pukpok pa lang ay humiwalay na ang sobrang balat. Pumalahaw ng iyak si Bedek dahil sa naramdamang sakit na tila nanunuot ang kirot sa bawat himaymay ng kanyang laman. Samantalang sa labaha at palakol ay wala siyang nararamdamang sakit. Hindi na naibuga ni Bedek ang nalunok na nginunguyang mga dahon ng bayabas. Si Mang Ambo na ang naglagay sa sugat ng dinikdik na mga dahon saka binalutan ng baru baruan. Inabot ng isang buwan bago gumaling ang sugat ni Bedek.

Kababata ni Bedek sina Nicomedes o Ocin at Milagros o Lagring na mga apo ng dalawang kumpare ni Tata Kulas. Magkasunod pa nga silang nagpatuli noon ni Ocin kay Mang Ambo. Malaki ang pagkagusto ni Lagring kay Bedek dahil sa kakisigang taglay ng binata. Samantalang si Ocin naman ang lihim na nagmamahal kay Lagring. Hindi na virgin ang babae dahil minsan na itong nagkaroon ng nobyo sa bayan at nakipagpatikiman sa lalake dahil hindi ito pinapansin ni Bedek. Maganda naman at sexy ang babae na hawig ni Aya Medel pero hindi pa raw handang pumasok sa isang relasyon si Bedek dahil mga bata pa sila noon. Napabalitang nabuntis ang kababata kaya iniwan ng nobyong nag-aaral pa lang. Noong iniwanan daw si Lagring ay ipinalaglag nito ang batang ipinagbubuntis nito.

Pagkalipas ng anim na taon ay ganap na ngang binata si Bedek. Katamtaman lang ang taas niyang 5'6, kataka takang maputi ang kulay ng balat na namumula lang kapag nabilad sa arawan, matipuno ang katawan dahil batak sa mga gawaing bukid, malalaking mga matang may light brown na pupils, matangos na ilong, katamtamang laki at kapal ng mga labi.

Isang araw ay naliligo si Bedek sa hanggang dibdib na bahagi nang ilog. Ganoon ang kanyang ginagawa pagkatapos paliguan ang kalabaw nila na itinatali niya sa di kalayuan ng ilog. Tago ang bahaging ito ng ilog na maraming malalaking bato kaya naliligo siya dito na walang kahit anong suot. Nakatayo si Bedek sa gitna ng ilog na iyon nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanyang likuran. Pagpihit niya sa likuran ay nandoon si Lagring at nakangiting hawak hawak nito ang kanyang mga saplot. Nakasuot ito na puting daster na basa at bakat ang malulusog na suso at maitim na may kalakihang mga utong. Napamura siya nang ihagis ito ng babae sa tubig at naanod ng malakas na daloy.

Agad na nag dive ang babae sa ilog at lumangoy papunta kay Bedek. Hindi agad nakakilos ang binata at nagulat ng sakupin ng malading bibig ni Lagring ang malaki niyang b*rat sa ilalim ng tubig. Napahawak ang binata sa buhok ni Lagring na sumusubo sa pagkalalaki nya. Bago lang sa kanya ang pakiramdam na iyon dahil wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik. Isang minuto lang ay lumitaw na sa tubig ang nakangiting si Lagring na agad sinunggaban ng halik ang labi ni Bedek.

Si Lagring ang nagga guide sa binata dahil alam niyang hindi pa ito marunong humalik. Kinuha ng babae ang isang kamay ng binata at ipanalamas ang malaki niyang suso. Nag-iinit na ang pakiramdam ni Bedek sa isiping nais siyang 'binyagan' ng kababatang si Lagring. Kumapa ang kamay ng babae at nasapol ang matigas at malaking pagkalalaki ng binata. Gigil itong piniga piga ng malambot na kamay ng babae saka nilaro ng taas baba. Napahabol hininga ang binata sa sensasyong dala ng malambot na palad sa kanyang t*t*. Niyaya ng babae si Bedek na umahon saka siya pinahiga sa isang malapad na bato. Noo'y bandang hapon na at tagong tago nga ang pwesto nila.

