1. Home
  2. Stories
  3. Tatlong Reyna 6
PSErotica

Tatlong Reyna 6

By emachine ·

Part 6

Kadarating lamang ni Yanna sa bahay. Galing sya sa bangko upang iwithdraw ang lahat ng laman ng kanyang account at isara na rin ito. Ilang taon na rin simula ng buksan niya ang kanyang bank account upang makaipon ng pera. Magmula kasi ng mamatay ang kanilang ama ay kinailangan nila magtrabaho ng kanyang ate Roma upang mabuhay. Ang panganay na si Roma ay nag working student upang makatapos ng pag aaral. Samantalang ang bunso na si Chachi ay naiwan sa bahay sapagkat hindi ito makapagtratrabaho dahil sa edad. Si Yanna naman ay hindi pa nakakatapos ng highschool ng mga panahon na iyon kaya hindi pa makapagtrabaho rin.

Online Show. Ito ang naisip na paraan ni Yanna upang kumita ng pera. Natuto mag show ang dalaga dahil na rin sa kanyang boyfriend. Naisip ng dalaga na pwede nya rin ito gamitin upang kumita ng pera. Hindi nga naman sya hahawak ng kung sino sino at ang gagawin nya lang ay magsayaw at maghubad sa harap ng camera. Puro foreigner din ang mga nanunuod sa kanya kaya walang makakakilala sa kanya. Malaki ang kinikita niya sa mga show niya kung kaya naman naituloy niya ang pagaaral ng high school at nakakapagbigay in sya ng pera para sa gastusin nila araw araw.

Ngunit ngayon ay wala na syang dahilan upang ituloy pa ang trabaho. Isinara na niya ang kanyang bank account sapagkat itinigil na niya ang pagshoshow. Sa halip ay itutuon na lamang nya ang atensyon sa pagpapatakbo ng kanyang online dress shop. Kumukuha sya ng mga murang damit sa divisoria at pagkatapos ay ibebenta ito ng mas mahal online. Isang linggo na rin simula ng maghiwalay sila ng kanyang nobyo na si Charles at dahil hindi na sya magshoshow para sa binata ay napagdesisyunan na rin nya na tumigil sa pagshoshow para sa iba. Retired na sya.

"HUH?! Joke ba ito?" natawa si Yanna sa mga naaalala. Ito ang sigaw nya sa loob ng kwarto ng mabasa na ang kanyang nobyo ay engaged na pero hindi sa kanya. Kahit na mahal pa ang tawag sa Amerika ay kinuha pa rin ng dalaga ang telepono at dinial ang number ng dalaga. Halos mapudpod na ang daliri ng dalaga sa daming beses na nito sinubukan tawagan si Charles ngunit hindi ito sumasagot.

"I'm sorry." ito ang unang salita na narinig ni Yanna ng sagutin na ni Charles ang telepono matapos ang ilang araw na pagtawag.

"Sorry? Sorry lang ang sasabihin mo? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag?" pinilit maging mahinahon ng dalaga kahit na nagaapoy na siya sa galit.

Charles: hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat

Yanna: edi simulan mo kung paanong may ibang babae ka!

Charles: Isang pagkakamali un. Natukso lang ako kasi wala ka dito. May mga pangangailangan din ako.

Yanna: ako ba walang pangangailangan? Nagtitiis ako dahil mahal kita. Pero ikaw anu ginawa mo? At kung pagkakamali lang bakit pakakasalan mo?

"buntis si Mitch." natigilan ang dalaga sa narinig. Nakabuntis ng ibang babae ang kanyang nobyo. Kung ganun ay wala na nga sya magagawa. "Mitch? Baka bitch?!" sigaw ng isipan ni Yanna. Hindi na nagawa pang pakingan ng dalaga ang mga susunod na sinabi ng binata na puro pagpapalusot na lamang. Ibinaba niya ang telepono at umiyak na lamang sya.

Buong linggo na hindi lumabas ng bahay si Yanna at pati na rin ang kanyang mga kapatid ay nag aalala na sa kanya ngunit wala naman magawa upang pagaanin ang loob ng dalaga. Matapos ang isang linggo na pagiyak ay bumangon si Yanna. "bakit ba ako umiiyak? Maganda ako at marami pang iba diyan." ito ang sinabi ni Yanna sa sarili.

Ding! Dong!

Natigil ang pagmumuni muni ni Yanna sa mga nagyari ng biglang tumunog ang doorbell ng kanilang bahay. "sino kaya ito?" dali dali na tumayo si Yanna upang tignan kung sino ang nasa pinto. Pagbukas nya ng pinto ay nagulat pa ang dalaga sapagkat kilala niya ang lalaki sa kanyang harapan.

