1. Home
  2. Stories
  3. Texmates (Ang Pagtatapos)
Filipino Sex Stories

Texmates (Ang Pagtatapos)

By Teddyray ·
Chapter 19- The Promise Of Forever

"I miss you hon..." Sabi ni Ellaine. "I missed you so much..." Yumakap siya sa akin. Ah, si Ellaine ang aking Eden...Hindi ko alam kung ilang sandali kami nakatayo doon. Humihikbi pa rin siya habang nakatayo kami at naka pila sa mga nag-aabang ng masasakyang taxi. Kinukurot-kurot nya ako ng maliliit sa tagiliran.

"Miss na miss talaga kita, sobra..." Hindi ako maka kibo parang pakiramdam ko ay nabikig ako sa lalamunan. Pinilit kong wag tuluyang malaglag ang nahilam na luha sa aking mga mata. Niyapos ko lang siya ng mahigpit na mahigpit. At ng nasa loob na kami ng taxi, saka ko naisipang itanong, " Saan tayo – ikaw pala tutuloy Hon?"

Kinurot nya akong muli. "Di ba sabi mo nagtanan yung Ellaine mo? Sabi nya na hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Parang may gusto siyang masalamin sa aking mga mata. "Ang alam sa amin nung umalis ako sa Batangas ay nagtanan ako. Nag iwan ako sa tatang ko ng sulat. Sinabi ko na sasama na ako sayo..." Naguguluhan ako. Kaya nagpaliwanag siya.

"Noong po na naghiwalay tayo sa Tagaytay, ginabi ako ng uwi di ba? Pinagod mo ako noon...saka pina-iyak..." Sumandal siya sa dibdib ko. " Sir, saan po tayo?" Parang pareho kaming nagulantang ni Ellaine ng magsalita ang driver ng taxi. Mula pa noong lapitan nya ako at halikan sa labas ng arrival area, pakiramdam namin ay nagsara yung mundo namin. At tanging kami lang ang naroon. At walang mahalaga kundi ang aming nadaramang pananabik at pagmamahal sa isa't-isa. Wala kaming paki-alam sa mga taong nagyayao't-dito sa loob at labas ng paliparan.

Napatingin ako kay Ellaine. Gusto kong itanong kung saan siya tutuloy dito sa Manila. " Gusto mo ba diretso tayo sa amin sa Bulacan?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.

" Huwag muna hon, baka mabigla ang mga tao sa inyo, ang mga anak mo..." Naiintindihan ko siya. Kailangan makilala muna siya ng mga anak ko. Kailangang ilapit ko muna siya sa kalooban ng mga bata.

" Sa Manila Pen mo na kami dalhin," Sabi ko sa driver ng taxi.

Muli nya akong hinalikan ng mabilis sa labi, tulad ng nakagawian niya. Pasimple na pina dadaanan nya ng haplos ang kanina pa na naka bukol na si manoy. "Naging tapat ba ito habang wala ako?" Bulong nya na itinuturo ang aking harapan. Napalunok ako. Naalala ko si Norie, ang kanyang 'pabuya', at si Kristine, ang kanyang pagpapa-ubaya .

"Di ka makasagot ah," Bulong nya uli. " Ituloy mo muna yung kwento doon sa sinasabi mo na ako ang 'ka tanan' mo," sabi ko na iniiwasan ko yung tanong nya. Muli siyang humilig sa dibdib ko at ipinagpatuloy ang kanyang kwento.

"Napagalitan po ako nung gabing iyon. Galit na galit ang tatang ko. Kinabukasan pinuntahan nya yung kumpare nya na kararating lang nung anak mula sa Saudi. Kababata ko yun at matagal ng inirereto ni tatang sa akin. Sabi mamamanhikan sila nung weekend na yun." Huminto siya sandali at iniyapos nya ang dalawang kamay sa balikat ko. Pumasok sa pandama ko yung init ng dibdib nya.

"Pero, hindi kita magagawang pagtaksilan, mister..." Natawa ako, at nahalikan ko siya bigla sa labi. Gumanti siya ng halik. Padampi lang sa labi ko. Pero sapat na yun para maglagablab ang pakiramdam ko.

" Di ba ikinasal ko na ang sarili ko sayo? Tinitigan nya ako. Nakikita ko yung driver na pasulyap-sulyap sa amin. Pero di na namin pinansin yun. Muling natigil yung kwento ni Ellaine ng huminto kami sa harapan ng hotel. Ibinukas ng driver ng Taxi yung likuran ng sasakyan at inilabas ang dalawang maleta ni Ellaine. Binigyan ko ng Limandaang piso yung driver. "Wala bang tip Boss?" sabi nito. "Keep the change," sabi ko.