Nagmamadaling umupo si Lagring sa ibabaw ni Bedek, inililis ang laylayan ng daster (walang suot na panty ang babae) saka ipinasok ang malaking b*rat ng binata. Mabilis na ibinaba taas ang malapad na balakang. Kinuha ng babae ang dalawang kamay ng binata saka ipinalamas ang malalaking mga suso natatakpan pa ng saplot. Lumipas ang ilang minuto ay nakaramdam si Bedek na tila maiihi siya kaya sinabi niya iyon kay Lagring. Dahil sa sinabi ng binata ay lalo pang binilisan ng babae ang pag-indayog sa ibabaw ng binata. Hindi na napigilan ni Bedek ang sarili kaya sumambulat sa loob ng babae ang marami at malapot niyang katas na inakala niyang ihi. T*mod pala.

Halos sabay silang nilabasan ni Lagring na nangatal ang katawan nang maramdaman ang pagsumpit sumpit ng katas ng binata. Kasabay ito ng pagdaloy ng kanyang katas na umagos hanggang sa mga balls ni Bedek. Nang makaraos ay agad na umalis si Lagring sa ibabaw ni Bedek at inayos ang sarili. Iniwanan si Bedek ng isa pang mainit na halik bago binirahan ng layas.

Kakamot kamot sa ulo ang walang saplot na si Bedek. Paano siya uuwi? Inanod ng tubig ang kanyang mga damit kaya napilitan siyang magbalot ng mga dahon ng saging sa bewang papauwi. Pinagtatawanan siya ng bawat makasalubong na tao. Simula noong mangyari ang patikiman sa ilog ay hindi na nagpunta doon ang binata. Iniwasan na rin niya si Lagring dahil ayaw niyang mapangasawa ang kababata. Hindi niya ito type at isa pa ay masasaktan si Ocin kapag nalamang may nangyari sa kanila ni Lagring.

Isang linggo pa ang lumipas ay ikinasal si Lagring sa kababata din nilang si Ocin. Hindi alam ni Bedek kung paano nangyari iyon pero masaya siyang natupad ang pangarap ni Ocin na mapangasawa si Lagring. Lumipas pa ng mga buwan ay nagsilang na si Lagring. Si Bedek ang kinuha ni Ocin bilang ninong. Nagulat pa si Bedek nang makita niyang quadruplets pala ang isinilang ni Lagring, nakakatuwa ang apat na sanggol sa tabi ng kanilang ina. May ganito palang lahi sina Lagring kaya malamang na doble doble kayod nito si Ocin para buhayin ang kanyang pamilya. Buti na lang hindi siya pinikot ng babae.

Makalipas pa ang anim na buwan...

Sinamahan ni Tata Kulas si Bedek sa bayan kung saan nandoon ang simbahang pagbibinyagan sa mga anak nina Ocin at Lagring. Eksakto lang ang dating ng maglolo dahil magsisimula pa lang ang misa. Lumipas ang ilang minuto at magbubuhos na ng tubig sa mga bibinyagan, maraming kasabay sa binyag ang kanyang mga inaanak. Maraming bata pa ang sinusundan bago buhusan at bigyan ng mga pangalan ang quadruplets na karga karga nina Ocin, Milagros, Nana Sosima at Tata Kadyo.

Nauuna ang mag-asawa na Kano ang lalaki at Pinay ang babae.

"The name of the child is..?" ang English na tanong ng pari.

"Harley Davidson, father." ang sagot ng Kanong tatay ng batang lalaki. Ginawa na ng pari ang ritwal ng binyag.

Sumunod naman ang couple na isang Italian at isang Pinay na may dalang triplets - karga ng yaya ang isang bata.

"Che tipo di nomi per bambini?" ang tanong ng pari sa Italian.

"Aprilia, Moto Guzzi, Ducati, padre." ang sagot ng Italyano. Habang tinuturo isa isa ang mga anak.

Napaarko ang kilay ng pari. "Di ba mga brand yun ng mga Italian motorcycles?" ang usisa ng pari sa ina ng triplets.

"Opo, Italian naman ang asawa ko, eh. Tsaka bakit yung Harley, pwede?" ang sagot ng nanay ng triplets.