"Francis?" gulat na tanong ng dalaga. Si Francis ay isang matangkad at matipuno na lalaki. Sa taas na 6'4" ay mukha silang mag ama ni Yanna pag pinagtabi. Hindi na rin naman bata ang lalaki sapagkat 45 years old na ito. Ganun pa man ay hindi ito halata sapagkat gwapo pa rin ito at maganda ang pangangatawan. Maaring sabihin na hawig ito ng mas batang Liam Neeson ng pelikulang TAKEN. Oo, kano si Francis.

"what are you doing here?" muling tanong ni Yanna ng makabawi ito sa pagkagulat. "I am here in the Philippines to win your heart."sagot ng lalaki sabay ngiti ng malaki. Hindi naman na ito masyadong ikinabigla ng dalaga. Simula ng magsimula magshow si Yanna sa internet ay parokyano na nya si Francis. Sa katunayan ay nagsabi pa nga ito na manliligaw sya. Kaya naman paminsan minsan ay may natatangap na package si Yanna galing Amerika. Kadalasan ay mga damit ito katulad na rin ng kanyang suot na floral tube at maong skirt.

Mejo magaan naman ang loob ni Yanna sa lalaki sapagkat mabait ito. Hindi tulad ng ibang parokyanong kano na bastos at malaswa magsalita ay malambing si Francis. Minsan nga ay naiisip ng dalaga na parang nobyo nya rin ang binata dahil sa lambing nito. Madalas din magprivate show si Yanna kay Francis. Minsan pa nga ay libre ito kapag nasa mood ang dalaga.

Sa lalaki rin natutunan ng dalaga ang pag gamit sa kanyang puwet. Si Francis ang nagudyok sa dalaga na ipasok sa kanyang puwet ang isang maliit na vibrator ng minsan ay mag session sila. Nung una ay ayaw ito ng dalaga ngunit dahil na rin sa matiyagang pamimilit ng lalaki ay ginawa na rin niya ito.

Ngunit hindi lang naman puro tungkol sa sex ang pinaguusapan nilang dalawa. Sa katunayan ay si Francis ang nagturo kay Yanna ng tungkol sa online shop. Si francis din ang nagbigay sa dalaga ng kailangan nitong puhunan upang makapagsimula. Madami rin napaguusapan ang dalawa tulad ng lovelife, school at marami pang iba. Nakikipagchat kasi si Yanna sa lalaki kapag wala itong ginagawa at naiinip.

Sinasabi rin ng lalaki na naiinlove na sya kay Yanna at gusto nya itong ligawan. Hindi naman ito sineseryoso ng dalaga. Una ay dahil nasa Amerika ito at pangalawa ay matanda na ito. "Don't waste your time." ito lang ang laging sinasabi ng dalaga sa lalaki. Ng magsabi nga ang dalaga na magreretire na ito at hindi na ulit makikipagchat ay medyo nabigla ang dalaga sa sinabi ng lalaki. "I will go to the Philippines. I will win you." Naisip ng dalaga na hindi seryoso ang lalaki at kung seryoso naman ito ay wala namang mawawala dahil mayaman at gwapo rin naman ang lalaki. "If you want me, come and get me." kaya naman ito ang sinabi ng dalaga.

Kaya naman eto siya ngayon at hindi makapaniwalang tototohanin ng lalaki ang banta nito na pupunta ng Pilipinas upang ligawan at pasagutin sya. "Won't you invite me in?" Tanong muli ng lalaki ng hindi umiimik si Yanna.

Yanna: I am sorry but I can't invite you inside. I hope you understand.

Francis: oh! I understand. I saw a restaurant nearby. Do you want to grab something to eat?

Yanna: uhhhmmm. Sure. Wait here.

Kinuha ng dalaga ang dalang bulaklak ng lalaki at pumasok ng bahay. Pumunta ng kusina ang dalaga at uminom ng tubig upang pakalmahin ang sarili. "Shit! Anu ang gagawin ko?" Kumakabog ang dibdib ni Yanna dahil hindi niya alam ang gagawin. Kapag sumama sya ngayon ay baka hindi na sya tantanan ng lalaki. Kapag hindi naman sya sumama ay hindi nya alam kung anu ang pwedeng gawin ng lalaki.

"Bahala na nga!" sabi ng dalaga sabay kuha ng maliit na pouch sa ibabaw ng lamesa at labas ng bahay.

Itutuloy........