" Di ba sobra yung ibinigay mo sa taxi" Bulong ni Ellaine habang naglalakad kami papasok sa kwarto na ibinigay sa amin ng Front desk. " Natawa ako. Batanggenya si Ellaine, pero hindi siya Batanggenya magmahal.

"Bakit natatawa ka kanina habang papasok tayo dito sa kwarto? May Naiisip kang kapilyuhan hano?" Sabi nya. Hindi ako kumibo pero bigla kong inilatag yung likod ko sa malambot na kama. Humiga rin siya sa tabi ko. Naka tingin kami pareho sa kisame. Napintahan ko na yung kisame namin sa Bulacan. Nag resign na ako sa trabaho ko. At naririto na sa tabi ko si Ellaine. Wala na akong dahilan para hindi maging maayos ang buhay ko. No more to and fro...wala ng larong hubo-tabo...

"Ano iniisip mo hon?" Tanong ni Ellaine na biglang bumalikwas at dumagan sa akin." Hindi mo yata ako na-miss." Kinurot-kurot ko yung pisngi niya. "Anong hindi? Miss na miss nga kita, tingnan mo o..." Kinuha ko yung kamay nya at idinakot ko sa naka-bukol na si manoy. Umangat siya ng bahagya at pinagtama yung noo ng hiyas nya sa ulo ni manoy ko. Ikiniskis nya ang hiyas nya kay manoy. Naka damit pa kaming pareho. Hinalikan nya akong muli sa labi. Inapuhap ng dila nya ang dila ko." Sure ka ba na wala kang hinalikang iba habang wala ako" Arok nya sa akin.

"Yung nasirang misis ko, syempre hindi lang halik..." Sabi ko. Lumabi siya. " Malungkot ako para sa kanya at sa mga bata." Nakita kong natigilan siya ng mapag-usapan namin ang namayapa kong kabiyak. "Nakahanda na ako na kasalo siya...sayo."

"Change topic tayo hon, " Sabi ko sa kanya ." Ligo muna kaya tayo? " Tinitigan nya ako. Nakita kong kumislap ang kanyang magagandang mata. "Iniimadyin mo lang dati na naliligo ako..." Sabi nya.

"Ngayon sasabayan mo na ako maligo? Mister—gusto ko yan..." At pinupog nya ako ng maraming-maraming halik. Sabik na sabik kami sa isa't-isa. Yung ilang buwan na aming pagkakawalay ay sinubukan naming masulit ng gabing iyon.

Pero di ko na ididetalye yun. Sa aming dalawa na lang ni Ellaine yun.

"Ituloy mo yung kwento mo kung paano ka ' nakipagtanan' sa akin at napunta ka sa Korea." Sabi ko sa kanya. Naka higa kami magkatabi. Wala kaming saplot pareho at tanging kumot lang ang nakatakip sa hubad naming katawan, Katatapos lang namin gawin yung mainit at masarap na pagniniig. Kinapa-kapa muna nya si manoy sa ilalim ng kumot.

" Malambot na siya hon..." sabi nya at muling dumapa sa harap ko.

" Sabi ko, ituloy mo yung kwento mo," Tumawa siya ng bahagya, at lumitaw ang nag-iisang malalim na biloy sa kanyang pisngi. Magkahawig sila ni Marie. Mas bata lang siya at walang dimple si Marie. Umangat siya sa pagkakadagan sa akin at idinikit ang ulo nya sa aking leeg.

"Matagal na akong nag-apply papuntang Korea, bago pa tayo naging mag textmate." Kwento nya uli. "Nung sinabi ni tatang na ipapakasal nya ako kay Ramon, naisip ko lumuwas agad ng Manila para doon i-follow-up yung application ko. Sabi mo kasi anim na buwan tayong hindi magkikita." Yumapos siya sa akin at inilagay ang hita nya sa ulo ng malambot na si manoy sa ilalim ng kumot. Tinititigan nya ako. Sinasalamin kung anong reaksyon ko. Pinipigil ko na huwag mag-react ang sandata kong walang pakundangan.

Nung parang hindi nya makita yung reaksyon ni manoy sa kanyang ginagawa, bigla siyang yumuko at ipinasok yung ulo nya sa ilalim ng kumot. Isinubo nya si manoy!

"Teka hon, nakikiliti ako. Ituloy mo muna yung kwento, please..."

Hindi nya ako pinansin, sinupsop nya ng sinupsop si manoy hanggang sa hindi ko na napigilan na tumingaro ito.