Pinayagan ito ng pari. Sumunod naman ang mag-asawang Pinay at Hapon na may kasamang dalawang yaya dahil quadruplets ang bibinyagang mga supling.

"Anone ang mga pangalane nilane?" ang tanong ng pari.

"Yamaha, Honda, Kawasaki and Suzuki." ang sagot ng Hapon. Habang isa isa ding itinuturo ang bawat baby nila.

Ayaw pumayag ng pari. "Hindi maaari. Mga Japanese brand motorcycles ang mga yun." ang tanggi ng pari.

"Father, lumusot ang Harley, Aprilia, Moto Guzzi at Ducati. Payagan nyo na po." ang pakiusap ng nanay ng quadruplets.

Pinalusot na rin ng pari ang mga anak ng Hapon. Isang bata na lang bago sina Ocin.

"Anong pangalan ng bata?" ang tanong ng pari.

"Mercedez po, father." ang sagot ng ama ng bata.

"Yan ang pangalan ng tao, hindi sa motorsiklo." ang sabi ng pari at ginawa ang pagbibinyag.

Sumunod na sina Ocin.

"Anong pangalan ng mga bata? Ito munang karga ng ama." ang tanong ng pari.

"Ferarri po, father." ang sagot ni Ocin.

"Di pwede. Kotse yun eh." ang tanggi ng pari.

"Bakit po lumusot yung Chedeng, di po ba kotse din yun? Tsaka tingnan nyo father oh, mahaba ang buhok ng anak ko parang sa kabayo, kaya Ferarri." ang pakiusap ni Ocin.

Pumayag na ang pari. "Itong isang bata?" ang tanong ng pari kay Milagros.

"Cadillac po, father. Kasi mahaba po ang katawan." si Milagros.

"Kotse pa rin? napailing ang pari at pinalusot na rin. "Ang bata namang ito?" sabay lapit kay Nana Sosima na karga ang isa sa apat na apo.

"Chevrolet po. Di po ba ang gandang bata at makinis? Palusutin nyo na rin po." ang sagot ng lola. Iiling iling ang pari.

"Oh, siya namang hawak ng lolo." ang tanong ng pari kay tata Kadyo.

"Tadano po." ang sagot ni Tata Kadyo.

"Ha? Eh, crane yun ah. Bakit pangalang ng crane?" ang usisa ng pari.

"Mahaba po kasi ang isang braso ng bata." ang sagot ni Ocin. Toinkz!

Nakaraos naman ang pabinyag nina Ocin. Nabusog ang maglolong Bedek at Kulas umuwi na sila para makapagpahinga. Maagang nagising si Bedek kinabukasan para mag-asikaso ng bukid. Ipinaluto pa niya ng agahan ang lolo bago siya umalis . May sulat na dumating kay Tata Kulas na inaanyayahang magtraining sa military ang kanyang apo. Dahil dating sundalo ang matanda ay excited niya itong ibinalita kay Bedek na kararating lang at nagtatali ng kalabaw sa puno.

"Bedek, huuuu! Parine ka at may ibabalita ako sa iyo." ang sabi ni Tata Kulas.

"Ano po ba iyon Tata Kulz at..." hindi na naituloy ni Bedek ang sasabihin dahil nagulat siya sa itsura ng lolo. Naka camouflage ito, helmet, combat shoes at may nakakasuksok pang .45 sa bewang at may hawak na baton. Tila nagbukas ng baul ang lolo niya.

"May dumating na sulat, Bedek. Buo na ang disisyon kong ipasok kang sundalo." ang sabi ng matanda.

"Lolo naman. Wala kong hilig dyan. Ayokong magsundalo." ang tanggi ni Bedek.

"Magsusundalo ka! That's an order!" ang sigaw ng matanda sabay duro nito ng baton sa apo.

"Hindi ako magsusundalo." ang sagot ni Bedek at nag nose to nose sila ng lolo. Tiger look pareho.

"Magsusundalo ka!" ang sabi ng matanda sabay bunot ng baril.

"Magsusundalo ako!" ang sigaw ni Bedek.

Alas sais ng umaga sa Camp Bagumbala.

Bumaba buhat sa isang six by six truck ang mga sinundong mga lalaki at babae para magtraining bilang sundalo. Bumaba ang batch na kinabibilangan ni Bedek. Pinahilera silang lahat na bitbit ang mga bag sa harapan ni Maj. Erik Benk na kilala bilang si Major Pain at ni Lt. Demi Damasco. Nakabuo sila ng isang platoon.

Si major ay matangkad - 5'10, kayumanggi, malaki ang katawan at mabalasik ang pagmumukha na parang si Eddie Garcia. Ang babaing tinyente naman ay morena, mga 5'5 ang taas, mukhang mataray pero mganda, blondie ang buhok, malalaki ang mga mata na may mahabang pilik matangos ang ilong at maluwang ang labi. May malalaking siyang mga suso, maliit na baywang, malapad na balakang at matambok na pwet na makikita sa sakto lang na uniform. Nakita nila noong tumalikod ang babaeng sundalo para sumaludo sa opisyal. Tumingin sa gawi ko ang babaeng opisyal pero agad ding nagbawi ng tingin.

"Ako si Maj. Erik Benk, ang company commander dito! Nandito kayo para ipagtanggol ang ating bayan! Seryoso ang training dito kaya ayoko ng kahit na anong kabalbalan dito! Is that clear?!" ang malaks na sabi ni Maj. Pain.

"Sir, yes, sir!" sabay sabay na sumagot ang mga bagong dating.

"Ito si Lt. Demi Damasco, ang inyong platoon leader. Ipakilala ninyo ang inyong mga sarili." ang utos ng major.

Isa isang nagpakilala ang mga lalaki at babae sa pila. Iba ibang klase ng tao - may mukhang tangengot, may payat na tila adik, may isang babae na maganda at sexy pero boyish, may tila badaf, may nerd na nakamakapal na salamin, may mayabang din, may tila napabili lang ng suka sa tindahan at ung iba ay parang ordinary lang.

"Carlos Benk, mam, sir!" ang sabi ng lalaking maangas.

"John Dillinger, mam, sir!" ang pakilala ng mukhang adik na lalaki.

"Patrick Starfish, mam, sir." ang sabi ng matabang lalaki na mukhang tangengot.

"Pacifico Katuray, mam, sir!" ang kulot na boses ng mukhang badaf.

"Mariposa Biglambuca, mam, sir!" ang sabi nung pinaka seksing babae.

"Alberto Eisetan, mam, sir!" ang sabi ng lalaking mukhang nerd/genius.

"Benedicto Atrasado mam, sir! ang alertong sabi ni Bedek.

"Boy Liit, mam, sir!" ang sabi ng mukhang batang nautusan lang sa tindahan.

"Pangalan ang hinihingi ko! Hindi kung anong bansag sa inyo!" ang alsa boses na sabi ng major.

"Sir, Boy Liit ang tunay kong pangalan sir." ang sagot ng nasa hulihan ng hanay sabay abot ng dalang birth certificate.

Napatunayan nga na Boy ang pangalan niya at Liit ang apelyido ng kanyang ama. Anak ng... di man lang nag-effort na mag-isip ng pangalan ang mga magulang nito, basta na lang boy.

Lumapit kay Bedek si Major Pain nang nakangisi. "Atrasado huh... Sana hindi ka kagaya ng apelyido mo, heh. Mukhang magkakasundo tayo dito." ang sabi ng major. "Ikaw na ang bahala sa kanila, lieutenant." ang sabi ni Major sabay martsa palayo sa platoon.

"Ten Hut!" ang command ni Lt. Demi.

"Nakikita nyo ba ang barracks na yon? Pansamantalang iwan nyo ang mga gamit nyo dun in 10 counts! Is that clear?!" ang utos ng platoon leader.

"Mam, yes, mam!" ang iisang sagot ng buong platoon.

"The number is 1... 2... 3... 4... ....10!" ang sigaw ni Lt. Demi. "Ang mga nahuli, push up positions, drop! Give me two months!" ang utos ng babaeng leader.

"Mam, question, mam!" ang sibad ni Bedek.

"Go ahead, Atrasado!" ang sagot ni Lt. Demi.