" Hayan, akala ko hindi ko mapapatingaro siya hon...Hihihi!" Sabi nya na humahagigik na parang nakagawa ng isang malaking obra. Hinila ko siya paitaas at siya naman ang nyapos ko ng mahigpit at inipit ko ang kanyang kahubaran sa king mga binti. Saka muli kong inapuhap ang kanyang mga labi. Kapwa kami naghahabol ng hininga ng bitawan ko ang kanyang malambot na mga labi.

Nag pormal siya habang hinahabol ang kanyang paghinga at muling yumapos sa akin.

" Akala ko matitiis kita, kasi natiis mo ako..." Sabi nya na nilalaro-laro ang isang utong ko.

" Pero , tinext kita, sinubukan ko kung magugustuhan mo ako sa ibang katauhan." Sabi nya.

" Pero pakipot ka eh..." Sabi nya na naka-labi. Natawa ako.

"Ako? Pakipot ?" Humarap ako sa kanya. Nakatagilid kami paharap sa isa't-isa. Tumango siya.

" Nung una tayong magtext pag sinabi kong maliligo ako, magtitext ka agad ng puro kapilyuhan, pero nung si Eden ako, hindi mo ginawa..." Niyakap ko siya, Hinalik-halikan sa buhok, sa pisngi, sa labi.

"Look hon, dapat matuwa ka nga kasi naging tapat ako sa ala-ala mo," Parang naramdaman ko may bumatok sa akin. Pakiramdam lang. Kasi paanong 'tapat' eh tinanggap ko ang 'pabuya' ni Norie at ang 'pagpapaubaya' ni Kristine.

"Yun nga. doon ko na realize talagang love mo ako...Kinilig nga ako nung sabi mo broken hearted ka nung malaman mo na 'nagtanan' ako..." Kumunyapit siya s leeg ko at pinupog ako ng maraming-maraming halik.

So, ako yung 'katanan' nya na alam sa kanila sa Batangas. Sabi nya , tiyak galit na galit si tatang—nya sa akin. Kaya wag daw kami uuwi sa kanila ng wala kaming dala na 'apo' para sa tatang nya. Yun lang daw ang magiging sandata namin laban sa galit ng kanyang tatang.

Isang linggo lang siyang nanatili sa hotel mahal ang bayad doon. Inilipat ko siya ng mas murang apartment na pansamantala nyang tinuluyan. Pagkaraan ng isang buwan isinama ko siya sa bahay sa Bulacan. Papasok kami ng gate parang nag-aalangan siya. Maaga pa noon. Umalis kami ng madaling araw sa tinutuluyan nyang apartment na kinuha ko para sa kanya. Doon ako natutulog pag Sabado.

Nagulat si Aling Millen ng buksan ang pinto makaraang pinindot ko yung doorbell. May susi ako sa gate namin sa harap. "Magandang umaga po sir," Sabi nito na parang natataranta ng makita ang aking kasama. Pinaupo ko si Ellaine sa sofa sa sala. Iginala nya ang kanyang mata. Parang kinakabisado ang bahay namin." Maghahanda lang po ako ng almusal sir," sabi ng masipag naming kawaksi sa bahay. At nagmamadali na itong bumalik sa kusina.

" Gusto mong mag-kape Hon?" Alok ko kay Ellaine. Parang namamalikmata siya. Nang tumayo ako para pumunta sa kusina, tumayo din siya at kumapit sa braso ko. Nadatnan kong inihahanda na ni Aling Millen yung lulutuin nya. Nang kinuha ko yung dalawang tasa mula doon sa lalagyan nito, kinuha ni Ellaine yung dalawang tasa sa kamay ko.

"Ako na hon, ako na magtitimpla ng kape." Hinalikan nya ako sa pisngi, na hindi nakaligtas sa paningin ni Aling Millen. Yumuko ito at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng gulay. Naka-upo kami sa garden set ng terrace ng hindi namin namamalayan ang paglapit ni Jenn. Nakatalikod ako at si Ellaine sa pinto ng terrace. Nakatanaw kami sa ibaba sa hardin ni misis habang sinisimsim namin yung tinimpla nyang kape.

"Mommy!" Yumapos ito sa likuran ni Ellaine. Nagkatinginan kami ni Ellaine. Humarap siya sa anak ko. Yumakap ito sa kanya at hindi tumigil ng paghagulgol. "Mommy..." Napagkamalan ni Jennifer na ang mommy nya si Ellaine. Magkasing katawan sila ni Marie. Bahagya lang mataas si Ellaine. Pero magkahawig sila talaga. Nagulat ako ng sumulpot pa yung dalawang anak ko. Nakatingin lang si Pam kay Ellaine na yakap-yakap ng humahagulgol na si Jenn. Nami-miss ng bata ang kanyang namayapang ina. Nakita kong tahimik na umiiyak na rin si Ellaine, habang yapos yapos ang aking anak.