"Ilan po yung two months." ang tanong ni Bedek.

"60, D*mn it!" ang mainit na ulong sabi ni Lt. Demi.

"Paano po kung February, eh di po 28 lang yun?" ang sagot ni Bedek.

"Pilosopo ka ah! Plus 2 months pa sa'yo, Atrasado!" ang galit na sagot ng babaing leader.

Maning mani kay Bedek ang pushups. Madalas niyang gawin ito sa bahay nila bago magpunta sa bukid. "118, mam... 119, mam... 120 last mam." ang pagtatapos ni Bedek sa 120 pushups.

"Atrasado, on your feet! Babantayan kita!" ang gigil na sabi ni Lt. Demi. "Kayong lahat! Sa barracks, move!" ang utos ni Lt. Kanya kanyang pulasan ang mga nasa platoon.

Pinapasok sila sa kanilang barracks, binigyan ng mga bunk beds, blankets, uniforms, sandos, shirts, shorts, combat shoes at ilang pang mga gamit. Pinagsuot sila ng camouflage shorts, white shirt at combat shoes. Saka pinahanay ulit sa labas ng field, pushups na nman ang mga nahuli. Noon lumapit si Major Pain kay Pacifico, ang badaf na bagong recruit ng army.

"Katuray! Bading ka ba?!" ang tanong ni major kay Pacifico Katuray o Cif.

"Sir, no, sir!" ang pinalaking boses na sabi.

"What is that! That!" dinuro ang maubok na dibdib ni Cif. Naka white shirt ito pero tila may mga suso dahil naka bra ito at may tinapay bilang padding.

"Sir, bullet proof, sir!" ang sagot ng badaf.

"Bullet proof! D*mn it, Katuray! Give me 2 months, drop!" ang galit na utos ng major.

Sumunod ang badaf pero mali ang pag pushups niya dahil balakang nya lang ang bumababa taas.

"Damn it, soldier! Push ups ba yan?! Kant*t yan, baka mabuntis mo yang lupa! Do it properly!" ang sigaw ng major.

"1 sir... aaahhh. 2 sir, oooohhh. 3 sir... iiiihhhhh." ang ungol at daing ni Cif sa bawat pump nya.

"Tumayo ka nga! Maglinis ka lang muna ng office ko, move!" ang nandidiring utos ni major sabay tadyak sa patakbong si Cif, buti daplis lang sa pwet nito ang tama ng sipa.

"Ay kabayo!" pabaklang sabi ng nagulat na si Cif. Pigil pigil ng lahat na matawa para di maparusahan.

Nakakapagod na araw sa mga bagong trainee para magsundalo. Bulagta lahat sa mga bunk beds nila pagkatapos maghapunan. Umabot na sila ng dalawang buwang training.

Umaga na ulit, oras ng almusal. Magkakasama sa isang mesa sina John Dillinger o John, Patrick Starfish o Pat, Pacifico Katuray o Cif, Mariposa Biglambuca o Mari, Alberto Eisetan o Bet, Bedek at Boy Liit. Kay Bedek sila sasama dahil mukhang astig ito, ayaw nila kay Carlos dahil mayabang ito. Lumapit na nga sa kanila Carlos at pilit silang pinapaalis sa mesa nila - kasama nito ang mga kasamahang mayayabang din.

"Nauna kami dito. Hindi pa kami tapos kumain." ang matigas na sabi ni Bedek. Di na talaga niya matiis ang pagyayabang ni Carlos.

"Mitigas ka na ha... Bedek! Baka hindi mo ko nakikilala. Uncle ko si Maj. Pain na siyang backer ko dito." ang mayabang na sabi ni Carlos.

"Major lang, pinagmamalaki mo na!" ang angas ni Bedek. "Mga generals ang backer ko dito." ang sabi pa ni Bedek.

"General? Sino sinong mga general?" ang tanong ni Carlos.

"Si Gen. Electric, si Gen. Motor, si Gen. Hospital at si Tasyo's Gen. Merchandise!" ang sabi ni Bedek. "Isama mo pa si Gen. Anesthesia." ang dagdag pa ni Bedek.

"Naku... pasensya na kayo. Malulupit pala ang mga backers mo dito. Aalis na kami." ang paalam ni Carlos.

"Wow... Bedek, mga bigating generals pala ang kilala mo." ang humahangang sabi ng matakaw at tangengot na si Pat.

"Buti kahit maangas si Carlos eh bopols." ang sabi ni Bedek.

Natapos na ang agahan nila at nagtuloy na sila sa training nila. Firing ang training nila ngayon. Nandoon sa firing range si Maj. Pain na isang sharp shooter. May mga basyo din ng mga lata doon. Binigyan na sila ng kani kanilang service fire arms. Isang M16 assault rifle at isang .45 cal. na pistol. Agad na nagpakitang gilas ang major, hinugot ang .45 cal. sa bewang at pinaputukan ang pitong lata. Lahat tinamaan.

"Oh sinong gustong sumubok?" ang tanong ni major.

"Ako sir." ang sagot ni Carlos.

Hinugot ni Carlos ang pistol sa may bewang niya at pinaputukan ang pito pang lata na nakatayo sa malayo. Tinamaan din lahat. "Hah! Iyon ang tinatawag kong sharp shooter shot!" ang pagyabang ni Carlos.

"Yun lang? Wala yun, panis!" ang bulong ni Bedek na nadinig pala ng major.

"Anong binubulong mo dyan, Atrasado? Sige ikaw naman ang sumubok. Ipakita mo ang alam mong mga klase ng shot." ang utos ni Major.

Binunot ni Bedek ang nakasukbit na baril sa bewang at tiningnan ang lamang bala ng magazine, may pito itong bala. Pitong klase din ng shots ang ipapakita niya na natutunan niya sa lolo Kulas niya. Una, niyang inasinta ang unang lata at pinaputukan. Mintis ito at nilampasan ng bala ang lata pero bumanda ito sa pader pabalik at nasapol ang isang lata. Lalag ang panga ng opisyal sa pagkagulat pero nakabawi din dahil inakala niyang tsamba lang yun. Ayon kay Bedek, yun daw ang 'bank sho't o off the glass shot sa basketball.

Sumunod niyang binaril ang ikalawang lata. Hindi umabot ang bala sa ikalawang lata, nalaglag ito sa patungan ng mga lata, gumulong ang bala papunta sa target at natumba iyon. Nagtaka na naman ang opisyal. Iyon daw ang 'rolling shot' o finger roll sa basketball. Sunod na itinutok ni Bedek ang baril sa itaas at pinaputok. Deretso paitaas ang bala sabay bulusok pababa at nasapol ang ikatlong lata. 'Tear drop shot' daw iyon. Sa pang-apat na target ay iwinasiwas ni Bedek ang pistol niya sabay kalabit sa trigger. Sapol sa gilid ang ikaapat na lat. iyon naman ang 'hook shot'.

Panglima nang target. Tumalikod sa mga latang target si Bedek. Pinaputok ang baril sabay hila nito sa pistol paatras. Makikitang nahatak pabalik ang bala na dapat ay diretso lang. Tinamaan ang panlimang lata. 'Fade away shot' daw naman iyon. Tila biglang sumakit ang ulo ng opisyal sa ginagawa ni Bedek. Binaril naman ni Bedek ang pang-anim na lata, tinamaan ito sa ilalim at humagis sa ere. Pagbasak nito sa lupa ay nakatayo pa rin ang lata. Iyon daw ang 'reverse shot' sabi ni Bedek. Ang huling lata ay binaril na ni Bedek na sa ilalim ulit tinamaan at humagis sa ere. Diretso itong bumagsak sa ulo ni Bedek at sinabing iyon daw ang 'revenge shot'. Nagtawanan ang mga kasamahan niya. Galit na galit ang major.

"Maupo ka, Atrasado! Ginawang basketball ito firing." ang asar na sabi ni Major habang ngingiti ngiti naman si Lt. Demi, nagugustuhan na nito si Bedek dahil astig ito.

"Ipapakita ko naman ang pagbaril sa gumagalaw na target." ang sabi ni Major.