Lumapit si Cindy sa dalawa at hinila ang kapatid. "Hindi si mommy yan Jenn, wala na si mommy." Sabi ni Cindy sa kapatid at tinitigan si Ellaine, na pinapahid yung luha sa pamamagitan ng kanyang palad. Iniabot ko yung panyo kay Ellaine. Tumingin siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Hilam sa luha ang kanyang magagandang mata. Yumuko ako para itago ang pagka-hilam ng sarili kong mga mata.

Tumakbo si Pam sa tabi ko at yumakap. Sumunod yung dalawa. Agad kumandong sa akin si Jenn. Si Cindy naman ay lumapit kay Ellaine. "Friend po kayo ni Daddy?" Usisa ni Cindy kay Ellaine. Tumingin sa akin si Ellaine, bago ibinaling yung tingin kay Cindy. Tumango siya. Lumapit si Cindy kay Ellaine. Umikot.
"Kamukha mo si mommy, kapatid ka ba nya?" Sabi nung makulit kong pangalawa. Si Pam ay naka-tingin lang. Hindi ko alam kung ano ang iniisip. Umiling si Ellaine.

" Friend kami ng Daddy mo... Pero di kami magkapatid ng mommy mo."

Nang araw ding iyon dumalaw kami sa libingan ni Marie. Isinama ko si Paz para maisama namin si Albert. Hiniram ko yung kotse ng bunso kong kapatid . Kalong ni Ellaine sa harapan si Jenn na parang ayaw ng bumitaw kay Ellaine. Karga-karga naman ni Paz yung bunso ko. Si Cindy, ay laging naka dukwang sa kapatid na bunso.

Sa loob ng libingan, namayani sa amin ang katahimikan. Naupo yung tatlong mga bata sa damuhan kung saan nandoon ang pangalan ng kanilang mommy na naka-ukit sa batong marmol. Umakbay sa akin si Ellaine. Hindi ko alam ang kanyang iniisip. Ako, iniisip ko si Marie. Ang aking mga kasalanan sa kanya. Sana kung totoo na may kabilang buhay, ay higit siyang maligaya doon. Biglang umingit ng bahagya si Albert na karga ng kanyang yaya. Tumingin sa akin si Ellaine. Ngumiti ako. Parang nakuha nya ang ibig kong sabihin. Ibinaba nya ang hawak na bulaklak sa tabi ng lapidang marmol ni Marie. At bumaling siya sa yaya ni Albert. Kinuha nya si baby. Kinarga, at hinalikan nya sa may bandang ulo. Tumigil ito ng Pag ingit. Tumayo si Pam at lumapit kay Ellaine. Kumapit ito sa braso ni Ellaine. Parang nahulaan ni Ellaine yung gustong gawin ni panganay. Yumuko siya ng bahagya para maabot ni Pam ang bunsong kapatid. Maingat na dinampian ni panganay ng halik ang pisngi ng bunsong kapatid. At sumunod yung dalawa.

" O, dahan dahan ang paghalik, baby pa yang si Albert," Sansala ko sa dalawa. Nagkatawanan yung tatlo nakatingin kay Ellaine. Yumapos si Jenn sa bewang ni Ellaine. Tumalikod ako sa kanila gusto kong itago yung pagkahilam ng mata ko.

Dalawang taon ang matuling lumipas. Dalawang taon at anim na buwan na si Albert. Limang taon at anim na buwan na si Jennifer. Nasa grade one na si Cindy. At papasok na sa nine year old si Pam. Nasa loob kami ng Cathedral. Nakaluhod kami sa harap ng altar. Tahimik akong nakaluhod, at kinukurot-kurot sa tagiliran ng aking katabi. Mga tatlong taon na ang nakakaraan, binabalik-balikan ko sa ala-ala noong nakaluhod kaming dalawa at 'ikinasal' nya ang kanyang sarili sa akin. Umiiyak siya noon. Umiiyak pa rin siya ngayon.

"Babae, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong dibdib ang lalaking ito? " Hindi sumagot si Ellaine pero niyakap nya ako at pinupog ng maraming-maraming halik. Isinara namin ang aming mundo sa karamihan tulad ng ginawa namin sa arrival area sa airport."

"Hindi na nila kailangang sagutin..." Sabi ng nangingiting pari.

" I now pronounce you husband and wife—sige ipagpatuloy nyo na yung halikan nyo!" Natawa kami pareho at muling niyakap ko si Ellaine naramdaman ko yung pagyapos ng tatlo naming flower girls. Yung gwapo kong ring bearer ay kinarga ko.At inihagis ni Ellaine ang hawak na bouquet... hindi ko pagsasawaang pagmasdan at mahalin si Ellaine, ang aking si Eden, ang aking forever....

The End--