Pinaakyat ni major sa watch tower si Carlos at saka ipinahagis palayo ang isang bote ng 1 liter mineral water na may laman. Malayo si major sa pinaghagisan ng bote. Pinaputukan niya ang bote sa ere gamit ang M16 assault rifle. Sapul ang bote at halos wala nang natira dito dahil nirapido ni Major. Si Bedek uli ang sumubok. 1 liter ding bote ng tubig na may laman ang ipinahagis niya kay Carlos saka niya binaril ng M16 assault rifle ang bote sa ere. Naka automatic din ang rifle pero tatlong bala lang ang tumama sa bote. Bumagsak sa lupa ang apat na 250 ml. ng mineral water. Napanganga ang lahat sa nangayri, pati si Major.

"Paano nangyari yun?" ang sabi ni major. "Puro ka kalokohan, Atrasado. Sige, dun kayo lahat sa obstacle course, move!" ang utos ni Major Pain.

Pinangunahan ni Lt. Demi ang pagdaan ng platoon sa nakahandang obstacle course. Una ang pagtakbo ng nakabuka ang mga hita sa mga magkakatabing exterior ng mga gulong. Napg-iwanan si Pat dahil mabagal pati na si Bet na tila hinihika. Sumunod ang paggapang sa ilalim ng net na puro putik. Then, tutulay sa nakatumbang puno ng niyog, aw! Nadulas si John at pasaklang na bumagsak sa tinutulayan, basag! Umakyat din sila sa mataas na bakod na yari sa kahoy. Nandito na sila sa huling obstacle, aakyat sila sa malaking net at mag I slide pababa sa putikan. Nakatapos na ang lahat maliban kina Pat at Bet. Nakahabol naman sila at nasa huling nang obstacle, pasan pasan na ni Pat si Bet. Tumigil ito sa babae ng huling aakyatin .

Umakyat ang seksing si Mari para ipakita sa dalawa na madali lang. Tumigil pa ito sa itaas. "Ano na? Umakyat na kayong dalawa." ang yaya ni Mari na nakadungaw sa ibaba.

"Haah.. hah. Hindi na namin kaya." ang sabi nung dalawa sa ibaba.

"Baka gusto nyo ito?" ang sabi ni Mari sabay hila sa kanyang suot na t-shirt pababa.

Nakita ng dalawa ang malulusog na punong suso ni Mari. Tila na recharge ang dalawang kumag, nag unahan pa sila sa pag-akyat sa net. Mabilis nilang narating ang itaas at sabay na nag slide pababa sa putikan. Hingal kabayo ang dalawang nahuli. Halos himatayin na sa hika niya si Bet. Ganoon sila araw araw. Exercises, martial arts, firing at obstacle race, gayundin ang war games na ginagamitan nila ng mga special weapons ang tactics.

Araw ng Linggo. Umaga.

Nakapwesto na ang first infantry battalion na kinabibilangan ng platoon nina Bedek pero ang grupo nina Carlos ay sa back up nilagay. Ang misyon nila ay mailigtas ang binihag na pari - si Father Fakundo San Jose o Fr. Fak Joe. Sandaling oras pa ay lumusob na ang pwersa ng militar pero nasorpresa sila sa ginawang ambush ng mga kalaban.Marami ring mga land mines sa paligid ng kuta, mga snipers sa mga puno ng niyog.Maling plano at taktika, pero ginawa rin ng lahat ng sundalo ang makakaya para mailigtas ang pari.

Pasugod na si Bedek nang maka jackpot siya ng dumi ng tao at nadulas. Umangat sa ere ang kanyang katawan at aksidenteng nakalabit niya ang trigger ng dala dalang M16 rifle. Sapul ang sniper na babaril sana kay Lt. Demi.

"Atrasado, ang galing mo. Tinamaan mo ung sniper na dapat babaril sa akin. Thank you ah." ang sabi ng babaing tinyente sabay halik at yakap sa nakaplakdang si Bedek. Toinkz! Swerte pala talaga ang makatapak ng 'echas'.

Natauhan ang nagyayakapan at naghahalikan, nasa gitna nga pala sila ng labanan. Hindi na sila naghiwalay. Nakarating sina Private Bedek at Lt. Demi sa mga kubo ng bandidong grupo. Si Bedek ang lalapit sa mga kubo habang kinokoberan siya ni Lt. Demi, pero di nila alam na nakikita sila ng tatlong bandido na nasa harapang kubo. Natisod si Bedek at nakalabit na naman ang hawak na M16, nagkabutas butas ang dingding ng kubo sa harapan niya sa tama ng bala. Nahulog mula sa mga bintana ng kubo ang napatay niyang mga bandido.

"Ano ba yan, Bedek? Ang swerte mo. Lakas mong maka tsamba." ang pang-aasar ni Lt Demi.

Nilingon ni Bedek ang babaing leader at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.May akmang tatagpas sa leeg ni Lt Demi mula sa likod nito. "Dede, dapa." ang sigaw ni Bedek.

Dumapa naman agad si lieutenant at mintis ang halibas ng bandido. Agad binaril ni Bedek ang nagtangka sa platoon leader nya. Nilapitan niya ang babae. "Mam, di na tsamaba yun, ah. Ok ka lang ba, mam?" ang nag-aalalang tanong ni Bedek.

Tumayo ang opisyal na babae at kinurot sa tagiliran si Bedek. Napangiwi siya sa sakit. "Mam, bakit?" ang takang tanong ni Bedek.

"Ngayon ko lang na gets ang sinabi mo." lalong nanggigil na sabi ng tinyenteng babae.

"Bakit, mam? Ano bang masamang sinabi ko sa'yo" ang tanong ni Bedek.

"Sabi mo dapa ang dede ko. Fyi private, tayung tayo pa ang mga suso ko dahil virgin pa ko. Oh, hawakan mo." ang taray ng opisyal sabay kuha sa mga kamay ni Bedek at ipinadakma sa kanya ang malalaki nitong mga suso.

"Mam, naman! DD po yung sabi ko. Nataranta lang ako nung may kalaban sa likod mo. Nasa bakbakan tayo, mam." ang tanggi ni Bedek sabay dampot sa M16 para pasukin ang mga kubo.

"Hmmmp. Mamaya ka sa akin. Tayo magbabakbakan." ang bulong ni Lt. Demi.

Nakita nila sa isang kubo ang matandang pari, kinalagan nila ito mula sa pagkakatali at inakay para tumakas. Nakalayo na sila sa kubo at dadalhin na ang pari sa safe na lugar ng makita ni Bedek ang isa na namang sniper sa puno na nakaumang kay Lt. Demi, agad niya ito inasinta pero wala na pala siyang bala nang kalibitin niya ang trigger. Nilundag niya ang babaeng opisyal para iligtas sa sniper. Nahubad mula sa ulo ni Bedek ang helmet. Ang baling para sana sa babae opisyal ay bumaon sa sintido ni Bedek na bumagsak sa lupa. Mabilis na hinagisan ni Lt. Demi ng granada ang pinagalingan ng putok. Patay sa tama ng shrapnel ang sniper. Sumabit ang walang buhay na katawan nito sa puno.

Ang sniper palang ito, ang huli nilang kalaban. Nag-atrasan na ang mga kasamahan nito na kasama ang mga natirang mga bandido. Ang napatay pala ni Bedek na sana ay tatagpas sa ulo ni Lt. Demi ay ang leader nilang si kumander Pogi. Kinalong ni lieutenant ang ulo ng may tamang si Bedek, hindi na ito gumagalaw. Noo'y napaluha si Lt. Demi...

"Bedek, gumising ka! Uy! Hindi pa ko nakakaiskor sa'yo. Ikaw pa naman ang magdede virginize sa akin! Bedek!!!!!" ang sabi at palahaw ni Lt. Demi Damsaco.

Marahan niyang ibinaba ang ulo ni Bedek saka pinulot ang nakitang machine gun, tinadtad niya ng mga bala ang katawan ng patay na sniper na bumaril kay Bedek. Naputol ang ulo, mga kamay at bewang nito sa tama ng mga bala. Nagdatingan ang mga kasamahang nilang nakaligtas - sina John, Pat, Cif, Mari, Bet at Boy Liit. Inawat nila ang kanilang platoon leader na nagwawala.

Itutuloy...